Paumanhin

Hello, ka-blogs… Pumanaw po ang aming tiyahin, kapatid ng father namin. Magluluksa lang po muna kami, sa isang araw na ang naipangakong post. Hinihingi ang inyong paumanhin sa pagkaantala. Salamat… 

Sana kayo ay nasa maigi. Best regards… 🙂

sa mga ka-blogs na nang-ookray…

 

Kumusta kayo? Sana, kayo ay nasa mabuti. Sana, nakakatulog kayo at nakakain ng ayos, hindi nga… Alam ko, the last two months and three weeks has been stressful para sa inyo. Sa akin din. We’re on the same boat, ‘ika nga… Ay, masyado yata kayong nag-worry sa sabi ni biatch sa Sampol ng Astig na Disclaimer post, na pwede kayong ihabla sa mga sinasabi at pinaggagawa nyo.

 

Nagbibiro lang ‘yong tao, kayo naman… Kaya nga nya sinabing sampol lang. Ang bilis nyo naman kasing mag-react. Kung ako sa inyo, nagpunta lang me sa site nya at nagtanong – libre naman. Sus, pag sa opis  nya kayo pumunta, may bayad na, hehe. Oo, billable hours tawag. Maski tawag lang sa phone ng kliyente para magtanong, kahit 5 minutes lang, me bayad. Medyo gano’n ata talaga… Pero sa site nya, libre consultation, pwera biro.

Sa akin, ba’t di kayo nagtanong? Di nga… Pwede rin ‘yon at libre din, hihi. Ey, pwede sadya. Kayo kasi, parati nyong sinasabing suplada ako, di nyo pa naman nasusubukan. Ay, mabait daw me, sabi-sabi. Pwede nyo akong tinanong, ano ang nagustuhan ko sa Sampol post… E, di sana, sinabi ko sa inyo, ang gamit ng “good” sa akda, cherry. That cute, little touch – parang cherry sa cake or beverage? Yon. Tapos, yong image ng dila sa bandang huli? Substitute ‘yon for the word, “Beh!” Ayon, medyo maldita ang pagkakasulat nya ng nasabing post, kaya ko nagustuhan. Ayyy, hwag kayong magagalit, naman.

 

Hindi ako galit sa inyo, pramis. Ngayon ko pa makukuhang magalit, mahigit three and a half years nyo na akong ino-okray? Aba, e, parang napamahal na rin kayo sa ‘kin, ‘no? Kayo na nga lang nagba-backread sa posts ko, maski sabihin pang marami ro’n, parang di nyo naiintindihan. O, iba ang inyong pag-intindi, parang… Alam nyo kasi, noong first year ko lang sa blogging may apat yatang ka-blogs na nag-backread. Tapos no’n, wala na. Kayo na lang ang matyagang sumusuyod sa mga naisulat ko para maghanap ng slips of the tongue, hidden meanings at anik-anik – para ma-deconstruct ang nagsulat na etchoserang blogger.

O, e, kahit pa? Backreading pa rin ‘yon, interest pa rin ang ibig sabihin. Why, I cannot say that for others. Other bloggers, I mean. Sila, most of them, nagtitingin lang pag me update. Pag wala, lipad na, ahihi. Kaya ‘yon nga, lab ko na kayo. Kasi naman, parang lab nyo na rin mga panulat ko, nasa-sad na kayo pag walang bagong post. Feel na feel nyong magpatalon-talon sa tatlong sites at magtingin kung may bago. Mas tanda nyo pa nga sa ‘kin ang mga naisulat ko, pati comments (hakhak, peace!). Namamangha ako ro’n, pag minsan. Di ko akalain.

 

So, wala kayo dapat ipinag-worry. Ewan ko sa inyo, ang bilis nyo naman kasing mag-jump into conclusion. Tapos, react kaagad. React lang ng react, hala, sige! Tapos ‘yon, wala kayong patawad, if I might say. Gusto nyo, top of the hour news kaagad palagi. Ba’t ba hindi kayo makahintay, ha… Hindi kayo nag-undergo ng marshmallow test? Hindi nga… Ay, me kwento pala ako sa inyo. Pang-inyo lang, oo.

Nagkita kami ni college friend na nag-encourage sa aking mag-blog. Bale, three years syang di nagpakita, hehe. Sabi nya, nalimutan daw nya akong i-warn – puro millennials (Generation Y) daw karamihan sa bloggers at walang paki sa grammar. If only for that daw, babastusin me at susunugin ang pwet sa online. Sus, ang aga ng warning nya, hahaha.  Ayon, inilibre nya ako sa Italian restaurant sa Ayala Park, as proof of her remorse.

 

 

Eniwey, enough of the small talk. May impeachment daw na naganap sa online? Di nga? Ay, ba’t di nyo me isinali? Kainaman kayo. Sus, ako ‘tong nag-Congress, pambihira… Ay, may slight akong alam sa impeachment case kay President Estrada, slight as in… In the slightest degree, me alam din me sa impeachment case against Pres. Arroyo.

Nagkataon, may inaayos me no’n sa Office of the Secretary General ng House of Reps. Ayon, na-witness ko (ahem) pag-receive ng opis nila sa impeachment case against PGMA. O, di ba? Hihihi, stamping lang yon, mga kapatid, stamp ng received? O, yon… Kaydami ng media pipol no’n sa opis ni Sec. Gen, iba-ibang anggulo ang pagkuha ng pag-i-stamp, aliw panoorin… Basta, isinali nyo me dapat … Ang daya, kayo-kayo lang?

 

Ay, teka pala. Ano ‘tong balita, ako raw ang subject ng impeachment? Di nga, as in, di nga? Ay, bago yon. Alam nyo kasi, in my entire life, as in entire, di pa me nagiging president ng anumang organisasyon. Officer, pag minsan, tinatanggap ko. Pero never na president. Hmn, the last time I was elected to a post, 13 years ago pa. Sec. Gen yata ng isang group…

Parang di naman kami nag-meeting, parang panay videoke lang ginawa namin, hahaha, sa Timog at Quezon Ave.? Oo, medyo gano’n’ yon (ba’t ko ba ‘to na-bring up?). Basta, in my recollection, di naman ako na-e-elect sa any post dito sa blogworld. Hindi. Maski election in absentia, wala akong nabalitaan… Bilang blogger, kahit Lupong Tagapamayapa, di naman ako na-elect.

 

So, so, so, paano ako magiging subject ng impeachment case??? Paki-explain. Lab yu.

 

Teka pala uli, bago kayo magulumihanan ng bongga, meron muna akong paglilinaw, baka makatulong. Hindi namin pinag-usapan ni biatch ang Sampol post. Hindi ko hiniling sa kanyang magsulat siya ng ganoong post. Hindi po. Kanya ‘yon – kanyang concept, kanyang content, kanyang approach, kanyang rendition, kanyang detalye, kanyang nuancing  – kanya lahat. Pati decision to publish and when, kanya.

Nalaman ko rin lang post, noong mabasa ko as published sa site nya – same time naging available para basahin ng lahat, owki? Sowww, wala kaming prior agreement or collusion or unawaan ni lawyer-kablog – para mang-okray pabalik – ng ka-blogs na nang-ookray. Wala, mga kapatid, maari nyo itong i-verify. May documents din – kailan kami huling nag-email, anu-ano pinag-usapan  – sakaling may interesado banda roon. May naitulong, ka-blogs? Nagta-try lang… Baka sakali, you know?

 

Ay, cool lang kayo, napag-uusapan ang ganito. Ayon, ang scenario illustrated sa Sampol post, 10 times more, 10 times worse ang ginagawa nyo noon sa akin. Kumbaga, mild ang nasa sinulat ni biatch. Ay, sus, hindi pa nya sinabi roon ang hacking, pagpapadala ng viruses, bots, porn materials, tracking via Google,  iba’t ibang anyo at klase ng harassment and surveillance, paggawa ng caricatures para laiitin ng todo-todo at ipasa sa marami sa online, pagre-report ng madalas at ng marami kay Mr. Google para sabihing unfit, offensive or downright pornographic ang sites maski hindi, pagre-redirect ng SEO, pag-block sa traffic ng URL entirely at pagra-rasyon ng Statistics ng sites – hmnn, mga bagay na three and a half years nyo nang ginagawa sa akin, sows…. It seems, barely scratching the surface ng cyberbullying ang illustration ni lawyer ka-blog. Ayon lang, sinamahan nya ng sabi, warning, about subpoena. Pilya rin, kainaman na… E, abogado naman sya, alam nya sinasabi, palagay ko…

 

E, yun pa, nabalitaan ko rin, nangampanya raw kayo sa bloggers… Kampanya tungkol saan? Di nga, curious lang me, di naman masama yon. Sus, sana isinama nyo rin me, may experience me sa mga ganyan. Oo, pramis. Hmnn, marunong me gumawa ng slogans, yong catchy… Saka, sanay rin me magpuyat, hehe. Tapos, magkausap ng tao, mangumbinsi ganyan… Tapos, meeting-meeting, usap-usap, gawa-gawa ng plano.

May phasing palagi, pag gano’n… Pero una muna, dapat ilalatag ang simulain, ‘yong tipong itatanong mo sa team, “Bakit tayo naririto? What do we hope to achieve?” Ahihi, pinapatawa ko lang kayo, kayo naman, masyado kayong nerbyoso. Relax, magkape muna. Ay, yon pala peyborit ko sa campaigns, libre endless na kape, hakhak. Tapos, maraming kakwentuhan, katsikahan…

 

Hindi nga, ba’t nyo hiningi ulo ko sa bloggers, nag-like lang naman ako? Totoo naman mga sabi ni lawyer-kablog sa post. Oo, gano’n na gano’n gawain ng groups na nang-ookray – nanlalait, naghahanap ng kapintasan at kapalpakan ng ino-okray, tapos pagtatawanan, pagtsi-tsismisan sa iba’t ibang platforms, sa conversation hubs at sa social networks. Ay, di ba nga, ganyan morning fix nyow, afternoon fix and before-umuwi fix? Hohoho, come on…

Ayon lang, di tulad ni lawyer-kablog, in four years, di ko nagawang gumawa ng post na sing-astig ng sa kanya. Anong ginawa ko? E, di, gumawa ng additional sites – ang lame lang, true. Naman, iwas-pusoy ang lola nyo. Naging tatlo swamps na tinatalunan – para panindigan sabi nyong etchoserang frog lang ang blogger dito. Ay, gumawa rin pala me ng marami-raming posts na wala lang… panay plea for tolerance lang posts na nailathala, oo. Alam nyo mga ‘yon, kayo masisipag mag-repaso ng nasabing articles, hoho.

 

Siyanga pala, na-hurt daw kayo sa sabi ni biatch na “di tayo lebel?” Hmnnn, ang sensitive nyo naman, para namang di kayo sanay mang-hurt (peace!)… Di nga, anong inisip nyong ibig sabihin ng lebel, ka-blogs? Economic status, social standing at taas ng pinag-aralan? Sows, ang layo. Di iyon ang ibig nyang sabihin… Ewan ko, pero ang gets ko, ibig nyang sabihin, di siya below the belt tumira at patago ang sistema ng atake, yown. Kumbaga, sinasabi nya, patas sya kung lumaban. Tapos, kayo, hindi.

 

Subukan muna kaya ang letter to the parents, tingin nyo?

Parang mataas masyado pag subpoena ang ipinadala sa inyo. Baka sasapat na letter to the parents, di nga… / http://www.sd22.bc.ca

E, hindi naman nga, para kayong multo – nararamdaman, pero di nakikita. Pero di kayo kasing-cute ni Casper, ha? At least, yong pinaggagawa nyo, di ipagmamalaki ng inyong mga magulang. Actually, maski di pa subpoena ang ipadala sa inyong mga bahay, letter to the parents lang, pwede na, as in… Malaman man lang nila gaano kagaganda at ka-exemplary ang online behaviors nyo. Kayo ba, e, hindi nagre-reflect reflect, kahit paminsan-minsan lang, ha…

 

Kung ako ang inyong tatanungin, di naman nga tayo magka-lebel. Mas mataas kayo, kayong nasa grupo ng mga nang-ookray. Mas mataas kayo kaysa kay lawyer ka-blog, sa akin at sa lahat ng iba pang bloggers, oo. Paano at bakit? Simple, dahil dalawa ang set ng rights and powers na mayroon kayo, yon. Mayroon kayong individual rights bilang bloggers and may group rights and powers kayong ibinigay sa inyong mga sarili. Tama o tama, ka-blogs?

Sa mga kilos at salita nyo, sa activities nyo, sa dami ng liberties na kinukuha nyo – at the expense ng ibang bloggers – tila kayo ay above and beyond the usual, regular and ordinary bloggers. Yon. Tapos, ang lakas ng loob nyong kampanyahin ang iba at sabihing kesyo kayo ang inaapi at minamaliit ng post ni lawyer-kablog, na ni-like ko at kanyo ay ini-endorso? Ay, sus, hindi ba dapat i-endorse ang idea na paalalahanan kayo, most of the online things you do, hindi maganda, di dapat pamarisan?

 

That most of the things you do online, criminal acts and punishable by law… Ay, hwag kayong magagalit, concerned lang. Nito-nito nyo lang naisip, nitong lawyer ang nagsabi? Sus, sinasabi nya yon bilang blogger, bilang blogger na nabiktima rin ng pang-ookray…  Ewan ko rin lang, ha? Pero si lawyer-kablog, practicing journalist din, sa pagkakaalam ko. May radio program sya, two nights a week, nagbibigay ng legal advice sa listeners. Wari, pamilyar sya sa mga kalokohan at katarantaduhan ng mga tao, ahaha.

Palagay ko, isa pa nyang ibig sabihin sa di-lebel – ang cheap methods na ini-employ nyo madalas. Una, ang paglalagay ng sexual slurs sa posts ng ka-blog na inyong nababasa, yon. Bisyo nyo na iyang gawin. Tapos, ikakabit nyo agad sa pagkatao ng ka-blog na nagsulat. Tapos, umpisa na ng character assassination ng ka-blog na di nyo pa nakikita. Gawain ba iyan ng matino? Naitatanong lang…

 

Pangalawa, pangatlo at pang-apat – ang muckraking, mudslinging and virtual hazing na paborito nyong gawin sa inaraw-araw, year in and year out. Ang muckraking… sige, subukan nyo muna i-Google… Yon, ang muckraking ay kasama sa malpractices ng journalists. Nakow, inaaral yaan sa eskwela ng Journ majors. Ang dami pa ring gumagawa… Paghahakot ng dumi ng taong nakukursunadahan o kinaiinisan, siyang ipapalaman sa group conversations – umaga, tanghali at gabi.

Nakakalungkot… Nakakatakot din, pag inisip na ang consequences ng ganitong acts. Mga kapatid, maigi, magbasa kayo ng materials about wiretapping para malaman nyo gaano kadelikado ang muckraking – kahit pa sa legitimate journalists. Pagsasaboy ng putik naman ang mudslinging… E, siyempre, di nyo ito magawa ng personal at malapitan dahil secret nga identities nyo, sus.  So, kuha kayo ngayon ng litrato, online image o gawa ng caricature nitong taong ino-okray – siyang sasabuyan at sasaltikin ng sangkaterbang putik.

 

Masaya ba kayo pag ginagawa nyo yaan? Di nga… Di nyo naiisip, may tao sa kabilang dulo – may ka-blog na na-o-offend, nasasaktan, nagsa-suffer ng kahihiyan? Ka-blogs na nang-ookray, may totoong hiya at reputasyon ang isang tao, bukod sa online image at reputation nya. Magkarugtong ang dalawa, di pwedeng divorced… Ang ka-blog na tinatapunan nyo ng dumi at binabastos sa online conversations – may totoo syang pamilya, mga kaibigan, kasamahan, kaopisina, mga naging kaklase, kasama sa choir, katsika sa tambayan at iba pa.

Sinuman sya, may mga taong totoong nakakakilala at pag minsan, nakaka-appreciate din sa kanya – gaano man sya nakakainis, etchosera o ka-epal – sa paningin nyo… Palagay nyo, libre lang, lahat pwede nyong gawin? Parang pag-i-slash lang ng prutas sa Fruit Ninja sa tablet? Weh? Paalala ni lawyer-kablog, hindi.

 

Kung may hazing sa totoong buhay, meron din sa online or sa virtual

Di siguro masamang itanong, mas mataas thrill ng hazing pag sa online? / http://www.philstar.com

Hazing in a virtual setting… mas mataas thrill ng hazing pag sa online? Curious ako, ka-blogs… Lilituhin, sasaktan, lalaitin, ipapahiya ang tao, saka kakamayan at yayakapin para maging kalupon, kapanig o kabagang. Hazing sa totoong buhay, medyo ganyan… Paano pag virtual, absent ang ihi-haze? Binibigyan man lang ang ka-blog ng notice? Alam nyang daraan siya sa mahalagang ritual, rite of passage – sa isang exclusive na grupo? Or, in absentia lahat-lahat? Asan naman ang thrill do’n? E, di hindi man lang makikita kung namimilipit o hindi ang hini-haze, kung napapaiyak, kung naha-humble, kung nagmamakaawang tapusin na? Paano nga…

 

Doon sa ginawa nyo sa virtual identity ng blogger dito, paano? Ipinahila nyo muna sa kabayo, parang sa movie ni Lito Lapid, saka dinala sa liwasang-bayan para marami makakasaksi, gano’n? O, ipinabaril nyo sa Luneta, habang pigil ang hininga ng mga nanonood? Inilagay nyo sa elevated platform, saka sinindihan, lahat sa audience pwedeng magbato ng sulo? A, e, pasensya, alam nyo naman, marami masyadong pelikulang napanood, ahihi.

 

Bakit kayo nanlumo at natakot pagkatapos? Hindi ba kanyo, may simulain kayo, dapat ipaglaban? Sabi nyo, representative kayo ng lahat ng bloggers, na threatened kanyo ang lahat dahil inambahan kayo ng habla ng isang ka-blog na arrogant at nangmamaliit ng bloggers? E, bakit, nang-ookray din ba ang ibang bloggers, ang mas marami? Parang hindi naman… Tsinek nyo muna kung nag-usap kami ni lawyer-ka-blog? Kung may agreement kami bago ang lahat? Tsinek nyo, ano ibig sabihin ng di-lebel? Nagtanong man lang kayo?

Sometime sa ranting and raving nyo, sa gitna ng panawagan sa blogging community against “arrogance,” sa kasagsagan ng kampanya ninyo – naisip nyo man lang – hindi ako ganoon, di ganoong magsalita, di ganoong magsabi, never ko kayong pinagsalitaan sa ganoong himig? Siguro, baka… Nakita ko, binalikan nyo previous posts dito. Kaya lang, tila mas nanaig ang instinct nyo as paparazzi… Feel nyo, time na “to expose the big betrayal?”

 

Alam nyo gaano ka-brilliant post ni biatch? Brilliant talaga… By saying, “You don’t exist to me!,” napa-exist nya kayong nang-ookray. Para syang nag-wave ng magic wand, hihi. Nag-apir kayo mula sa inyong mga lungga at nagsipag-aklas. Ginamit nyo lahat ng networks and powers – para gisingin at pagalitin – maski ‘yong nanahimik na bloggers. Ayon lang, ang meaning lang noong sabi nya, “Beh! Di ko kayo papansinin!” Ayon lang… At parang may sense naman.

Ayon lang, sa ibang ka-blogs kayo nag-apir at nagpakilala. Alam na nila ngayon – sinu-sino kayo… Hindi sa akin, di kay lawyer-kablog at di sa ibang bloggers na na-okray ninyo. Secret pa rin kayo, as groups… And in many senses, doon nag-uumpisa problema, if I might point out… Sa secrecy galing ang seemingly unlimited powers and lakas ng loob nyong mang-okray. Doon din galing takot nyo, baka kayo maihabla. Doon din nagmula inyong dilemma – after the ultimate hazing na ginawa nyo sa virtual identity ko…

 

E, ang gusto nyo sana, impeachment para mukhang may moral grounds, saka mukhang procedural ang lahat-lahat. Nagi-gets ko ang parte na yon, ka-blogs, don’t worry… Yon lang, kako nga, sana sa akin kayo nagtanong. Malay nyo, may maitulong. Oo, kahit pa ako ang subject ng “impeachment.” Ayon lang, ayaw nyo ngang pakilala sa akin, paano naman ‘yon?

Sana nasabi ko sa inyo, recall proceedings lang ang ginagawa pag ang gusto ay bawiin lang ang boto o pagsuporta sa nakaupo. Oo, hihi, ganoon ‘yon. Halimbawa, sa Governor, recall lang – parang babawiin lang ang boto. Pag sa sensitive national positions, doon ina-apply ang impeachment proceedings. Pwede nyong tingnan sa Constitution natin alin-aling national positions ang covered ng impeachment. E, andito na rin lang, sasabihin ko na ilang points, I hope you don’t mind…

 

 

Ang impeachment ay ang proseso ng pagka-cast ng doubt sa fitness and integrity ng occupant ng high office. Inihahabla at isinasalang sa pagdinig ang nakaupo sa mataas na posisyon, para protektahan ang sanctity (sanctity sadya ang term) ng tanggapan o opisina. Pag impeachment, dalawa ang itinataguyod, mga kapatid at kabagang…  ang public trust ng naghalal o electorate sa inihalal sa office (high official) at ang boto or franchise na ibinigay ng mga tao. Pag sinabing franchise, permit to hold office or to conduct business, yon.

Noong lumang panahon, ang franchise for any business, private or public, sa hari o sa governor lang pwedeng kunin. Nitong may universal suffrage na o allowed nang bomoto ang lahat ng nasa edad, ibinigay na ang power to give (public) franchise sa taumbayan. Wala pang isandaang taon ang universal suffrage sa history ng mankind, my friends… Pag recall, babawiin lang ang franchise. Pag impeachment, unang binabawi ang trust bestowed ng electorate o ng public- at- large.

Kapag ang lider ay nagtaksil o tumalikod sa simulain, ang charge sa kanya, treason, ka-blogs. Ang ganito, pag panahon ng gera… Pag peacetime, ang unang charge lagi, betrayal of public trust since impeachment na ang tool na ginagamit (sa lipunang may claim na democratic ang set-up o pamahalaan). Pareho sila in the sense na may “betrayal” na ipinupukol sa namumuno o sa lider.

 

Mga kapatid at katoto, impeachment man o recall, ang unang premise, dapat may gobyerno. Hihi, pamahalaan ba? So yon, kailangan may gobyerno, may opisyal at may inihalal para pwedeng mag-impeach… Ka-blogs na nang-ookray, saan nyo nakuha ang idea na impeachment ang nangyari, gayong hindi naman tayo formally constituted as a General Assembly or electorate dito sa WordPress? Hindi nga… Huwag kayong magagalit, pero amazed ako…

May pamahalaan tayo rito? May mga nahalal na, may mga posisyong naka-define ang rights, powers and duties? Parang wala naman akong nabalitaan… At yon pa, pag impeachment, malinaw sinu-sino ang naghahabla, ang ihinahabla and definitely, may right to be heard and to defend himself, ang subject ng impeachment… Ay, ayaw ko kayong saktan o ipahiya rito sa mga paliwanag, ha… Ingat na ingat ako at diplomatic ang phrasing sa tuwing magsusulat ng blog about blogging. Plea for tolerance nga? It seems, di nag-work…

 

Ang ginawa nyo, iba ang tawag do’n. Oo, iba, ipagtanong nyo… Mas malapit yata iyon sa idea ng swift justice. Hindi ako magtataka, sa inyo ko madalas marinig expression, “Isalya na iyan!” Ganoon, ka-blogs, huhusgahan na, agad-agad? Ni walang notice of hearing, ni walang identity or personality ang nagtsa-charge at ni hindi ipinag-alam ang ihinahabla… Katarungang matatawag? Kayo sumagot. Maski recall proceedings, di mag-a-apply in this instance. Bukod sa wala pa naman tayong gobyerno, walang boto man lang na pwedeng bawiin, walang basis ang pagmamarakulyo nyo. Yon.

Wari ko, wari lang naman, ang nangyari ay pagpapatuloy lamang ng dati nyo nang ginagawa – paninirang-puri at pagsira sa katauhan ng isang blogger na kinaiinisan. Tila nagsama lang kayo ng iba this time – ibang bloggers na di naman kasali sa cyberbullying activities nyo dati… Call for popular support na matatawag campaigns nyo? Apparently, what happened was but a fitting conclusion to your unethical, unlawful and possibly criminal activities sa online media. Kayo magsabi, ang naisiwalat ba pagkatapos ay ang ino-okray o ang mga nang-ookray?

 

Usapang accountability, mga kaibigan – papapanugutin ang opisyal na pinagkatiwalaang naging tiwali. A, e, hindi ako opisyal, mga kapatid… At ano naman ang “katiwalian” na ginawa ng blogger – nag-like? Sus. E, sabihin mang naniniwala kayo sa blogger dito, may regard na kayo sa mga panulat ko, may pagtatangi bilang kanyo mas fluent than average blogger – walang naging concrete expression, ka-blogs… Unless, sasabihin nyo, ang blogger na ino-okray ay accountable sa kanyang lurkers cum haters?

Sa pagkakaalam ko, ang kaparaanan ng pagsuporta o pagtanggap ay ang like, comment at follow (subscription). Paano ‘yon, di kayo nagla-like, di naka-follow at di nagko-comment??? Ayon marahil ang paliwanag, bakit tila wala kayong mabawi… At habang nasa paksa tayo ng accountability, WHO AND WHAT IS TO HOLD YOU ACCOUNTABLE? Sa grupo nyong pirming ang gawa ay manira ng kapwa, sino ang magpapanagot sa inyo at paano? Paano kayo rerendahan, paaalalahanan at susupilin sa mga di-mabuti nyong gawain at gawi sa online?

 

Wala tayong group rights dito sa blogging, my friends… Puro individual rights lamang lahat ang ibinibigay (to create a domain or several, to read posts of others, to write and to publish own posts, to comment, to like, to tag, to follow or to subscribe).  May links si Mr. WordPress sa ibang platforms and networks at maari natin silang gamitin to popularize and to improve the exposure of our individual sites. Ganoon pa man, as individual bloggers pa rin gamit, hindi bilang grupo, sa pagkaintindi ko…

Sabi ni Mr. WordPress sa orientation page, pag di nais ang nilalaman ng isang site, huwag i-follow. Sabi pa nya, maigi, huwag nang puntahan o dalawin, para hindi magasgas ang pakiramdam pag nagbabasa. May option tayong mag-unlike ng post, sakaling di pala sang-ayon sa sabi ng ka-blog. At kung tama kuha ko, ang ultimate withdrawal of support (mechanism) na available sa atin, ang pag-unfollow – pag ayaw na sa site o sa blogger na sinusundan. Individual rights, mga kabagang, walang provision para sa grupo…

 

Ewan ko lang, pero hindi cool ang ginagawa nyo

Sama-sama together kayong nang-ookray sa panlalait at paninira ng kapwa bloggers? / hannaslifeiscool.blogspot.com

Mabalik tayo sa inyong mga ka-etchosan. Ay, true, etchosera rin kayo, sus. Baka ang pwedeng itawag sa inyo, etchoserang frogs – in concert. Grupo kayo, kaya, in concert. Hindi naman marahil sasama ang loob nyo, sakaling kayo ay mabansagan din.  Anlagay, ako lang ang nang-i-etchos dito? Lahat tayong bloggers, kung tutuusin… We are making claims sa ating entries o mga panulat – gaano man ang mga iyon kaiiksi o kahahaba, kapapayak o kakokomplikado, ka-realistic o ka-fantastic. Claims lamang sila…

 

Hanggang wala o iilan ang nagva-validate sa kabilang dulo – sa mambabasa – mananatili lamang silang claims o ka-etchosan, sa palagay ko. Raw data lamang sila, bits of information, in the worldwide, vast universe of information, available sa maski sinong online, sa interesado o maging sa naligaw lamang… Gaya ng sabi ko rati, walang sinuman sa atin ang kagyat pwedeng humusga, magsabing siya ang may higit na claim sa kanyang virtual space, ang higit na may karapatan at siya lamang ang dapat naandito.

 

Isa sa paborito nyong gawin, ang mang-raid ng Statistics ng ka-blog na ino-okray. Paano ang ginagawa nyo – nag-uusap muna, may caucus, bago ibagsak ang Stats ng site ng ino-okray – para gawing 30% lamang ng karaniwang traffic? 10%? 5% ? O, pag sinasama, 0% o walang traffic… Paano iyon, kablogs? Pakiramdam nyo, kayo si Robinhood, nagre-reallocate ng resources? Hindi nga… Kayo ang magre-regulate – kung mataas, katamtaman o walang viewership ang site?

Pag may hindi kayo nagustuhan sa post o sa comment ng ino-okray, kaagad nyong babanatan ang Statistics niya? Nagdi-dispense kayo ng katarungan at pagkakapantay-pantay, sa lagay na iyon? Curious lang ako… At isa pa, ang pagri-report kay Mr. Google, paborito nyong gawin – sasabihin nyong unfit, offensive, violent or pornographic ang post, kahit pa hindi – para lang mapitik ang blogger na ino-okray. Naiisip nyong pang-aabuso iyon ng rating, ranking and classification ni Mr. Google? Hindi nga…

 

Sabi ko sa posts, may equality o parity ang bloggers – tayo… Ang parity natin, largely, doon galing sa ability ng mga sinulat nating mag-generate ng traffic – mababaw man o malalim ang content, current man o sinauna ang paksa, may bago mang vocabularies doon o common words lang ang ginamit. Word-based and character-based ang pag-generate ng traffic sa random viewing or via search, ka-blogs… Sa pagkakaalam ko, iyon ang business at pangako sa atin ni Mr. WordPress – bilang content providers – parating may made-derive na views ang mga sinulat natin, simple man iyon o komplikado.

I suppose, kaya rin si Mr. WordPress ay may close ties with Mr. Google at maging sa iba pang search engines – para tiyaking ang sites natin ay pupuntahan. Sa tuwing may moves kayo para kontrolin, i-redirect, pigilan at i-block ang traffic ng site ng blogger na ino-okray, tila intervention and sabotage ang ginagawa nyo. Hindi patas sa kapwa blogger, hindi rin patas kina Mr. WordPress at Mr. Google, come to think of it…

 

Wari, di nyo na ako kailangang siraan sa ka-blogs. Built-in sa mga panulat kong 1000 words or more ang repellent o pantaboy sa ka-blogs... Makita pa lang sa WordPress Reader, more than 400 words ang entry, less than 10% na babasa, hihi. Ayon, di nyo kailangang itaboy – my writings do that well already… Sa random viewing o sa Stats na derived via Mr. Google and other search engines, di ako gaanong keen. Tulong din somehow sa mga nagsi-search, baka may mapulot sila maski konti sa mga panulat dito. Madalas, para namang iniligaw lang sila papasok sa site, haha. Di nga, napansin nyo rin?

Mas dahil yata sa nature ng SEO ang gayon. Halimbawa, pinagkakabit ng system ang words na present sa apat na posts, para ma-kompleto ang search words – hayon, sa sites natin napupunta ang may hinahanap na wala naman sa sinulat natin, hihi… A, e, baka dahil do’n kaya wala kayong nakukuhang reaction (peace!), kahit pa anong raid ang gawin nyo sa Stats ng sites. Ayyy, hindi ako ang nadi-deprive ninyong raiders – ang mga nagsi-search at ang business ni Ginoong Google (hihi, ang sama ko…).

 

Sa ganang akin, bakit di ninyo hayaan ang natural flow ng traffic, hindi nga? Medyo common sense, ka-blogs na nang-ookray – bloggers din kayo, player, kumbaga. Kasali kayo sa equation. Paano kayo magiging objective, fair and neutral sa pagdi-discharge niyang “duty” na mag-rasyon ng Statistics among the bloggers? Saka, hindi iyon inyo, bakit nyo pinanghihimasukan? At yon nga, may nag-appoint sa inyo para gawin ang mga ganyan? May nag-deputize kaya? Binigyan kayo ng permiso ng populasyon ng bloggers para siyang mag-ala-MTRCB? O, S.E.C. kaya?

Ang regulation ay parating function ng government, mga kapatid, at nag-uumpisa sa pagkakaroon ng commonly agreed upon and approved standards  – na wala pa naman tayo rito sa WordPress, sa pagkakaalam ko… So, hayaan nyong ibalik ko sa inyo ang charge nyo sa akin, kung inyong mamarapatin, you are arrogating unto yourselves, unto your groups, more rights and more power, than you actually have or have been given. Hindi kayo ang producer ng show, kundi si Mr. WordPress, sa pagkakabatid ko…

 

Kung totoo kayong advocate ng equality among bloggers, hindi nyo dapat ginagawa ang mag-intervene sa traffic. Isa pa, wari ko, may periodic and random system checks ang dalawang kompanya – to see if their links are working properly and not being subjected to abuse or undue intervention. Paalala lang… On my part, ina-a-assume ko, may due diligence si Mr. Google, bago niya i-grant ang recommendation na ibaba sa ranking and rating ang isang site, based sa report ng isang blogger or netizen.

Kumbaga, by this time, dapat na-figure out nya nang sa lahat ng features ng kanyang system, iyon ang isa sa pinaka-commonly abused, ang dalas na gamitin ng mga nang-ookray – para i-harass ang kapwa bloggers. Totoo, tila marami-rami ang nagsusulat sa online ng texts na pornographic or violent, o kaya, trashy, sabihin na natin… So, sa present system ng kompanya, ang sinasabing presumption of regularity and honesty of purpose, mas sa nagri-report ibinibigay, than sa nagsusulat or sa online supplier ng info. Ganoon pa man, inaabuso ito ng bonggang-bongga  –  a, e, ninyo.

 

Hindi pornographic ang Dantay, ang Pangako ng Tag-ulan, ang Sa May Kanto ng Avenida at Recto at ang ulan sa puso. O, kahit pa alin sa posts na nailathala sa sites. Ay, paninindigan ko iyan, kahit saan pa tayo makarating… Pero gawi nyo nang i-report sila, namimihasa yata kayo? Hindi ko alam saan o kanino kayo kumukuha ng kapangyarihan at lakas ng loob para gawin iyan, wari ay dinaig nyo pa ang S.E.C., kung mag-regulate…

Ay, saan nyo nakuha idea na ang Karahasan at Kapayapaan ay ukol sa cyberbullying, ka-blogs? Dahil sa word na “bullies?” Santissima… Sa lahat ng sinulat ko, doon gumamit ng International Relations perspective, my dears… Di iyon about sa inyo, maski gaano pa kayo ka-guilty… At suskupo, ang Ibang Silip sa Sta. Mesa, ang Sa Mabini Tayo Pumadpad at Ang Kwento ni Eva, kahit pa nagkwento ukol sa prostitution at puta, ay hindi pornographic, mga kapatid. Tigilan nyo ako, pleaaase! Hwag kayong ganyan… At ‘yon, Ang Kwento ni Nine ay hindi about loss of innocence… Ang sarap nyong kutusan, nakakainis kayo.

 

Bakit kaya di kayo magtanong pag minsan? Di naman siguro kayo magkakasakit, sakali. Di rin makakabawas ng pogi points. O, ganda points… Ma-e-enhance pa inyong knowledge or, learning – malay nyo? Ay, hindi hahaba ang hair ko, pramis. Maiksi sadya ang buhok ko, pagkatapos mag-grade six… Pero, pero, pero matutuwa ako pag nagtanong kayo para alamin ang mga ka-etchosang pinagsasabi ko… Halimbawa, sa English site, peyborit nyong tingnan ang Children are Angels – tungkol sa mga batang kapitbahay namin.

Pag nanghihingi sila ng santol, dalawang dosena agad. Tapos, magdo-doorbell pa sila uli – kuh, ang dami, madaling-madali… Yun pala, pahiram daw ng kutsilyo at pahingi na rin ng asin. Cute sila at makukulit. Pag minsan, masarap ibitin patiwarik… Sabi ko, cute sila. Weh, kayo rin? Bakit nyo iniisip na kayo ang paksa ro’n, aber? Dahil sa definition ng company and society? Hay naku, di ko original yon – kay S.J. Perrelman yata ang phrasing. Kina George Bernard Shaw and Sommerset M. din yata… Ka-blogs, walang kinalaman sa inyo ang nasabing post. Natuwa kayo o nainis? Ako, parang may dahilang mainis, parang…

 

Ang literal nyong mag-interpret ng posts, as in… Nang nagsulat ang lola nyo ng Roadside vending… and buying, in-assume nyo, galing ako no’n sa Tagaytay at kesyo ipinamamalita ko, pambihira… Ka-blogs, hindi po ako galing noon, the day before or even the weekend before, sa Tagaytay. About three or four months earlier pa kami galing sa nasabing lugar. Katunayan, sa Nasugbu kami no’n galing and on the way home,  dumaan lang, as usual, sa Tagaytay. Hindi ko ma-gets… Ang post is about fruit stalls sa highways, mga kapatid… Inilagay lang Tagaytay sa caption – for easy association sa tinda-tindang prutas. Parang gano’n…

Sabi sa Ang Mga Kwaderno ng Walang Kapararakang Habi, walang private firms na nag-invest sa blogger dito. Strategically ang ibig sabihin, di naman meaning e, wala nang kumukuha sa akin. OA kayo, ipinapasa ko exams and interviews sa private – minsan di ko tinatanggap o di rin nagtatagal… Maliit sweldo ng writer, kalahati or less ng usual tapos, mahaba ang oras. Madalas, kumukuha lang ng commissioned writing or per project assignment. Tila ang hilig nyong paka-busy sa fault-finding, parang…

 

Kako sa isang English post, marami na ‘kong nakitang hotel sa Pilipinas… Ka-blogs, e, sa marami na, masakit masyado sa bangs? Kasalanan ang gano’n, feeling nyo, pasosyal na agad? Hay naku, ang usual na papel ko sa mga gano’n – magkausap ng reservation officer, magbitbit ng boxes na gagamitin sa seminar at magkausap ng head waiter – anong oras isi-serve ang meryenda, ‘yon…

Sa family namin, nito-nito na lang naka-afford ng hotel-hotel, years na wala na mother namin (sya pa naman nakaka-appreciate sa mga gano’n). Twice or thrice a year, siguro namin ginagawa, para na lang sa mga bata sa pamilya… And, am the kind, never naging at home sa mga glossy na lugar – hotels, resorts, ganyan… Ay, ewan ko sa inyo.

 

Pag may isinulat na di pamilyar o di naiintindihan, iniisahan na agad ka-blogs o nagpapasikat na ang blogger? Weh? Naalala ko ang Belt Ahoy! Singing and the Filipinos, about our singing traditions… 19 yata, foreigners na nag-like, 3 Pilipino. Nagtataka ako no’ng una, medyo nagtatampo rin – bakit kako di sinusuportahan ng kapwa Pinoy – kaintindi-intindi naman pagkakasulat?

After two years, saka na-realize, sabi nga pala ro’n, si Lea ay tinoast sa West End ng London. Likely, pasosyal na naman para sa inyo mga gano’n… E, sana, tinanong nyo lang ako – ano meron sa West End? Sana nasabi, ang West End, equivalent ng Midtown Manhattan sa New York, do’n nagtitipon ang upper crust ng British society. Doon nakakuha ng “Uhs” and “Ahs” si Lea, doon siya tinanggap at dahil do’n, nag-iba perception sa ating mga Pinoy, ng mga isnaberong Briton…

 

Sa write-up, ibinebenta ang kultura natin… Kako, di kataka-takang may na-produce kaming Arnel Pineda, Charice at Lea. Ay, sows, indusriya ang pagkanta sa amin, hahaha. Pero, maybe, for most of you, mataas pa rin pitch ng akda. I acknowledge that, ka-blogs… Sa isang banda, marahil nagtataka kayo, bakit ang dalas i-mention sa posts si Lea, parang close kami? Haha, di naman… Minsan ko lang siya nakita ng malapit at harapan, sa backstage ng musical play, They’re Playing Our Song – sa AFP Theater.

Ang kwento, I grew up watching Lea – sa children show noon (kasama kapatid nyang si Gerard), nang panahong mainstay siya sa show ni Tito Germs, ang That’s Entertainment, noong nag-record siya with Menudo, at hanggang sa siya ay maging respected singer and theater actress, here and abroad. Personally, di ko kilala si Lea, nood-nood lang… What I admire about her, di nya ikinakahiyang nag-That’s sya, nakipag-duet sya with Menudo dati – kahit pa, ambabaduy ng mga ‘yon, whehe. Ayon…

 

Anyway, ang kuha ko, oftentimes, gusto nyong sungkitin ang writer-blogger, hoho.. Feeling nyo, nagmamaganda at nagmamagaling sya kaysa sa karaniwang blogger – maiging uk-ukin, i-erode kaagad, naman. Ka-blogs, there will always be greater and lesser writers than us, than any of us… Sa blog, kitang-kita natin katotohanang iyan. The earlier na matanggap natin, mas maganda at mas payapa. For another, mas maigi ang nagre-register ng admiration and appreciation sa writing ng ka-blogs, kaysa sa humahanga sa malayo tapos, binabatan naman. Yon…

Wari ko, mas napa-facilitate rin pagkikilanlanan among bloggers, pag nagla-like at comment. Mahirap at alanganin ginagawa nyo – hindi kayo para que mag-like, puro taas ng kilay – tapos kayo magsasabi sa online world sino ang flavor of the moment, sino ang etcha pwera… Ay sus, naghahanap kayo ng gulo at away. Tapos, tini-take nyo pa to a higher level with your hazing…

 

Paninirang-puri – isa pa sa paborito nyong gawin. Ang mahirap daw gawin sa totoong buhay, parang ang dali na lang sa online. Halimbawa, may isang ka-blog, piniktyuran nyo habang lasing na lasing, wala sa huwisyo. Tapos, ang larawan, ginawan nyo ng kwento about gaano siya ka-delingkwente, alcoholic, walang kwentang tao at iba pa, saka ipinalaganap… Punishable by law ang ganito, pwedeng magsampa ng kaso ang biktima. Pag sa totoong buhay ipinagkalat ang picture, kasama ng kwento – malamang mga 100 katao lang ang maaabot ng tsismis sa loob ng isang buwan.

Kapag sa online ginawa, ang larawan at kwento ay aabot sa mahigit 100 katao sa loob ng 5 minuto. Mahigit sa 6,000 recepient o katao ang kayang abutin sa isang oras… Iba ang speed ng information sa cyber, ka-blogs… Ito ang dahilan bakit ang krimen sa cyberspace, higit na mataas ang kaparusahan kaysa sa krimen sa totoong buhay. Mas mataas din ang pressure and stress sa taong ino-okray o sinisiraan. Bakit? Sapagkat di agad pangita, sino ang gumagawa ng krimen at gaano kabilis nangyayari ang pagsira sa pagkatao o paninirang-puri. Maigi, kay lawyer-kablog kayo magtanong – paano at gaano ang extent and consequences ng sinasabing damage to reputation.

 

Gusto nyo raw matutong gumawa rin ng mga tula? O, e, nagpa-practice kayo? Nangongopya, nagsasalin o gumagawa ng sariling version ng mga tulang nababasa? Begin by beginning, ka-blogs… Umpisahan nyo na para pag nakailan, maalam na ng kaunti. Ay, maraming practice pag tula, maraming-marami… Practice for months, for years, for decades. Sabi, “Poems are feelings and ideas reflected upon.”  May reflection na kasama ang pagtula, my dears… Ang tula ay hindi hirit lang, as in… Di ito simpleng buntong-hininga, pasintabi at pahiwatig — as you claim and often suppose.

Kumbaga sa Science, di ito steaming process or evaporation process lamang. Mas malapit sa distillation process ang paggawa ng tula – sasalain pa at patitiningin ang karanasan at pakiramdam, bago ilalapat sa mga salita. At pag tula, in love with words dapat ang nagsusulat – paano habihin, bigkasin, ilipat-lipat, baguhin maya’t maya… Dose-dosenang beses ng editing, para mapaganda, may rhythm and rhyme ang verses. Ang mga tula ay mga kwento, ka-blogs… Mas mahigpit or taut ang pagkakahabi, pero nagpo-flow pag binasa, tila kantang masarap pakinggan. Sa umpisa, malamang tula-tulaan pa ang output, oo…

 

Ayon naman, bakit hindi kayo pakatotoo at pumunta sa sites, doon mag-practice ng tula-tulaan sa comment section? Hindi nga… Hindi iyon nakakahiyang gawin, tutal di pa naman tayo sikat. Ang lola nyo more than two decades na sa kasusulat, ni gapatak na kasikatan, wala. Pare-pareho lang tayo, we are nobodies… Palagay ko, walang gasinong magmamarakulyo sakaling sa online kayo mag-practice tumula-tula? Mas maigi iyon, mga kapatid, kaysa sa gawain nyong lait-laitin ang mga tula ko, sabihing kesyo para sa ka-blog ang mga iyon at ipamalita sa sanlibutan gaano kanyo ka-sexually repressed ang blogger dito.

Ba’t pala kayo ganyan? Sabi nyo, kayo itong loved, desired and getting enough (or more than enough) sex, pero bakit pirmi kayong nanghihimay ng kaloob-looban at nanghihimasok sa private lives ng ka-blogs? Ganyan gawain nyo sa akin, di nyo pa sabihing diretso na na-a-appreciate nyo mga tula, mas gusto nyo mag-probe sa innards and loins ng ka-blogs, ikalat sa kalye lahat ng dirty laundry and drawers ng kapwa bloggers. Masaya bang gawin? Di nga…

 

Gusto ko man kayong pagbigyan sa sabi nyong ang mga tula sa sites ay para sa ka-blog, di ko magagawa. I am sorry, ala PGMA, may kasama pang tingin sa audience, hehe. Alam nyo, kaiba sa ibang anyo ng panulat tulad ng kwento at sanaysay, mas mataas ang distance and objectivity requirement pag tula. Kapatids, ang ugnayan sa ka-blogs ay kasalukuyan pang nangyayari o recent pa, mahirap pang pagmuni-munihan, salain at ilapat sa mga patulang salita. Karamihan sa mga tulang nabasa nyo sa posts, 15 taon o higit pa ang karanasang ginamit o nag-serve as trigger.

Ang mga ka-blogs na naka-close, mapi-feature siguro sa mga tula ng lola nyo – 5, 10, 15 years pa. Ey, abangan na lang, supposing online pa (nye). Haiiist, medyo napipikon ako pag ito usapan, parang insulto? Mas maalam pa kayo sa nagsusulat? Sa post na Usap-Usap, ang gusto sanang ilagay, hindi ang kanta ni Ellie Goulding na I Know You Care, iba… Para sa inyo sana, The Writer ang title. Sabi ni Ellie, bakit nyo ipinu-put ang words into my mouth, kayo kaya ang magsulat? You be the writer, sabi ni Ellie…

 

Tungkol sa attempts nyong gawan ako ng sex scandal, hmnn, ayokong tawaging sloppy journalism. Sabihin na lang natin, amateurish journalism… Ka-blogs, hindi ginagawan ng sex scandal ang matatanda. Sa simple, anuman ang haka-haka nyo about the person’s sex life or lack of, hohummm iyon, pag ibino-broadcast sa marami. Lalo pa pag ang personality involved, pantabi-tabi. E, sus, di kayo nagtatanong… Hindi ginagawan ng sex scandal ang matatanda, mapwera ang bida, pinuno ng makapangyarihang ahensya o ng mayamang korporasyon.

As a rule, sikat at bata dapat. Young, fresh and sexy – think Jennifer Lawrence, think Prince Harry… Pag hindi, magagalit sa inyo ang mga tao. Sasabihin sa inyo, “Ano ba’yan, buto-buto! Ba’t ang tigas?” Ayon, baka hilingin ng mambabasa – ipasara ang media outfit, ipakulong ang reporter ng habambuhay.  E, ba’t hindi? Pambili sana ng sandwich ang ipinambibili nila ng magazine at tabloid. Tapos, bibigyan nyo ng tanders? Kunsiderasyon naman… Masasabihan kayo, “Sana, ipinambili ko na lang ng Angel’s Burger. Nabusog na ‘ko, dalawa pa.”

 

image of a pair of burger from Angel's

Baka mas maigi pang ibinili ng Angel’s Burger, baka… /samlanuza.com

 

Scoop. Big revelation. The downfall and the knowledge of oneself that comes with being a hero. Masyado nyong sineryoso mga sinabi ko sa Hunger Games review, part 2? Hindi nga, feel nyo, balak kong paka-hero ala Katniss Evardeen? Na ang ambisyon ko sa buhay, sinlaki ng kay Othello, kundiman ng kay Oedipus? Hohoho, Hesusmaryosep, ka-blogs! Si Oedipus, karakter na gawa ni Sophocles, mahigit 2000 taon na bilang mythical figure, baka 100 generations na katagal… Si Othello, mythical king, gawa ni Shakespeare, higit 400 years, mga 17 generations na…

Inangkupo, sabi ko lang naman, nagsusulat ako sa online para sa mga pamangkin. One generation lang yown, mga kapatid. Gano’n na lang ka-modest ang ambisyon ng lola nyo. Pwedeng sabihin, pag nagsusulat, gustong ma-immortalize, true. Pero, ni hindi ko inisip na lahat ng pamangkins, magbabasa ng writings… Mahigit 20 sila, oo. Pero, may 7 o 8 lang sa kanilang magbasa, happy na ‘ko. Baka sakali, may 2 o 3 na makatanda, maging interesado. Iyon lang. At tungkol naman sa pag-i-incite ng pity or fear from the audience, di kaya kayo ang may ganoong goal? Naitatanong lang…

 

Bakit masyado kayong excited i-expose ako at pabilisin ang downfall? Ni hindi nyo pa alam kung nasa itaas ako o nasa ibaba… Malamang naiinis lang kayo, kakaiba para sa inyo ang panulat dito – malalalim ang Tagalog, nosebleed kanyong mag-English at may tula-tula pang nalalaman. Pero, ni hindi nyo alam ang concerns at mga dalahin ko sa buhay. Paano kayo nakasiguro, mai-u-undo ninyo ako – bilang fraud, bilang balatkayo, bilang puro etchos lang? Totoo, etchoserang frog ngang malaki, croak ng croak, sa tatlo pang swamps. Pero, pinagbabayaran ko, ka-blogs…

Ang posts na kakaiba topics, kayse-seryoso at kayhahaba pa ng iba – wala o manaka-naka lang nagla-like. Alam nyo, itong DPSA, wala pa yatang 70 likes, sa 118 posts nito, noong first 14 months sa ere. Most of my posts, walang gasinong nag-a-agree, tumatanggap or openly nag-a-appreciate. Ni hindi nakapagtig-iisang like ang posts noon. At naipasara at naipasara ang DPSA, 12 lang ang naka-follow. Hindi ako nagbibiro, no’ng sinabi kong isandosena ang subscribers ng site. Yon…

 

Bilang lurkers, parang ang dami nyong demands? Tila gusto nyo, kayo ang magse-set ng agenda, paano naman ‘yon? At, gusto nyo rin, may exclusive claim kayo sa interpretation ng mga panulat ng bloggers… Accredited kayo as literary critiques, as showbiz program hosts, sa inyo parati ang breaking news? Peer review lang ata ang meron tayo rito… Pag peer review, you review one another’s works and you treat one another as equals. But you seem to set yourselves, your groups, as above the rest of us, bloggers. Even as you argue that you are the api, the marginalized, the ones looked down upon… Ang kilos nyo as groups, hindi.

Ang dami nyong pribiliheyo… Kayo ang magsasabi – kaninong mga panulat ang katanggap-tanggap at hindi, sino ang bloggers na “cool” at sino ang “tsaka” at, sino ang dapat itanghal at sino ang dapat itatwa… Pag kinainisan nyo na ang isang blogger, iha-harass nyo na ng katakot-takot at ibabandera sa iba’t ibang forum, gaano sya nakakadiri. Nag-uumpisa sa munting kwentuhan, nagtatapos madalas sa bugbugan ng virtual identity na nakursunadahan. Hindi kayo ang umuuwi ng luhaan, wari ko…

 

But this time, my friends, masaya kayo? Naisip nyong husgahan na “ang palalo at aroganteng blogger na akala mo ay kung sino.” Ayaw nyo ng kanyang mga panulat, pero bakit balik kayo ng balik sa sites? Gusto nyong matutong magsulat din sa ganoong paraan, bakit hindi kayo nagko-comment, di nagbibigay ng feedbacks? Doon nyo sabihin sa comment section – gaano ka-ewan at ka-out of tune ang pagsunod sa grammar sa panahong ito, gaano ka-weird ang sinop na sinop kanyong paragraphs at gaano ka-elitista, pasosyal at masyadong trying hard ang panulat – di bagay sa balat ng blogger. Bakit hindi?

The same candor and the same fervor sa inyong mga kwentuhan, i-display nyo sa sites mismo. I could use some of that. I have been dying to hear those kinds of comments… Kaya ibinukas ang sites at di naka-private settings. Kaya ko ibinukas ang comments, para hindi sarili lamang ang kausap. Sabi, ang blog daw ay monologues, para i-address ang mga converted na. Siguro nga…

 

Sa akin, nais ko sanang i-set down on paper or on an online medium ang thoughts na nasalubong at nangabuo, over the years. Medyo mabigat ang ulo ng blogger dito, as you might have observed… Sa kabilang banda, gusto ko rin, turuang magbasa ng mahahabang sulatin at papag-isipin ang mga pamangkin. Opo, sila ay sanay na hanggang two paragraphs lang ang tinatyagang basahin, yown… Sa isang banda, tila masyadong polarizing o nakakapaglayo sa mga tao ang mga pampublikong mensahe sa kasalukuyang panahon, gamit ay mga makabagong moda ng pakikipagtalastasan sa kasalukuyan.

Parang masyadong sharpened ang mga mensahe at the present. Maigi iyon, para sa mga nakakaintindi, sa insiders… Pero, para sa mas maraming tao, tila sila ay iwan o nagiging tagatanggap ng mga mensaheng hindi alam ano ang palaman, saan galing. Parang masyadong competitive? At the same time, too consumeristic and focused on momentary enjoyments, with little or without due regard sa rights and saloobin ng iba. Wari ko…

 

May isang sense sa gayon, na ang mga panulat dito ay may munting pagtatangkang tumulong sa mga kabataan para i-trace back ang ilang concepts and ideas. Hikayatin ang mambabasa para suriin muli ang givens, ang commonly accepted at hanapin ang ilang bagay na taken for granted. Ito, hindi ko ini-expect to find favor sa maraming ka-blogs, lalo pa nga at di iilan ang nagsasabi – nagba-blog lang sila para may makakwentuhan. Kumbaga, set na sila sa kanilang mga kaparaanan at pagtanaw sa buhay, di na gaanong naghahanap ng belief-shattering or life-changing na mga mensahe.

At kung tutuusin, bilang tao at bilang manunulat, tapos na rin yata ako sa phase ng pagpapakabayani, ng pagliligtas sa mundo at pagku-kwestyon ng halos lahat ng bagay at kalakaran. When one reaches the age of 40, hindi na ganoon, ka-blogs, nag-mellow na, sabi… And I hope, you are finding this in my writings… Na ang Literature sa mga panulat, ramdam kahit paano, sa bini at ayos ng pagtutupi at pagsasara ng mga akda – hindi wasak na wasak, hanggang maaari…

 

Ka-blogs, hindi lost sa akin ang sentimyento nyong kesyo mas maalam pagdating sa mga salita ang blogger dito. Parang leverage, kumbaga. Siguro nga, in some ways… Nang mag-blog ang lola nyo, may halos 20 taon na sa mundo ng mga salita. Karamihan doon ay hindi big time, my friends, pantabi-tabi lang… Office letters pa rin ang mas marami. Saka, solidarity messages, ahaha. Alam nyo ‘yong message na parang ganito, “On the occasion of your 20th anniversary, we salute the men and women behind the (name of organization or institution)….”

Ayan, mga ganyan – sa newsletters, journals or magazines usually ipina-publish, wala halos nagbabasa. Pero, training pa rin sa pagsusulat, sa paghahabi, totoo… In a sense, mas lamang naman nga ako kaysa sa bloggers na 1, 3 o 5 taon pa lang nagsusulat. Pero, OA naman ang sabi nyong shellfish masyado ang lola nyo, kinanya na lahat at ayaw nang bigyan ng pagkakataon ang iba, siya lang gustong sumikat, hoho. Itatanggi ko yaan.

 

Una, kaya nagsusulat sa online (bukod sa para sa mga pamangkin), para makapag-share – hindi ko ina-akin lang… Ikalawa, kaya ancient and unpopular topics ang madalas na paksain sa posts – para ibang bloggers, sila, kayo, ang mag-tackle ng mas current and mas popular na topics. Ikatlo, hindi na ako nagba-blog para magka-ganda points or magmukhang cool sa aking friends, haha, in the way na kayo, Generation Y, mas sa ganoon yata nakatono.

Ibang coolness na ang hanap ng friends sa akin – lablayp, yumaman, magka-poise, ganyan… So, in a way, magkaiba na tayo – parang hindi ko na hanap ang popularity as it is defined by the young, hoho. Hindi na rin yata kesyo makahirit lang sa topic of the day or news of the hour or, yong sabi madalas, maka-opinyon lang. May katandaan na ako, mga kapatid… Seryosong opinyon at medyo masinsing pagtanaw na ang hanap sa lola nyow, lalo noong mga naka-trabaho ko. And I have been hoping, pababayaan nyo akong magsulat sa online ng payapa, hindi ‘yong alaga nyo akong buskahin at siraan sa marami. Yown…

 

Sa mga hinaing at hinagpis nyo sa aking panulat at sa akin mismo, may timbang ang pagiging matataas ng pitch ng mga akda at ang supladang image ng blogger, haha. Pero naman, hindi naman “impeachable” offense yon, ka-blogs… Parang ang net effect lang, lalayo at iiwas ang maraming ka-blogs. Maasiwa… At napansin ko na rin, tila may invisible na mataas na pader ang sites – ang ibang ka-blogs ay sumisilip lang, ang iba ay nagtataka at ang iba, mas pinipili na lang hwag pumasok.

Bukod sa buo-buo ang pangungusap sa akda (sa panahong uso ay maiiksi at casual na panulat), masyadong pili ang mga larawang ini-a-attach at maging ang music na pinapatugtog sa posts… Parang perpeksyunista, kung minsan(minsan lang, hihi). Ang impression yata, tila iyon ang standard na dapat sundin, gayong wala namang prescribed standard si Mr. WordPress at maging ang ibang host sites. Pinagsusulat lang tayo, hinihikayat gawing interesting ang entries. Hindi sinasabi, dapat nasusunod ang rules ng grammar at panuntunan sa writing. Hindi.

 

Sakaling ang epekto ng mga panulat ko sa ka-blogs, sa apat na taon ay patamlayin ang mga bolpen at keyboards nila, ihihingi ko ito ng paumanhin, maging sa inyong mga nang-ookray. Sorry, hindi iyon ang intensyon ko… Hindi ako andito para gawin kayong insecure sa mga nais nyong ihayag, isulat at ipaabot sa online world, gayundin sa mga kaparaanang gamit nyo sa pagba-blog. Hindi para papanlumuin kayo sa inyong abilities, sa inyong knowledge, sa kung anong pwede nyong i-share sa mas marami…

Mas ang nais sana, maibahagi sa inyo ang yaman ng mundo ng mga salita at ang variety na mayroon sa larangan ng pagsusulat, gaano karami ang pwedeng i-explore… Saka, function of age ‘yon, ahaha. Isa pa, sa probinsya ng formal writing galing ang lola ninyo, in Englishin pa. Pansin nyo, stiff and boring ang format ng pagsusulat na nakasanayan? Tapos, in third person madalas. Opo, dito lang halos sa blog ako nagtangka ng You or second person… Hindi lang dahil sa suplada ang blogger, hihi, kundi dahil sa objectivity and distance requirement ng writing, mga kapatid…

 

Hayaan nyong i-share ko somehow itong objectivity and distance na sinasabi. Dito ‘ata ako nagka-gap sa ka-blogs, lalo pa sa inyong nang-ookray… Sa pagsusulat, considered basic ang maging objective or impersonal or impartial ang viewpoint ng nagsusulat. Magagawa ito sa pamamagitan ng paglayo pansumandali sa karanasan o sa event na tinatalakay, animo ang nagsusulat ay di kasali sa mga nangyayari? Parang sinususpindi ang presence ng writer, maging ang kanyang paghuhusga.

Ito yaong madalas sinasabi ng ilang ka-blogs –  parang out-of-body experience daw ang pagsusulat. O, kaya, parang pag-acting, inire-render ang karanasan sa pamamagitan ng mga salita at paglalarawan. Tila ang nagsusulat ay wala sa eksena, pero naroroon. Para ring kumukuha ng litrato – suspended animation – para masuri ang karanasan, matingnan muli, gamit ay ang snap shots ng panulat. In this sense, ang pagsusulat ay pag-externalize, paglabas sa nararanasan – para ipakita ang nangyayari sa loob. Medyo ganoon, ka-blogs…

 

Isa pa, ang malaking kaibahan ng spoken words sa written words… Ito ang masasabing slowness ko, kundiman katangahang malaki, haha. Ang tagal bago ko na-figure out – sa inyo pala, sa maraming kabataan at maging sa ibang ka-blogs – ang spoken words at ang written words ay iisa na lang o magkapareho… Sa writing ay hindi, mga kapatid, malaking hindi. Ang spoken words o ang mga salitang binibigkas ay laging presumed na loose, less organized, spontaneous and incomplete na paraan ng communication – yon. Kumbaga, pag spoken, di masyadong pinag-iisipan, hihi. At, di naman kailangan.

Anumang kakulangan nila ay pupunuin ng boses ng nagsasalita, ng inflections, ng tinginan, ng muwestra, ng hawak at iba pang non-verbal means ng pakikipagtalastasan. Samantala, ang written words ay parating presumed na mas organized, mas pormal, sumusunod sa rules ng grammar at kumpleto na, bilang mensahe. Ang pasulat na mga salita ay objective, impersonal at mas elegant than salitang pabigkas. Humigit-kumulang, ito ay dapat maiintindihan ng sinumang babasa (hindi subjective) o makakabasa. Yown.

 

Sa kasalukuyang panahon pala, dala marahil ng bilis ng pamumuhay at nauusong teknolohiya, halos binubura na ang objectivity and distance requirement sa pagsusulat. News iyan sa akin, ka-blogs. At sa marami pang iba siguro… Tila ginagawa na ring subjective and personal ang halos lahat-lahat, ahaha. Ang written words pala sa kasalukuyan ay maiiksi, walang pakialam sa grammar, rather subjective, hindi kompleto at tila wala nang elegance (pa-cute na lang) – pero nag-i-expect at nagdi-demand ng pag-intindi, mula sa sinumang makakabasa. May isang sense na nakatono ang mga mensahe para tugunan ang immediacy, pati impatience, ng kasalukuyang kabataan – the Now Na! generation.

Hindi ko alam, paano at gaano babaguhin ng ganitong trend ang landscape ng pakikipagtalastasan sa pangkalahatan, ngayon at sa panahong darating… Ang alam ko, ito likely ang dahilan bakit nagmukhang alien ang aking mga panulat(sumusunod pa sa tradisyunal na pagsusulat) sa blogs at bakit nagmukhang katatakutan o phantom ang blogger dito, hehe. Inisip nyo – ganoon ako magsalita, kamukha ng pagsusulat ko sa English site? Di nga? E, ang weird! Kahit ako, mawe-weirduhan, hahaha.

 

Gusto kong isipin, ang mga panulat ko ay kabilang sa liga ng Wait Lang!, whehe… Kumbaga, I want you to reconsider, ka-blogs, kahit paano, kahit sandali… May isang sense na itong panawagan ay romantic, in despair at halos useless, come to think of it… Pupunta kayong mga kabataan sa landas at direksyong nais nyong puntahan, pangyayarihin nyo ang mga gusto nyong mangyari at ipapagpag nyo ang lahat – para makarating sa destinasyong asam at mithi.

Ang boses ng mga tulad ko ay pagtatakahan, lalaitin, panghihinain at pagkatapos ay isasalya sa isang tabi – para maging exhibit ng times gone by, has-been, once-was. Mag-i-impeach kayo, kahit sabihin pang di nyo alam ang ibig sabihin ng impeachment. Kahit pa, wala kayong personalidad para gumawa ng ganoon, titirahin at babanatan nyo ang mga institusyon at tradisyon, sabihin mang gagawin nyo ito sa pamamagitan ng Unlike button at Thumbs Down icon, ahaha.

 

Iyon lang… Iyon lang, nagba-blog ako rito, not in behalf of institution. I come here as myself, just like you… Mas pormal lang, mabigat at mas boring pa sa dilang boring… Pero tulad nyo rin, alam nyo ‘yon?

 

Malamang, marami sa inyo, bata pa nang mag-impeachment proceedings kay Pres. Erap. Teenager pa lang kayo o baka hindi pa, noong subukang i-impeach si Pres. GMA. Likely, ang naabutan nyo, ang impeachment kay Supreme Court Chief Justice Corona – ang huli at tanging impeachment exercise na naipagpatuloy at nagkaroon ng conclusion. Ang dalawang nauna ay hindi, mga kapatid…

Ang impeachment, tinatawag ding “court of the last resort.” Ito ang hukumang taumbayan ang didinig at huhusga sa isinasakdal na opisyal – may mataas na katungkulan at napakamakapangyarihan. Mas mataas ang impeachment court kaysa sa regular courts. Bakit? Dito maaring litisin at husgahan mismong ang pinuno ng kataas-taasang hukuman ng bansa, maging ang pinuno ngSenado at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, maging ang presidente mismo ng bansa, inihalal ng lahat ng mamamayan at, pati mga pinuno ng oversight bodies – mga posisyong ang nagtalaga ay ang Constitution natin.

Kung kaya sa impeachment court, hindi “beyond reasonable doubt” ang timbang na ginagamit. Anupa at “minimum amount of doubt” lang ang kailangan para mag-convict sa impeachment proceedings. Ayon, speck of doubt lamang, mga kapatid…

 

Sinabi ko sa English post na Impeaching, halos walang nag-i-stand ng chance sa impeachment court. Once naisalang na ang isang opisyal, almost good as convicted. Kadalasan, nagre-resign agad – para iwasan ang gastos, alingasngas at kahihiyan – bago pa man ang lahat. Sa gayon, ang pinuno ay di dapat nalalagay sa sitwasyon o istasyong “impeachable.”

Paggalang at pagtataguyod sa trust and mandate ang usapin pag impeachment, mga kapatid… Wala pa tayong mandate dito sa blogworld (o, dito sa WordPress), sa pagkaalam ko. Wala pang positions of trust na natutukoy at kailangang i-uphold, wari…

 

But to be fair to everybody, I appreciate the honor, the furor and the horror ng lahat ng nangyari at dumaan. Na sa inyo palang mga nang-ookray, parang may leadership onus (bumi-big word lang, hehe) na kayong ipinapasagot sa akin. Wala pa at wala naman…

Wari, nag-over react lang kayo sa post ni biatch, natakot na baka maihabla at ginawa nyo agad ang pagpapahiya at pambubugbog sa ka-blog, sa harap ng marami. These are things na dati nyo nang ginagawa, if I may be so bold as to point out. Ang kaibahan nitong huli, parang ang righteous ng stance nyo, ang arrogant… And, short-cut pati gusto nyo – short-cut, pero sure na walang ligtas, hoho…

 

Impeachment kanyo ang method, para di na mag-i-stand ng chance ang “salarin.” Deds kaagad, wala nang resurrection – virtual identity o baka, pati actual identity ng ka-blog, hoho. Ayon lang, nalimutan nyong mag-verify. Dito kayo na-wrong number. Major, major, major error, my friends… Crucial sa impeachment proceedings ang verification – saan ang venue ng habla, sinu-sino ang naghahabala, sino ang inihahabla at anu-ano ang charges sa nasasakdal. Magsu-swear before the Sec. Gen and a host of officials and lawyers ang mga naghahabla, mga kapatid – hindi simpleng notaryo lamang.

Kung ginawa nyo ito, doon pa lang, nalaman nyo na – wala kayong mga nang-ookray na legal, ethical or appropriate identity man lang – para sa habla, simulain or advocacy nyong naiisip… Boom, Panes! Wala kayo sa lugar sapagkat multo nga kayo, secret ang identity nyo, ang activities nyo at tila kaya kayo galit – may isang etchoserang lawyer na ka-blog, nagko-call ng attention ng mundo sa mga pinaggagawa nyo. Siyempre, mahirap balikan ang lawyer, baka totohanin ang subpoena, hihihi. Ayon, ang ka-blog na nag-like ng post na lang. E, dati nyo nang pinapatay virtual identity nya. This time, maiging tuluyan na… Yon.

 

Nalulungkot ako sa buong nangyari, ka-blogs… Ang common wisdom sa paghahabla, malinis dapat ang kamay ng pupunta sa korte. Walang ill motive, walang gustong itagong krimen at walang taong gustong patahimikin… Tapos, pinakamataas na korte kaagad ang inyong naisip. Online nga lang… Online na taumbayan ang kakampanyahin, ang cute… Absent ang lilitisin at di man lang ipinag-alam o isinali. Alam nyo, may tawag sa ganoong court, oo…

Ang big time ng inyong naisip – siluin agad, gamit ay malaking lubid. Naku, baka sinulid lang dapat nyong ginamit… Naiinis ako sa inyo. Tila napakahilig nyong mag-appropriate ng mga bagay at terms na di nyo pa alam at mukhang di-naiintindihan… Hindi pinaglalaruan ang impeachment, mga kabagang. Dangan, pag nagkamali, nagbu-boomerang… Alam nyo, nag-comment at nagtanong sana kayo sa posts na Impeaching at sa mga simbulo ng pag-asa, pangarap at katuparan. Baka sakali, di tayo umabot sa ganito… Hindi kayo parang mga criminal, di alam ang susuutan, matapos ang grand hazing na ginawa.

That hardly made sense, mga kapatid… Una, hindi naman ako ang nagsabi, kundi si biatch. Ikalawa, tama naman ang sabi nya – umaabuso kayo sa mga gawain nyo. Ikatlo, sa halip na mag-clam up dahil nabisto na, you went around town at nag-rampage…  Ano ba ang gusto nyo sana – bawiin ni biatch ang sabi nya sa post o, bawiin ko ang like at comment? Alinman, may mababago kaya – maaalis ang katotohanang cyberbullying happens in this corner? Isipin nyo…

 

Hindi nyo ini-expect, may isang ka-blog na maglalakas ng loob gumawa ng isang succinct post depicting your activities? Hindi ko rin in-expect – may isang makakahuli ng larawan ng mga multo (playing the role of rebels kunong nagtatanggol sa maliliit [na bloggers], pero ang methods ay pailalim, tsismoso cum tsikadora at barumbado)… Hindi ko rin ini-expect reactions nyo – ganoon katindi, ka-intense at ka-ruthless. After all the abuses nyo rito at sa marami pang iba – which I chose to keep mum about for so long – pakiramdam nyo, kayo pa ang nasa lugar na magalit, magwala…

Isipin nyo, sino ang arrogante, between us? Sa nang-ookray at sa ino-okray – sino ang animo may mandate at representative ng lahat ng bloggers, sino ang kung kumilos at magsabi — tila above and beyond the rest? Parang hindi ako… Hanggang sa pagsusulat at paglalathala lang ng posts ang blogger dito, nag-aantay may mag-like at comment. Hindi ko minamaliit ang ibang bloggers, di ko inire-reklamo ang posts ng iba at di ko pinagsalitaan ng below the belt – kahit pa kayong mga nang-ookray… Hindi kaya, you, guys, have been acting like you have the run of the place and yet, you want to be treated with kid gloves?

Sows, your activities have gone on for so long – largely ignored, unchecked and unregulated. Ilang bloggers na naitulak nyong mag-private setting na lang, ilan ang napatahimik at nai-consign nyo sa maliit na sulok at ilan na ang napahinto nyo sa pagba-blog? May imbentaryo na kayo? Naitatanong lang… Siguro, sa inyo, things still look and feel like you’re having your harmless, little fun. Na parang wala lang lahat at patuloy lang ang inyong merry ways and days, hoho…

 

Sabi ni lawyer ka-blog, aba naman! Nag-second the motion ang lola nyo rito, not knowing na aabot hanggang bumbunan pala at lampas pa, ang inyong pagkainis. Pakiramdam nyo pala, kawalang-katarungan at insensitivity iyon. Pakiramdam nyo pala, pag kayo ay na-criticize, buong populasyon ng bloggers ang dapat ma-offend. Pakiramdam nyo pala, may silent basbas, may munting bendisyon ng marami ang ginagawa nyo, hoho. Sa palagay ko, hindi binasbasan at di babasbasan ng maraming bloggers ang mga online na gawain nyo, ka-blogs na nang-ookray… No.

Sa hacking pa lang – intrusion into privacy, aba. Ey, malaman pa lang ng bloggers gaano kadalas at ka-impertinente hacking activities nyo – tila daig pa nagpapatakbo ng private eye agencies – masa-shock na sila… Sa surveillance ng kapwa bloggers, animo ay intelligence services kayong may branches kung saan-saan… At sa paninirang-puri, tila walang sinabi ang weekend showbiz talk shows – kung maka-exposey-exposey ang mga grupo nyo – tila bawat isa sa inyo, busilak na busilak… No, my friends, I don’t think the majority of the bloggers approve or, will approve. They are better than that.

 

Maybe, just maybe, it is about time, somebody with authority ang pumansin sa mga pinaggagawa nyo. Nagawa iyon ni lawyer ka-blog by saying, hindi niya kayo papansinin. At noon, lumabas ang totoo nyong kulay – na ang totoong gusto nyo ay mapansin – bilang mga siga, ang mga astig sa online world, sa inyo magmamano ang lahat ng bloggers… It seems, you want the world to know that you, guys, are calling the shots around here. Natyempuhan lang, nakakita kayo ng tila malaking cause around my different way of writing – ipinackage nyo sa slogan against arrogance.

Pero sana, ginawa nyo muna ang inyong assignment… Nag-tsek muna kayo sino ang totoong arrogant at nangmamaliit ng bloggers. Nag-tsek muna kayo kung may personalidad kayo bilang mga multo para humarap sa marami, mangampanya at mag-lobby… E, usapang lobby, may munting karanasan lola nyo dyaan. Iyon ang isa sa meron sa Congress – part ng trabaho ng lola nyo, humarap at makinig sa iba’t ibang klase ng lobbyists. Sabi naman sa inyo, mas maigi nagtatanong …

 

Hindi kayo cute. Childish ang mga ginagawa nyo, pero dangerous at mapanira. Downright illegal and culpable kayo sa inyong mga kilos at sabi, lalo pa ringleaders ng mga grupo nyo. At naku, ka-blogs, hindi porke gumagamit kayo ng codes sa pagtsi-tsismisan about mga ino-okray, di na kayang patunayan sa korteng may blogger kayong sinisiraan at kayo ang naninira. Sows, kung kayo ay magturing, parang kayo lang ang nakakaintindi ng IP address, hoho, at paano, saan-saan ito pwedeng gamitin. Halimbawa, hacking – di kayang patunayan, pero kayang gawin pabalik. Kung di man mismong ng blogger na na-hack, medaling makahanap ng magbo-volunteer mag-hack pabalik.

E, ibang bagay, kung tingin ng hinack, worth i-hack back ang hackers… Hindi ko sinasabing iha-hack ko kayo or ipapa-hack, now or in the future. Susme, hindi ko hilig ang IT at di ako nahiligan nito. Pero, ka-blogs, isang damukal ang IT pipol sa Pilipinas, higit 10 na nasalubong. All am saying, MSDOS pa naabutan ng lola nyo, nag-aral din ako ng html at ilan pang programs. Kahit paano, nakaka-recognize pa ng ilang commands, nasi-sense ko pa, pag may ginagawa kayo. Yon…

 

Na-impertinentehan kayo sa pagla-like ko sa post ni biatch? Dapat, dinedma ko iyon, hinayaan lang? Pakiramdam nyo, pagtalikod sa blogging ang pag-i-endorse ng mensahe nya? Na may “betrayal” na in relation to you at di na ako dapat seryosohin bilang blogger? Hindi ba betrayal sa sarili, sakaling hindi ko ni-like? Kung may dapat maka-identify sa Sampol post, parang ako… After all, ang blogger dito ang isa sa pinakamatagal nang biktima ng inyong pang-o-okray. Pero gusto nyo, i-baby ko kayo, kondenahin ang pasaway na post…

Dahil ni-like ko, ibig sabihin, nag-usap na kami ni lawyer-kablog? Joint venture na namin ‘yon at ginagamit ko siya? Mga kapatid, independent na tao si biatch – may sariling pag-iisip, may maayos na buhay, healthy and alive ang mga magulang at mga kapatid. Iginagalang si ka-blog sa propesyon nya, mayroon siyang lablayp, naka-awto, bihis palagi at naka-publish na ng libro… Tapos, ginagamit ko lang? Para saan? O, ako ang ginagamit nya – gano’n? Gagamit sya ng taong ni hindi nya alam buong pangalan, never pang nakita ang itsura maski sa picture o, narinig man lang boses. Hmnn, interesting…

 

Huwag kayong magagalit, pero tila sa inyo ang pinakamalaking identity crisis na nakita ko. Wari gusto nyo, hayaan at huwag lang kayong pansinin sa inyong activities pero, na-offend kayo ng husto nang may isang nagsabi – hindi kayo papansinin. Nang ipahiwatig ng ka-blog – ang cheap ng pinaggagawa nyo, ang bababa ng methods nyo at hindi kayo dapat siniseryoso – nasaktan kayo ng kaylalim-lalim, hoho. Ano ba talaga, Koya? Gusto nyong mapansin o ayaw? Forces to reckon with mga grupo nyo, gano’n?

Dapat nagma-matter ang opinions nyo, dapat makita ng bloggers mga sakripisyo nyo sa pangangalap ng dumi at kapintasan ng kapwa, gano’n? Dapat, importante kayo, kayo magsasabi sinu-sino ang dapat tangkilikin at hindi, sino ang dapat ipahiya at papaglahuin – gano’n? Gusto nyo, legitimate kayo sa papel nyo bilang reporters, expert hackers, private eyes, police, judge and berdugo? In short, kayo ang gobyerno. Sa inyo magpapaalam ang lahat ng daraan, kayo ang magbubukas ng gripo, kung malakas ang pwersa ng tubig o droplets lamang. Ang ganda lang.

 

 

Alam nyo, ang katulad nyo, yaong mga pumupunta sa okasyon ng walang nag-imbita, walang dalang regalo kahit picture frame, tapos gusto – sa presidential table uupo at kakain. Pag-alis, ikukwento sa susunod na pupuntahan lahat ng puna, pula at pintas ng pinanggalingan… Huwag kayong magagalit, pero tila iyon kayo, ka-blogs na nang-ookray… May tawag sa ganoon. May dalawang terms akong naiisip, di ko na sasabihin, baka maka-offend…

Tingin nyo, kailangan ng bloggers at ng blogworld sa pangkalahatan ang mga tulad nyo – pasilip-silip lang, di nagla-like at di nagpa-follow (maliban sa sites ng ilang kumare, kumpadre at dabarkads), pero, kayo ang pwede at dapat na magsala – sino ang bloggers na “in” at sino ang “out? Kayo ang magsisiwalat sa sa marami ng mga kapintasan ng ka-blog, whether verified or not, mga impormasyong nakuha? Gamit ay ambababaw, brutal at mahahalay nyong lenses? Di nga…

 

 

E, yun, may pumili sa inyo, may naghalal, may naglagay sa inyo sa mga pwesto nyo? Naitatanong lang. Sa akin ay wala ring naghalal, ka-blogs… Kaya wala dapat na-impeach. In the first place, wala kayo sa lugar para manawagan ng impeachment kuno. Obvious naman, other term nyo lang iyon for ostracism – gusto nyo lang parusahan ng grabe pa sa dati ang nag-like ng post na nangahas magsabi – ang saya-saya ng buhay nyo sa online… Saka, ka-blogs, sa ordinary organizations, walang nag-i-impeach, hahaha.

Ipagtanong nyo… May orgs ang doctors, accountants, engineers, lawyers at maski tricycle drivers and market vendors – maraming associations meron sa ating lipunan… Hindi impeachment ang gamit nilang tool pag may naging tiwali o nagkasala. Mas ang usual na ginagawa, kinakausap ng key people sa organization ang nagtiwaling opisyal at kinukumbinsing mag-resign na. Tapos, papatawag sila ng mas maagang election, para palit ng bago. Yon…

 

Sa government lang may impeachment, mga kabagang… At sa highest offices lang ini-a-apply, as I said. Hay, nakuuu…

 

Ano ba ‘yon? Napasobra yata pagkasiga at pagkabibo nyo. Gusto nyo pa grand and bombastic ang bagay-bagay … Nag-discuss lang about parliaments, Prime Ministers and symbolism sa previous post, feeling nyo, na-transport na agad tayo sa sitwasyong parliamentarians kayo, gano’n? Pwede na kayong mag-unseat, mag-disempower at mag-vote-of-no-confidence, gano’n? Naku, ang labo, mga kapatid… Ang vote-of-no-confidence, sa set-up o government na parliamentary ang system – sa U.K., sa Japan, sa Germany, ganyan…

Sa atin, dito sa Pinas, presidential system ang meron tayo, tapos, direct voting pa… Iba pa ang atin kaysa sa U.S. na presidential system, pero two-party system na may intra-party nomination muna, bago pa mapatining ang dalawang kandidato ng contending parties, mag-i-square off sa final round… Sa actual political arena ‘yon, ka-blogs, sa formal politics… E, tayo rito sa blog, may politics din. Kayong nang-ookray ang manifestation – may politics dito. Hindi kaya, it is about time, tabasin ang powers at pagkasiga nyo? Ang dami nyo nang naaapakan…

 

Wala pa kayo sa formal seat, sa gobyerno, ganyan na mga gawi at gawain nyo? Lumalabas, walang pwedeng mag-question sa authority nyo… Biruin nyo, di naman ako ang nagsabi, kundi iyong abogado. Pero, kagyat at walang patawad ang reaction nyo sa akin – swift, merciless, relentless. Ang tindi lang ng self-preservation mechanism, hindi pa kayo halal ng lagay na iyan… Ano iyon, exhibit ang lola nyo rito sa mangangahas magtanong, ano ang karapatan nyo? Exhibit para sa sinumang magsasabi o magbabalak na ihabla kayo?

Na sinumang ka-blog mag-dare hamunin kayo – will be dealt with promptly and without mercy? Isang bonggang-bonggang trial by publicity kaagad ang ilulunsad laban sa kanya, lahat pwedeng maghalukay ng dumi at bumato?  Hindi nga, alam ba ng mga magulang at mahal nyo sa buhay ang mga pinaggagawa ninyo? Payag sila – di nahihiya, di nag-aalala? O, baka, napasobra ang laro nyo ng bayolenteng computer games? Ewan ko, pero parang ang hirap i-spell ng cruelty na ipinakita nyo.

 

From my end, the whole exercise and goings-on all looked baseless, mindless and senseless. All sound and fury, signifying nothing but biases, prejudices and narrow-mindedness, of groups whose members strongly feel that they are in the right.  It turned out, you are wrong – sadly and terribly wrong, my friends…

 

Matapos ang naiibang “impeachment”ibinagsak nyo for the nth time sa babang-baba ang Stats ng sites? Ano ‘yon, parang bartolina? Di nga… Hindi ba you have had your fill? Kulang pa? Bakit hindi nyo na lang diretsong ini-request kay Mr. WordPress na isara ang sites? Siguro, kung pwede, nagawa nyo na… At the same time, panay click nyo sa post na Isang Araw… Dahil sabi roon, makipag-usap para gumaan ang pakiramdam? Habang naka-bartolina, kakausapin nyo o sisiguruhin lang na di na makagalaw? Alam nyo, napanood ko na yan sa pelikula, may berdugong malaki ang katawan at metal-metal ang suot, yon…

Nang hindi umubra, click naman kayo sa post na Settling the Quandary. Ka-blogs, about isdang tuyo ang nasabing post. Again, walang kinalaman sa inyo… Pero, may quandary nga kayo, tila gusto nyong makipag-usap pero, ni hindi kayo marunong gumawa ng sariling feelers. Ni hindi kayo marunong kumuha ng padrino, go-between ba? Actually, simple lang – nag-email sana kayo … By the time kini-click nyo na ang Let’s Have a Fishy Conversation… , alam ko na — gusto nyong bumargain na huwag kayong ihabla sa korte.

 

May mga multong gustong kumausap sa akin, hoho. Ayon lang, ni hindi nyo alam kung buhay pa o multo na rin ang gustong kausapin. Teka pala, paano makikipag-usap ang mga multo, kung multo nga? Sabi senyo, ang laki ng identity crisis nyo, hoho… E, bakit naman kasi? Ba’t di si lawyer-kablog kausapin nyo, siya ang authoritatively nagsabi – punishable by law inyong online activities… Dati ko pang alam, pwede kayong ihabla, kahit wala pang Sampol post si biatch. E, anong kaibahan ngayon? Dinagdagan nyo lang ang scope and extent ng paninira sa pagkatao ko, nandamay kayo ng mas marami.

Mas pinatotohanan ninyo ang mga sabi ni lawyer-kablog, gaano ka-destructive ang mga onine kilos nyo and pronouncements… Bakit, sakaling tumigil ako sa blogging at di ko kayo ihabla, hindi na totoo ang sabi ni lawyer-kablog na pwede kayong kasuhan? Wala nang ibang pwedeng maghabla, magsampa ng asunto, among sa mga na-okray ninyo? Patahimikin ang blogger, sirain sa ibang bloggers at netizens, bigyan ng leksyon  – hindi ba iyan layunin ng masigla nyong kampanya?

 

Ngayong nakapag-fiesta na, naibato nyo na sa online lahat ng dumi at kalat na pwedeng itapon sa akin, hindi pa kayo masaya? Based sa posts nyo, tila gusto nyong i-justify mga nangyari, hoho… Di nyo naisip, kahit mapatigil nyo ‘kong mag-blog – pwede ko pa rin kayong ihabla? Di nyo naisip, pwede pa rin akong magsulat at maglathala ng posts, after ng grand hazing na inilunsad at pinangunahan nyo? Di nyo naisip, pareho pa rin options ko, binigyan nyo lang ako ng panibagong proofs – gaano kayo kabarumbado?

Teka, naisip nyo, may ibang bloggers na maghahanap sa akin pag humintong mag-blog? O, naabot nyo na lahat ng bloggers sa inyong demolition campaign? Well, ipagpapasalamat ko, alam ko na, sino ang friends ko sa blogging – sinu-sino ang magpapakita pa rin sa comments kahit at habang dini-discredit ninyo ako sa marami. Thank you, ka-blogs na nang-ookray… Ey, ang mga na-recruit nyo, yaong di sadya naka-follow sa sites, comment-comment lang minsan. O, mga di nagla-like, pero nagbabasa-basa, yon.

 

Ka-blogs, takot lang kayong maihabla? Hindi nyo naiisip, may mali sa mga ginagawa nyo? Tingin nyo sadya kayong may mahalagang papel at tamang motibasyon sa online activities nyo? Di nga… Tila ang gusto nyong mangyari, lumuhod pa ako sa inyo at magmakaawa, mag-issue ng statement, gumawa ng video sa YouTube, saying, “I am sorry, mea culpa, ako at ang aking mga panulat ang nagtulak sa inyong gumawa ng mga pagpapahiya at kalupitang ipinakita ninyo.”

Ganoon? Gusto nyo, kabugin ko ang dibdib, sabihin sa publiko – kagagawan ko ang lahat? Kung di dahil sa akin, hindi kayo magkakaganyan? Pero, ka-blogs, bago pa ako, marami-rami na ang na-okray, napagtawanan at naipahiya ninyo. Bago pa, kasabay ng at pagkatapos ko – mayroon at marami-raming iba pang bloggers kayong napag-tripan, sadly. Isa lang ako sa marami…

 

Matapos nyo akong ipahiya at siraan sa marami sa online world, gusto nyo, amuin ko kayo. Makikiusap ako? Maglulumuhod? Ows? Di nga, as in, di nga… Paano ako makikiusap sa mga multo, magmamakaawang patawarin – di na po uulit – paano? Gusto nyo gawan ko kayo ng isang super pa-tweetums na post? I have earned your displeasure, forgive me, my lords… Makikiusap ako sa bloggers na ni hindi alam kahulugan at pakahulugan ng impeachment – pero ginawa na, hoho. Online nga lang…

So, paano tayo ngayon? Buhay pa ako, that seems to be the hard truth, my friends… Virtual identity at pati actual, gaano man efforts nyong burahin na sana… Buhay pa rin ang katotohanan – maaari kayong ihabla ng sinumang blogger na na-okray ninyo. At hindi nyo na pwedeng burahin ang lahat, remember? Ang lahat sa internet ay naka-permalink, may double back-up alinmang platform at maraming lawyers sa Pilipinas ang excited – testingin for free – ang sinasabing cyberlaw…

 

Nakakatuwa rin itong bagong interactive media, ang daming bagong natutunan… Iba-ibang klase ng tao ang masasalubong. Ang iba ay huhusgahan ka na – kahit di ka pa nakikita, naririnig o nahahawakan. Pananagutin ka sa mga bagay na di mo naman ginawa, ni hindi mo alam, pero sigurado silang pinag-isipan at pinagplanuhan mo, ahaha. Ipapaako sa iyo ang mga kasalanang tulad ng preying upon the other, “hapless” bloggers  –  noong mga totoong predators. Masaya, come to think of it…

Alisan ng credibility ang blogger na mangangahas mag-point out gaano kawala sa lugar, gaano ka-excessive at gaano ka-destructive online activities ng mga grupong nang-ookray – animo  ay mga maton sa kanto, gawi ay magpahiya at mambugbog ng bawat makursunadahan… At pagkakatapos ng bawat paninira, tila lalo pang lumalakas ang inyong loob, habang lumalaki at dumarami ang inyong paranoia – tingin nyo, halos bawat post ng ka-blogs ay patungkol at laban sa inyo… Masaya ba? Masayang maging ala-gobyerno, gayong walang pumipili at nagbibigay sa inyo ng mandato? Tingin nyo, ilang buwan at ilang taon pa, maaaring ganyan ang atmosphere at set-up?

 

Ka-blogs, masakit magsulat ng ganitong mensahe – ganito kahaba, ganito katagal sulatin… Wala na tayong dapat pag-usapan, kung tutuusin… Ihahabla ko man kayo o hindi, wala na tayong talking points. Bago pa man kayo nakapag-like sa posts dito, bago pa man nakapag- comment at bago pa man nag-subscribe – siniguro nyo nang sira at gula-gulanit ang ka-blog na kikilalanin pa lang sana. And yet, you presumed to know the blogger, way better than those who bothered to introduce themselves…

Try as I might, di ko makita ang points nyo… Sabi nyo, andyan kayo para tabasin yaong bloggers na nagmamarunong at “literary” magsulat, para di madehado ang mga babago at karaniwang bloggers. Talaga? Kailan pa naging mediocrity ang standard sa pagsusulat? Iyon ba dahilan bakit karamihan sa bloggers na writers and editors ng campus papers dati, naka-private settings na? Saka, di ba nga at walang standard na ipini-prescribe si Ginoong WordPress? So, bakit kayo, mayroon at ini-impose sa iba?

 

Sabi nyo, gut level dapat ang pagsusulat. Malapit sa bituka dapat ang mga panulat, realistic at walang kaartehan. O, yun naman pala, ba’t puro pa-cute ang mga sulatin nyo? Hahaha, di nga… Pormang pang-showbiz ang marami sa inilalathala nyong sulatin, tinatalakay ay gaano ka-etchos ang pinagsasabi ng kapwa bloggers at, may paghuhusga parati – dinurugtungan nyo pa sa mga kwentuhan sa social networks… Ey, ayos naman ang gut level, ka-blogs, pero hindi yata ang gutter level

Huwag kayong magagalit, falsely modest kayo sa sabi nyong di kayo maalam magsulat at dehado kayo, in relation sa bloggers na dati pang nagsusulat. O, kaya, pag itinapat kayo sa bloggers na fluent mag-English… Una, pare-pereho naman tayo, colonial ang formal education. Pangalawa, in English lahat ng sulat at memos dito sa atin at pati label sa halos lahat ng produktong binibili natin, hoho… Ikatlo, walang nagbabawal sa sinumang magsanay pa magsulat… So, paano kayo naging dehado?

 

Wala kayong time magsanay magsulat ng masinsin? Ows, ba’t ang dami nyong time para sa okrayan? Ang iba sa inyo, may anim na social networks sa online, nakagawa na rin ng tatlo hanggang limang sites, hoho… At may time kayo – para mag-spy sa kapwa boggers, mang-harass thru the like button (to register to other bloggers that they are being watched) at, nakakagawa at maintain pa kayo ng extra sites — exclusively devoted sa pang-ookray at harassment ng ka-blogs… Wala kayong time? Para nga…

Alam nyo, nakapagbasa na ako ng posts ninyo… Mas maaalam nga kayong magsulat kaysa sa akin? At least, most of you, guys, do write better than I did, when I was your age… Marami kanyo ang contents ng panulat ko, pinagmumukha ko kayong bobo? Ka-blogs, hindi kayo bobo. Pero, tila tamad kayong mag-expound ng subject matter at mahihilig sa convenient… I guess, pa-etchos nyo lang sabing di kayo maaalam, para magka- lisensya sa pagtatanggol kuno sa ibang bloggers. Parang…

 

Tingin nyo, walang kakayanang dumepensa, makihalubilo at makipagsabayan ang ibang bloggers – kung wala kayong nang-ookray? Aba naman! Hindi kaya pabor sa mga babagong nagsusulat ang exposure sa mga sulatin ng bloggers na dati pang nagsusulat? Hindi kaya kaya binigyan ng host site ng tig-iisang like button, tig-iisang comment box at tig-iisang follow button ang bawat blogger – para siguruhing pare-pareho lamang naghihingi ng appreciation and approval ang bawat isa? Regardless ng  content, depth at style ng panulat ng blogger…

 

Sabi nyo, pinapahiwatigan kayo sa posts… Ka-blogs, di ko kayo pinapahiwatigan. Sa mga pagkakataong tinatalakay o ina-address ko kayo sa posts, diretsa kong sinasabi – di nyo pansin? Di nga… Sa pagkaalala ko, may isang post na nagpahiwatig sa inyo, Ang Pulubi at ang Mga Dumaraan, yon. In fairness. ginandahan ko pagkakagawa ng nasabing article, hihihi. Sa hiya ko na lang sa inyo, baka mayroon na naman kayong masabi… By the way, plea for tolerance pa rin nasabing sulatin, come to think of it…

Sabi nyo pa rin, mas lamang ang blogger dito pagdating sa propaganda… Ka-blogs, in the general sense, all writings are propaganda – yours, mine, other people’s… Lahat tayo, nagpo-props, pag nagsusulat. Bakit? May manipulation parating involved sa pagsusulat – pagpili, arrangement, rendition, style at iba pa… At wari, kaya rin sinasabing ang pagsusulat ay responsibilidad – mas maraming manipulation at istilong alam ang manunulat – mas malaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat. ‘Yon.

Sa pagkaalala ko, ang post na propaganda, ang foraging in the wreckage. Conscious ang lola nyo, nagpo-propaganda siya sa foreign readers in that article. Ano props do’n? Set aside your usual biases for the Filipinos. We have been visited by a terrible disaster, at least, help the children victims. Ayon… Btw, boses at point of view ni youngest sister ang ginamit, ninakaw sa nasabing post, ka-blogs. Siya itong journalist dati.

 

 

Alam nyo, ang isang nakikita kong malaking diperensya natin, sa larangan ng formal writing ako galing, habang kayo, sa interactive media nag-seryosong maghayag in the written form… Sa pagsusulat na kinasanayan ko, mas objective sadya ang approach. Habang sa interactive media – mas subjective, mas spontaneous at mas maraming pahiwatig, pa-cute at pa-charming, hoho…  E, kayong nang-ookray, hilig nyong isipinnagpapahiwatig, pa-cute at pa-charming ako sa mga panulat – maski hindi…

Pero kahit pa… Kahit sa magkabilang dulo pa tayo galing, hindi ibig sabihin, pwede nyo nang hubaran at litsunin ang bawat blogger na maibigan. Maling-mali naman ‘yon… May panuntunan pa rin ng kagandahang-asal, maski pa sa online. Katunayan, kung ano ang required norms sa totoong buhay, ganoon pa rin naman sa virtual or online media. Kung importante ang paggalang at pagbibigayan sa totoo, ganoon pa rin sa online, I guess. Kung nagma-matter ang konsiderasyon sa totoong buhay, napapansin at pinahahalagahan din iyon wari, pag sa online. Eyy, alam nyo ‘to…

 

Ka-blogs, ang dami nyong excesses sa blogging at online conducts nyo… Ang dami, such that, napansin na ng abogado… Naisip kayong bigyan ng dose ng inyong medicine ni lawyer-ka-blog… Ayon, pag kayo pala ang napuna at napansin ang mga kapintasan, kagyat kayong magpapaningas ng apoy, kukuha ng kawayan at tutuhugin kaagad – ang nag-o-oppose sa inyo. Tapos, gusto nyo pa, bigyan kayo ng basbas ng marami sa mga pinaggagawa ninyo. Na para bang wastong-wasto ang mga kilos at sabi ninyo, na parang hindi kayo nabubuhay sa sensationalism at pang-o-okray ng kapwa bloggers?

Ang bilis nyong gumawa ng conspiracy plot, as in… Napag-connect-connect nyo kaagad ang dots, posts at mga bagay na hindi naman related o kabaligtaran pa nga. Kumbaga, pinagtama-tama nyo na lang, parang walang mag-o-audit, hoho. Tingin nyo, hindi marunong mag-wan plus wan ang kapwa bloggers? Dadaanin nyo sa dami ng boses, sa lakas ng ingay nyo at pagtalun-talon sa iba’t ibang platforms? Ows? Ano’ng naramdaman nyo nang silence ang naging reaksyon sa bahagi ko? Na-guilty kayo sandali, tapos balik uli sa dati?

 

Hindi ko alam kung sa ultimate hazing na ginawa nyo sa akin, gusto nyo lang bigyan ng sampol pabalik si lawyer ka-blog – gusto nyong ipakita ang inyong wrath, the things you are capable of… Ngayong alam nyo na, hindi kami nag-usap prior to the post, paano na? Siya ang gumawa ng post, iba ang inyong inipit at ipinahiya… Mga kapatid, I have to send you with a little caution – bukod sa IBP member in good standing si ka-blog, abogado rin ang asawa nya at ang bitch sister na ikinukwento nya sa posts, abogada rin. Not that these things matter, pero, tila hindi nyo gawi ang maghunos-dili. This time, baka makatulong, baka sakali…

Sa bahagi ko, alam nyo na, si youngest sister, abogada rin. E, huwag na natin siyang isali. Wala naman akong ginawang masama, sa pagkaalam ko. Saka, si sister, ilang taon bago sya nag-law practice, legal editor. So, baka mangilo sya sa mga grammar natin. Maigi, huwag na… Iyong worry nyo naman about my rich relative, kapatid ko ‘yon… Bale, ate namin ang ino-okray ko sa post na there’s always a rich relative, hehe. Extra ako ro’n sa post, pansin nyo? Ang lola nyo ang nag-serve ng juice, hihihi… By the way, gano’n nga si ate, kung kinakailangan, di sya mangingiming kumuha ng limang abogado. Pero, hwag na rin nating isali, di naman kailangan…

 

So, pagtyagaan nyo na lang muna ako, ha… Bukod sa wala akong ginawang masama, bagaman pinili nyong “parusahan” sa inyong korte – maliit ang tsansa nyong manalo sa kasong ito, hihihi. Ay, di ko ito sinasabi dahil subjective lang, mga kapatid, hindi… Bago nag-Congress ang lola nyo, ang trabaho nya, paralegal.

Maliit lang ang group namin, pro bono ang services – walang sweldo, ang daming trabaho. Arbitration and mediation pala ini-especialize ng aming group. Simple lang goal namin – bawasan ang files na nasa dockets ng korte at tumulong mag-lessen ng hostile or adversarial conflicts… Btw, nasalubong nyo siguro itong info, sa surveillance na inyong pinaggagawa? Ayon…

 

It’s a losing proposition for you, dear ka-blogs na nang-ookray… Say goodbye to your happy days, for they are no more… Si ka-blog na lawyer ang pumansin sa inyo thru her post. Ni-like ko iyon, something na di naman bawal, may dahilan naman. Pero, pero, pero ang higpit at intensity ng inyong reaction as groups ang officially naglagay sa inyo sa blacklist sa online world, bukod sa nagpakilala kayo sa karaming bloggers – through your demolition campaign…

Paano ba? Ang mga tulad nyo ay maituturing na outcasts, lawless at sabihin na natin, kategoryang pinaghahanap kayo, sadly. Ey, kayo ang gumawa no’n, di ang lola nyo rito, ha… At may pruweba, sa traces and documents ng inyong online activities. Ang tinutukoy, bilang grupo, mga kapatid… As individual bloggers, you are alright, sa pagkaalam ko… And as I said, wala pa naman kayong dapat ipag-worry, wala pang huhuli sa inyo. To my knowledge, wala pang subpoena…

 

Pero, pwedeng magkaroon, ikinalulungkot ko. Hindi sa akin manggagaling, iyan ang maganda kong balita sa inyo… Ibig kong sabihin, wala akong balak so far, na sampahan kayo ng kaso sa korte sa mga ginawa ninyo. So far, walang subpoena from the court na mai-issue sa inyo on my initiative… Pero, hindi ko sakop ang ibang bloggers, who might take their cue from the post ni lawyer-kablog. O, iyong ka-blogs na matatagal nang may kinikimkim na galit at sama ng loob, bunga ng mga pang-ookray at paninira ninyo.

Sakaling may blogger na may time, resources at lakas ng loob pumunta sa korte – para roon maghanap ng katarungan – walang maaring pumigil sa kanya, ka-blogs…  Tingin ko, from experience – properly motivated, may merit at valid mag-litigate – ang sinumang blogger na binugbog ninyo…

 

Sakaling ako ang maghabla sa inyo, hindi ata patas ang laban, ka-blogs…. Baka, masyado akong yumaman, whehe, ang dami nyo kaya? Well, for one, mas matanda ako sa inyo, mas marami na akong kakilalang abogado. May ilang experiences na rin kami ng asunto sa pamilya, mas pamilyar na, ika nga… Alam nyo, sa gano’n, kahit pa sa huli panalo – emotionally, lasog-lasog ang family members pagkakatapos…

So, bukod sa pagagastusin at pag-aalalahanin ko ang mga pamilya nyo pag ihinabla kayo, pare-pareho tayong mai-stress. Bata pa kayo… Bata pa rin ako – 40s is the youth of old age, sabi… For another, ang dami ng kasong pwedeng isampa sa inyo… Magtanong kayo sa abogado, para malaman nyo gaano karami. Alam ko, sa ringleaders ninyo, mas marami. Hmnn, bakit? Let’s just say, masyadong masasaya ang mga buhay nila, for so long… Masyadong maraming liberties ang kinukuha sa kapwa bloggers…

 

Ang pinaka-delikado sa ginagawa nyo, ang surveillance, mga kapatid… Siguro, akala nyo, tsumitsika at tsumi-tsismis lang, pag ang isa ay naghahanap ng mga kapintasan at kapalpakan ng ka-blog. Parang ang kulit at ang saya lang? Well, masaya, pag wala pang kaso – pag wala pang nagre-reklamo, hoho.

Basta may nagdala na sa korte o isinapubliko na ang impormasyon, doon ang problema… Ang unang magliligpit ng impormasyon, ang mismong sources. Bakit? Sapagkat, ibinahagi nila ang info thinking na di iyon ilalabas sa marami, lalo pa sa public o sa korte. Sa mga ganyan nagiging delikado ang buhay at safety ng nag-i-investigate o nangangalap ng juicy na balita, ka-blogs…

 

Bukod sa threat sa kaligtasan ng nangalap – sa korte, mahalaga lagi kung paano nakuha ang impormasyon. Surveillance as a method has always been and is illegal, mga kapatid… Hindi ko alam, bakit sa inyo – ang ganito ay parang wala lang. Akala nyo yata, extension pa iyon ng anonymity angle na ipino-provide ng blog, hoho. Ang mga “ebidensya” ng kapalpakan at pintas ng blogger na ino-okray na na-secure nyo, likely siyang gagamitin, para i-convict kayo. Medyo ganoon…

Basta may intrusion na sa privacy ng ka-blog, basta nagse-secure na kayo ng info para manira ng kapwa, e, medyo kabahan na kayo at tigilan nyo na. Liable na kayo sa batas, mga kapatid… It’s only a matter of time, bago may magbitbit sa inyo sa korte… Ang mga bawal sa totoong buhay, chances are, bawal din sa online… Mas matindi pa parusa. Ang dami nyong ginagawang lisya sa kapwa bloggers. And apparently, hunches and biases ang nagmo-motivate sa inyo at tuntungan ninyo – sa inyong trials by publicity.

 

Kung tama kuha ko, tuloy pa rin kayo sa inyong mga dating gawi, tila wala lang. Well, mayroon na, ka-blogs… Naramdaman nyo, matapos itong huli nyong hazing, mas mabigat na kaysa dati? Kinailangan nyo na ngang mag-package ng impeachment kuno-kuno. Ngayon, alam nyo na — bakit absurd, bukod sa baseless —  ang ikinampanya nyo, all around town.

 

Cease and desist, iyan marahil ang mabuti nyong gawin, may kaso man o wala, ka-blogs… Ey, marami na rin nakakahalata sa inyo – bilang mga grupo – parang ang dami nyo nang napag-tripan at na-haze… Alam nyo, isa pang mahirap sa lagay nyo – once may isang blogger lang na magsampa ng kaso laban sa inyo, magkakabit-kabit na iyan – lalabas na rin mga panlalait, pang-ookray at paninira nyo sa iba.

Magsusunud-sunod ang mga kasong kakaharapin nyo, baka hindi na kayo makapasok o maka-trabaho sa dami ng hearings. Ito pa ang isang dahilan, bakit hindi ako inclined na kasuhan kayo, baka marami ang sumunod... Hindi sa generous ako – baka habla nga ang kailangan – para umayos ang conducts and interactions nyo sa online. Pero ang pamilya nyo at mga mahal sa buhay, makakawawa – yon.

 

Thing is, hindi nyo naman pwedeng bugbugin lahat ng ka-blogs o ipahiya lahat, one after the other… At some points, may ka-blog na aangal at aangal sa cyberbullying nyo. Isa pa, hindi lang si biatch ang lawyer na blogger, parang marami… Hindi naman lahat ng ka-blogs, sangkaterba ang pasensya – ipinahiya nyo na at lahat, siya pang iintindi at uunawa. May ibang bloggers sadyang magsasabi sa inyo, “See you in court…” Pag gano’n, wala nang usap-usap, hablahan na …

May bloggers na pagkakabugbog nyo, magha-hibernate lang sandali sa online – pero mag-i-spring back uli, after a while. Gagawa lang ng bagong site at gagamit ng bagong pangalan. Palagay ko, mas marami sa mga nabiktima nyo, ganyan ang reaction… Pero mayroong iba, ang tendency, mag-go into deep and severe depression, ka-blogs… Doon kayo mag-kunsider at medyo dapat kabahan – baka pamilya nila ang maghabla sa inyo… Iba ang equation, pag ganoon. Hindi sa tinatakot ko kayo, ha…

 

 

Sa akin, chances are, di nyo na ako gagawan ng sangkaterbang posts na pahiwatig, panlalait at patawa o caricature. Bakit? Medyo natupad na ang scenario nyo lang dati, whehe, ang maging partners kami ni lawyer-ka-blog… Hmn, nag-usap na kami ng slight ni biatch nito-nito lang, ipinaalam ko sa kanya ang reaction ninyo at ang inyong hazing. According to her, she takes full responsibility – siya naman ang nagsulat at naglathala. Ayon… So, sa kanya kayo ngayon magpapaliwanag ng cyberbullying nyo sa akin, starting about three months ago, wohoo…

 

Isn’t it ironic? Kagyat, walang kunsi-kunsiderasyon at walang-awa ang reaksyon nyo, para patahimikin, alisan ng credibility at paralisahin kami ni lawyer-ka-blog… Tapos, eto’t buhay pa kami pareho, ang kulit lang. Ang iba sa inyo, kung pagtawanan at laitin ang kapwa bloggers, parang wala nang bukas, parang walang sisita o gigibik man lang…

Kung manira kayo ng kapwa, parang kayo lagi ang nasa tama, para ring kayo lang may networks and connections sa buhay, hoho. O, baka naman ito ang ikinakatakot nyo – ang gawan ko ng detailed post ang inyong activities? Wish granted, my friends… E, gumawa man ng post si lawyer ka-blog o hindi, magsulat man ako about it o hindi – cyberbullying is happening and it is wrong as it is illegal.

 

Matanong ko nga, inisip nyo – your groups can carry on that way forever? Na iisipin lang ng bloggers sa pangkalahatan, cute ang activities nyo – ito-tolerate lang? Lagi? Talaga? To think na sabi nyo, iba ang nangmamaliit ng bloggers, hoho… Sabagay, di ba at cover-up lang yown, para itago online conducts and activities nyong manlait at pagkatuwaan ang kapwa bloggers?

Na parang lahat ng inis at sama ng loob nyo sa sarili at buhay, pwede at malayang-malaya nyong ida-dump sa kapwa sa online, hoho. Ang galing… Anyway, nasabi ko, lab ko na kayo – hinabaan ko itong lecture, para wala kayong masabing di kayo binibigyan ng sapat na pansin, panahon at importansya. Saka, para ilan lang ibang bloggers na mahihikayat magbasa, whehe. Aba’y siyempre, napamahal na nga kayo sa akin… Isa pa, gusto ko kayong bigyan ng pagkakataon – to redeem yourselves, ka-blogs…

 

O, e, bakit hindi? Malinaw naman, nabigla lang kayo. Malinaw naman, di nyo alam ang inyong ginagawa at sinasabi. Malinaw naman, di nyo nari-realize ang implications ng inyong commotions at paninira… Isa pa, napansin ko, karamihan sa inyo, kabataan in your 20s. Marami sa inyo, sabik sa participation –either isang beses pa lang nakaboto o hindi pa nakakaboto – tama?

Ey, tila excited kayo sa politics, gusto nyong maging kabahagi ng goings-on –  kahit pa hindi kayo gaanong pamilyar, kakapa-kapain na lang, hehe, pag ando’n na… Kahit pa, gagawin nyo sa pamamagitan ng inyong tablets at cellphones. E, what the hey! Gano’n ata talaga, digital times na… Tila sabik kayong maging part ng mga kaganapan, masabi nyong may alam kayo at may ginagawa, kahit paano. …

 

Sa mga ginawa nyo sa ‘kin, ibinibigay ko na sa inyo ang pagkakataong ayusin, i-restore, i-repair at i-rebuild ang inyong mga nasira. Ey, palagay ko, kaya nyo na ‘yan… Hindi naman lahat ng mayroon ang isang tao, mga kapintasan at kapalpakan lang. Iyon lang ang hinanap nyo sa blogger dito, kaya tila mga ganoon nakita nyo. Tapos, ipinalaganap nyo sa pagkakarami… E, sakaling magtingin kayo ng matinong nagawa ng isang tao, mayroon din naman siguro kayong makikita, kahit paano…

Isa pa, tila mas malulungkot pa kayo kaysa sa akin, sakaling hindi na ako maglathala ng mga sulatin sa blogs. E, paano, napamahal na sa inyo ang mga sulatin dito, naiintindihan nyo man o hindi… Ayon lang, ang paghinto sa blogging seems to be an option for me… Actually, iyon pinag-usapan namin ni college friend nang magkita kami. Ipinaliwanag niya sa akin, the whys and hows of e-publishing and e-books…

Hmnn, it is an option, but nothing final yet. Magtatanong rin ako sa mas maraming ka-blogs, if they still want my writings around… Sus, kung sa inyo lang, gusto nyo andyan mga sulatin – para may malalait at mapagkakatuwaan kayo, hehe. Well… I come here to be appreciated, just like every blogger. Kung di man ako, at least, ang mga panulat ko sana…. Kung hindi rin, at least, galangin man lang somehow.  Pansin ko, hirap kayo dyaan – mas gusto nyo ang libre — libre nang basahin, libre pang okrayin, hoho…

 

Alam nyo, si lawyer-kablog, asiwa ako sa kanya noong una… Four months na yata akong nagbabasa at nagla-like sa site nya, pero hindi umiimik, haha. Parang sharp, masungit at very nuanced ang pagintindi niya sa kalikasan ng tao, kinakabahan ako noon. So, nagla-like lang ako, mahirap na… Isang araw, sinagot niya ang comment ko sa site ng isang ka-blog. E, di, na-break ang ice between us – nag-umpisa na comments namin sa site ng isa’t isa… Isang araw uli, nag- email sya, nagtatanong paano mag-attach ng Youtube video.

Sinagot ko query nya and start na ‘yon ng emails namin – once a month or once every two months. Ayon, nakapag-usap na kami – saan-saan masarap magkape, ang donut na tigta-tatlong piso sa bakery at ano itsura ng Sta. Cruz at Quiapo, 25 years ago… I guess, di naman imposibleng makilala ang ka-blog na parang mas maalam at parang masungit, ahihi. Anyway, I have found out – di si biatch singmaldita ng posts nya and, parang sensible syang tao. Mga gano’n, ka-blogs…

 

Mabalik tayo sa problema nyo… Bukod sa kayo ang mukhang katatawanan ngayon sa online, natukoy na rin kayo, bilang mga grupo ng nang-ookray. Groups are not permitted sa blogging, my friends… Sa pagkaalam ko, as far as paggawa lang ng group or collective blog ang pinakamalaking leeway na ibinibigay ng host sites. Pag gayon, the group operates as one blogger, one voice and one power, yon.

Other than that, hindi lang discouraged, kundi outlawed ang groups sa blogging, my friends… Am afraid, blog is designed for the individual blogger. Hindi ito ginawa para rito mag-o-operate ang mga taong may gustong i-bully, i-subject sa total embarrassment at i-haze ng bonggang-bongga. Am afraid, the moment natukoy na, nai-broadcast ang existence ng group sa blogging, it is time para mag-disband

 

Otherwise, you, guys, will be living a very dangerous online existence. Alam nyo, bakit? Palagay ko, because, walang makakapigil sa ibang bloggers to form vigilante groups online – para i-haze pabalik ang grupo nyong hackers slash reporters slash detectives slash police slash judges slash executioners. Sakaling hindi kayo mag-disband, likely magiging kalakaran ang bumuo ng kanya-kanyang grupo, kanya-kanyang turf at kanya-kanyang offense and defense…

Pag dumating sa ganitong point, you will be surprised – mas maraming mas creative sa kalokohan at katarantaduhan kaysa sa inyo, you will see… Lahat ng ginawa nyo sa ibang bloggers, likely, gagawin rin sa inyo and three times over. Mararanasan nyo paano ma-harass at mapahiya, paano maging subject sa bulung-bulungan ng marami. Ay, di nyo papangarapin ang mga ginawa nyo sa kapwa bloggers… Sa pakiwari ko pati, iba ang atmosphere – pag pay back time na

 

Ka-blogs, you may take my word or not, pero bilang na ang mga araw ninyo as groups… Ang balik and repercussions ng mga pinaggagawa nyo, over the months and years, mararanasan ninyo. Not from me, wala akong grupo dito sa blogging, iilan lamang kami sa age group at di rin kami nag-uusap. Likely, from other groups manggagaling… Simple, do not do unto others what you do not want others to do unto you… Thing is, nagawa nyo na at ginagawa pa. Bale, aantayin nyo na lang ang balik…

Inisip nyo, titiisin lang kayo ng marami, kundi man ng lahat? Hohoho… In the coming days, probably, dalawa ang scenario na kakaharapin nyo – ang possibility na maihabla at ang hazing na restback… Sinampolan nyo ang blogger dito ng hazing na capable kayo? Ey, binigyan nyo ng idea ang ibang bloggers – paano ang gagawin nila sa inyo – pag nakakuha na ng tyempo … Iyong sabi pa rin, kung ano itinapon mo, iyon din ibubuhos pabalik sa iyo. Hindi ko kayo tinatakot, these are close possibilities…

 

Am afraid, sa sitwasyon natin, it is a question of anarchy versus organization. Sa anarchic situation, nananaig ang mga grupong tulad ng sa inyo… Iyon lang, palagay ko lang, naabot nyo na ang saturation point, ka-blogs. Nagkamali kayo ng bonggang-bongga … Sus naman, lawyer-blogger ang tinalo nyo. Sa ngayon, twice nang nag-apologize si biatch sa akin, di nya raw na-foresee ang mess na idudulot ng post. Well, sa akin lang, messy naman na sadya ang sitwasyon, bago pa ang Sampol post. Kaya nga nagkumahog kayong mga nang-ookray, mag-damage control…

Napatay nyo ang apoy? Hohoho. Tila hindi… Para hindi tayo pare-parehong matupok, kailangan na yatang landasin ang alternative – ang mag-organize. We must form into a bloggers’ society, bago pa sumambulat ang sitwasyon. Bago pa maging kalakaran ang bugbugan kabi-kabila, bago pa matakot ng husto ang maraming bloggers at bago pa manghinawa sa blogging ang mass ng bloggers na di makasakay at di kayang makipagsabayan sa okrayan, laitan at pahiyaan sa blogosphere.

 

Mga kapatid, ang ipinapakita ng recent encounters natin, ang pangangailangang magkaroon ng gobyerno o pamahalaan dito sa blogosphere. Or, this side of the blogosphere… Hesitant akong magsabi sa inyo nito. Kaya nga yata, ang tagal ng inabot, bago naisulat itong mensahe. Sa akin, ano ang karapatan ko – pinilay, binugbog at siniraan nyo na ako sa maraming ka-blogs – tapos, ako mag-a-anunsyo sa lahat ng imperative of the moment? Mahirap, bukod sa ironic…

Ey, gano’n ata talaga… At any rate, tila ang pagkakaroon ng gobyerno among the bloggers ang pinakamalapit na solusyon para iwasan ang scenariong ini-outline ko sa itaas, ang endless na bugbugan at pahiyaan between and among groups of bloggers. Habang wala nito, mananatiling kanya-kanya ang pagtatanggol at pag-depensa ng blogger mula sa alinmang aggressor blogger or group.

 

Kung may pamahalaan, magkakaroon at maililinaw ang parameters ng peaceful coexistence among the blogging citizens, paano ang pagtataguyod ng respeto  at pati ng kumpetisyon o labanan – paano ang rules of the blogging game… Kung paano ang endorsements, ang okrayan at pahiyaan, paano ang rebukes o censor mechanism, sa ka-blog na tingin ng mga kasamahan, nagiging excessive. Ayon…

I guess, kapareho rin ito ng need for a government sa totoong buhay. May gobyerno para may rules – nakalagay at malinaw alin ang ahensyang tagagawa ng batas, alin ang nag-e-enforce at pag di nagkakasundo, alin ang mag-a-arbitrate ng conflicts. Nakasulat ang mga ganito lahat – sa isang Constitution na ihinarap sa pangkalahatang assembly at inaprubahan ng bawat kasapi. Sa kalagayang wala pang pamahalaan, bawat blogger ay atubili at kinakabahan – he has to watch out for his back, all the time. May gobyerno, para hindi iisa o iilan ang umaasta – kaya niya o nila ang lahat, sakop nila lahat.

 

Virtual government in a virtual setting? No, my friends, am afraid not… Hindi ito abstract. Organisasyon o association ng bloggers sa totoong buhay ang tinutukoy. Medyo ironic – ang blogging ay virtual, kaya engaging at masaya. And yet, ang gobyernong dapat itayo para ang sphere ng blog ay ma-sustain –concrete and actual, come to think of it…

Ang anonymity ng blogger ang isa sa mga dahilan bakit nakakatuwa ang blogging. And yet, kaya rin ito naabuso, dahil sa anonymity… Sa pagbubuo ng gobyerno ng bloggers, mag-i-step out from the virtual into the real ang players, lalabas at magpapakilala ang mga anynomous. Yon… Anyway, ang ganito siyempre, para sa bloggers na may kagustuhan at kahandaan.

 

Maitatanong nyo, saan galing ang idea? Sa experiences sa ibang bansa, sa U.S. and U.K., in particular… Sa kanila, ang dami ng legal cases that resulted from online harassments, torture and lynching such that napilitan ang courts na mag-order – pagbuuin ang bloggers ng associations or organizations. Bale, ang masasakop ng government ng bloggers, ang mga kasapi lamang nito – may Consti and by-laws din, may regular meetings at magkakakilala sa actual na buhay ang mga kasapi…

Sa documents ng bloggers’ org, nakalagay paano magse-self police ang members, paano ang judgment pag may conflicts at paano rin ang reporting – paano ang pagpi-feature ng kapwa bloggers… katulad din ang ganito sa real-life organizations, yon. Sa pagkaalam ko, may kung ilan nang bloggers’association dito sa atin sa Pilipinas, di lang yata within a single host site ang membership, kundi across several host sites… What am saying, hindi na rin naman bago ang idea and may pilot experiences na – pwedeng kopyahin and paghalawan, wari…

 

Anu at anuman, the proposal to form a government is for the bloggers to consider and to act upon. As I said, ayaw ko sanang ako ang magsabi. Hindi na rin ako gaanong interested na makisali pa sa politics-politics nyong mga kabataan. Una, hindi ko contemporaries ang karamihan sa inyo, ahaha. Kumbaga, ibang culture and beliefs na ang mayroon tayo – nabibilisan ako at nakukulitan sa inyo, hehe.

Hindi ko na rin masakyan ang marami sa trips nyo, lalo pa ang parteng ang bilis nyong humusga at mag-tag and label ng mga tao at bagay. And, siyempre, medyo nawiwindang ako sa speed nyong mag-appropriate, ahaha, at mag-adopt ng mga bagay na barely nalalaman ang history and pinanggalingan, hohoho.

 

Sa inyong mga nang-ookray, tila malaki ang stake nyo sa pagkakaroon ng bloggers’ government… As I said, medyo outcast category kayo ngayon. Pag nagkaroon ng “gobyerno,” ang unang panawagan parati – unity. And usually, ang unang act ng gobyerno, magbigay ng pardon or clemency sa mga taong-labas, ahaha. Hindi ako nagbibiro, ka-blogs, medyo ganoon sadya…

Isa pa, hindi lang ito para sa inyong mga nang-ookray na alanganin ang lagay, o sa ibang bloggers na “nangangamba” dahil sa mga gaya ninyo – kundi, para na rin sa mga nag-uumpisa pa lang at sa mga bloggers na padating pa. The truth of the matter is, bukod sa inyo – may iba pang grupong mang-ookray na susulpot – hanggang wala pang gobyerno… Malamang din, mas malulupit at vicious pa sa inyo ang mga susunod pa lang, ehehe.

 

Ka-blogs, concerned ako… My unsolicited advice is for you, guys, to take your clues from the movies. Sa pelikula, ang mga multo ay nagkakatawang tao para makausap ang mga mahal nila sa buhay, para makahingi ng tawad sa mga ginawan nila ng mali at para maihayag ng konkreto at ramdam, ang mga nais nilang ipaabot sa mga tao, yon…

Habang ang karakter ay multo, nananatiling lingering, spying and pining for, ahaha – hindi nagkakaroon ng tuldok ang mga bagay-bagay at di nabibigyang-linaw at naiwawasto ang mga dapat linawin at itama. Maybe, it is about time, magpahinga na kayo sa pagkakarami nyong paranoia, suspicions and doubts sa kapwa bloggers. Also, nang makapahinga na rin ang bloggers na di nakakakita, pero nakakaramdam, sa inyo… Kailangan nyong mga nang-ookray na magpakita at magpakilala, oo…

 

Ang tanong, kung risky pag kayo ay nagpapakilala sa maraming bloggers? Oo, medyo. But no more risky than your pangangampanya ng all-out – para mang-haze ng ka-blogs… Kumbaga, nagawa nyo na ang bigger risk, mga kapatid. Ini-expose nyo na ang inyong mga sarili. Unintentionally, maybe, pero, ginawa nyo na… Likely, kaya atubili at balisa na kayo nitong huling dalawang buwan – bukod sa na-sense nyo nang baseless and on wrong footing ang ikinampanya nyo – aware kayong that time, you went beyond the usual pambubugbog at paninira ninyo… Nagpakilala na kayo no’n sa pagkakarami…

Ewan ko, pero pakiramdam nyo yata noon, you were fighting for your lives, hoho. Medyo kill or be killed siguro ang basa nyo sa sitwasyon… In a sense, yes. But then again, ka-blogs na nang-ookray, nang kayo ay mangampanya, ang right nyo bilang mga grupo ang ini-a-assert nyo – isang right na non-existent. At this point, tila iba na ang nakasalang – ang inyong future bilang individual bloggers. Magpapatuloy pa kayo sa pagba-blog o hindi na? You have to ask yourselves this… Sakaling gusto pa, tila walang ibang choice, maliban sa magkatawang-tao. It is the end of your anonymity, sadly.

 

My suggestion is this, kung inyong mamarapatin – gamitin nyo itong panahon para magpakilala at humingi ng dispensa sa mga ka-blog na inokray nyo – thru emails, comment section at pati na rin networking sites. Apologize sincerely, mga kapatid, yong mararamdaman noong ka-blog na ginawan nyo ng mali – totoo kayong nagsisisi.

Dalawa ang ma-a-accomplish nito – ang maalis o mabawasan ang chance na ihabla kayo at para rin, hindi kayo i-haze pabalik ng iba. On the other hand, maari rin kayong tumulong mangampanya about pagkakaroon ng gobyerno ng bloggers. As I said, dito nakasalalay ang inyong kinabukasan, ehehe, ang chance na pwede pa kayong mag-blog ng payapa.

 

Otherwise, most bloggers will be living in terror and fear, mula sa inyong mga nang-ookray. Am afraid, ang mga grupo nyo ngayon, nasa phase na ng self-destruction. Marami kayong idadamay pababa, in your groups’ last grasp and attempt to stay relevant, hoho. Mas maigi siguro at kaya naman – i-convert into positive efforts ang pag-iikot ninyo at pakikipag-sosyalan sa online. Nasasa inyo…

 

Dahil sa ginawa ninyo, in-obliga ninyo si lawyer-kablog na depensahan ako. As I said, sa kanya kayo mananagot ng mga kilos nyo at salita, starting about three months ago. Subukan nyong i-stretch ang conflicts at bagay-bagay, malalaman nyo ang dapat nyong paglagyan. Hindi ako nagbibiro, ka-blogs… Sa ginawa ninyo, kumuha kayo ng lubid na ipupulupot sa mga leeg ninyo. As I said, hindi ako inclined na kasuhan kayo. Pero huwag nyo namang itulak si lawyer-kablog na totohanin ang sampol. Blog post pa nga lang nya, nawindang at nag-panic na kayo – paano pag totoong subpoena, paano pag nag-trial?

 

Subukan nyo ring maging mabait sa akin, subok lang… After all, marami-rami ang libreng basang nagawa ninyo sa sites ko, whehe, marami-raming panulat nyo ang na-inspire ng mga sulatin ng inyong lola and through my writings, na-remind kayo somehow, may grammar pa nga pala at ang pagsusulat ay di lamang about styles, techniques and forms – tila kailangan din ng substance. Be kind to other bloggers – try. Kung di kaya, at least be fair. Kung di pa rin, at the very least – be considerate, ka-blogs…

Sa dami na ng blog about blogging posts na nailathala, ni minsan, di nyo ako nagawang pasalamatan. Hindi nga… All along, inisip nyo lang na nagmamaganda ako, ahaha. O, nagmamarunong, hoho. Well, sabi ng mga nakakita na, bearable daw naman ang itsura ko, hihi, and in real life, may mga taong nagsabing bright daw ang lola nyo, hihihi. Pero, hindi usual mode ang naging buhay ng blogger dito. Medyo maraming twisted na pangyayari. Saka, makwento sadya ang lola nyo, yon. Iyan siguro mga dahilan bakit maraming naisusulat… Marami na pati mga tao at sitwasyong aking nasalubong.

Ka-blogs, ang mga ganoon, they do not make me any different from you. They just give me a different perspective about things. Marahil, iyon ang nagpapaiba sa aking mga panulat. Kaya madalas ding humiling sa inyo ng tolerance – tolerance which is another word for love and respect – sa mga pananaw na iba at sa mga taong di tuwirang nakikita, virtual lamang. Pero nararamdaman… Kung sa mga panulat ko, naramdaman ninyong minaliit, nilait at pinagmalupitan ko kayo, di sige – i-impeach nyo ako… Kung hindi, e, hayaan nyo man lang na umiral — lumubog-lumutang — sa universe ng information sa online…

 

Saka, alam nyo, ka-blogs, magkaibang-magkaiba ang writing sa blogging… Writing is concerned with committing things, making them permanent, getting them down on paper or documents. Whereas, blogging seems to be about capturing the moments, in short composition that will encourage the reader to identify, in a seemingly endless flow of information and messages.

Writing is after the truth, it has to be objective and impersonal, while blogging is after identification or alignment of the subjective, personal and relatively manageable truths. Writing is about exploring the universal and the eternal, while blogging deals with short and momentary events, in an effort to establish relationships, however impermanent and temporary.

 

In this sense, mas lamang na kayo, ka-blogs… Sa requirement pa lang na dapat ang blogs ay short – 300 characters or less – ahead na kayo sa akin, ahaha. Doon naman sa sabing subjective ang blog, lamang pa rin kayo. Mas marunong nga kayong maglagay ng personal flavor sa mga panulat? Ahaha. At lalo pa sa manageability, daig na daig nyo ang matatagal nang nagsusulat sa aspetong iyan.

Hindi ako nagbibiro, tila worst candidates as bloggers ang writers… Ewan ko, ang phenomenon ng blog, isinilang nitong panahong iwas na ang tao sa commitment, hoho. Ang phenomenon ng pagsusulat, ipinanganak, several centuries back, noong kinailangan ng mga taong mag-document – gawing permanent, written down and committed – ang mga bagay at pangyayari. Sobra silang magkaiba.

 

Ang brilliance ni Mr. WordPress at ng iba pang host sites, pinagsama ang blogging and writing – two polar opposites – sa iisang platform. Hoping siya – in the process, mado-draw ang participation ng maraming tao, maha-harvest ang best of both worlds and somehow, kakayaning apektuhan nitong mass opinions (as expressed in the blogs) ang public discourse – in the past, dominated ng institutions, public figures and official, formal communication channels.

Ayon lang, business si Mr. WordPress, sa kategoryang B2B – pagtatagpuin niya ang maximum number of buyers and sellers ng online information. Concerned ang Ginoong padaluyin ang pinakamarami at pinakamabilis na traffic, hoho. Kung kaya, hindi siya after the content ng mga panulat. Para sa kanya, ang duty niya, ilagay ang lahat ng infrastructures – softwares, applications, features and links na mag-i-encourage sa bloggers na magsulat lagi at sa buyers na bumalik at gamitin ang platform, doon bumili.

 

Ang gusto ko lang sabihin, ka-blogs, huwag nyong pagdiskitahan ang bloggers na may content. It is not that necessary sa blogging. Kung babalikan natin ang sabi ni Mr. WordPress, blogging is about building a relationship with your audience. Isang parte lamang nito ang content… Katunayan, sa kasalukuyang panahon, less and less people sa online ang after “informative contents,” sa pagkakaalam ko. Mas marami pa ring tao – they go online to seek updates, to be entertained or to find chatmates. Yon…

I guess, content in blogs is for those people who are interested – may niri-research, may crush sa nagsusulat o iyong mga gustong awayin ang blogger. Kung kaya, kokonti lamang sila, hehe. Walang gasinong audience ang blogger na marami ang nilalaman ng blog entries, mga kapatid… You need not give them, us, a tough time. It is hard enough na maglakas-loob mag-blog ng may content – sa panahong  140 characters na lang ang fashionable and accepted message. Hindi madali ang sumalungat, kablogs.

 

Iyong sabi nyong mga nang-ookray, ang bloggers na tama ang grammar at marami ang content ng panulat seek to be popular? More popular than the others, hoho. Parang mali, parang baligtad… Pag nag-blog ng ma-content, para nang sinigurong kakaunti ang magbabasa at tatangkilik, lalo pa sa kapwa bloggers. Halimbawa, iyong ginagawa ni lawyer-kablog, nagsusulat ng entries na law for the idiots

I do not think she seeks to present herself as better than the other bloggers or to frighten others by writing about such. Para sa akin, mas ang nais niya – ilapit sa karaniwang tao ang batas, gawin silang pamilyar at di dapat katakutan. Sinasabi ko ito bilang isang dating paralegal at bilang tagagawa ni kapatid ng SCRA (Supreme Court Rulings Annotated) abstracts niya sa law school noong araw. Saka, bilang nag-Congress, kung saan ginagawa ang mga batas. Sa tingin ko, parang gano’n ‘yon…

 

Huwag sanang too narrow-minded, mga kapatid… Hindi nyo pa kilala ang tao, gusto nyo na agad balatan at i-present sa marami bilang etchosera, bilang umi-epal at bilang puro bulutong ang pagkatao. Huwag namang ganoon, pinalaki rin naman kayo ng maayos ng mga magulang nyo, sa abot ng kanilang kaya… Saka, pag nailagay nyo na sa tabi, nasiraan o nailigpit ang ka-blogs na tingin nyo nagmamagaling o nagmagaganda lang, mag-i-improve na at dadami pa inyong writings? Parang hindi naman… Pag napaalis nyo na sa blog sphere ang mga ma-content, magkakaroon na ng content mga panulat ninyo?

Content is built over time, mga kapatid…  Habang dumarami ang mga karanasan, pagsasanay at familiarity sa terrain ng written words, nagkakaroon ng content ang mga panulat ng isang tao. Ganoon din, sumisinop ang paggamit ng logic sa pagsusulat, kung paano magtahi. Habang tumatagal, almost naturally, nagkakaroon ng content at logic… But ka-blogs, you have to keep at it – keep writing – and, keep building your vocabularies and widening your perspectives… Makipag-relate din ng maayos sa writer-bloggers, marami kayong matutunan.

 

Kung tutuusin, ang blog ay isang interactive medium, one among the many, in these digital times… Ang gamit at kapakinabangan nito ay nasa ugnayan ng magkabilang dulo – ang nagsusulat at ang nagbabasa. Sa gayon, maaring tingnan ang mga akda at likha – ang mga larawan at salita, ang mga himig at tinig, ang mga drama at patawa, ang mga kwento, tula at sanaysay – bilang instrumento at palaman ng mga ugnayang hinahangad at ipinupundar. Hindi sila mismo, kundi ang ugnayan sa magkabilang dulo. Lumalabas, ang pagba-blog ay usapang pakikipag-kapwa tao.

 

Wari, hindi sa pagsikil at pagpapahiya ng kapwa bloggers mapapasigla at maitataguyod ang blogging. Hindi lang siguro sa paghahabla maipapaabot sa inyong mali ang cyberbullying… Ka-blogs, ang kasalanan ko sa inyo – hindi nyo naramdamang welcome kayo sa aking mga panulat. Hindi naman impeachable offense iyon. Pero, gusto kong bigyan tayo ng another chance – mag-interact and magkakilanlanan. Parang hindi natin ito magagawa sa atmosphere ng okrayan, laitan at bangayan. Mas maganda kung may paggalang, pagbibigayan at pag-uunawaan. Maybe, we all can do more and better… ❤ ❤ ❤

 

 

Merry Christmas sa inyo,

🙂 Ate San

 

mga simbulo ng pag-asa, pangarap at katuparan

Hello, ka-blogs! Ang paksa natin ngayon (hihi, paksa talaga) ay tungkol sa public figures and celebrities – ang ating mga idol, yisss! 😉

Sa English na blog, nagsulat ang lola nyo ng post tungkol sa paano mabuting tingnan ang sakunang Yolanda, ang bagyong tila wala pang kapares sa kasaysayan ng tao. Doon, sinabi ng pasaway na blogger, pangunahing tungkulin ng central government natin, mag-inspire ng confidence sa mga tao – hindi ang mamigay ng goods, trabaho at magtayo ng bahay para sa mga tao. May kaugnayan yaon sa paksa natin ngayon, humigit-kumulang… 

Bakit kailangang mag-inspire ng confidence ang pamahalaan? Ba’t nga? Sang-ayon sa basic ng governance, mayroong tinatawag na symbolic functions ang gobyerno. Oo, yon. Bahagi ng tungkulin ng pamahalaan, ang mag-symbolize, ang kumatawan sa mga pag-asa at pangarap ng mga taong pinamumunuan.

Ano nga kaya ang pangarap at pag-asa ng mga tao, matapos ang pananalasa ng pasaway na bagyo? Wari, ang makabangon muli at maharap ng buo ang loob ang buhay na puno ng hamon. Yon… Symbolism ng courage, kumbaga, ang dapat ipakita at tuparin ng pamahalaan. Bakit kanyo? Sapagkat, one of the darkest times sa kasaysayan ng bansa natin ang Yolanda disaster. Pag-asa ang hinahanap ng mga tao, unang-una. As a people or as a nation, kailangan natin ng assurance – kaya nating daanan, tawirin at lampasan itong mapait na yugto.

 

 

Ang symbolic function ng government, mas implied kaysa sa tuwirang nakasulat sa mga batas o statute natin. Mas nakikita natin ito sa pamamagitan ng tinatawag na ministerial functions ng gobyerno at mga opisyal nito. Ano naman ang ministerial function? Ito yaong pangunguna ng hinalal sa mga public functions –  groundbreaking ceremonies, pagpapasinaya sa bagong eskwelahan, pabrika, establisimento, atbp. at pag-preside sa mahahalagang pulong ng bayan.

Halimbawa, dumating ang pangulo ng bansa sa isang bayan sa Leyte para mag-cut ng ribbon sa katatayong public market doon, bahagi iyon ng ministerial duties niya. At the same time, ang kanyang presence, nangangahulugan ng pag-asa para sa mga tao – interesado ang central government na sumigla muli ang kalakalan sa Leyte. Sa pagdating ng pangulo, naisasakatuparan niya ang symbolic function ng pamahalaan – ang maging kabahagi at kasama sa adhikain ng mga tao sa isang liblib na sinalantang bayan. Tila ang mensaheng ipinapaabot – ang bayang inilugmok ay makabangon ng minsan pa. Ahihi, parang ganoon…

Katunayan, hindi lamang ang hinalal na opisyal o politiko ang may ministerial functions, ang ibang public figures ay mayroon din… Halimbawa, ang mga paring Katoliko, nagmi-minister sila ng langis sa parokyanong nasa death bed, yon. Ang judge o huwes ay nagmi-minister ng kasal sa mga magsing-irog, yown. O, nagso-solemnize, sa mas karaniwang tawag… Bale, may rites o ceremonies ang ating lipunan  – ang public figure na kilala at lehitimo ang pinapayagang mag-officiate o manguna. Kung hindi sila ang officiating figure, hindi kinikilala o iginagalang ang nasabing rite. Hindi binding, hindi selyado sa mata ng mga tao.

 

Punta tayo sandali sa Inglatera, para makapasyal naman, ahihi. Mas kapansin-pansin sa U.K. ang symbolic function ng pamahalaan sapagkat sila ay may… dyaran! Queen of England. Yon. Maraming jokes tungkol sa Queen of England, hihi. Actually, karamihan, tungkol sa gaano kahirap i-please ang adoring public – ang mga taong sumasamba at nangangarap na maging royalty. Ay, minsan, nood kayo ng historical films tungkol sa Crown 🙂 …  Sa England, may annual event sila na magka-camp out ang mga tao sa harap ng Royal Palace, para hintayin lamang ang paglabas sa balcony ng Reyna. Kakaway lang ang Queen sa mga tao, yon. Na-fulfill niya na ang symbolic function, ahihi.

Pana-panahon, pag may krisis sa Parliament o kaya, sobrang baba ng public morale ng English people (prone pa naman sa depression ang English, lalo pag taglamig), paparada ang Queen of England, sakay ng magarbong float. Kakaway pa rin siya sa mga tao, pero at ground level na, ahihi. Ayon lang at medyo ganado na uling magtrabaho ang mga tao sa gitna ng mabagsik nilang winter. On business na uli ang English Parliament, baka hindi na kailangang i-agenda ang vote-of-no- confidence sa sitting Prime Minister, maipapasa na ang mga patakarang ilang araw lang ang nakakaraan, anong ganit ng public reception… Ahihi, medyo pina-simple ko. Pero medyo, medyo, parang ganoon, mga kapatid…

 

Ayon, ang personahe ng pinuno sa Inglatera, embodiment ng pag-asa, pangarap at katuparan ng mga mamamayan nito… Ang Royal Family, kumakatawan sa sentimyento ng bawat pamilya sa Inglatera, bukod sa simbulo ito ng pagkakaisa ng apat na republikang bumubuo (England, Ireland, Scotland and Wales) sa iisang bansa – ang United Kingdom.  May Parliament ang U.K. at, doon ang real jobs with its crazy details – debate sa session ng legislature at ang pagpapatupad sa mga patakaran… Sa English pala, parliamentary system meron (di tulad sa atin). Bale, fused o magkasama ang legislative and executive functions ng pamahalaan. Among the members of the Parliament din galing ang executive officials o Cabinet members. Ahaha. O, yun… Ganoon din sa Japan, mga kapatid…

 

Anyway, ang task of inspiring the people sa UK and Japan, concentrated sa King and Queen. May hari at reyna pa sila, tayo wala na (Sabi natin, pero panay ang hirit  parinig ng mga tao sa hari Pangulo, magkaroon siya ng reyna mag-asawa siya, hihi)… Sa kanila, ang pagpapatakbo ng pamahalaan (administrative functions), nasa PM o Prime Minister na tila CEO ng bansa at the same time, siyang Speaker of the House (legislative function). O, di ba? Malalim sa kultura ng English and Japanese people ang sentimyentong may hari at reyna pa, oo. Napakatagal nilang umiral sa panahong medieval, kung saan at kailan, uso ang lusuban at gerahan ng mga palasyo at kastilyo ng feudal lords. Ang hari noon ang pinakamaraming napatay na kapwa lords pinakamatapang among the lords, pinakamarunong at kumakatawan sa pagkakaisa ng bansa.

Sa pangkalahatan, ang pinuno ng bansa ang simbulo ng pagkakaisa o unity ng isang nasyon. Kaya lang, pangita sa kasaysayan, karamihan sa mga pinuno, pag naluluklok sa kapangyarihan, lumalabis at umaabuso. May kasabihan, “Ang utos ng hari, hindi mababali.” Mayroon noon ang haring absolute power over sa lahat ng tao (buhay, kabuhayan at katarungan) at teritoryong nasasakupan.

Over the centuries, hindi lang simbolo ng kapangyarihan at pag-asenso ang hari – simbolo na rin siya ng excesses o kalabisan.  Sa sistemang monarchical o yaong may hari-hari pa, walang halalan o eleksyon. Mamanahin ng anak o tagapag-mana o heir, ang trono palagi. Sa Inglatera at sa Pransya, umabot sa yugtong nauso ang pugutan ng ulo ng hari, ahaha. Noong di na makayanan ng mga nasasakupan ang pagmamalabis ng pinuno at mga malalapit sa kanya, sinusugod ang palasyo at literal na pinababagsak ang kaharian at mga nakaupo. Sa history, nauna ang England sa pagpapabagsak sa monarchy, early 17th century. Halos dalawang centuries pa, bago sumunod ang Pransya. Ay, totoong pinugutan ng ulo ang mga hari noon, in full view of the bloodthirsty public.

 

Ang ginawa ng English elite, ihiniwalay ang symbolic function sa representative and administrative functions ng pamahalaan. Bale, pinanatiling nasa palasyo ang Royalty, retained ang royal privileges and lifestyle (subsidized ng gobyerno), subalit wala na rito ang representative and administrative functions kundi, nasa Members of the Parliament na (na inihahalalal ng mamamayan). Ang duties na lang ng Royalty, mag-preside sa mahahalagang public functions at mamahuhay ng marangal at engrande – bilang simbolo ng mga pangarap at katuparan ng tumitingalang public at large, ahaha.

Marami sa mga bansang matagal na monarchical ang anyo ng gobyerno, nag-adopt na ng Parliament para ma-democratize daw ang pamamahala, mai-represent ang interes ng karaniwang tao sa central government at, mai-distribute ng tama sa elites ang pagkakataong magdirihe sa kabuhayan at politika ng nasyon. Monarchical government with Parliament din ang sa Japan (gaya ng nasabi na) at sa iba pa sa Asia, gaya ng Thailand. Paglaban, pagsupil  o pag-iwas sa despotism o dictatorship ang karaniwang dahilan para maalis sa kapangyarihan ang royal families sa iba’t ibang teritoryo at republika sa mundo. Subalit, sa ilang nasyon, piniling i-retain ang royalty, para iwas sa madalas na kudeta at agawan sa kapangyarihan, ng mga hinalal o opisyal.

Maski may parliyamento na sa mga bansa, the symbolic personages therein provide stability sa nasyon. Iginagalang pa rin ng mga tao sa pangkalahatan ang bawat appearance at pronouncement ng Hari at Reyna, idol pa rin ng housewives sa bansa ang First Daughter, ahaha, at binibihisan pa rin ang mga bata, tulad ng sa bihis ng apo ng hari, hihi. For some reason, medyo ganoon, mga kapatid…

Apparently, tayong mga tao ay may iba pang public figures na tinitingala, bukod sa mga politiko – mga artista, mang-aawit at sikat na atleta o manlalaro, ahaha. May idols tayo – kumakatawan sa ating mga adhikain, pangarap at nagbibigay sa atin ng pag-asa. Sila ay may mga napatunayan na sa buhay, kinikilala ng madla o publiko, may pirming tagasunod at kumakatawan sa mga gusto pa ng madlang “maging” sa buhay, ahaha. Mahigpit ang paghanga natin sa public personas – tila mas malaki kaysa sa karaniwan, mas angat sa nakararami at may kung anong hila at hatak sila sa ating pagkatao. Ang mga pinapangarap natin, natupad na ng ating idols, ahaha. Sila ang patunay – posible ang ating mga pangarap at adhikain. Kahit pa sa biglang-tingin, para namang imposible ang mga iyon.

Sa isang banda, marami sa mga figures na kinikilala ng publiko – may competence, may leadership at may charm na tao. May merit, ‘ika nga, sila ay mailuklok sa itaas, hangaan at kilalanin ng marami. Kadalasan, pinagsusumikapan rin nilang ma-maintain ang pagmamahal, suporta at adoration ng publiko. Hindi rin kaya madali sa limelight – may mga mata at tengang nagmamasid at nagmamatyag?

Sa kabilang banda, position of power and responsibility ang pagiging public figures – maari ang public personas mag-endorso ng proyekto, magbenta ng produkto at manguna sa mga activities at kampanya. Mayroon palaging susunod at maniniwala sa kanila, to the point na kahit pa di angkop ang proyekto, over-priced ang produkto at tiwali man ang layuning ikinakampanya, may susunod at susunod pa rin sa mga taong sikat at kinikilala.

Pero bakit nga ba mahalaga sa tao ang symbolism? Bakit importante sa kanya ang maghangad at maka-identify sa nakamit na ng iba? Sa anyo man ng sagad-sagaran at bulag na pagsunod, tahimik na paghanga o responsible at committed na pagsuporta – bakit kailangan ng tao ang ganito? Intangibles o mga bagay na di nahahawakan, pero, mahalagang bahagi ng buhay at pamumuhay ng tao, bakit nga kaya?

Marahil, ang identification with another, pagkilala sa konektadong pamumuhay ng mga tao. Patunay na ang buhay ay maaring hanapin at isabuhay sa pamamagitan lamang ng pakikipag-ugnayan sa iba, sa kanila ring mga adhikain at pangarap at, sa mga gustong makamit at isakatuparan. Patunay din ito marahil – ang tao ay di pa ganap sa sarili. Siya ay nabubuhay sa lipunan, not by himself alone. At hahanapin niya ang buhay na malaya at katangiang marangal – sa suson ng kanyang mga ugnayan sa layong malinang ang kapareho sa sarili. O, kung hindi man, at least, mahawakan ang kapiraso ng pagkatao ng taong nakakamit na – sa kanyang pinapangarap.

Ang symbols, kumakatawan at nagsi-signify sa mga naisin at sentimyento ng tao sa buhay – karamihan ay malalalim at primitibo pa – nakaugat sa nakalipas, subalit tumitingin sa bukas. Sabi dati, si Princess Diana raw ng Inglatera, kumakatawan sa ideya ng prinsesa, living a charmed life in the palace. Si Manny Pacquaio naman, kumakatawan sa kahirapang naalpasan. At si Justin Bieber, kumakatawan sa pretty youth na misunderstood… Kumbaga, maliban at bukod sa personahe nila mismo, it is what they represent and what sentiments they awaken in us.

 

Ang mga simbolo – tao, bagay o institusyon – bahagi ng sibikong pamumuhay, pakikibaka at kalinangan ng mga tao, throughout the history. 🙂

Hello, ka-blogs! Ito po ang article na sinusulat ng lola nyo ng panahong madisgrasya ang kamay. Makalipas ng apat na buwan, natapos rin, hehe. Medyo mahaba ang original, kinalahati na lang natin inilathala. Kasasabi pa lang sa kabila, paiiksiin ang mga sulatin, hala. Anyway, sakaling may tanong  kayo o gustong sabihin,  just kindly pick my brain sa comment, ka-blogs. Warm regards! 🙂 

May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig?

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig

May orasyon, kapagdaka’y sinasambit?

May salamangkang ihinahagis,  parang bitag

Sinumang mahuli – walang kawala, di makakapitlag?

 

Image of a fairy casting a spell

Pag ang tao ay umiibig, tila nilalagyan siya ng bulong?/ http://www.123rf.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sinasabi, ang umiibig daw, may piring mga mata

Ang nasa ilalim ng kapangyarihan, iisa lang ang nakikita

Ang matilamsikan daw ng gayuma, tiyak ang pagdurusa

Di sukat makalabas – kahit dalangin, maya’t maya pa.

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig?

Anong kapalaran ang sa atin, dito’y nagbubulid?

Anu-ano ang kailangan, para ito’y matawid?

Anong gamot ang mabibili – para ibsan ang sakit?

 

Image of a fantasy land in a distant place

Sa mga mala-pantasyang kaharian, laging may nakakakilig na kwento ng pag-iibigan/ http://www.wallpaper-free-download.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Saang yungib, makikita, iyong mangkukulam?

Kung maari’y hihingin, talab ay bawasan

Saang liblib matatagpuan yaong babaylan?

Pakisabi – ang bulong, dagdagan ang tapang. ;)

 

 

 

Maligayang Buwan ng Mga Puso pa rin, ka-blogs at mambabasa… 🙂 Sana ay nasa maigi kayo, nakangiti… ^_^

 

Gaano ka- makapangyarihan ang pag-ibig? Sagutin ang tanong – walang tama, walang mali – in 100 words, ahaha… Pakilagay po ang inyong sagot o paliwanag sa comment box. Ang mapipiling pinakamagandang sagot, maaaring magpa-edit/critique ng draft post na three pages (o, mas maiksi) sa blogger dito. Bukas ang pagkakataon sa bawat blogger, ka-blogs  –  sa loob ng tatlong buwan pagkalathala nito… I-a-anunsyo ang nanalo dito sa DPSA, sa pamamagitan ng isang blog post. Maari rin  siyang mag-guest blog dito, kung nais…

 

Naito muli – Gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig? Gow! 😉

 

matuklasan at mabatid

 

 

Maligayang Buwan ng mga Puso sa ating lahat… 🙂 Love on, ba’t ba? 😉

 

I-click ito para sa liriko ng awitin.

 

Tuturuan Kita

Hello, ka-blogs! Pagdamutan nyong re-blog muna tayo uli… Isa ito sa early writings ng lola nyo, dedicated sa isang ka-blog, nagsabi noong tuturuan nya raw akong mag-upload ng pictures sa posts. Hindi ito nabasa ng marami, pero isa ito sa itinuturing kong treasure na komposisyon. Noong isinulat ito, wala pa ata sa lima ang kakilala kong ka-blogs, ahaha. Hindi ko pa rin gaanong alam noon, may iba palang nagba-blog na nakakakita ng sinulat ko (ang bright ko lang, hihi) . Si ka-blog din ang nagsabi sa akin, mayroon palang tinatawag na Freshly Pressed. Sabi sa inyo, medyo bright ako. 😉

Anyway, trivia muna. Noong unang panahon, may kaibigan akong nakakita, naglalaro ako ng Super Mario sa PC, haha. That time, may nagre-recruit sa ‘kin na mamundok. Sabi ni friend, hindi pwede, first terrain, mapapatay ka agad, Yon. So, I heeded her advice. Kita nya score ko, saka paano me mag-panic sa pag-press ng keyboard, hakhak. Medyo slow akong tao… Hayon, natatandaan ko ‘ata lahat ng nagsabi sa akin, “Tuturuan kita… ” Happy weekend! 🙂

doon po sa amin

Tuturuan kita.

Isa sa pinakamagandang bukambibig na dumapo at lumago sa talasalitaang Pilipino.

Isang bukas na pagpapahayag ng malasakit sa iyo ng iyong kausap. May kulang pa sa iyo, may dapat ka pang matutunan.

Isang pagkilala sa iyong kakayahan. Isang pagsasabing kaya mong matutunan ang ang sa ngayon ay di mo pa alam. Kung bibigyan ka ng panahon, pagsasanay at pagkakataon, ang kulang ay kaya mong punuan. Anuman iyon.

 

Sasamahan kita. Ikaw ay aking tuturuan.

Tuturuan kita. Isang pagbibigay ng panata. Isang pangakong maglalaan siya ng oras para sa iyo. Ibabahagi niya sa iyo ang kanyang nalalaman hanggang sa iyon ay iyong matutuhan. Magpupunyagi siya hanggang sa ikaw ay matuto.

Aakayin kita. Sasamahan. Gagabayan.

May hihigit pa ba sa isang bukas at malayang pagbibigay ng sarili?

 

 

Tuturuan kitang …

 

bumilang.

bumasa.

kumanta.

sumayaw.

magluto.

tumugtog ng gitara…

Mahalaga pa ba kung anong kaalaman o kakayahan ang…

View original post 48 more words

Ang Mga Kwaderno Ng Walang Kapararakang Habi

 

Nasabi sa akin ng isang blogger, mas mabuti raw ang blog kaysa sa kwadernong pinagsusulatan ng mga komposisyon. Ang huli raw ay naiwawala, naiiwan sa kung saan-saan. Samantalang ang blog space raw ay pirming naandyan lang – maaari mong balikan kung kailan nais. Tulad rin ng kwaderno, maari mo rin daw sulatan ang blog ng kung anu-ano, pagguguhitan ng sari-sari at paglalagyan ng iba’t ibang nais ihayag.

 

Image of three notebooks with different covers

Pag work-related na notetaking, spiral ang madalas gamitin. Pag nagkukunwaring creative, fancy notebook ang sulatan/ puddlewonderfullearning.blogspot.com

Lumipad tuloy ang mimiha-miha kong utak, papunta sa sangkatutak na notebooks, nagsilbing ganoon na nga – talaan – sa maraming taon. May mga maliliit, ang laman ay sketches at quotations na gustong tandaan, pero di naman ipinamamahagi. Mayroon ding malalaki – laman ay excerpts ng mga paboritong parirala at pangungusap, kopya ng ilang tula at baha-bahagi ng ilang maiiksing kwento. Karamihan sa mga naitala, masarap basahin o kaya, eleganteng pakinggan. Katipunan yaon ng mga salita at imahe – gustong namnamin, tularan at higitan, balang araw…

 

Tunay na walang saysay – sabi ng mga praktikal na taong hindi naniniwalang kayang kulungin at panghawakan ang mga salita. Hindi nila makita bakit kailangang parating mag-notetaking. Hindi ang mga iyan ang magpapayaman sa iyo, iyon ang madalas nilang sabihin. Hindi ka makakasali sa mga nangyayari, pag madalas ang gusto mong gawin ay magmasid at magsulat. Hindi ka sasaya – dahil ang pagsusulat ay isang propesyong malungkot at walang kakampi… Siguro nga, tama sila.

Ang pagpupuno ng mga kwaderno, karaniwang ginagawa ng palihim – habang walang nakatingin, habang may hinihintay at, kapag biglang dinalaw ng mga ideyang kakaiba o nakakakiliti. Pero, for the longest time, para sa sarili lamang ang mga pagtatangka. Hindi pa handang ipakita o ipabasa sa iba. Hindi pa kayang lumunok ng mga puna. Marahil, nangangailangan pa ng pampalakas ng loob. Mas nananaig pa ang pagkahiya… Para bang ang pagpansin ng mga ordinaryong bagay at pagsusulat tungkol sa mga iyon – mumunting kasalanang pagbabayaran – pag nadiskubre na ng iba.

 

Marahil, ang mga nagsusulat sa kwaderno ay natatakot. Nangangamba silang masilip ng iba ang kanilang nararamdaman at naiisip. Sa dahilang hindi sila sigurado kung ang napapansin ba nila ay mga bagay na dapat pang pansinin. Hindi nila tiyak, paano tatanggapin ng kausap o ng babasa ang kanilang mga isipin at saloobin. Hindi sila tiyak kung ang mga bagay bang pinagtuunan nila ng pansin at ipinagsusulat – talagang kasulat-sulat. Ganito nga kaya ang mga dahilan – bakit karamihan sa mga notebook ko at mga notebook ng iba –  nanatiling nakatago? 😉

 

Image of notes and doodles on a page of a notebook

Kung walang mga personal na kwaderno, baka matagal na akong naging murderer, haha/ stanleyfrancis.co.uk

Hindi ko masabi… Gusto kong isipin – natulungan ako ng mga kwadernong iyon. Nasabi ko roon ang mga salitang hindi ko mabigkas ng malakas. Nakopya ko sa mga iyon ang mga bagay at tanawing magaganda, maski para sa akin lamang. Naiguhit ko roon ang mga bagay na sa akin ay nakakatawa, maski para sa iba, hindi. Napakawalan ko roon ang batang gustong humulagpos at tumalon – para humabol sa mga paru-paro, mamangha sa kulay ng mga bulaklak at mahalina sa matimyas na huni ng mga ibon. Doon, sa palaruang kung tawagin, kwaderno.

 

May mga kwaderno akong napuno at may mga kwadernong ilang pahina lang ang nasulatan. May mga kwadernong madalas silipin at paulit-ulit tinitingnan. May mga kwadernong lumilitaw lamang, pag nagliligpit o nagsasalansan. May mga kwadernong naiwan sa ibang bahay at di na nabawi. May mga kwadernong nailigwin sa paglipat ng tirahan. May mga kwadernong naiwan sa sulok. Mayroong mga nakalimutan at di na nabalikan. May ilang himalang naitabi. May mga nanatiling nakatago. May kwadernong napunit, may nabasa ng tubig, may naapakan. May mga napasama sa ibang gamit o napasiksik sa kung saan. Mayroon din, basta na lang naglaho…

Kasabay ng tanong kung saan ko naipaglalagay ang mga kwaderno ang tanong – saan na rin ba ako dinala ng kasusulat sa mga kwaderno. Saan nga ba? Hindi ako yumaman, ang kadalasan kong hanap, ang yaman ng mga salita. Hindi ako gumanda, ang nabuo kong konsepto ng ganda, nakabatay sa sensitibidad at talas ng pag-iisip. Hindi ako sumikat, walang libu-libong mambabasang nag-aabang sa aking mga sasabihin. Wala ring mamumuhanang tumaya sa aking kakayahang magdugtung-dugtong, humugis at humabi ng mga salita. Pero, may mga kaibigan akong natatandaang “maalam” raw ang blogger ditong magsulat, marunong tumula at pana-panahon, nagtatangkang gumuhit ng kung anu-ano. 🙂

 

Ay, marami akong naging kwaderno, di ko talos kung ilan… Daang imahe ang andoon, ponglibong salita ang nakalagay at may doodles ng sari-sari, haha. Sa pagkatanda ko, plant in a box or plant in a pot ang madalas ma-feature do’n. Hihi, halata bang mainipin ang lola nyo? Sa blogging, may ka-blogs na sabi, marami raw masyadong “saysay” ang aking mga sulatin. Minsan, naiinis ako, sa totoo lang. Madalas, napapangiti na lang sa sarili. Gusto kong ipakita sa mga nagwika ang mga kwaderno, papaghanapin sila roon ng saysay na sinasabi… Pag binabalikan ko ang borador ng mga isinulat, walang patterns na makita, tila walang saysay. Walang kapaparakan ang madalas na hinahabi. Pakiramdam ko minsan, ibang tao ang nagsulat?

Napagkwentuhan namin ng isang ka-blog, minsan sa email, ang paksa ng pagpapakilala sa blog. Kako sa kanya, di pa ako naglalagay ng larawan sa sites, wala akong maipapakitang solid achievements sa buhay. At tila sa panahon ngayon, importanteng-importante ang gayon… Sa kabilang banda, ang isang may edad na, ordinaryo marahil asahang stable na at marami ang naipundar at napagtagumpayan. Iyon lang, sa personal instance ko, ehehe, wala masyado… Di gaanong conventional ang choices na pinili at masalimuot ang mga daang tinahak. Marami-rami ang narating na lugar at sitwasyon, mga taong nakilala at karanasang napagdaanan. Pero hayon, panay alikabok lang ang dumikit at isang laksang kwento… Kako kay ka-blog, saka na magpapakilala.

 

Ang iba sa mga adventures, misadventures, derelictions at mga ka-weirduhan ng blogger dito, nasa mga tagong kwaderno. Di naman tagung-tago, wala lang yatang naging curious enough alamin ang laman ng mga iyon. Walang matatalinghaga ro’n, ahihi. Mas impressions yata – mga kalituhan, pagkamangha, panghihinayang at pag-asam, paminsan-minsan… Sa mga kapatid, di ko alam kung may nagtangka sa kanilang sumilip sa mga kwaderno. Maliban sa minsan, tinanong ako ni batang kapatid tungkol sa isang love story na sinulat ko pala, hihi. Love triangle ang plot, pero hindi tapos ang kwento. Tanong niya, ano raw ang ending. Shaks, hindi ko alam. Nasa high school pa ako nang isulat iyon. Pakalat-kalat pala ang notebook na pinagsulatan, nasilip nya tuloy…

 

Humigit-kumulang, may dalawang dosenang kwaderno pa sa ‘kin. Siguro, mga lima sa mga ‘yon, decipherable naman ang nilalaman, ahihi. Pero, kailan lang, sinilip ko ang iba…

Hindi ko lang alam, pero malakas ang kutob  – alien ang nagsulat sa mga iyon. 😉

 

Imahe ng isang kwadernong wala pang sulat at ng bolpen

Sa pagkopya-kopya sa mga isinulat ng iba nag-umpisa ang habit of notetaking/ freespiritpublishingblog.com

 

Kayo, nagsusulat pa rin sa inyong notebooks? 🙂

 

Hello, ka-blogs! Manigong Bagong Taon sa ating lahat! Kumusta kayo… 🙂 Isa pala ito sa mga lumang komposisyon, naisulat apat na buwan mula nang mag-umpisang mag-blog. Pasensya na, busy-busyhan ang dramarama ng blogger dito, hihi. Warm regards sa inyo… 🙂 😉

 

Si Yolanda at ang mga puno ng niyog

 

Hello, ka-blogs… Kumusta kayo matapos itong bagyuhan? Ay, hanging pampasko na, napansin nyo rin? Kahapon pala, paggising ko, napansing may snow sa site, nanlalaglag sa screen ng WordPress, hihi. Natuwa ako, countryside na countryside ang dpsa, sa tropikong bansa, tapos may snow? Aliw… Anupaman, masayang pagbati sa panahon ng kapaskuhan… 🙂

 

Tungkol sa ating paksa, napansin nyo rin marahil ang mga puno ng niyog sa mga lugar na hinagupit nitong napakabangis na bagyong itatago natin sa pangalang Yolanda, ahihi. Oo, yon, tanging sila ang naiwan matapos ang pagwawala ng kalikasan, ahaha. Last one standing lang ang peg ng mga nasabing puno – tall, stately and proud – sila na… 😉 So, bakit nga at paanong sila ang tanging naiwan?

 

Image of a part of the Visayas that has been hit badly by supertyphoon Yolanda

Tila kalansay na lamang ng lugar ang natira sa mga pook na tinamaan ng mahigpit ng bagyong si Yolanda o Haiyan… / globalnation.inquirer.net

 

Ay, kakaibang bagyo itong lola natin… Kinaya niyang buhatin ang mga sasakyan at ihagis ng kung ilang metro, hoho. Itinumba niya ang mga poste ng koryente at telepono, inihampas at iwinasiwas ang mga iyon sa mga gusali, kainaman na. Habang pinapanood, parang hindi totoo? Parang palabas sa cartoons, ay… Hindi lang niya binali ang mga sanga at katawan ng kalalaking puno, binunot pa niya ang marami – kasama ang mga ugat – bago ihinandusay sa tabi-tabi. E, tayo, dito sa Pinas, nakagisnan na natin, dalawa o tatlong puno lang sa isang village ang karaniwang naitutumba ng isang malakas-lakas na bagyo. Balita na sa atin pag may punong naitumba, oo. At mas madalas, kaya ang mga iyong i-clear out ng authorities, sa loob ng dalawang araw…

Sanay na tayo sa mga bagyo, ahaha. Tayo na… Pero yon, mas sanay tayo sa bagyuhang pagkakadilim ng paligid, umaalulong ang hangin at may nagliliparang mga yero ng bubong. Pag minsan, may kasamang mga bintana, ahaha. Ay, hindi si Lola Yolanda. Sabihin na natin, ini-level up, up nya ang bagyo experience ng mga Pinoy… 😉

 

Iyon ang isa, may kasama si Yolandang “storm surges of the sea,” term na nito-nito na lang natin narinig. Sa madaling salita, nagkaroon ng sariling buhay, galit at galaw ang mga alon ng dagat. Umahon sila at nanalasa sa mga pampang, hinabol ang mga tao, kainaman na…

Kung inyong mapapansin, sa mga lugar na matatagal nang tirahan ng mga tao, sentro madalas ang tabi ng tubig. Naroroon ang maraming istruktura, may pamilihan at siyempre, may pantalan o port… Wala naman, iyon lang mga iyon ang binayo ng storm surges. Alala nyo yong sa Bibliya, ang wall of Jericho? Ayon, parang ganoon ang ginawa ni Yolanda sa Tacloban at sa coastal villages sa Kabisayaan – ni-ram through ng mga higanteng alon ang breakwaters at structures doon, ang una sa line of defense ng mga lugar sa tabing -dagat …

 

Anyway, mabalik tayo sa mga puno… Ang dramatic ng shots na ravaged ang buo-buong lugar tapos, tanging mga puno ng niyog na panot sa isang side ang natira, o, di ba? Post-apocalypse scenario, hoho… Tapos, ang camera man ni Anderson Cooper, panay ang pakita ng mga patay na taong nakahandusay sa daanan at sa tabi, pambihira… Anyway, ang kwento, habang dumarami ang mga nakahandusay – formerly animate and inanimate objects – tumataas at bumibilis ang fund-raising for the victims sa West, lalo pa sa Europe. Ewan ko, hindi ko rin alam ang eksakto, pero fever-pitch daw – dinaig pa ang sabungan pag may special derby, ang auction houses sa kasiglahan ng bidding at ang stock exchange, pag araw na masiglang-masigla ang trading, kainaman na… Hindi raw nababakante ang mga telepono sa telethons – para sa mga nasalanta ng pasaway na si Yolanda. Ayon…

 

Bakit pala na-shock ang mundo sa mga patay na ilang araw na ay di pa naililibing? Di nga, seryosong tanong… Bukod sa health consideration at sa amoy, amoy na naaamoy ng typhoon survivors at delikado sa kalusugan ng mga bata, ano pa ang meron doong ikinagimbal ng mga manonood? Sapagkat, saanmang lugar at sa  anumang kultura, parating may paggalang sa patay. Yown… Kung maalala natin, kahit sa panahon ng gera, basta may pagkakataon, ang mga sundalo ay humihinto at kung di man nila maitabi ang bangkay, isinasara nila ang mga mata at inilalagay sa gitnang bahagi ng katawan ang mga kamay nito – tanda ng paggalang at pagbibigay-pugay sa buhay. Ayon…

So, unang pagkakataong nangyari, wari ko, na may na-witness ang mundong ang itsura at pagkakaayos ng mga patay ay pareho pa rin, matapos ang ilang araw… Sobra-sobra marahil ang shock ng mga naiwang buhay sa naranasang bagyo – na-traumatized at na-paralyzed ang marami sa kanila. Iyon din marahil ang paliwanag — bakit marami sa mga nanghihingi at naghahanap ng makakain – children survivors — walang lakas at huwisyo ang matatanda para sila ang maghanap at dumiskarte. E, siyempre, mas mabilis mag-bounce back ang mga bata, sila ngayon ang lumalabas sa evacuation areas at sa temporary shelters – para maghanap ng tubig at makakain. Parang pag may pista sa mga baryo? May mga batang naghilera sa kalye – hinaharang nila ang bawat makitang sundalo, rescuer, foreigner at journalist – hininihingian ng tubig, pagkain at tulong. Ang lungkot, sa totoo lang… ^^

 

Image of mature coconut plants

Habang tumatagal, papatangkad rin ang puno ng niyog/ http://www.colourbox.com

Balik na tayo sa kwentuhang puno ng niyog… Itinuro yaan sa atin noong elementary – versatile na puno ang niyog. Bawat bahagi raw nito ay may gamit – nagagawang mantika, bunot, walis-tinting, construction materials at iba pa… Doon sa amin, mas appreciated ang puno ng niyog bilang panghati ng hangganan ng lupang pagmamay-ari. Oo, ahaha, parang pambakod ng property sa amin ang puno ng niyog? Pag pumaroon kayo, mapapansin nyo, basta hangganan ng ari-arian – may marker na puno ng niyog – dalawa hanggang limang puno sa dulong bahagi ng property. Maliliit lang ang cut ng lupa sa amin – kalahating ektarya hanggang dalawang ektarya sa isang magtatanim o magsasaka. Tapos, ang isa pang purpose ng pagtatanim ng niyog, para patibayin ang border o hangganan, para hindi dumausdos ang lupa. Pinipigilan ng mga ugat ng niyog ang soil erosion, para hindi bawas ang lupang ari-arian matapos ang sampong taon, ahaha.

 

Pero sa lugar namin, hindi main product o pangunahing kalakal ang bunga ng niyog. Iyon lang may malalapad na lupang hindi tinataniman ng ibang crops ang naglalaan ng lupa para gawin sadyang taniman ng niyog. Ilan lang ang alam kong nag-kokopra ng niyog, doon sa amin. Bakit? Sapagkat ang puno ng niyog ay nangangailangan ng malaking espasyo, ahaha. Jealous plant ang niyog, mga kapatid, ayaw nya masyadong mag-share… Ang alam ko, doon sa amin, 30 hanggang 50 hakbang ang layo ng itinatanim na puno ng niyog – para lumaki ng maayos at mamunga, ahaha. Tapos, sa lupa sa mga pagitan nila, ilan lamang klase ng halaman ang pwedeng itanim, iyong mga hindi mang-aagaw ng nutrients ng lupa gaya ng monggo, sitaw at tapilan, ahaha. Isa pa, ilang taon muna ang hihintayin – bago ang isang punong itinanim ay mamunga, mapitas para magamit pansarili  o maipagbili… Kaya kung ang isang magtatanim, may iisang ektarya lang na lupa ay sa mga niyog aasa, malamang magugutom muna siya at ang kanyang pamilya.

 

Larawang karton ng mga puno ng niyog

Matitibay raw at maasahan ang mga puno ng niyog, maging sa oras ng sakuna/ rahulmax.deviantart.com

Noong maliit pa ang blogger dito, bago mag-grade one yata, nakakita ako ng lupang kini-clear para taniman ng hindi niyog, ahaha. Bale, ang ginawa ng mga magtatanim, pinutol ang mga puno ng niyog, saka hinukay ang mga ugat. Alam nyo gaano kalalaki ang mga ugat ng matatandang niyog? Sinlalaki o mas malalaki pa sa bahay, ahaha. Marami, malalim at sapin-sapin ang ugat ng puno ng niyog – parang isang community, ahihi. Iyon siguro ang patunay – bakit jealous plant ito at bakit matibay ang kapit ng punong niyog sa lupa, kayang manatili at indahin ang mga hambalos ng napakalakas na bagyo… Si bagyong Yolanda, may mga puno rin ng niyog na nabunot, nabali at naitumba. Pero ang hula ko, hula lang naman, ang mga iyon ay mga punong mas bata… Marahil, sila ay 20 taon pababa ang gulang. Ang mga naiwang nakatayo, mga puno ng niyog na 30 to 50 taon na ang edad, ahaha. Ang tatangkad nila, parang hinahamon ang super bagyo, ipinapakita – may nilalang na kayang mabuhay at tumayo, matapos ang malupit na pananalasa… 🙂

 

Comment kayo, ka-blogsMay naaalala kayong kwento sa mga itinuro sa atin ukol sa puno ng niyog noong elementary? 🙂

 

mumunting alaga

 

Nakaranas na kayong mag-alaga ng baboy? Oo, biik sila, siyempre, sa umpisa… Ang kukyut! Para silang pets, pink babies na parating gutom. Pag ipinapanganak sila, maramihan. Karaniwan, isang panganak, isang dosenang sanggol, ahaha. Mga dalawang linggo pagkasilang sa kanila, pag pumasok kayo sa loob ng kural o barn, lapitan sila agad sa inyo. Pero, ingat, baka kayo suwagin ng nanay – andoon din siya sa loob, hihi. 😉

 

Image of a young, small and clean pig

Cute na hayop ang baboy, lalo pag maliit pa/ http://www.pregnancy.org

Nakakatuwa silang alagaan, parang napapalapit din sa loob ng mag-aalaga? Pag minsan, pinapangalanan din sila, haha. Ayon, lagot na pag may panga-pangalan na… Ibig sabihin, may personal na kayong ugnayan, hihi. Tinatawag nyo na sila pag kakain, akala mo, tao… Iyon lang, nakaka-turn off silang kumain – ang iingay. Kagulo sila parati, pag ibinuhos na ang feeds o darak na pagkain nila. Galit-galit muna, ahehe. Saka na kayo uli papansinin ng mumunting hayop – pag wala nang laman ang lagayan, hahaha.

 

Iyon lang, matrabaho ang magpaligo sa kanila. Araw-araw yon, walang absent. Dinaig nyo pa ang kumuha ng maraming anak na sabay-sabay papalakihin (buti hindi sinusuutan ng uniform, kundi, kailangan pang i-pagplantsa, haha). Tapos, tapos, pagkakapaligo sa sangkaterbang cute na cute (pero ang babaho) creatures, pupulbuhan. Hihi, biro lang. Nanay naman nila ang kailangang paliguan. Ang laki, kadalasan, ng inahing baboy – parang baby elepante, hakhak. Bina-brush ang katawan ng malalaking baboy. Yown.

 

Image of a swine being bathed

Mas matrabahong paliguan ang malaking hayop/ lifebeyondthesea.com

 

Sabihin pa, maraming tubig ang kailangan nyo… Aysows, noong araw, wala pang running water doon sa amin, nai-imagine nyo gaano karaming tubig ang kailangang igibin at ipunin para sa mga alaga? Nakow, matibay dapat ang likod ng sinumang nag-aalaga ng baboy – para sa igibang walang-puknat… Ang daming hakot ng tubig ang kailangang gawin para mapanatiling malinis ang mga alagang hayop. Tapos, pagkapaligo sa kanila, kailangang linisan ang kural. Hahaha, iyon ang parteng masaya – ang dami nilang dumumi, shaks na iyan. Siyempre, tubig na marami pa rin ang kailangan, bukod sa walis at sabon, hihi.

Pagkatapos noon, kailangan nyo nang maligo. Kailangan talaga – di ko na ipapaliwanag bakit. Basta, maiinggit kayo sa mga biik, pretty in pink sila, glowing ang mga balahibo at nakahilera roon sa sahig na pagkagaganda, hehe. Kayo namang si tagapag-alaga, amoy-hayop, parang mas bagay na tumira sa kural? Peace! Pero, siyempre, kakausapin nyo muna sila, papagalitan, hahaha. 😉 Basta, mag-a-update kung sino ang sipunin, sino ang mahinang kumain, sino ang may pilay, ganyan… Sa kung ilang buwan nyong gagawin ang ganoong routine, pag hindi ba naman napalapit ang loob nyo sa mumunting alaga? Ewan ko lang…

 

Mabibilis lumaki ang mga alagang baboy. Basta, pirming may pagkain, malilinis at di nagkakasakit, bago mo pa ma-realize, nagsilakihan na sila. Pwede nang mag-college, haha. Biro uli, pwede na silang ipagbili. Papapuntahin nyo na sa may inyo ang tatampa o appraiser. Susukatin niya at titimbangin ang mga hayop at magbi-bid kung magkano ang halaga – in live weight. Ayon, payday na, yehey. Yon lang, sabi sa inyo, hindi dapat masyadong na-a-attach sa mga alaga. Kasi nga, isang araw, lilisanin nila kayo, kayo ay magwawalay, huhu.

 

Image of a swine feeding its young

Ang piglets pagnakailan, malalaking baboy na ring maaring ipagbili/ http://www.flickriver.com

 

Nakakita na ako ng baboy na nanganganak, hihi. Parang ang hirap? Pag umiire ang inahing baboy, tumatalsik papalabas sa kanya ang mga biik. Iyong nakita ko noon, ang isang biik, humagis ng mga 15 hakbang ang layo. Nasalo naman yata, parang may sumalo. Nabuhay ang biik na iyon, sa pagkaalaala ko… 🙂

 

Possibly related posts:

 

Baka Sakali

Pag-iigib ng Tubig

 

Nagsusulsi, Nagtatagpi

 

Sinauna akong tao, mga kapatid… Ikinakabit ko uli ang lumuwag o nalaglag nang butones ng damit, nagsusulsi at nagtatagpi (patch) pa. Nitong huling bagyuhan, mga ganyan ang ginawa ng inyong lingkod, haha, habang balot sa dilim ang paligid at tila walang katapusan ang mga patak ng ulan.

Ako rin iyong madalas pang magdala sa repair shop ng mga nasirang payong at sapatos, ahaha. Ang pananahi, namana ko sa nasira naming lola. Nanay, kung siya ay aming tawagin… Ang pagpapakumpuni ng sapatos at payong, sa pinakamatanda naming kapatid ko naman nakita at ginaya, hihi… A, e, si Ate, mga 15 years na yatang di nagagawi sa pagawaan ng payong? Parang… Ako na lang ang affected sa kagawian, harhar…

 

Image of scissors and sewing tools

Ahaha, doon me sa liga ng mga taong may sewing box, pasensya naman/ http://www.sewnews.com

Ewan, may kung anong kasiyahang hatid sa akin, pag nagagawa ko ang mga gawaing ‘yan… Nakakatulong din, para makatipid maski paano. Nagagamit pa ang bagay na nagkadepekto, pero pwede pa naman, hoho. Magagamit pa, maski di na bago, ako na… Gaya rin ng iba, ipinapaputol ko ang luma o kupas nang jeans, ipinapagawang shorts.

Sa T-shirt, ginugupit ko madalas ang kwelyo at binabawasan ang manggas. Tapos, dinadala sa mananahi, para padaanan sa edging machine. Mas comfort na ang habol, kesa sa pagtitipid… Ginagawa ko rin, binibilhan ko na ng kapalit ang bagay na nasira, pero ipinapakumpuni ko pa ang dati. Alinman sa  gagamitin pa, ipapasa na sa kasamahan o ipapamigay sa mga dumadaang nasunugan daw. Pero, mas madalas, inaayos o ipinapa-repair ko muna, ahaha. E, suplada at suplado kasi ang mga pagbibigyan – sinisinop ko muna ng onti. Baka may masabi pa, harhar…

 

Sa kabilang banda, hindi ako gaanong attached sa mga materyal na gamit, wari ko lang. Medyo madali akong hingian, arboran  at hiraman –  ng wala nang solian… Madalas mangyari ‘yong  hiniram sa akin ang gamit, sa pangatlong beses, ibinibigay ko na, ahaha. Lalo pa pag bagay ang gamit o damit sa nanghiram at di ko naman paborito. Ewan…

I want things to be put to good use, yown ang kapaliwanagan… Pero, sabi naman ng iba, maarimunhan daw ang ganoon. Mahinayangin?. Marks of poverty raw o hang-up, sus.  Baka nga, malamang… Anlagay, di pa naman ako yumayaman at baka hindi na, haha. Dumaan na rin sa panahon, financially maluwag ng konti. Pero kurips pa rin, hihi… Kung ilan ang mga kapatid namin, walang-wala. Ayon, am easily affected, harhar. Haybuhay…

 

Image of colorful threads

Masaya pa ang lola nyo pag may bago syang sinulid, haha/ http://www.craftsbee.com

Anupaman, ako na lang yata sa amin ang matiyaga pang magsulsi at nagpapa-repair pa, patatawarin… Ang mga kapatid, sanay na rin sa mabilisang pagdi-dispatsa at pagpapalit. ‘Yong usual na katwiran – wala na silang time para sa mga ganoon, sows. Pero, hwag kayo, may time sila para sa primetime telenobela, whehe.

Ang blogger naman dine, di matyaga pag sa TV papanoorin gabi-gabi ang kadramahan. Nanonood din, from time to time, pero sa dyapeyks na DVD, haha. Pag Byernes at Sabado – marathon mode, pampa-eyebag… Actually, di ko alam, nagkaka-eyebag din naman, pag weekdays. Hindi nga lang dahil sa telenobela. Mas dahil sa kapupuyat, ahaha…

 

Anyway, pag primetime na mga palabas, yon naman oras ng lola nyo para dalaw sa repair shops, hihi. O, makikita nyo ako sa sala – nakikipakinig ng TV –  habang nagsusulsi. O, kaya, nananahi sa kamay – habang nakikinig ng music sa Youtube. O, yan, medyo modern na ng onti -YouTube, ahihi. Basta, sa akin, nakaka-relax ang gano’ng routine. Ang boring ko lang na nilalang, true. Nai-enjoy ko pa rin sa buhay parati – ang magtasa ng lapis, hihi. Ganyan me kawagi. At, sabi sa inyo – sinauna… 😉

 

Image of a girl happily sewing away

Relaxing para sa akin ang pagsusulsi ng damit, parang pagga-garden/ http://www.creative-stitchers.co.uk

 

Pagbati sa inyo, kaway-kaway… 🙂