Archive for Agosto, 2011

kailan huling nagpasya ang iyong puso?

 

Handa na ba akong umibig? Iyan ang nakakawindang nating tanong ngayong araw. Handa na ba kayo? Ha, ha, ha… ūüėČ

 

image of love defined

Marami ang kahulugan at pakahulugan sa pag-ibig/ matavuvale.com

Pag kahulugan na ng pag-ibig ang pinag-usapan, kaya nating pumuno ng blackboard na mas mahaba pa sa EDSA sa dami ng maisasagot. Kesyo love is a many-splendored thing daw, kesyo love is like a resting place at kesyo love hurts and scars and mars (sige, mas corny, mas maganda). Yown naman! Siyempre, laging may katuwang iyang mga salitang foolish o hangal, wound o sugat at pain o sakit. Hmmn‚Ķ Bakit nga ba? Ba‚Äôt ang hirap mong mahalin? Tsos! Ba‚Äôt di mo makita kung gaano kita kamahal ‚Äď bulag ka ba? Ha, ha…

 

Ba’t nga ba ang hirap bumukas at pumasok sa larangan ng pag-ibig? Ang hirap ding umalis at lumayo pagkatapos. Pag usapang pag-ibig na, dyan madalas lumabas ang mga salitang may y sa dulo. Yes. Gusto nyo ng sample? O, eto: baby, mushy, corny, tricky, heavy, bloody, sticky, funny, starry, messy, crazy at iba pang ka-ewan-an.

Parang nakakatakot na nakakakilig na nakakasaya, nakakalungkot, nakakabagbag-damdamin at nakakabaliw. Iyan ang pag-ibig. Isa siyang pagsakay sa tsubibo ‚Äď mararanasan mo lahat ng range of emotions na naka-display sa counter, ha, ha. Pero, ako, since romantic ako kahit di halata, ang paborito kong analogy o paghahalintulad sa pag-ibig, kay Victor Hugo. Oo, iyong andoon sa nobela nyang Les Miserables.

Tatlo o apat na beses ko yatang binasa ang librong ito ‚Äď ang kulit lang. Hindi pa rin ako nagkaroon ng matinong pag-ibig. Ha, ha‚Ķ Ano, dapat isang beses lang? Oo, sabi ko rin nga‚Ķ

 

image of love defined

Maigting at mahigpit ang damdamin para sa minamahal / bloglovin.com

Sabi sa librong iyon, love is like a pebble on your shoe. Yown naman! Binibigyan ka raw nito ng matinding discomfort pero hindi mo naman maalis-alis, haha‚Ķ Ang saya, di ba? Ikaw na ang di makapaglakad ng tuwid, parang laging may sinusungkit at ipinapagpag at, pahintu-hinto ang lakad. Inlababo, patatawarin! Ikaw ‚Äėyon. O, ako ‚Äėyon. O, tayong lahat ‚Äėyon¬†pag tinamaan na ng matinding virus na walang available na anti-dote. We are doomed to suffer, ‚Äėika nga.

Pero bakit nga ba ganoon ang pag-ibig? Magulo, maligalig at nakakawindang ‚Äď susmaryosep! Gusto nating lahat ng tahimik na buhay, iyong walang manggugulo at wala rin tayong guguluhin… Papasok sa umaga, maggo-grocery sa pagabi at uuwi ng bahay para magluto, kumain at matulog. Tapos, bukas ganoon uli. Walang problema, walang hassle. Iikot ang mundo, kasama tayo. Payapa ang ugnayan natin sa sangkatauhan at hindi natin iistorbohin ang predictable, kundiman, proper functioning of the universe.

 

Di ba sabi natin dati, kaya tayo andito sa blogosphere ay nagpapadala at tumatanggap tayo ng sangkatutak na mensahe at signals across the universe? Oo, baka sakaling may makakarinig o makakasagap ng ating secret codes at ang tao na ring iyon ang bahalang mag-decode at mag-process nito para ipadala pabalik sa atin. Ang saya lang, di ba? ūüôā

Ganoon pa man, andito tayo, sumusuntok sa buwan sa pamamagitan ng ating mga sulatin, pagguhit at paglalarawan. Umaasang sa escapeworld ng blogosphere, makikita‚Äôt matatagpuan natin ang mga di natin nakita‚Äôt napagtagumpayan sa totoong buhay… Ang adik lang, oo. What are the odds?, sabi nyo. What are the chances?, sabi ko rin nga… ūüôā

 

image of stock market figures

Tuluy-tuloy ang salubungan ng mga numero/ ipprospective.com

Ganito, doon sa mundo na kung tawagin ay stock market o securities industry, mayroon doong tinatawag na matching o pagtatagpo ng mga bumibili at namimili. Ng stocks, siyempre… ¬†Ang kinukwenta rito palagi ay ang dami o volume ng stocks at ang presyo nito. Kaya sa pangkalahatan, dalawang kategorya lang ang transaksyon dito: to buy and to sell. So, ‚Äėyon. Parang ang simple, di ba?

Pero sa totoong buhay, hindi. Komplikado sya. Application sya ng lahat nating inaral na formula sa kaibig-ibig na subject na Algebra, haha.¬† Lahat ng axioms, theorems at derivatives na iniwas-iwasan ko noong araw ‚Äď andoon.¬† At working gear, ‚Äôika nga. Hindi pwedeng theories lang. So, ‚Äėyon. Ano ang koneksyon ng stocks sa pag-ibig, sa atin at sa universe? May perfect matching na nagaganap do‚Äôn. Yon.

 

Pero ang stock market sa Pilipinas, hindi 24 hrs. bukas. Dati, sa umaga lang ‚Äď mula alas nuwebe hanggang alas dose.¬† Ngayon, meron na ring trading na panghapon, experimental stage pa lang. Pero ‘yon, hindi 24 hrs ang pamilihan.¬† Ang pinagtitiyap sa stock market ay puro numero ‚Äď volume at price per share. Pag nagkakataong parehong-pareho ang order to sell and order to buy, nagkaka-perfect matching. Hindi lagi, pero nangyayari ang gayon. Iyon.

Ang blogosphere, 24 hrs ang pag-inog. Tuluy-tuloy ang pagsusulat, paglalathala at pagpapadala ng secret codes all over the world. Sumasakay ang ating mga sinulat sa isang higanteng infrastructure na kung tawagin ay host site na partner ng dambuhalang search engine companies na may kontrata naman sa mga kompanyang nagpo-provide ng internet connection – sa iba‚Äôt ibang panig ng mundo. Nabubuo nyo ba ang larawan? O, yown! ūüôā

 

image showing how routers make possible the connection

Diagram na nagpapakita paano nagaganap ang ugnayan ng PC user at infrastructures/ cisco.com

Pag nagla-log in¬†tayo sa ating mga bahay-bahay, opisina o¬†PC shops, doon ‘ika nga ay umuugnay o¬†linked¬†tayo sa mundong ginagalawan ng lahat ng internet¬†users. So, ‚Äėyon. Upo tayo para sulatin at ilathala ang ating mga likhang magpapatawa, magpapaiyak at magpapakilig sa isandaan, sa isang libo, sa isang milyon o sa sampong milyong tao sa universe… Kumbaga,¬†we hope to set the world on fire with our writings. O, di ba?

 

diagram showing the conection of internet users

May hardware at infrastructure na tinutuntungan ang ugnayan/ jabrauum.blogspot.com

At kung hindi man tayo magtagumpay, at least, naistorbo man lang natin ang universe sa loob ng isang minuto ‚Äď may isa tayong napatawa, napaiyak o napakilig sa isa nating sinulat. Ganyan yata tayo kaaadik. Ha,ha, natawa ba kayo? ūüėČ

 

Mabalik tayo sa pag-ibig at bakit ako o pati iba sa inyo, nahihirapang hanapin ito. Samantalang isa lang naman ang ating hinahanap? Isa sa kulang-kulang na pitong bilyong tao… Kung tanungin kaya natin ang bloggers na mahuhusay sa Math at sa kwentahan? Ha, hwag na? Marami rin ba sa kanila ay loveless? O, sige, hwag na lang. ūüėČ

Sasabihin ko sa inyo ang isang sikretong alam nyo na rin naman, kung tutuusin ‚Äď ang bawat isang tao ay katangi-tangi o unique. Yown! At hindi tayo puro numero lang. Sabihin na nating may numero rin: isang ulo, dalawang kamay, isang puso, dalawang atay, dalawang paa atbp. Mayroon ding: dalawang magulang, isang bahay o tirahan, 14 na taon sa eskwelahan,¬† at least, tatlong sets ng kaibigan at iba pa.¬† Pero malinaw, hindi tayo panay numbers lang.

 

Image of lovers in a tight embrace

Hinahanap natin ang magiging katuwang sa buhay/ live-wallpaper.net

Mayroon daw tayo noong tinatawag na sensibilities? Ang ibig sabihin daw nito sa Tagalog ay katalusan. Ang malapit na kahulugan nito ay keen awareness. Hindi ako sigurado kung sadyang aware ang mga taong umiibig o pansamantalang tinatakasan ng awareness, haha. Pero dito sa pack¬†ng sensibilities, dito naroroon ang mga pagpapahalaga natin, ang pagkakasunud-sunod ng mga ayaw at gusto natin at ang mga sinasalubong at tinatakbuhan natin sa buhay bilang tao. ‚ÄôYon. At pag naghahanap daw tayo ng katuwang sa buhay o pag-ibig, iyon daw ang hinahanap natin ‚Äď ang taong may sensibilities na kahawig, kundiman kapareho, ng sa atin. Pwede? Hmmn‚Ķ

So, what are the odds nga? Mataas. Ang laki kaya ng populasyon ng tao? Ha, ha‚Ķ Tuluy-tuloy ang andar ng makinaryang nagpapanagpo ng mga naghahanapan. At hindi lang dito sa blogosphere, ha? Dagdag na venue na lang itong huli nitong makabagong panahon. Bagong hunting ground, kumbaga. O, pwede ring sabihing last frontier para sa mga kagaya ko, hi, hi‚Ķ Tapos na raw ang era ng disco, bowling alleys at clubbing.¬† Merong bago ‚Äď ang blogosphere. Ha, ha, ang kulit lang… Siyempre, laging place of ill repute ang dating ‚Äď hanapan, landian at matching. Pero bago tayo mapunta sa usapang kabastusan, mabalik tayo sa huntahang esoteric. Naman‚Ķ

 

Pag naghahanap daw tayo ng pag-ibig o katuwang sa buhay, hinahanap natin ang isang taong kakatawan sa sangkatauhan sa buhay natin. Weh? Di nga? Oo, iyon ang sabi. Di ba, wika nga sa Ingles, ‚ÄúYou mean all the world to me‚ÄĚ ? Yown naman! Bale, tall order, ano po? Representative of mankind, huh? Parang mas madali yatang pumili ng congressman? Itong taong hinahanap na ito – isang ispesyal at magandang nilalang – sa paningin noong naghahanap. Susmaryosep! ūüėČ

 

Ano ang magiging papel ng ispesyal na taong ito sa buhay nitong si naghahanap? Kako nga, kakatawanin lang naman niya ang sangkatauhan at ipapakita nya sa nakakaibig sa kanya kung anu-ano ang mga maaaring pangyarihin sa mundo. Iyon lang naman… Siyempre, sa mas payak na usapan, ang ibig sabihin lang nito –¬†isang taong sasama, mag-aaruga at makikialam sa buhay ng taong naghahanap, sa isang taong umiibig. Kasama niya sa pagtuklas, pagharap at pag-unawa sa mga hamon ng buhay at pangyayari sa mundo. Katuwang niya sa pagtupad ng mga pangako, paghabol ng mga pangarap at pagpapagpag ng mga alalahanin sa araw-araw, sa isang tila napaka-imperfect na universe. Yown!

Siya ‚Äėyong isang taong kahit pa nagde-deliver ng pinaka-historical na speech si Obama, kahit pa halimbawa, nagka-security problem¬†si Pinoy habang namamahagi ng bigas sa komunidad at, kahit pa nagkakandabuhul-buhol ang traffic sa EDSA, iisa pa rin ang sabi: ‚ÄúKumain ka na? Hwag kang aalis dyan, susunduin kita.‚ÄĚ Ikaw ang kanyang universe, ¬†pinaka-VIP¬† ng sangkatauhan.

Dalawa kayo ‚Äď pwede nyong sabayan ang pag-inog ng mundo, paminsan-minsan ay istorbohin ang takbo nito o together, you can set the world on fire. ūüėČ

 

image of lovers' shadows on the grass

Katuwang at kasama sa laban ng buhay/ ecomii.com

 

Teka, tinatanong nyo pa rin ba kung ba‚Äôt ako single? Kayo na! ūüôā

 

Maaring patugtugin ang videos sa ibaba:

 

 

 

*Mga ka-blogs, bukas ang comment section, pero no heckling, hooting and howling. Wala rin sanang defamatory languages at mudslinging. Dapat behaved tayo para hindi tayo puntahan dito ng Senate Sgt. of Arms, ahaha… ūüėČ O, sige, gow!

 

Gusto Kita Dahil…

image of two animals acourting

Pag-usapan natin kung ba’t gusto kita/ shirt.woot.com

 

Ligawan tayo. Oo, dito. Di nga… ūüôā

 

Gusto kita hindi dahil kilala na kita. Hindi. Siguro, dahil nga bahagya pa lang kitang nakikilala kaya gusto kitang mas kilalanin pa. Gusto ko ring magpakilala sa iyo, sakaling interesado ka at sa tingin mo, may pupuntahan ang pagpapakilanlanan natin.

 

Maaring gusto kita sa isang dahilan lamang. Pwede ring sa maraming dahilan. Pero, pwede ring gusto kita maski wala akong masabing matinong dahilan*. Basta. Oo, pwede ‘yon. Nasa mundo tayo ng blog… Ang mga bagay dito ay karamihang tila, mukha, parang, siguro at malay mo? Ang sukatan pa rin ay kung paano natin tatratuhin at ilulugar ang isa’t isa sa totoong buhay.

 

Parang ang seryoso ng blog ko? Kasi, sabi ng mga kapatid, kaibigan at katrabaho ko, madalas daw ay hindi yata ako seryoso. Mukha raw akong naglalaro lang at naglalaro pa rin yata hanggang sa ngayon. Iyon. Pero, mas matagal na ako sa inyo sa mundong ibabaw at marami na akong nasalubong sa totoong buhay. Hindi virtual, totoo. Hindi ibig sabihin ay mas marami na akong naintindihan. Hindi. Andito pa rin ako sa blog – ang lugar ng mga may hinahanap at nagpapahanap.

 

image of two ducks courting

Maglapit at mag-usap/ ehow.co.uk

Siyanga pala, hindi na ako patalun-talon at paiba-iba – ¬†di na bagay sa edad ko… Nahihiya na rin naman ako pag minsan, naman. Saka, alam ko nang ang concepts gaya ng solidity, volume, texture, angle, trajectory, parameters at limits ay di inimbento lang para pahirapin ang aking buhay-estudyante. May ideya na akong may mga equivalents sila sa totoong buhay at pangyayari. Hinahahanap ko na rin sila sa mga taong nasasalubong ko – sinadya man ang pagdating nila sa eksena o hindi. Yown…

 

Having said that, Be that as it may, So?, Tapos?… Bumubukas ako sa posibilidad na may personal relationships na maaring umusbong at i-develop sa isang non-traditional setting gaya ng blogosphere. ¬†Bakit hindi? Noong araw, may mga nagiging mag-asawa dahil sa sulatan – penpals. May mga nagiging BFF dahil sa telepono – phonepals. May mga nagiging business partners dahil sa chatrooms – kahuntahan online. Hindi imposible na mula virtual, maging real ang personal na ugnayan ng mga tao. Pwedeng ang nag-umpisa sa tantyahan at landian ay gumradweyt at tumuloy sa seryosohan at aktwal na hawakan. Shaks ba kanyo? ūüėČ ¬†xD.

 

O, sya, mahaba na ang pambungad. Ito na ang mga dahilan kung bakit gusto kita

 

Gusto kita dahil pareho tayong nag-aral sa mababang paaralan sa baryo at parehong may lugar sa memories natin ang flagpole. Pwede siguro tayong magkukwentuhan tungkol sa flag-raising ceremonies.

 

Gusto kita dahil nag-aral ka sa exclusive school sa city. Matuturuan mo siguro ako kahit konti kung paano pumormal, magkaroon ng poise at humarap sa mga tao. Tuturuan kitang magsalita ng may punto, di nga. O, sige na nga, pati ng malalalim na Ingles.

 

Gusto kita dahil pareho tayong promdi. Hindi mo pa ako gaanong magugustuhan sa ngayon dahil ang gusto mo yata ay makalabas ng probinsya, habang ang gusto ko yata, tahakin ang daan pabalik doon… Pero nagkasalubong na tayo dito sa blogosphere at isang araw, sakaling magkakasalubong tayo sa totoong buhay, sigurado ako – hindi na tayo mahihirapang gumawa ng usap.

 

Gusto kita dahil cityboy ka. Iba kang manamit, streetsmart ka at ikaw ang tipo ng taong may confidence. Matuturuan mo ako banda roon. Ipakikilala naman kita sa nanay-nanayan kong mananahi, kung paano magngatngat ng tubo at paano makipag-usap sa kamag-anak na lasing. Haha.

 

Gusto kita dahil parang pwede tayong magkape lang ng 3-in-1 sa may kanto at pwede na tayong magkwentuhan ng dalawang oras. Siyempre, hindi tayo pareho bihis no’n at pwedeng di pa tayo ligo, haha. Pero, hindi na siguro natin papansinin ‘yon. Maghuhuntahan tayo na parang dating magkakilala. Ang kulit lang…

 

Gusto kita dahil parang pwede tayong magkape sa Coffee Beanery sa Shangrila o kaya sa UCC, sa baba. Uupo tayo roon at magkukunwaring sanay tayong uminom ng sosyal na kape at tila mga disente’t pormal tayong tao. Babatiin tayo roon ng mga kakilalala nating nagkukunwari rin, haha.

 

Gusto kita dahil parang ang gaan mong kausap. Payak at praktikal ang pagtingin mo sa mga bagay-bagay at di mo pinahihirap ang mga pangyayari. Seryoso naman ako at may pagka-komplikadong mag-isip, pero engot naman sa totoong buhay. Matututuruan mo ako, wari kong humanap ng balance… ¬†Tuturuan kita ng malalalim na salita at concepts. Haha, yong mga ‘yon ang alam ko, pasensya naman.

 

Gusto kita dahil parang may purpose ka sa buhay. Tila ang husay mo sa problem-solving at alam mo kung paano pangyayarihin ang mga balak mo. May pagka-pormal ka at flippant naman ako. O, di ba, bagay tayo? Ha, ha… ūüėČ

 

Sabi, we like people for different reasons and different seasons in our lives.

 

image of a pair courting in the olden days

May mga pwede na tayong pag-umpisahang usapan/ paintinghere.com

 

* Oo, ito ang pick-up line, ahaha.

 

Mga ka-blogs, kayo na ang magdugtong sa ating listahan. Pwedeng maghayag at magsabi ng diretso sa nagugustuhan. Pwede ring magpalipad-hangin. Siguruhin lang nating di tayo mauuwi sa sakitan, hablahan at karahasan. Wholesome ang DPSA blog, naman… ūüėČ

 

Sa mga Salita

 

I am sharing the poem below to fellow bloggers, especially to those who strongly believe that they have stories to tell and have a special way of telling them, before an audience as large as the world.

 

image of harry potter casting a spell

Nais nating magbahagi at mangmangha sa ating mga sulatin/ scarydoesntscareme. deviantart.com

 

Casting a Spell

Learn a spell. It takes some time

First you must have the gift of rhyme, 

New images, a melody. 

Verse will do but poetry

Sometimes will come if you have luck.

Play tunes, blow trumpets, learn to pluck

The harp. The best of spells are cast

When you have written words to last,

Rich in subtle rhythms and

Right words which most will understand.

Casting a spell’s a secret skill

Which few learn fast. No act of will

On your part hands the gift to you.

Words must surprise yet ring true.

False sorcerers are everywhere

But the true magic’s deep and rare.

- Elizabeth Jennings
from the book, A Spell of Words
Macmillan, 1998
  

Inaanyayahan ko po ang mga kasamahang bloggers na isalin ang tula sa wikang Pilipino bilang munti nating ambag sa pagpapayabong ng wikang sariling atin ngayong Buwan ng Wika. Wala pong pabuya. Subukan lang po natin. Salamat sa inyo. ūüôā

 

Close na ba tayo?

image of formula for closeness

May formula nga kaya?/ oocities.org

 

Pagkatapos ng backread, ano na? Close na ba tayo? Di nga?…

 

Backread. ‘Yan ang dramarama ko pag hapon o early evening. Naghahalukay-ube ako sa archives ng ilan sa ka-blogs, sa inyong bahay-bahay. Natutuwa naman ako, so far, sa mga anik-anik na nakikita ko ro’n. More or less, sampong bahay o sites na ang natapos ko sa loob ng mga sampong buwan. Ano’ng nakita ko ro’n? Hmmn… Na ang mga tao pala ay parehong simple at komplikado. Parang…

 

Ganito kasi ‘yan. Do’n sa sinulat kong Ang Bagong Betamax, sinabi kong mahalay mag-blog, as in… Kasi, kako, sa blog dyan yata natin inilalagay ang ating mga pagmumuni-muni, kababawan, galit, kaadikan at fantasies. In short, sa pagsusulat sa blog, we let others have a look at our most intimate sides.¬†Curiously, ipinapakita at ipinababasa natin ang ang mga ‘yon sa mga taong di natin kilala o di pa natin nakikilala.

 

Sa kabilang banda, aba e, naninilip din naman tayo sa blogs ng iba, sa mga gano’n nila. Hoping tayo na sa inaraw-araw na buhay kung saan obligado tayong sumunod sa mga kalakarang tila lihis, di-tama o di natin maintindihan, dito sa blog ay makakakita tayo ng medyo iba naman. ‘Ika nga natin, ‘yong walang pretensions.

 

Sulat tayo at basa. ‘Yon, blog life raw ang tawag sa gano’n, ahaha. And, I’d say that for the most part, hindi naman siguro tayo disappointed. Hi,hi, at least ako, hindi. Nakita ko naman sa pag-iikot-ikot na the ka-blogs tried to disclose as much as they can, as you can, sa mga sulatin nila, ninyo. Daring ang ganitong ginagawa nyo, natin, kung tutuusin. ¬†Dahan-dahang naghuhubad sa blog at isa-isang ipinapakita sa publiko, hindi lang ang mga bilbil at taba, kundi pati mga galos at sugat. ¬†At sa mga taong di pa natin kakilala, patatawarin!

 

So, ayon. Sa kabilang banda, tila desperate¬†at ¬†pathetic itong pinaggagawa natin. Ang layo na nito sa bilin sa atin ng ating mga magulang, “Don’t talk to strangers.” Haha, we’re in fact talking to strangers and about our most private longings, at that. Hala! Wala na bang happenings sa mga totoo nating buhay kaya sa blog sites na tayo gumagawa ng gimmicks at usap (Excuse me po!)? Pwedeng oo. Pwede rin namang hindi. Pero, tila aminado tayong pare-pareho: may kulang.

 

Iyong mga kulang na iyon, na tatawagin kong mga gatlang at patlang, tila ang mga iyon ang nagpapaandar sa atin para magsulat ng blog entries. Tama ba? Haha, mga gatlang at patlang sana ang title nitong post pero baka sabihin na naman ng iba sa inyong ang seryo-seryoso ko… Kaya ‘yon, may mga gatlang at patlang sa buhay-buhay natin. Chos! At lagi naman yata. Kumbaga, sa history ng tao at sa nararanasan natin, parang laging may ganyan. Kainis, pero parang gano’n.

 

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

 

Fill in the blanks kaya ang pagba-blog? Pwede. Pero, pwede ring enumeration. Pwedeng lecture (di lang sure kung marami ang makikinig).¬†Pwede ring multiple choice. Pwede rin namang True or False. Pwedeng essay (Shit, hindi pwedeng mangopya!). Pwede ring match column A sa column B. At pwede ring connect the dots. Maraming pwede. Pero, alam na yata natin ‘yon. O, hindi? Joke lang!

 

00000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

 

So, ano na? Ang point ko lang… Teka, may point ¬†ba ako? Actually, hindi ko sigurado, lols! Ganito ‘yon, may naisulat ako dati, Baka Sakali ang title. Tungkol ‘yon sa animal husbandry. Haha, tantyado ko sa umpisa pa lang na hindi iyon ang tipo ng babasahing papatok sa ka-blogs. Baka may mga tatlong ka-blogs na nagbasa no’n, baka sakali (pun intended). Ang bida ro’n sa pagkahaba-habang post (na pati ako, nag-nosebleed) ay ang baka. Beast of burden ‘yon, doon sa amin. Wala lang. Sabi ko lang do’n sa post na pag may alagang baka, baka increased ang chances na may makapagtapos ng pag-aaral sa pamilya. Ahehe… ‘Yon ‘yon.

 

Para saan ‘yon? May point ba talaga? Para iyon sa isang ate ko at sa kuya kong nag-alaga ng baka noong maliit pa ako. Sila, nakaranas ng gawaing iyon, ako hindi. Minsan, nakikisalibuyboy ako sa pagpapakain o sa pagpapainom ng baka. Pero, hanggang doon lang. At ngayong matatanda na kami, gusto ko lang sabihin, in so many words, in thousands of words, in fact, may ideya ako kahit paano na mas mahirap ang buhay na pinagdaanan nila. Talk about being roundabout. Ako na ang hindi makapagsabi ng diretso. Ako na.

 

There are so many ways to skin a cat daw, to approach a problem, to say I love youI hate you, Sinaktan mo ako, You move me, Wala akong pakialam, Kaya natin ‘to – at iba’t iba pang mensaheng gusto nating ipaabot, ¬†across the universe. Kung minsan yata, para lang ‘yon sa taong across the room, di nga. Hahaha at haha pa rin. Ang loser lang. And yet, am still hoping (I don’t know about you) na makakarating, na may mangyayari. Mukhang tanga lang.

 

Kaya pagkatapos kong mag-backread, ano na ang kasunod? Kung site mo ‘yon, will we become fast friends? ¬†Ibig sabihin ba no’n, kilala na kita? Close na tayo? Hindi rin. Baka lalong hindi. Baka mas mabuti pang hindi ko sininsin ang pagbabasa sa bloghay mo. At least, pag gano’n, baka posible pang meron akong maihirit sa comment box mo. O, kawayan kita sa YM, maglalakas-loob ako. O, i-email kita, sabihin ko, ‘Naman, you know me so well. You heart me talaga.’

 

Pero dahil nga nag-backread ako, hindi ko na ganoon kadali magagawa ‘yon. Maninimbang na ako. Naks, naman… Papasok na ‘ata yong sinasabing pagsasa-alang-alang? Consideration, sa Englishin. Tapos, respect. Yown, naman! Parang di maiiwasan, di nga. Nagkaka-ideya na akong may iba pang gustong ipahiwatig ang ka-blog – ¬†ikaw, kayo – lampas sa mga isinulat. Panghuli, ang reciprocity. Naman. Ang tanong dyan, nagba-backread ka rin ba sa site ko? Maski isa o dalawang posts lang sa isang buwan? Weh? ¬†Oiieee, ‘yon yata ang parteng tricky.

 

image of two cats close to one another

Alin ang mas madali - ang lumapit o mapalapit?/aesculapius.net

 

So, ‘yon nga. Iisipin ko na ang mga pwedeng maramdaman o reaction ng tao sa kabilang dulo. Titimbangin ko ‘yon versus my own, ‘ika nga. At eto, may tao. Wish ko minsan, wala. Pero, wish ko rin, sana mayro’n. Sana, totoo… Ano ba talaga? Ang adik lang, pramis.

 

So, eto na nga. Sa pagba-blog, some of us may seem to be trying to scratch or see through the surface. Some of us may seem to be leisurely exploring the middle. Some of us may seem to be coming up from the bottom, after inhaling so much shit in the deep part. ¬†Pero ‘yon ‘ata ang point do’nthat the operative word is seem. We never know for sure unless and until… And even then and even after… Heck, you never knew before this that I can talk shit and spell it, too!?! He, he… baka akala ko lang ‘yon?

 

Wala talaga akong point. Weh, dapat meron? Keyr ko?  xD

 

kainaman (A Ka-blog Special Anniversary Feature)

image of an ipad

Makabago na ngayon ang ating pakikipagtalastasan / bgr.com

 

Isa kang blogger. Mga 8-months na ang blog mo, mga anim na buwan ka nang nagbabasa ng posts ng ka-blogs. Siyempre, meron ka nang ilang paboritong sites. Hmmn… slight lang. Basta, meron ka nang pina-follow and last month nga lang, nag-subscribe ka ro’n sa site ng isang idol ka-blog.

 

Ang husay nya, alam mo ‘yon? Parang kuhang-kuha nya ang mga gusto mo. Pag patawa ang sinusulat nya, nakakatawa talaga; pag drama naman, hindi OA; at pag naglalagay siya ng pics sa posts, hindi loud. Tamang-tama lang. Isang araw, nag-decide kang i-email na sya. Ikaw na ang fan.

 

Ito talaga ang gusto mong sabihin:

YOU ROCK MY WORLD! IDOL!”

 

image of an e-mail

Dear You: Pinasasaya mo lagi ang araw ko. Ikaw na! / biziki.com

 

Eto naman ang laman ng email mo sa kanya:

Hi, (pangalan ni idol blogger). andame kong tawa sa last post mo. ang galing mo talaga, ang kulet lang. sulat ka lang palage, aabangan ko, pramis!”

 

Kung bibigyan ka nga pala ng pagkakataong i-rewrite ang email mo, ano ang papalitan mo ro’n?

Ikaw: Aalisin ko ang hi at ang name nya. Papalitan k0 ng hooist. Para naman close na kami… ūüôā

image of Charlie Brown writing a letter

May konting iba ang nasasaloob sa nasa sulat. Naman… / sodahead.com

 

mga anik-anik

image of Bart Simpson advocating for open sourcing

May mga sinulat na sinaliksik, may galing sa classic plots at may mga pinulot lang sa tabi-tabi/ toomanytabs.com

 

1. Higit sa sampong oras ang ginugol para sa fact-checking ng post na Bakuran Natin.

 

2. May 23 pictures na naka-attach sa  Sabado ng Kamusmusan. Naisulat itong post dahil sa balitang  nakalagay daw sa bagong bente pesos ang larawan ng alamid.

 

3. Ang mahabang post na Sukatin Mo ay maiksi lang sa original draft dahil tungkol lang sana iyon sa gatang, salop at kimis.

 

4. Ang premise ng post na Ang Paho Nga Naman ay wala yatang Pilipinong hindi alam kung ano ang mangga. Naisulat ito dahil may nag-request na mambabasa. Maiksi rin lang ito sa original draft.

 

5. Isa sa posts na pinakanahirapan akong sulatin ay ang Nagsusunog – tungkol sa waste disposal. Walang gasinong pumansin sa entry na ito.

 

6. Ang Bagong Betamax -Rated PG ang unang nailathala sa walong blog about blogging entries dito sa site.

 

7. Ang Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko ang una kong pagtatangkang magsulat ng post ukol sa pag-ibig. Galing sa classic plot ng romance ang ideya para dito  na karaniwang nasa romance books at chick flicks.

 

8. Ang dramatic technique na ginamit sa  Kung Tapos na Ang Lahat ay mayroong dalawang lalaking nag-uusap Рisang nagle-lecture at isang nile-lecture-an.

 

9. Ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili, tungkol sa pagiging in love, ay naisulat dahil lang sa trip, kumbaga. Labintatlong prose and poetry naman ang naging supling nito.

 

10. Ang ideya para sa madramang post na Bukas ay galing sa post ng isang ka-blog na may comprehensive update sa showbiz at politika ng bansa pagkatapos ang dulo ay may nami-miss syang tao.

 

11.  Ang Daloy, tungkol sa pagkaipit sa trapiko, ay naisulat sa loob ng isang Tapsilog House, Biyernes, bago mag-alas-sais. Inilathala naman ito nang sumunod na Biyernes, bago rin mag-alas-sais.

 

12. ¬†Ang ideya para sa post na Habang Wala Ka ay galing sa pelikulang While You Were Sleeping ni Sandra Bullock at sa kantang If You’re Not Here (By My Side)¬†ng Menudo.

 

13.  Ang nilalanggam sa tamis na Sa Aking Paningin ay galing sa kantang Just the Way You Are.

 

14.  Ang post na Salamat ay pasasalamat sa blogosphere.

 

15. Ang Huling Araw ng Pasok ang una kong pagtatangkang gumawa ng fiction. Naisulat at nailathala ito sa parehong araw.

 

16. Ang post na Ang Kwento ni Nine ay naka-14 na revisions bago inilathala.

 

17. Bukod sa kagustuhang magbahagi ukol sa tradisyon ng ligawan sa nayon, isinulat ang Nanliligaw sa Tanghali para okrayin ang aking mga ate.

 

18. Totoong panay ang aking ngiti noong sulatin ko ang post na Ngiti.

 

19. Ang post na Ang Magmahal ay galing sa kantang To Love Somebody at sa pelikulang May Minamahal.

 

20. Ang ideya para sa tulang Nananawagan ay galing sa kantang The End of the World na iniba lang ang twist.

 

21. Ang Payapang Dagat is a very personal post.

 

22. May dalawang posts sa site na sinadyang hindi i-italicize ang mga salitang Ingles sa unang paggamit sa kanila.

 

23. Sobrang bagal kong mag-type. Ang karaniwang ita-type ng iba sa loob ng sampong minuto, baka aabutin sa akin ng 30 minuto.

 

24. 85% ng posts sa site ay nakasulat-kamay ang original drafts at isinulat gamit ay lapis.

 

Maiksi Lang…

cartoon image of somebody reading a report

Masaya po ang mga ulat doon sa amin/ static1.kilu.net

 

Top 12 Informative Posts:

 

Bakuran Natin Рmga halamang tanim sa loob ng bakuran

Sabado ng Kamusmusan Рpamumuhay ng malapit sa kalikasan

Sukatin Mo Рmga tradisyunal na panukat

Ang Paho Nga Naman Рapat na klase ng mangga

Pag-iigib ng Tubig Рpanahong wala pang tap water

Banda Roon Рsense of direction ng taga-amin

Pagtatanim at Pangangalaga ng mga Gulay Рmga batayang hakbang sa pagtatanim

Bago Makapag-ani Рmga dapat gawin bago maani ang palay

Usong Yari ng Bahay Рmga sementadong bahay doon sa amin

Wala Niyan sa Amin Рmga gulay at prutas na wala sa amin

Kahit Munti Рbahay-kubo, bahay na una naming tirahan

Baka Sakali Рpag-aalaga ng baka at iba pang hayop

 

* Ang info posts ay nakaayos sang-ayon sa pagkakasunud-sunod, mula pinakamataas ang estadistikong nakuha hanggang sa pinakamababa. Ang mga ito ang nakakuha ng pinakamataas na estadistiko for all time sa DPSA site. Hindi kasali ang istadistikong nabilang  sa Bungad o Homepage.

 

Top 12 Posts for Bloggers:

 

Ang Bagong Betamax РRated PG Рbakit mahalay ang mag-blog

Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko Рdi-inaasahang pagsinta

Luntiang Panganib: deconstructing salbehe Рang blogger na si salbehe

Gawa-Gawa Lamang Рblogging bilang virtual experience

Kung Tapos Na ang Lahat Рpagmamahalang nauwi sa wala

Larawan ng Taong Wala sa Sarili Рpaglalarawan sa taong in love

Pakiramdam Рpagiging emosyunal

Bukas Рpagtatangkang lumimot

Si May 11 Рkwento ukol sa aming ina

Daloy Рpagkaipit sa trapiko

KM2: Sa Pamilihan ng Paniniwala Рpagpili ng paniniwalaan

Ba’t mo nga ako iniwan?¬†– mga panimdim ng isang iniwan

 

* Ang bloggers’ preferred posts ay nakaayos ayon sa petsa lamang ng pagkakalathala – mula pinakamaaga hanggang sa pinakahuli. Ang mga ito ang nakakuha ng pinakamataas na estadistiko among posts classified as blog about blogging, profiles and emo/mushy writings. Hindi kasali ang estadistikong binilang para sa Bungad o Homepage.

 

Top 12 Personal Favorite Posts:

 

Ang Kuluong Рkuhanan namin ng tubig-inumin noon

Walang Bait Рkailan nasasabihang walang bait

Parang Puputok Рkahihiyan sa loob ng klasrum

Huling Araw ng Pasok Рeksena sa opisina bago mag-pasko

Ang Kwento ni Nine Рtsismis sa baryo

Nanliligaw sa Tanghali Рlumang tradisyon ng ligawan

Ngiti¬†– iba’t ibang klase ng ngiti

Ang Magmahal Рmga personal na ugnayan ng isang tao

Nananawagan Р huwag paglaruan ang damdamin (tula)

Payapang Dagat Рang dagat sa buhay ng tao

Pangako ng Tag-ulan Рups and downs ng tag-ulan

Dantay Рtouch and sensations

 

* Ang personal favorite posts ay nakaayos ayon sa petsa lamang ng pagkakalathala – mula pinaka-una hanggang sa pinakahuli. Hindi ayon sa pinakapaborito o sa taas ng nakuhang estadistika.

 

Kalsadang One-Way

Image of a blogger in a car, waving

Pinasaya nyo ang isang taon/ http://www.imageenvision.com

Sa buwang ito, unang anibersaryo ng naturingang pangalawa kong bahay, pasasalamatan ko ang mga lugar at taong nagpasaya at nagpakulay sa isang taong paglalakbay. Kayo ‘yon, mga ka-blog. ūüôā

Pana-panahon ay dinadalaw ko ang inyong sites.  Minsan ay aktibo akong nagko-komento  at nagla-like doon sa inyong mga bahay. Kung minsan, tahimik lang ako roong nanonood ng mga larawan, nakikinig ng musika, nagmamasid sa inyong mga kwentuhan at minsan ay nagbabasa ng walang-imik ng mga teksto ng inyong posts.

 

Paminsan-minsan, pumapasok rin sa isip ko ang paggawa ng blogroll. Una na, para isang click lang ng mouse, andoon na ako agad sa bloghay nyong mga kapatid at katoto. Pangalawa, para maipaalam ko rin naman sa sangkatauhan, este, sa pangkalahatang audience, kung sinu-sino ang mga hinahangaan ko at kinagigiliwang kakwentuhan. Kumbaga, ipagmalaking kong kayo ang mga gusto ko sa blogworld at dahil sa inyo, parang mataas na rin naman ang panlasa o pamantayan ko sa pagbabasa, haha.

Pero, takot ako sa commitment. Iwas akong mangako ng mga bagay na di ko rin naman kayang ibigay o panindigan. Ang dami nang pagkabigo sa totoong buhay, pati ba naman dito sa mundong gawa-gawa lamang ay dadalhin ko pa ang pagiging bulaan? Hayaan na lang muna nating panahon ang magsabi kung kaya kong manatili sa inyong tabi at kung para sa inyo, ako’y magiging katanggap-tanggap bilang pirming kakwentuhan o kung sinuswerte, bilang kaibigan.

 

Minsan ay nagtatampo ako sa inyo. Minsan ay natatakot. Minsan, ako’y nagtataka lamang. Palagay ko, ganoon din kayo sa akin.

Sa bawat isa sa inyo, andoon ang aking pagtatanongbakit kaya niya nasabi ang ganoon? Ano kaya ang nais niyang ipakahulugan? Sino kaya ang kanyang pinatutungkulan? Bakit ganoon na lang siya kalungkot? Sino o ano kaya ang nagpapasaya sa kanya ngayon? Bakit kaya matagal siyang nawala? Ano kaya ang baon niyang kwento sa kanyang pagbabalik?

 

Ang inyong mga bahay ay tila imbakan ng mga mumunting galak; mga lihim na kaligayahan; mga inipong lungkot na unti-unting isinisiwalat; mga kaalamang pinaghirapan ng maraming taon – ibinabahagi ngayon ng walang bayad sa sinumang mapadaan; mga patawang may kahalong pait at; mga larawang gustong magpakilala, habang wari’y nais rin namang magkubli.

Naroon ang mga salitang nagsasabing wala, kanyo, kayong pakialam – pero tila nakikiusap ring pakinggan at ang mga paanyayang lumapit at makinig sa inyong kwento – habang tila nagpaparinig, “Lumayo ka, hindi ako karapat-dapat.”

Parang magagaslaw ang inyong mga panulat. Tila nakaipit o nakasuksok sa mga payak nyong pahayag at paglalarawan ang hiling na kayo ay dinggin at samahan. Inyo man ang wika nyo ay pinakanakaka-inip na istorya ng buhay, iyo’y buhay pa ring pumipintig at may kwenta. May saysay.

Kung minsan, sa inyong mga sinulat ay tila tahasan kayong nanghahamon, iniimbitahan ako at ang iba pang maghanap sa katotohanang nakatago sa mga letra. Kung minsan ang mga mensahe ninyo ay parang puno ng galit, nagpapa-alala – kailangang maging mahinahon at ang paghahangad sa kapayapaa’y isang pagpapahalagang di-kumukupas.

 

Noong mag-umpisa akong mag-blog,  inisip ko rin lang na magkwento ng mga karanasan sa mga taong andyan pero di ko kilala at mas malamang, di rin makakaisip na kilalanin ako. Kumbaga, unloading lang. Anonymous. Mass audience. At dahil kako, ako ay matanda na, marami-rami nang laman ang aking baul.

Gayundin, pagsusulat ang linya ko – malamang kaya ko nang magdugtong ng mga salita para palabasin ang isang punto sa paraang kainti-intindi naman. Isa pa, malamang sa hindi, hindi aktibo sa blogosphere ang mga dati kong guro sa Pilipino. Ligtas, kako, ako sa tila one-way na kalsadang pinili ko.

 

Image of the happy sun taking a peek

Dito sa sphere ng blog, nakakakita ng maaliwalas na lansangan/ graphicleftovers.com

Pero, iyon. Akala ko lang. Mag-iiba pala ang aking mga tuntungan habang tinatahak ko na ang daan. Ang blogosphere  pala ay  kalsadang hindi iisang tunguhin lang ang daloy.

 

 

Oo nga at kung minsan, ito ay tila isang hardin – maaliwalas ang paligid at puno ng mga berdeng dahon at mga kagiliw-giliw na bulaklak. Maligamgam ang sikat ng araw na dumarampi sa aking mga balat, habang doon – ako’y namamasyal. Banayad ang hangin, maliwanag ang mga ulap at mapagkalinga ang lupang binabagtas.

 

Pero, may mga bahagi ring matinik, may batuhan at may mga parte ring matarik at madulas. Kung minsan, dumidilim din ang langit at nagbabadya ng bagyo. At bago ko pa namalayan, ako pala’y naroroon na sa kadawagan. Tulad din sa totoong buhay – ako ay nagkakamali, naliligaw, namamalik-mata at napapaliko¬†—¬†kung saan-saan.

Subalit, may mga puno rin namang nagiging giya sa paglalakbay. May mga mumunting halaman ding ang mga sanga’y nakakapitan. May mga munting liwanag pa ring tumatanglaw sa mga manlalakbay. At, muli akong hahakbang at babagtas patungo ¬†sa malayong dako.

 

At tulad ng dati, naroroon pa rin ang kaba, ang pag-aalinlangan, ang pagkasabik sa mga di ko alam at ang pananalig na ang mga pagtatangka ko’y may pupuntahan. Maligalig at hindi tiyak kung minsan ang byahe, may mga panahong naantala at paminsan-minsan, pinanghihinaan ako, kanyo, ng loob. Pero, tuloy pa rin… ūüėČ

Sa daan, andami kong nakakasabay at nakakasalubong. May mga hindi namamansin, mayroong umiiwas, may ilang nambubunggo, may rumaragasa at may mga tahimik lang na lumalakad. Pero, may mga ngumingiti rin at kumakaway. May ilan ding malugod na bumabati.

 

At sa tuwing hindi banayad ang byahe, sa tuwing mapapakunot ang aking noo sa mga kaganapan at sa mga panahong ‘ika nga ay matamlay, minsan ay sapat na ang alaala ng ilang ngiti at masisiglang kaway –¬†para ibulong sa sarili: Sus, tuloy lang!

 

I get by with a little help from my friends. Kayo ‘yon, da bes kayo! ahaha… ūüôā

 

Larawang karton ng mga bloggers na nagkukwentuhan

May mga totoong tao sa likod ng blogs. Totoo rin yatang makukulit/ http://www.123rf.com

 

Magkatalikuran

image of lovers parting ways

Mahirap sabihin kung sino ang mas nasaktan/ myniceprofile.com

 

Gusto Kong Isipin…

 

Gusto kong isiping
Saan ka man naroroon, ika'y masaya
May ngiti sa 'yong mga mata
Mga tao sa 'yong paligid - ika'y napapatawa.


Gusto kong isiping
Naalaala mo ako kahit sandali
Na sa kaibuturan mo'y may konti pang pagtatangi
At naguguluhan ka rin - kahit man lang kunyari.

Gusto kong isiping
Sa maiksing panahon, kita'y nakilala
Na nasilip ko kahit paano
Kung ano at sino ka.

Gusto kong isiping
Inisip mo kung sino ako
Kung ano ang nagpapalungkot sa akin
Ano ang sa aking - ayaw at gusto.

Gusto kong isiping
Tayo'y nagkatagpo ng may dahilan
Hindi nagkataon o laro ng kapalaran
Dalawang pusong naghahanap - sadyang pinagtipan.

Gusto kong isiping
Sa buhay na di sigurado
May sadyang panahon at espasyo
Sa pagtungo mo sa akin at pagdating ko sa iyo.

Gusto kong isiping
Sumandaling totoo tayo sa isa't isa
Na pinaghandaan mo, bawat pagkikita
Na tunay ang saglit - mo akong napaligaya.

Gusto kong isiping
Hindi simbilis ng hangin ang pagkawala ng lahat
Na pagtatangi nati'y agad sumambulat
Na paglimot ang lunas - sa isang pitik, isang iglap.

Gusto kong isiping
Nag-aalala ka't naririyan pa.
Gusto kong isiping 
Pagbalik mo - ako'y andito pa. :) 

 
 
Huwag Mong Sabihin…
 
Huwag mong sabihing madali ang magpatawad
Batid mo ang lalim ng poot na hubad
Lalo't higit ang pagkasuklam sa sarili
Mga puyos at galit, mga luhang itinabi.

Huwag mong sabihing ikaw lang ang nagbigay
Ikaw lang ang umunuwa at umantabay
Na ikaw lamang ang may karapatang bumitaw
Umiwas, lumayo't magsabing sadya nang ayaw.

Huwag mong sabihing ikaw lang ang nabigo
Dalawa tayong nagpundar, nag-alay ng pagsuyo
Hindi man ninais, minsa'y kailangang isuko
Kung galang, wala na - di inisip o kinuro.

Huwag mong sabihing kalimutan dagli lahat
May mga bagay talagang di agad nagluluwat
May mga sandaling alaala'y ayaw paawat
May mga pagmamahalang di malilimot ng kagyat.

Huwag mong sabihing kahapo'y dagling iwaksi
Mag-umpisa nang bago ng walang pagsisisi
Ipaanod sa agos ang damdaming sarili
Iasa sa panahon ang paghilom, kapalara'y sino nga ang magsasabi?

Huwag mong sabihing mahal pa kita
Oo nga't nang ika'y lumayo, lumuha mga mata
Di nangangahulugang pagtatangi'y buo pa
Nang binigkas mo ang paalam, sa aki'y wala ka na.

Di mo na kailangang sabihin. ;)

Image of a broken heart with patches and band-aid

Kung hindi makumpuni, ibalik sana sa dati / love.catchsmile.com

 

* Ang huling tula ay kumuha ng inspirasyon sa tulang If You Forget Me.

 

Naisulat ang mga tula noong ikatlong linggo ng Marso, 2011, sa parehong araw.