May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig?

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig

May orasyon, kapagdaka’y sinasambit?

May salamangkang ihinahagis,  parang bitag

Sinumang mahuli – walang kawala, di makakapitlag?

 

Image of a fairy casting a spell

Pag ang tao ay umiibig, tila nilalagyan siya ng bulong?/ http://www.123rf.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sinasabi, ang umiibig daw, may piring mga mata

Ang nasa ilalim ng kapangyarihan, iisa lang ang nakikita

Ang matilamsikan daw ng gayuma, tiyak ang pagdurusa

Di sukat makalabas – kahit dalangin, maya’t maya pa.

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig?

Anong kapalaran ang sa atin, dito’y nagbubulid?

Anu-ano ang kailangan, para ito’y matawid?

Anong gamot ang mabibili – para ibsan ang sakit?

 

Image of a fantasy land in a distant place

Sa mga mala-pantasyang kaharian, laging may nakakakilig na kwento ng pag-iibigan/ http://www.wallpaper-free-download.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Saang yungib, makikita, iyong mangkukulam?

Kung maari’y hihingin, talab ay bawasan

Saang liblib matatagpuan yaong babaylan?

Pakisabi – ang bulong, dagdagan ang tapang. ;)

 

 

 

Maligayang Buwan ng Mga Puso pa rin, ka-blogs at mambabasa…🙂 Sana ay nasa maigi kayo, nakangiti… ^_^

 

Gaano ka- makapangyarihan ang pag-ibig? Sagutin ang tanong – walang tama, walang mali – in 100 words, ahaha… Pakilagay po ang inyong sagot o paliwanag sa comment box. Ang mapipiling pinakamagandang sagot, maaaring magpa-edit/critique ng draft post na three pages (o, mas maiksi) sa blogger dito. Bukas ang pagkakataon sa bawat blogger, ka-blogs  –  sa loob ng tatlong buwan pagkalathala nito… I-a-anunsyo ang nanalo dito sa DPSA, sa pamamagitan ng isang blog post. Maari rin  siyang mag-guest blog dito, kung nais…

 

Naito muli – Gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig? Gow!😉

 

25 responses to this post.

  1. Syempre kailangan bang ako ang mauna? Haay, feeling ko kulang ang 100 words pero sakto lang pala dahil pag dumami pa ay magiging cheesy ito. Ok eto na at sana hindi kornik ang dating nito:

    Gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig?

    Ang pag-ibig ay parang pera na nakakapagpaikot ng mundo. Parang malakas na bagyo na nakakapagpayuko ng mga malakawayang paninidigan. Para itong huling byahe ng tren na laging hinahabol at parang huling piraso ng paninda na laging pinag-aagawan. Isa itong misteryo na hindi masagot ng siyensya, nagbubunga pero mapanira. Ang pag-ibig ay kalayaang iginawad sa pusong nakakulong, nagbigay ng liwanag matapos ang matagal na pagkalugmok sa kadiliman. Maraming memoryang iniiwan pero marami ring dinadala sa paglisan. Minsan nagsisilbi itong pambura na naglilinis ng mga sobrang marka ng lapis sa malinis na papel. Ang pag-ibig ay parang relo. Patuloy na tumatakbo hanggang sa maubusan ng baterya pero eksepsyon dito ang mga relong pinapatakbo ng ating pulso.

    PS: Nakikinig ako sa kanta ni Yeng Constantino na Pag-ibig habang sinusulat ko it. Haha at 114 words ito haha

    Tugon

    • ahaha, salamat sa pagtugon at sa pagiging maagap, aysa. hala pa, hindi corny, nukaba… e, may mas kokornik pa ba sa tula sa itaas? hakhak…

      ahihi, di naman halata, ang galing sa analogy ng isa ryan, ikaw na…😉 hamo, isang araw, i-e-edit ko, aalisin ang mga “na”, if it’s alright at nang maging 100 words or less pa. at Yeng Constantino-inspired, hihihi. what to do, eh? kaway-kaway…😉

      Tugon

      • haha ano nga pala ang analogy?joke…tahaha

        minsan kasi kornik pag pag-ibig ang usapan haha

        Hahaha, dati nakokornihan din ako sa kantang iyon ni Yeng pero ewan ko ba tsk tsk….

      • a, ang analogy ay isang bagay na madalas nating ginagawa ng di natin naiintindihan, parang pagkukumpara mo ng pag-ibig sa huling piraso ng paninda, hakhak. joke!

        a, e, masarap sadya ang kornik, dear sister. madalas tayong makipag-agawan nyan, haha

        aminin mo na, matapos ang pagkahilig mo sa MYMP, inisip mong nag-close shop na ang business ng pang-araw-araw na pag-ibig, ahihi. ngunit isang araw, nadiskubre ng Channel 2 si Yeng. at muli kang nakatanaw ng pag-asa sa mga himig at tugtuging nagpapaalala sa iyo, minsan pa, maaring matagpuan ang pag-ibig habang bumibili ng samalamig o nakikipagsiksikan sa dyipning patok. peace, aysa!😉

  2. maraming talagang katanungan kung ang pag-ibig ang pag-uusapan. napakaraming tanong, ngunit pili lamang ang mga kasagutan.

    Tugon

    • hihi, ang vague ng hirit mo, kapatid na Cup. parang press release lang, hihi. hey, eto at ipinublish ko nasabing tula, as promised…😉 marami ka pa ring tanong, huh? ^^

      Tugon

      • napakaganda ng iyong tula DPSA, subukin kong matapatan ang mga “requirements” na iyong binanggit sa itaas, pero sa ngayon, hayain mo muna ang aking mala-press release na bakas, hehe. naalala ko kasi ang isang teleserye na “G2B”, hehe, paumanhin.

      • ay, 100 words laang req’s, Cup…hayai muna, pag ika’y nakapitlag na o bumalik na sa katinuan. alinman ang mauna… ahihi, peace😉

  3. Haha pressure Ate San! Lumelevel-up ang expectations sa pag-sagot. Nagkaka anxiety attack ako pag ganyan.😀 Anyways, cute yung tula, masarap basahin ng malakas. So heto yung entry ko sa tanong mo. ( entry daw o🙂 )

    “Sadyang makapangyarihan ang pag-ibig dahil nag-iiba ito ng anyo sang-ayon sa sitwasyon o sa tao. Biyayang maituturing dahil nagbibigay ligaya. Sumpa rin dahil tumatatak sa kabila ng lungkot at sakit. Nagbibigay buhay ngunit kayang kumitil. Minsan kaya rin daw nitong bumuhay ng patay at kayang pagbaliktarin ang mali at tama. Kaya nitong mabuhay sa kasinungalingan, ngunit mas umuusbong at nagtatagal sa harap ng katotohanan.

    Sa pag-ibig, ano nga ba ang mali at tama? Ito ba ay base sa makalumang paniniwala ng mga propeta at pari o sa makabagong pananaw ng mga siyentipiko at progresibo? Maaaring wala ngang tamang sagot. Umaasa na lang tayo sa paniniwalang ang pag-ibig ay dapat makatao.

    Ang pag-ibig ay isang ideya lamang na nagbabago at umaayon sa kanya kanyang perspektibo kaya lubos na makapangyarihan ang taong marunong magmahal ng tunay, wagas at tama.

    Subalit ang ideya ng Pag-ibig ay mas makapangyarihan dahil mananatili ito gaano man kataas ang maabot ng agham at teknolohiya. Lumisan man tayo para magbigay daan sa susunod pang henerasyon, ang pag-ibig ay patuloy na mamumutawi sa puso’t isipan ng sangkatauhan.”

    Dat’s it, pansit. Di ko kaya 100 words lang. From 500 pinaikli ko na yan to 100+ words.🙂
    Arividerci Ate San!

    Tugon

    • haha, damang-dama ko, happy ka sa pagsagot, June. maraming salamat sa pagpapaunlak.🙂

      dakila ang pag-ibig at biniyayaan ang mga nagtatagumpay dito.lampas sa tao at higit sa kayang abutin ng agham, ang pag-ibig ay patuloy na kabahagi sa pagpapatuloy ng buhay. ahaha, hindi nagdamot ang iyong panulat, kapatid…

      umaapaw ang pluma ng isa ryan, pag pag-e-beg ang usapan, ahihi. Arrivederci!🙂

      Tugon

      • Haha obvious ba Ate San? Di naman masyado. Konti lang.
        Umaapaw talaga?😀 Mas madali lang kasing gawan ng sariling interpretasyon di gaya ng arithmetic na may sinusunod na formula. Hawak ko kasi sa leeg ang peg-ebeg not the other way around hihi.🙂

      • hihi, hindi obvious, June. hala, sinagot ko na ito no’ng isang araw, kinain siguro ng ether ang kareplayan kow… sa leeg mo talaga hawak? hindi sa horn? talagang may power e, no? to give or to take life, ahaha. ikaw na… happy post-EDSA anniv. kapatid.🙂

      • Ganyan talaga si Mamang WP, sinusumpong.
        Haha di ko na-imagine ang love na may sungay. Eeee kakatakot pag ganun.😀

      • uu nga… ahaha, may sungay na love, shaks. e, yong image mong love na hawak sa leeg, parang too realistic – nai-imagine ko ang loved one mo, iyong sinasakal, hakhak. parang nasa crime scene, hehe…😉

      • Hahaha grabe ka naman, di ko naman daw kayang manakal ng tao. Totally figurative yun.😀

      • churi, churi po.🙂 ahaha, yang love kasi, destructive pag untamed. pero kamo sa yong entry, love gives human beings the power to soar. it uplifts us… yown, lusot na ba ako?😉 peace, June…

      • 😉

  4. ngayon lang ako nakadalaw dito. saya ng tanong.. na-inspire ako. hehehe! pero kahit di na ako manalo basta ma-express ko lang ang idea ko sa tanong mo. bow!

    Gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig?

    Ang pag-ibig ay maaaring maipaliwanag sa diksyonaryo o telenobela pero sa totoong buhay ay hindi pala. Ang kapangyarihan nito ay parang sa mga super hero. Sobra sa adrenaline rush at kaya kang ilipad sa kung saan na hindi mo mapigilan at sa halip ay hahayaan mo na lamang. May transformation din puwedeng maganap dala ng pagmamahal na puwedeng sa mabuti o sa masama, sa mainit o sa malamig. Ganun naman talaga, paano mo nga naman iisipin kung ano– kung damdamin talaga ang pinaghuhugutan ng enerhiya nito. Gusto kong magmahal kasi I’m powerful when I’m in love.

    Tugon

    • uu nga, hoshi, malaki na ‘yong kasalanan, whehe.🙂 ay, sus, ang importante ay maghayag at sumubok – ba’t ba? parang business or pag-ibig lang, hihihi…

      hey, salamat for joining, ha…. at may gano’n? i’m powerful when i’m in love? yes, true.. warm regards, kapatid…🙂

      Tugon

      • ate may kinalaman ka ba sa doonposaamin dot ph?

        and mayroon din palang doonposamin dot wordpress dot com

        type lang ako sa google para madali kitang makita iyan ang ilan biglang bumulaga.

        mabuhay!

      • Hello, Hoshi, long time no see… Hope all is well.

        Ahaha, wala pong kinalaman me sa sites na nabanggit. Btw, ang second site you mentioned, dumalaw dito minsan – sa post atang Pag- iigib ng Tubig, yon… Salamat sa pagdaan uli, ha..🙂 Keep well.

  5. […] p.s. mayroon din palang mga tugmang naka-ready para sa tulang ito, MAHIKA. […]

    Tugon

  6. […] 2 – para sa mga susunod na tugma, ang naihanda para sa paskil na May Mahika Nga Ba Ang Pag-ibig ni Doon Po Sa Amin (DPSA), narito ang piling mga […]

    Tugon

  7. […] #1 – ang tulang ito ay hindi naman talaga sumasagot sa hamon ng tulang “May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig” na mula kay “DPSA”, bagkus ito lamang ay maaaring pagbibigay diin at epekto ng pagtutugma ni […]

    Tugon

  8. Posted by Shiena on Abril 21, 2015 at 9:42 hapon

    Anu-ano po ba ang lahat ng uri ng gayuma at kulam pati na ang mga lahat ng uri ng spiritwal at ang pinaka importante po na kung paano at ano ang pangontra dito?please i do really willing to wait for your response..thanks and more power to this website

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: