Archive for Agosto, 2013

Ikatlo

 

Hello, ka-blogs! Ikatlong anibersaryo ng DPSA noong ika-27 ng Agosto, 2013. Ika-4 na taon na sa blogging, yehey! Masaya, kahit pa maulan, madilim at magulo… 🙂

 

 

Image of a gift and balloons in celebration of third anniversary

Ikinalulugod ang ikatlong taon ng pagsusulat sa blog at masayang tumitingin sa ika-apat na taon sa blogging/ http://www.womensbiblecafe.com

 

Masayang magsulat ng mga iniisip at pakiramdam. May kakaibang tuwa pag pine-press na ang ilathala. 🙂

 

Masayang malamang kaya palang isatitik ang mga isipin at saloobin sa paraang tila sila ay kwento…

 

Masayang makabasa ng feedbacks and comments ng kapwa bloggers. Nakakatuwang nagbigay sila, kayo, ng oras para magbasa… Salamat. 🙂

 

Masaya ring makabasa at mabatid ang mga pakiramdam at iniisip ng ibang bloggers.

 

Masayang makanood, makarinig at maging bahagi ng malilikhaing gawa ng iba. May saya ring hatid pag nakakapag-comment sa posts ng kapwa bloggers.

 

Masayang makasalubong at mapaglimian from time to time, ang points of views ng iba.

 

Masayang may makilalang mga tao sa malayo at malapit, kahit sa virtual setting lamang...

 

 

 

 

Masayang may nakakahuntahang nasa malayo, pero parang malapit.

 

Masayang may nakakakwentuhang nasa malapit lang, pero para minsang ang layo, ahaha.

 

Masayang mabatid na pinagkukwentuhan ka online and offline ng mga taong di mo pa naman nakikilala at di ka pa rin kilala. Akalain nyo ‘yon? 🙂

 

Masayang malamang hinuhulaan at dinurugtungan nila ang mga kwento mo, hoho. Kahit pa madalas, ang layo ng plots nila sa totoo, hihihi. Peace!

 

Masayang malamang may bloggers na nagpapakita lang via the Statistics, pero di nagpaparamdam through likes and comments. Creepy, pero masaya, hohoho.

 

Masayang may bloggers, gusto kang makahuntahan sa chat at makakwentuhan sa email, pero di magpaparamdam sa About Pages, di magla-like sa posts. Tsika lang… Come and go ang peg? Aysows, pwede rin. Masaya rin naman… 😉

 

Masaya ring makitang may bloggers na nagti-tinker sa iyong IP address, sinusundan ang iyong online activities and affiliations, tina-track ang iyong comments at pinadadalhan ka ng spams and fake followers. Ang saya, hala pa… 😉

 

Masayang malungkot na may mga taong nagtatampo, nagagalit at kinukutya ka sa di malaman o ayaw ipaalam na dahilan. Basta… 😉

 

Masayang inaabangan, ini-interprete at binabalikan ng ka-blogs ang posts na may attached music, hihi. Iniu-ugnay kaagad sila sa personal na buhay at state of mind ng blogger dito. Ang cute at ang saya, hoho…

 

Masayang pinagkukwentuhan at hinuhulaan parati ang lovelife or lack of ng blogger dito sa tuwing may pag-ibig at love-related post sa sites, ang kulit… Hala pa, comment na lang, kung di nyo makuhang i-like, hoho. Salamat sa concern na  magka-lovelife dito, hihi, pero ‘yaan nyo na lang na ako ang mamroblema no’n… 😉

 

Masayang malaman, ang pinaka-consistent na viewers ng sites ay yaong mga sumisilip para okrayin ang blogger dito. Love ko na kayo, alam nyo yon? Nakow, chances are, love nyo na rin ang blogger dito, hala, lagot.. Peace. Basta, sa akin, di love and hate ang magkasalungat. Ang opposite daw ng love, apathy. 🙂

 

Masaya and enlightening na malaman, radical and drastic daw para sa ibang ka-blogs ang mga ideyang hayag sa posts – centuries behind ang pananakahan sa ating bansa, late ang philosophical ideas na nasagap nina Rizal at future-oriented activity ang blogging. Sa akin, ang sayang malaman ang inyong palagay…  Ay, sabi sa About page ng DPSA, ang blogger dito ay maligalig. Pasensya na, di kayo ipaghehele ng ideas sa sites, whoho. Pero pag minsan, may mababanaag din somewhere na tenderness, ahihi, yaong mga interesado, hala pa… ^^

 

Masayang malaman, may ilang bloggers na consistent na naka-follow lang, di nagpaparamdam, pero pana-panahong nagbabasa at sumusubaybay. Alam kong andyan kayo… Salamat for your patronage, mga kapatid. 🙂

 

Masayang mapagtanto, sa daang bloggers na dumating at umalis – dumating na bumati at umalis ng walang paalam, masiglang dumating at umalis na may lungkot, patagong dumating at tahimik na umalis – may dosena pa ring darating at sisilip, huhunta at kukwento. Kahit sumandali…

 

Masayang mabatid, first-hand, isa sa mahahalagang aral sa blogging, don’t take yourself seriously. Pag minsan, makakatsambang makapaglathala ng posts na parang may sense, tila maganda at nakakapukaw sa ka-blogs… Good job, maybe, pero huwag umasa ng malalim at pangmatagalan. Just cool it, ‘ika nga… 🙂

 

Masayang mapagtanto, andito tayo at nagba-blog, may hinahanap – sa loob at sa labas. Andito raw tayo, in search of humanity: other peoples’ and our own…

 

Masayang malaman, sa tatlong taon sa blogging, may tatlo rin yatang naiwan at nanatili – kakwentuhan, kabahagi at kahit paano, kapanalig – sa paghahayag at pagsusulat ukol sa buhay na puno ng sakit, pagkainip at kulit… 😉

 

Image of a poster about holding hands

Hawak-kamay sa pagtahak sa magulo at masayang buhay/ favim.com

 

Ikinagagalak kong andito pa rin kayo sa ikaapat na taon sa pagsusulat, paglikha at pagsasatinig ng mga naisantabing pangarap, nawaglit na pakiramdam at lalandasin pa lamang na bukas…. Salamat! 🙂 😉 🙂

 

Advertisements

Payak na pamumuhay sa isang luma pang panahon

 

Lampas sa nostalgia for rural past ang iniaalok  dito, pasensya na. Sakaling hanggang doon lamang ang inakala ng mambabasa, ikinalulungkot ko. Hayaan ninyong magpaliwanag ako ng bahagya kung bakit…Nakatira kami noon sa bahay-kubo, ang karanasan ay di singromantic at singsaya noong sabi sa kanta… Pero, appreciated ko ang parteng iyon ng aming buhay at pamumuhay. Hmn, iniisip ko pa bang ulitin? Parang di needed, di na rin practical. Hindi ko rin sure, kung kaya ko pa… 😉

 

Image of a couple reaping palay harvest in rural Philippines

Maraming mga palayan ang nangawala sa bansa na nagdala ng kagutuman sa kanayunan ng mga huling taon/ rbapmabs.org

 

May isa kaming kapatid, parating dreaming na ibalik ang luma pang panahon.  Sabi nya, simple lang daw noon. Totoo naman… Pero, duda ako kung kaya nya, sakaling mangyari ang return of the comeback, hihi… Sa aming lahat, siya ang pinakakumpleto ang gamit sa pagluluto, moderno at convenient ang mga kasangkapan at mababa ang tolerance nya sa alikabok, putik at mga dumi, hahaha. Dahil nagkukunwari akong fair na tao, bibigyan ko sya ng, hmnn, three days… Try lang. 😉

 

Image of women washing clothes in a river in rural Philippines

Masarap maglaba sa ilog, huwag lang papaabot sa init/ http://www.backpackingphilippines.com

Payak din ang modernong buhay, sa tingin ko… Pag magluluto, pipihitin lang ang gas stove, pag maghuhugas ng pinggan, pipihitin lang ang faucet at pag madilim, ipi-press lang ang ON ng switch – ano pang mas sisimple? Ang medyo komplikado, pag walang pambili ng LPG refill, pag nalimutang bayaran ang bill sa tubig at pag walang pambayad ng koryente, hoho…. Ayon, medyo komplikado ang manghiram ng pambayad ng bills, medyo mahirap i-explain. 😉

 

 

Image of a man on the way to the forest in rural Philippines

Pirming may gulok sa kaluban ang mga Tatay sa kanayunan/ http://www.terraproject.net

Nakakatuwang magluto sa kalang de-kahoy. Masarap din ang mga pagkaing luto sa kahoy, mabango at natural na natural, ‘ika nga… Ang di nakakatuwa, ang magpaputi ng mga kalderong puno ng uling. Sabagay, okey pa rin pag may mauusap o mauupahang maglinis para sa iyo, hihihi… Hindi na rin madaling maghanap ng taga-sibak ng kahoy ngayon, maski sa liblib na lugar. 😉

 

Pinakamahirap ang magkasakit sa remote na barrio. Kung pangkaraniwang sakit lang, pwede nang lunas ang mga tradisyunal na halamang gamot. Pag malala at kumplikado na, kailangan na ng makabagong gamot at ospitalan… Sabihin mang may natural healing powers ang medicinal plants – kailangang dumaan sila sa process – para tumalab sa katawan ng maysakit at makapagpagaling. Di  pwedeng paracetamol lang ang iinumin at nakaantabay sa taong seryoso ang medikal na kalagayan…

 

Ang food production ng makabago man o makalumang bansa, dependent pa rin sa mga kanayunan. Sa gayon, kailangang magkaroon o panatilihin ang kabuhayan ng mga taga-bukid… Sa bawat kalamidad na dumarating, unang naaanod ang self-esteem ng mga kalalakihan sa nayon, daan para mapalapit sila lalo sa alak, sugal, kapabayaan sa mga tungkulin at pananakit sa mga miyembro ng pamilya. Hindi biro ang dinaranas ng asawa at mga anak nila – sa kahirapan ng buhay at kalupitan.

 

Sa Pilipinas, pinakamababa ang productivity ng agricultural sector, may malaking gap, sa napakalaking bilang ng mga taong naka-depende rito… Matagal nang nakaungos ang manufacturing sector  at nitong mga huling taon, nangunguna na ang service sector sa productivity or output sa pangkalahatan… 15 taon ang nakakaraan, 93% ng negosyo sa bansa, di man lang papasok sa kategoryang small scale business. Categorically, sila ay tiny or micro. Nag-improve na, pero sa kasalukuyan, at least 85% pa rin ay micro – pagawaan sa silong, talyer, stalls, mobile peddling at mumunting tindahan sa harap ng bahay…

 

Image of a farmer's dwelling in rural Philippines

Ganito ang karaniwang tirahan ng magtatanim sa bukid sa ating bansa/ tourism-philippines.com

Ang pagsasaka gamit ang hayop at ararong bakal, na-devise pa ng tao, libong taon na ang nakakaraan. Biblical times, kung tutuusin, matapos matuklasan ang bakal at metallurgy. Ito pa rin ang gamit ng maraming farming communities sa Pilipinas… Pero may mga mas luma pang preoccupations. Ang pagpapastol ng hayop, isa sa oldest professions ng sangkatauhan, lumaganap sa unang yugto ng settled communities. Isa rin ito sa least remunerative na hanapbuhay sa ngayon. Subalit, may mga kababayan pa tayo, tanging sa ganitong paraan nabubuhay. Ganoon din ang pangingisda – gamit ay kawil, buslo at simple hooks lamang.

 

Kung papansining maigi – yaong mga nakapagtayo na ng matitibay na negosyo, nakapagpatapos ng maraming anak at nakapagtrabaho sa abroad sa mahabang panahon – siyang nakaka-afford mamuhay sa rural setting, pero may kabuhayan at access sa pasilidad at mga serbisyo. Sila ang may kakayanang mabuhay ng “payak at sapat” sa natural setting, pero di nahuhuli ang antas ng pamumuhay.

Sa mga taong wala sa buhay na nakatira sa rural na lugar, nanatili pa ring luntiang kabukiran, sikat ng araw at simoy ng hangin ang afford nila. Kapos sila sa pagkain, kalusugan, salapi, aral, transportasyon, pakikipagtalastasan, tiwala sa sarili at maging sa mga pangarap at balakin sa buhay. 

 

Image of a verdant rural community in the Philippines

Malawak ang bukid, luntian ang paligid at malamig ang simoy ng hangin sa kanayunan. Subalit kakambal pa rin ng buhay doon sa ngayon ang kahirapan at atrasadong pamumuhay/ http://www.panoramio.com

 

Ka-blogs, comment kayo…  Ang dami ko na yatang naikwento, kayo naman… 😉