Ang Kwento ni Nine

image of a young Filipina in rural Philippines

Paano nga ba mangangatwiran ang batang nakagawa ng kabulastugan?/ t2.gstatic.com

Back story ito. Si Nine ay ang bata sa ating post na Walang Bait. Nangapit-bahay siya kasama ang dalawang taong kapatid, na ni hindi niya sinuotan ng salawal. Pag-uwi ni Nine, inilingan siya ng ulo ng kanyang Tatay, kinurot sa singit ng kanyang ate at sinabihan ng kanyang Inay na iyon – walang bait.

 

Ba’t nga naman kasi hindi nya sinalawalan? E, kung masabit ang pwet ng bata? Kung masuotan ng kung anong insekto sa kuwan? Aba, e, kung mapaupo ang bata sa kung saan at lamigin? Hindi ka na nahiya, karay-karay mo ang batang maski tapis, wala? Iyan ang ilan sa mga tanong na narinig ni Nine sa kanyang pamilya. Hindi nya sinagot lahat, tumungo lang sya’t nanahimik. Alam naman niya – siya ang mali.

 

 

image of girls playing, borrowed from t1.gstatic.com

Masayang maglaro sa malawak na kabukiran /filipinolifeinpictures.wordpress.com

Si Nine ay isang batang ipinanganak at lumaki sa bukid. Jocelyn ang kanyang tunay na pangalan. Ang tatay nya ay si Ka Jose at ang kanyang nanay ay si Ka Linda. Ang  palayaw niya talaga ay Nene. Kaya lang, matigas ang bigkas sa unang pantig ng salita sa kanilang lugar kaya hayun – naging Nine. Si Nine ay magsi-siyam na taong gulang at nasa ikatlong baitang sa paaralan sa kanilang nayon.

 

Panlima si Nine sa pito, magwa-walong magkakapatid. Nagtatanim sa bukid ang tatay nya habang nagluluwas naman ng gulay sa Maynila ang kanyang ina. Mahirap lamang ang kanyang pamilya. Anim silang nag-aaral at maski sabihin pang wala namang matrikula ang tatlo, medyo pahirapan pa rin ang pagdi-dilihensya ng baon. Sabado nang maganap ang istoryang kinasasangkutan niya.

 

Image of children on the way to school in rural Philippines

Lakad lang sila papunta at pabalik sa eskwela/ liveinthephilippines.com

 

Maagang gumising si Nine noon, makalampas ang alas singko ng umaga. Gaya ng dati, pagwawalis ng bakuran ang una niyang inasikaso. Pinausukan rin nya ang mga mangga. Nagpasok din siya ng mga kahoy na panggatong at nagbantay ng sinaing. Tumulong din si Nine sa paghahain. Siya rin ang nagwalis ng kusina habang ang ate nya ay naghuhugas ng pinggan. Inutusan siya pagkatapos ng isa pa nyang ateng tumulong sa pag-aayos ng mga damit na labahin. Papunta sila mayamaya sa kuluong.

 

cartoon image of a girl with a doll, borrowed from t1.gstatic.com

Hindi maalis sa isip/ ibirthdayclipart. com

Ngunit, hindi mapakali si Nine. Kaninang nagwawalis sya, sinabihan sya ng kanyang pinsan at kalarong si Dengdeng, na si Lelet raw ay may bagong manika. Padala raw ng tiyahin nitong nasa Maynila. Hindi lang daw pumipikit ang manika pag ihinihiga, kundi kumakanta rin pag itinatayo. Wala pang may ganoong laruan sa kanilang baryo – si Lelet pa lang. Pagkaalis ni Dengdeng, nagpasya si Nine sa sarili: titingnan nya ang kakaibang manikang iyon sa lalong madaling panahon.

 

Kailan at paano, iyon ang malaking tanong. Isa pa, may kalayuan ang kina Lelet sa kanila, higit sampong minutong lakaran. Hindi pa noon tapos mag-ayos ng mga lalabhan ang magkapatid. At paniyak, may susunod pang iuutos kay Nine. Ganoon naman doon sa kanila  pag Sabado, maraming trabaho sa bahay at sa bukid. Iyon nga lang kung tutuusin ang mahaba-habang pagkakataon para makatulong sa mga gawain ng magulang ang nagsisipasok na anak. At, kung di sila gagawa ay sino? Wala si Nineng maisip na iba…

 

image of a young Filipino child, borrowed from t2.gstatic.com

Kinarga nang walang abug-abog/ my_sarisari_store.typepad.com

Tumayo si Nine at sinilip sa kuna ang maliit na kapatid. Gising na ang bata at pagkakita sa kanya’y agad yumakap. Kinarga nya na ng tuluyan, sabay lakad palabas. Iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon.

 

 

Higit isangdaang hakbang pa lamang mula sa kanilang pultahan, may nakasalubong na agad sina Nine. Si Tya Piling, pinsang pangatlo ng kanyang tatay. Noo’y kabababa pa lang ni Nine sa pasan-pasang maliit na kapatid. Sa awa kasi ng langit, may suot naman palang rubberized na sapatos ang bata. Kaya hayon, tyempong umpisa ng paglakad ni maliit, siya namang kita ng kasalubong na walang siyang tapalodo sa baba.

 

Pa’saan kayo?, tanong ni Tya Piling. Dyan lang ho, sagot ni Nine habang binibilisan ang lakad. Uwi muna kayo at salawalan ang bata, sabi ng tiyahin. Malayu-layo na sina Nine. Pero, narinig pa nya ang pahimakas ng ale. At bahagya, kinabahan siya. Tumuloy na si Tya Piling sa kanyang pupuntahan – sa lola ni Nine. Sa direksyong pa-kanila.

 

Kinarga muli ni Nine ang kapatid para mabilis silang makarating sa pupuntahan. Salamat na lang, maganda ang tulog ng bata. Hindi man lang umiyak. Nagkukwento pa sa salita nyang at-at. Naiintindihan naman ni Nine ang pautal-utal nitong sabi. Hinalik-halikan nya ang kapatid sa braso at sinabihang maganda roon sa pupuntahan nila – basta, dapat, mabait ang baby. Yumakap uli sa kanya ang bata. Na-guilty ng kaunti si Nine, pero parang kurot lang. Dumiretso pa rin sila kina Lelet.

 

 

Pagdating kina Lelet, pinakain sina Nine ng tinapay. Matapos, agad kinuha ng nanay ni Lelet ang baby, dinala sa sala at ipinaglatag para makapaglaro raw ng ayos. Tamang-tama, ando’n ang kapatid ni Lelet na tatlong taong gulang. Kaya, ayon, laru-laro ang dalawang bata. Nakapaglaro ring maigi sina Nine at Lelet.

 

image of a girl holding a doll, borrowed from t1.gstatic.com

Masaya pag hawak mo na ang manika/ arthursclipart.org

Inilabas ni Lelet ang manikang sinasabi. Kainaman nga ng ganda. Ipinahawak iyon ni Lelet kay Nine. Paulit-ulit niyang idinemo sa bisita ang kakaibang abilidad ng manyika. Wala pa raw pangalan kaya, bininyagan nila – Scarlett. Para tuloy naging malapit sina Lelet at Nine sa isa’t isa. Kung tutuusin, dati namang hindi. Mabilis lang pumatak ang oras.  Mayamaya pa, kailangan nang umuwi nina Nine.

 

Mabilis ang lakad nina Nine pabalik ng bahay. Mainit na ang sikat ng araw at marami pang gagawin sa bahay. Ano kaya ang kanyang palusot? Una, sa biglaan nyang pag-alis. Ikalawa, sa pagsasama nya sa bata sa malayo, ng walang panty. Wala siyang maisip na idadahilan. Maski siya sa sarili nya, di niya maipaliwanag ang kakaiba nyang ikinilos. Hindi nya gawaing tumalilis. Lagot siya sa ate nyang iniwang mag-isang nag-aayos ng mga damit.

 

Image of a cluster of houses in rural Philippines

Ganito ang daang binagtas ni Nine/ http://www.brommel.net

Sampong hakbang pa lang mula sa kanilang patuto, naririnig na ni Nine ang sigaw ng nakababatang kapatid ng kanyang ama. ‘Ikaw na bata ka, anong galing mo? Isinama mo si maliit sa pagkakalayo ng di mo dinamitan? Ah, ah!…Ba’t kayo nakarating kina Ka ____?’ Bistado si Nine. Alam na agad kung saan sila galing. Paano pa nya lulubirin ang kanyang katwiran?

 

 

Sa lugar nina Nine, mabilis tumawid ang balita. Alam nating lahat  – sa nayon ay magkakakilala ang mga nakatira. Pag may naligaw na hindi taga-roon, alam agad ng lahat. Pag may nakasalubong na kakilala, huhuntahin. Sa kaso ni Nine, una, meron agad silang nakasalubong. Pangalawa, ang nakasalubong na ‘yon ay kamag-anak. Sa baryo, ang kamag-anak ay kamag-anak. Makikialam ‘yon, unabes.

 

Pangatlo, kung hindi man si Tya Piling, malamang-lamang ay may makakasalubong syang iba. Sa haba ng lakaran papunta kina Lelet, maraming pwede at siguro ay nakakita kina Nine – isang batang humahangos na may bitbit na bata rin. Mag-a-alas nuwebe ng umaga ng sabado. Ang batang maliit ay walang salawal.

 

 

Image of neighbors chatting by the fence

Mabilis lumakad ang balita/ http://www.shutterstock.com

Sa totoo lang, hindi nalaman ni Tya Piling kung saan sila pupunta. Ang ulat nya sa pamilya nina Nine, pasilangan ang mga batang nakasalubong. Subalit, habang kumakain nga pala sina Nine ng tinapay, may binatang dumaan kina Lelet para manghiram ng bareta, si _ _. Malamang ay nabanggit nito sa kanyang nasalubong na may bisita sina Lelet. At ang kasalubong niya ang nagpasa ng “balita” sa kanya namang nasalubong. Hanggang nakarating ang nasagap sa umpok ng bahayan nina Nine.

 

Naging headline si Nine sa balitang pansabado nang hindi nya namamalayan.

 

Wala pang tatlumpong minuto pagkaalis nina Nine ng bahay, nalaman na ng magulang ang kanilang kinaroroonan. Kumunot ang noo ng kanyang Tatay nang malaman, nagsabing mapapalo nya ang pespitanang bata. Pero, hindi naman nya ginawa. Kahit ang Nanay ni Nine, nagsabing makukurot nya sa singit ang batang layas. Pero, hindi rin nya ginawa. Ang ate ni Nineng walang imik na nag-aayos ng mga damit ang walang sabi-sabing naggawad ng parusa sa singit ni Nine.

 

Sabi ko nga, wala pang GPS sa lugar nina Nine. Ang kwentong ito ay nangyari magta-tatlumpong taon na ang nakararaan.

 

Bago nagtakip-silim, humingi ng pasensya si Nine sa kanyang pamilya at nangakong hindi na iyon mauulit.🙂

image of vines. borrowed from overstockjeweler.com

Paunawa: Humingi muna ng nakasulat na pahintulot sa may-akda bago gamitin, sipiin, kopyahin o paramihin ang akdang ito. Maaring sumulat sa read_blink_live@yahoo.com.


31 responses to this post.

  1. haha, sa probinsya kahit walang cellphone walang problema, malapit nga lang para sa kanila ang ilang bundok na tatawirin eh!. haha

    sigoro ang disadvantage kung naninirahan sa probinsya ay ang kawalan ng magawa kaya ang mga nakikita ang napagdidiskitahan, pero kahit ganun pa man, sa oras ng kagipitan, kahit walang pera, makakakain, andun parin yong kapitbahay na nagbibigay ng pagkain.. kaya kahit pakialamera ok na, kasama sa benipisyo yan..hahaha

    Tugon

  2. tama ka, anini. kasama sa pakialaman ang tulungan sa munting paraan doon sa kabukiran.🙂

    pag hanap ng malapit na samahan, medyo countryside ang tunguhin. pag ang gusto ay mataas na level ng privacy, dapat sa urban centers punta. dito, maski tumirik ang mata mo sa gutom, malabong may tumulong sa ‘yo, he,he… ^^

    Tugon

  3. Di pa uso cellphone pero mabilis na noon ang pagkalat ng balita. Realidad na istorya noong mga nakalipas na panahon. Pansin ko lang, mas higit na malapit sa isa’t isa ang mga tao noon kesa ngayon. Ngayon, swerte ka na kung kilala mo pa ang mga kapit-bahay mo.

    Risky talaga pag walang salawal. Pero masarap at komportable.

    Tugon

  4. gano’n talaga, bok, pag small community… tsaka, clannish or tribal ang relationship ng mga tao sa gano’ng setting, di baga? medyo mahirap mangyari ‘yon sa lunsod dahil halu-halo ang tao… :-

    tungkol sa batang hindi sinalawalan, e, di naman sya nagreklamo, he,he…😀

    Tugon

  5. […] Ang Kwento ni Nine Back story ito. Si Nine ay ang bata sa ating post na Walang Bait. Nangapit-bahay siya kasama ang dalawang taong […] […]

    Tugon

  6. mahaba ang kwento pero sobrang naaliw ako. at nanalangin na walang nangyaring masama kina nine at sa kanyang kapatid.

    nung una akong nagbabasa, akala ko nine bilang siyam ang basa. pero bago mo pa maipaliwanag na ang nine ay nene dapat sa pagbigkas, ay nawari ko na.🙂 ganyan nga sa probinsiya.

    teka, ikaw si nine, ano?🙂

    Tugon

  7. ha, ha… hindi ako si nine, pramis.😀

    salamat sa matiyagang pagbabasa. daan ka uli minsan. :]

    Tugon

  8. […] Ang Kwento ni Nine LikeBe the first to like this post. […]

    Tugon

  9. […] Ang Kwento ni Nine – tsismis sa baryo […]

    Tugon

  10. […] Ang post na Ang Kwento ni Nine ay naka-14 na revisions bago […]

    Tugon

  11. […] ang balita – noon. Iyon ang tinangka kong ipakita sa mambabasa sa Ang Kwento ni Nine. Noon iyon – noong isang panahong di pa singmura, sindami at singlawak ng sa ngayon ang […]

    Tugon

  12. […] ng lungsod at umaayuda sa kabuhayan ng mga magtatanim sa amin at sa kanilang pamilya… Ang Kwento ni Nine, isang fiction story na naglalarawan kung paano lumakad ang balita sa lokalidad – sa […]

    Tugon

  13. Reblogged this on doon po sa amin and commented:

    Manigong Bagong Taon! Pasensya na, reblog lang muna uli. Sana ay maibigan ninyo ang sulatin. Cheers!🙂

    Tugon

  14. Pagbumibisita kami sa lola, dapat pati ibang kamag anakan puntahan din. Lahat ng mga bahay na madadaanan kumustahan, parang politiko, sikat at taga-Maynila daw hahhaa (probinsya din nman kami galing). Nasa bungad pa lang at papasok ng barangay, kahit surprise namin ang lola, pagdating namin nakaaabang na… Ang bilis ng balita… Sobrang magkakakilala ang magkakapit-bahay kahit pa sabihing ang kasunod na bahay ay di mo matanaw…

    Ang rough road, ang gubatan na madadaanan, sapa na tatawirin at pag-angkas sa paragos kung may dadalawin at sasadyaing tao. Ang dating buhay sa probinsya hindi madali pero nakakatuwang isipin na naranasan ko din ^_^

    hallo San! Nakatuwang alalahanin.🙂

    Tugon

    • ahaha, ganoon nga. may nakaabang na maski di announced ang pagdating. ang dami kasing batang runners sa kabukiran. isa pa, masyadong routine ang mga pangyayari sa baryo kaya pag may bagong mukhang natanaw, balita na, hehehe.

      rough road nga, as in… tapos, yong sa amin, papasok pa, malayo sa kalsada. kaya ang sapatos dapat ay heavy-duty (lagi ko itong nalilimutan, madalas akong makasira ng shoes pag umuuwi, haha). tayo na ang mga promdi, sanay sa kalalakad, as in…

      hello, Zel! at natuwa ang isa dyan.😉 good afternoon…

      Tugon

      • Ang layo ng bukana ng bahay, heavy duty nga dapat ang sapatos. Dapat bota, kakahanap ng damo o kya ng maapakan na di lulubog eh katapos tapusan bitbit ang sandalyas, at ayun nakakakiliti ang putik na sumisingit sa mga daliri sa paa.
        May maganda pa pala. Pag-umuulan may sumbrero na gawa sa parang pawid at balabal na gawa rin sa ganoon ( ano bang tawag doon? Hindi ko na maalala😦 ). Mas gusto kong gamitin ‘yon sa probinsya kesa sa payong😉

        Gandang araw!gabi na pala ^_^

      • oo nga, dapat may bota. pero, nalilimutan ko na. pati mga kapatid kong iba, limot na rin.. btw, nitong mga huling taon, paved road na sa amin and cemented na rin ang footpath papasok so, medyo okay-okay na. kakatuwa sa amin, ang foothpaths ay nasa gitna ng mga pamintahan, haha. so, pag naglalakad kayo, nasasabit-sabit pa rin ang mukha sa vines-vines, hakhak.

        hala, mas maganda ang sombrero nyo tsaka balabal. sa amin, sambalilo ang tawag. o, kaya, salakot pa minsan ang gamit. alam ko ang sinasabi mong balabal made from native materials din. pero, di na ang ganyan uso masyado – maski noong maliliit pa kami. ahaha, kakatuwa ang iyong mga kwento. parang ang dami ring sinaunang ways sa inyo gayong ang lapit lang sa MM ng inyong probinsya… may lakad pa me bukas, hehe, good night sa iyo. sleep well, kapatid…😉

      • Probinsya ng lola ang tinutukoy🙂
        Salakot at sawing(balabal) yata ang tawag doon hihi.
        Wala noon sa Maynila, kaya tuwang tuwa, kakaiba kasi.. (ang babaw lang ng kaligayahan minsan ‘no ^_^)

        Ingat na lang sa mga lakad mo.
        Gandang araw sa inyo🙂

      • hello, froggy… bandang South o bandang North ang province ni lola mo?😉

        sawing nga ‘ata, naririnig ko yon. hala, paano magkakaroon sa Maynila ay wala namang bukirin dito, shaks na ‘yan…ako naman, ang kinakatuwaan ko, ang takuyan. isang parang buslo na ikinakabit sa bewang para lalagyan ng inaning gulay o bunga.

        salamat. nakabalik na po. nangitim me, nalimutan kong mag-sunblock, patatawarin. gandang araw sa iyo….🙂

  15. akala ko ito kwento ni “9”. hehe.

    Tugon

  16. Posted by sphereq on Enero 8, 2013 at 2:01 hapon

    happy new year!

    mukhang maghapon yata akong magbabasa ng mga post ngayon.

    Tugon

  17. Teka.. teka… ikaw ba si Nine? parang ikaw yung batang nagdala sa kapatid na walang panty. O kaya ikaw ang batang walang panty?
    Nakakamis sa probinsya or sa baryo kung tawagin namin, dahil simple, payapa ang buhay noon. makapag post nga he he he he

    Tugon

    • ahaha… hello, kiko. happy new year uli, kapatid. o, ba’t wala pang post? hihihi.😉
      hala pa, hindi ako si Nine at di rin ako ang batang walang salawal. pero, oo, madalas din akong walang bait, hehehe. o, di ba, last year, nakauwi ka? musta po?🙂

      Tugon

  18. Pambihira naman si Nine.. bakit hindi sinuotan ng panty ang kapatid.. hahay…

    Tugon

  19. […] boses ng bata sa panulat, di ko pa na-a-achieve. Perspective ng bata, sa post na Ang Kwento ni Nine, medyo-medyo nakuha na, maybe… Mahirap nga  ang ginagawa ng magagaling na authors – […]

    Tugon

  20. […] ay hindi pornographic, mga kapatid. Tigilan nyo ako, pleaaase! Hwag kayong ganyan… At ‘yon, Ang Kwento ni Nine ay hindi about loss of innocence… Ang sarap nyong kutusan, nakakainis […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: