Archive for Hunyo, 2013

Paano sila umibig noon?

 

Paano nga kaya? Passionate, siguro… Iyon ay kung ang pagbabatayan natin, ang mga sikat na kanta noong araw, gaya nito…

 

 

 

 

Talagang ramdam, e, ‘no? Ang singer, isa sa sikat na manganganta sa buong mundo, noong araw. Madame or Dame, kung i-address siya ng mga tao, ahaha, isa raw siya sa mga naunang diva… At, pangita naman, hano? Talented at self-styled na mang-aawit at performer, isa si Shirley Bassey  sa mga hinahangaan at ginagaya ng Inay namin noon. O, di ba? Ayon, pamilyar ako sa ilan niyang kanta, hindi sa pakikinig sa radyo (di ko na yata naabutang pini-play pa sa radyo ang mga kanta nya). Bagkus, dahil kinakanta ni Inay ang songs nya, hihi…

 

Ay, ang Inay pala namin, medyo ganyan din ang personalidad, di nga… Naikwento ko rati, galing siya sa maykayang pamilya at bunso sa magkakapatid, haha. Ang personality niya, parang si Shirley Bassey, na si Pilita Corrales, na si Rosa Rosal. Oo, haha. Medyo madali ang conclusion, mga kapatid… Kaming mga anak niya, mapupusyaw ang personalities, hihi. Kumbaga, nasanay yata lahat kami – ang Inay ang bida sa pamilya. ‘Yon. Medyo ganoon siya. Pag pumasok siya sa isang kwarto, may taong tatayo at kaagad siyang bibigyan ng silya, haha. Sa pangkalahatan, hindi si Inay masalita. Tahimik man sya madalas, commanding ang kanyang presence

 

Ito pa pala ang isa sa mga madamdaming awit ni Dame Shirley Bassey, kaganda lagi ng curls ng kanyang buhok…

 

 

 

 

Noong panahon ng nasabing singer, may star system na tinatawag sa industriya ng musika at pelikula. Ang mga artista at mang-aawit na mahuhusay, malalakas ang personalidad at tinatangkilik din ng marami, ibini-build up daw ng husto ng studio nila… Pero, kung pagbabatayan natin ang sabi, ang mga sumisikat daw na public figures – kumakatawan sa spectacular na mga pangarap, sa wild na mga ambisyon at mga pagkainip at escapades ng mga tao – maari sigurong isipin, kabaligtaran sa passionate ang pagmamahal ng karamihan noon… Kumbaga, the mass audience were hardly getting enough love in their private lives, sa mga kantang pinipili at pinakikinggan man lang, masabing sila ay masugid at marubdob magmahal, ahaha. Sa tingin nyo, mga kapatid? 🙂 Pasaway yata, masyado… ^^

 

Isip ko tuloy, nitong huli, uso ang kantang Call Me Maybe. Sa biglang tingin at pakinig, unsure and undecided… Sa pribadong buhay kaya ng mga kabatang tumatangkilik sa awitin – andoon ang sigla, kapangahasan at pagpapasya – pagdating sa pagmamahal? 😉 Naiisip lang, ahihi.

 

Sa tingin nyo, mga kapatid? 🙂 Siyanga pala, love on! Bakit ba?  Magandang linggo, mga kapatid…

 

Advertisements

Ang ugat ay siya ring bunga

 

Hello, ka-blogs! Kwentong ube tayo, ahihi… Alam nyo ang ube, sure me much. 😉 Purple yam ito sa English. Isa itong uri ng tuber or rootcrop. Iba pala ito sa taro, mga kapatid. Tuber din ang taro at malapit na kamag-anak ng ube, pero magkaiba sila… Nakakain ang ube at masarap, walang tututol, hihihi…. Halayang ube, anyone? Oo, siyempre, nakalagay sa halo-halo, sarap! Purple yam jam nga pala ang halayang ube sa English, mabanggit lang… 🙂

 

Image of purple yam jam

Halayang ube, isa sa masarap at kinasanayang minatamis ng mga Pilipino/ wanderingchopsticks.blogspot.com

 

Ang ube, isa sa mga halamang-ugat na paboritong itanim ng mga taga-amin, bukod sa luya, hehe. Bagay ang ube sa lupa roon… Tapos, hindi ito high maintenance na pananim. Basta maganda ang lupang taniman, medyo malamig at may kaunting espasyo – malayu-layo sa iba pang pananim – nabubuhay at lumalago na itong halaman.

 

Image of a puple yam tuber with sapling

Tanim na ubeng may suloy na/ en.wikipedia.org

Ang pagtatanim pala ng ube, para ring pagtatanim sa kamote at patatas. Pipiraso ng ubeng magulang, malulusog at may mga mata – siyang itatanim. Maliit lang, about two inches na cubical, ilalagay sa hinukay na lupa. Tatabunan yaon at regular na didiligin. Ang kapirasong tanim, pag nakailang-linggo, magkakasuloy na, ahaha. Pagnakailan, iyon ay lalago… Habang lumulusog ang mga dahon sa itaas ng halaman, nagkakalaman rin at lumalaki ang mga ugat nito sa ibaba, sa ilalim ng lupa. Nakakamangha, nakakagiliw…

 

Para rin nga palang kamote o sweet potato ang halamang ube. Bukod sa kulay ng kanilang laman, ang kaibahan ng dalawa, ang puno ng ube ay mas matingkad ang vine-like property. O, ha, may vine-like na nalalaman, shaks… Oo, mas gumagapang ang puno, mga sanga at dahon ng ube kaysa sa kamote. Ewan ko lang, bakit…

 

Image of purple yam plant with green, healthy leaves

Hugis-puso ang mga dahon at uri ng halamang gumagapang para mabuhay at lumago/ en.wikipedia.org

 

Pareho sila ng kamote – gumagapang at pumupulupot sa balag o katabi nitong shrub o kaya, poste… Pero, kung tama ang na-observe ko, ang kamote, pwedeng walang gagapangan sa loob ng isaang  yarda o isang metro, pero makaka-survive pa rin at lalago. Pataas… Samantalang ang ube, isang foot rule pa lang ang suloy, kailangan nang lagyan ng kawayan o posteng makakapitan. Kung hindi, babagsak itong halaman sa lupa, mamamatay. Para itong baging, baging na malambot ang mga tangkay at dahon…

 

Image of a robust purple yam plant in a backyard

Kulay lila ang gilid ng tangkay at outlines ng mga dahon ng halamang ube/ davesgarden.com

 

Sa amin, ang mga tanim na ube, may sariling balagan o trellis. May gapangang ginagawa para sa kanila ang magtatanim. May alloted space rin para sa kanila. Pag ginawa silang paningit lang sa ibang mga tanim, hindi sila lumalaki ng ayos. Pag minsan, alternate crop din ang ube. Halimbawa, inaantay pa ang planting season ng major crop, magtatanim muna ng mga ube. O, kaya, nasira ng bagyo ang sadyang tanim, lalagyan muna ang espasyo ng mga ube, para di masayang ang lupa at panahon…

 

Image of clean purple yam harvest

Lumalaki at bumibigat ng husto ang tanim na ugat ng ube/ http://www.imagesphilippines.com

Pag inaani na ang mga tanim na ugat ng ube, sinlalaki ng sanggol na bata o mas malalaki pa, ahaha. May hawig din ang tuber na ube sa luya, parang ganoon din. Mas malaki lang ang size na inaabot ng mga ugat ng ube, kaysa sa ugat ng luya. Bale, ang tanim na luya, maaring lumaki ng kalahating kilo hanggang dalawang kilo ang mga galamay. Ang ube, mga dalawang kilo hanggang limang kilo ang inaabot na laki ng isang tanim. Nakakatuwa… 😉

 

Sa amin pala, pambenta sadya ang ube, kaya itinatanim. Cash crop, ibebenta sa mga mangangalakal ng gulay para dalhin sa malaking pamilihan. Ang gamit nito sa bahay o personal consumption, pang-special occasions lang, pag magha-halaya ng ube – pag pasko, Bagong Taon, pista at iba pang mahahalagang petsa. Kung hindi rin lang, ipagbibili ang inaning ube.

 

Paano na ang mga batang gaya namin noon, parating foraging for food sa loob ng mga balagan? Ahaha. Ay, di problema, sa totoo lang… Dito nag-a-apply ang sabi, Nature provides. Ahihi, paano? Ang ube ay namumunga, ganoon ka-simple at ganoon kadali… Bale, ang ugat o tuber na lumalaki sa ilalim ng lupa, iyon ang ipagbibili at ang bungang ube, pangkain ng mga batang makukulit at parating gutom, hihi. 😉

 

Image of ube fruit

Ang bunga ng ube, sinlalaki marahil ng mga manggang Indian na may buto na, nakabitin itong mga bunga sa halaman/ marketmanila.com

Oo, mga kapatid, bumubunga ang ube ng ube rin. Totoo, walang halong biro… Kasinlalaki ng mga manggang bubot pa – ang bunga nito. Kita nyo ang Indian mango na ilang linggo pa lang namumunga? Parang ganoon kalalaki ang bunga ng halamang ube. Para silang pansabit sa palosebo, mga palamuti sa halaman. Pinipitas namin ang mga iyon noon at inilalaga, parang kamote… Ang galing ng kalikasan, hano? Pag naka-ipon kami ng mga kalahating kilo o isang kilo ng bungang ube, may pang-meryenda na kami, ahaha. 🙂

 

Ano’ng lasa ng bunga? Lasang ube, as in… Di nga, parang ugat rin ng ube. Ayon lang, mas maputla ang kulay nito kaysa sa ugat at mas mild ang lasa. Pag wala na kaming mahukay na ugat ng kamote noon, bunga ng mga ube naman ang kinukuha namin, pampakalma sa mga tiyang pirming gutom, hihi… Sa totoo lang, pag ang ugat ng ube ang inilaga, hindi gaanong masarap… Masyado itong kulay ube at concentrated ang lasa (parang squid). So, happy kami noon pag ang mga tanim na ube, namumunga na.

 

Personally, isa ang ube sa nakaka-amaze sa akin sa mga tanim sa amin. Kung ano ang ugat, siya ring bunga… Ang ugat ay for industrial consumption; ang bunga, for personal and immediate consumption ng nagtatanim. Bakit for industrial consumption? Napaparami kasi ang ube, kayang i-mass produce, kumbaga. Pag nahukay na sila at napagsama-sama, ibebenta sila ng maramihan. Kadalasan, industrial consumers ang bumibili ng mga ito.

 

Pag sinabing industrial consumers, mga mamimili silang hindi kaaagad iko-konsumo ang produktong nabili, kundi ipo-proseso pa nila iyon o gagawing ibang produkto, para maibenta. Ang halimbawa ng industrial consumer – ang mga may gilingan ng bigas sa palengke, ang may malalaking tindahan ng halo-halo at ang mga naglalagay ng ube sa garapon – sweets manufacturers. Pati rin ang mga confectionery and bakeries. Ayon…

 

Image of boiled purple yam fruit boiled and skin removed

Ganito pala ang itsura ng nilagang bunga ng ubeng binalatan/ marketmanila.com

Siyanga pala, medyo matagal ko nang gustong isulat ang tungkol sa ube, para sa mga pamangkin… Hindi na nila ito naabutan. Nakakakita na lang sila ng ube, pag may galing sa Baguio, nakalagay sa garapon, ahaha. Pag minsan, may ubeng ugat sa kusina ng mga bahay nila, bigay ng mga tiyahin namin sa bukid. Naka-stand by sa bilao sa sulok, kung ilang linggo, nag-aantay na may magsipag gumawa ng halaya, hihi… Pero hindi alam ng mga pamangkin – ang ube ay bumubunga. At, sa maraming taon, isa ito sa mga meryenda namin. 😉

 

Ulan at pamamahinga

Image of water in the river flowing

Kung napapagal, mainam ay dumaloy ng marahan/ eclipse-away.deviantart.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagbabalik sa panulat – paglikha ng atmosphere

Image of the earth's atmosphere

May atmospera sa panulat, lalo pa kung ang sulatin ay ukol sa nakalipas/ earthobservatory.nasa.gov

Hello, ka-blogs! Sa isang dating post dito, Papalayo, Papalapit, nabanggit ang pangangailangang likhain muli ng manunulat ang atmosphere, kung ang sulatin ay ukol sa pagbabalik sa nakaraan. Bakit? Para ma-itsurahan ng babasa ang panahon at pangyayaring ikinukwento. Kung walang atmosphere, tuyo ang kalalabasan ng istorya, hindi nakakaganang pakinggan. Malamang din, hindi mabubuo ang karanasan ng bumabasa – sa pagbabalik sa pangyayaring lipas na.

 

Pero paano? Iyon ang tanong. Sa pinakasimple, lalagyan ng nagsusulat ng sights and sounds ang panulat. Mga pangitain at tunog na angkop at natatangi, hanggang maari, sa panahong binabanggit sa istorya. Kung tungkol sa huling dekada ang panulat – dapat naroroon sa kwento ang distinguishing features ng decade. Kung tungkol sa kamakalawang dekada, ilalagay sa panulat ang characteristic features ng mas nauna pang dekada. Kung sa dekadang mas maaga pa, kailangan ay kapado at mas malinaw pa – ang sights and sounds na i-incorporate sa panulat. Paglayo, tila dapat, paglinaw pa… 🙂

Mas malayo, mas malaki pa ang pangangailangang gawing halos andyan at kahapon lang naganap ang lahat. Sa ganoon, mailalapit ang audience sa mga nangyaring gustong paitsurahan sa kanila… Ito ay usapang proximity, kumbaga. Isu-zoom papalapit, para palinawin at gawing mas maganda ang reception. Ito ay upang hindi distorted ang kwento, kundi, buo ang pagdanas o pagsasabuhay muli ng nagbabasa sa mga nangyari. May technique rin, kumbaga… Ito ay para hindi hazy. Kung hazy o blurred ang rendition sa past events, hindi ma-e-engganyo sa pagbabalik ang babasa.

 

Image of the earth's atmosphere with sun rays over it

Ang sights and sounds sa sulatin ang maghahatid ng malinaw na pakiramdam sa mambabasa/ http://www.trottierenergyfutures.ca

Karamihan sa isinulat sa DPSA ay lipas na – mga pangyayari at eksenang naganap bago pa isinilang ang karamihan sa bloggers na Pinoy -pasensya naman… Malaki-laki ang responsibilidad na nakaatang kung gayon, sa balikat ng nagsusulat – to render the events in as vivid a manner as possible. Sapagkat kung hindi, malabong maka-connect ang readers, hindi pa ipinapanganak  o kapapanganak pa lamang, sa panahong ikinukwento … In a way, baka pwedeng sabihin, para itong paggawa ng isang period film. Indie film, siyempre… Kailangang  i-recreate halos lahat. May production set, ahaha. Ipapakita ng mga iyon kung ano ang mayroon sa dati. Once upon a time, in a not-so-distant past…

 

 

Isa sa mga panulat ditong puno ng atmosphere ay ang Pangako ng Tag-ulan. Dalawa ang settings nito – sa city sa kasaluluyang panahon (2011) at sa baryo, 30 taon ang nakakaraan (1981). Nakapaloob sila sa iisang istorya, ang istorya ng tag-ulanan… Sabi roon, may magkakakaibang pakahulugan sa tag-ulanan ang mga tao. Magkakaiba ang ibig sabihin sa bawat tao ng iisang rainy season… Pero saanman, the rainy season always catches one unprepared. Kumbaga, dalawang viewpoints at dalawang pakiramdam ang tinangkang ipakita at ipadama sa mambabasa. Pareho silang balisa, kung tutuusin. Parehong reluctant tanggaping andyan na naman — ang tag-basaan.

 

Napansin nyo marahil, mas enthusiastic ang reception sa tag-ulan ng narrator na taga-bukid (first person speaker) kaysa sa taga-lunsod (second person). Na kung susuriin, may timbang – mas life-generating ang tag-ulan para sa mga tao sa kabukiran kaysa sa tagalunsod. Bakit? Sapagkat sa city, ang tag-ulan ay inconvenience – ibig sabihin ay baha at indoor existence… Sa taga-bukid, kahit pa ang tag-ulan ay may dalang bagyo, ito ay nangangahulugan ng pagtubo ng mga pananim at pagsigla ng kapaligiran. Ang ulan sa panulat ay tumutukoy sa buhay – sa cycle of life, ‘ika nga… Para sa mga naka-depende sa kalikasan para mabuhay – panibagong sigla ang hatid ng tag-ulan. A new lease in life, so to speak.

 

Image of a chart illustrating the water cycle on earth and the atmosphere

Mula sa lupa, aakyat paitaas sa atmospera ang tubig, upang kapagdaka ay bumaba muli/ whyfiles.org

 

Pero strictly speaking, ang Pangako bilang write-up ay kwento (hindi isa lamang sanaysay o essay). Sa gayon, hindi maaring sabihin ng diretsahan ang kahulugan – ang point, ahaha. Kaya, mga paglalarawan ang ginamit sa panulat. Anu-ano ang pakahulugan sa tag-ulan ng isang nilalang? Malamig na panahon, basang paligid at masarap di pumasok at matulog na lang. O, humigop ng mainit na sabaw, ahaha… Sa taga-city, ang tag-ulan ang ibig sabihin – traffic, pagka-late, sapin-saping deadlines at mga lakad na napo-postpone or reset, ahihi. Ayon… Anyway, hopefully, naipakita sa sulatin ang range ng mga pwedeng mangyari – pag tag-ulanan na… Kumbaga, isang byahe ang panulat para tanungin at sagutin na rin – Ano ba ang tag-ulan  para sa iyo?

 

Sa sinasabing nililikha natin muli sa panulat ang paligid at pati ang pakiramdam ng lugar at panahon, importante ang umugnay mismo sa sarili ang manunulat. Tanungin mismo ang sarili – ano ang pakuhulugan ng tag-ulan sa kanya. At dito, wari ay magkakaiba tayo… Maaring ang pakahulugan ng tag-ulan sa isa ay marami noong basahan sa loob ng bahay. O, di kaya, maraming payong sa may labas ng opisina… Sa isa naman, ang tag-ulan, ibig sabihin ay nasa kanya-kanyang kwarto ang kapamilya at pag siya ay lumabas sa kusina – walang taong mabubungaran. O, maari ring kabaligtaran… Pag tag-ulan – laging puno ng mga tao ang kusina – nagluluto si Nanay ng sabaw, hinihintay ng lahat na maluto… 🙂

 

Image of water suspended in the atmosphere

Ipinaghehele muna sa atmospera ang tubig, bago bababa muli sa lupa/ ga.water.usgs.gov

 

Sa gayon, iba marahil ang pakahulugan sa manunulat ng tag-ulan – warmth and togetherness… At pag natukoy na, doon iikot ang istorya ni manunulat. Ipapakita niya sa mambabasa sa kasalukuyan – ang atmosphere ng tag-ulang nangangahulugan ng init –  ng samahan ng pamilya. 😉

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

* Mga ka-blogs, noong sinulat ang Pangako ng Tag-ulan, halos dalawang taon ang nakakaraan, sinulat iyon ng walang gaanong ideya ang may-akda ng whys and wherefores nito, ahaha. Basta, matagal nang pangarap na makapagsulat ng tungkol sa tag-init na mata-transform into tag-ulanan… Two years matapos ilathala ang sulatin, napagtanto  ng inyong lingkod – bakit at paano niya iyon nagawa, ahihi.

Kumbaga, binabasag dito sa post ang sariling trip, whehe. Akala ko rin dati, ang brilliant at ang clever ko lang, hakhak. Di pala, ahihi … 😉 May technique pala, di lang sinabi ng utak sa ‘kin until much later. I hope, sa pagbabahagi rito ngayon, may maitutulong ito sa inyong pagsusulat kahit bahagya at di sana masyadong pasaway. Regards sa inyo and cheers! 🙂 😉

 

Daloy

Hello, ka-blogs! Huling hirit na po for the season itong re-blog ngayon, hihi. Isi-share ko sa inyo itong post ukol sa traffic, ang traffic sa paningin ng isang dakilang commuter, ahaha. Btw, nagkaroon na rin po ang blogger dito ng pambili ng awto noong araw, pero di nya itinuloy. Ang lakas lang ng loob, ahihi… Wala naman po akong masyadong na-derive na aral sa karuwagan kong iyon, hehe. Ang masasabi ko lang, kung natuloy ang pagbili ng kotse noon, malamang, di naisulat ang post na ito, hahaha.

Sana ay nasa maigi kayo. Happy weekend! 🙂 😉

doon po sa amin

Saan papunta ang daang libong sasakyan kapag Biyernes ng alas singko y medya ng hapon? Sa mga panulukan para maghatid ng mga inang nanabik makauwi sa mga anak? Sa mga daang palayo sa mga kompanya at empresa, para iuwi ang ponglibong mga pagal na katawang humihingi ng pahinga? Sa mga kulumpon ng kainan at kapihan, para doon idulog ang mga propesyunal na naghahanap ng paglalagakan ng salaping kinita, habang nilalabanan ang matinding pagkainip sa malamig na kwadradong opisina?

 

Saan pupunta ang mga sasakyang naggigitgitan, nag-uunahang makatalilis, makalayo? Pasilangan? Pakanluran? Pa-ilaya? Pa-ibaba? Mabagal ang andar ng trapiko. Magastos sa gasolina. Mahal ang gasolina – pamahal ng pamahal. Habang dumidilim, lalong bumabagal ang daloy…

 

Naiinip ang tsuper ng dyip, panay ang sulyap nya sa unahan. Malimit ang pag-konsulta sa kanyang relo ng ale sa loob ng taxi. Nagta-tap sa manibela ang kamay ng mamang makisig  na…

View original post 148 more words

Parang Puputok

 

Hello, ka-blogs! Pasaway daw ang pamagat ng post, hihi. Deterrence ang ibig nitong sabihin, isa sa mga laganap na prinsipyo sa ugnayan ng mga bansa o International Relations. It is the threatened use of force for political and military purposes. Stockpiling of arms ng mga bansa ang naging outcome ng patakarang ito… Siyanga pala, totoong tao si Professor, ang teacher namin noong nag-i-stutter in eight (8) languages, hahaha. Pero sa kaklase ko noon nangyari ang kwento, di sa akin and to a large extent, pinalabnaw ko na ang kwento. Para sa mga pamangkin din, kaya naisulat ang post. Isa pa, dito ko yata tinangkang i-introduce ang ideya – wala nang mga palayan – doon sa amin… Sana ay maibigan ninyo. Happy rainy season… 🙂

doon po sa amin

 

Minsan, tinawag ako sa recitation sa subject naming International Relations (IR). Ito ‘yong subject namin noong 600 pages ang required na basahin kada linggo. Ang professor namin dito ay ‘yong tipong nangongolekta ng Ph.D. Tinawag ako ni prof at ang sabi, pagkumparahin at pag-ibahin ko raw ang SALT I at ang SALT II.

 

 

Obi-wan kenobi!Alam ko ‘yon!’ Umabot hanggang doon ang pagbabasa ko ng lesson. Kaya, medyo listo, discuss-discuss naman ako. Dire-diretso. Panay passive voice pa ang English para impressive. Binubuo ko parati ang pagsasabi – Strategic Arms Limitation Treaty.

 

 

Habang nagsasalita ako, nakahalukipkip si Gleek professor. Ang mga tingin niya sa akin ay parang nagsasabing  alam niyang 46 lang ang IQ ko. Hindi ako nagpapa-apekto. Ang mga kaklase ko namang nasa unahan ko at gilid, yukung-yuko. Naghahabol ng pagbabasa habang pinapaliit ang mga sarili para…

View original post 244 more words

Hindi Magkita

Hello, ka-blogs… Naisulat ang post na ito, dalawa at kalahating taon ang nakakaraan – para sa mga pamangkin, hihi. Muli nating inilalathala, sana’y maibigan ninyo. Happy weekend! 🙂

doon po sa amin

 

Generation gap. Sabi ng teacher ko sa Math dati, ang paghahanap daw ng bridge sa gap na iyan ay tulad din ng paghahanap savalue of x. Mahirap hulihin ang sagot. Paulit-ulit ang paghahanap. Generation after generation. He, he … Hirit nya ‘yon.

 

 

Ang sabi pa nya, kung maghahanap daw tayo ng solution sa generation gap o sa iba pa mang issue, kailangan daw munang mag-establish ng equivalency. Ang ganda, ano? Parang naiintindihan ko pa. Ang sumunod nyang sabi, “So, class, in this instance, we have to represent the value of…”. Dito, medyo nagulumihanan na ako. Kaya, ang suggestion ko, lumipat muna tayo at alamin naman natin ang opinyon ng teacher ko dati sa English – on the topic of generation gap.

 

Ang sabi naman ni English teacher, dapat daw munang may common definition ang magkabilang panig…

View original post 325 more words