Ang Mga Kwaderno Ng Walang Kapararakang Habi

 

Nasabi sa akin ng isang blogger, mas mabuti raw ang blog kaysa sa kwadernong pinagsusulatan ng mga komposisyon. Ang huli raw ay naiwawala, naiiwan sa kung saan-saan. Samantalang ang blog space raw ay pirming naandyan lang – maaari mong balikan kung kailan nais. Tulad rin ng kwaderno, maari mo rin daw sulatan ang blog ng kung anu-ano, pagguguhitan ng sari-sari at paglalagyan ng iba’t ibang nais ihayag.

 

Image of three notebooks with different covers

Pag work-related na notetaking, spiral ang madalas gamitin. Pag nagkukunwaring creative, fancy notebook ang sulatan/ puddlewonderfullearning.blogspot.com

Lumipad tuloy ang mimiha-miha kong utak, papunta sa sangkatutak na notebooks, nagsilbing ganoon na nga – talaan – sa maraming taon. May mga maliliit, ang laman ay sketches at quotations na gustong tandaan, pero di naman ipinamamahagi. Mayroon ding malalaki – laman ay excerpts ng mga paboritong parirala at pangungusap, kopya ng ilang tula at baha-bahagi ng ilang maiiksing kwento. Karamihan sa mga naitala, masarap basahin o kaya, eleganteng pakinggan. Katipunan yaon ng mga salita at imahe – gustong namnamin, tularan at higitan, balang araw…

 

Tunay na walang saysay – sabi ng mga praktikal na taong hindi naniniwalang kayang kulungin at panghawakan ang mga salita. Hindi nila makita bakit kailangang parating mag-notetaking. Hindi ang mga iyan ang magpapayaman sa iyo, iyon ang madalas nilang sabihin. Hindi ka makakasali sa mga nangyayari, pag madalas ang gusto mong gawin ay magmasid at magsulat. Hindi ka sasaya – dahil ang pagsusulat ay isang propesyong malungkot at walang kakampi… Siguro nga, tama sila.

Ang pagpupuno ng mga kwaderno, karaniwang ginagawa ng palihim – habang walang nakatingin, habang may hinihintay at, kapag biglang dinalaw ng mga ideyang kakaiba o nakakakiliti. Pero, for the longest time, para sa sarili lamang ang mga pagtatangka. Hindi pa handang ipakita o ipabasa sa iba. Hindi pa kayang lumunok ng mga puna. Marahil, nangangailangan pa ng pampalakas ng loob. Mas nananaig pa ang pagkahiya… Para bang ang pagpansin ng mga ordinaryong bagay at pagsusulat tungkol sa mga iyon – mumunting kasalanang pagbabayaran – pag nadiskubre na ng iba.

 

Marahil, ang mga nagsusulat sa kwaderno ay natatakot. Nangangamba silang masilip ng iba ang kanilang nararamdaman at naiisip. Sa dahilang hindi sila sigurado kung ang napapansin ba nila ay mga bagay na dapat pang pansinin. Hindi nila tiyak, paano tatanggapin ng kausap o ng babasa ang kanilang mga isipin at saloobin. Hindi sila tiyak kung ang mga bagay bang pinagtuunan nila ng pansin at ipinagsusulat – talagang kasulat-sulat. Ganito nga kaya ang mga dahilan – bakit karamihan sa mga notebook ko at mga notebook ng iba –  nanatiling nakatago?😉

 

Image of notes and doodles on a page of a notebook

Kung walang mga personal na kwaderno, baka matagal na akong naging murderer, haha/ stanleyfrancis.co.uk

Hindi ko masabi… Gusto kong isipin – natulungan ako ng mga kwadernong iyon. Nasabi ko roon ang mga salitang hindi ko mabigkas ng malakas. Nakopya ko sa mga iyon ang mga bagay at tanawing magaganda, maski para sa akin lamang. Naiguhit ko roon ang mga bagay na sa akin ay nakakatawa, maski para sa iba, hindi. Napakawalan ko roon ang batang gustong humulagpos at tumalon – para humabol sa mga paru-paro, mamangha sa kulay ng mga bulaklak at mahalina sa matimyas na huni ng mga ibon. Doon, sa palaruang kung tawagin, kwaderno.

 

May mga kwaderno akong napuno at may mga kwadernong ilang pahina lang ang nasulatan. May mga kwadernong madalas silipin at paulit-ulit tinitingnan. May mga kwadernong lumilitaw lamang, pag nagliligpit o nagsasalansan. May mga kwadernong naiwan sa ibang bahay at di na nabawi. May mga kwadernong nailigwin sa paglipat ng tirahan. May mga kwadernong naiwan sa sulok. Mayroong mga nakalimutan at di na nabalikan. May ilang himalang naitabi. May mga nanatiling nakatago. May kwadernong napunit, may nabasa ng tubig, may naapakan. May mga napasama sa ibang gamit o napasiksik sa kung saan. Mayroon din, basta na lang naglaho…

Kasabay ng tanong kung saan ko naipaglalagay ang mga kwaderno ang tanong – saan na rin ba ako dinala ng kasusulat sa mga kwaderno. Saan nga ba? Hindi ako yumaman, ang kadalasan kong hanap, ang yaman ng mga salita. Hindi ako gumanda, ang nabuo kong konsepto ng ganda, nakabatay sa sensitibidad at talas ng pag-iisip. Hindi ako sumikat, walang libu-libong mambabasang nag-aabang sa aking mga sasabihin. Wala ring mamumuhanang tumaya sa aking kakayahang magdugtung-dugtong, humugis at humabi ng mga salita. Pero, may mga kaibigan akong natatandaang “maalam” raw ang blogger ditong magsulat, marunong tumula at pana-panahon, nagtatangkang gumuhit ng kung anu-ano.🙂

 

Ay, marami akong naging kwaderno, di ko talos kung ilan… Daang imahe ang andoon, ponglibong salita ang nakalagay at may doodles ng sari-sari, haha. Sa pagkatanda ko, plant in a box or plant in a pot ang madalas ma-feature do’n. Hihi, halata bang mainipin ang lola nyo? Sa blogging, may ka-blogs na sabi, marami raw masyadong “saysay” ang aking mga sulatin. Minsan, naiinis ako, sa totoo lang. Madalas, napapangiti na lang sa sarili. Gusto kong ipakita sa mga nagwika ang mga kwaderno, papaghanapin sila roon ng saysay na sinasabi… Pag binabalikan ko ang borador ng mga isinulat, walang patterns na makita, tila walang saysay. Walang kapaparakan ang madalas na hinahabi. Pakiramdam ko minsan, ibang tao ang nagsulat?

Napagkwentuhan namin ng isang ka-blog, minsan sa email, ang paksa ng pagpapakilala sa blog. Kako sa kanya, di pa ako naglalagay ng larawan sa sites, wala akong maipapakitang solid achievements sa buhay. At tila sa panahon ngayon, importanteng-importante ang gayon… Sa kabilang banda, ang isang may edad na, ordinaryo marahil asahang stable na at marami ang naipundar at napagtagumpayan. Iyon lang, sa personal instance ko, ehehe, wala masyado… Di gaanong conventional ang choices na pinili at masalimuot ang mga daang tinahak. Marami-rami ang narating na lugar at sitwasyon, mga taong nakilala at karanasang napagdaanan. Pero hayon, panay alikabok lang ang dumikit at isang laksang kwento… Kako kay ka-blog, saka na magpapakilala.

 

Ang iba sa mga adventures, misadventures, derelictions at mga ka-weirduhan ng blogger dito, nasa mga tagong kwaderno. Di naman tagung-tago, wala lang yatang naging curious enough alamin ang laman ng mga iyon. Walang matatalinghaga ro’n, ahihi. Mas impressions yata – mga kalituhan, pagkamangha, panghihinayang at pag-asam, paminsan-minsan… Sa mga kapatid, di ko alam kung may nagtangka sa kanilang sumilip sa mga kwaderno. Maliban sa minsan, tinanong ako ni batang kapatid tungkol sa isang love story na sinulat ko pala, hihi. Love triangle ang plot, pero hindi tapos ang kwento. Tanong niya, ano raw ang ending. Shaks, hindi ko alam. Nasa high school pa ako nang isulat iyon. Pakalat-kalat pala ang notebook na pinagsulatan, nasilip nya tuloy…

 

Humigit-kumulang, may dalawang dosenang kwaderno pa sa ‘kin. Siguro, mga lima sa mga ‘yon, decipherable naman ang nilalaman, ahihi. Pero, kailan lang, sinilip ko ang iba…

Hindi ko lang alam, pero malakas ang kutob  – alien ang nagsulat sa mga iyon.😉

 

Imahe ng isang kwadernong wala pang sulat at ng bolpen

Sa pagkopya-kopya sa mga isinulat ng iba nag-umpisa ang habit of notetaking/ freespiritpublishingblog.com

 

Kayo, nagsusulat pa rin sa inyong notebooks?🙂

 

Hello, ka-blogs! Manigong Bagong Taon sa ating lahat! Kumusta kayo…🙂 Isa pala ito sa mga lumang komposisyon, naisulat apat na buwan mula nang mag-umpisang mag-blog. Pasensya na, busy-busyhan ang dramarama ng blogger dito, hihi. Warm regards sa inyo…🙂😉

 

15 responses to this post.

  1. Ako din mahilig magsulat sa kwaderno! May facebook man o wala, dun ko sinusulat ang what’s on your mind! Hakhak. Parehas tayong parang alien ang nagsulat, siguro mga 20% lang ang maiintindihan mo. Hakhak. Siguro pag nabasa ko mga kwaderno mo, mas lalo kitang makikilala. Haha sample nga ng drawing! Hihi. Tulog na ate!

    Tugon

    • apir! mga lumang tao us, whehe. joke, tita at tito mo likely contemporaries ko.😉 20%, haha, mataas ‘yon, dear. kita mo second pic above? mas maganda yaon and mas legible kesa sa notes ko. ta’s madalas, mongol pa gamit, ang saya. even i get lost in my drafts, hehe. may legend dapat, keraming arrows-arrows, haha.

      aysows, you’ll get an idea, gaano ka-berserk boarders sa pagkatao… ay, drowing ng plants and bintana ang madalas – ‘lam mo yong nasisilip sa may pinto ng classroom or office, haha.😉 ikaw rin, relaks sa pagtulog, batopik. breathe in and out… ^^

      Tugon

  2. madami din akong kwaderno noong High School. May pang drawing, may pang poems, may pang listahan ng mga deck para sa Magic Cards, at meron ding pang slumbook.😀

    Tugon

    • hello, cheese… hala, natuwa ako sa may n.b. sa Magic cards at may pang slumbook, hihi… e, di sikat ka sa girls (mahihilig din ba sa slumbooks boys? ‘lam ko, sumasagot sila sa slumbook ng girls para makalambing at makahunta sa girls. pero di ko alam meron din pala no’n boys? hmn…) sa ‘kin, parang scrapbooks naman marami sa notebooks, me drowing-drowing at minsan may naka-insert or paste pa, haha…🙂

      Tugon

      • project/assignment yata namin yun sa Homeroom. Tapos papapirmahin mo yung mga classmate mo. hanggang ngayon ang alam ko nasa bahay pa ng parents ko yung slumbook na iyon.

        hindi naman kasi ako sentimental pero it’s something to cherish kapag nakikita mo.😀

      • hello, cheese… a, yun pala yon. ang galing.. wala kaming gano’n dati…

        sa’min, style ng boys, nakikisagot ng slumbook para makapagpa-charming (style nga, halata naman). di nila alam, style din lang ng girls magpasagot ngslumbook – para ma-lure humunta ang boys, hihi. saka makapag-CI na rin, hakhak.😉

        oo, kakatuwa yong notes-notes from the olden days, parang treasure na rin pag nabubuklat uli…🙂

  3. ako meron ding notebooks lagi. yung isa para sa schedule ng hearings and deadlines ng mga pleadings. mahirap na malagpasan. pero ewan ko ba these past few days (months) nagiging lazy na ako. meron din akong notebook dun ko sinusulat yung mga words na di ko alam tapos hahanapin ko yung meaning. pati na rin mga phrases na maganda sa pandinig sinusulat ko kasi malay mo magamit ko din balang araw.

    Tugon

    • hello, dear… ahihi, planner ang isa, kapatid. ‘yong hard-bound, hakhak. yong nakakatamad tingnan, pero kailangan? yown…😉

      apir kita sa notebooks na sulatan ng words and praises na di alam. saka sentences and phrases na maganda or elegant basahin at pakinggan. pang-SCRA, hihi. pag naging taga CA ka na or SC, magkaka-value yaang notebooks na yaan. pahiram nga ng isa, maibenta sa Sotheby’s 20 years from now, hihi. or, sa ebay, 5 years from now, harhar… sabi na nga ba, me pagka-basurera ka rin e, waah…😉

      Tugon

  4. sa pagsusulat ng blog entry hindi na notebook, tablet na pero sa pagrerecord ng files sa office gusto ko pa rin ‘yung logbook baka kasi ma-corrupt ‘pag sa computer lang.
    ayun sa kalimitan na ng pagsusulat gamit ang ballpen at notebook lalo pang pumangit ang sulat, wala raw kasing practice.
    minsan, sinusubok na magsulat sa notebook pero ‘pag mahaba na, naiisip ko madodoble ang paggawa ko dahil isasalitype ko rin sa keyboard, sayang ang effort. ang ending: titigil din sa paggamit ng notebook, haha.
    ganun yata talaga ‘pag nasanay na sa teknolohiya.

    regards ate san.🙂

    Tugon

    • hello, Limarx… hala, updated ka na, kami ay naiwan sa kangkungan ng teknolohiya, haha. true, most offices dito sa ‘tin sa Pinas, may logbook pa. sa Western countries daw, bibihira na ang opisinang may logbook pa as in, hard copy ng report, hoho.

      lam mo, sa US and sa UK, problema nila, recent schooling age children, di na naturuan ng cursive or writing by hand using pencil and pen. so, do’n, uso these days pag-usapan sa teachers’ workshops, kung may gap daw ba sa learning coming from the fact na di na tinuruang sumulat-kamay and diretso na sa electronic board or devices? hihi, yon problema nila, sila na full-blast digital…

      hmn, pag nagmamadali or wala sa mood, pangit din sulat ko or wala sa linya, hihi. alien nga? hmn, to some extent, dependent na rin me sa electronics and sa PCs. pero wala me tablet and di ako nagba-blog using cellphone, hoho. so, medyo preserved pa pagka-sinaunang tao here… hakhak. malapit na me ma-obsolete, haha.

      ei, di ako makaiwan ng comment sa site mo, kapatid. di maipakita ng PC confirmation code na hinihingi ng ‘yong hostsite, huhu… pero nagbasa na me ro’n, Limarx, swear… mas warm regard sa iyo, salamat sa pagdaan. Manigong Bagong taon…🙂

      Tugon

  5. Ate san, di pa talaga uso ang mga blog site eh mahilig na rin talaga ako magsulat sa notebook. Yun tipong kahit kinayod ng manok un sulat ko pero pag binasa ko nagmumukhang sulat ni shakespeare…hahahha..ako na magbuhat ng bangko. Well seriosly, sigro mas totoo rin at impromptu kung lahat ng iyong sinasaisip ay tahasan mo agad naisusulat sa notebook. When u tried to xfer most of ur thoughts into our site minsan medyo incomplete na un content, just sharing some comparison. Have a good day te san…kawai 😜👋

    Tugon

    • hihi, kahig ng manok na naging panulat ni shakespeare, hakhak.🙂 maganda handwriting ni shakespeare (bukod sa husay mag-compose) kasi art form noong time nya ang long-hand writing. ahaha,o, di ba? hey, lam mo ba’t mas totoo at mas spontaneous notes natin sa notebooks? kasi, that is where we’re talking to our selves. sa blog, alam natin, may ibang nakikinig at nagbabasa, hoho. so, conscious self ang at play sa blogs. sa notebook, mas human id… bale, nag-e-edit tayo sa blog ng ating inilalagay, we’re performing for an audience, somehow… sa notebooks, it’s just you and your boring and confused self, hakhak. parang gano’n ata… hellowie, Myr.🙂

      Tugon

  6. nakakalumbay mawalan ng pinaka-iingatan at pinakakatagong kwaderno, naku, at lalo pa ay nakakapanghinayang. haha. parang nasayang ang lahat ng ideya at ang ibinuhos na emosyon at tuwa sa mga katha, kasabay ng paglaho ng kwaderno. iba pa rin kasi ang orihinal na draft.

    Tugon

    • hihi, nakakalumbay. feeling mo tuloy, andoon sa notebook/s na iyon ang the best of your writings, hehe, kahit hindi naman, hakhak.

      in my early days of writing, yong first draft ang itinatago ko. andoon daw ang seminal ideas – para nga… nitong huli, mas iyong semi-final drafts na itinatabi. ayon lang.

      happy Thursday, Cup…🙂

      Tugon

  7. […] literal nyong mag-interpret ng posts, as in… Sabi sa Ang Mga Kwaderno ng Walang Kapararakang Habi, walang private firms na nag-invest sa blogger dito. Strategically ang ibig sabihin, di naman […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: