Archive for Oktubre, 2013

Nagsusulsi, Nagtatagpi

 

Sinauna akong tao, mga kapatid… Ikinakabit ko uli ang lumuwag o nalaglag nang butones ng damit, nagsusulsi at nagtatagpi (patch) pa. Nitong huling bagyuhan, mga ganyan ang ginawa ng inyong lingkod, haha, habang balot sa dilim ang paligid at tila walang katapusan ang mga patak ng ulan.

Ako rin iyong madalas pang magdala sa repair shop ng mga nasirang payong at sapatos, ahaha. Ang pananahi, namana ko sa nasira naming lola. Nanay, kung siya ay aming tawagin… Ang pagpapakumpuni ng sapatos at payong, sa pinakamatanda naming kapatid ko naman nakita at ginaya, hihi… A, e, si Ate, mga 15 years na yatang di nagagawi sa pagawaan ng payong? Parang… Ako na lang ang affected sa kagawian, harhar…

 

Image of scissors and sewing tools

Ahaha, doon me sa liga ng mga taong may sewing box, pasensya naman/ http://www.sewnews.com

Ewan, may kung anong kasiyahang hatid sa akin, pag nagagawa ko ang mga gawaing ‘yan… Nakakatulong din, para makatipid maski paano. Nagagamit pa ang bagay na nagkadepekto, pero pwede pa naman, hoho. Magagamit pa, maski di na bago, ako na… Gaya rin ng iba, ipinapaputol ko ang luma o kupas nang jeans, ipinapagawang shorts.

Sa T-shirt, ginugupit ko madalas ang kwelyo at binabawasan ang manggas. Tapos, dinadala sa mananahi, para padaanan sa edging machine. Mas comfort na ang habol, kesa sa pagtitipid… Ginagawa ko rin, binibilhan ko na ng kapalit ang bagay na nasira, pero ipinapakumpuni ko pa ang dati. Alinman sa  gagamitin pa, ipapasa na sa kasamahan o ipapamigay sa mga dumadaang nasunugan daw. Pero, mas madalas, inaayos o ipinapa-repair ko muna, ahaha. E, suplada at suplado kasi ang mga pagbibigyan – sinisinop ko muna ng onti. Baka may masabi pa, harhar…

 

Sa kabilang banda, hindi ako gaanong attached sa mga materyal na gamit, wari ko lang. Medyo madali akong hingian, arboran  at hiraman –  ng wala nang solian… Madalas mangyari ‘yong  hiniram sa akin ang gamit, sa pangatlong beses, ibinibigay ko na, ahaha. Lalo pa pag bagay ang gamit o damit sa nanghiram at di ko naman paborito. Ewan…

I want things to be put to good use, yown ang kapaliwanagan… Pero, sabi naman ng iba, maarimunhan daw ang ganoon. Mahinayangin?. Marks of poverty raw o hang-up, sus.  Baka nga, malamang… Anlagay, di pa naman ako yumayaman at baka hindi na, haha. Dumaan na rin sa panahon, financially maluwag ng konti. Pero kurips pa rin, hihi… Kung ilan ang mga kapatid namin, walang-wala. Ayon, am easily affected, harhar. Haybuhay…

 

Image of colorful threads

Masaya pa ang lola nyo pag may bago syang sinulid, haha/ http://www.craftsbee.com

Anupaman, ako na lang yata sa amin ang matiyaga pang magsulsi at nagpapa-repair pa, patatawarin… Ang mga kapatid, sanay na rin sa mabilisang pagdi-dispatsa at pagpapalit. ‘Yong usual na katwiran – wala na silang time para sa mga ganoon, sows. Pero, hwag kayo, may time sila para sa primetime telenobela, whehe.

Ang blogger naman dine, di matyaga pag sa TV papanoorin gabi-gabi ang kadramahan. Nanonood din, from time to time, pero sa dyapeyks na DVD, haha. Pag Byernes at Sabado – marathon mode, pampa-eyebag… Actually, di ko alam, nagkaka-eyebag din naman, pag weekdays. Hindi nga lang dahil sa telenobela. Mas dahil sa kapupuyat, ahaha…

 

Anyway, pag primetime na mga palabas, yon naman oras ng lola nyo para dalaw sa repair shops, hihi. O, makikita nyo ako sa sala – nakikipakinig ng TV –  habang nagsusulsi. O, kaya, nananahi sa kamay – habang nakikinig ng music sa Youtube. O, yan, medyo modern na ng onti -YouTube, ahihi. Basta, sa akin, nakaka-relax ang gano’ng routine. Ang boring ko lang na nilalang, true. Nai-enjoy ko pa rin sa buhay parati – ang magtasa ng lapis, hihi. Ganyan me kawagi. At, sabi sa inyo – sinauna… 😉

 

Image of a girl happily sewing away

Relaxing para sa akin ang pagsusulsi ng damit, parang pagga-garden/ http://www.creative-stitchers.co.uk

 

Pagbati sa inyo, kaway-kaway… 🙂

 

Advertisements

may mga paborito

 

Hello sa inyo… 🙂 Ang tagal ko nang di nagpo-post, ahaha… Yaan ang bago kong learning – masarap din pala ang hindi nagsusulat sa blogs. Nakaka-relax, try nyo… Nainggit yata ako sa ka-blogs na nagha-hiatus mode… ^_^

Sinubukan ko lang… Nakahinga naman me, wala namang nangyaring kakaiba. If anything, naka-break ang lola nyo, sa mga pang-ookray ng ilang ka-blogs at sa mga kwentuhan online na walang habas at walang patawad. Palagay ko, marami rin ang sumaya during the period, hohoho.

 

 

Anyway, against their will and their bid, andito na muli ang inyong lingkod. Kukwento na lang muna me tungkol sa ilan sa mga paboritong posts na naisulat at nailathala sa blogs. Kunwari, may interesado, hakhak…. 😉

 

Marami-rami ang nagtitingin sa post na Larawan ng Taong Wala sa Sarili – post tungkol sa pagiging inlababo, yihee…  Sabagay, mahaba-haba ang kwento ko about it sa SSA, sa post na Balik-tanaw… Anyway, ang tsikang pasaway, hindi ko personal na istorya ang Larawan. Naisulat iyon, based sa binitiwan ni kapatid. Bale, ang wento, sinusulat ko that time ang Ang Magmahal post. Si batang kapatid, panay ang labas no’n, with the same set of friends…

In three weeks’ time, tatlong beses yata silang nag-dinner at sa mamahaling lugar pa. Sabi nya, isa lang ang nanlilibre, yong barkada nilang valedictorian ng batch. Tinanong ko si kapatid, bakit… Kasi raw, inlababo ang Lolo mo, hahaha. So, yun, in love ang kabarkada nila and nag-set na noon ng date si guy and his girlfriend. In fact, they got married in 2012. Ayon, kwento niya ang Larawan, satire sa inlababo state nya. Salamat sa kanya, medyo bumenta ang kwento-kwento ng blogger dito, ahihi.

 

Ang paborito ko sa mga naisulat ditong ukol sa pag-i-pag-ibig, ang kailan huling nagpasya ang iyong puso? Gaya ng naikwento na rati, medyo personal ang nasabing post, ayiii…. 😉 Doon ko ipinahiwatig ang dahilan, bakit naging mailap ang pagkakataon sa blogger dito, hihi. Ayon lang, may kahabaang istorya. Sa mga maiiksi, paborito ko ang Tawagin ang Pulis. Tawa ako ng tawa, habang iyon ay isinusulat.

Paborito ko rin ang Lumalakad ang Balita. Two-part series ito – kahaba, kaseryoso pa… Mabilis lang yaon naisulat, pero dalawang buwan yata bago natapos i-cross-check, kainaman na… Ay, walang gasinong nag-like ng article. Akala yata ng iba, parinig iyon o pahiwatig sa kanila, pambihira. Far from it, ka-blogs… Doon ko isinhare ang experiences sa behind-the-scene writing – gaano ka-nuanced ang mundo ng pagsusulat at paano tinitimpla ang pampubliko at pribadong impormasyon. Anyway, trivia muna, whehe… Ang classmate na nabanggit sa panulat, sya ang pumalit kay Jun Lozada sa ahensyang  pinamumunuan, yon.

 

Another favorite of mine, ang Papalayo, Papalapit. Blog about blogging din ito, tungkol sa context sa pagsusulat. Ewan ko, feeling ko, I went beyond the usual sa nasabing panulat (ahihi, may gano’n…) . Hindi ko lang alam, if the article was viewed and appreciated as such… Mas balanced than Gawa-Gawa Lamang ang Papalayo… Sa Gawa-Gawa, nais ipakita ang ecosystem of information in the digital age. But it came out yata na parang nakakatakot. Ang pinaghalawan ng post, isang nobelang medyo eerie, ang The Hunchback of Notre Dame… Si Victor Hugo rin ang author ng nasabing akda. Hihi, halata na bang paborito ko sya? 😉

 

Malapit rin sa akin ang Hindi na maputik ang daan sa amin series. Sabi, it came out too strong for some? Ay, di para manakot o para magyabang ang nasabing posts, ganoon man ang  naging dating para sa iba… Nais sana, ipakita ang bigger view ng usapang development. Halos lahat tayo, may sentimyentong umunlad – hindi lamang ang sarili, kundi maging ang lugar at bansang ating pinagmulan… But then, it seems, we need to view development or lack of – above and beyond our immediate, raw, inchoate and (sabihin na natin) crude, understanding. Silipin ang social and international dimension of things sa usapang pag-unlad – para hindi short-sighted, kundi realistic at mas malayu-layo ang mga hakbang na mararating natin. Sana…

May salespitch ako sa serye – against ignorance, stereotyping and prejudice – atin mismo at maging sa ibang tao. Una, ang thinking na pag taga-baryo, walang asenso. Pangalawa, na ang kawalan ng development, isang bagay na dapat nating tiisin, sa pagkahabang panahon. Pangatlo, ang paniniwalang iilang tao lang ang may karapatang at kakayanang umasenso. Sa akin, ang pag-unlad ay isang concerted effort … Panghuli, mas maiging may pagkilala sa nakalipas at sa riyalidad ng pananamantala ng kapwa sa iba. May social impediments, hala pa, may inequalities at may mga taong nakikinabang at nagtataguyod sa di-pantay na kalagayan. Paborito ko pala, ang ikatlong bahagi  – sabi roon, traditionally, people resist change… 🙂

 

Sa SSA, isa sa mga paborito, ang ulan sa puso at iba pang mga tila walang saysay na panimdim. Dati, inilathala rito ang Pangako ng Tag-ulan  –  iilan lang ang nag-like, ahihi… Ayon, ulan sa puso was another attempt to tackle the same subject matter – tag-ulanan.  Mas light ang treatment sa pangalawang pagkakataon, parang nakikipagkwentuhan lang… Ay, mas marami na ang nag-like at nag-comment, ahihi. May salespitch na konti, about taking care of and preserving our rivers and bodies of water. Sa totoong buhay, di ako strong sa environment-environment. Wala lang, hindi ko lang siguro kabisado ang issue… But then, maybe, bilang naninirahan sa earth, mabuting pag-ingatan at igalang ang paligid at kalikasan. ‘Yan naman, hihihi. 😉

 

Image of a box filled with favorite things

Cucumber melon ang favorite scent ko sa cologne. May masabi lang, whehe/ runningenthusiast.net

Siyanga pala, naranasan nyo ‘yong may naisulat, pero parang ayaw nyong ilathala? Ahaha, mismo. Ganyan yata sa Hindi Ito ang kwentoisa sa mga naisulat na wari, gusto kong ipagdamot, ahihi.  Una, hindi ko inaasahan na mabubuo ang kwento. Ikalawa, medyo mataas din ang antas ng diskusyon, mas safe na huwag na lang i-publish. Dangan, malamang, higit ang flaks na makukuha kaysa sa appreciation… Ayon napilitan pa ring ilathala para magka-oras tapusin ang kasunod na post…. Pero ang Hindi Ito ang Kwento,  isa rin sa mga paborito – nasa sulating iyan ang mga pelikulang napanood ng lola nyo sa buhay nyang sawi, ahihi. 🙂

 

Isa sa posts na nangwindang yata sa marami-rami, ang Mga Talunang Mandirigma. Hindi ako umaasa noong iri-receive ito ng maayos at handa rin sa posibilidad, it will drive readers away from the site, hoho. Ay, medyo explosive talaga ang issue… For another, uso ngayon sa netizens ang maka-opinyon lang… Pero ewan ko lang, may social issues na kailangan ng sapat at grounded na kaalaman, bago makabuo ang isa ng informed at patas na palagay. Ganito wari sa issue ng Sabah claim – Madali lang magreklamo, kung sa reklamo… Madali lang pumanig, sa biglang-tingin… Pero, kung iyon ay responsableng opinyon at paninindigan, ibang bagay marahil… 🙂

Ang pasaway, nagdi-discuss ng mga ganoon?… Aaayy, sa tagal ko na rin naman sa mundong ibabaw, ganoon na rin katagal na isyu sa bansa ang usapin sa Mindanao. For years and decades, isa iyan sa mga isyung hindi ko naiintindihan. Maski noong nasa college na, the topic still escaped me…  Ibahagi ko pala sa inyo, ang titser namin sa subject, si Prof. Miriam Coronel-Ferrer, kasalukuyang pinuno ng GRP panel sa negotiation with the MILF. Hay, naku, alam ni Ma’am, isa ako no’n sa mga nangangamote sa quizzes nya, hihi. Sa post na Kinder and Gentler, conclusion sa English site, unang natalakay ang paksa. Marami ang ka-blogs na Pinoy na nagbasa ng post, salamat and in fairness. Hindi nga lang nag-like or comment, hoho… Actually, di ko alam, baka gusto ko lang ipaabot kay Ma’am sa panulat, finally, parang naiintindihan ko na, ahaha. ^^

 

Ang nationhood angle ng usapin, gusto kong alamin para sa sarili, kung alam ko na ba talaga… At kaya masaya, ang nationalism at ang romanticism, closely intertwined concepts. May ka-blogs, giliw na giliw pag nagdi-discuss ako nito, haha, at animated rin ang online okrayan pag ito na ang paksa… Ay, ito ang wento ko sa inyo – hindi pa tapos ang diskusyon sa nation-state, nationalism and romantic thoughts. Sakaling sisipagin pang magsulat sa blog, may diskusyon pa dyaan, hihi…. Isa pala sa mga gurong nag-impluwensya somehow sa blogger dito ukol sa paksa, si Prof. Alex Magno – kolumnista sa Abante at sa Inquirer. Tatlong beses ko siyang naging titser, ahihi. Mapanlait siyang nilalang, hoho, at may writing assignment every meeting – natuto kaming magsulat, kahit hindi maaalam… Ay, si Sir, ang recall nya parati, estudyante nya ako, 10 years earlier, ang sama… Isip ko minsan, gantihan sya – gawaan ko ng write-up… XoXo 😉

 

Sa English na site, ang paborito ko sa love posts, ang When Love Comes A Knockin’. Sa ka-blogs na Pinoy, ang gusto yata nila, ninyo, yong post tungkol sa Valentines… Ewan ko, gusto ko itong kumakatok dahil tila improvement na ito over Larawan ng Taong Wala sa Sarili. Pareho lang ang dalawa, satire on love, kung tutuusin… Pero parang mas mature na ang handling sa paksa sa When Love Comes. Bakit at paano? Noong sulatin iyon, na-encounter ko na ang love writings nina limitsandhorizons at bagotilyo, ka-blogs na pinagkakautangan ko ng loob sa paksa…. Tapos, personally, proud ako, ang post ay ni-like ni fivereflections  isa sa pinakamahusay na poet blogger na nasalubong ko.

Mas at home yata akong magkwento sa English site, kumpara sa Tagalog. Hindi ko alam, but I find the audience there more open to ideas, more liberal and accepting siguro. … 🙂 Sa isang banda, mas sanay nang maghayag at magsulat sa salitang Ingles ang blogger dito, parang… Sa mga naisulat doon, paborito ko ang The rain and quiet. Fiction story ito based sa news na may model na dinukot, pinatay at inihagis sa isang mataong lugar… Aliw nang iyon ay maisulat, pakiramdam ko, ako ay malikhain, ahihi… Ang approach na ginamit sa post, galing sa Oro, Plata, Mata – pelikula  tungkol sa Japanese occupation ng Pilipinas. Ang kakaiba, sa entire movie, isang eksena lang may ipinakitang Hapones. O, di ba, kakaaliw…

 

Sa mga tulang naisulat sa Ingles, dalawa ang paborito ko – ang In the Fields of Hate I Wandered at ang The Things We Brave. Conceptually, contrast ang dalawang akda… Calling out for peace ang In the Fields of Hate, piyesang naisulat dala ng masaklap na pangyayari sa totoong buhay, sa isang sitwasyong damang-dama ang kawalan ng pagmamahal… Sa kabilang banda, ang The Things We Brave, pagkilala sa pangangailangan ng pag-ibig sa buhay ng tao, hihi… Sabi sa akda, darating sa punto, kailangan ng taong mag-reach out, para makatawid sa buhay. Nang maisulat ang mga iyan, wari ko, may nag-mature na somehow sa pagdamdam at pag-iisip ng blogger dito. Na kahit paano, I have something to show for all the years that passed, for all the pains and joys that I’ve experienced… 🙂

 

 

Kumusta, mga kapatid? Sana kayo ay nasa maigi… Mabuhay kayo! 🙂