Archive for the ‘Mali ang Iyong Sapantaha’ Category

May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig?

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig

May orasyon, kapagdaka’y sinasambit?

May salamangkang ihinahagis,  parang bitag

Sinumang mahuli – walang kawala, di makakapitlag?

 

Image of a fairy casting a spell

Pag ang tao ay umiibig, tila nilalagyan siya ng bulong?/ http://www.123rf.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sinasabi, ang umiibig daw, may piring mga mata

Ang nasa ilalim ng kapangyarihan, iisa lang ang nakikita

Ang matilamsikan daw ng gayuma, tiyak ang pagdurusa

Di sukat makalabas – kahit dalangin, maya’t maya pa.

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig?

Anong kapalaran ang sa atin, dito’y nagbubulid?

Anu-ano ang kailangan, para ito’y matawid?

Anong gamot ang mabibili – para ibsan ang sakit?

 

Image of a fantasy land in a distant place

Sa mga mala-pantasyang kaharian, laging may nakakakilig na kwento ng pag-iibigan/ http://www.wallpaper-free-download.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Saang yungib, makikita, iyong mangkukulam?

Kung maari’y hihingin, talab ay bawasan

Saang liblib matatagpuan yaong babaylan?

Pakisabi – ang bulong, dagdagan ang tapang. ;)

 

 

 

Maligayang Buwan ng Mga Puso pa rin, ka-blogs at mambabasa… 🙂 Sana ay nasa maigi kayo, nakangiti… ^_^

 

Gaano ka- makapangyarihan ang pag-ibig? Sagutin ang tanong – walang tama, walang mali – in 100 words, ahaha… Pakilagay po ang inyong sagot o paliwanag sa comment box. Ang mapipiling pinakamagandang sagot, maaaring magpa-edit/critique ng draft post na three pages (o, mas maiksi) sa blogger dito. Bukas ang pagkakataon sa bawat blogger, ka-blogs  –  sa loob ng tatlong buwan pagkalathala nito… I-a-anunsyo ang nanalo dito sa DPSA, sa pamamagitan ng isang blog post. Maari rin  siyang mag-guest blog dito, kung nais…

 

Naito muli – Gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig? Gow! 😉

 

Advertisements

Nagsusulsi, Nagtatagpi

 

Sinauna akong tao, mga kapatid… Ikinakabit ko uli ang lumuwag o nalaglag nang butones ng damit, nagsusulsi at nagtatagpi (patch) pa. Nitong huling bagyuhan, mga ganyan ang ginawa ng inyong lingkod, haha, habang balot sa dilim ang paligid at tila walang katapusan ang mga patak ng ulan.

Ako rin iyong madalas pang magdala sa repair shop ng mga nasirang payong at sapatos, ahaha. Ang pananahi, namana ko sa nasira naming lola. Nanay, kung siya ay aming tawagin… Ang pagpapakumpuni ng sapatos at payong, sa pinakamatanda naming kapatid ko naman nakita at ginaya, hihi… A, e, si Ate, mga 15 years na yatang di nagagawi sa pagawaan ng payong? Parang… Ako na lang ang affected sa kagawian, harhar…

 

Image of scissors and sewing tools

Ahaha, doon me sa liga ng mga taong may sewing box, pasensya naman/ http://www.sewnews.com

Ewan, may kung anong kasiyahang hatid sa akin, pag nagagawa ko ang mga gawaing ‘yan… Nakakatulong din, para makatipid maski paano. Nagagamit pa ang bagay na nagkadepekto, pero pwede pa naman, hoho. Magagamit pa, maski di na bago, ako na… Gaya rin ng iba, ipinapaputol ko ang luma o kupas nang jeans, ipinapagawang shorts.

Sa T-shirt, ginugupit ko madalas ang kwelyo at binabawasan ang manggas. Tapos, dinadala sa mananahi, para padaanan sa edging machine. Mas comfort na ang habol, kesa sa pagtitipid… Ginagawa ko rin, binibilhan ko na ng kapalit ang bagay na nasira, pero ipinapakumpuni ko pa ang dati. Alinman sa  gagamitin pa, ipapasa na sa kasamahan o ipapamigay sa mga dumadaang nasunugan daw. Pero, mas madalas, inaayos o ipinapa-repair ko muna, ahaha. E, suplada at suplado kasi ang mga pagbibigyan – sinisinop ko muna ng onti. Baka may masabi pa, harhar…

 

Sa kabilang banda, hindi ako gaanong attached sa mga materyal na gamit, wari ko lang. Medyo madali akong hingian, arboran  at hiraman –  ng wala nang solian… Madalas mangyari ‘yong  hiniram sa akin ang gamit, sa pangatlong beses, ibinibigay ko na, ahaha. Lalo pa pag bagay ang gamit o damit sa nanghiram at di ko naman paborito. Ewan…

I want things to be put to good use, yown ang kapaliwanagan… Pero, sabi naman ng iba, maarimunhan daw ang ganoon. Mahinayangin?. Marks of poverty raw o hang-up, sus.  Baka nga, malamang… Anlagay, di pa naman ako yumayaman at baka hindi na, haha. Dumaan na rin sa panahon, financially maluwag ng konti. Pero kurips pa rin, hihi… Kung ilan ang mga kapatid namin, walang-wala. Ayon, am easily affected, harhar. Haybuhay…

 

Image of colorful threads

Masaya pa ang lola nyo pag may bago syang sinulid, haha/ http://www.craftsbee.com

Anupaman, ako na lang yata sa amin ang matiyaga pang magsulsi at nagpapa-repair pa, patatawarin… Ang mga kapatid, sanay na rin sa mabilisang pagdi-dispatsa at pagpapalit. ‘Yong usual na katwiran – wala na silang time para sa mga ganoon, sows. Pero, hwag kayo, may time sila para sa primetime telenobela, whehe.

Ang blogger naman dine, di matyaga pag sa TV papanoorin gabi-gabi ang kadramahan. Nanonood din, from time to time, pero sa dyapeyks na DVD, haha. Pag Byernes at Sabado – marathon mode, pampa-eyebag… Actually, di ko alam, nagkaka-eyebag din naman, pag weekdays. Hindi nga lang dahil sa telenobela. Mas dahil sa kapupuyat, ahaha…

 

Anyway, pag primetime na mga palabas, yon naman oras ng lola nyo para dalaw sa repair shops, hihi. O, makikita nyo ako sa sala – nakikipakinig ng TV –  habang nagsusulsi. O, kaya, nananahi sa kamay – habang nakikinig ng music sa Youtube. O, yan, medyo modern na ng onti -YouTube, ahihi. Basta, sa akin, nakaka-relax ang gano’ng routine. Ang boring ko lang na nilalang, true. Nai-enjoy ko pa rin sa buhay parati – ang magtasa ng lapis, hihi. Ganyan me kawagi. At, sabi sa inyo – sinauna… 😉

 

Image of a girl happily sewing away

Relaxing para sa akin ang pagsusulsi ng damit, parang pagga-garden/ http://www.creative-stitchers.co.uk

 

Pagbati sa inyo, kaway-kaway… 🙂

 

Payak na pamumuhay sa isang luma pang panahon

 

Lampas sa nostalgia for rural past ang iniaalok  dito, pasensya na. Sakaling hanggang doon lamang ang inakala ng mambabasa, ikinalulungkot ko. Hayaan ninyong magpaliwanag ako ng bahagya kung bakit…Nakatira kami noon sa bahay-kubo, ang karanasan ay di singromantic at singsaya noong sabi sa kanta… Pero, appreciated ko ang parteng iyon ng aming buhay at pamumuhay. Hmn, iniisip ko pa bang ulitin? Parang di needed, di na rin practical. Hindi ko rin sure, kung kaya ko pa… 😉

 

Image of a couple reaping palay harvest in rural Philippines

Maraming mga palayan ang nangawala sa bansa na nagdala ng kagutuman sa kanayunan ng mga huling taon/ rbapmabs.org

 

May isa kaming kapatid, parating dreaming na ibalik ang luma pang panahon.  Sabi nya, simple lang daw noon. Totoo naman… Pero, duda ako kung kaya nya, sakaling mangyari ang return of the comeback, hihi… Sa aming lahat, siya ang pinakakumpleto ang gamit sa pagluluto, moderno at convenient ang mga kasangkapan at mababa ang tolerance nya sa alikabok, putik at mga dumi, hahaha. Dahil nagkukunwari akong fair na tao, bibigyan ko sya ng, hmnn, three days… Try lang. 😉

 

Image of women washing clothes in a river in rural Philippines

Masarap maglaba sa ilog, huwag lang papaabot sa init/ http://www.backpackingphilippines.com

Payak din ang modernong buhay, sa tingin ko… Pag magluluto, pipihitin lang ang gas stove, pag maghuhugas ng pinggan, pipihitin lang ang faucet at pag madilim, ipi-press lang ang ON ng switch – ano pang mas sisimple? Ang medyo komplikado, pag walang pambili ng LPG refill, pag nalimutang bayaran ang bill sa tubig at pag walang pambayad ng koryente, hoho…. Ayon, medyo komplikado ang manghiram ng pambayad ng bills, medyo mahirap i-explain. 😉

 

 

Image of a man on the way to the forest in rural Philippines

Pirming may gulok sa kaluban ang mga Tatay sa kanayunan/ http://www.terraproject.net

Nakakatuwang magluto sa kalang de-kahoy. Masarap din ang mga pagkaing luto sa kahoy, mabango at natural na natural, ‘ika nga… Ang di nakakatuwa, ang magpaputi ng mga kalderong puno ng uling. Sabagay, okey pa rin pag may mauusap o mauupahang maglinis para sa iyo, hihihi… Hindi na rin madaling maghanap ng taga-sibak ng kahoy ngayon, maski sa liblib na lugar. 😉

 

Pinakamahirap ang magkasakit sa remote na barrio. Kung pangkaraniwang sakit lang, pwede nang lunas ang mga tradisyunal na halamang gamot. Pag malala at kumplikado na, kailangan na ng makabagong gamot at ospitalan… Sabihin mang may natural healing powers ang medicinal plants – kailangang dumaan sila sa process – para tumalab sa katawan ng maysakit at makapagpagaling. Di  pwedeng paracetamol lang ang iinumin at nakaantabay sa taong seryoso ang medikal na kalagayan…

 

Ang food production ng makabago man o makalumang bansa, dependent pa rin sa mga kanayunan. Sa gayon, kailangang magkaroon o panatilihin ang kabuhayan ng mga taga-bukid… Sa bawat kalamidad na dumarating, unang naaanod ang self-esteem ng mga kalalakihan sa nayon, daan para mapalapit sila lalo sa alak, sugal, kapabayaan sa mga tungkulin at pananakit sa mga miyembro ng pamilya. Hindi biro ang dinaranas ng asawa at mga anak nila – sa kahirapan ng buhay at kalupitan.

 

Sa Pilipinas, pinakamababa ang productivity ng agricultural sector, may malaking gap, sa napakalaking bilang ng mga taong naka-depende rito… Matagal nang nakaungos ang manufacturing sector  at nitong mga huling taon, nangunguna na ang service sector sa productivity or output sa pangkalahatan… 15 taon ang nakakaraan, 93% ng negosyo sa bansa, di man lang papasok sa kategoryang small scale business. Categorically, sila ay tiny or micro. Nag-improve na, pero sa kasalukuyan, at least 85% pa rin ay micro – pagawaan sa silong, talyer, stalls, mobile peddling at mumunting tindahan sa harap ng bahay…

 

Image of a farmer's dwelling in rural Philippines

Ganito ang karaniwang tirahan ng magtatanim sa bukid sa ating bansa/ tourism-philippines.com

Ang pagsasaka gamit ang hayop at ararong bakal, na-devise pa ng tao, libong taon na ang nakakaraan. Biblical times, kung tutuusin, matapos matuklasan ang bakal at metallurgy. Ito pa rin ang gamit ng maraming farming communities sa Pilipinas… Pero may mga mas luma pang preoccupations. Ang pagpapastol ng hayop, isa sa oldest professions ng sangkatauhan, lumaganap sa unang yugto ng settled communities. Isa rin ito sa least remunerative na hanapbuhay sa ngayon. Subalit, may mga kababayan pa tayo, tanging sa ganitong paraan nabubuhay. Ganoon din ang pangingisda – gamit ay kawil, buslo at simple hooks lamang.

 

Kung papansining maigi – yaong mga nakapagtayo na ng matitibay na negosyo, nakapagpatapos ng maraming anak at nakapagtrabaho sa abroad sa mahabang panahon – siyang nakaka-afford mamuhay sa rural setting, pero may kabuhayan at access sa pasilidad at mga serbisyo. Sila ang may kakayanang mabuhay ng “payak at sapat” sa natural setting, pero di nahuhuli ang antas ng pamumuhay.

Sa mga taong wala sa buhay na nakatira sa rural na lugar, nanatili pa ring luntiang kabukiran, sikat ng araw at simoy ng hangin ang afford nila. Kapos sila sa pagkain, kalusugan, salapi, aral, transportasyon, pakikipagtalastasan, tiwala sa sarili at maging sa mga pangarap at balakin sa buhay. 

 

Image of a verdant rural community in the Philippines

Malawak ang bukid, luntian ang paligid at malamig ang simoy ng hangin sa kanayunan. Subalit kakambal pa rin ng buhay doon sa ngayon ang kahirapan at atrasadong pamumuhay/ http://www.panoramio.com

 

Ka-blogs, comment kayo…  Ang dami ko na yatang naikwento, kayo naman… 😉

 

Pakiramdam

Hello, ka-blogs! Reblog lang po muna uli, pasensya na… 🙂 One of the early posts rin itong Pakiramdam. Dito, sinilip ng bahagya ang papel ng emosyon sa tao at bakit parang may love-hate relation ang mga kabataan sa emosyon, ahaha. Gusto ko rin ang post na ito, among sa mga naisulat. Feeling ko, naka-tsamba rito, ahihi. ‘Yon lang, parang it raised a few sets of eyebrows din yata… Kumbaga, parang ang daming topic na napagdi-diskitahan ng blogger dito, pasensya na… Sari-sari nga yata ang napapansin, kainaman na…

Have a good week, mga kapatid. Cheers! 🙂

 

doon po sa amin

Sa subject namin noong Humanidades o Humanities, doon ko naalaalang tinalakay ang paksa ng pakiramdam. Nababanggit ko ito dahil madalas kong maengkwentro rito sa blogosphere ang salitang emoshit. Ako nga pala ang tipo ng taong mabagal maka-catch up sa usong salita. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng XD na lagi kong nakikita sa blogs… Anupaman, ang kuha ko, pag usapang pakiramdam na, kailangan may kasunod agad na pagtanggi o mura para maging katanggap-tanggap.  Tila sa kasalukuyan, hindi dapat i-dignify ang nararamdaman ng isang tao.

 

Ang Humanidades nga pala ang araling tumatalakay sa ugnayan ng tao, lipunan at panitikan. Ang natatandaan ko rito, ‘yong diagram na may tatlong bilog na pinagkabit-kabit.  Isa sa sinasabi rito, mahalaga raw ang pakiramdam sa tao at sa buhay.  Kung wala raw kasi nito, walang magiging tulak o motibasyon ang tao para gumalaw, mabuhay at…

View original post 774 more words

Ang ugat ay siya ring bunga

 

Hello, ka-blogs! Kwentong ube tayo, ahihi… Alam nyo ang ube, sure me much. 😉 Purple yam ito sa English. Isa itong uri ng tuber or rootcrop. Iba pala ito sa taro, mga kapatid. Tuber din ang taro at malapit na kamag-anak ng ube, pero magkaiba sila… Nakakain ang ube at masarap, walang tututol, hihihi…. Halayang ube, anyone? Oo, siyempre, nakalagay sa halo-halo, sarap! Purple yam jam nga pala ang halayang ube sa English, mabanggit lang… 🙂

 

Image of purple yam jam

Halayang ube, isa sa masarap at kinasanayang minatamis ng mga Pilipino/ wanderingchopsticks.blogspot.com

 

Ang ube, isa sa mga halamang-ugat na paboritong itanim ng mga taga-amin, bukod sa luya, hehe. Bagay ang ube sa lupa roon… Tapos, hindi ito high maintenance na pananim. Basta maganda ang lupang taniman, medyo malamig at may kaunting espasyo – malayu-layo sa iba pang pananim – nabubuhay at lumalago na itong halaman.

 

Image of a puple yam tuber with sapling

Tanim na ubeng may suloy na/ en.wikipedia.org

Ang pagtatanim pala ng ube, para ring pagtatanim sa kamote at patatas. Pipiraso ng ubeng magulang, malulusog at may mga mata – siyang itatanim. Maliit lang, about two inches na cubical, ilalagay sa hinukay na lupa. Tatabunan yaon at regular na didiligin. Ang kapirasong tanim, pag nakailang-linggo, magkakasuloy na, ahaha. Pagnakailan, iyon ay lalago… Habang lumulusog ang mga dahon sa itaas ng halaman, nagkakalaman rin at lumalaki ang mga ugat nito sa ibaba, sa ilalim ng lupa. Nakakamangha, nakakagiliw…

 

Para rin nga palang kamote o sweet potato ang halamang ube. Bukod sa kulay ng kanilang laman, ang kaibahan ng dalawa, ang puno ng ube ay mas matingkad ang vine-like property. O, ha, may vine-like na nalalaman, shaks… Oo, mas gumagapang ang puno, mga sanga at dahon ng ube kaysa sa kamote. Ewan ko lang, bakit…

 

Image of purple yam plant with green, healthy leaves

Hugis-puso ang mga dahon at uri ng halamang gumagapang para mabuhay at lumago/ en.wikipedia.org

 

Pareho sila ng kamote – gumagapang at pumupulupot sa balag o katabi nitong shrub o kaya, poste… Pero, kung tama ang na-observe ko, ang kamote, pwedeng walang gagapangan sa loob ng isaang  yarda o isang metro, pero makaka-survive pa rin at lalago. Pataas… Samantalang ang ube, isang foot rule pa lang ang suloy, kailangan nang lagyan ng kawayan o posteng makakapitan. Kung hindi, babagsak itong halaman sa lupa, mamamatay. Para itong baging, baging na malambot ang mga tangkay at dahon…

 

Image of a robust purple yam plant in a backyard

Kulay lila ang gilid ng tangkay at outlines ng mga dahon ng halamang ube/ davesgarden.com

 

Sa amin, ang mga tanim na ube, may sariling balagan o trellis. May gapangang ginagawa para sa kanila ang magtatanim. May alloted space rin para sa kanila. Pag ginawa silang paningit lang sa ibang mga tanim, hindi sila lumalaki ng ayos. Pag minsan, alternate crop din ang ube. Halimbawa, inaantay pa ang planting season ng major crop, magtatanim muna ng mga ube. O, kaya, nasira ng bagyo ang sadyang tanim, lalagyan muna ang espasyo ng mga ube, para di masayang ang lupa at panahon…

 

Image of clean purple yam harvest

Lumalaki at bumibigat ng husto ang tanim na ugat ng ube/ http://www.imagesphilippines.com

Pag inaani na ang mga tanim na ugat ng ube, sinlalaki ng sanggol na bata o mas malalaki pa, ahaha. May hawig din ang tuber na ube sa luya, parang ganoon din. Mas malaki lang ang size na inaabot ng mga ugat ng ube, kaysa sa ugat ng luya. Bale, ang tanim na luya, maaring lumaki ng kalahating kilo hanggang dalawang kilo ang mga galamay. Ang ube, mga dalawang kilo hanggang limang kilo ang inaabot na laki ng isang tanim. Nakakatuwa… 😉

 

Sa amin pala, pambenta sadya ang ube, kaya itinatanim. Cash crop, ibebenta sa mga mangangalakal ng gulay para dalhin sa malaking pamilihan. Ang gamit nito sa bahay o personal consumption, pang-special occasions lang, pag magha-halaya ng ube – pag pasko, Bagong Taon, pista at iba pang mahahalagang petsa. Kung hindi rin lang, ipagbibili ang inaning ube.

 

Paano na ang mga batang gaya namin noon, parating foraging for food sa loob ng mga balagan? Ahaha. Ay, di problema, sa totoo lang… Dito nag-a-apply ang sabi, Nature provides. Ahihi, paano? Ang ube ay namumunga, ganoon ka-simple at ganoon kadali… Bale, ang ugat o tuber na lumalaki sa ilalim ng lupa, iyon ang ipagbibili at ang bungang ube, pangkain ng mga batang makukulit at parating gutom, hihi. 😉

 

Image of ube fruit

Ang bunga ng ube, sinlalaki marahil ng mga manggang Indian na may buto na, nakabitin itong mga bunga sa halaman/ marketmanila.com

Oo, mga kapatid, bumubunga ang ube ng ube rin. Totoo, walang halong biro… Kasinlalaki ng mga manggang bubot pa – ang bunga nito. Kita nyo ang Indian mango na ilang linggo pa lang namumunga? Parang ganoon kalalaki ang bunga ng halamang ube. Para silang pansabit sa palosebo, mga palamuti sa halaman. Pinipitas namin ang mga iyon noon at inilalaga, parang kamote… Ang galing ng kalikasan, hano? Pag naka-ipon kami ng mga kalahating kilo o isang kilo ng bungang ube, may pang-meryenda na kami, ahaha. 🙂

 

Ano’ng lasa ng bunga? Lasang ube, as in… Di nga, parang ugat rin ng ube. Ayon lang, mas maputla ang kulay nito kaysa sa ugat at mas mild ang lasa. Pag wala na kaming mahukay na ugat ng kamote noon, bunga ng mga ube naman ang kinukuha namin, pampakalma sa mga tiyang pirming gutom, hihi… Sa totoo lang, pag ang ugat ng ube ang inilaga, hindi gaanong masarap… Masyado itong kulay ube at concentrated ang lasa (parang squid). So, happy kami noon pag ang mga tanim na ube, namumunga na.

 

Personally, isa ang ube sa nakaka-amaze sa akin sa mga tanim sa amin. Kung ano ang ugat, siya ring bunga… Ang ugat ay for industrial consumption; ang bunga, for personal and immediate consumption ng nagtatanim. Bakit for industrial consumption? Napaparami kasi ang ube, kayang i-mass produce, kumbaga. Pag nahukay na sila at napagsama-sama, ibebenta sila ng maramihan. Kadalasan, industrial consumers ang bumibili ng mga ito.

 

Pag sinabing industrial consumers, mga mamimili silang hindi kaaagad iko-konsumo ang produktong nabili, kundi ipo-proseso pa nila iyon o gagawing ibang produkto, para maibenta. Ang halimbawa ng industrial consumer – ang mga may gilingan ng bigas sa palengke, ang may malalaking tindahan ng halo-halo at ang mga naglalagay ng ube sa garapon – sweets manufacturers. Pati rin ang mga confectionery and bakeries. Ayon…

 

Image of boiled purple yam fruit boiled and skin removed

Ganito pala ang itsura ng nilagang bunga ng ubeng binalatan/ marketmanila.com

Siyanga pala, medyo matagal ko nang gustong isulat ang tungkol sa ube, para sa mga pamangkin… Hindi na nila ito naabutan. Nakakakita na lang sila ng ube, pag may galing sa Baguio, nakalagay sa garapon, ahaha. Pag minsan, may ubeng ugat sa kusina ng mga bahay nila, bigay ng mga tiyahin namin sa bukid. Naka-stand by sa bilao sa sulok, kung ilang linggo, nag-aantay na may magsipag gumawa ng halaya, hihi… Pero hindi alam ng mga pamangkin – ang ube ay bumubunga. At, sa maraming taon, isa ito sa mga meryenda namin. 😉

 

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 4

 

Kumusta, mga ka-blogs? Papalaot pa rin tayo sa ating kwento. Pasensya naman, kung pampadugo pa rin ng ilong… Interesting din sa isang banda ang mag-aral ng lipunan, oo. Ahaha, may salespitch talaga? 😉

 

Image of an unpaved road in a barrio in the Philippines

Malalayo ang pagitan ng mga bahay sa mga liblib na lugar/ http://www.squidoo.com

Sa nakaraang post, natalakay ang basics of governance – peacekeeping or common security, public roads, health, pagdalo sa assembly and common cultural practices or social rituals – sa isang pamayanang nag-uumpisa pa lamang. Basics of society na rin, pag sociological ang pagtingin…Na-discuss ring closely-knit ang mga tao sa ganoong setting, maliit pa lang ang bilang ng mga kasapi at halos magkakakilala pa lahat. Sa gayon, ang natural tendency ng mga tao, gawin ang ginagawa rin ng mga kasama. Hindi wise sa gayong sitwasyon ang umiba o mag-iba ng kilos at pagpapasya. Halos pare-pareho ang ginagawa, ang buhay na hinahabi at ang pagpapahalaga ng mga miyembro sa nag-uumpisa o frontier society.

Sa ating paglalarawan, pelikula ang materyal na ginamit. Bakit? Sapagkat sa Pilipinas, kahit ang napakalalayo at liblib na lugar – sitio o barangay –  di na bababa sa 100 taon ang edad o gulang. Kumbaga, matagal-tagal nang settled ang mga naninirahan at hindi na istriktong masasabing frontier pa… Pag sinabing frontier, naghahawan pa lamang ng kagubatang matitirhan, matatamnan, mapagpapastulan at mapamumuhayan. Babago pa ring naglalatag ng mga social infrastructures o batas, kalakaran at mga gawing ipatutupad at susundin ng mga nakatira sa komunidad. Sa ibang salita, babago pa lang itinatayo ng mamamayan ang sibilisasyon sa lugar… Hindi na ganito ang mga nayon sa Pilipinas – lalo pa at marami sa mga barangay ay nag-umpisa noong panahon ng mga Kastila – 200 hanggang 400 taon na ang nakakaraan.

 

Image of a traditional hut in rural Philippines

Simple ang pamumuhay sa nayon ngunit tila mabagal din ang pasok ng pag-unlad/ http://www.philippine-real-estate.net

 

Ang nayon sa Pilipinas, mas kilala sa tawag na barangay. Basic unit ng society natin. Village ang pangkaraniwang tawag  sa Literature. Ang kahulugan nito ay munting pamayanan. Village din ang tawag sa Chinese, Japanese at Indian Literature, sa pagkakaalam ko… Sa Europa, ang tawag nila  – country. O, kaya, outskirts. Pag minsan, countryside… Wari, gamit yaon para pag-ibahin ang bukid sa sentro o sa bayan at lalo pa, sa lungsod. Sa Europeans noon, karaniwan sa mga maykaya sa buhay, may bahay na malaki o villa sa countryside at may apartment naman sa city. Bale, pag winter, umaalis sila sa probinsya at tumutungo sa cities o nagbibyahe sa abroad. Ang mga tagalunsod naman kapag summer, nagbabakasyon sa bahay nila o bahay ng kaibigan nila – sa countryside… Sa period films, English or French, may ganito – sa Little Women, Pride and Prejudice, Age of Innocence at iba pang maborloloy na European films, ahaha.

 

Image of a traditional house in a barangay in rural Philippines

Ganito ang karaniwang bahay sa mga barangay sa rural area sa Pilipinas/ http://www.internetphilippines.com

Baryo ang isa pang tawag natin sa nayon. Mula ito sa salitang Espanyol na barrio. Barrio rin ang tawag sa village sa Latin American countries na nasakop ng mga Kastila noong araw – sa Mexico, sa Puerto Rico, Cuba at iba pa. Syanga pala, ang mga nabasa kong panitikan sa pag-a-adjust sa buhay-lungsod, karamihan ay sinulat ng Mexican authors na nag-migrate sa Amerika. Tila maraming pagkakahawig ang Mexican at Filipino cultures, dala marahil ng napakahabang taon ng impluwensyang Espanyol sa parehong grupo ng tao… Sa pagkaalam ko, panahon ng pamahalaang Marcos tinawag na baranggay ang baryo. Ginawa raw para kilalanin ang balangay, basic unit ng ating lipunan bago dumating ang mga Kastilang mananakop. In-adopt ito sa buong kapuluan. Marahil, may advantages – political monitoring, administrative ease (para mas madaling i-monitor ang health centers at mga baryong wala pang assigned na guro) at para sa pagpapabilis ng basic services tulad ng mails at population survey.

 

Isa sa highlights ng discussion natin sa nakaraan, ang rough roads palabas at papasok sa loob ng mga baryo. Tila baga staple na ng pamumuhay sa liblib na lugar, default menu, kumbaga, ang madalang at siksikang pagbibyahe papunta sa bayan at pabalik. Pag sa baryo nakatira, pangkaraniwan at tanggap na ng mga tagaroon ang ganito. Pero para naman sa mga nakatira na sa labas – sa bayan at sa lungsod – tila parusa ang ganitong bagal at hirap ng transport. Pag sa mga turista – lokal man o foreigner – thrilling experience ang makasakay sa ibabaw o gilid ng umaapaw na dyip o motorsiklo habang bumibyahe sa mala-bituka ng manok na daan. May kanya-kanya yatang pagtanaw… Pero ngayong nasa ika-21 na tayong siglo, sa munti kong pagtingin o, hula, haha, kahit ang mga taga-baryo mang di pa nakakatira sa ibang lugar, may ideya na ring mas gaganda ang buhay kapag may mas maayos na kalsada at regular na byahe ng mga sasakyan. 🙂

 

Image of an unpaved road in rural Philippines, 2

May iisa bang approach sa sinasabing pag-unlad? Gaano katagal at ano ang mga kailangan bago ang isang nayon ay maging bayan?/ myphilippinelife.com

 

May karugtong pa rin ito, mga kapatid. Hala, ba’t ko nga naumpisahan ito? 😉 Sa susunod, titingnan kung maari na tayong mag-discuss ng formations ng mga bayan-bayan sa Pilipinas. Titingnan natin kung pwedeng ikumpara sa formation ng bayan sa Western setting… Ayon lang, parang kailangan ng research, ahaha. Lagot na… 🙂 Ang gusto ko sanang tingnan, kung may merit ba ang claim na mabagal ang pag-unlad sa ating lipunan o nasa tamang phasing lang. Basta, titingnan natin… Sana, patuloy kayong mag-antabay. Maraming salamat. 🙂

 

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 2

 

Image of a jeepney coasting along un unpaved road

Tatak na yata ng buhay sa nayon sa Pilipinas ang kalsadang rough pa at ang dyipning laging puno/ andymjbrown.blogspot.com

Unpaved road, rough road o dirt road – kalsadang walang aspalto o semento ang karaniwang daanan ng publiko sa mga baryo, bukid o small villages. Ito yaong mga kalsadang putikan kapag tag-ulan at puro alikabok naman – pag tag-init. Sabi, pag dirt road pa raw ang daan sa isang lugar, nangangahulugan yaong nag-uumpisa pa lamang ang sibilisasyon doon at maraming mga taon at dekada pa ang daraan  – para maikonekta ang lugar at mga tao sa kabayanan, sa kalungsuran at sa mas malaking mundo, sa pangkalahatan.  Access o kawalan nito, ang pangunahing suliranin sa mga ganitong lugar. Pakiramdam ng isolation naman ang nadarama ng mga nakatira sa baryong wika nga, hindi pa konektado.

 

Sa Pilipinas, ang pinaka-common na representation ng phenomenon ay ang dyip na punung-puno mula itaaas hanggang ibaba – may nakasakay na pinamili sa ibabaw ng sasakyan, may tao rin, haha; may mga nakabitin sa gilid at sa estribo at; may mga produkto at hayop na nakatali sa mga gilid-gilid. Sasakyang umaapaw – heavy-duty dapat ang gulong at dapat ay maingat at sanay magmaneho ang driver. Medyo parusa sa mga tao ang lumabas pabayan at ang  pumasok paloob ng baryo pag ganito pa ang transport system. Medyo ganito sa amin noong 80s, naikwento ko sa naunang posts. Isang beses isang linggo lang noong mamalengke ang mga tao sa amin at pag namili, dapat ay kumpleto na. Sa mga cartoons at sa ilang tourism promotion, medyo madalas ipakita ang umaapaw na dyip bilang salespitch kung gaano kasaya, ka-thrilling at ka-flexible ang mga Pinoy. May pagka-romantic lagi ang rendition.

 

Image of a full jeepney in the Philippines

Para nga namang masaya ang makipagsiksikan sa dyipning puno lagi mula loob hanggang labas/ liveinthephilippines.com

 

Pero paano nga ba nagsisimula ang sibilisasyon sa isang lugar? Ito naman ay matanong lang… Sa mga pelikula na tayo madalas nakakakita ng ganito – kung paano sinisimulan ang pamumuhay ng mga tao sa isang munting pamayanan. Commonly known sila as frontier movies or frontier stories, kumbaga. Mga kwentong early settlement period – noong kakaunti pa ang tao, mas marami pa ang nagkalat na mga hayop at ang mga gubat, kailangan pang hawanin o i-clearing, para matirahan at mapagtamnan. Pag sa pelikula, parating ang bida o mga bida ay strong characters – isang Tatay na may pioneering vision, isang Nanay na very norturing pero pirmi ang loob o kaya ay isang batang very artistic and creative – maliit pa lang, pero enterprising na at may diskarte. Sa kanilang pang-araw-araw na buhay at pakikihamok iikot ang istorya. Madalas, ang ipinapakita, hirap ng struggle with forces of nature – lupit ng bagyo, bangis ng dagat o misteryo ng bundok. Ipinapakita lagi sa kwento ang halaga ng perseverance at strength of character.

 

Image of rural children playing outside their hut in the Philippines

Payak ang buhay sa mga pamayanang nag-uumpisa pa lamang, wala pang ideya ng mga nangyayari sa labas nito/ article.wn.com

 

Sa scriptwriting, coming of age ang tawag sa ganyang plot…  Alinman sa ang bida ang magma-mature sa dulo – may mari-realize siyang something bad o something noble sa human nature, ahaha o di kaya, ang pamayanan ang magma-mature. Bale, matatalos nila, halimbawa, na ang taong hinahangaan nila ng lubos (bida) ay may kahinaan o kasamaan din. O, kaya, na siya ay isang pangkaraniwang kasapi lamang… Ang kadalasang storyline, may isang bidang uuwi sa village na pinagmulan, galing sa lungsod o sa ibang bansa. Kung minsan naman, may isang travelling salesman na magagawi sa isang di-kilala at malayong baryo – doon siya magkakaroon ng love affair at guguluhin ng presence niya ang buhay at paniniwala ng local people, ahaha. O, kaya naman, mga magpe-perya – roving carnival people – na magdadala ng bagong impluwensya sa mga lokal na taong nanahimik at namumuhay ng payapa.

 

Anupaman ang plot at storyline, sa mga pelikula madalas magpakita ng life in the barrio – paano pumipintig ang buhay doon. Paanong may lokal na taong nagnais na makalabas at mamuhay sa ibang lugar o kaya naman, may tagaroong mapipilitang umalis at hanapin ang kapalaran niya sa labas, sa mas malaki at sabi, mas magulong mundo. Laging dalawang point of views ang ipinapakita sa palabas – ang punto de bista ng mga nasa loob ng pamayanan at ang punto de bista ng nasa labas. Ipinapakita sa istorya kung bakit sa huli, pinili halimbawa ng bidang huwag umalis ng lugar. O, kaya naman, pinili niyang umalis na lamang, kahit masakit sa loob.  Anuman ang naging desisyon niya, lagi tayong mga manonood nagkakaroon ng bagong pagtanaw sa kung paano titingnan ang buhay, pag-ibig at pakikibaka ng mga taong nakatira sa payak, tila makipot, makitid, mabagal at paulit-ulit na buhay sa bukid o sa baryo… 🙂

 

Image of a Filipino rural family by the window

Pag nakalabas na sa baryo, hati ang pakiramdam – kalahating romantiko at kalahating makabago/ http://www.dipity.com

 

Mayroon pa itong kasunod, ka-blogs. Kapag sinipag uli… Happy weekend! 🙂