mga simbulo ng pag-asa, pangarap at katuparan

Hello, ka-blogs! Ang paksa natin ngayon (hihi, paksa talaga) ay tungkol sa public figures and celebrities – ang ating mga idol, yisss!😉

Sa English na blog, nagsulat ang lola nyo ng post tungkol sa paano mabuting tingnan ang sakunang Yolanda, ang bagyong tila wala pang kapares sa kasaysayan ng tao. Doon, sinabi ng pasaway na blogger, pangunahing tungkulin ng central government natin, mag-inspire ng confidence sa mga tao – hindi ang mamigay ng goods, trabaho at magtayo ng bahay para sa mga tao. May kaugnayan yaon sa paksa natin ngayon, humigit-kumulang… 

Bakit kailangang mag-inspire ng confidence ang pamahalaan? Ba’t nga? Sang-ayon sa basic ng governance, mayroong tinatawag na symbolic functions ang gobyerno. Oo, yon. Bahagi ng tungkulin ng pamahalaan, ang mag-symbolize, ang kumatawan sa mga pag-asa at pangarap ng mga taong pinamumunuan.

Ano nga kaya ang pangarap at pag-asa ng mga tao, matapos ang pananalasa ng pasaway na bagyo? Wari, ang makabangon muli at maharap ng buo ang loob ang buhay na puno ng hamon. Yon… Symbolism ng courage, kumbaga, ang dapat ipakita at tuparin ng pamahalaan. Bakit kanyo? Sapagkat, one of the darkest times sa kasaysayan ng bansa natin ang Yolanda disaster. Pag-asa ang hinahanap ng mga tao, unang-una. As a people or as a nation, kailangan natin ng assurance – kaya nating daanan, tawirin at lampasan itong mapait na yugto.

 

 

Ang symbolic function ng government, mas implied kaysa sa tuwirang nakasulat sa mga batas o statute natin. Mas nakikita natin ito sa pamamagitan ng tinatawag na ministerial functions ng gobyerno at mga opisyal nito. Ano naman ang ministerial function? Ito yaong pangunguna ng hinalal sa mga public functions –  groundbreaking ceremonies, pagpapasinaya sa bagong eskwelahan, pabrika, establisimento, atbp. at pag-preside sa mahahalagang pulong ng bayan.

Halimbawa, dumating ang pangulo ng bansa sa isang bayan sa Leyte para mag-cut ng ribbon sa katatayong public market doon, bahagi iyon ng ministerial duties niya. At the same time, ang kanyang presence, nangangahulugan ng pag-asa para sa mga tao – interesado ang central government na sumigla muli ang kalakalan sa Leyte. Sa pagdating ng pangulo, naisasakatuparan niya ang symbolic function ng pamahalaan – ang maging kabahagi at kasama sa adhikain ng mga tao sa isang liblib na sinalantang bayan. Tila ang mensaheng ipinapaabot – ang bayang inilugmok ay makabangon ng minsan pa. Ahihi, parang ganoon…

Katunayan, hindi lamang ang hinalal na opisyal o politiko ang may ministerial functions, ang ibang public figures ay mayroon din… Halimbawa, ang mga paring Katoliko, nagmi-minister sila ng langis sa parokyanong nasa death bed, yon. Ang judge o huwes ay nagmi-minister ng kasal sa mga magsing-irog, yown. O, nagso-solemnize, sa mas karaniwang tawag… Bale, may rites o ceremonies ang ating lipunan  – ang public figure na kilala at lehitimo ang pinapayagang mag-officiate o manguna. Kung hindi sila ang officiating figure, hindi kinikilala o iginagalang ang nasabing rite. Hindi binding, hindi selyado sa mata ng mga tao.

 

Punta tayo sandali sa Inglatera, para makapasyal naman, ahihi. Mas kapansin-pansin sa U.K. ang symbolic function ng pamahalaan sapagkat sila ay may… dyaran! Queen of England. Yon. Maraming jokes tungkol sa Queen of England, hihi. Actually, karamihan, tungkol sa gaano kahirap i-please ang adoring public – ang mga taong sumasamba at nangangarap na maging royalty. Ay, minsan, nood kayo ng historical films tungkol sa Crown🙂 …  Sa England, may annual event sila na magka-camp out ang mga tao sa harap ng Royal Palace, para hintayin lamang ang paglabas sa balcony ng Reyna. Kakaway lang ang Queen sa mga tao, yon. Na-fulfill niya na ang symbolic function, ahihi.

Pana-panahon, pag may krisis sa Parliament o kaya, sobrang baba ng public morale ng English people (prone pa naman sa depression ang English, lalo pag taglamig), paparada ang Queen of England, sakay ng magarbong float. Kakaway pa rin siya sa mga tao, pero at ground level na, ahihi. Ayon lang at medyo ganado na uling magtrabaho ang mga tao sa gitna ng mabagsik nilang winter. On business na uli ang English Parliament, baka hindi na kailangang i-agenda ang vote-of-no- confidence sa sitting Prime Minister, maipapasa na ang mga patakarang ilang araw lang ang nakakaraan, anong ganit ng public reception… Ahihi, medyo pina-simple ko. Pero medyo, medyo, parang ganoon, mga kapatid…

 

Ayon, ang personahe ng pinuno sa Inglatera, embodiment ng pag-asa, pangarap at katuparan ng mga mamamayan nito… Ang Royal Family, kumakatawan sa sentimyento ng bawat pamilya sa Inglatera, bukod sa simbulo ito ng pagkakaisa ng apat na republikang bumubuo (England, Ireland, Scotland and Wales) sa iisang bansa – ang United Kingdom.  May Parliament ang U.K. at, doon ang real jobs with its crazy details – debate sa session ng legislature at ang pagpapatupad sa mga patakaran… Sa English pala, parliamentary system meron (di tulad sa atin). Bale, fused o magkasama ang legislative and executive functions ng pamahalaan. Among the members of the Parliament din galing ang executive officials o Cabinet members. Ahaha. O, yun… Ganoon din sa Japan, mga kapatid…

 

Anyway, ang task of inspiring the people sa UK and Japan, concentrated sa King and Queen. May hari at reyna pa sila, tayo wala na (Sabi natin, pero panay ang hirit  parinig ng mga tao sa hari Pangulo, magkaroon siya ng reyna mag-asawa siya, hihi)… Sa kanila, ang pagpapatakbo ng pamahalaan (administrative functions), nasa PM o Prime Minister na tila CEO ng bansa at the same time, siyang Speaker of the House (legislative function). O, di ba? Malalim sa kultura ng English and Japanese people ang sentimyentong may hari at reyna pa, oo. Napakatagal nilang umiral sa panahong medieval, kung saan at kailan, uso ang lusuban at gerahan ng mga palasyo at kastilyo ng feudal lords. Ang hari noon ang pinakamaraming napatay na kapwa lords pinakamatapang among the lords, pinakamarunong at kumakatawan sa pagkakaisa ng bansa.

Sa pangkalahatan, ang pinuno ng bansa ang simbulo ng pagkakaisa o unity ng isang nasyon. Kaya lang, pangita sa kasaysayan, karamihan sa mga pinuno, pag naluluklok sa kapangyarihan, lumalabis at umaabuso. May kasabihan, “Ang utos ng hari, hindi mababali.” Mayroon noon ang haring absolute power over sa lahat ng tao (buhay, kabuhayan at katarungan) at teritoryong nasasakupan.

Over the centuries, hindi lang simbolo ng kapangyarihan at pag-asenso ang hari – simbolo na rin siya ng excesses o kalabisan.  Sa sistemang monarchical o yaong may hari-hari pa, walang halalan o eleksyon. Mamanahin ng anak o tagapag-mana o heir, ang trono palagi. Sa Inglatera at sa Pransya, umabot sa yugtong nauso ang pugutan ng ulo ng hari, ahaha. Noong di na makayanan ng mga nasasakupan ang pagmamalabis ng pinuno at mga malalapit sa kanya, sinusugod ang palasyo at literal na pinababagsak ang kaharian at mga nakaupo. Sa history, nauna ang England sa pagpapabagsak sa monarchy, early 17th century. Halos dalawang centuries pa, bago sumunod ang Pransya. Ay, totoong pinugutan ng ulo ang mga hari noon, in full view of the bloodthirsty public.

 

Ang ginawa ng English elite, ihiniwalay ang symbolic function sa representative and administrative functions ng pamahalaan. Bale, pinanatiling nasa palasyo ang Royalty, retained ang royal privileges and lifestyle (subsidized ng gobyerno), subalit wala na rito ang representative and administrative functions kundi, nasa Members of the Parliament na (na inihahalalal ng mamamayan). Ang duties na lang ng Royalty, mag-preside sa mahahalagang public functions at mamahuhay ng marangal at engrande – bilang simbolo ng mga pangarap at katuparan ng tumitingalang public at large, ahaha.

Marami sa mga bansang matagal na monarchical ang anyo ng gobyerno, nag-adopt na ng Parliament para ma-democratize daw ang pamamahala, mai-represent ang interes ng karaniwang tao sa central government at, mai-distribute ng tama sa elites ang pagkakataong magdirihe sa kabuhayan at politika ng nasyon. Monarchical government with Parliament din ang sa Japan (gaya ng nasabi na) at sa iba pa sa Asia, gaya ng Thailand. Paglaban, pagsupil  o pag-iwas sa despotism o dictatorship ang karaniwang dahilan para maalis sa kapangyarihan ang royal families sa iba’t ibang teritoryo at republika sa mundo. Subalit, sa ilang nasyon, piniling i-retain ang royalty, para iwas sa madalas na kudeta at agawan sa kapangyarihan, ng mga hinalal o opisyal.

Maski may parliyamento na sa mga bansa, the symbolic personages therein provide stability sa nasyon. Iginagalang pa rin ng mga tao sa pangkalahatan ang bawat appearance at pronouncement ng Hari at Reyna, idol pa rin ng housewives sa bansa ang First Daughter, ahaha, at binibihisan pa rin ang mga bata, tulad ng sa bihis ng apo ng hari, hihi. For some reason, medyo ganoon, mga kapatid…

Apparently, tayong mga tao ay may iba pang public figures na tinitingala, bukod sa mga politiko – mga artista, mang-aawit at sikat na atleta o manlalaro, ahaha. May idols tayo – kumakatawan sa ating mga adhikain, pangarap at nagbibigay sa atin ng pag-asa. Sila ay may mga napatunayan na sa buhay, kinikilala ng madla o publiko, may pirming tagasunod at kumakatawan sa mga gusto pa ng madlang “maging” sa buhay, ahaha. Mahigpit ang paghanga natin sa public personas – tila mas malaki kaysa sa karaniwan, mas angat sa nakararami at may kung anong hila at hatak sila sa ating pagkatao. Ang mga pinapangarap natin, natupad na ng ating idols, ahaha. Sila ang patunay – posible ang ating mga pangarap at adhikain. Kahit pa sa biglang-tingin, para namang imposible ang mga iyon.

Sa isang banda, marami sa mga figures na kinikilala ng publiko – may competence, may leadership at may charm na tao. May merit, ‘ika nga, sila ay mailuklok sa itaas, hangaan at kilalanin ng marami. Kadalasan, pinagsusumikapan rin nilang ma-maintain ang pagmamahal, suporta at adoration ng publiko. Hindi rin kaya madali sa limelight – may mga mata at tengang nagmamasid at nagmamatyag?

Sa kabilang banda, position of power and responsibility ang pagiging public figures – maari ang public personas mag-endorso ng proyekto, magbenta ng produkto at manguna sa mga activities at kampanya. Mayroon palaging susunod at maniniwala sa kanila, to the point na kahit pa di angkop ang proyekto, over-priced ang produkto at tiwali man ang layuning ikinakampanya, may susunod at susunod pa rin sa mga taong sikat at kinikilala.

Pero bakit nga ba mahalaga sa tao ang symbolism? Bakit importante sa kanya ang maghangad at maka-identify sa nakamit na ng iba? Sa anyo man ng sagad-sagaran at bulag na pagsunod, tahimik na paghanga o responsible at committed na pagsuporta – bakit kailangan ng tao ang ganito? Intangibles o mga bagay na di nahahawakan, pero, mahalagang bahagi ng buhay at pamumuhay ng tao, bakit nga kaya?

Marahil, ang identification with another, pagkilala sa konektadong pamumuhay ng mga tao. Patunay na ang buhay ay maaring hanapin at isabuhay sa pamamagitan lamang ng pakikipag-ugnayan sa iba, sa kanila ring mga adhikain at pangarap at, sa mga gustong makamit at isakatuparan. Patunay din ito marahil – ang tao ay di pa ganap sa sarili. Siya ay nabubuhay sa lipunan, not by himself alone. At hahanapin niya ang buhay na malaya at katangiang marangal – sa suson ng kanyang mga ugnayan sa layong malinang ang kapareho sa sarili. O, kung hindi man, at least, mahawakan ang kapiraso ng pagkatao ng taong nakakamit na – sa kanyang pinapangarap.

Ang symbols, kumakatawan at nagsi-signify sa mga naisin at sentimyento ng tao sa buhay – karamihan ay malalalim at primitibo pa – nakaugat sa nakalipas, subalit tumitingin sa bukas. Sabi dati, si Princess Diana raw ng Inglatera, kumakatawan sa ideya ng prinsesa, living a charmed life in the palace. Si Manny Pacquaio naman, kumakatawan sa kahirapang naalpasan. At si Justin Bieber, kumakatawan sa pretty youth na misunderstood… Kumbaga, maliban at bukod sa personahe nila mismo, it is what they represent and what sentiments they awaken in us.

 

Ang mga simbolo – tao, bagay o institusyon – bahagi ng sibikong pamumuhay, pakikibaka at kalinangan ng mga tao, throughout the history.🙂

Hello, ka-blogs! Ito po ang article na sinusulat ng lola nyo ng panahong madisgrasya ang kamay. Makalipas ng apat na buwan, natapos rin, hehe. Medyo mahaba ang original, kinalahati na lang natin inilathala. Kasasabi pa lang sa kabila, paiiksiin ang mga sulatin, hala. Anyway, sakaling may tanong  kayo o gustong sabihin,  just kindly pick my brain sa comment, ka-blogs. Warm regards! 🙂 

10 responses to this post.

  1. lol, ang haba nga😀 pero sino kaya sa ating bansa ang taong pinagkakaisahang mapagkakatiwalaan ng mga pilipino kung saan sila maaaring humugot ng inspirasyon at maaaring kumatawan sa mga pangarap at adhikain natin?

    Tugon

  2. Bakit ang dami mong alam Ate San?! Haha
    Parang bumalik ako sa aking high school days nang mabasa ko ito. Mabuti at wala akong gaanong ginagawa dahil ang haba! Take note, edited pa ‘yan ha.
    Ang ganda at interesting na post, kaya hindi ka pwedeng mawala sa blogosphere, hindi pa panahon. Marami pa kaming matututunan at malalaman sa’yo.

    Gandang araw sa’yo. Late na ang aking comment hehe.

    Tugon

    • hihi. e, alam mo rin. alam nyo rin… na-recognize at naalala nyo lessons sa ingkul no’ng araw. ahaha, kitams?

      eh, social science lang field ng lola mo, so mas sinop ng onti ang formulation. but that hardly means na ako lang me alam, naman… ^^

      shortened nga po. inalis ko about Korea, haha. President ang head of state nila ro’n – not King… seriously, gusto ko sanang mag-elaborate what is the public sphere and what is the “collective unconscious.” oo, yon ang term, haha. maybe some other time.

      weh? di ko alam if interested mga tao sa pinagsasabi ko, hahaha. oftentimes, parang talking to oneself lang si blogger, di ba? hahaha. gandang gabi, Limarx…🙂

      Tugon

  3. whoa ! That’s a long one. I could barely understand, and gave up halfway. Too deep for me, Ate San. And how come I’m not getting an update on my email ?

    Anyway, Cheers ! !

    Tugon

    • true! sorry naman, Ren… ah, the post says that the government has a symbolic function, that part of its duties is to inspire confidence among the people, especially in times of disasters like Yolanda supertyphoon… it says that in UK and Japan, the symbolic function is more obvious, as there, they still have Queen and King.🙂 waving….

      Tugon

  4. I wish we had met when I was there. Ugh. I was so busy, with full schedule.

    The Queen of England’s job is indeed symbolic, but I can’t say the same with the rest of the world.

    Oh, and don’t vote for Binay, he he.

    Tugon

  5. […] « mga simbulo ng pag-asa, pangarap at katuparan […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: