mumunting alaga

 

Nakaranas na kayong mag-alaga ng baboy? Oo, biik sila, siyempre, sa umpisa… Ang kukyut! Para silang pets, pink babies na parating gutom. Pag ipinapanganak sila, maramihan. Karaniwan, isang panganak, isang dosenang sanggol, ahaha. Mga dalawang linggo pagkasilang sa kanila, pag pumasok kayo sa loob ng kural o barn, lapitan sila agad sa inyo. Pero, ingat, baka kayo suwagin ng nanay – andoon din siya sa loob, hihi.๐Ÿ˜‰

 

Image of a young, small and clean pig

Cute na hayop ang baboy, lalo pag maliit pa/ http://www.pregnancy.org

Nakakatuwa silang alagaan, parang napapalapit din sa loob ng mag-aalaga? Pag minsan, pinapangalanan din sila, haha. Ayon, lagot na pag may panga-pangalan na… Ibig sabihin, may personal na kayong ugnayan, hihi. Tinatawag nyo na sila pag kakain, akala mo, tao… Iyon lang, nakaka-turn off silang kumain – ang iingay. Kagulo sila parati, pag ibinuhos na ang feeds o darak na pagkain nila. Galit-galit muna, ahehe. Saka na kayo uli papansinin ng mumunting hayop – pag wala nang laman ang lagayan, hahaha.

 

Iyon lang, matrabaho ang magpaligo sa kanila. Araw-araw yon, walang absent. Dinaig nyo pa ang kumuha ng maraming anak na sabay-sabay papalakihin (buti hindi sinusuutan ng uniform, kundi, kailangan pang i-pagplantsa, haha). Tapos, tapos, pagkakapaligo sa sangkaterbang cute na cute (pero ang babaho) creatures, pupulbuhan. Hihi, biro lang. Nanay naman nila ang kailangang paliguan. Ang laki, kadalasan, ng inahing baboy – parang baby elepante, hakhak. Bina-brush ang katawan ng malalaking baboy. Yown.

 

Image of a swine being bathed

Mas matrabahong paliguan ang malaking hayop/ lifebeyondthesea.com

 

Sabihin pa, maraming tubig ang kailangan nyo… Aysows, noong araw, wala pang running water doon sa amin, nai-imagine nyo gaano karaming tubig ang kailangang igibin at ipunin para sa mga alaga? Nakow, matibay dapat ang likod ng sinumang nag-aalaga ng baboy – para sa igibang walang-puknat… Ang daming hakot ng tubig ang kailangang gawin para mapanatiling malinis ang mga alagang hayop. Tapos, pagkapaligo sa kanila, kailangang linisan ang kural. Hahaha, iyon ang parteng masaya – ang dami nilang dumumi, shaks na iyan. Siyempre, tubig na marami pa rin ang kailangan, bukod sa walis at sabon, hihi.

Pagkatapos noon, kailangan nyo nang maligo. Kailangan talaga – di ko na ipapaliwanag bakit. Basta, maiinggit kayo sa mga biik, pretty in pink sila, glowing ang mga balahibo at nakahilera roon sa sahig na pagkagaganda, hehe. Kayo namang si tagapag-alaga, amoy-hayop, parang mas bagay na tumira sa kural? Peace! Pero, siyempre, kakausapin nyo muna sila, papagalitan, hahaha.๐Ÿ˜‰ Basta, mag-a-update kung sino ang sipunin, sino ang mahinang kumain, sino ang may pilay, ganyan… Sa kung ilang buwan nyong gagawin ang ganoong routine, pag hindi ba naman napalapit ang loob nyo sa mumunting alaga? Ewan ko lang…

 

Mabibilis lumaki ang mga alagang baboy. Basta, pirming may pagkain, malilinis at di nagkakasakit, bago mo pa ma-realize, nagsilakihan na sila. Pwede nang mag-college, haha. Biro uli, pwede na silang ipagbili. Papapuntahin nyo na sa may inyo ang tatampa o appraiser. Susukatin niya at titimbangin ang mga hayop at magbi-bid kung magkano ang halaga – in live weight. Ayon, payday na, yehey. Yon lang, sabi sa inyo, hindi dapat masyadong na-a-attach sa mga alaga. Kasi nga, isang araw, lilisanin nila kayo, kayo ay magwawalay, huhu.

 

Image of a swine feeding its young

Ang piglets pagnakailan, malalaking baboy na ring maaring ipagbili/ http://www.flickriver.com

 

Nakakita na ako ng baboy na nanganganak, hihi. Parang ang hirap? Pag umiire ang inahing baboy, tumatalsik papalabas sa kanya ang mga biik. Iyong nakita ko noon, ang isang biik, humagis ng mga 15 hakbang ang layo. Nasalo naman yata, parang may sumalo. Nabuhay ang biik na iyon, sa pagkaalaala ko…๐Ÿ™‚

 

Possibly related posts:

 

Baka Sakali

Pag-iigib ng Tubig

 

19 responses to this post.

  1. Cute naman ng mga baboy tingnan! Pero mabantot halos tuwing nakakakita ako.. depende naman yata yun sa nagaalaga or OA lang talaga pang-amoy ko.๐Ÿ™‚
    Minsan napunta kami sa piggery ng Tito ko, picture picture kahit malapit nang masuffocate sa amoy. Plastikan to the max ang mga smiles.๐Ÿ˜€
    Tingin ko mas challenging mag alaga ng patabaing baboy. Di maiwasang di ma-attach pero kelangan talagang iwasang ma-attach kasi nga binebenta or kinakatay no?.๐Ÿ™‚
    Di pa ako tyempong nakakakita ng maraming biik. Iba kasi namamatay or hinihiwalay sa nanay dahil may nadaganan.

    Tugon

    • hello, June… hihi, true – cute silang mababantot.๐Ÿ˜‰ mabaho sadya, although pag exposed na ang isa sa amoy, nakakasanayan na rin, hoho.

      kakatuwa kwento about picture-picture. smile to the max, against the baboy-baboy background, (plastik!) haha. oo, kakatuwa pag mabibilog sila, saka bibo. masarap pag sa stage na pwede pang kargahin, parang babies din? ay, malungkot ako noon, pag palapit na araw titimbangin na sila, huhuhu. lalo pag doon sa lugar namin lang kakatayin? parang gusto kong maglayas, haha.

      ah, after some time, pag di na suckling sa Nanay ang mga biik, iwinawalay sila sadya ng kulungan… ang galing, alam mo ‘yong nadadaganan ng inahin? medyo common yoon – napipilayan o di makahinga ang biik, ayon…

      ang gandang tingnan pag maraming biik, parang invasion… ahaha. hullow!๐Ÿ˜‰

      Tugon

      • Ay oo, tingin ko din naman maiimmune ka sa kahit anong amoy pag lagi mo na nang naamoy. Yung iba nga naaddict pa, tingnan mo yung mga solvent boys hehe. bad example๐Ÿ˜€

        Hahaha plastik nga! Ganyan yata kasi talaga tayo. Mangyari na ang mangyayari basta smile parin pag may camera.๐Ÿ™‚
        Oo nga common yung nadadaganan or something. Minsan kasi nung bata pa ako super excited na akong makakita ng ganun pero nung pagpunta namin, “anay” (inahing baboy) na lang naabutan namin kasi nga dahil sa mga eksenang ganun.๐Ÿ˜ฆ
        Pero cute talaga yung biik. Nakaka amaze at nakakatuwa yung ingay niya pag nagugutom.
        Happy new week Ate San!

      • ahaha, pag nag-alaga ng baboy sa backyard, masasanay na, true.๐Ÿ™‚ hahanapin mo ang amoy pagdating ng time na wala na kayong alaga, ahaha. but then, pag mga two dozens lang alagang baboy, manageable pa ang amoy at langaw generated. pag piggery talaga, ay problema ‘yon. may health hazard na sa mga nakatira… inilalayo sadya sa tirahan ng nakararami ang piggery. may systematic waste disposal system and sewerage din dapat na maayos – kung mass raising ng livestock. ayy, naging seryoso, pasensya na… ^^

        ahaha, di ikaw na ang sanay sa picture-picture. showbiz… ay, me, di komportable lagi sa harap ng camera, di marunong… ang naalala ko sa sabi mo, mga pamangkin ko – kahit anong ginagawa at anong pwesto, pag tinapatan ng camera, posing agad, hahaha.๐Ÿ˜‰ ay, sayang, inahin na lang ang naaabutan… malinis na kural no’n, haha. masaya pag kahalubilo pa ng nanay ang mga baby biik, magulo. saka, pag early morning, marumi at di maayos kulungan nila, baboy na baboy talaga eksena, hakhak.

        kakatuwa ang mga biik, mahilig silang mag-pout na parang nagsi-seek ng affection? parang puppy dog na nagpapansin, hehehe. happy new week rin, June. antay ko post mo, ha. regards…

  2. isang napapanahong post๐Ÿ˜€

    Tugon

  3. May mga tao masahol pa sa baboy kahit ayaw nang baboy, sa kanila kinukumpara ang ‘di magandang ugali ng mga tao samantalang mas matino at may pakinabang pa sila kesa sa pasaway na maraming tao. Sa kanila din ipinangalan ang kontrobersyal na pork barrel, ewan ko kung bakit.

    Ang seryoso ng komento sa light na blog entry na ito, hehe.

    Tugon

    • ahaha, ang kulit ng comment, political ang naisip nya? hihi.

      a, wari ko sa bible galing ang analogy sa baboy as matakaw or masiba, parang… pero,tila ligaw na baboy ang tinutukoy doon – free range animals- kain nang kain ng lahat ng makita, hoho. pati ligaw na aso, masiba rin sabi sa bible – lahat daw ay kinakain nila at walang pinapatawad…

      at sineryoso ko rin, hoho.๐Ÿ˜‰

      Tugon

  4. may drama series din pala sa pag-aalaga ng baboy, hehe. yain mo aking tatandaan, “di -dapat masyadong ma-attachedโ€, para di masyadong mahirap sa panahon ng paglisan. teka, โ€˜yung inahen o kaya ang barako, madalas maiwan sa amo ‘di ba, sila yung mga baboy na napipirme sa amo?๐Ÿ™‚

    Tugon

    • hello, Cup… ahaha, oo, meron. ‘kala mo naman ‘to, nag-aalaga ng baboy? heh, sa kisig mong yan, feeling ko, di ka pinapagawa sa inyo, di ka pinagbubuhat ng timba at kaya ka pa pagwalisin ng dumi ng baboy, hahaha. eniwey, kwentong elementary days din to, hhihihi. kung ngayon mo ako palalapitin sa mga baboy, tatanungin ko muna ang mag-aalaga – tapos nang linisin at i-hose down ang kural? bago ako lumapit, haha.

      ahaha, ibang pag-aalaga at ugnayan ang naisip mo?๐Ÿ˜‰ tungkol sa biik ‘to, hihihi… ibang activities at ibang interactions ang sumagi sa yo with the terms, “hwag ma-attach” and paglisan. peace…๐Ÿ˜‰

      ah, depende, kapatid. yon atang sabi mo, yong system na breeder, yong may stud na baboy and inahin also called “palahian?” oo, dinadala lang sila ng few times sa farm noong nagpapabuntis (na baboy) but remains with the owner…

      dito naman sa kwento sa itaas, backyard raising of pigs lang. yong common sa bukid-bukid? kapiling ng nanay na inahin ang infant pigs until such time na pwede na silang iwalay ng kulungan. yown…. hello, salamat sa dalaw.๐Ÿ™‚

      Tugon

      • naku ha, hindi nga ako nag-alaga ng baboy pero nag-alaga naman ako ng chicken, minsan ko lang sinubukan pagkatapos kong mag resign sa corp work. naisipan ko lang na para hindi masayang ang aking pag-mumuni-muni edi maghanap ng pinagkaka-abalahan. ayun nga lang dahil sa environmental constraint, gang chincken lang ang nakayanan. marami na rin kasi sa aming mga nagsuluputang subdivisions kaya ganun. pero nung elementary days ko naman, posible ang backyard farming ng baboy.

        kaiba sa chicken ko vs baboy mo, mas marami ang pede ko i-raised depende sa location at mas mabilis ang turn-over ng income, basta mababa ang mortality rate ng mga alagain.

        syempre bilang lisensyadong tagapagtuos, nagamit ko ng malaki ang aking knowledge sa budgeting at forecasting. haha, un ang aking edge malamang.

        o diba in 3 mos naging productive ang aking pag-mumuni-muni, haha. at akoโ€™y muling nagbalik sa pag-eempleyo.

        paumanhin, kailangan ko ipagtanggol ang side ko dito, haha.๐Ÿ˜›

        ps bakit nga pala nabasa ko sa isang paskil mo na may kinandadong puso, haha. dapat ata ung kural ang ikandado, hindi yung puso.

      • hello, Cup… a, talaga, nag-raise ka ng chickens? ahaha, ba’t sandali lang… iba na raw ang landscape ng chicken-raising sa ngayon, sabi ng ibang friends na province-based… ang ginagawa raw ng corporations, isina-subcontract pagpapalaki ng chickens and livestocks sa entrepreneur-farmers na may puhunan and track record. tapos, sa harvest time or bentahan, per head ang commission or parte ng nagpalaki sa mga hayop. gaya ng sabi mo, basta mababa raw ang mortality rate at walang epidemic na dumaaan sa farm, mataas daw ang kita. senga?๐Ÿ™‚

        ay, oo, mahirap pag sa loob ng subdivision ang pag-aalaga. sa mga interior or bukid-bukid dapat, ahaha. yon lang, pupuntahan ni chicken raiser/owner araw-araw, maliwag din. saka, may security question, baka sa daan ay maharang. medyo ganoon daw… ay, isang beses ka lang nag-harvest tapos, back na sa usual grind? true, sa pagpapalakad ng business, importante lagi makagawa ng budget and forecasts. pag hindi, the enterprise would just coast along… better pag kayang itsurahan ang supply and demand and i-adjust ang budget and operation based doon. ahaha, akala mo naman, maalam? whihi.

        hihi, ikaw na productive at nagsisipag habang nagmumuni-muni. tagapagtuos ka pala, kaya pala na-curious ka sa post sa SSA > Huwag Mong Isiping Ganoon Uli <. o, e, as cpa ang empleyo mo ngayon or as IT? pag cpa, maraming accounts na hina-handle, sabi. pero, yumayaman daw, hahaha, ang mga marurunong at masisipag sa numbers, bali-balita nlang, hehe. ^^

        a, e, pasensya na. feeling ko kasi, vain ka, ahaha at parating neat ang ‘yong nails. so, go, ipagtanggol mo sariling sumubok mag-alaga at magpalaki ng chicken… ahaha, walang kaugnayan ang biik sa pusong ikinandado, walang connect. ayos pa ang puso, yong valves ang kailangang ipa-check up, hihihi. have a happy week, kapatid.๐Ÿ™‚

  5. Posted by Haring Ibon on Enero 4, 2014 at 5:23 hapon

    nag alaga ako ng isang baboy… katabi ng kwarto ko sa 2nd floor and kwarto nya. di naman mabaho ang dumi nya depende sa pagkain yan. vegetarian kasi ang baboy ko hehehehe.. pag commercial feeds talaga mabaho๐Ÿ™‚

    Tugon

    • hello, haribon. happy new year uli… pasensya na, this escaped me. hah, talaga, katabi ng kwarto mo, kakaiba! ngayon lang ako nakarinig ng vegetarian na baboy, haha. sa amin noon, bukod sa feeds and darak, pinapakain from time to time ang baboy ng chopped dahon and stalks ng gabi saka certain damo. pero, di pure veg and grasses, may feeds pa rin – for the protein… btw, sa small dogs na indoor, alam ko, uso ang gawin silang vegetarian, hoho…๐Ÿ™‚

      Tugon

  6. Posted by Haring Ibon on Enero 4, 2014 at 5:26 hapon

    at nag alaga din ako ng manok (kabir, sasso at 45 days)… sa roof garden ko. di naman maamoy basta regular kolektahin ang dumi at gawin compost fertlizer. isa or dalawang tandang lang di naman mag reklamo kapitbahay…. meron din kasi mga sasabungin ilang neighbors… at one time mahigit 70heads sila. at meron din akong pato kahalubilo ng mga chickens…

    Tugon

    • hala, narinig ko na breeds ng manok na mga sinabi mo. ‘lam ko, may nag-aalaga ng sasso do’n sa ‘min, but am not familiar with their itsura… true, nagagawang fertilizer ang ipot. pero may tamang process din. if not dried enough, pwede silang makasira ng halaman at lupa. hahaha, kakatuwa ang pato. i remember pato fondly no’ng bata pa kami. but for some reason, bibihira ang nag-alalaga nyan sa may amin…๐Ÿ™‚

      Tugon

  7. Posted by Haring Ibon on Enero 4, 2014 at 5:29 hapon

    so ayun na… sa aking home farm sa subdivision, nagkaroon na sya ng baboy, manok, pato, ibon, isda, aso at pusa hehehe. and then sari-saring gulay. in the near future, i need to expand vertically na…

    ipon ipon muna ulit ng funding๐Ÿ™‚

    Tugon

    • hihi, parang paradise or agro-industrial ground na teritoryo mo, haribon. sabagay, i’ve seen some estates, parang ganyan… sa calabarzon area. usually, engineer ang may-ari, parang workshop nya kanyang bakuran, do’n experiment sa lahat ng artistic and crazy ideas and inclinations nya, haha. ‘yong ibang venture, profitable. ang iba, subsidized, hihi.

      galing ng concept ng vertical expansion. parang sa israel and sa china may mga ganyan. sa hongkong din ata… sa h.k. mapapansin mo, most structures, building type (mahal kasi real estate nila) tapos, layered ang development and construction, kapatid. sa metro hongkong, very cosmopolitan. sa next layer, sub-urban. yong pinakamalayo sa center, rural pa, haha. pero, may pattern, sadya raw gano’n sa planning nila.๐Ÿ™‚

      Tugon

  8. Paano po ba pagnapilay yung baboy? anu po ba magandang pangamot para makatayo sya ulit.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: