Sa Dulo ng Mutha

image of young leaves on a branch, borrowed from jpgmag.com

Mga dahong bagong suloy/ jpgmag.com

Ang Doon Po sa Amin ay isang blog tungkol sa mga karanasan at kalinangan ng mga tao sa aming lugar noong mga unang taon ng dekada ’80. Tinatalakay dito kung ano ang kanilang mga pagkain, tirahan, hanapbuhay, libangan, suliranin, pananaw at mga paraan sa buhay. Ipinapakita rin dito kung paano sila noon magsalita, makipag-talastasan, makihalubilo at makigulo sa kanilang paligid.

 

Paminsan minsan, may ilang singit na kwento o opinyon ang may-akda tungkol sa buhay at pangyayari sa kasalukuyan.

 

 

Si Doon Po sa Amin (DPSA) ay isang taong mahilig magmasid, magsulat at kumain ng matatamis. Bisyo nya rin ang magbasa at uminom ng kape.

 

image of a pen and paper, borrowed from t1.gstatic.com

Mahilig siyang kumwento/ republikaimahinasyon. blogspot.com

 

Nanggaling si DPSA sa isang malaki, mahirap at magulong pamilya. Uso sa kanila noon ang agawan ng pagkain, palakasan ng boses at unahang makapagkwento. Napapaligiran naman sila ng mga kanayongΒ  halos kamag-anak nila lahat – mga taong maiingay, mahihilig humunta at di nauubusan ng mga birong mapanlait.

 

Noong nasa elementarya si DPSA ay may stick pa lagingΒ  hawak ang titser sa klasrum. Itinuturo ng stick na ‘yon ang leksyon sa pisara at ang estudyanteng tinawag sa recitation. Inihahampas rin iyon ng guro sa desk nang sunud-sunod pag may punto siyang gustong idiin. Sa mga itinuro noon kay DPSA, ang tumimo lang yata ay ang bilin ng gurong buuin ang pangungusap pag nagsasalita o nagsusulat.

 

Nasa high school si DPSA nang una nyang maisip na isulat ang tungkol sa liblib na baryong kanyang pinagmulan. Wala naman siyang nagawa o ginawa para iyon ay magkatotoo. Kung anu-ano lang ang mga ipinagsusulat at ipinaggu-guhit nya noon sa kanyang personal notebook.

 

Medyo tumagal, pero awa ng langit ay nakapagtapos ng kolehiyo si DPSA. Nakapagtrabaho sya sa larangan ng pananaliksik at pagsusulat. Gumagawa siya ng mga sulating parang magaganda ang tunog pero nakakaantok basahin at pinipilit lang pakinggan. Itong blog ang unang pagkakataong nalimbag ang sinulat niya sa sariling pangalan at nakapagsulat siya gamit ang wikang Tagalog.

 

Imahe ng puno ng niyog

Marami nito sa tropiko/ http://www.foodrecap.net

 

Naumpisahan ito ni DPSA dahil sa kapapanood niya ng Asian Food Channel nitong gitna ng taong 2010. Marami kasing features doong may mga berde pang bukirin at may mga shots at palatastas pa ng Asyanong kumakain ng naka-kamay. Nainggit sya noon at nakapagsulat tuloy – tungkol sa bukayo at sundot-saging. Naipanganak itong site.

 

Mahigit dalawampong taon na sa Kalakhang Maynila si DPSA subalit asiwa pa rin siya kung manamit, marami pa rin siyang kumain ng kanin at paborito pa rin nyang pang-ulam ang sinaing na tulingan.

image of sinaing na tulingan in apot, borrowed from i37.tinypic.com

Maraming oras pinakukuluan/ forum.philboxing.com

 

Ang mga maipagmamalaki naman nyang natutuhan sa malaking lungsod ay ang tumambay, gumising ng tanghali at maglakwatsa.

 

Sinubukan na rin ni DPSA na bumalik at manirahan muli sa probinsya ngunit di umubra. Kamakailan lamang ay napagtanto nyang naubos na nga pala ang mga palayan sa gawing kanila, nagsisipag-aral na ang mga anak ng mga batang mas maliliit pa sa kanya dati at kilala na rin pala ng matatanda sa kanilang nayon sina Lady Gaga at Justin Bieber.

 

Maliligalig ang mga pangyayari at kwento sa lugar nila, kasing-ligalig ng madaling mamangha at laging nababaguhang si Doon Po sa Amin.πŸ˜‰

 

52 responses to this post.

  1. sus, nakakataba ng puso. salamat. daan ka uli, minsan…:)

    Tugon

  2. helloπŸ™‚
    adik din ako sa kape at sa marami pang bagay. pero nangunguna ata ang kape (sa ngayon). At saka laki din ako sa magulong pamilya at alam ko yung maingay at nagsisigawan kasi ganyang-ganyan kami pero malayo kami sa ibang kamag-anak ^^

    Andito ka na pala sa Manila. Gusto ko pa naman bumisita doon po sa inyoπŸ™‚

    Tugon

  3. hi. andito talaga ako sa maynila.

    maski noong nag-probinsya ako, bumabalik din ako sa maynila pag weekends.

    malapit lang ang sa amin, sa region 4. pwede tayong pumunta roon pag nagkita na tayo, he, he…

    tingnan ko lang kung tatagal ka do’n. ang lalayo pa rin ng mga tindahan till now.

    at, papatulungin kita sa tiyuhin kong mag-alis ng mga uod sa talong at sa tiyahin ko na maglinis ng mga luya. ang saya siguro no’n, ahihi… :]

    Tugon

  4. ha,ha… Ms. Jec, mas mahirap maglinis ng luya kesa sa maglinis ng kuko.

    kailangan mong matutunan ang pagkilala sa iba’t ibang uod, sari-saring insekto at pesteng kumakapit sa halaman at required siyempre, na matutunan mo silang alisin.

    hindi pwedeng nadidiri. otherwise, kawawa ang mga tanim mo. di mo sila makikita into fruition. btw, ansarap ng feeling pag isang lata na ng uod ang naalis mo, he,he… peaceπŸ™‚

    Tugon

  5. Posted by giobb on Enero 9, 2011 at 1:17 umaga

    amazing blog po! hehe

    Tugon

  6. thanks. ako rin, naaliw ako sa blog mo nang sumilip ako. third time yata ng pagbisita ko roon ‘yong kahapon, he,he..

    Tugon

  7. sa simpleng salita, ikinagagalak kitang makilala at hanga ako sa pagtataguyod mo na paikutin ang salaysay at mga kwento mo sa unti unting nakakalimutang payak na buhay natin.

    ikaw ang magandang halimbawa ng kasabihan na ‘ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.’ dahil hindi ka lang basta lumingon kundi pinipilit mong balikan ang payak na kahapon. ganyan na ganyan din ako madalas lalo pa nga’t nagugulo ako ng masalimuot na kasalukuyan.

    mabuhay ka!

    Tugon

  8. salamat sa pagbisita mo, duking. mas nagagalak akong nakilala kita dito sa buladaspir, he,he… may hawig ka sa kapatid ko at mahusay rin syang mag-drowing. :s

    naku, hindi kasi ako makarating-rating sa dapat kong paroonan at nasasalimuotan rin ako sa kasalukuyan kaya panay lingon na lang ang ginagawa ko, hi, hi…

    seriously, nito na rin lang nakuha kong ipagsusulat nang medyo may distansya na. sa relatives and friends, halu-halo pa nga ang reaksyon nila dito sa blog. may um-okey, may nagre-react as in, di na raw dapat alalahanin ang ‘mapait na kahapon,’ he, he…

    salamat uli sa pagdaan. sana nga’y balik ka. :]

    Tugon

  9. waw DPSA! natakam tuloy ako sa sinaing na tulingan. hahaha. ang useless ng comment ko pero sige, para magkaron ng saysay, sasabihin ko na rin lang na naaliw ako sa blog mo. babalik-balikan ko ‘to.

    p.s. inadd nga po pala kita sa blogroll ko.πŸ™‚

    Tugon

  10. ei, salamat sa pagdalaw at sa pag-add mo sa ‘kin sa blogroll mo.πŸ™‚

    masarap talaga ang tulingan, da best.

    ha, ha… ako ang naaliw sa blog mo. magla-lurk ako ro’n madalas. :]

    Tugon

  11. wow! writer ka pala.. nahiya naman ako bigla..hahaha

    ngayon lang ako napunta sa pahinang to, at ikinagagalak kong mapunta dito. natawa nga ako at nagustuhan nyo po yong mga sinulat ko, kasi may isa po na sinabihan akong, magaan daw ang pagkakasulat na may saltik..wahahahaha, adik lang talaga ako minsan.

    Tugon

  12. writer-writer-an lang, anini.

    mas marami sa ginagawa ko usually, e, research or admin or others. kumbaga, parang isa lang sa outputs ang pagsusulat. tapos, karaniwan din, either ang nasulat ko e, nakapangalan sa institution or sa public figure. mga boring na papers. kaya, hayon, ksp pa rin, ha,ha…

    salamat at naligaw ka rito sa page. ba’t ka mahihiya sa writing mo e tama naman ang sinabi sa ‘yo? mas mahusay ka na kesa sa karamihan, sa impression ko. mas maalam ka kung sa ‘kin lang naman, he, he…

    magsulat ka lang lagi. :] btw, ganda ng coffee painting mo ni beeftapa, ah. kainis!

    Tugon

    • haha, medyo may pagkakapareho din pala tayo ng kunti.. minsan nagsusulat ako at madalas boring kase sa technical na aspeto ng propesyong ginagalawan ko. at minsan din, madalas pala speech ng big boss, mapulitikang churva lang, that’s why as much as possible i avoid writing anything related to my work…hehehe

      aww! bakit ka naman naiinis dun sa coffee painting? magpapagawa ka rin po ba? piso ang bayad..hahahaha

      Tugon

      • ahaha, limang piso pala ang dapat kong ibinayad… :c

        gusto ko ang huling ipininta mo, anini. ‘yong june 18 ang date – ang ganda. maganda lahat, siyempre, pero mas madetalye at mas malinis ‘yong mini- baul, hihi….

        paano kita pasasalamatan? kakantahan kita?πŸ™‚

  13. ganoon na nga, anini. sa ingles ako mas sanay magsulat re: boring subject matters na kokonti ang interesado…

    masyadong maganda. dapat pinangitan mo nang konti… pagawa din ako.πŸ™‚ iwa-wire ko sa ‘yo ang piso. pili ka ng courier – dhl, lbc, 2go. maski UPS or FedEx, he, he…πŸ™‚

    good day sa ‘yo!

    Tugon

  14. hmmm…nakakarelate ako kasi isa rin akong ghost writer ng mga panginoon ng kumpanya namin. Hehe. Pagsusulat din ang ikinabubuhay ko, kasama na ang paglelayout, at pagmanage ng mga proyekto ng foundation.

    relate talaga ako sa mga nakasulat ditoπŸ™‚

    Tugon

  15. hi, kaye.

    masyadong marami munang nangyaring kung anu-ano bago tayo nagkita, ah. sabagay, virtual naman lahat ‘yonπŸ˜€

    dapat ba, binati na agad kita sa site mo 5mos or so ago?

    anupaman, at least, may nagbabasa na ritong nagsusulat din talaga.

    thanks for reading.πŸ˜€

    Tugon

  16. padaan po ulet…
    dami u na po palang naikwento dito..hahahaha

    Tugon

  17. Wala po ba kayong kwento tungkol sa mga bading noong unang panahon? Marami din ba kagaya ngayon?sorry pero curious lang po.haha

    Tugon

  18. hello, prinsipe.

    may mga bading na sa lugar namin noon pero discrete sila dahil conservative ang environment ng panahong iyon. iyong mga mas openly gay ay sa bandang bayan at city namamalagi at rumarampa, haha…

    hayaan mo, kakalkalin ko ang memory ko at baka may maisusulat ako about the topic. ang naisip ko pa lang na isusulat about deviance ay tungkol sa insanes o mga sira-ulo sa baryo. pero, concept-level pa lang e, di pa buo ang post.

    salamat for calling my attention on that one. balik ka.πŸ˜€

    Tugon

  19. aabangan ko pa iba u pang post…hehe

    Tugon

  20. makata ang mga salita kapatid …hehehe

    ayus DPSA ..^_^

    Tugon

    • hello, yahjme!

      ganire kasi… taga-southern tagalog kami, malalalim talagang managalog ang mga taga-roon. ikalawa, magkaibang generation na tayo, ka-age ka ng mga pamangkin ko. medyo magkaiba na nga siguro tayo ng language.

      btw, malalim rin akong um-english, ahaha. medyo sinaunang tao talaga ang lola mo rito, hehe…πŸ™‚

      Tugon

  21. Yong pasalbo mo, parang nahahawig sa isang sulatin na may pamagat na ” Nagbibihis na ang Nayon”, sana tama ako sa pagkakatanda.

    Pansin na pansin ang kahusayan mo sa paglalahad. Malinaw, at tiyak na mauunawaan ng mambabasa.

    Like

    Tugon

    • hihi, kakaaliw naman ang comment mo. maraming salamat!

      jkul, di ko alam kung nabasa ko o hindi ang Nagbibihis na ang Nayon. ang tiyak akong nabasa ko 25 taon na ang nakakaraan ay ang Lugmok Na Ang Nayon. maganda ‘yon pero malungkot. tungkol sa isang estudyante sa Maynilang umuwi sa kanilang baryo…

      iyon at ang How My Brother Leon Brought Home a Wife at ang Flowers of May ang mga kwento ukol sa barrio life na tanda ko pa hanggang ngayon.

      salamat at naibigan mo.πŸ™‚

      Tugon

  22. Nagmula ako sa isla ng Marinduke Binibining Susan

    Tugon

    • ala, taga-Mariduque ka pala! hindi naman pala magkatabi ang probinsya natin. ang sa amin ay dating nadaraanan ng byahe ng BLTBCo noong may BTCo pa, hehe…

      hala, may barkada akong taga-ryan sa inyo. punta tayo sa inyo, tara…πŸ™‚

      Tugon

  23. Ang sarap magbasa sa ating wika talaga DPSA. Gusto ko ring magkuwento sa buhay-buhay sa aming bayan. Nauna lamang pala ako kasi kuwentong dekadang sitenta ako…ikaw ay kuwentong otsenta. Parang iisa yata ang probinsya natin…lalo na kapag binabanggit mo ang BLTB. Paborito ko rin ang tulingan. Kahit pauli-ulit na iulam…hanggang sa iprito na…with kamatis & paho(kapag panahon ng summer).

    Babalik ulit kabayan. God Bless!

    Tugon

    • welcome ho kayo rito, superlolo at maraming salamat sa pagsinsay at sa comment…πŸ™‚

      ay, maigi ho, kwento kayo tungkol sa sixties – mainam ‘yon. baka nga ho magkababayan tayo? alam nyo ang paulit-ulit na pag-uulam ng tulingan na sinasahugan ng paho, hihi…

      may naisulat ho pala ako rito tungkol sa manggang paho… kayo rin po, sana’y pagpalain!πŸ™‚

      Tugon

  24. nakakaaliw ang blog site mo, miss DPSA. madami kang posts na nakapag-aanting ng kaisipan (whooh ang lalim naman muntik na ko malunod.. hehe)at sa totoo lang bilib ako sa sipag mong magsulat at magbackread. i really appreciate you coming over my site and backreading some of my old posts. at hindi lang yun, malalaman din ang mga komento, one thing na talagang kinatutuwa ko bilang blogger (wow blogger daw).. kasi ibig sabihin lang nun ninanamnam mo talaga yung binasa mo. salamat ulit, sis.

    -bagong suki sa bloghay mo-

    Tugon

    • san, yon ang tawag sa ‘kin ng marami, kaya hwag na dpsa, bell.πŸ™‚

      hmn… marami-rami akong nabasa sa buhay kong ligaw, hehe at dito sa site ako nagsi-share at nandadamay, ahaha. maraming advantages: nakakapag-practice akong magsulat creatively, nakakagawa ako ng lecture for posterity (ahek!) este, para sa mga pamangkin ko at nakaka-mingle ako sa iba pang mga nagsusulat din. o, di ba?

      oo, naman. your posts are worth reading and poring over, kumbaga. kita ko agad ‘yown. practiced eye ang meron me. hehe, medyo praktisado sa basahan. at natutuwa akong mag-comment sa bloghay at posts mo.πŸ™‚

      may site na sincere na nagsi-share ang blogger, may blogger na hasa na sa pagsusulat (sa mga napupuntahan ko) at may site na matamlay at di pa interesadong mag-share talaga, ahaha… mas kokonti naman itong huli, hihi…

      sa lay-out pa lang, naaaliw na ako sa site mo. welcome ka rito anytime, dito sa amin.πŸ™‚

      Tugon

  25. first time po dito sa doon. lol.

    hindi halatang writer kayo sa mga poste ninyo. gudyab!

    Tugon

  26. hello, cheese.

    mahilig ako sa cheese at sa cheesecake. btw, may cheesecake na pa-meryenda sa site mo? ahaha…

    salamat sa pagdalaw at pagbabasa. regards sa ‘yo! πŸ™‚

    Tugon

    • ang totoo, hindi ko pa din maperpekto ang paggawa ng cheesecake. isa ito sa aking bucket list. kahit yung ref version di pa din. yung baked version, di ko pa nasusubukan. wala kasi kaming oven. hehe.

      cheers!

      Tugon

      • hello, cheese. sorry naman po, di ko ito nakita… pwede pang sagutin after almost two years? hehehe. o, hano, na-perfect mo na ang paggawa ng cheesecake? hala, masarap yon with fruit shake pag ganitong napakainit…πŸ˜‰

      • wala pong time gumawa e (at pera) hehe

        ayos sana gumawa ng fruit shake, ang problema nasira yung blender namin. may gumamit kasi ginawang pitchel ng beer.

  27. naakit akong makipaghuntahan sa title “sa dulo ng mutha” sa amin kasi pag sinabing, wala ka pa sa dulo ng mutha, ibig sabihin ay hindi ka pa pinaplanong gawin ng nanay at tatay mo. wala pa sa mundo wala pa sa dulo ng mutha.

    pag sa dulo ng mutha – ano ba ang ibig sabihin non? ako eh lubos na naa-aliw at me category pa pala ang kulisap, ha ha ha pati mga uod na iiponin. masaya ka talaga Ms. SSA/DPSA. nakaka -aliw,πŸ˜€

    Tugon

    • hello, Ms. S…. ayon nga ho, pag wala pa sa dulo ng mutha, di pa nako-conceive… eto namang site, na-conceive na – kaya sa dulo ng mutha, hahaha.

      ahaha, ganoon ho ata talaga pag rural and poor ang upbringing – maturete at sari-sari ang napapansin. happy midweek ho… ingat kayo ryan.πŸ™‚

      Tugon

  28. Sa wakas ay nasilip ko rin ang “Doon Po Sa Amin,” na lagi ko lang naririnig. Marami-rami na nga pala ang mga sulatin dito. Nakalulungkot namang isipin na wala na ang mga palayan sa inyong lugar. Hindi na rin siguro kinakanta doon ang “Magtanim ay ‘di biro.” Napalitan na ng “Born this Way.”πŸ™‚

    Tugon

    • hello, pinoytransplant… salamat din at nagawi kayo banda rito. saan nyo naririnig ang dpsa? haha, opo, ito ang original baby ng lola nyo. naipanganak lang ang ssa no’ng ito’y nasawimpalad na naisara, hehe.

      hayyy, wala na ho talagang palayan at maisan sa amin, maski isa… cash crops na ang itinatanim doon. ahaha, hindi na nga… Lady Gaga na nga pinapatugtog. pero may maririnig pa rin namang Rico Puno, Imelda Papin, Rey Valera atbp. hahaha. ^_^

      salamat po sa pagdaan. have a good week!πŸ™‚

      Tugon

  29. nakaka-relate pa din pala ako sa mga nilalaman ng blog na ito. hinahangaan ko ang mahusay na paraan ng gumagawa nito. masaya akong makabasa ng ganitong blog.

    Tugon

    • hello, sari… salamat sa pagdaan at sa pag-appreciate nitong site, somehow… and thanks sa pagbabasa ng about page, dear. btw, wala kang blog, twitter account lang?πŸ™‚ balik ka, from time to time – patapos na ang rural devt series at babalik na maybe sa regular programming, ahehe. warm regards sa iyo.πŸ™‚ ~ ate san

      Tugon

  30. maganda ka pa sa umaga dpsa.
    tawagin mo na lang akong “bukayo” (dahil matamis daw ako sabi ni lola).
    ngayon lang ako nakabasa ng ganito kagagandang mga artikulo, ngayon ko
    lang napagtanto tanto na napakaganda pala ng ating wika. lol.
    napaka daming salamat at pinasaya mo ako. hindi naman nakakatawa ang
    mga sulat mo pero ewan bakit masaya ako habang binabasa bawat sinasabi mo.
    siguro dahil nasa labas ako ngayon ng pinas (nagtratrabaho bilang isang IT experto).
    natuwa kasi ako sa mga itinanim kong mga bulaklak sa nabili kong munting bahay at lote sa isang subdibisyon sa cavite. ngayong agosto pag bakasyon ko ulit sa pinas magtatanim naman ako ng mga gulay doon sa munting lote, gusto ko yong gumagapang…yong upo. paborito ko kasi yon. at yon lang alam kong lutuin…na nagiging paborito din ng mga nakakatikim non. ganito lang: gisahin ang sibuyas at bawang, pag mabango na ihalo ang tinadtad na upo. pag medyo nahalukay na, ihango na at itabi. mag-gisa ulit ng sibuyas at bawang, pag mabango na ihalo ang isang latang sardinas na medyo maanghang. mga ilang halukay ihalo doon ang unang ginisang upo/sibuyas/bawang. lagyan ng 3 basong tubig. hayaang kumulo at pag medyo
    malambot lambot na ang upo, lagyan ng noodles galing sa isang pakete ng ‘lucky me’ pansit kanton. timplahin ng asin at ihain. kainin habang mainit. yon lang. nga pala kaya ako naligaw dito dahil naghahanap ako ng mga tips sa pagtatanim ng gulay. pasensya na magulo talaga akong kausap. hindi ko na babaliktarin ang damit ko, alam ko na daan papunta dito. bibisitahin kita lagi.

    Tugon

    • magandang hapon sa ‘yo, bukayo… salamat sa pagdaan at pagbabasa, kapatid. maigi at naibigan mo mga sulatin dine.πŸ™‚

      ay, masarap ang upo. at talagang tanda mo pa. salamat sa recipe… hamo, susubukan ko yaan, minsan… hindi namin nakasanayan sardinas bilang sahog. mas pansit or miswa lang, at hibe, ahaha.

      good luck sa planting, this august… salamat uli, ha. balik ka, minsan… warm regardsπŸ™‚

      Tugon

  31. Posted by Adria on Hulyo 3, 2015 at 2:40 hapon

    Ay, mukha yatang nahuli na ako rine. Sana makapag-post ka uli. Aliw na aliw pa man din akong magbasa ng mga kwentong baryo mo. Kung bakit ba naman kasi ngayon ko lang to nakita.

    Syanga pala, taga-Timog Katagalugan din ako. Taga-Batangas ka ano? Pag hindi nama’y taga Laguna ka.

    Alam mo, matagal ko na ring gusto mag-blog sa wikang Tagalog pero ako ba ga’y nangangamba gawa ng baka kakaunti laang ang maging readership. Syempre, mas tiwala ako sa kakayahan kong managalog. Aba’y yun naman talaga ang salita natin di ba ga? Sa totoo lang, noong unang basahin ko yung posts mo, para ba gang nag-“dilate” yung mata ko. Nakakapanibago eh. Hehe. Mahilig akong magbasa ng mga blog pero kadalasan naman kasi’y puro Ingles ang blog ng mga pinoy. Hindi naman sa panglilibak eh kitang kita mo naman kasi talaga ang kaibahan ng post ng Konyo Guy sa native English speaker.πŸ˜›

    Hala, ako’y mananaog muna. Gusto ko laang mag-iwan ng isang malaking HI. Ang ganda po ng blog mo.

    Tugon

  32. Nagyon ko lang nakita ito blog na ito. Nakakaaliw, pareho ang pinagmulan natin. Matagal ko nang gustong gawin ang ganito, subalit ako’y kapos palagi sa oras. Madalas akong sisinsay dito sa blog na ito, kung ito’y di pa naglalaho? Masdan ko ma’y mukhang 2013 pa ang huling ulat dine!!

    Tugon

  33. Maraming salamat po sa pag-follow din ng site kong walang laman. Sobrang napakagaling po ninyong magsulat at gumamit ng salitang Tagalog na halos kapara ng mga nababasa kong librong pang-panitikan noong kolehiyo. Tulad po ninyo ay lumaki rin ako sa simpleng buhay sa probinsya kung saan ang bawat tag-araw ay puno ng masasayang ala-ala na masarap balikan. Kilala ko po ang ibang mga uri ng prutas na ligaw na ini-feature nyo sa ilan nyong isinulat.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: