Archive for Pebrero, 2013

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 7

Hello, mga ka-blogs! Nauumay na ba kayo sa paksa natin? Ahaha… Ako, medyo-medyo, hihi. Sa tuwing ita-type ko ang pamagat ng post sa itaas, napapasabi, “Putik na naman sa daan? Huhuhu…” O, sige na nga, umpisahan na natin at nang magkaroon na ng katapusan, sa tinamaan ng husay. Pasensya naman… ūüėČ

Sa¬†Ang Baku-bakong Kalsada sa Aming Nayon,¬†tiningnan pabalik ang dirt road na matagal naming dinaanan noong malilit pa kami ng mga kapatid, pinsan at kalaro at gayundin ang makalumang pamumuhay na aming naranasan. Papaanong dati – pumapasok kami sa eskwelang lakad ng kung ilang kilometro at bitbit ang pares ng tsinelas na may butas. Nag-aabang kami ng mga dumaraang sasakyan pag walang pasok, ahaha. Parang spectacle sa amin noon pag nakakakita ng umaandar na mga gulong, patatawarin… Dalawampo’t anim na taon nga pala ang lumipas nang isinulat ang post o lathalain, labinlimang taon naman ang nakakaraan, mula nang masementuhan ang pangunahing kalsada – doon sa amin.

Image of two boys in rural Philippines

Napakarami pa ng agricultural communities sa Pilipinas at karamihan sa kanila ay mahihirap ang mamamayan/ http://www.poverty-in-the-philippines.com

Ang philosophical na tanong sa post, bakit rugged and eneven ang paths to development ng tao? Sementado na ang daan sa lugar namin at pag umuuwi naman kami sa bukid na aming nilakihan, naka-sasakyang pribado na. Pero, bakit ang pakiramdam namin, disconnected kami sa mga kasamahang nasa baryo? Sentimental na mga panimdim lang o praktikal na pagkilala sa sinasabing roads to development? Ano nga kaya? Sabi sa Economics, mahalaga sa paglago ng pamayanan at ng mga taong nakatira roon ang infrastructures – kalsada, tulay at patubig – mga pangunahing kailangan para sa markadong pag-unlad. Ang mga iyan daw ang magpaparamdam sa taong sila ay connected – kasali at kabahagi… Ang susunod raw – edukasyon. Na kapag nakapag-aral ang batang henerasyon, mas nabibigyan sila at ang kanilang pamilya ng pagkakataong umasenso.

May kuryente na sa lugar namin, naabutan ko pa nang magkaroon. Ayon lang, ¬†hindi namin agad na-afford ang koneksyon noon – mahal. Eventually, nakayanan din… May tubig na rin doon sa amin. May faucets na sa mga laba-lababo… Naipasemento na nga ang kalsada, hindi na maputik o maalikabok at ang mga batang pumapasok, hindi na naglalakad ng malayo. Hindi na aanim o wawalo ang sasakyang dumaraan sa maghapon… Labas-pasok na ang mga kalakal at produkto sa aming lugar at pati ang mga tao – mabilis na ring nakakaalis – basta may pamasahe. Pero pag pumunta kayo roon ngayon, ngayong may internet na rin sa ilang kabahayan, ang makikita pa rin ay larawan ng kahirapan, pagka-atrasado at bumabagsak na kalusugan ng mga tao. Backward and poor pa rin, ‘ika nga… Ngunit may ilang wisik na ng modernities na nakapasok – pati mga gawi at bisyo ng modernong pamumuhay.

Sa Ang Baku-Bakong Kalsada sa Aming Nayon, kinukwestyon ang wisdom ng pag-unlad na para sa sarili lamang, theory na formulated and advanced by Vilfredo Pareto… Si Pareto ay isang Italian engineer na kinikilala rin sa larangan ng Sociology at Economics. Kanyang theoretical works ang nagpundar ng sangay ng Economics na tinawag na Microeconomics. Ipinakita ng works ni Pareto, ang 20% ng lipunan ang may kontrol sa 80% ng ari-arian, nagpapalitan lamang pana-panahon ang elite or aristocracy at endemic sa lipunan – throughout the history – ang income inequality at kawalan ng demokrasya. Sabi niya, hindi importante ang intrinsic value ng mga bagay sa tao, ang mahalaga ay ang ordering niya ng priorities – ang kagustuhan niyang manaig at isulong ang sariling interes na mas madalas, economic in nature.

Larawan ng inhenyero at ekonomistang si Vilfredo Pareto/ http://www.stormfront.org

May mga tumawag sa theories ni Pareto na “social Darwinism.” Ang core teaching ni Pareto ay tinatawag na Pareto optimality. Sabi rito, ang isang lipunan o economic system ay nag-i-enjoy ng maximum na benepisyo kapag sa bawat pag-unlad ng isang kasapi, niyayapakan niya o itinutulak pababa ang ibang kasapi. Sa madaling salita, ang pag-asenso ng isa ay at the expense ng iba. Makikita ang elaboration ng theory sa indifference curve, kung saan inilalarawang mas madaling kamtin at mas efficient ang pansariling pag-unlad kaysa sa pag-unlad na collective o pangmaramihan. Ang pinasubalian ng theory ni Pareto, ang malaon nang pininiwalaan – ang lipunan at mga namumuno nito ay parating nag-i-strive for the greater good of the majority. Sang-ayon sa kanya, maximum efficiency ang hinahabol, hindi greater good.

Ang theory ni Pareto ay madalas na ginagamit sa welfare societies. Sinasabi roong mas maging tulungan ang isang kapuspalad kaysa sa ambisyuning iangat ang mas malaking bilang (na maliit ang tsansang maiahon sa kalagayan). Mayroon ding microfinance groups and cooperatives na Pareto optimal ang tinutuntungang prinsipyo. Sang-ayon sa kanila, sa sampong kasaping pauutangin ng perang puhunan, sakaling may dalawang magtagumpay na gamitin yaon sa negosyo, ang kanilang efficiency and success ay sasapat o hihigit pa sa failure or non-success ng walong di nakabayad sa hiniram. Subalit, ang theory ni Pareto ay pinakatatangkilik sa mga laro o games kung saan malinaw na naipapakitang ang pagkatalo ng isa ay nagre-resulta sa panalo ng kalaban and vice-versa. Mas kilala ang theory sa katawagang zero-sum game.

Ang zero-sum game ay best illustrated sa scientific works (game thory) ng 1994 Nobel Memorial Prize in Economic Sciences awardee na si John Forbes Nash, Jr, isang professor sa Princeton University. Itinuturing siya ng marami bilang Math genius at ang kanyang buhay ay ginawaan ng pelikula Р A Beautiful Mind. Ang zero-sum game ang tila prinsipyo ng marami sa mga nagne-negosyo sa kasalukuyan Рang paniniwalang ang ganansya ng isa ay kawalan ng iba at ang kawalan ng iba, ganansya ng isa. Anupa at sinasabi ritong walang pag-unlad na magkakasama, walang pag-angat na hindi mangangahulugan ng paglubog ng iba at ang push and pull relationship ng dalawang panig ang nagtutulak para makamit ang optimal result na essentially ay private at di pangmaramihan. Ang economic theory na ito ang kinukwestyon sa post na Ang Baku-Bakong Kalsada sa Aming Nayon.

Sa ika-limang bahagi ng ating pagtatalakay, sinabing ang kabalintunaan ng mga lumagong bayan noon sa Europa ay ang pagiging dependent ng malayang bayan sa villages na hindi malaya (nakatali sa feudal relation sa pagitan ng landlord at ng tenants). Na habang umaasenso ang kalakalan at kabuhayan ng middle-class sa kabayanan, ang mga tao sa kabukiran ay mas nalulubog sa kahirapan. Sinasabi ng works ni Vilfredo Pareto, ang income inequality ay characteristic sa bawat yugto ng pag-unlad ng lipunan at mayroon daw broad base ng mahihirap na siyang sumusustina sa tuktok kung saan naka-pwesto ang pinakamayayaman. Ang nasa gitna ay middle class na parating abalang huwag mahulog sa ibaba, kung hindi man nila kayaning makaakyat…

Larawan ng mag-iina sa isang kabukiran sa Pilipinas

Ilang henerasyon ang kailangan ng pamilyang Pilipino bago matakasan ang kahirapan?/ weccnewsandevents.blogspot.com

Katanggap-tanggap nga bang ang kanayunan ay patuloy na dumausdos sa kahirapan habang ang ilang lungsod ay patuloy sa pag-asenso? Napakabagal nga ba ng pag-unlad o stagnant ang karamihan sa kulang-kulang na 1,500 municipalities o bayan sa Pilipinas? Paano nga ba tatahakin ang sinasabing landas ng pag-unlad?¬† ūüôā

Advertisements

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 6

 

Hello, mga ka-blogs!¬†Nag-umpisa ang kwentuhan natin sa typical features ng isang bayan sa Pilipinas – may munisipyo, gasolinahan at ice plant. Idagdag pa ang simbahan. Lagi nga namang may simbahan sa bayan… At mahalagang landmark ito ¬†ng lugar, oo. Ang biruan nga, magkatapat daw parati ang simbahan at ang munisipyo sa bayan dito sa atin – nagtatanungan daw ang dalawang institusyon – magkano na ang koleksyon ng bawat isa, haha. Sa biruan ‘yaan… ūüôā

 

Image of a chart depicting balanced approach to development

May adhikaing balance and harmony daw ang pag-unlad/ http://www.publicadministration.net

Ang sinisilip natin sa talakayan, kung mabagal nga ba ang pag-unlad sa Pilipinas… Kung nasa lugar ba ang assertion o reklamong “atrasado” ang mga barrio o villages na baku-bako ang mga daan? Maari ring silipin – malaki ba masyado ang pagkakaiba o distansya ng mga bayan sa mga nayon o baryo – dito sa atin? May magagawa ba para mas paglapitin ang dalawang entities? Paano nga ba pabibilisin ang ugnayan ng dalawa at paano papapasukin ang pag-unlad sa mga kanayunan sa bansa? Sa mas malayu-layo na, ngunit lapat na perspective – paano nga ba ang pagpapaunlad ng kaparaanan ng pamumuhay o way of life ng mga taong nasa ibabang antas o nasa grassroots? Doable kaya ang mga nabanggit? ūüôā

 

 

Sa pag-aaral ng lipunan, maraming approaches ang ginagamit para tingnan o suriin ang pag-unlad o development. O, kaya, ang kawalan o kakulangan nito sa isang bansa… ¬†Mayroong ang gamit na panukat ay modernization – ang kakayahan ng pamayanang magkaroon at sumabay sa mga makabagong kaalaman, teknolohiya at kaparaanan ng buhay. Sa approach na ito, pinagko-contrast ang makabago at makaluma. ¬†Inililista, tinitingnan at sinusukat dito ang pagkakaiba o discrepancy or gap ng dalawa. Mayroon namang ang approach ay urban-rural dichotomy. Ang urb ay salitang ang kahulugan ay city. Sa approach na ito,¬†citified ways versus rural ways… Ang mga indicators na ginagamit ay ang pagkakaroon ng palengke, eskwelahan, ospital, public transport at density ng population per square kilometer, mga ganyan…

 

Mayroon din namang nag-aaral ng pamayanang ang ginagamit na approach ay North-South dichotomy – ang pagkukumpara sa features ng Hilaga at ng Timog na bahagi ng lugar. Itong approach ay ginagamit sa pag-aaral ng ugnayan sa loob ng isang bansa at pati rin sa ugnayan sa pagitan ng mga bansa. Ang North-South approach ay isang model o prototype of development. Maari ring sabihin, isang stereotype na pagtingin… Sinasabi rito, ang Hilaga¬†ay karaniwan daw na mas maunlad kaysa sa Katimugang bahagi.¬†Ang Hilaga raw ay temperate ang klima samantalang ang ibaba – karaniwang tropical kundiman, disyerto.

 

Image of a street post contrasting directions of wealth and poverty

Karaniwan daw na mas mayaman ang mga nasa gawing Hilaga habang nagdarahop naman ang mga nasa bandang Timog/ wagner.nyu.edu

 

Sabi rin, ang nasa ibaba ay supplier ng raw materials habang ang nasa itaas daw na bahagi ay siyang processor ng materials at sa gayon ay kumikita ng mas malaki.¬†Bale, sa Hilaga, karaniwang commerce and industry-based ang kabuhayan ng mga tao, samantalang ang Timog daw ay agricultural at kung minsan pa, pastoral and downright rural. Ang North daw ay progresibo at tuluy-tuloy ang gulong ng pag-unlad, samantalang ang South ay static o stagnant – pagdating sa progreso… Sa internasyunal na antas, ang sabi, ang mga tao raw sa Hilaga ay colonizers, ¬†habang ang mga taga-Timog ay colonized people. Ang Northerners ay First World countries o kaya ay Second World, habang ang Southerns ay Third World people.

 

Mayroon ding approach sa Social Science na kung tawagin ay core-periphery. Sa analysis na ito, ang mga metropolis daw ng isang bansa ang core, habang ang outskirts ang periphery. Bale, ang isang lugar daw ay may mga regions na importante – centers – ¬†at may mga rehiyon namang auxillary or supplemental lamang. Sabi rito, ang development daw ay karaniwang nag-uumpisa sa trading centers at mag-i-spread away from it – across the sub-regions or outskirts… Ang approach na ito ay di tinatangkilik ng karamihan. Sabi sa mga pag-aaral na nailathala – ¬†hindi nangyayari o ¬†napakabagal ng pagkalat ng development and modernization mula sa sentro patungong outskirts. Iniimbak at sinosolo raw ng mauunlad na cities ang pag-asenso, sa napakahabang panahon at halos walang pag-unlad na dumadaloy sa mga kalapit na bayan at bukid.

 

Image of people climbing up the stairs

Mas accurately raw nasusukat ang pag-unlad ng tao gamit ang HDI approach kumpara sa pagsukat gamit ay simpleng GDP per capita / http://www.distinctiveleadership.com.au

Ang internasyunal na institusyon ng United Nations (UN),  ang gamit ay ang approach na human development index (HDI). Dito, may basket of indicators na siyang panukat sa pagkakaroon ng pag-unlad ng isang bansa o grupo ng mga tao. Ang nilalaman ng HDI ay life expectancy o tagal ng buhay, edukasyon at income indices (gross national income at purchasing power parity per capita). Layon ng HDI approach to development na i-pokus ang pag-unlad sa tao o ang pagtataguyod ng people-centered policies, kaiba sa dating mas technical and economics-centered na approach. Ang luma o dating approach, mas hawig sa gamit ng mga technocrats Р GDP per capita ang laman at nakadiin  sa pagkakaroon o kawalan ng infrastructures sa bansang sinusukat.

 

 

Matatagal na nga ba ang mga bayan-bayan sa Pilipinas? Gaano na sila kagugulang? Makatarungan bang ikumpara ang mga kabayanan dito sa atin sa mga bayan-bayan sa Europa, halimbawa, mga pamayanang anim na raan hanggang isang libong taong gulang na? Ang bayan ng Unisan, Quezon kilala dati bilang Kalilayan Рang pinakamatandang bayan daw sa Pilipinas Рitinayo bago pa dumating ang mga Kastila. Ang susunod sa listahan ay ilang piling lugar sa probinsya ng Cebu, kung saan unang nag-settle ang mga Kastilang mananakop Рhigit 400 taon ang nakakaraan.

 

Image of a street post denoting past, present and future

Mas mabuti kung makikita ang ugnayan ng nakalipas, kasalukuyan at hinaharap ng lipunan/ http://www.hr.unimelb.edu.au

 

Ang kasunod ay ang mga trading centers, walled towns and cities na itinayo pa rin ng mga kaparian – mula huling kwarto ng 1500s hanggang sa sunod na siglo. Maaring silipin ang kasaysayan ng ilang piling bayan sa bansa – mga naging seats ng Spanish government, hometowns o home cities ng mga obispo at mga naging sentro ng kalakalan ¬†– sa Maynila (Intramuros area), sa Cebu, ¬†sa ilang bahagi ng Kabisayaan, tulad ng Bacolod,¬†sa ilang bayan sa Bicol region, sa Lipa, Batangas, sa ilang bayan sa Cavite at Laguna, sa ilang bahagi ng Bulacan, Pampanga at Tarlac, ¬†sa Ilocos Norte at ¬†sa Lalo, Cagayan…

 

Siyanga pala, may mga nagsasabing ang Jolo, Sulu ay isa rin sa mga naunang bayan dito sa atin – pre-Spanish times ¬†settlement and early cradle of civilization sa bansa raw ang nasabing bayan. Panahon pa raw ito ng Bornean, Chinese and Dutch trades…

 

Mga ka-blogs, ini-encourage kayong magbahagi sana ukol sa nalalaman ninyong oldest towns sa bansa – kung saan naipundar ang mga unang habi ng sibilisasyon dito sa atin at unang na-establish ang mga gawi ng indigenous life. ¬†Alin-alin ang oldest towns dito sa atin, sa pagkakaalam ninyo? Mauunlad ba sila sa kasalukuyan? ūüôā

 

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 5

Hello, mga ka-blogs! Punta na tayo sa bayan… Sa mga bayan sa Europe, ahihi. ūüėČ

Sa Europa, ang pagkakaroon ng mga bayan ay nag-umpisa around 10th century. Sa bandang Italya o Italy, site ng dating Roman Empire. Dangan nga lamang, wala pang Italy noon. Katunayan, wala pa noong tinatawag na nation-state o bansa sa lugar. Nang panahong iyon, medieval times, mayroon nang tinatawag na mga kaharian o kingdoms, subalit ang pamumuno ng mga hari at prinsipe ay parating subject to questions at mga pag-aalsa ng iba’t ibang fiefdoms, bishops, lords at counts.

Image of Genoa, an old town in Italy

Larawan ng Genoa, isa sa mga napakaluma pang bayan sa Italya/ http://www.flickr.com

Wala pa noong tinatawag na unification o pag-iisa sa ilalim ng iisang watawat o bandera. Wala pang sovereign in the real sense of the word Рisang hari o pinunong kukumpas sa buong teritoryong nasasakupan. Katunayan, ang papel na isinulat ni Machiavelli noong 16th century, The Prince, ay isang panawagan para sa pagkakaroon ng sovereign o despot na siyang susupil at maghahari sa hiwa-hiwalay na mga principalia o city-states at mga bayan sa dating Roman Empire. Panahon pa iyon ng mga trading centers,  ang pinakamasagana at sikat noon ay ang Florence, kung saan pinakamayaman ang Medici family.

Ang mga bayan sa Europa ay nag-umpisa bilang trading centers o sentrong kalakalan. Karamihan sa mga kabayanan ay nabuo malapit sa ilog o kaya ay sa mga daang pang-kalakalan. Sa pag-usad ng mga taon, ang agricultural villages na karaniwang nasa ilalim ng feudal rules o pamumuno ng panginoong maylupa ay  naka-develop ng mga produkto at serbisyong lampas sa pangangailangan ng nasabing isolated villages. Sa pagkakaroon ng surplus, doon uusbong ang kalakalan at palitan sa mga magkakaibang komunidad.

Ang mga unang bayan sa kontinente ay nasa dating sites ng Roman Empire (central and Northern Italy), sa Rhineland (Germany, sa kasalukuyan), sa may Swiss Alps (daanan ito ng trade patungong Switzerland galing sa ibang bahagi ng Europa) at sa ilang parte ng Gaul (France, sa kasalukuyan). Sa Inglatera, ang mga unang bayang naitala sa kasaysayan ay noong 12th century.  Walled places ang mga naunang bayan sa Europe. May moog o fortified ang pamilihan para di masasalakay ng mga pirata, manloloob at taong-labas; maging ng feudal lords mula sa ibang lugar. Kung kaya, burg (German root) ang tawag  sa  bayan, ibig sabihin ay fortress.  Kalaunan, tinawag silang bourgeoisie sa salitang French, kahulugan ay middle class.

Image of the old Prague in Czech Republic

Larawan ng lumang bayan ng Prague sa Czech Republic. Ito ang town square/ http://www.theodora.com

Middle class ang tawag sa mga unang taga-bayan sapagkat hindi sila nabibilang sa mga magsasaka (serfs in the villages),  o, mga mandirigma o sundalo at di rin naman nabibilang sa nobility o naghaharing uri (nobles, lords, bishops and counts). Karamihan sa kanila ay artisans o craftsmen gaya ng metal smiths, bakers, sewers at iba pang pioneer crafts o trades na kalaunan ay tatawaging shopkeepers o proprietors. Sa paglipat at pagtigil nila at ng kanilang mga pamilya sa trading centers, nagbuo ang artisans ng guilds o association.

Layunin ng guilds ay protektahan ang kasapi ng trade, itaguyod ang commerce at para rin magbuo ng charter. Sa charter nakalagay ang mga karapatan ng guildsmen, kapalit ng mga buwis at bayarin nila sa feudal lord na siyang may-ari ng trading center. Subalit, pana-panahon, ang teritoryo nila ay sinusugod pa rin ng ibang feudal lords o mga taong-labas. Kung kaya, ang ibang bayan noon sa Europa ay mayroong tinatawag na communes o militia force, binubuo ng guildsmen na handang tumulong i-depensa sa atake ang sentrong kalakalan. Sa bandang Swiss Alps, malalakas ang communes sa mahaba-habang panahon.

Kung ang serfs o vassals sa kanayunan ng Europa noon ay nasa ilalim ng feudal lords bilang tenants o bilang indentured members, ang craftsmen ng feudal ages sa kalakhan ay itinuturing na freemen o malalayang miyembro ng lipunan. Isang kabalintunaan, ang free towns ay nakaasa sa kanayunang nakatali (unfree labor).  Ang mga unang bayan ay nakadepende sa rural areas. Hindi na kasali sa food production ang town-dwellers, pero doon pa rin sa mga nayon nanggagaling ang kanilang supply ng mga pangangailangan.

Ang mga unang bayan daw sa Europa ay ubod ng dudumi. Wala pa noong regulasyon sa hygiene sa pamilihan at sa mga tirahang kalapit nito. Wala pa ring sewege system sa karamihan ng kabayanan at pana-panahon, nagkakaroon ng epidemya. Wala pa rin noong mga ilaw sa daan at delikado ang maglakad sa bayan kung gabi. Mas mahal ang halaga ng lupa sa bayan kung bibilhin man o uupahan lang, kaya ang kalakalaran, may shop sa ibaba at tirahan sa ikalawa at ikatlong palapag ng isang bahay o gusali. Sa Europa, uso noon ang maliit ang sukat ng first floor at palaki o palapad ang sukat o floor space, habang paakyat.

Image of a shopkeeper and his shop in old Europe

Larawan ng sinaunang shopkeeper sa Europa/ http://www.in-sense.org

Ang merchants and shopkeepers ng feudal Europe ang pre-cursors ng manufacturing o malakihang produksyon para sa mass market. Sa pag-unlad ng sinasabing division of labor, sa pagkatuklas ng mas maraming tools and systems of production, sa pagkakaroon ng maramihang upahan o hired hands, maipupundar ang production lines na may kakayanang tumugon sa demand ng mas dumaraming populasyon ng nangangailangan at mamimili ng mga produkto at serbisyo.

Unti-unti, sa susunod na mga daantaon, ang middle class towns ay aasenso at magkakaroon ng sariling mga kalakaran, gawi at istilo ng pamumuhay.¬†Karamihan sa walled towns ng feudal Europe na nasa ports, katagalan ay magdi-develop into cities or city-states. Ang kalakalan nila ay di na lamang sa mga kalapit na bayan at lungsod, kundi maging sa mga malalayong lugar at aabot pa sa ibang kontinente. ūüôā