Archive for the ‘Masdan ang Ginawa Mo’ Category

May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig?

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig

May orasyon, kapagdaka’y sinasambit?

May salamangkang ihinahagis,  parang bitag

Sinumang mahuli – walang kawala, di makakapitlag?

 

Image of a fairy casting a spell

Pag ang tao ay umiibig, tila nilalagyan siya ng bulong?/ http://www.123rf.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sinasabi, ang umiibig daw, may piring mga mata

Ang nasa ilalim ng kapangyarihan, iisa lang ang nakikita

Ang matilamsikan daw ng gayuma, tiyak ang pagdurusa

Di sukat makalabas – kahit dalangin, maya’t maya pa.

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig?

Anong kapalaran ang sa atin, dito’y nagbubulid?

Anu-ano ang kailangan, para ito’y matawid?

Anong gamot ang mabibili – para ibsan ang sakit?

 

Image of a fantasy land in a distant place

Sa mga mala-pantasyang kaharian, laging may nakakakilig na kwento ng pag-iibigan/ http://www.wallpaper-free-download.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Saang yungib, makikita, iyong mangkukulam?

Kung maari’y hihingin, talab ay bawasan

Saang liblib matatagpuan yaong babaylan?

Pakisabi – ang bulong, dagdagan ang tapang. ;)

 

 

 

Maligayang Buwan ng Mga Puso pa rin, ka-blogs at mambabasa… 🙂 Sana ay nasa maigi kayo, nakangiti… ^_^

 

Gaano ka- makapangyarihan ang pag-ibig? Sagutin ang tanong – walang tama, walang mali – in 100 words, ahaha… Pakilagay po ang inyong sagot o paliwanag sa comment box. Ang mapipiling pinakamagandang sagot, maaaring magpa-edit/critique ng draft post na three pages (o, mas maiksi) sa blogger dito. Bukas ang pagkakataon sa bawat blogger, ka-blogs  –  sa loob ng tatlong buwan pagkalathala nito… I-a-anunsyo ang nanalo dito sa DPSA, sa pamamagitan ng isang blog post. Maari rin  siyang mag-guest blog dito, kung nais…

 

Naito muli – Gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig? Gow! 😉

 

Advertisements

matuklasan at mabatid

 

 

Maligayang Buwan ng mga Puso sa ating lahat… 🙂 Love on, ba’t ba? 😉

 

I-click ito para sa liriko ng awitin.

 

Pagbabalik at Pag-ibig

 

Kung babalikan, ang ideya ng napipintong kamatayan marahil ang nagtulak sa aking magsulat sa blog. May isang gabing dumating ang notion (weird and crazy, yes) na posibleng pumanaw sa susunod na taon… Hindi ko alam, pero sakitin ako nang mga panahong iyon at naisip ko, may maiwan man lang sa mga pamangkin at kapatid, ahaha… Dati, noong bago dumating ang sangkatutak na family problems (o, hindi pa ganoon ang patas), pera lang ang iniisip kong iwan, hihi. Medyo meron pa noon at pakiramdam rin, kaya pang gumawa at mag-ipon ng marami, hihihi. Basta, nagbabasa ako no’n ng manipis na libro, tungkol sa wills and testaments, ang adik lang. 😉

 

Image of a book by the seashore

Sa fairy tales, laging masaya ang ending./ http://www.facebook.com

May mga naisulat na before, essays and poems, tungkol sa kabukiran. Naikwento ko rati, influenced yaon by Jim Heynen… Pero, sulat-kamay. Ako itong si maraming notebooks, hihi. Samutsari ang laman, sinusulatan ng kung anu-ano sa gabi – bago matulog. Hindi ako exactly nag-journal sa buhay. Feeling ko, ragtag at relatively mabilis ang aking tinahak… Samantala, ang journal kako, para sa mga taong secure and leisurely ang buhay. Kaya hindi… Walang journal o diary at wala ring maayos na files ng mga naisulat sa trabaho. May ilan sigurong naitatago, alinman sa groupmates, kabarkada, kaibigan o officemates ang nagtabi. Di ko gawi to keep files of what I have written, for some reason…

 

Ang in-adopt kong system of recording, dalawa. May small notebook para sa daily expenses (halos dalawang dekadang habit na noon) at notebooks (ang iba ay makakapal, ang iba ay fancy), lagayan ng musings, doodles and observations. Pag minsan, may assessments and plans na nagagawa, ahaha. Pero, sporadic attempts – may buwang maraming entries, may buwang kakaunti… May panahong too eager to systematize things, sa paraang nakasulat at may panahon, wala nang time or energy para magsulat o magtala ng mga nangyari o binabalak. May planner ako lagi, like most people… Pero, deadlines, meetings and appointments ang ando’n. Parang mas listahan din lang? Walang gaanong reckoning, sabihin pa…

Noong naisip, posible nang magkasakit ng malubha at mamatay, hahaha, isusulat na kako, ang personal takes sa bagay-bagay, naks…  I mean, seriously. So, nagsulat na nga… Natatandaan ko, tungkol sa umaga unang articlethe sounds of the morning in a typical urban neighborhood. May tilaok ng manok, mga naglalako at mga batang sumisigaw sa paglalaro. Ang ikalawa, tungkol sa pagbabago – city sights, squatter, mga tanawin pag nakasakay sa taxi at kung relevant pa ang ma-involve sa mga isyung pampamayanan. Parang ganyan… Ang take off  – small town girl pa rin. Nakaalis nga sa bukid at sa antuking bayan, pero nag-end up sa city sa Kamaynilaang para rin namang maliit na bayan lang, ahihi.

 

 

 

 

Tapos, nag-blog na, tungkol sa bukayo at banana que, haha. Iyon ‘yong kako, precipitated ng napanood sa AFC. Di ko inilagay o inilathala ang about  morning sounds and pagbabago… Tungkol muna sa pagkain ang unang entries. Sa isang banda, the year before, kinukulit na ‘ko ng isang college friend mag-blog… Simple – karami ko raw opinyon at pagtingin-tingin, haha, at maalam daw na magsulat (sabi nya). Nagpo-photography pala si friend – analog camera pa gamit, black and white film, yong ipinapa-develop… Hilig niya, picture-picture-an ako pag magkasama kami, haha. Sya lang nakakagawa no’n, ako’y  taong iwas sa camera, hehe … Risk consulting line of work niya, married sya with one kidupdated  sa technologies and social media, what’s in & what’s not… Sya ‘tong unang nagbalita sa ‘kin, may Twitter na, hihi. 😉

 

Anyway, marami siguro akong kalituhan at agam-agam noong mga panahong iyon and I must have wanted to clarify certain things for myself. Maaring yuppie dilemmas, ennui sa buhay-buhay and restlessness, siguro… Simple akong tao, in person. Simple ang desires, hindi nangarap yumaman and hindi pumalaot sa ideya ng marriage, for some reason… I mean, theoretically and from observations, alam ko… It is settling down and making a life with a person of your choosing. It is making a claim in this world, for whatever joys, tears, fears and horrors  life holds. Pero, all along, mahirap ang naging buhay namin, sa bukid at maging sa lunsod… Nag-iba naman na, to certain extents and kahit paano, pwede na ring pumili – anong klaseng buhay ang ili-live and ili-lead, and with whom.

 

 

 

 

Most of my friends are married and most of my siblings are, too. Sa mga kaibigan, late marriages sila, halos lahat, ahaha. Iyong iba, humabol lang, hakhak. May dalawa o tatlo pa ring unmarried...  May isang sense,  It’s a big and complicated world. We’re just lucky,  may space ako, kami, kahit paano, rito. Just glad we survived and got this far… At ayos na rin, kumbaga, given na walang-wala sa umpisa… Nakatira sa malaking bahay, nakakain sa labas every so often, nakakabili na rin ng magagandang bagay and generally, professionals  ang nakakahalubilo. May telepono, cable TV, internet, nakakanood ng plays pag may time, at may subscriptions ng dyaryo… Naglilinis pag walang pasok, o, nagga-garden, at nagsa-shopping, ahaha. Madalas, nakakotse pag paalis o, taxi…

Hindi malinaw, saang point nag-burst ang bubbles – kailan nag-umpisang maanod isa-isa ang certitudes and routines na so far, naipundar… Andoon ang Ondoy – disaster na nag-introduce sa amin ano ang gera, first-hand and direct – paano iyong may pera, pero walang mabiling pagkain, paano pumila at makipag-agawan at paanong maghalungkat ng susuotin, from among the ruins and remnants ng sarili nyong gamit, haha… Pero, bago pa, may mga nauna na. Andoon ang pagkakasakit ng Inay at pag-iwas ng mga kapatid, ang pag-adopt nila ng escape mode at sabi pagkatapos, “Move on na tayo.” Sinundan ‘yon ng pagkakasakit ng brother namin, hysteria ng asawa nya at escape mode din, at paano mas in-up ng mga kapatid ang ante ng escape mode. Ang pagpanaw ni kapatid, ng biglaan.

 

Sa point na iyon yata, nag-statement ang buhay, “Hindi ka pa pwedeng masyadong masaya. Wala pang karapatan. ” Siguro nga, ini-earn ang happiness sa buhay at kulang pa ang natrabaho… I mean, gaya ng naikwento, for most of my life, nagbasa lang at nag-observe. Ginagawa ang duties, sa abot ng kaya, tulong sa mga magulang at kapatid, at nag-o-occupy ng maliit na space lang sa mundo at buhay. Trained and oriented na ganoon… Dito lang yata sa blog nangahas mag-boses ng iba, ‘yong parang sure sa mga sinasabi… Napapaligiran ako ng magigiit na tao, sabi ay may higit silang claim – sila itong nagmahal, may kapangyarihan at nasa tama. Sila ang nasa lugar at nakakaalam – aling kasinungalingan ang pagmumukhaing totoo at paninindigan. After all, susi raw sa buhay ang paggawa ng constructed realities. Sabi…

Kung ngayon tatanungin, tanggap ko na ang pagkakasakit at pagpanaw ng Inay, pati ng kapatid naming lalaking panganay. Am now on my fourth decade of existence, nakuha ko na – kasali at parte ang mga iyon. At ang mga naiiwan, mandate sa kanila, sa amin, ang magpatuloy harapin ang buhay – gaano man kalungkot and unsure... Ang mahirap wari, coming to terms with –  kawalan ng pakialam, justification ng karuwagan at pagmamatigas ng loob – ng sariling pamilya at mga kasamahan. Naitatanong, “Asan ang pagmamahal na kanyo, alam nyo? Anong klase at nasaan?” Kahit paano, alam ko na rin,  It is the thread of love, affection and respect that keeps the world going. It is important to secure and protect it, for those times when life rushes in on you, as in a battle.

 

Image of a damsel just rescued by a knight in shining armor

Sa chivalric love, parating may damsel in distress, kailangang iligtas/ http://www.paganspace.net

 

Sa mga sumunod na henerasyon, tila mas madaling makita para saan boboto at kailan mangangahas at magpapasya… One casts away his fears and makes a vote for love. For in so doing, he is making a stake on life – for whatever it may hold... Hindi ganoon kadaling makita iyon sa generation namin, for some reason. Or, at least, sa akin, ahaha.. Sa kasalukuyan, malakas ang trumpet para sa individuality at pagsunod sa pansariling desires. Tila mas may confidence din ang mga bata, may sense of entitlement. Iba pa yata noon… Tingnan daw ang mas malaking larawan, maraming nagugutom at matutong magparaya, sabi. Matuto raw mag-sakripisyo at i-align ang paghahangad sa kalagayan at layon ng iba. Nag-stick iyon sa akin – galing ako sa malaking pamilya, marami kaming magkakapatid… Panahon din iyong trampled upon ang rights, lives and desires ng nakararami…

Kung sa ngayon titingnan, hero complex lang ‘yon, reverse egotism at misplaced na pagnanais iligtas ang mundo… Thing is, hindi naililigtas ang mundo, na-i-in love lang ang tao – alam ko na rin yata, from experience. Hindi naililigtas ang mundo, although it remains to be a pitiful, sad place, perpetually threatened by the untrammelled desires ng mga nakatira rito. It seems, ang tao ay pwedeng malito at di makita ang kaibahan ng love sa desire. Na ang pangalawa ay bahagi lamang ng una, na ang paghahangad o pagnanasa, umpisa pa lang at ang real reckoning – kung kayang panindigan ang una. Mahalaga ang pagnanasa sa buhay at pagkatao ng tao. Pero maari itong mawala, masira, magmalabis at napi-perverse – kung hindi pamamahalaan at gagabayan ng pag-ibig… May tendency and capability itong maging marahas, malupit at mapangwasak. Romantic love is but the beginning.

 

Marami-rami akong nailathalang posts about romantic love sa blogs. Gusto sanang i-explore kung alam ko pa – paano magkaroon ng paghahangad at pagnanasa sa buhay… Kung tama ang kuha ko, marami ang ka-blogs na nahiya para sa akin, may mga umiwas at lumayo. May mga nanlait rin ng labis labis… 🙂 Hindi ko sinasabi sa mga sulating mas alam ko ang usapin. The proof of the pudding is in the eating. Iyong sabi, “E, lab layp, meron ba?” Ang sagot, isang tamemeng, “Wala po.” Hihihi.  Pero, marami akong kwento at hiling sana sa ka-blogs at mambabasa, pwedehin na muna sana, ahaha… Well, nasasa inyo iyon. I guess, hindi yata lahat nakakatagpo at natatagpuan… Hindi sa nagmamaganda ako o, nagmamataas ng standardscheap din, ahaha. Am the type, sumasaya na pag inalok ng 3-in-1 na kape. Sus, marami rin ang naipasulat sa akin, libre lang.

 

 

 

 

Dito sa site, may isinulat, Pag Nagkakasakit ang pamagat. Kwento iyon tungkol sa pagiging sakitin no’ng bata pa, medyo comedy ang format at, first person ang boses na ginamit. Sa isang banda, kwento ko ‘yon. Sa kabilang banda, hindi rin… May isang word, dapat andoon sa article, pero kung susuriin – wala. Ang salitang iyon, o ang kawalan noon ang dahilan bakit namatay ang bunso naming kapatid na lalaki, nasa grade 5 ako noon… Naikwento ko ang pangyayari, sa isang post sa English site. Naipahiwatig din sa page sa SSA site. Curiously, walang ka-blog na nakapansin, wala ang nasabing salita. From my end, ang post ay kwento sadya tungkol kay bunsong kapatid.

As things would turn out, baseless ang notion na mamamatay na by 2011, ahaha. Katunayan, sa susunod na buwan, magta-tatlong taon na po sa blogging, naks… 🙂 Pero, tama pala ang kutob, may dapat ngang balikan sa mga pangyayari noong araw. At natuklasan ko na ang consequences ng pagkamatay ni bunso, ang una sa series ng  tragic na pagkamatay sa aming pamilya. Hindi ko ikukwento sa blog, ha, sa amin na lang… Pero, I am grateful, nalaman ko, interrelated ang death and love sa pamilya – love or lack of.  Sabi, alinman sa takot o pag-ibig ang nagi-generate ng isang ugnayan. Pag una, karuwagan at karahasan ang resulta. Pag ang pangalawa – may mararating, may pupuntahang maganda.

 

Innate raw ang magmahal sa tao and love always finds a way. Ayon lang, requirement ng pag-ibig na maging matapang, ahaha. At this point, hindi ko pa masasabing matapang na ako. Ang kaya pa lang sabihin, alam ko na bakit may mga pagkakataong naduwag. Gaya ng nasabi dati, masakit ang naging kapalit ng pagbabalik doon sa amin, ng pagkabatid sa puno at dulo ng mga pinuntahan, napagpasyahan at tinahak sa buhay… Pero kung iyon ang susi para mabuo muli at maging handa sa mga kinakaharap at kakaharapin, bakit hindi? Sa umpisa lang bulag ang pag-ibig, sa mga kasunod na yugto, mulat na. Pag nanatili itong bulag, abuse and bondage ang kasunod. Tila dapat rin, ito ay buo – para kayang ihatid ang tao sa landas na nais niyang puntahan. 😉

 

 

 

 

Pagbati sa inyo, ka-blogs. Here’s wishing for love-filled days… 🙂

 

Paano sila umibig noon?

 

Paano nga kaya? Passionate, siguro… Iyon ay kung ang pagbabatayan natin, ang mga sikat na kanta noong araw, gaya nito…

 

 

 

 

Talagang ramdam, e, ‘no? Ang singer, isa sa sikat na manganganta sa buong mundo, noong araw. Madame or Dame, kung i-address siya ng mga tao, ahaha, isa raw siya sa mga naunang diva… At, pangita naman, hano? Talented at self-styled na mang-aawit at performer, isa si Shirley Bassey  sa mga hinahangaan at ginagaya ng Inay namin noon. O, di ba? Ayon, pamilyar ako sa ilan niyang kanta, hindi sa pakikinig sa radyo (di ko na yata naabutang pini-play pa sa radyo ang mga kanta nya). Bagkus, dahil kinakanta ni Inay ang songs nya, hihi…

 

Ay, ang Inay pala namin, medyo ganyan din ang personalidad, di nga… Naikwento ko rati, galing siya sa maykayang pamilya at bunso sa magkakapatid, haha. Ang personality niya, parang si Shirley Bassey, na si Pilita Corrales, na si Rosa Rosal. Oo, haha. Medyo madali ang conclusion, mga kapatid… Kaming mga anak niya, mapupusyaw ang personalities, hihi. Kumbaga, nasanay yata lahat kami – ang Inay ang bida sa pamilya. ‘Yon. Medyo ganoon siya. Pag pumasok siya sa isang kwarto, may taong tatayo at kaagad siyang bibigyan ng silya, haha. Sa pangkalahatan, hindi si Inay masalita. Tahimik man sya madalas, commanding ang kanyang presence

 

Ito pa pala ang isa sa mga madamdaming awit ni Dame Shirley Bassey, kaganda lagi ng curls ng kanyang buhok…

 

 

 

 

Noong panahon ng nasabing singer, may star system na tinatawag sa industriya ng musika at pelikula. Ang mga artista at mang-aawit na mahuhusay, malalakas ang personalidad at tinatangkilik din ng marami, ibini-build up daw ng husto ng studio nila… Pero, kung pagbabatayan natin ang sabi, ang mga sumisikat daw na public figures – kumakatawan sa spectacular na mga pangarap, sa wild na mga ambisyon at mga pagkainip at escapades ng mga tao – maari sigurong isipin, kabaligtaran sa passionate ang pagmamahal ng karamihan noon… Kumbaga, the mass audience were hardly getting enough love in their private lives, sa mga kantang pinipili at pinakikinggan man lang, masabing sila ay masugid at marubdob magmahal, ahaha. Sa tingin nyo, mga kapatid? 🙂 Pasaway yata, masyado… ^^

 

Isip ko tuloy, nitong huli, uso ang kantang Call Me Maybe. Sa biglang tingin at pakinig, unsure and undecided… Sa pribadong buhay kaya ng mga kabatang tumatangkilik sa awitin – andoon ang sigla, kapangahasan at pagpapasya – pagdating sa pagmamahal? 😉 Naiisip lang, ahihi.

 

Sa tingin nyo, mga kapatid? 🙂 Siyanga pala, love on! Bakit ba?  Magandang linggo, mga kapatid…

 

Hello, mga kapatid… Kumusta kayo? 🙂 Pasensya na, wala pang bagong nailalathala rito… Ito ang isa sa mga naisulat ko rating kinaaaliwan ko, hehe. Hinihikayat ko kayo, sana basahin nyo rin. Maraming salamat… 😉

doon po sa amin

Doon sa liblib naming lugar, ang karamihan sa ligawan ay nagaganap pag bandang Disyembre – dahil bakasyon, at sa summer – dahil may Flores de Mayo. Siyempre, karamihan sa ligawan ay nagaganap pag gabi. Sa panahong ikinukwento ko rito, wala pa namang cellphone, internet o anupamang gadget na maaaring maging plataporma ng ligawan, pormahan o landian. Medyo may remnants pa noon ng harana doon sa amin, pero di na ito laganap. Sa kalakhan, ang getting-to-know-you noon ay ginagawa at nangyayari  ng harapan at personal.

 

Pero may munti ritong problema. Ang mga tao sa amin ay konserbatibo. Hindi ibig sabihin nito ay walang nangyayari sa aming nabubuntis nang di alam kung sino ang tatay, lalaking nagiging dalawa ang asawa o babaeng umaalis ng tahanan para sumama sa iba. Mayroon din… Pero, hindi uso ang mga ganitong paglabag at medyo mabigat ang kinakaharap ng mga taong gumagawa ng…

View original post 1,041 more words

Tawagin ang Pulis

image of a double-locked heart

Kailangang tiyaking walang makakapasok/ shutterstock.com

 

 

Doble ang kandado ng aking puso. Mahirap na. Sa panahon ngayon, delikado. Baka may makatalilis papasok. Mataas din ang ipinagawa kong bakod. At may sentri, para sigurado. Ang dami kayang masasamang-loob? Kung may magtatangka, maigi na iyong may kakayahan ka rin namang lumaban at ipagtanggol ang matagal mo nang iniingatan.

 

 

Pero, ano’ng nangyari? Isang araw, may nakasipat sa lunggang pinagtataguan ko. May nakapansin, sa kung anong dahilan, sa kung paano at bakit.  Wala naman munang ginawa. Wari ko’y nagmasid at nagmanman lang muna. Kinilala ang mga taong labas-masok sa loob ng bakuran. Nakipaghuntahan sa gwardyang animo’y nagtatanong lang ng direksyon. Nakipagmabutihan sa mga tagaroon. Hanggang sa ako mismo’y nasanay nang nakikita siya sa lugar. Tumatango na rin ako minsan sa mga kapirasong pagbati. Iyon na pala iyon, hindi ko man lang namalayan.

 

 

image of a burglar

Mabilis nya lang natawid ang mga alambre/ artistsvalley.com

Gabi yata, nang mangyari ang di-inaasahan. Wala akong paghahanda, wala sa aking hinagap. Pagtingin ko, andoon na siya sa loob. Nakuha pang ngumiti. Napatda ako sa aking kinalalagyan. Hindi ko alam kung sisigaw ako o tatakbo palayo. Tiningnan ko ang mga bagay sa paligid, tinatantya ko kung anu-ano ang mga pwedeng ihagis sa kanya sa sandaling isagawa ko na ang pagtakas. Humugot muna ako ng hiningang malalim, bago binitiwan ang tila walang-saysay na tanong, “Ano’ng ginagawa mo rito? May pahintulot ka bang pumasok?

 

 

Sandaling tila nalito rin ang kawatan. Akmang hahakbang sya papunta sa may pintuan. Sa pangalawa nyang hakbang ay bigla na lang syang huminto. Binilisan nya ang paglakad papunta sa aking kinatatayuan. Hindi ako makahulma, huli na nang mapagtanto kong wala na pala akong pwedeng takbuhan. Naipit na ako sa sitwasyong isang maling kilos at pwede kong ikamatay. Bigla, ang init ng pakiramdam ko sa silid na kung tutuusin ay may aircon.

 

 

image of an opened locked heart

Wala sa hinagap, hindi napaghandaan/ laketree.deviantart.com

 

 

Isang hakbang mula sa aking kinatatayuan, huminto sya at walang pasabing inabot ang aking mga kamay. Napatigalgal ako. Sa sandaling iyon, tila nawala ang aking dila. Isa lang ang kanyang sinabi, “Naparito ako para kunin ang sadyang para sa akin.” Iyon lamang at kami’y nagyakap.

 

 

 

Maaaring patugtugin ang videos sa ibaba:

 

 

 

 

* Hinihingi po ang inyong paumanhin, hindi pa rin tapos ang editing ng mahabang post ukol sa media. Medyo busy lang po sa mga personal na intindihin. Inilalathala po itong may paunang pasabing ang mga isinasaad ng narrator ay hindi necessarily na siya ring saloobin ng author. Basta, gusto ko lang kayong pasayahin at bigyan ng basahing pansamantala kaya ito ay nalimbag. Salamat sa pag-unawa.  🙂

 

kailan huling nagpasya ang iyong puso?

 

Handa na ba akong umibig? Iyan ang nakakawindang nating tanong ngayong araw. Handa na ba kayo? Ha, ha, ha… 😉

 

image of love defined

Marami ang kahulugan at pakahulugan sa pag-ibig/ matavuvale.com

Pag kahulugan na ng pag-ibig ang pinag-usapan, kaya nating pumuno ng blackboard na mas mahaba pa sa EDSA sa dami ng maisasagot. Kesyo love is a many-splendored thing daw, kesyo love is like a resting place at kesyo love hurts and scars and mars (sige, mas corny, mas maganda). Yown naman! Siyempre, laging may katuwang iyang mga salitang foolish o hangal, wound o sugat at pain o sakit. Hmmn… Bakit nga ba? Ba’t ang hirap mong mahalin? Tsos! Ba’t di mo makita kung gaano kita kamahal – bulag ka ba? Ha, ha…

 

Ba’t nga ba ang hirap bumukas at pumasok sa larangan ng pag-ibig? Ang hirap ding umalis at lumayo pagkatapos. Pag usapang pag-ibig na, dyan madalas lumabas ang mga salitang may y sa dulo. Yes. Gusto nyo ng sample? O, eto: baby, mushy, corny, tricky, heavy, bloody, sticky, funny, starry, messy, crazy at iba pang ka-ewan-an.

Parang nakakatakot na nakakakilig na nakakasaya, nakakalungkot, nakakabagbag-damdamin at nakakabaliw. Iyan ang pag-ibig. Isa siyang pagsakay sa tsubibo – mararanasan mo lahat ng range of emotions na naka-display sa counter, ha, ha. Pero, ako, since romantic ako kahit di halata, ang paborito kong analogy o paghahalintulad sa pag-ibig, kay Victor Hugo. Oo, iyong andoon sa nobela nyang Les Miserables.

Tatlo o apat na beses ko yatang binasa ang librong ito – ang kulit lang. Hindi pa rin ako nagkaroon ng matinong pag-ibig. Ha, ha… Ano, dapat isang beses lang? Oo, sabi ko rin nga…

 

image of love defined

Maigting at mahigpit ang damdamin para sa minamahal / bloglovin.com

Sabi sa librong iyon, love is like a pebble on your shoe. Yown naman! Binibigyan ka raw nito ng matinding discomfort pero hindi mo naman maalis-alis, haha… Ang saya, di ba? Ikaw na ang di makapaglakad ng tuwid, parang laging may sinusungkit at ipinapagpag at, pahintu-hinto ang lakad. Inlababo, patatawarin! Ikaw ‘yon. O, ako ‘yon. O, tayong lahat ‘yon pag tinamaan na ng matinding virus na walang available na anti-dote. We are doomed to suffer, ‘ika nga.

Pero bakit nga ba ganoon ang pag-ibig? Magulo, maligalig at nakakawindang – susmaryosep! Gusto nating lahat ng tahimik na buhay, iyong walang manggugulo at wala rin tayong guguluhin… Papasok sa umaga, maggo-grocery sa pagabi at uuwi ng bahay para magluto, kumain at matulog. Tapos, bukas ganoon uli. Walang problema, walang hassle. Iikot ang mundo, kasama tayo. Payapa ang ugnayan natin sa sangkatauhan at hindi natin iistorbohin ang predictable, kundiman, proper functioning of the universe.

 

Di ba sabi natin dati, kaya tayo andito sa blogosphere ay nagpapadala at tumatanggap tayo ng sangkatutak na mensahe at signals across the universe? Oo, baka sakaling may makakarinig o makakasagap ng ating secret codes at ang tao na ring iyon ang bahalang mag-decode at mag-process nito para ipadala pabalik sa atin. Ang saya lang, di ba? 🙂

Ganoon pa man, andito tayo, sumusuntok sa buwan sa pamamagitan ng ating mga sulatin, pagguhit at paglalarawan. Umaasang sa escapeworld ng blogosphere, makikita’t matatagpuan natin ang mga di natin nakita’t napagtagumpayan sa totoong buhay… Ang adik lang, oo. What are the odds?, sabi nyo. What are the chances?, sabi ko rin nga… 🙂

 

image of stock market figures

Tuluy-tuloy ang salubungan ng mga numero/ ipprospective.com

Ganito, doon sa mundo na kung tawagin ay stock market o securities industry, mayroon doong tinatawag na matching o pagtatagpo ng mga bumibili at namimili. Ng stocks, siyempre…  Ang kinukwenta rito palagi ay ang dami o volume ng stocks at ang presyo nito. Kaya sa pangkalahatan, dalawang kategorya lang ang transaksyon dito: to buy and to sell. So, ‘yon. Parang ang simple, di ba?

Pero sa totoong buhay, hindi. Komplikado sya. Application sya ng lahat nating inaral na formula sa kaibig-ibig na subject na Algebra, haha.  Lahat ng axioms, theorems at derivatives na iniwas-iwasan ko noong araw – andoon.  At working gear, ’ika nga. Hindi pwedeng theories lang. So, ‘yon. Ano ang koneksyon ng stocks sa pag-ibig, sa atin at sa universe? May perfect matching na nagaganap do’n. Yon.

 

Pero ang stock market sa Pilipinas, hindi 24 hrs. bukas. Dati, sa umaga lang – mula alas nuwebe hanggang alas dose.  Ngayon, meron na ring trading na panghapon, experimental stage pa lang. Pero ‘yon, hindi 24 hrs ang pamilihan.  Ang pinagtitiyap sa stock market ay puro numero – volume at price per share. Pag nagkakataong parehong-pareho ang order to sell and order to buy, nagkaka-perfect matching. Hindi lagi, pero nangyayari ang gayon. Iyon.

Ang blogosphere, 24 hrs ang pag-inog. Tuluy-tuloy ang pagsusulat, paglalathala at pagpapadala ng secret codes all over the world. Sumasakay ang ating mga sinulat sa isang higanteng infrastructure na kung tawagin ay host site na partner ng dambuhalang search engine companies na may kontrata naman sa mga kompanyang nagpo-provide ng internet connection – sa iba’t ibang panig ng mundo. Nabubuo nyo ba ang larawan? O, yown! 🙂

 

image showing how routers make possible the connection

Diagram na nagpapakita paano nagaganap ang ugnayan ng PC user at infrastructures/ cisco.com

Pag nagla-log in tayo sa ating mga bahay-bahay, opisina o PC shops, doon ‘ika nga ay umuugnay o linked tayo sa mundong ginagalawan ng lahat ng internet users. So, ‘yon. Upo tayo para sulatin at ilathala ang ating mga likhang magpapatawa, magpapaiyak at magpapakilig sa isandaan, sa isang libo, sa isang milyon o sa sampong milyong tao sa universe… Kumbaga, we hope to set the world on fire with our writings. O, di ba?

 

diagram showing the conection of internet users

May hardware at infrastructure na tinutuntungan ang ugnayan/ jabrauum.blogspot.com

At kung hindi man tayo magtagumpay, at least, naistorbo man lang natin ang universe sa loob ng isang minuto – may isa tayong napatawa, napaiyak o napakilig sa isa nating sinulat. Ganyan yata tayo kaaadik. Ha,ha, natawa ba kayo? 😉

 

Mabalik tayo sa pag-ibig at bakit ako o pati iba sa inyo, nahihirapang hanapin ito. Samantalang isa lang naman ang ating hinahanap? Isa sa kulang-kulang na pitong bilyong tao… Kung tanungin kaya natin ang bloggers na mahuhusay sa Math at sa kwentahan? Ha, hwag na? Marami rin ba sa kanila ay loveless? O, sige, hwag na lang. 😉

Sasabihin ko sa inyo ang isang sikretong alam nyo na rin naman, kung tutuusin – ang bawat isang tao ay katangi-tangi o unique. Yown! At hindi tayo puro numero lang. Sabihin na nating may numero rin: isang ulo, dalawang kamay, isang puso, dalawang atay, dalawang paa atbp. Mayroon ding: dalawang magulang, isang bahay o tirahan, 14 na taon sa eskwelahan,  at least, tatlong sets ng kaibigan at iba pa.  Pero malinaw, hindi tayo panay numbers lang.

 

Image of lovers in a tight embrace

Hinahanap natin ang magiging katuwang sa buhay/ live-wallpaper.net

Mayroon daw tayo noong tinatawag na sensibilities? Ang ibig sabihin daw nito sa Tagalog ay katalusan. Ang malapit na kahulugan nito ay keen awareness. Hindi ako sigurado kung sadyang aware ang mga taong umiibig o pansamantalang tinatakasan ng awareness, haha. Pero dito sa pack ng sensibilities, dito naroroon ang mga pagpapahalaga natin, ang pagkakasunud-sunod ng mga ayaw at gusto natin at ang mga sinasalubong at tinatakbuhan natin sa buhay bilang tao. ’Yon. At pag naghahanap daw tayo ng katuwang sa buhay o pag-ibig, iyon daw ang hinahanap natin – ang taong may sensibilities na kahawig, kundiman kapareho, ng sa atin. Pwede? Hmmn…

So, what are the odds nga? Mataas. Ang laki kaya ng populasyon ng tao? Ha, ha… Tuluy-tuloy ang andar ng makinaryang nagpapanagpo ng mga naghahanapan. At hindi lang dito sa blogosphere, ha? Dagdag na venue na lang itong huli nitong makabagong panahon. Bagong hunting ground, kumbaga. O, pwede ring sabihing last frontier para sa mga kagaya ko, hi, hi… Tapos na raw ang era ng disco, bowling alleys at clubbing.  Merong bago – ang blogosphere. Ha, ha, ang kulit lang… Siyempre, laging place of ill repute ang dating – hanapan, landian at matching. Pero bago tayo mapunta sa usapang kabastusan, mabalik tayo sa huntahang esoteric. Naman…

 

Pag naghahanap daw tayo ng pag-ibig o katuwang sa buhay, hinahanap natin ang isang taong kakatawan sa sangkatauhan sa buhay natin. Weh? Di nga? Oo, iyon ang sabi. Di ba, wika nga sa Ingles, “You mean all the world to me” ? Yown naman! Bale, tall order, ano po? Representative of mankind, huh? Parang mas madali yatang pumili ng congressman? Itong taong hinahanap na ito – isang ispesyal at magandang nilalang – sa paningin noong naghahanap. Susmaryosep! 😉

 

Ano ang magiging papel ng ispesyal na taong ito sa buhay nitong si naghahanap? Kako nga, kakatawanin lang naman niya ang sangkatauhan at ipapakita nya sa nakakaibig sa kanya kung anu-ano ang mga maaaring pangyarihin sa mundo. Iyon lang naman… Siyempre, sa mas payak na usapan, ang ibig sabihin lang nito – isang taong sasama, mag-aaruga at makikialam sa buhay ng taong naghahanap, sa isang taong umiibig. Kasama niya sa pagtuklas, pagharap at pag-unawa sa mga hamon ng buhay at pangyayari sa mundo. Katuwang niya sa pagtupad ng mga pangako, paghabol ng mga pangarap at pagpapagpag ng mga alalahanin sa araw-araw, sa isang tila napaka-imperfect na universe. Yown!

Siya ‘yong isang taong kahit pa nagde-deliver ng pinaka-historical na speech si Obama, kahit pa halimbawa, nagka-security problem si Pinoy habang namamahagi ng bigas sa komunidad at, kahit pa nagkakandabuhul-buhol ang traffic sa EDSA, iisa pa rin ang sabi: “Kumain ka na? Hwag kang aalis dyan, susunduin kita.” Ikaw ang kanyang universe,  pinaka-VIP  ng sangkatauhan.

Dalawa kayo – pwede nyong sabayan ang pag-inog ng mundo, paminsan-minsan ay istorbohin ang takbo nito o together, you can set the world on fire. 😉

 

image of lovers' shadows on the grass

Katuwang at kasama sa laban ng buhay/ ecomii.com

 

Teka, tinatanong nyo pa rin ba kung ba’t ako single? Kayo na! 🙂

 

Maaring patugtugin ang videos sa ibaba:

 

 

 

*Mga ka-blogs, bukas ang comment section, pero no heckling, hooting and howling. Wala rin sanang defamatory languages at mudslinging. Dapat behaved tayo para hindi tayo puntahan dito ng Senate Sgt. of Arms, ahaha… 😉 O, sige, gow!