Archive for Abril, 2013

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 12

 

Hello, ka-blogs! Sobrang init, ano? Ayon, pinamahinga ko muna ang pluma at keyboard, hehe. Hindi masipag umupo para magsulat ang lola nyo pag ganitong hindi makatarungan ang init. Pasensya, mga kapatid, nabimbin ang ating talakayan. Sorry naman – ang init talaga… 😉 Panay ang perspire, instead na ma-inspire, hehehe. Sana ay nasa maigi kayo… 🙂

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Sa huli nating kwentuhan, napag-usapan ang colonization, ang pananamantala ng dayuhang mananakop sa isang grupo ng tao, gaya nating mga Pilipino. Natalakay din kung may epekto nga ba ang karanasan ng pagkasakop sa ating pagsulong sa buhay at pag-unlad bilang tao at bilang grupo.

 

Image of women fetching water in a poor country

Larawan ng pabalat ng isang aklat ukol sa hamon ng pag-unlad sa mga bansang Third World/ http://www.pearsoned.co.uk

Sabi dito sa serye, oo, may di-kagandahang epekto ang masakop – individually and collectively. Kung sa present paradigm, parang ang sabi, kalimutan at huwag nang pansinin ang mga nangyari sa nakalipas, pagkasyahin at mag-work on na lang tayo –  sa kung ano ang mayroon sa ngayon. Na para bang pantay-pantay na talaga ang oportunidad at pagkakataon para sa lahat? Na wala nang major hurdles para ang isang tao ay sumulong at manaig sa buhay? Hindi rin, sabi ng may-akda rito… 🙂

 

Noong ang inyong lingkod ay mag-research ukol sa bane of colonization, iilan-ilan ang nasalubong na materials sa paksa… Mas marami sa nabasang sulatin ay nagsasabi – tapos na ang dark episodes and stages sa kasaysayan ng tao. All that remains ay gamitin ng mga mamamayan ng daigdig ang technology and know-how ng makabagong panahon, para ma-optimize ang limitadong panahong ititigil nila sa mundo. Wala na raw exploitative relations sa kasalukuyan. Daw, sabi…

Totoo ba? Na-maximize na ba ng tao – over the years, decades and centuries and through generations – ang pagkakataong ibinigay sa kanya upang matuklasan ang mga batas ng kalikasan, mapagyaman ang material production at mga kaparaanan, at, mahabi ang social and economic relations na kailangan para mabuhay ng may dangal, malaya at nakaugnay? Wala na bang nagtatali at pumipigil sa tao, maliban sa kanyang sarili at abot-kamay na ba ang pag-unlad – niya at ng kanyang mga kasamahan?

 

Pag sa history titingnan, ang haba ng yugtong inaalam pa lang ng tao ang mga pwersa ng kalikasan, sinusupil ang mga kadawagan at mga hayop at, kinakabisa ang cycles ng panahon. Ang naging harvest mula rito – domestication of plants and animal husbandry – mga prerequisites ng settled na pamumuhay at pagbubuo ng mga pamayanan. Mula sa gains ng agriculture and settled rural communities, nailatag ang medieval period – pananaig sa daantaon ng religious institutions at panahon rin ng madudugong gera sa pagitan ng mga tribo at iba’t ibang kaharian.

 

Image of an unpaved road in a countryside

Larawan ng isang di pa sementadong kalsada sa isang kabukiran/ http://www.kleosmfg.org

 

Sa dulo ng medieval period, naipundar ang ilang napakalalaking kaharian na kung tawagin ay empires – mga organisasyong naitayo sa pamamagitan ng dahas, pananakop at panunupil – sa iba’t ibang teritoryo and across continents. Sa Eastern or Asian history, ang mga ito ay recorded bilang glory days ng dynasties. Ang Tsina ang may pinakamahabang yugto ng dynasties na madalas ipakita sa mga pelikula sa kasalukuyan. Mayroon ding ukol sa Arabic conquests – paano dinala ng Arabs ang trade nila at pananampalataya across different shores – mula Asya hanggang sa ilang bahagi ng Europa, at, maging sa Africa.

Sa Western side naman, napakarami ng mga pelikula at sulating nagtatanghal ng tagumpay ng Roman, Portuguese, Spanish and English warriors – mga mananakop na naglagay daw sa mapa sa mga sibilisasyong hindi pa recorded and documented. Bagaman sabi rin, may written culture and history na ang mga iyon at may ebidensya rin – mayroon na sila noong existing social, economic and political organizations… Ang peak ng imperialism, noong turn ng 20th century at ang pinakamabangis nitong anyo, nakatala sa kasaysayan – sa mga tala ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

 

Image of a post-World War II military tribunal in the U.S.

Kuhang larawan sa loob ng isang military tribunal sa Estados Unidos matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig/ http://www.globalization101.org

 

Post-World War II, itinanghal ang U.S. bilang bagong world power. Itinayo rin ang United Nations (UN), isang internasyunal na institusyong gagabay sa ugnayan ng mga bansa. Tapos na raw ang panahon ng lusuban ng mga grupo ng tao. Gayundin, ang mga teritoryong dating nasakop, pinalaya na at binigyan ng kategoryang nation-state o bansa. Ang UN as a body, nag-o-operate based on discussion and consensus ng mga kasaping bansa. Layunin nito ay i-promote ang kalakalan sa pandaigdigang antas, itaguyod ang kapayapaan sa mundo at bigyan ng assistance ang mga bansang nawasak ng gera at nahuhuli sa martsa ng pag-unlad. Ang UN ay binubuo ng maraming ahensya tulad ng World Bank, IMF, UNDP, FAO, Unicef at maraming iba pa…

 

Sa kasalukuyan, namomroblema ang U.S. dahil sa padausdos nitong kalagayan bilang world power, on top of its trillion-dollar debts or deficits. Domestically, malaki rin ang suliranin nito sa lomolobong unemployment ng mamamayan at sa inflation o pagdausdos ng puchasing power ng dolyar. Sa kalagayang ang kalakhan ng kalakalan sa buong mundo – developed and developing countries –  konektado sa ekonomiya ng U.S. at sa US dollar bilang accepted international reserve ng halos lahat ng bansa, apektado rin ang maraming tao sa mundo – sa tinatakbo ng bansang Amerika. Sabi ng iba, eager-beaver daw ang Tsina to take the place of US – economically, politically and militarily. Ang showdown ng dalawang higanteng bansa sa world stage ang inaabangan ng marami…

 

Image of children in a typical rural community in the Philippines

Larawan ng mga bata sa isang tipikal na rural na pamayanan sa Pilipinas/ http://www.pccebu.com

Mabalik tayo sa usapang pag-unlad o kakapusan o kawalan nito. Dito sa serye, nag-umpisa ang talakayan natin sa stereotype perception sa isang bayan sa atin – may munisipyo, simbahan, gasolinahan at ice plant, hehe. At least, iyan ang madalas sabihin ni Ginoong Andres Panganiban, promoter ng microfinance at staunch advocate ng rural development. Matapos ang pagkahaba nating talakayan, mala-saga, hehe, maari bang sabihing impatient lang si Mr. Panganiban? At pati ang lola nyo at ang iba pang mahihilig makinig sa lectures ni Lolo Andres? Maari bang sabihing normal lang ang phase ng development sa Pilipinas, given ang naikwentong formations and history ng mga bayan-bayan sa Europa? Tingin ninyo? 🙂

 

Early college days ng lola nyo, ang usapan sa “intellectual circles” sa UP, ang pagka-abort ng organic formations ng ating bansa. Tribal pa ang kalakhan ng mga pamayanang dinatnan ng mga Kastila dito sa atin noon, 1500s. Iilan pa lang ang mga bayan at sabihin pa, wala pa tayo noong city-states na tinatawag. May ilan tayong developed harbors o ports na dinadayo na ng mga Tsino, Arabo at Dutch traders at, kilala na raw sa iba’t ibang kontinente ang mga barkong gawa sa Mindanao. Ang prevalent culture and beliefs ng panahon, alinman sa paganistic o Islamic. Ayon lang, wala pa tayo noong mga templo o gusali ng pagsamba – isang malaking pagkakaiba natin sa iba pang Asyanong bansa, gaya ng Thailand, Japan, India at Tsina.

Ascendant world power noon ang Spain, ang pumalit sa Portugal bilang imperial power. Pagdating ng mga Kastila rito, nagtayo sila ng walled towns saVisayas at Luzon at ng mga mala-palasyong tirahan ng mga obispo at kaparian – bukod sa pinalaganap nila ang Kristyanong paniniwala at ang kultura, gawi at lutuing Espanyol. Nagtayo rin ang mga nanakop ng ilang piling eskwelahan at kalaunan, dinevelop nila ang ilang bayan para maging mga lungsod… Ito ang madalas noong pag-diskusyunan ng mga taga-UP – kung may pagkakaiba ba ang medieval period ng Pilipinas na imported, haha, at ang medieval period na pupuntahan pa lang sana ng mga sultanates  – kung hindi nasakop ng mga dayuhan.

 

May isang banda, moot and academic ang usapan – nasakop na tayo at napagharian ng ibang lahi. Obvious naman, hindi concern ng mga Kastilang mananakop na paunlarin ang ating mga pamayanan at ang lokal na sibilisasyon sa pangkalahatan. Maaring sabihin, mahigit 300 taong stagnant ang majority ng communities dito sa atin – ina-adopt ang relihiyon at ilang gawi ng mga mananakop, habang minaintain hanggang kaya, ang mga paniniwala at kalinangang tribal pa. Noong dumating naman at naghari ang mga Amerikano – ang mga Amerikanong hindi dumaan sa medieval period – mga gawi at kalakaran na ng kapitalistang lipunan ang ipinasa nila sa mga Pilipino. Isa sa legacies ng mga Amerikano – ang public education system dito sa atin.

 

Image of schoolchildren in a rural area in the Philippines

Larawan ng mga batang mag-aaral sa isang liblib na lugar sa Pilipinas/ images.sdls.multiply.multiplycontent.com

 

Ang pagkakaroon ng public education system ang ipinaglaban nina Jose Rizal at ng iba pang kasapi ng propaganda movement noon. Tingin nila, ang pagiging mangmang ng mayorya ng mamamayan ang pangunahing dahilan ng pagiging subservient ng mga Pilipino sa mga dayuhan. Mahigit isangdaang taon ang nakalipas, maaring sabihing laganap na ang literacy sa ating bansa. Higit pa ryan, ang Pilipinas ay pormal nang kinikilala bilang isang bansa sa pandaigdigang antas, sa loob ng kulang-kulang na pitumpong taon. Marami na rin ang nabago, kung tutuusin. Ang elitismo ng lumang panahon ay nabawasan na. Sa pagbubukas ng maraming eskwelahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, hindi lamang ang mga isipan ng kabataan ang nabuksan,  maging ang mga pagkakataon at pintong dati – saradung-sarado sa nakararami.

 

Image of a typical sari-sari store in rural Philippines

Larawan ng isang pondahan o tindahan sa isang liblib na lugar sa Pilipinas/ filipinolifeinpictures.wordpress.com

Ngunit bakit tila ang layo pa rin natin sa pag-unlad? Bakit kahit hindi na baku-bako at maputik ang kalsada sa mga dating liblib na lugar gaya ng sa amin, mahirap pa ring masabing umunlad na nga ang buhay-buhay ng mga tao? Pag sa lunsod tayo tumingin, namumutiktik ang slum areas sa bawat pangunahing kalsadang daraanan. Pag sa gawing probinsya naman, pangitang-pangitang rural at agricultural pa rin ang paligid at pamumuhay ng mga taga-roon. Kahit sabihin pa, may telebisyon na rin ang marami sa kabahayan doon, may cellphone na rin ang karamihan at ang mga bata, marurunong na ring mag-internet. Bakit kaya?  Mataas lamang ba ang ating inaasahan o mayroon na tayong bagong panukat na ginagamit? Umunlad na ba? O, singhirap pa rin ng dati? Paano natin nasabi?

 

Pag sa pandaigdigang antas, sabi, ang mga pangunahing suliranin ng humankind – pagdurusang dala ng exploitation, deprivation o pagkakait sa mga pangangailangan at ang isolation o pagkawalay sa nakararami. Ang mga ito raw ang nagdudulot ng hirap at pasakit sa tao at nangyayari sila sa developing nations o maging sa  developed nations man… Layon ng tao ay hanapin ang kanyang buhay at kaligayahan sa tuwina – may sapat na pagkain, tirahan, maayos na kalusugan, malapit sa mga taong mahalaga sa kanya at may access sa paaralan, hanggang maari. Well-being, sabi sa English… Sabihin pa, kailangan ng sapat na kabuhayan at maayos na ugnayang panlipunan – para ang mga nabanggit ay matugunan. Sa bawat nasyon o bansa, may kanya-kanyang paraan para ang mga ito ay maabot, may kanya-kanya ring balakid – bakit at paano kinukulang o hindi natutupad… 🙂

 

Happy summer! 😉 🙂 🙂

 

Advertisements

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 11

 

Hello, ka-blogs, continuation ito ng previous discussion about Third World and colonization. Salamat sa mga nagbabasa at umaantabay… 🙂 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Para sa mga sinasakop, marami ang disadvantages – pagkawasak ng paligid, kabuhayan, buhay at patterns ng pamumuhay ng mga tao, pagkawala ng mga kalinangan at paniniwala at, regression ng naipundar nang civilization… Kung bane ang gera para sa mga nasakop, boost at boon ito para sa colonizers. Kung nasi-set back ang sibilisasyon ng mga dinigma, napo-propel naman paunahan – several decades ahead – ang sibilisasyon ng mga nandirigma. Halimbawa, mabilis nalilikom ng mga nangolonya ang pondo para sa malakihang R & D (research and development) projects. Ayon  sa mga pag-aaral nitong 21st century, lumalaki ng daan o libong beses ang metal industry ng colonizing power, pati agricultural production, ang manufacturing (nagsu-supply ng logistics sa mga nasa digma) at maging ang production ng non-essentials, gaya ng cosmetics (para sa pamilyang nasa homefront). Sa pangkalahatan, lumalaki ang GDP (gross domestic product) o income ng colonizers – daan hanggang libong bahagdan – kumpara sa dati…

 

Image of the Philippines' Legislative Building destroyed after WWII

Larawan ng gusali ng lehislatura ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig/ http://www.gov.ph

 

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, karamihan sa mga dating kolonya, protectorates at satellites ng imperial powers, “pinalaya” na. Tongue-in-cheek ang bitaw ng mga gobyerno ng colonizing countries noon, “Mag-move on na tayo pare-pareho. Magmartsa na tayo sa landas ng pag-unlad.” Ahaha, parang ganyan, hindi eksakto ang quote… 😉 Rebuilding, post-World War II: magkaibang-magkaiba ang sitwasyon ng mga bansang nanakop – kumpara sa mga bansang sinakop… Earlier on, naglunsad ng “nationalist liberation movements” ang colonies para itulak ang colonizers – bitiwan na ang colonies… Ibigay sa kanila ang karapatang magpasya sa  sarili –  bilang mga nasyon at republika – gaano man kawasak, kaliit at ka-behind sa antas pandaigdigan ang kanilang pag-uumpisahan, sa sinasabing nation-building at landas ng pag-unlad…

 

 

Ang gera ay systematic violence at pangmatagalan ang epekto sa buhay ng mga tao – sa magkabilang panig, kung tutuusin… Una, nagambala at nauudlot ng digmaan ang natural growth ng isang society. Sa klasikong pagtingin, ang isang lipunan daw ay daraan ng libo hanggang ponglibong taon – bago maging isang nasyon o bansa… Sa mga bansang dumaan sa “full natural growth,” karaniwang 500 taon o higit pa ang feudal or medieval period – ang yugto ng paglinang sa kalakhan ng agricultural lands, paglago ng mga industriya at kabayanan, paglaki ng surplus sa produksyon, pagbubuo ng hiwa-hiwalay ngunit sinanay na mga sandatahang lakas, pag-develop ng cities at mga kalinangan doon, pag-develop ng mga pinuno at burucracies sa lokal na antas at ang pagkakaroon ng marami at madudugong gera sa pagitan ng clans, tribes, mga  grupo at kahariang iba’t iba ang laki, sakop at lakas…

 

Image of a campaign or a war on the way to the battlefield

Ang medieval period ay panahon ng mga kastilyo, pangagalakal sa iba’t ibang panig at digmaan sa pagitan ng mga kaharian. Sa Asya, ang Tsina, Hapon at India ang dumaan sa daantaon ng medieval period/ http://www.medievaltimes.info

Ang internal wars daw ang magpapanday at magsasanay sa mga tao – lumikha ng mga batas at panuntunang pangkapayapaan para sa lahat – habang umaabante sa paghahangad na i-maximize ang potensyal ng kalikasan at ng tao mismo – para magamit sa sama-sama at magkakaugnay na pamumuhay… Daraanan daw ang medieval period, bago dumating sa industrial o kapitalistang yugto ang lipunan. Sa kapitalista o full industrial age, doon daw magaganap ang centralization — di lamang ng pamilihan o market — bagkus pati ng pamamahala, sa hiwa-hiwalay na mga pamayanan ng nakaraang daantaon. Eventually, sisibol din, ang centralization ng diwa o sentimyento ng mga tao. Ipapanganak sa kamalayan ng mga mamamayan: ang konsepto ng unity o nation.

 

Ang paulit-ulit at tila di matapos na mga hidwaan, patayan at lusuban ng local lords and clan chiefs ang magtutulak sa mga taong maghangad at humiling  – iisang batas na sasakop sa buong teritoryo (Constitution), isang mamumuno na susundin ng lahat at isa lamang sandatahang-lakas o armed force – sinanay, disiplinado at may iisang command – – components ng isang makabagong nasyon o bansa.

 

 

Ang pagkamakabansa o nationalism ay isang kamalayang di kagyat na naaabot ng isang tao, kundi nadi-develop sa kanyang mga karanasan at pamumuhay… Ang unang loyalty ng tao ay sa kanyang pamilya, sunod ay sa mga kaibigan at immediate community – simbahan, village o organisasyong kinabibilangan. Pwede ring sa mga kamag-anak, clan  o tribong pinanggalingan. Sa atin, karaniwan nating tawag  ay regionalism – ibang word para sa ating ethnic loyalty. Sa eskwela, tinuruan tayo ng nationalism, parang naintindihan naman natin at sa mga sarili, gusto nating masabing loyal tayo sa ating bansa… But more often, mas regionalistic yata tayo, than nationalistic. Loyal din tayo sa ating alma mater, sa paborito nating banda at tv show, ahihi…  Sa pakiwari, malaki, marami at malayu-layo pa ang kailangan nating daanan ng sama-sama – para mabigkis tayo ng iisang diwa. As a people, ‘ika nga – nakapaloob, gumagalaw at nagsusumikap – sa iisang territorial baseline. 😉

 

Gaya ng naikwento na datiang nationalism ay parang pag-ibig – abstract, subjective at kaya ng taong maydala na i-imagine… Pag hindi pa raw kayang imagine-in ang nation, hindi pa mahal ng tao ang kanyang bansa. Hindi pa siya citizen, in a sense… 🙂 Sa isang banda, ang isang nagagawa raw ng pananakop – napapabilis nito ang formation ng patriotic o nationalist spirit ng tao. Sa pagdanas ng paniniil ng dayuhan – foreign yoke – mas lumilinaw sa isip at kalooban ng natives ang sariling kasaysayan, kultura at legacies bilang isang distinct na grupo ng tao. Kumbaga, mas maagang naitatanim sa puso ng ilan ang ideyang labanan ang mananakop at itulak ang isang kilusang para sa sariling pagpapasya ng bansang sinakop. Ayon lang, mas madalas, ang mga pinuno ng nationalist movements ay napapatay, nai-exile o nakukulong… Subalit, ang kanilang paglaban ay nanganganak at nagpapalaganap sa simulain, sa loob ng maraming taon…

 

 

Image of actor Sam Milby wearing a Third World Happy shirt

Sa pelikulang ito, struggling artist from a Third World country si Sam. Umuwi ng Pinas from New York/ http://www.showbiznest.com

Mabalik tayo sa usapang colonization bilang one of a kind na pagsasamantala… Ang isang grupo ng taong sa kalakhan, tribal  o  early medieval pa lang, pag sinakop ng isang industrial at makabago nang bansa at pilit na ipina-adopt sa kanila ang kaayusan, gawi at sibilisasyon ng colonizers – nagkakaroon ng discontinuity, disconnect o maari ring damage – sa kanilang kabuhayan, politika, kultura at pagpapahalaga… Dadagdag ang karanasan ng pagkasakop – sa patas ng mga dalahin ng individual na mamamayan. Hindi siguro sinlaki ang impact, gaya ng ibang anyo ng exploitation na danas niya ng malapit at sa araw-araw. Pero, may epekto rin… At wari, naipapasa rin ito sa kamalayan ng mga anak, immediate family and friends…

 

Sa isang banda, flexible ang tao, sabi… Marami raw at sapin-saping suffering ang kaya niyang dalahin at kahit paano, napapangibabawan niya. Pwedeng ang isa ay biktima ng rape, ng usurero sa kanilang lugar, ng tambay na laging nangingikil at ng isang employer na pagkababa ng pasweldo – bukod pa sa mamamayan siya ng Third World. Ayon lang, pag itinapat siya sa counterpart niya sa First World, ang laki ng pagkakaiba – sa confidence, attitude at pananaw. Kumbaga, mahirap asahang mataas ang maaabot niya sa kanyang potential bilang tao at lalo pa, na asahang siya ang perfect candidate bilang citizen – ang magbi-build ng nation… ^^

 

 

Hayo na tayo sa nayon, sa paksa nating hillbillies – mga taong nakatira sa mga bundok at gulod, mararami ang mga anak at makaluma pa ang kilos, pananalita at pamamaraan ng pamumuhay. Magagaspang ang kanilang galaw at sanay pa silang kumain ng wild plants and animals. Pag lumuluwas sa bayan, halata agad sila ng mga dinatnang sila ay taga-bukid  o taga-liblib. Malayo pa sa masasabing “settled” ang kanilang pamumuhay. Sa rural areas, meron talagang mga ganyan… Kahit ang mga kasamahan nila sa komunidad, tanggap nang may gayong kasapi at ganoon sila… Ang isang characteristic ng hillbillies – nasa bukid sila, pero hindi masipag magsaka, magtanim at magsinop ng kanilang kabuhayan. Parang hindi sila kasali sa “mainstream” ng pamumuhay… Pero sa karaniwan, ilang pamilya lang ang maituturing na hillbillies sa pamayanan.

 

Pag nako-colonize daw ang isang agricultural na bansa, ang usual na ginagawa ng colonizing power – iniiba ang priorities ng agriculture ng bansang sinakop – inilalagay ang focus ng pagtatanim at produksyong agricultural sa mga produktong kailangan ng bansa nila. Ang madalas na naapektuhan ng pagpapalit ng patakaran ay ang local farming na sa kalakhan ay subsistence economy. Pag sinabing subsistence, mas nakatono sa paglilinang ng mga pagkain at produktong para sa pansariling konsumo at gamit… Pero dahil magkakaroon ng demand sa pamilihan para sa cash crop na kailangan sa dayuhang industrial na bansa, unti-unti, nawawala ang subsistent nature ng pananakahan. Ang medium and long-term effect – nawawalan ng food security ang mismong pamilya ng mga nagtatanim sa bukid.

 

Image of a hut in rural Philippines

Pag sa libro, parang magandang basahin ang tungkol sa prairie living. Sa actual, ang mahihirap sa liblib ay nangangarap ding maiba ang buhay/ philippinemedicalmission.com

 

Isa o dalawang dekada makalipas na humilig sa cash-crop farming ang isang rural na pamayanan, kapansin-pansin, dumarami ang hillbillies – mga pamilyang tila walang motibasyong magsaka, naka-depende na muli sa “wilds” at tila, hiwalay ang pamumuhay sa mainstream. Sila iyon – mga taong parang ang hirap nang hikayatin at hilahing makisabay sa daloy ng buhay – hikahos na hikahos at napag-iiwanan. Sa Social Science, ang tawag sa grupo nila, left behind and forgotten. Karaniwang ang mga asawa ng hillbillies at mga anak nilang babae ang gumagawa ng paraan para ang pamilya ay may makain at makaraos sa buhay kahit papaano… Sila iyong naikwento ko sa inyo – mga rural na kababaihang itinuturing na pinakahirap at pinakamahihirap sa ating bansa – ang prototype ng poorest of the poor. *** 🙂

 

Ka-blogs, karugtong sana ito ng previous post, pero hinati natin, para di masyadong nosebleed pag binasa… Am afraid, baka baker’s dozen – instead na until Part 12 lang, opo… 🙂 Marami pa sana ang dapat ma-discuss: local government, property and tax system sa bansa and technology and know-how, mahahalagang salik – pag usapang pag-unlad. Baka i-skip natin ang property and tax system. Instead, about land reform na lang, as crucial element in the industrialization process… Maraming salamat sa pagtityaga. 🙂 Cheers!