Archive for Mayo, 2013

Walang Bait

Hello, ka-blogs! Magpo-promote muna ng mga dati nang naisulat, ahihi. 🙂 Isa ito sa mga unang komposisyon ng inyong lola na kinagiliwan nya mismo matapos maisulat. Sana ay maibigan ninyo. Warm regards… 🙂

doon po sa amin

Kagaya rin sa ngayon, kaming mga bata noon ay nakakagalitan ng aming mga magulang dahil sinuway namin ang kanilang utos, dahil matigas ang aming ulo at dahil may ginawa kaming, sa sabi nila, hindi maganda. O, hindi tama.

 

Ang pangkalahatang alituntunin noon, habang pinagsasabihan o kinagagalitan ka ng nakatatanda sa iyo, huwag kang sasagot. Hintayin mo munang mailabas ang lahat ng galit at paninisi ng taong nagagalit sa iyo. Kapag humupa na ang emosyon, pag bumalik na sa normal ang kanyang boses at kapag tinanong ka na kung bakit mo ginawa o nagawa iyon, kung anuman iyon, saka ka lamang sumagot at magpaliwanag. Saka ka mangatwiran at humingi ng pasensya.

 

Siyempre, maraming klase ng pagkakasala ang maaring magawa, at ginagawa, ng isang bata.  By degrees din ang kaparusahang naghihintay sa maysala. Pag matindi talaga ang ginawa mo, hindi ka kakausapin ng mga magulang mo nang maghapon o magdamag…

View original post 978 more words

Advertisements

may maliit na tao sa malaking mundo…

Image of a man and a child going down the mountains

Mula sa bundok, bababa sa mga lambak at gulod/ karumello.deviantart.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Image of a man and a child playing inside a big indoor space

Aaninagin ang tao, sa malamig at matigas na espasyo/ http://www.flickriver.com

 

may maliit, bahagya nang makitang tao

sa napakalaki,  anong gulong mundo 

pipihit, lalabas – sa tana’y makikihalubilo

hahanapin ang lugar, sa buhay na di piho. 🙂

Image of a man scaling the clouds

Aabutin niya ang ulap, lilipad tulad ng eroplano/ http://www.flickr.com

 

 

Hello, ka-blogs! Hala pa, botohan na bukas, di pa kumpleto ang aking listahan, haha. Kayo ba? O, basta, boto tayo at nang makapaghalal tayo ng mga opisyal na maayos-ayos, ahaha. 🙂

 

Siyanga pala, maiksi lang ang entry natin – para mabaguhan kayo, hehe.  Kung medyo bitin, aanyayahan ko na lang muna kayong basahin ang dalawang lumang tula rito – ang Dito at ang Akala Natin. Ang mga iyan, naikwento sa SSA, inspired ng aklat ng tula ni Grace Paley. Mapapansin nyo rin marahil, nagaya ng bahagya ang sing-song quality ng verses (sing-song talaga, haha). Ay, sa maniwala kayo at sa hindi, pwedeng gaya-gaya ang pagtula… 🙂

 

Nasalubong ko ang Dito noong isang araw at na-realize tuloy – may seminal ideas pala roon – para sa pagbubuo ng Mga Tahi at Paso. Akalain nyo ‘yon? Ahaha. Oo, medyo philosophical pala si poem… Nang ginawa ko, parang katuwaan lang naman, di nga. Ang Akala Natin, may kalaliman talaga ang message and underpinnings – pasensya naman… Iyon yata ang pinakamabigat na blog about blogging post na naisulat, so far. Mas malalim pa wari kaysa sa Gawa-gawa Lamang. Isisisi ko pa rin kay Grace Paley, ahaha. 😉

 

 

Image of a child's hand holding the world

Mas manageable ang mundo pag may Nanay, di nga… / lissalauria.blogspot.com

 

Maligayang kaarawan kay May 11, sa Inay namin, kahapon. Happy Mother’s Day din sa kanya. Sana ay happy ka, Inay. Ingat ka lagi… Mwah, mwah, mwah! 🙂

 

Maligayang Araw ng Nanay sa lahat ng kananayan. Mabuhay ang mothers dearest! Siyanga pala, ganito ang itsura ng mundo pag may Nanay pa ang tao, di nga… 😉 By the way, nami-miss ko pa rin sya, but not as bad as before. May naitulong ang blogging, in several ways, ahaha. Cheerio! 😉 🙂

 

Hindi na maputik ang daan sa amin, last part

 

Hello, ka-blogs! Busy ako kunwari sa kabuhayan at sa pag-aayos ng magulo kong buhay, hehe. Ayon tuloy, di halos nakakapagsulat para sa blogs, ahaha. Pasensya naman… 😉

Sana ay nasa magi kayo. Kaunting panahon na lang ang ipagtitiis, pasasaan ba at darating rin ang mga araw na uulan na at mababawasan ang init, hala pa… 🙂

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Image of ice blocks in an ice plant, ready to be sold

Mga bloke ng yelo sa loob ng isang ice plant, handa nang ipagbili/ portblair.olx.in

Usapang ice plant pa rin tayo, haha. Bakit importante ang may ice plant sa isang lugar? Well, bukod sa ubod ng init sa Pilipinas sa panahong ito, hehe, maraming ibig sabihin ang pagkakaroon ng ice plant. Tingnan nyo, classic indicator sya ng progress, hakhak. 😉 Pwera biro… Pag may ice plant, nangangahulugan, malaki na ang populasyon ng tao sa lugar at may kabuhayan na ang mas marami roon. Kailangan ng malakihan at maramihang storage facility para sa pagkain – karne ng baboy, baka, manok at isda para sa kung ilang pamayanan o community sa malapit. Ibig sabihin, may malaking palengke na sa bayan o sa lungsod, may large-scale na kalakalang nagaganap, may malaking bilang ng mamamayang namimili at gayundin, nangangalakal ng iba’t ibang produktong kailangang iimbak ng pangmatagalan, at, may sapat na cash o perang umiikot sa lupon ng pamayanan.

Ang point ko, hehe, hindi lang para makapagtinda ng halo-halo pag summer ang ice plant, hakhak. Hindi rin para lang may mailagay na yelo pag nag-iinuman na sa hapon at gabi at pag may handaan sa lugar, haha. Kasali rin ang mga iyan. Demand din sila, kung tutuusin… Pero ang mas malaking demand para sa produktong yelo, galing sa iba pang nagtitinda ng isda, karne, gulay at prutas – nangangailangan ng marami sa karaniwang supply ng yelo – to meet the daily demands of stores and households… So, kumbaga, pag nagka-ice plant na sa isang bayan, economically, may industrial and institutional demand na para sa produkto, may mga permanente nang palengke sa perimeters (hindi na lang talipapa) at may significant na bilang na ng mamamayang may purchasing power.

 

Image of a relatively modern ice plant building's facade

Larawan ng facade ng isang makabago nang ice plant sa Pilipinas/ polytrade.com.ph

 

So, sa usual phase ng development, pag nagka-permanenteng palengke na, sa susunod na taon o sa ikalawa, may magtatayo na ng ice plant. Ayon lang, medyo mahal ang puhunan sa pagtatayo ng planta. Sa Economics, economy of scale ang tawag – pangmaramihan ang produksyon at venture ito para ito sa may malaking kapital. Producing or processing water into ice requires lots and continuous energy supply, heavy machineries and huge market demand for ice products. May mga bayan sa Pilipinas,  sampo o dalawampong taon nang may palengke – wala pang negosyante sa lugar na makapagtayo ng ice plant. At dahil sa kabilang bayan pa o sa lungsod kukuha ng yelo ang mga nagtitinda sa palengke, hirap silang gawing araw-araw na bukas ang pamilihan. O, minsan, pag ubos na ang yelo, sarado na ang palengke, di nga… Siyempre pa, sa mga bayang wala pang koryente, walang ice plant, hoho.

Image of a machinery for processing milk inside a factory

May kamahalan ang puhunan sa infrastructures para sa pag-iimbak at pag-proseso ng mga inumin at pagkain/ rokk-processing.com

Noong 1960s and 70s, panahon ng ating mga magulang and erderly, masasaya na sila pag nakatira sa bayang may planta ng yelo – malaking gaan na iyon sa buhay nila. Malaking bagay ang nakakabili at nakakakain ng sariwa o properly stored food – lalo pa sa kalagayang mahirap pa rin ang magbyahe at mamalengke. Doon sa amin noon, di uso ang bumibili  ng karne sa palengke. Sa baryo mismo, nagkakatay ng hayop, binabahagi iyon sa mga tagaroon sa parehong araw at sinisingil ang bayad – isang linggo pagkatapos, sa bahay-bahay. Ang mga bumili naman – wala pa noong refrigerator o maski cooler – niluluto agad ang kinuhang karne. Lahat ng matira, alinman sa ina-adobo o tinatapa… Ahaha, crude ba? Old-style? E, ganoon noon sa amin. Noong nasa elementary pa, nakakakita lang ako ng refrigerator pag may quiz bee, hakhak. Dumadaan muna kami noon sa bahay ng principal o isang teacher na taga-bayan, bago ang contest. Na-associate ko tuloy ang quiz bee sa pag-inom ng Milo at pagkakita ng ref, patatawarin… 😉

 

Image of an old gas station in a far-flung place

Isang luma pang gasolinahan sa isang malayo at liblib na pook/ http://www.123rf.com

Anyway, isa pang indicator ng progress ang gasolinahan sa bayan, hakhak. Isa rin ang gasolinahan sa mga negosyong kailangan ng economy of scale – mahal din ang puhunan and needing huge and continuous demand for the product. Dito sa atin, ang isang bayan, lalo pa pag di naman malapit sa malaking lungsod, iilan-ilan ang may sasakyan – ang may malaking babuyan o poultry farm, ang nagluluwas ng gulay at prutas at ang may kamag-anak na matagal nang nasa abroad (yong malaki ang remittance na ipinapadala, haha). Pag sa mga bayang kakaunti pa ang paved road, mabibilang sa daliri ang mga pamilyang with wheels, ahaha. So, hindi local demand ang basehan ng pagtatayo ng gasolinahan. Kadalasan ang basis,  kung may national highway na tumatagos sa nasabing bayan at sa gayon ay may sapat na bilang ng bus, dyip at pribadong sasakyang daraan doon sa pagbabyahe… Madalas din, one pump or two-pumps na gasolinahan ang naitatayo. Pero noon – 60s, 70s, 80s at maging hanggang 90s – angat na sa iba ang bayang may gasolinahan…

Anyway, dito rin pumapasok ang kahalagahan ng infrastructures – kalsada, patubig at kuryente – sa isang bayan o lupon ng mga pamayanan o villages. Pag nagkaroon ng kalsadang sementado o aspaltado man lang, bibilis ang kalakalan at ang pag-labas-masok ng mga tao, produkto at serbisyo sa lugar. Pag may regular na patubig – mag-iimprove ang productivity ng mga magtatanim, tataas ang agricultural outputs at sa pangkalahatan – tataas din ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa lugar. Pag may koryente na, hindi lang sumasaya ang mga magulang dahil sumisipag mag-aral ang mga anak nila. Ipinapanganak din madalas ang iba’t ibang negosyo at neighborhood and village level. Sa pangkalahatan, nagiging vibrant, more commercial and linked –  ang buhay ng mga nakatira sa lugar. Lumalaki rin ang halaga ng pera o kapital na umiikot sa communities at pati ang demand para sa yelo at gasolina… Nagkakaroon ng higit na purchasing powers ang mga tao at nagbubukas yaon ng opportunities – to create more businesses based on new demands, brought about by changed income and lifestyles.

 

A rural bank in Southern Tagalog region that has recently been closed

Isang rural bank sa Timog Katagalugang ipinasara ng Bangko Sentral, kailan lang/ thefilipinoconnection.net

Si economy of scale, madalas kasali sa usapang pagbibigay ng impetus o tulak sa development sa isang lugar. Paano? Sa isang bayan, ang usual na may puhunan – alinman sa yaong may pinakamalalapad na lupa at maraming ari-arian o  yaong mga naunang nakapagpundar ng negosyo  – halimbawa, babuyan o poultry farm. Madalas, ang pinakamayayaman sa lugar ay sila ring nakakapagtayo ng gasolinahan at ice plant. Sila rin ang nag-uumpisa ng unang bangko sa lugar – rural bank. Hahaha, o, di ba? Pamilyar ang kwento? Oo, medyo ganyan dito sa atin. In a way, di lang naman sa Pilipinas ganyan… Sa maraming iba pang bansa, tila ganyan din – ang pioneering elites ang halos may monopolyo sa establishments, businesses – sa local communities. Sila ang nag-umpisa,  kontrolado nila lahat … At dahil halos walang kompetisyon, madalas din – sobrang baba ng pasweldo sa mga tauhan,  sobrang higpit o  malupit ang palakad at konserbatibo ang business decisions ng mga may-ari – sa loob ng maraming dekada…

Kadalasan, hindi efficient or optimized ang pamamalakad ng mga lokal na negosyo sa bayan-bayan – gasolinahan, ice plant at rural bank. Marami raw dahilan – managerial capacity ng may-ari sa larangan, paglobo ng pautang o credit lines sa mga kapwa negosyante, kamag-anak at mga kakilala o, kakulangan ng demand para sa mga produkto – petrolyo, yelo o pautang (loan products). O, maari rin, pagkakampante ng mga may-ari – pagiging kontento nila sa ownership. Pinapatakbo ang negosyong parang pagma-may-ari lang ng lupa – rent from the properties ang hinahabol – – sa halip na profit from the business. Sa Economics, magkaiba sila. Pag rent, may tiyak na upa o halagang tinatanggap ang may-ari sa loob ng maraming taon. Pag profit, ang kita ay depende sa volume and value ng produkto o commercial transaction  sa negosyo… Kaya, ang local business na pinatakbong ala-landlord, malamang – hindi aabot sa limang dekada. At pag tumakbo pa sa halalan o na-engganyo sa politika ang may-ari,  malamang na mas mapapabayaan pa niya ang mga ari-arian at negosyo…

 

Images depicting local development in an area in the Philippines

Sa isang lupon ng pamayanan, madalas na crucial ang pagkakaroon ng kongkreto at tuluy-tuloy na kalsada, patubig para sa mga halaman at hayop, sustained livelihood para sa mga nakatira at malapit na eskwelahan para sa mga bata/ http://www.seafdec.org.ph

 

In many ways, tila ganyan ang nangyari sa maraming bayan-bayan sa Pilipinas. Stalled o nalubak ang economic development sa mga lugar sa atin – kinapos na ng puhunan, skills and diskarte ang mga lokal na mamumuhunan at sumuling sa politika – para isalba ang dumadausdos na kabuhayan. Ang entrepreneurship din ng lugar, maaring sabihin… Nakompromiso ang economic potential ng bayan, kasama ng mga kumakapit sa mayayaman at dependent sa kanila – para sa kabuhayan at pag-asenso. Sa isang banda, nakontrol na ng pionering citizens ang mga haliging negosyo sa lugar at pati politika sa kanilang mga pamayanan, habang ang bulto ng mga kababayan –  lugmok pa rin sa hirap at atrasadong pamumuhay sa araw-araw.

 

Madalas, tanong natin – bakit tila mapanghi at malansa  ang ating national politics? 🙂 Ahaha, ang sagot, marahil – sa municipal, city and provincial levels – naka-kompormiso rin ang ating politika at tsansa for economic and social development… Ang ating politika at the national level ay reflection ng ano ang mayroon tayo sa ibaba, sa base… Ayon lang, medyo masakit itong aminin… 🙂

 

Hala, ating ituloy ang kwento ni Lolo Andres Panganiban – ang Pinoy na successful banker sa Manhattan – umuwi sa Pilipinas taglay ang pagkilala ng mga dayuhan sa kakayahan niya sa stocks and foreign currency market. High tech siya – promdi sa Pinas na umasenso sa sentrong kalakalan ng finance capital sa mundo… Pagbalik nya rito sa atin, maganda nang um-English, haha, at naka-Americana… 😉 Sabihin na natin, swabe at sophisticated na syang tao – malayo sa estudyanteng naglakad sa kaparangan ng Nueva Ecija noong araw…

Pagbalik nya, nasalubong nya sa daan ang mga nanay na kupas ang suot, may bitbit at akay na mga payating bata, against the background ng mga kalabaw sa pilapil. Close-up shot ng rural Philippines ang bumati sa kanya, ahaha… 🙂 Nakita pa rin niya ang lumang gasolinahan – na gasolinahan na sa lugar noong siya ay umalis ng Pilipinas – at ang ice plant na iyon pa rin – mas luma na nga lang at mas marami na ang lumot sa paligid, ahaha. Pag-ikot niya sa mga kalapit na bayan at maging sa buong probinsya, halos iyon pa rin ang mga eksenang nasaksihan niya. Palagay ko, hindi lamang siya nalungkot noon – malamang, napamura sya. Nagalit at nagtanong, sa mga dinatnan and later on, sa sarili… Para saan?  🙂

 

Image of a typical rural community in the Philippines

Karaniwang tanawin sa mga lugar sa Pilipinas, sampong kilometro mula sa isang national highway/ comdevnet.net

 

Marami pa sanang nais at maaring talakayin – naipangako ko sa inyo previously, iuugnay natin ang kakulangan ng development at village and town levels – sa land distribution, technology, tax system ng ating bansa at sa local governance sana… Pero kapos na ang ating oras at pasensya, haha, at wari ko, nakuha na naman ng mga nagbasa ang nais tunguhin ng ating pag-uusap. Nabanggit ko sa post sa SSA, sa Doon Po sa Amin, balik-tanaw – usapang pag-unlad – ang pag-asenso ng isang indibidwal sa makabagong panahon ay mas maiging sukatin, hindi lamang sa layo at saklaw ng kanyang inabot sa mundo at buhay – kundi sa extent ding naibalik niya ito sa ibaba, sa iba pa – at ground level siguro… Sapagkat, saanman makarating ang isang tao, anuman ang kanyang makamit at  mapagtagumpayan, kung hindi niya iyon kayang ipamahagi, paramihin at idamay ang mga kasamahan – mahirap sabihing  success in the real sense.

 

Image of children in the barrio

Pangarap ng mga magulang ang mas magandang buhay para sa mga anak. Pangarap ng mga mamamayan ang mas magandang bukas para sa susunod na henerasyon/ http://www.pfpi.org

Perhaps, success – material or social or both – is best enjoyed when shared. And personally, I believe that excellence, as a goal and as a virtue, is a public good. It is like the roads – everybody should be entitled to walk on them and traverse them. We maybe travelling at different speeds and means and we will likely get to our destinations in varying shapes and conditions. But we should be responsible for their upkeep and we should pay for their maintenance – we must give back. Or, else, we all go back to the prairie days of old. 😉 🙂

 

Mga ka-blogs, maari kayong mag-comment dito at sa mga nauna pang articles  sa serye. Pwedeng magtanong – maliit o malaki, mukhang may sense man o wala, o, maski yaong trivial observations lang – ukol sa pag-pursue ng kaunlaran sa ating bansa. Pipilitin kong sagutin o tugunan, sa abot ng kaya… 🙂 Huwag kayong mag-alala, malamang, ang mga tanong nyo ay tanong ko rin, ahaha. Maraming maraming salamat sa lahat ng sumubaybay at nagbasa sa serye. Mabuhay kayo! 🙂