Ang Paho Nga Naman

 

May mahigit 400 daw na varieties ng mangga sa buong mundo, sabi sa mga encyclopedia at sa websites ng agriculturists. Nakakagulat ang dami. Ang pagkakaalam ko dati, mga tatlumpo lamang.

 

Image of a cluster of mango trees

Bahagi na ng buhay ng maraming Pilipino ang puno ng mangga/ http://www.treepicturesonline.com

 

Kung sa ordinaryong perception lamang, ang Pilipinas na ang isa sa kilalang sources nitong mangga. Kalakhan sa iniluluwas nating  mangga, galing sa islang probinsya ng Guimaras at ini-export naman natin sa Japan, sa Hongkong, sa Australia, sa U.S. at sa Europa.

 

One variety of mango known to Filipinos as Indian mango

Manggang pabilog, karaniwang kilala bilang Indian mango/ toptropicals.com

Sa pagkaalam ko pa, mayroon din nito sa India kasi nga, kilalang-kilala natin ang Indian mango. Mayroon din nito sa Japan kung saan ang mga tao ay mahilig mag-singit ng kapirasong hinog na mangga sa mga pagkaing gaya ng maki. Mayroon din nito sa Mexico dahil uso rin sa kanila ang mga lutuing nilalagyan ng mangga.

 

Pero, iyon nga. Akala ko lang ‘yon. Iyon din siguro ang akala nang marami sa atin.

 

Sang-ayon sa Food and Agriculture Organization (UN-FAO), pang-anim lang ang Pilipinas sa top exporters ng mangga sa mundo. Nauuna sa atin ang mga bansang India, China, Mexico, Thailand at Pakistan. Isa pa, mayroon din palang mangga sa US, pangunahin sa Florida at sa Hawaii.

 

Mayroon din daw nito sa ilang bahagi ng Europa at sa maraming bansa sa South America. Marami ring mangga sa iba pang mga bansa sa Asya. Ang sabi sa mga pag-aaral, limitado raw ang paglago ng industriya ng mangga dahil karamihan ng ani nito ay kinakain lamang ng mga nagtatanim o kaya ay ibinebenta sa mga lokal lang na pamilihan.

 

 

Ang mangga ay isang tropical fruit. Isa itong bungang-kahoy na nabubuhay sa mga lugar na ang klima ay mainit o maligamgam. Kaya naman hindi nakapagtatakang marami nito sa Pilipinas. Wala yatang Pilipinong hindi alam kung ano ang mangga.

 

A typical image of an unripened mango fruit

Manggang hilaw, hugis-puso/ toptropicals.com

 

Pero sabi ko nga, limitado ang alam nating variety nito: ang kinalabaw, Indian, piko at pahuhutan. Siyempre pa, kanya-kanya ring opinyon iyan kung alin sa kanila ang pinakamatamis, pinakamaasim at pinakamasarap.

 

Image of ripe mangoes

Ang hinog na manga ay paboritong minatamis ng mga Pilipino/ flickr.com

 

Doon sa amin, may isa pang variety ng mangga na bibihirang matagpuan sa mga palengke dito sa malaking lungsod – ang manggang paho. Ang paho ang pinakamaliit na klase ng mangga. Karaniwang isang inch lang ang haba nito at isa’t kalahating inches naman ang diameter. At least, ganito ang sukat niya sa umpisa ng paho season, bandang Pebrero.

 

Ang paho ay makikita sa mga palengke sa amin sa pagitan lang ng Pebrero at Abril ng taon. Iyong mga hindi pa nakakakita at nakakatikim nito, ayaw maniwalang ganito lang kaliit ang prutas na ito. Pero ganoon talaga.😉

 

Image of paho bunches, for sale

Naka-bungkos ang mga pahong mabibili mula Pebrero hanggang Abril/ marketmanila.com

 

Sa huling banda ng Marso hanggang Abril, medyo malalaki na ang pahong makikitang ibinebenta sa mga palengke at istasyon ng bus. Tatlong inches o pulgada na ang haba nito at limang pulgada na ang diameter. Magulang na rin ang buto nito sa loob sa panahong iyon. Para sa mga sanay kumain ng paho, pinakamasarap itong kainin habang bubot o bata pa lang. Pag tagal, hindi na kapareho ang lasa.

Image of two bunches of paho

Dalawang bungkos ng manggang paho, mas malalaki kaysa sa unang ani/.marketmanila.com/archives

 

Bukod sa mas maliit, ano ang ipinagkaiba ng paho sa ibang mangga? Mas mabango ito at mas masarap gawing salad o ensalada. At siyempre pa, dahil bibihira itong matagpuan, para bagang mas masarap. At, hindi lang ako ang nagsasabi niyan.

 

Kinakain ng hilaw ang manggang paho. Ginagayat at nilalagyan ng kaunting asin o patis at sinasamahan ng kamatis at sibuyas na tagalog. Pinakamainam itong katerno ng sinaing na tulingan o kaya ay tambakol. Mas maganda kung naka-kamay lang ang kakain at iuulam ang powerful combination na ito sa sandamakmak na kanin. Talagang masarap.😉

 

image of paho salad, borrowed from marketmanila.com

Masarap katerno ng isda o karne sa kanin/ marketmanila.com

 

Karaniwan din sa amin ang magburo o brine ng paho. Pag bandang Pebrero na, naglalabasan na sa bahay-bahay ang mga garapong pagbuburuhan ng paho. Ang binurong paho ay ipinadadala rin sa mga anak, kamag-anak at kaibigang nasa Maynila o nasa ibang lugar. Pero, siyempre, iba ang sariwang bungkos ng pahong ipinanre-regalo. Pag pinadalhan ka noon, ang ibig sabihin ay special ka, sa taga-amin.

 

image of brined paho fruits

Sa lugar namin, karaniwang binuburo ang paho/ marketmanila.com

 

May kamahalan ang nabibiling paho. Pag umpisa pa lang ng season, tatlo hanggang limang piso ang isang piraso nito. Ibig sabihin, ang isang bungkos na naglalaman ng 25 hanggang 30 na paho,  nagkakahalaga ng isandaan hanggang isandaan at limampong piso. Habang tumatagal, pamura na ang presyo. Umaabot hanggang sa piso na lang ang bawat piraso ng rare na manggang ito.

 

Sa lugar namin, halos lahat ng bahay ay may puno ng mangga. Pero karamihan sa mga tanim ay ang ordinaryong varieties. Ang mga Indian mangoes, anumang oras ay maaring hingiin basta mga isang dosenang piraso hanggang isang basket lang. Ang manggang kinalabaw, karaniwang pambenta. Pero, ipinamimigay rin ito kung mga hanggang anim na piraso lang naman. Ganoon din ang manggang piko. Bibigyan ka ng may-ari ng puno, bahala ka na lang umakyat o manungkit ng bunga.

 

Image of an Indian mango tree laden with unripe fruits

Ang puno ng manggang hitik sa bunga ay takaw-pansin sa mga bata/ fotosearch.com

 

Pero, hindi ganoon kaluwag ang mga tao sa amin pagdating sa paho. Bibihira lang ang may tanim nito at siguradong ang mga bunga niyon ay pambenta.  Gayon din, nagkalat sa amin ang mga batang pag walang magawa ay nag-a-akyat sa mga puno. Ang paho pa naman,  amoy na amoy pag namumunga na. Kaya ayon, heavily guarded ang mga puno ng paho. May nakakubli laging bantay sa tabi ng mga ito. Subukan mong lumapit sa isang puno ng paho at sigurado, may susutsot o hihiyaw sa iyo. Itataboy ka. Sasabihin sa iyong mag-Indian mango ka na lang, gaano man karami ang kaya mong ubusin…😉

 

* Nagpapasalamat kay MarketMan of marketmanila.com, sa toptropicals.com at sa biljmakers.com para sa mga larawang ginamit dito sa blog post.

 

For more information, please see:

 

http://toptropicals.com/html/toptropicals/articles/fruit/varieties_mango.htm

http://toptropicals.com/html/toptropicals/articles/fruit/asian_fruit.htm

http://www.tropentag.de/2003/abstracts/full/162.pdf

http://www.marketmanila.com/archives/paho-at-the-markets-now

http://www.fotosearch.com/CSP034/k0341191/

http://avrotor.blogspot.com/2010/03/peoples-green-revolution-village.html

http://en.wikipedia.org/wiki/Mango#Production_and_consumption

 

* Huling binago ni Doon Po sa Amin noong ika-18 ng Nobyembre para palitan ang unang imahe ng puno ng mangga, i-resize ang mga larawan at lagyan ng tamang labels sa credit.

 

13 responses to this post.

  1. Komusulta rin sa dost.gov.ph ang may-akda bago inilimbag ang post na ito. Subalit ang artikulo doon ukol sa mangga ay petsa 2005 pa. Sang-ayon sa nasabing website, pang-pito pa lamang noon ang Pilipinas sa top exporters ng mangga sa mundo.

    Sinasabi rin sa website ng DOST na ang paho at pahutan ay iisang variety, iyong maliliit na mangga. Sa lugar namin, iba ang pahuhutang mangga kaysa sa manggang paho. Maliliit din ang pahuhutan pero mas malalaki ito kaysa sa paho. May sukat ang una na 3 to 5 inches na haba at 5 to 7 inches na diameter. Hugis-puso rin ito pero medyo nakabalikuko ang itsura.

    Pakisulat lamang kung may dagdag paglilinaw o pagwawasto sa blog post na ito. Salamat.

    Tugon

  2. Alam ko ang paho. Tanda ko noong bata ako bumibili ang nanay ko sa palengke para gawing sawsawan. Pero ngayon parang madalang na akong makakita nyan.. sayang.

    Tugon

    • Ang galing. Siyempre, bandang south ka rin galing, di ba?

      Merong paho kung minsan sa greenhills. Meron din raw sa salcedo market. Kung willing kang medyo pa-south, marami sa tanauan, bats at sa malvar. pag early summer…

      thanks for reading. :s

      Tugon

  3. Posted by Rakel on Nobyembre 4, 2010 at 7:20 umaga

    Sa ‘yo ko yata nakilala ang paho. hehe. pero ang pinakamasarap na manggang natikman ko (of late) eh yung galing guimaras. nabili ni mike sa kanyang ka-opisina. hindi ko nga lang alam anong variety ito.

    Tugon

  4. pinakamasarap lang na manggang pang-ensalada ang paho.

    sama ako sa ‘yo sa pagsasabing ang mangga sa guimaras ang pinakamasarap. sinusukat ng mga taga-guimaras ang level ng sweetness ng manggang tanim nila bago ang mga iyon anihin. kapareho rin ng ginagawa sa mga pomelong pang-export natin. scientific, ano?

    hindi ko rin alam ang tawag sa variety na iyon. after reading several articles about mangoes, i’m no longer sure kung ano’ng vara-variety pa sila nagbi-belong…. e, kasi, dati ang alam ko, tatlong variety lang ang indian mangoes. nang ni-research ko na, dose-dosena pala ‘yon.😉

    Tugon

  5. […] Ang Paho Nga Naman – apat na klase ng mangga […]

    Tugon

  6. […] Ang premise ng post na Ang Paho Nga Naman ay wala yatang Pilipinong hindi alam kung ano ang mangga. Naisulat ito dahil may nag-request na […]

    Tugon

  7. nangasim naman ako dito.. namiss ko ang mangga!! ayaw ko sa paho..bulinggit pero ang tapang ng asim nya! hehe.. like ko syempre ang indian at apple mangoes.. hayyy.. may bagoong pa naman kami dito🙂

    naalala ko nung bata ako madalas kami namimitas ng mangga sa Batangas. yung tipong ikaw mismo ang magpipitas nito sa sanga.. hayyy.. kakamiss!! sana magawa ko pa ulit yun.. pero i doubt it, baka hindi na ko kayanin ng sanga sa bigat ko.. hahaha🙂

    Tugon

    • hello, ms. gbp/che… aliw naman, nagba-backread ang ale, salamat…🙂

      oo, nakakapangasim nga. pag ako nakakakita ng manggang hilaw sa fruitstand at pauwi na, usually, napapabili ako… ahaha, masarap ang paho as appetizer. hindi yong papakin lang gaya ng indian mango, hehe..

      masarap ngang mamitas ng mangga sa puno. try mo uli. hindi bibigay ang sanga, hindi ka naman kalakihan, ah? di nga… teka, sino sa relatives mo pala ang taga-katagalugan?🙂

      Tugon

      • haha.. nakow dapat matibay tibay na yung sanga para kayanin ako.. hehe.. i have relatives sa bandang Batangas po..sa Inosloban (tama ba spelling..hehe). Bisaya din sila pero dun na sila nagsettled kaya once in a while napasyal kami dun.. pinakamasaya kong experience sa buhay probinsya dun kasi nasa 2 months ata kaming nagbakasyon dun before entering College dati. hay super saya ng bakasyon.. at talaga naman namimiss ko mga sariwang gulay at prutas dun.. hmm makapasyal nga ulit pag uwi namin sa Pinas🙂

      • hindi ka kalakihan, che, pramis. kaya ka pa ng mga sanga ng mangga. ako nga, kaya pa wari ko at mas malaki ako sa iyo, ahaha…pero, sobrang tagal ko nang di nakakaakyat ng puno ng mangga – mga 10 years na siguro. :c

        ahaha, alam ko ang inosloban. i’ve been there many times na. may mga kaklase ako dating taga-roon pero matagal ko na nga lang di napapagkikita… btw, masarap ang manggang appetizer pag ang pang-ulam ay isdang tulingan o kaya ay tambakol na pinakuluan ng matagal na matagal. dadami ang iyong kain.

        tama, pag-uwi nyo ni manong, pasyal kayo sa southern tagalog. ibang-iba na ang itsura roon kesa sa bago ka nag-college. may SM na at may starbucks, may ATM na sa maraming kanto at nagde-deliver na rin ang mcdo, ahaha… pero, marami pa ring puno. yown naman…

  8. naku first time ko nakakain ng paho sa laguna. noong pumasyal kami sa Pagsanjan Falls.. Sarap kaya di ko nakalimutan ang pangalan nya.. kaya lang kelangan dumayo ka pa sa Laguna para makabili nyan..

    Taga-Laguna ka nga ba?

    Tugon

    • hello, binky… a, oo, merong paho sa Laguna. basta sa southern tagalog, meron ata. ay, maganda sa Pagsanjan, lalo pag ganto, summer… ay, may paho sa Salcedo Market, sa Makati pag Sabado… ang lola namin, taga- Laguna, oo.🙂

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: