Archive for Disyembre, 2013

Si Yolanda at ang mga puno ng niyog

 

Hello, ka-blogs… Kumusta kayo matapos itong bagyuhan? Ay, hanging pampasko na, napansin nyo rin? Kahapon pala, paggising ko, napansing may snow sa site, nanlalaglag sa screen ng WordPress, hihi. Natuwa ako, countryside na countryside ang dpsa, sa tropikong bansa, tapos may snow? Aliw… Anupaman, masayang pagbati sa panahon ng kapaskuhan… ๐Ÿ™‚

 

Tungkol sa ating paksa, napansin nyo rin marahil ang mga puno ng niyog sa mga lugar na hinagupit nitong napakabangis na bagyong itatago natin sa pangalang Yolanda, ahihi. Oo, yon, tanging sila ang naiwan matapos ang pagwawala ng kalikasan, ahaha. Last one standing lang ang peg ng mga nasabing puno – tall, stately and proud – sila na… ๐Ÿ˜‰ So, bakit nga at paanong sila ang tanging naiwan?

 

Image of a part of the Visayas that has been hit badly by supertyphoon Yolanda

Tila kalansay na lamang ng lugar ang natira sa mga pook na tinamaan ng mahigpit ng bagyong si Yolanda o Haiyan… / globalnation.inquirer.net

 

Ay, kakaibang bagyo itong lola natin… Kinaya niyang buhatin ang mga sasakyan at ihagis ng kung ilang metro, hoho. Itinumba niya ang mga poste ng koryente at telepono, inihampas at iwinasiwas ang mga iyon sa mga gusali, kainaman na. Habang pinapanood, parang hindi totoo? Parang palabas sa cartoons, ay… Hindi lang niya binali ang mga sanga at katawan ng kalalaking puno, binunot pa niya ang marami – kasama ang mga ugat – bago ihinandusay sa tabi-tabi. E, tayo, dito sa Pinas, nakagisnan na natin, dalawa o tatlong puno lang sa isang village ang karaniwang naitutumba ng isang malakas-lakas na bagyo. Balita na sa atin pag may punong naitumba, oo. At mas madalas, kaya ang mga iyong i-clear out ng authorities, sa loob ng dalawang araw…

Sanay na tayo sa mga bagyo, ahaha. Tayo na… Pero yon, mas sanay tayo sa bagyuhang pagkakadilim ng paligid, umaalulong ang hangin at may nagliliparang mga yero ng bubong. Pag minsan, may kasamang mga bintana, ahaha. Ay, hindi si Lola Yolanda. Sabihin na natin, ini-level up, up nya ang bagyo experience ng mga Pinoy… ๐Ÿ˜‰

 

Iyon ang isa, may kasama si Yolandang “storm surges of the sea,” term na nito-nito na lang natin narinig. Sa madaling salita, nagkaroon ng sariling buhay, galit at galaw ang mga alon ng dagat. Umahon sila at nanalasa sa mga pampang, hinabol ang mga tao, kainaman na…

Kung inyong mapapansin, sa mga lugar na matatagal nang tirahan ng mga tao, sentro madalas ang tabi ng tubig. Naroroon ang maraming istruktura, may pamilihan at siyempre, may pantalan o port… Wala naman, iyon lang mga iyon ang binayo ng storm surges. Alala nyo yong sa Bibliya, ang wall of Jericho? Ayon, parang ganoon ang ginawa ni Yolanda sa Tacloban at sa coastal villages sa Kabisayaan – ni-ram through ng mga higanteng alon ang breakwaters at structures doon, ang una sa line of defense ng mga lugar sa tabing -dagat …

 

Anyway, mabalik tayo sa mga puno… Ang dramatic ng shots na ravaged ang buo-buong lugar tapos, tanging mga puno ng niyog na panot sa isang side ang natira, o, di ba? Post-apocalypse scenario, hoho… Tapos, ang camera man ni Anderson Cooper, panay ang pakita ng mga patay na taong nakahandusay sa daanan at sa tabi, pambihira… Anyway, ang kwento, habang dumarami ang mga nakahandusay – formerly animate and inanimate objects – tumataas at bumibilis ang fund-raising for the victims sa West, lalo pa sa Europe. Ewan ko, hindi ko rin alam ang eksakto, pero fever-pitch daw – dinaig pa ang sabungan pag may special derby, ang auction houses sa kasiglahan ng bidding at ang stock exchange, pag araw na masiglang-masigla ang trading, kainaman na… Hindi raw nababakante ang mga telepono sa telethons – para sa mga nasalanta ng pasaway na si Yolanda. Ayon…

 

Bakit pala na-shock ang mundo sa mga patay na ilang araw na ay di pa naililibing? Di nga, seryosong tanong… Bukod sa health consideration at sa amoy, amoy na naaamoy ng typhoon survivors at delikado sa kalusugan ng mga bata, ano pa ang meron doong ikinagimbal ng mga manonood? Sapagkat, saanmang lugar at sa ย anumang kultura, parating may paggalang sa patay. Yown… Kung maalala natin, kahit sa panahon ng gera, basta may pagkakataon, ang mga sundalo ay humihinto at kung di man nila maitabi ang bangkay, isinasara nila ang mga mata at inilalagay sa gitnang bahagi ng katawan ang mga kamay nito – tanda ng paggalang at pagbibigay-pugay sa buhay. Ayon…

So, unang pagkakataong nangyari, wari ko, na may na-witness ang mundong ang itsura at pagkakaayos ng mga patay ay pareho pa rin, matapos ang ilang araw… Sobra-sobra marahil ang shock ng mga naiwang buhay sa naranasang bagyo – na-traumatized at na-paralyzed ang marami sa kanila. Iyon din marahil ang paliwanag — bakit marami sa mga nanghihingi at naghahanap ng makakain – children survivors — walang lakas at huwisyo ang matatanda para sila ang maghanap at dumiskarte. E, siyempre, mas mabilis mag-bounce back ang mga bata, sila ngayon ang lumalabas sa evacuation areas at sa temporary shelters – para maghanap ng tubig at makakain. Parang pag may pista sa mga baryo? May mga batang naghilera sa kalye – hinaharang nila ang bawat makitang sundalo, rescuer, foreigner at journalist – hininihingian ng tubig, pagkain at tulong. Ang lungkot, sa totoo lang… ^^

 

Image of mature coconut plants

Habang tumatagal, papatangkad rin ang puno ng niyog/ http://www.colourbox.com

Balik na tayo sa kwentuhang puno ng niyog… Itinuro yaan sa atin noong elementary – versatile na puno ang niyog. Bawat bahagi raw nito ay may gamit – nagagawang mantika, bunot, walis-tinting, construction materials at iba pa… Doon sa amin, mas appreciated ang puno ng niyog bilang panghati ng hangganan ng lupang pagmamay-ari. Oo, ahaha, parang pambakod ng property sa amin ang puno ng niyog? Pag pumaroon kayo, mapapansin nyo, basta hangganan ng ari-arian – may marker na puno ng niyog – dalawa hanggang limang puno sa dulong bahagi ng property. Maliliit lang ang cut ng lupa sa amin – kalahating ektarya hanggang dalawang ektarya sa isang magtatanim o magsasaka. Tapos, ang isa pang purpose ng pagtatanim ng niyog, para patibayin ang border o hangganan, para hindi dumausdos ang lupa. Pinipigilan ng mga ugat ng niyog ang soil erosion, para hindi bawas ang lupang ari-arian matapos ang sampong taon, ahaha.

 

Pero sa lugar namin, hindi main product o pangunahing kalakal ang bunga ng niyog. Iyon lang may malalapad na lupang hindi tinataniman ng ibang crops ang naglalaan ng lupa para gawin sadyang taniman ng niyog. Ilan lang ang alam kong nag-kokopra ng niyog, doon sa amin. Bakit? Sapagkat ang puno ng niyog ay nangangailangan ng malaking espasyo, ahaha. Jealous plant ang niyog, mga kapatid, ayaw nya masyadong mag-share… Ang alam ko, doon sa amin, 30 hanggang 50 hakbang ang layo ng itinatanim na puno ng niyog – para lumaki ng maayos at mamunga, ahaha. Tapos, sa lupa sa mga pagitan nila, ilan lamang klase ng halaman ang pwedeng itanim, iyong mga hindi mang-aagaw ng nutrients ng lupa gaya ng monggo, sitaw at tapilan, ahaha. Isa pa, ilang taon muna ang hihintayin – bago ang isang punong itinanim ay mamunga, mapitas para magamit pansarili ย o maipagbili… Kaya kung ang isang magtatanim, may iisang ektarya lang na lupa ay sa mga niyog aasa, malamang magugutom muna siya at ang kanyang pamilya.

 

Larawang karton ng mga puno ng niyog

Matitibay raw at maasahan ang mga puno ng niyog, maging sa oras ng sakuna/ rahulmax.deviantart.com

Noong maliit pa ang blogger dito, bago mag-grade one yata, nakakita ako ng lupang kini-clear para taniman ng hindi niyog, ahaha. Bale, ang ginawa ng mga magtatanim, pinutol ang mga puno ng niyog, saka hinukay ang mga ugat. Alam nyo gaano kalalaki ang mga ugat ng matatandang niyog? Sinlalaki o mas malalaki pa sa bahay, ahaha. Marami, malalim at sapin-sapin ang ugat ng puno ng niyog – parang isang community, ahihi. Iyon siguro ang patunay – bakit jealous plant ito at bakit matibay ang kapit ng punong niyog sa lupa, kayang manatili at indahin ang mga hambalos ng napakalakas na bagyo… Si bagyong Yolanda, may mga puno rin ng niyog na nabunot, nabali at naitumba. Pero ang hula ko, hula lang naman, ang mga iyon ay mga punong mas bata… Marahil, sila ay 20 taon pababa ang gulang. Ang mga naiwang nakatayo, mga puno ng niyog na 30 to 50 taon na ang edad, ahaha. Ang tatangkad nila, parang hinahamon ang super bagyo, ipinapakita – may nilalang na kayang mabuhay at tumayo, matapos ang malupit na pananalasa… ๐Ÿ™‚

 

Comment kayo, ka-blogsMay naaalala kayong kwento sa mga itinuro sa atin ukol sa puno ng niyog noong elementary? ๐Ÿ™‚

 

Advertisements