Tuturuan Kita

image of teachers, borrowed from iobm.edu.pk

Maraming paraan ng pagtuturo/ iobm.edu.pk

Tuturuan kita.

Isa sa pinakamagandang bukambibig na dumapo at lumago sa talasalitaang Pilipino.

Isang bukas na pagpapahayag ng malasakit sa iyo ng iyong kausap. May kulang pa sa iyo, may dapat ka pang matutunan.

Isang pagkilala sa iyong kakayahan. Isang pagsasabing kaya mong matutunan ang ang sa ngayon ay di mo pa alam. Kung bibigyan ka ng panahon, pagsasanay at pagkakataon, ang kulang ay kaya mong punuan. Anuman iyon.

 

Sasamahan kita. Ikaw ay aking tuturuan.

Tuturuan kita. Isang pagbibigay ng panata. Isang pangakong maglalaan siya ng oras para sa iyo. Ibabahagi niya sa iyo ang kanyang nalalaman hanggang sa iyon ay iyong matutuhan. Magpupunyagi siya hanggang sa ikaw ay matuto.

Aakayin kita. Sasamahan. Gagabayan.

May hihigit pa ba sa isang bukas at malayang pagbibigay ng sarili?

 

image of a bird and hands reaching out, borrowed from cte.uwaterloo.ca

Hatid ng kaalaman ang kalayaan/ cte.uwaterloo.ca

 

Tuturuan kitang …

 

bumilang.

bumasa.

kumanta.

sumayaw.

magluto.

tumugtog ng gitara…

Mahalaga pa ba kung anong kaalaman o kakayahan ang ituturo sa iyo? Ang mahirap ay kanyang padadaliin. Ang mabigat ay kanyang pagagaanin.

Tuturuan kita…Β  Iba ang kahulugan nito sa bibilhan kita, igagawa kita, bibigyan kita…

Tuturuan kita.

abstract image of a bird flying, borrowed from sunsite.utk.edu

Sa pagkatuto, tayo ay maaring lumipad/ sunsite.utk.edu

 

* Huling binago ni Doon Po sa Amin noong ika-20 ng Nobyembre 2010 para idagdag ang mga larawan.

 

12 responses to this post.

  1. Ito ay para sa lahat ng mga nagturo sa akin. At sa mga magtuturo pa. Salamat.πŸ™‚

    Tugon

  2. Doon po sa amin, nahanap na ba kita? This is it, pancit? =)

    Tugon

  3. Reblogged this on doon po sa amin and commented:

    Hello, ka-blogs! Pagdamutan nyong re-blog muna tayo uli… Isa ito sa early writings ng lola nyo, dedicated sa isang ka-blog, nagsabi noong tuturuan nya raw akong mag-upload ng pictures sa posts. Hindi ito nabasa ng marami, pero isa ito sa itinuturing kong treasure na komposisyon. Noong isinulat ito, wala pa ata sa lima ang kakilala kong ka-blogs, ahaha. Hindi ko pa rin gaanong alam noon, may iba palang nagba-blog na nakakakita ng sinulat ko (ang bright ko lang, hihi) . Si ka-blog din ang nagsabi sa akin, mayroon palang tinatawag na Freshly Pressed. Sabi sa inyo, medyo bright ako.πŸ˜‰

    Anyway, trivia muna. Noong unang panahon, may kaibigan akong nakakita, naglalaro ako ng Super Mario sa PC, haha. That time, may nagre-recruit sa ‘kin na mamundok. Sabi ni friend, hindi pwede, first terrain, mapapatay ka agad. Yon. So, I heeded her advice. Kita nya score ko, saka paano me mag-panic sa pag-press ng keyboard, hakhak. Medyo slow akong tao… Hayon, natatandaan ko ‘ata lahat ng nagsabi sa akin, “Tuturuan kita… ” Happy weekend!πŸ™‚

    Tugon

  4. Kay sarap pakinggan ang mga salitang “tuturuan kita.”πŸ™‚
    Kahit mga salita pa lamang ay may hatid na agad na pang-unawa at pag-ibig hindi pa man nagsisimula.πŸ™‚

    Tugon

  5. ang pag-ibig ba, itinuturo rin, hehe.?

    Tugon

  6. I think it’s among the most noble lines a person could say and actually do.πŸ™‚

    Tugon

  7. Pagtuturo – simbolo ng pagkakaroon ng tunay na malasakit sa iba.πŸ™‚

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: