Archive for the ‘Uncategorized’ Category

Tuturuan Kita

Hello, ka-blogs! Pagdamutan nyong re-blog muna tayo uli… Isa ito sa early writings ng lola nyo, dedicated sa isang ka-blog, nagsabi noong tuturuan nya raw akong mag-upload ng pictures sa posts. Hindi ito nabasa ng marami, pero isa ito sa itinuturing kong treasure na komposisyon. Noong isinulat ito, wala pa ata sa lima ang kakilala kong ka-blogs, ahaha. Hindi ko pa rin gaanong alam noon, may iba palang nagba-blog na nakakakita ng sinulat ko (ang bright ko lang, hihi) . Si ka-blog din ang nagsabi sa akin, mayroon palang tinatawag na Freshly Pressed. Sabi sa inyo, medyo bright ako. 😉

Anyway, trivia muna. Noong unang panahon, may kaibigan akong nakakita, naglalaro ako ng Super Mario sa PC, haha. That time, may nagre-recruit sa ‘kin na mamundok. Sabi ni friend, hindi pwede, first terrain, mapapatay ka agad, Yon. So, I heeded her advice. Kita nya score ko, saka paano me mag-panic sa pag-press ng keyboard, hakhak. Medyo slow akong tao… Hayon, natatandaan ko ‘ata lahat ng nagsabi sa akin, “Tuturuan kita… ” Happy weekend! 🙂

doon po sa amin

Tuturuan kita.

Isa sa pinakamagandang bukambibig na dumapo at lumago sa talasalitaang Pilipino.

Isang bukas na pagpapahayag ng malasakit sa iyo ng iyong kausap. May kulang pa sa iyo, may dapat ka pang matutunan.

Isang pagkilala sa iyong kakayahan. Isang pagsasabing kaya mong matutunan ang ang sa ngayon ay di mo pa alam. Kung bibigyan ka ng panahon, pagsasanay at pagkakataon, ang kulang ay kaya mong punuan. Anuman iyon.

 

Sasamahan kita. Ikaw ay aking tuturuan.

Tuturuan kita. Isang pagbibigay ng panata. Isang pangakong maglalaan siya ng oras para sa iyo. Ibabahagi niya sa iyo ang kanyang nalalaman hanggang sa iyon ay iyong matutuhan. Magpupunyagi siya hanggang sa ikaw ay matuto.

Aakayin kita. Sasamahan. Gagabayan.

May hihigit pa ba sa isang bukas at malayang pagbibigay ng sarili?

 

 

Tuturuan kitang …

 

bumilang.

bumasa.

kumanta.

sumayaw.

magluto.

tumugtog ng gitara…

Mahalaga pa ba kung anong kaalaman o kakayahan ang…

View original post 48 more words

Advertisements

Ang Iyong Kwento

Hello, ka-blogs… Reblog muna tayo uli, pasensya na… Isa ito sa marami-raming blogs about blogging na naisulat at nailathala rito sa DPSA. May kalumaan na, pero sana ay maibigan ninyo kahit konti. Happy weekend. 🙂

doon po sa amin

Ang iyong kwento– nakakatuwa, nakakalungkot, nakakapagpasaya, nakaka-engganyo. Samahan mo ako, balikan natin ang iyong kwento…

 

Ang iyong kwento – tungkol sa ligaw na pusang iyong inalagaan, tungkol sa alaga mong isang araw ay namatay, tungkol sa itinago mong lungkot na sa akin mo napiling ihayag, tungkol sa panahong unti-unti mong natanggap – may mga bagay na nawawala at lumilipas.

Ang iyong kwento – tungkol sa unang araw mo sa klase, tungkol sa nabigo mong musmos na pag-ibig, tungkol sa isang hapong napagalitan ka ng iyong nanay, tungkol sa araw na tuluyang umalis sa inyo – ang iyong tatay.

 

Ang iyong kwento –  tungkol sa kinaiinisan mong guro, tungkol sa iyong pagsusumikap na matutuhan ang leksyon sa eskwela, tungkol sa iyong karibal sa karangalan, tungkol sa mga hamon at paano ang mga iyon – iyong napagtagumpayan.

Ang iyong kwento – tungkol sa away ninyong magkapatid…

View original post 605 more words

Hindi Magkita

Hello, ka-blogs… Naisulat ang post na ito, dalawa at kalahating taon ang nakakaraan – para sa mga pamangkin, hihi. Muli nating inilalathala, sana’y maibigan ninyo. Happy weekend! 🙂

doon po sa amin

 

Generation gap. Sabi ng teacher ko sa Math dati, ang paghahanap daw ng bridge sa gap na iyan ay tulad din ng paghahanap savalue of x. Mahirap hulihin ang sagot. Paulit-ulit ang paghahanap. Generation after generation. He, he … Hirit nya ‘yon.

 

 

Ang sabi pa nya, kung maghahanap daw tayo ng solution sa generation gap o sa iba pa mang issue, kailangan daw munang mag-establish ng equivalency. Ang ganda, ano? Parang naiintindihan ko pa. Ang sumunod nyang sabi, “So, class, in this instance, we have to represent the value of…”. Dito, medyo nagulumihanan na ako. Kaya, ang suggestion ko, lumipat muna tayo at alamin naman natin ang opinyon ng teacher ko dati sa English – on the topic of generation gap.

 

Ang sabi naman ni English teacher, dapat daw munang may common definition ang magkabilang panig…

View original post 325 more words

Walang Bait

Hello, ka-blogs! Magpo-promote muna ng mga dati nang naisulat, ahihi. 🙂 Isa ito sa mga unang komposisyon ng inyong lola na kinagiliwan nya mismo matapos maisulat. Sana ay maibigan ninyo. Warm regards… 🙂

doon po sa amin

Kagaya rin sa ngayon, kaming mga bata noon ay nakakagalitan ng aming mga magulang dahil sinuway namin ang kanilang utos, dahil matigas ang aming ulo at dahil may ginawa kaming, sa sabi nila, hindi maganda. O, hindi tama.

 

Ang pangkalahatang alituntunin noon, habang pinagsasabihan o kinagagalitan ka ng nakatatanda sa iyo, huwag kang sasagot. Hintayin mo munang mailabas ang lahat ng galit at paninisi ng taong nagagalit sa iyo. Kapag humupa na ang emosyon, pag bumalik na sa normal ang kanyang boses at kapag tinanong ka na kung bakit mo ginawa o nagawa iyon, kung anuman iyon, saka ka lamang sumagot at magpaliwanag. Saka ka mangatwiran at humingi ng pasensya.

 

Siyempre, maraming klase ng pagkakasala ang maaring magawa, at ginagawa, ng isang bata.  By degrees din ang kaparusahang naghihintay sa maysala. Pag matindi talaga ang ginawa mo, hindi ka kakausapin ng mga magulang mo nang maghapon o magdamag…

View original post 978 more words

Ang Kwento ni Nine (reblog)

 

Manigong Bagong Taon! Pasensya na, reblog lang muna uli. Sana ay maibigan ninyo ang sulatin. Cheers! 🙂

 

doon po sa amin

Back story ito. Si Nine ay ang bata sa ating post na Walang Bait. Nangapit-bahay siya kasama ang dalawang taong kapatid, na ni hindi niya sinuotan ng salawal. Pag-uwi ni Nine, inilingan siya ng ulo ng kanyang Tatay, kinurot sa singit ng kanyang ate at sinabihan ng kanyang Inay na iyon – walang bait.

 

Ba’t nga naman kasi hindi nya sinalawalan? E, kung masabit ang pwet ng bata? Kung masuotan ng kung anong insekto sa kuwan? Aba, e, kung mapaupo ang bata sa kung saan at lamigin? Hindi ka na nahiya, karay-karay mo ang batang maski tapis, wala? Iyan ang ilan sa mga tanong na narinig ni Nine sa kanyang pamilya. Hindi nya sinagot lahat, tumungo lang sya’t nanahimik. Alam naman niya – siya ang mali.

 

 

Si Nine ay isang batang ipinanganak at lumaki sa bukid. Jocelyn ang kanyang tunay na pangalan. Ang tatay…

View original post 1,230 more words

Masaganang Bagong Taon sa ating lahat! 🙂 Ito ang isa sa mga isinulat sa DPSA na medyo nahirapan akong gawin at hindi rin gaanong nabasa. Muli itong inilalathala para makilala ng mga mas batang bloggers ang paraan ng pagsalubong sa bagong taon sa kanayunan. Sana ay maibigan ninyo. Maraming salamat, sana ay nasa mabuti kayo… 🙂

doon po sa amin

 

Malakas ang putok ng kanyong gawa sa kawayan. Hindi rin ito nakakasugat o nakakasakit sa mga nagpapaputok o sa dumaraan. Medyo mausok paputukin, kung minsan. At, may kahirapang gawin.

 

 

Sikat sa amin noong early ‘80s ang mga kanyong yari sa kawayan at gawa lamang sa bahay. Dahil nga liblib ang aming lugar, kakaunti lang ang nakakabili roon ng mga paputok galing sa Bulacan o Divisoria.

Limang araw bago sumapit ang bagong taon, ang mga kalalakihan sa amin ay pumupunta na sa agbang o sa gubat para pumutol ng magulang na puno ng kawayan. Pagkatapos, ang katawan ng kawayang apat hanggang limang talampakan ang haba ay kanilang ibibilad. Maghahanap rin sila ng mga tirang kalburo o calcium carbide na  pang-abono sa pananim na siya ngayong gagamiting pambala ng nasabing paputok. Kung wala, bibili sa bayan. Maari rin namang gaas na kerosene ang gamitin.

 

Matapos patuyuin…

View original post 533 more words

Huling Araw ng Pasok (reblog)

 

Kumusta, mga kapatid? Ahaha, hindi nagtapos ang mundo, gaya ng sabi-sabi… 😉 Muli ko itong inilalathala. Ito yata ang unang post na ginawa kong nai-publish within 24 hours matapos isulat at inilimbag ng walang editing. Kakaunti ang nakabasa nito noon. Sana, magustuhan ninyo… Cheers for the yuletide holidays! 🙂

doon po sa amin

 

Last day sa opisina, ganito ang scenario – andaming late. Mas marami ang absent, ginamit ang leave. Marami rin ang pumasok lang, pero lalabas rin naman maya-maya…

 

Individually and as a group, na-realize na ang dami pa palang di tapos na trabaho. Kung kelan pa naman magtatapos na ang taon… Pero, dating tugtugin na ‘to. Saka, mahirap nang magsisihan, magpa-pasko pa naman. So, ayon, mabait lahat sa isa’t isa. Kanya-kanyang binubutingting, kanya-kanyang inaasikaso.

May mga pumasok na dala-dala ang anak. Yong iba, dalawa o tatlong anak. May nagpi-PSP. May nag-i-inspeksyon ng flower vase. ‘Yong isa, ibinabato ang stapler. Bihis na bihis ang mga bata. Malalakas pa ang mga baterya.

 

Medyo nakakainis kasi, may dumarating pang mga tawag sa telepono. Last minute follow-ups, nakikiusap. Baka raw naman pwedeng bago mag-pasko… Pero hindi ka pa nagtataray, nakukulitan lang. Paano ba naman kasi, busy ka sa pag-aayos ng mga resibo’t…

View original post 603 more words