Archive for the ‘Tumawa Lang Kung Napapaibig’ Category

May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig?

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig

May orasyon, kapagdaka’y sinasambit?

May salamangkang ihinahagis,  parang bitag

Sinumang mahuli – walang kawala, di makakapitlag?

 

Image of a fairy casting a spell

Pag ang tao ay umiibig, tila nilalagyan siya ng bulong?/ http://www.123rf.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sinasabi, ang umiibig daw, may piring mga mata

Ang nasa ilalim ng kapangyarihan, iisa lang ang nakikita

Ang matilamsikan daw ng gayuma, tiyak ang pagdurusa

Di sukat makalabas – kahit dalangin, maya’t maya pa.

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig?

Anong kapalaran ang sa atin, dito’y nagbubulid?

Anu-ano ang kailangan, para ito’y matawid?

Anong gamot ang mabibili – para ibsan ang sakit?

 

Image of a fantasy land in a distant place

Sa mga mala-pantasyang kaharian, laging may nakakakilig na kwento ng pag-iibigan/ http://www.wallpaper-free-download.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Saang yungib, makikita, iyong mangkukulam?

Kung maari’y hihingin, talab ay bawasan

Saang liblib matatagpuan yaong babaylan?

Pakisabi – ang bulong, dagdagan ang tapang. ;)

 

 

 

Maligayang Buwan ng Mga Puso pa rin, ka-blogs at mambabasa… 🙂 Sana ay nasa maigi kayo, nakangiti… ^_^

 

Gaano ka- makapangyarihan ang pag-ibig? Sagutin ang tanong – walang tama, walang mali – in 100 words, ahaha… Pakilagay po ang inyong sagot o paliwanag sa comment box. Ang mapipiling pinakamagandang sagot, maaaring magpa-edit/critique ng draft post na three pages (o, mas maiksi) sa blogger dito. Bukas ang pagkakataon sa bawat blogger, ka-blogs  –  sa loob ng tatlong buwan pagkalathala nito… I-a-anunsyo ang nanalo dito sa DPSA, sa pamamagitan ng isang blog post. Maari rin  siyang mag-guest blog dito, kung nais…

 

Naito muli – Gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig? Gow! 😉

 

Advertisements

matuklasan at mabatid

 

 

Maligayang Buwan ng mga Puso sa ating lahat… 🙂 Love on, ba’t ba? 😉

 

I-click ito para sa liriko ng awitin.

 

Si Yolanda at ang mga puno ng niyog

 

Hello, ka-blogs… Kumusta kayo matapos itong bagyuhan? Ay, hanging pampasko na, napansin nyo rin? Kahapon pala, paggising ko, napansing may snow sa site, nanlalaglag sa screen ng WordPress, hihi. Natuwa ako, countryside na countryside ang dpsa, sa tropikong bansa, tapos may snow? Aliw… Anupaman, masayang pagbati sa panahon ng kapaskuhan… 🙂

 

Tungkol sa ating paksa, napansin nyo rin marahil ang mga puno ng niyog sa mga lugar na hinagupit nitong napakabangis na bagyong itatago natin sa pangalang Yolanda, ahihi. Oo, yon, tanging sila ang naiwan matapos ang pagwawala ng kalikasan, ahaha. Last one standing lang ang peg ng mga nasabing puno – tall, stately and proud – sila na… 😉 So, bakit nga at paanong sila ang tanging naiwan?

 

Image of a part of the Visayas that has been hit badly by supertyphoon Yolanda

Tila kalansay na lamang ng lugar ang natira sa mga pook na tinamaan ng mahigpit ng bagyong si Yolanda o Haiyan… / globalnation.inquirer.net

 

Ay, kakaibang bagyo itong lola natin… Kinaya niyang buhatin ang mga sasakyan at ihagis ng kung ilang metro, hoho. Itinumba niya ang mga poste ng koryente at telepono, inihampas at iwinasiwas ang mga iyon sa mga gusali, kainaman na. Habang pinapanood, parang hindi totoo? Parang palabas sa cartoons, ay… Hindi lang niya binali ang mga sanga at katawan ng kalalaking puno, binunot pa niya ang marami – kasama ang mga ugat – bago ihinandusay sa tabi-tabi. E, tayo, dito sa Pinas, nakagisnan na natin, dalawa o tatlong puno lang sa isang village ang karaniwang naitutumba ng isang malakas-lakas na bagyo. Balita na sa atin pag may punong naitumba, oo. At mas madalas, kaya ang mga iyong i-clear out ng authorities, sa loob ng dalawang araw…

Sanay na tayo sa mga bagyo, ahaha. Tayo na… Pero yon, mas sanay tayo sa bagyuhang pagkakadilim ng paligid, umaalulong ang hangin at may nagliliparang mga yero ng bubong. Pag minsan, may kasamang mga bintana, ahaha. Ay, hindi si Lola Yolanda. Sabihin na natin, ini-level up, up nya ang bagyo experience ng mga Pinoy… 😉

 

Iyon ang isa, may kasama si Yolandang “storm surges of the sea,” term na nito-nito na lang natin narinig. Sa madaling salita, nagkaroon ng sariling buhay, galit at galaw ang mga alon ng dagat. Umahon sila at nanalasa sa mga pampang, hinabol ang mga tao, kainaman na…

Kung inyong mapapansin, sa mga lugar na matatagal nang tirahan ng mga tao, sentro madalas ang tabi ng tubig. Naroroon ang maraming istruktura, may pamilihan at siyempre, may pantalan o port… Wala naman, iyon lang mga iyon ang binayo ng storm surges. Alala nyo yong sa Bibliya, ang wall of Jericho? Ayon, parang ganoon ang ginawa ni Yolanda sa Tacloban at sa coastal villages sa Kabisayaan – ni-ram through ng mga higanteng alon ang breakwaters at structures doon, ang una sa line of defense ng mga lugar sa tabing -dagat …

 

Anyway, mabalik tayo sa mga puno… Ang dramatic ng shots na ravaged ang buo-buong lugar tapos, tanging mga puno ng niyog na panot sa isang side ang natira, o, di ba? Post-apocalypse scenario, hoho… Tapos, ang camera man ni Anderson Cooper, panay ang pakita ng mga patay na taong nakahandusay sa daanan at sa tabi, pambihira… Anyway, ang kwento, habang dumarami ang mga nakahandusay – formerly animate and inanimate objects – tumataas at bumibilis ang fund-raising for the victims sa West, lalo pa sa Europe. Ewan ko, hindi ko rin alam ang eksakto, pero fever-pitch daw – dinaig pa ang sabungan pag may special derby, ang auction houses sa kasiglahan ng bidding at ang stock exchange, pag araw na masiglang-masigla ang trading, kainaman na… Hindi raw nababakante ang mga telepono sa telethons – para sa mga nasalanta ng pasaway na si Yolanda. Ayon…

 

Bakit pala na-shock ang mundo sa mga patay na ilang araw na ay di pa naililibing? Di nga, seryosong tanong… Bukod sa health consideration at sa amoy, amoy na naaamoy ng typhoon survivors at delikado sa kalusugan ng mga bata, ano pa ang meron doong ikinagimbal ng mga manonood? Sapagkat, saanmang lugar at sa  anumang kultura, parating may paggalang sa patay. Yown… Kung maalala natin, kahit sa panahon ng gera, basta may pagkakataon, ang mga sundalo ay humihinto at kung di man nila maitabi ang bangkay, isinasara nila ang mga mata at inilalagay sa gitnang bahagi ng katawan ang mga kamay nito – tanda ng paggalang at pagbibigay-pugay sa buhay. Ayon…

So, unang pagkakataong nangyari, wari ko, na may na-witness ang mundong ang itsura at pagkakaayos ng mga patay ay pareho pa rin, matapos ang ilang araw… Sobra-sobra marahil ang shock ng mga naiwang buhay sa naranasang bagyo – na-traumatized at na-paralyzed ang marami sa kanila. Iyon din marahil ang paliwanag — bakit marami sa mga nanghihingi at naghahanap ng makakain – children survivors — walang lakas at huwisyo ang matatanda para sila ang maghanap at dumiskarte. E, siyempre, mas mabilis mag-bounce back ang mga bata, sila ngayon ang lumalabas sa evacuation areas at sa temporary shelters – para maghanap ng tubig at makakain. Parang pag may pista sa mga baryo? May mga batang naghilera sa kalye – hinaharang nila ang bawat makitang sundalo, rescuer, foreigner at journalist – hininihingian ng tubig, pagkain at tulong. Ang lungkot, sa totoo lang… ^^

 

Image of mature coconut plants

Habang tumatagal, papatangkad rin ang puno ng niyog/ http://www.colourbox.com

Balik na tayo sa kwentuhang puno ng niyog… Itinuro yaan sa atin noong elementary – versatile na puno ang niyog. Bawat bahagi raw nito ay may gamit – nagagawang mantika, bunot, walis-tinting, construction materials at iba pa… Doon sa amin, mas appreciated ang puno ng niyog bilang panghati ng hangganan ng lupang pagmamay-ari. Oo, ahaha, parang pambakod ng property sa amin ang puno ng niyog? Pag pumaroon kayo, mapapansin nyo, basta hangganan ng ari-arian – may marker na puno ng niyog – dalawa hanggang limang puno sa dulong bahagi ng property. Maliliit lang ang cut ng lupa sa amin – kalahating ektarya hanggang dalawang ektarya sa isang magtatanim o magsasaka. Tapos, ang isa pang purpose ng pagtatanim ng niyog, para patibayin ang border o hangganan, para hindi dumausdos ang lupa. Pinipigilan ng mga ugat ng niyog ang soil erosion, para hindi bawas ang lupang ari-arian matapos ang sampong taon, ahaha.

 

Pero sa lugar namin, hindi main product o pangunahing kalakal ang bunga ng niyog. Iyon lang may malalapad na lupang hindi tinataniman ng ibang crops ang naglalaan ng lupa para gawin sadyang taniman ng niyog. Ilan lang ang alam kong nag-kokopra ng niyog, doon sa amin. Bakit? Sapagkat ang puno ng niyog ay nangangailangan ng malaking espasyo, ahaha. Jealous plant ang niyog, mga kapatid, ayaw nya masyadong mag-share… Ang alam ko, doon sa amin, 30 hanggang 50 hakbang ang layo ng itinatanim na puno ng niyog – para lumaki ng maayos at mamunga, ahaha. Tapos, sa lupa sa mga pagitan nila, ilan lamang klase ng halaman ang pwedeng itanim, iyong mga hindi mang-aagaw ng nutrients ng lupa gaya ng monggo, sitaw at tapilan, ahaha. Isa pa, ilang taon muna ang hihintayin – bago ang isang punong itinanim ay mamunga, mapitas para magamit pansarili  o maipagbili… Kaya kung ang isang magtatanim, may iisang ektarya lang na lupa ay sa mga niyog aasa, malamang magugutom muna siya at ang kanyang pamilya.

 

Larawang karton ng mga puno ng niyog

Matitibay raw at maasahan ang mga puno ng niyog, maging sa oras ng sakuna/ rahulmax.deviantart.com

Noong maliit pa ang blogger dito, bago mag-grade one yata, nakakita ako ng lupang kini-clear para taniman ng hindi niyog, ahaha. Bale, ang ginawa ng mga magtatanim, pinutol ang mga puno ng niyog, saka hinukay ang mga ugat. Alam nyo gaano kalalaki ang mga ugat ng matatandang niyog? Sinlalaki o mas malalaki pa sa bahay, ahaha. Marami, malalim at sapin-sapin ang ugat ng puno ng niyog – parang isang community, ahihi. Iyon siguro ang patunay – bakit jealous plant ito at bakit matibay ang kapit ng punong niyog sa lupa, kayang manatili at indahin ang mga hambalos ng napakalakas na bagyo… Si bagyong Yolanda, may mga puno rin ng niyog na nabunot, nabali at naitumba. Pero ang hula ko, hula lang naman, ang mga iyon ay mga punong mas bata… Marahil, sila ay 20 taon pababa ang gulang. Ang mga naiwang nakatayo, mga puno ng niyog na 30 to 50 taon na ang edad, ahaha. Ang tatangkad nila, parang hinahamon ang super bagyo, ipinapakita – may nilalang na kayang mabuhay at tumayo, matapos ang malupit na pananalasa… 🙂

 

Comment kayo, ka-blogsMay naaalala kayong kwento sa mga itinuro sa atin ukol sa puno ng niyog noong elementary? 🙂

 

Nagsusulsi, Nagtatagpi

 

Sinauna akong tao, mga kapatid… Ikinakabit ko uli ang lumuwag o nalaglag nang butones ng damit, nagsusulsi at nagtatagpi (patch) pa. Nitong huling bagyuhan, mga ganyan ang ginawa ng inyong lingkod, haha, habang balot sa dilim ang paligid at tila walang katapusan ang mga patak ng ulan.

Ako rin iyong madalas pang magdala sa repair shop ng mga nasirang payong at sapatos, ahaha. Ang pananahi, namana ko sa nasira naming lola. Nanay, kung siya ay aming tawagin… Ang pagpapakumpuni ng sapatos at payong, sa pinakamatanda naming kapatid ko naman nakita at ginaya, hihi… A, e, si Ate, mga 15 years na yatang di nagagawi sa pagawaan ng payong? Parang… Ako na lang ang affected sa kagawian, harhar…

 

Image of scissors and sewing tools

Ahaha, doon me sa liga ng mga taong may sewing box, pasensya naman/ http://www.sewnews.com

Ewan, may kung anong kasiyahang hatid sa akin, pag nagagawa ko ang mga gawaing ‘yan… Nakakatulong din, para makatipid maski paano. Nagagamit pa ang bagay na nagkadepekto, pero pwede pa naman, hoho. Magagamit pa, maski di na bago, ako na… Gaya rin ng iba, ipinapaputol ko ang luma o kupas nang jeans, ipinapagawang shorts.

Sa T-shirt, ginugupit ko madalas ang kwelyo at binabawasan ang manggas. Tapos, dinadala sa mananahi, para padaanan sa edging machine. Mas comfort na ang habol, kesa sa pagtitipid… Ginagawa ko rin, binibilhan ko na ng kapalit ang bagay na nasira, pero ipinapakumpuni ko pa ang dati. Alinman sa  gagamitin pa, ipapasa na sa kasamahan o ipapamigay sa mga dumadaang nasunugan daw. Pero, mas madalas, inaayos o ipinapa-repair ko muna, ahaha. E, suplada at suplado kasi ang mga pagbibigyan – sinisinop ko muna ng onti. Baka may masabi pa, harhar…

 

Sa kabilang banda, hindi ako gaanong attached sa mga materyal na gamit, wari ko lang. Medyo madali akong hingian, arboran  at hiraman –  ng wala nang solian… Madalas mangyari ‘yong  hiniram sa akin ang gamit, sa pangatlong beses, ibinibigay ko na, ahaha. Lalo pa pag bagay ang gamit o damit sa nanghiram at di ko naman paborito. Ewan…

I want things to be put to good use, yown ang kapaliwanagan… Pero, sabi naman ng iba, maarimunhan daw ang ganoon. Mahinayangin?. Marks of poverty raw o hang-up, sus.  Baka nga, malamang… Anlagay, di pa naman ako yumayaman at baka hindi na, haha. Dumaan na rin sa panahon, financially maluwag ng konti. Pero kurips pa rin, hihi… Kung ilan ang mga kapatid namin, walang-wala. Ayon, am easily affected, harhar. Haybuhay…

 

Image of colorful threads

Masaya pa ang lola nyo pag may bago syang sinulid, haha/ http://www.craftsbee.com

Anupaman, ako na lang yata sa amin ang matiyaga pang magsulsi at nagpapa-repair pa, patatawarin… Ang mga kapatid, sanay na rin sa mabilisang pagdi-dispatsa at pagpapalit. ‘Yong usual na katwiran – wala na silang time para sa mga ganoon, sows. Pero, hwag kayo, may time sila para sa primetime telenobela, whehe.

Ang blogger naman dine, di matyaga pag sa TV papanoorin gabi-gabi ang kadramahan. Nanonood din, from time to time, pero sa dyapeyks na DVD, haha. Pag Byernes at Sabado – marathon mode, pampa-eyebag… Actually, di ko alam, nagkaka-eyebag din naman, pag weekdays. Hindi nga lang dahil sa telenobela. Mas dahil sa kapupuyat, ahaha…

 

Anyway, pag primetime na mga palabas, yon naman oras ng lola nyo para dalaw sa repair shops, hihi. O, makikita nyo ako sa sala – nakikipakinig ng TV –  habang nagsusulsi. O, kaya, nananahi sa kamay – habang nakikinig ng music sa Youtube. O, yan, medyo modern na ng onti -YouTube, ahihi. Basta, sa akin, nakaka-relax ang gano’ng routine. Ang boring ko lang na nilalang, true. Nai-enjoy ko pa rin sa buhay parati – ang magtasa ng lapis, hihi. Ganyan me kawagi. At, sabi sa inyo – sinauna… 😉

 

Image of a girl happily sewing away

Relaxing para sa akin ang pagsusulsi ng damit, parang pagga-garden/ http://www.creative-stitchers.co.uk

 

Pagbati sa inyo, kaway-kaway… 🙂

 

Pakiramdam

Hello, ka-blogs! Reblog lang po muna uli, pasensya na… 🙂 One of the early posts rin itong Pakiramdam. Dito, sinilip ng bahagya ang papel ng emosyon sa tao at bakit parang may love-hate relation ang mga kabataan sa emosyon, ahaha. Gusto ko rin ang post na ito, among sa mga naisulat. Feeling ko, naka-tsamba rito, ahihi. ‘Yon lang, parang it raised a few sets of eyebrows din yata… Kumbaga, parang ang daming topic na napagdi-diskitahan ng blogger dito, pasensya na… Sari-sari nga yata ang napapansin, kainaman na…

Have a good week, mga kapatid. Cheers! 🙂

 

doon po sa amin

Sa subject namin noong Humanidades o Humanities, doon ko naalaalang tinalakay ang paksa ng pakiramdam. Nababanggit ko ito dahil madalas kong maengkwentro rito sa blogosphere ang salitang emoshit. Ako nga pala ang tipo ng taong mabagal maka-catch up sa usong salita. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng XD na lagi kong nakikita sa blogs… Anupaman, ang kuha ko, pag usapang pakiramdam na, kailangan may kasunod agad na pagtanggi o mura para maging katanggap-tanggap.  Tila sa kasalukuyan, hindi dapat i-dignify ang nararamdaman ng isang tao.

 

Ang Humanidades nga pala ang araling tumatalakay sa ugnayan ng tao, lipunan at panitikan. Ang natatandaan ko rito, ‘yong diagram na may tatlong bilog na pinagkabit-kabit.  Isa sa sinasabi rito, mahalaga raw ang pakiramdam sa tao at sa buhay.  Kung wala raw kasi nito, walang magiging tulak o motibasyon ang tao para gumalaw, mabuhay at…

View original post 774 more words

Parang Puputok

 

Hello, ka-blogs! Pasaway daw ang pamagat ng post, hihi. Deterrence ang ibig nitong sabihin, isa sa mga laganap na prinsipyo sa ugnayan ng mga bansa o International Relations. It is the threatened use of force for political and military purposes. Stockpiling of arms ng mga bansa ang naging outcome ng patakarang ito… Siyanga pala, totoong tao si Professor, ang teacher namin noong nag-i-stutter in eight (8) languages, hahaha. Pero sa kaklase ko noon nangyari ang kwento, di sa akin and to a large extent, pinalabnaw ko na ang kwento. Para sa mga pamangkin din, kaya naisulat ang post. Isa pa, dito ko yata tinangkang i-introduce ang ideya – wala nang mga palayan – doon sa amin… Sana ay maibigan ninyo. Happy rainy season… 🙂

doon po sa amin

 

Minsan, tinawag ako sa recitation sa subject naming International Relations (IR). Ito ‘yong subject namin noong 600 pages ang required na basahin kada linggo. Ang professor namin dito ay ‘yong tipong nangongolekta ng Ph.D. Tinawag ako ni prof at ang sabi, pagkumparahin at pag-ibahin ko raw ang SALT I at ang SALT II.

 

 

Obi-wan kenobi!Alam ko ‘yon!’ Umabot hanggang doon ang pagbabasa ko ng lesson. Kaya, medyo listo, discuss-discuss naman ako. Dire-diretso. Panay passive voice pa ang English para impressive. Binubuo ko parati ang pagsasabi – Strategic Arms Limitation Treaty.

 

 

Habang nagsasalita ako, nakahalukipkip si Gleek professor. Ang mga tingin niya sa akin ay parang nagsasabing  alam niyang 46 lang ang IQ ko. Hindi ako nagpapa-apekto. Ang mga kaklase ko namang nasa unahan ko at gilid, yukung-yuko. Naghahabol ng pagbabasa habang pinapaliit ang mga sarili para…

View original post 244 more words

kailan huling nagpasya ang iyong puso?

 

Handa na ba akong umibig? Iyan ang nakakawindang nating tanong ngayong araw. Handa na ba kayo? Ha, ha, ha… 😉

 

image of love defined

Marami ang kahulugan at pakahulugan sa pag-ibig/ matavuvale.com

Pag kahulugan na ng pag-ibig ang pinag-usapan, kaya nating pumuno ng blackboard na mas mahaba pa sa EDSA sa dami ng maisasagot. Kesyo love is a many-splendored thing daw, kesyo love is like a resting place at kesyo love hurts and scars and mars (sige, mas corny, mas maganda). Yown naman! Siyempre, laging may katuwang iyang mga salitang foolish o hangal, wound o sugat at pain o sakit. Hmmn… Bakit nga ba? Ba’t ang hirap mong mahalin? Tsos! Ba’t di mo makita kung gaano kita kamahal – bulag ka ba? Ha, ha…

 

Ba’t nga ba ang hirap bumukas at pumasok sa larangan ng pag-ibig? Ang hirap ding umalis at lumayo pagkatapos. Pag usapang pag-ibig na, dyan madalas lumabas ang mga salitang may y sa dulo. Yes. Gusto nyo ng sample? O, eto: baby, mushy, corny, tricky, heavy, bloody, sticky, funny, starry, messy, crazy at iba pang ka-ewan-an.

Parang nakakatakot na nakakakilig na nakakasaya, nakakalungkot, nakakabagbag-damdamin at nakakabaliw. Iyan ang pag-ibig. Isa siyang pagsakay sa tsubibo – mararanasan mo lahat ng range of emotions na naka-display sa counter, ha, ha. Pero, ako, since romantic ako kahit di halata, ang paborito kong analogy o paghahalintulad sa pag-ibig, kay Victor Hugo. Oo, iyong andoon sa nobela nyang Les Miserables.

Tatlo o apat na beses ko yatang binasa ang librong ito – ang kulit lang. Hindi pa rin ako nagkaroon ng matinong pag-ibig. Ha, ha… Ano, dapat isang beses lang? Oo, sabi ko rin nga…

 

image of love defined

Maigting at mahigpit ang damdamin para sa minamahal / bloglovin.com

Sabi sa librong iyon, love is like a pebble on your shoe. Yown naman! Binibigyan ka raw nito ng matinding discomfort pero hindi mo naman maalis-alis, haha… Ang saya, di ba? Ikaw na ang di makapaglakad ng tuwid, parang laging may sinusungkit at ipinapagpag at, pahintu-hinto ang lakad. Inlababo, patatawarin! Ikaw ‘yon. O, ako ‘yon. O, tayong lahat ‘yon pag tinamaan na ng matinding virus na walang available na anti-dote. We are doomed to suffer, ‘ika nga.

Pero bakit nga ba ganoon ang pag-ibig? Magulo, maligalig at nakakawindang – susmaryosep! Gusto nating lahat ng tahimik na buhay, iyong walang manggugulo at wala rin tayong guguluhin… Papasok sa umaga, maggo-grocery sa pagabi at uuwi ng bahay para magluto, kumain at matulog. Tapos, bukas ganoon uli. Walang problema, walang hassle. Iikot ang mundo, kasama tayo. Payapa ang ugnayan natin sa sangkatauhan at hindi natin iistorbohin ang predictable, kundiman, proper functioning of the universe.

 

Di ba sabi natin dati, kaya tayo andito sa blogosphere ay nagpapadala at tumatanggap tayo ng sangkatutak na mensahe at signals across the universe? Oo, baka sakaling may makakarinig o makakasagap ng ating secret codes at ang tao na ring iyon ang bahalang mag-decode at mag-process nito para ipadala pabalik sa atin. Ang saya lang, di ba? 🙂

Ganoon pa man, andito tayo, sumusuntok sa buwan sa pamamagitan ng ating mga sulatin, pagguhit at paglalarawan. Umaasang sa escapeworld ng blogosphere, makikita’t matatagpuan natin ang mga di natin nakita’t napagtagumpayan sa totoong buhay… Ang adik lang, oo. What are the odds?, sabi nyo. What are the chances?, sabi ko rin nga… 🙂

 

image of stock market figures

Tuluy-tuloy ang salubungan ng mga numero/ ipprospective.com

Ganito, doon sa mundo na kung tawagin ay stock market o securities industry, mayroon doong tinatawag na matching o pagtatagpo ng mga bumibili at namimili. Ng stocks, siyempre…  Ang kinukwenta rito palagi ay ang dami o volume ng stocks at ang presyo nito. Kaya sa pangkalahatan, dalawang kategorya lang ang transaksyon dito: to buy and to sell. So, ‘yon. Parang ang simple, di ba?

Pero sa totoong buhay, hindi. Komplikado sya. Application sya ng lahat nating inaral na formula sa kaibig-ibig na subject na Algebra, haha.  Lahat ng axioms, theorems at derivatives na iniwas-iwasan ko noong araw – andoon.  At working gear, ’ika nga. Hindi pwedeng theories lang. So, ‘yon. Ano ang koneksyon ng stocks sa pag-ibig, sa atin at sa universe? May perfect matching na nagaganap do’n. Yon.

 

Pero ang stock market sa Pilipinas, hindi 24 hrs. bukas. Dati, sa umaga lang – mula alas nuwebe hanggang alas dose.  Ngayon, meron na ring trading na panghapon, experimental stage pa lang. Pero ‘yon, hindi 24 hrs ang pamilihan.  Ang pinagtitiyap sa stock market ay puro numero – volume at price per share. Pag nagkakataong parehong-pareho ang order to sell and order to buy, nagkaka-perfect matching. Hindi lagi, pero nangyayari ang gayon. Iyon.

Ang blogosphere, 24 hrs ang pag-inog. Tuluy-tuloy ang pagsusulat, paglalathala at pagpapadala ng secret codes all over the world. Sumasakay ang ating mga sinulat sa isang higanteng infrastructure na kung tawagin ay host site na partner ng dambuhalang search engine companies na may kontrata naman sa mga kompanyang nagpo-provide ng internet connection – sa iba’t ibang panig ng mundo. Nabubuo nyo ba ang larawan? O, yown! 🙂

 

image showing how routers make possible the connection

Diagram na nagpapakita paano nagaganap ang ugnayan ng PC user at infrastructures/ cisco.com

Pag nagla-log in tayo sa ating mga bahay-bahay, opisina o PC shops, doon ‘ika nga ay umuugnay o linked tayo sa mundong ginagalawan ng lahat ng internet users. So, ‘yon. Upo tayo para sulatin at ilathala ang ating mga likhang magpapatawa, magpapaiyak at magpapakilig sa isandaan, sa isang libo, sa isang milyon o sa sampong milyong tao sa universe… Kumbaga, we hope to set the world on fire with our writings. O, di ba?

 

diagram showing the conection of internet users

May hardware at infrastructure na tinutuntungan ang ugnayan/ jabrauum.blogspot.com

At kung hindi man tayo magtagumpay, at least, naistorbo man lang natin ang universe sa loob ng isang minuto – may isa tayong napatawa, napaiyak o napakilig sa isa nating sinulat. Ganyan yata tayo kaaadik. Ha,ha, natawa ba kayo? 😉

 

Mabalik tayo sa pag-ibig at bakit ako o pati iba sa inyo, nahihirapang hanapin ito. Samantalang isa lang naman ang ating hinahanap? Isa sa kulang-kulang na pitong bilyong tao… Kung tanungin kaya natin ang bloggers na mahuhusay sa Math at sa kwentahan? Ha, hwag na? Marami rin ba sa kanila ay loveless? O, sige, hwag na lang. 😉

Sasabihin ko sa inyo ang isang sikretong alam nyo na rin naman, kung tutuusin – ang bawat isang tao ay katangi-tangi o unique. Yown! At hindi tayo puro numero lang. Sabihin na nating may numero rin: isang ulo, dalawang kamay, isang puso, dalawang atay, dalawang paa atbp. Mayroon ding: dalawang magulang, isang bahay o tirahan, 14 na taon sa eskwelahan,  at least, tatlong sets ng kaibigan at iba pa.  Pero malinaw, hindi tayo panay numbers lang.

 

Image of lovers in a tight embrace

Hinahanap natin ang magiging katuwang sa buhay/ live-wallpaper.net

Mayroon daw tayo noong tinatawag na sensibilities? Ang ibig sabihin daw nito sa Tagalog ay katalusan. Ang malapit na kahulugan nito ay keen awareness. Hindi ako sigurado kung sadyang aware ang mga taong umiibig o pansamantalang tinatakasan ng awareness, haha. Pero dito sa pack ng sensibilities, dito naroroon ang mga pagpapahalaga natin, ang pagkakasunud-sunod ng mga ayaw at gusto natin at ang mga sinasalubong at tinatakbuhan natin sa buhay bilang tao. ’Yon. At pag naghahanap daw tayo ng katuwang sa buhay o pag-ibig, iyon daw ang hinahanap natin – ang taong may sensibilities na kahawig, kundiman kapareho, ng sa atin. Pwede? Hmmn…

So, what are the odds nga? Mataas. Ang laki kaya ng populasyon ng tao? Ha, ha… Tuluy-tuloy ang andar ng makinaryang nagpapanagpo ng mga naghahanapan. At hindi lang dito sa blogosphere, ha? Dagdag na venue na lang itong huli nitong makabagong panahon. Bagong hunting ground, kumbaga. O, pwede ring sabihing last frontier para sa mga kagaya ko, hi, hi… Tapos na raw ang era ng disco, bowling alleys at clubbing.  Merong bago – ang blogosphere. Ha, ha, ang kulit lang… Siyempre, laging place of ill repute ang dating – hanapan, landian at matching. Pero bago tayo mapunta sa usapang kabastusan, mabalik tayo sa huntahang esoteric. Naman…

 

Pag naghahanap daw tayo ng pag-ibig o katuwang sa buhay, hinahanap natin ang isang taong kakatawan sa sangkatauhan sa buhay natin. Weh? Di nga? Oo, iyon ang sabi. Di ba, wika nga sa Ingles, “You mean all the world to me” ? Yown naman! Bale, tall order, ano po? Representative of mankind, huh? Parang mas madali yatang pumili ng congressman? Itong taong hinahanap na ito – isang ispesyal at magandang nilalang – sa paningin noong naghahanap. Susmaryosep! 😉

 

Ano ang magiging papel ng ispesyal na taong ito sa buhay nitong si naghahanap? Kako nga, kakatawanin lang naman niya ang sangkatauhan at ipapakita nya sa nakakaibig sa kanya kung anu-ano ang mga maaaring pangyarihin sa mundo. Iyon lang naman… Siyempre, sa mas payak na usapan, ang ibig sabihin lang nito – isang taong sasama, mag-aaruga at makikialam sa buhay ng taong naghahanap, sa isang taong umiibig. Kasama niya sa pagtuklas, pagharap at pag-unawa sa mga hamon ng buhay at pangyayari sa mundo. Katuwang niya sa pagtupad ng mga pangako, paghabol ng mga pangarap at pagpapagpag ng mga alalahanin sa araw-araw, sa isang tila napaka-imperfect na universe. Yown!

Siya ‘yong isang taong kahit pa nagde-deliver ng pinaka-historical na speech si Obama, kahit pa halimbawa, nagka-security problem si Pinoy habang namamahagi ng bigas sa komunidad at, kahit pa nagkakandabuhul-buhol ang traffic sa EDSA, iisa pa rin ang sabi: “Kumain ka na? Hwag kang aalis dyan, susunduin kita.” Ikaw ang kanyang universe,  pinaka-VIP  ng sangkatauhan.

Dalawa kayo – pwede nyong sabayan ang pag-inog ng mundo, paminsan-minsan ay istorbohin ang takbo nito o together, you can set the world on fire. 😉

 

image of lovers' shadows on the grass

Katuwang at kasama sa laban ng buhay/ ecomii.com

 

Teka, tinatanong nyo pa rin ba kung ba’t ako single? Kayo na! 🙂

 

Maaring patugtugin ang videos sa ibaba:

 

 

 

*Mga ka-blogs, bukas ang comment section, pero no heckling, hooting and howling. Wala rin sanang defamatory languages at mudslinging. Dapat behaved tayo para hindi tayo puntahan dito ng Senate Sgt. of Arms, ahaha… 😉 O, sige, gow!