May mahika nga ba ang pag-ibig
May orasyon, kapagdaka’y sinasambit?
May salamangkang ihinahagis, parang bitag
Sinumang mahuli – walang kawala, di makakapitlag?

Pag ang tao ay umiibig, tila nilalagyan siya ng bulong?/ http://www.123rf.com
Sinasabi, ang umiibig daw, may piring mga mata
Ang nasa ilalim ng kapangyarihan, iisa lang ang nakikita
Ang matilamsikan daw ng gayuma, tiyak ang pagdurusa
Di sukat makalabas – kahit dalangin, maya’t maya pa.
May mahika nga ba ang pag-ibig?
Anong kapalaran ang sa atin, dito’y nagbubulid?
Anu-ano ang kailangan, para ito’y matawid?
Anong gamot ang mabibili – para ibsan ang sakit?

Sa mga mala-pantasyang kaharian, laging may nakakakilig na kwento ng pag-iibigan/ http://www.wallpaper-free-download.com
Saang yungib, makikita, iyong mangkukulam?
Kung maari’y hihingin, talab ay bawasan
Saang liblib matatagpuan yaong babaylan?
Pakisabi – ang bulong, dagdagan ang tapang.
Maligayang Buwan ng Mga Puso pa rin, ka-blogs at mambabasa… 🙂 Sana ay nasa maigi kayo, nakangiti… ^_^
Gaano ka- makapangyarihan ang pag-ibig? Sagutin ang tanong – walang tama, walang mali – in 100 words, ahaha… Pakilagay po ang inyong sagot o paliwanag sa comment box. Ang mapipiling pinakamagandang sagot, maaaring magpa-edit/critique ng draft post na three pages (o, mas maiksi) sa blogger dito. Bukas ang pagkakataon sa bawat blogger, ka-blogs – sa loob ng tatlong buwan pagkalathala nito… I-a-anunsyo ang nanalo dito sa DPSA, sa pamamagitan ng isang blog post. Maari rin siyang mag-guest blog dito, kung nais…
Naito muli – Gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig? Gow! 😉