Ang Mga Panaderya sa Bayan

image of a local bakery in the philippines, borrowed from travelpod.com

Pagpunta sa bayan, daan na rin sa tinapayan/ travelpod.com

 

Naikwento ko na sa inyo dati, sa aming baryo ay walang panaderya o gawaan ng tinapay. Maliit lang kasi ang bilang ng mga taong may sapat at regular na pambili ng tinapay doon sa amin. Bukod pa iyan sa katotohanang ang marami sa mga taga-amin ay sanay mag-meryenda ng kaning-bahaw. Kaya, sa bayan ang bilihan ng tinapay naming mga taga-baryo. Maski ang mga maglalako sa umaga ng pandesal at bonete sa aming lugar, doon din sa aming bayan at sa kalapit na bayan kumukuha ng mga paninda.

 

Image of baker's hands kneading dough

Eksperto raw sa pagmamasa ang mga kalalakihan sa aming probinsya/ http://www.rdasia.com

 

Mahihilig namang kumain ng tinapay ang mga taga-amin. Bakit ang hindi? Ang tinapay raw ay mabigat sa tiyan bukod sa masarap pa ang lasa. Idagdag pa, mahuhusay mag-bake ang marami sa aming mga kababayan sa probinsya. Sabi-sabi nga, ang mga lalaki raw sa amin ay eksperto sa pagmamasa. Kasali na ang biro sa papuring iyon.

 

Sa amin, uso pa dati ang magpabili ng isang kilong isda sa tsuper ng dyip na bumibyahe pabayan. Pwede ring magpabili ng tinapay doon, kung nais. Pag ganoon, ang ginagawa ng nakikipabili, pupuntahan sa bahay ang driver at doon mag-iiwan ng salaping pambili. Pakisuyo ang tawag dito. O, kaya naman ay usap – pinaiksing pakiusap.

 

Ang halimbawa nito ay “Pasuyo naman ng isang kilong tulingan at halagang bente pesos na monay.” Sa bandang tanghali, aabangan mo ang pagbalik ng dyip sa parteng pinagpapabalingan nito sa kalsada, dala na ang iyong pabili. Walang kapalit ang pagpapabili, simpleng pasalamat lang ay ayos na.

 

image of a local bakery and dry goods store, borrowed from t3.gstatic.com

One-stop shop na tinapayan at bilihan ng general merchandize sa bayan/ t3.gstatic.com

Sa gilid ng highway sa bayan, humigit-kumulang, sampong panaderya ang magkakatabi roon ang pwesto. Halos magkakahawig ang set-up nila – may display area sa harap na may hili-hilerang eskaparate ng tinapay at may bakeshop o tinapayan, sa bandang likod. Kadalasan, sinlaki ng isang bahay ang isang tinapayan. Iyong ibang may-ari ng bakeries naman, sa itaas ng bahay ang tirahan ng mga tao at ang ibaba o silong ay gawaan at tindahan na ng tinapay. Tatlo sa sampong bakery doon, paboritong bilihan ng tinapay ng mga tao sa aming nayon.

 

Kinagawian na sa aming pag pupunta sa bayan ang isang tao, bibili at mag-uuwi rin siya ng tinapay sa kanyang pamilya. Kung hindi, malulumbay ang uuwian nyang mga kasamahan. Walang pwedeng i-dahilang maganda pag-uwi mo sa baryo nang wala kang bitbit. Maski pa sabihin mong ikaw kamo ay nagmamadali o kapos ang pera? Dapat may pasalubong ka pa ring tinapay.

 

Bukod sa pandesal, bonete at monay, ang dami pang ibang tinapay na mabibili sa bayan. Andyan ang kababayan, mamon, tasty bread, ensaymada, pianono, inipit, pinagong, biskotso,  paborita, tiping, pan de coco, maligaya at marami pang iba.

 

image of the biscocho bread, borrowed from t3.gstatic.com

Biskotso – gawa sa lumang tinapay / taraletseat.blogspot.com

image of the kababayan bread, borrowed from abs-cbnglobal.com

Kababayan – hawig sa mamon ang lasa, mas matigas/ abs-cbnglobal.c

Image of paborita breads

Paborita – isang uri ng matigas at malutong na tinapay/ tigabaluarte.blogspot. com

 

Pag may okasyon din sa aming baryong meryenda lamang ang pakain gaya ng kaarawan, pagtatapos sa eskwela,  burol, libing at babaang-luksa, parang nakakasiguro ka nang may patinapay doon. Ang karaniwan, sopas at tinapay ang handa. Pag medyo kapos naman ang budget, kape at tinapay. Pag medyo sosyal ang may pakain, juice at tinapay. Laging may tinapay sa mga ganoong okasyon sa amin.

 

At siyempre, dahil ang mga tao sa amin ay saksakan ng hilig magkape, katerno lagi ng inuming kape ang tinapay. Magkapera lang ng kaunti ang mga taga-amin, magpapabili na agad ng tinapay sa bayan. Alam na alam mo noon pag katatapos lang ng anihan – iyon ang panahong medyo mapepera ang mga tao sa amin. Pag nakikakape ka sa ibang bahay pag ganoong season, malamang sa hindi, maaalok ka rin ng tinapay.  ;)

 

image of the pinagong or turtle bread, borrowed from t0.gstatic.com

Walang masa ang tinapay na pinagong at bahagya lamang ang tamis/ t0.gstatic.com

 

Monay at pinagong ang dalawa sa pinakamadalas bilihin at ihain sa mga bisita doon sa amin. Ang mga tinapay na ito ay hindi umaalsa ang masa o iyong tinatawag sa Ingles na unleavened bread. Maari silang iimbak ng ilang araw nang di nasisira o inaamag at madali rin silang makabusog. Isa pa, dahil karamihan sa mga tao sa amin ay mga kapos sa buhay, tamang-tama lang ang ganitong nakasanayan – poor man’s bread – ‘ika nga. Mga matitigas at hindi pina-alsang tinapay.

 

Ang mga gaya naming matatagal na sa Maynila, obligado pa ring magpasalubong ng tinapay pag umuuwi doon sa amin. Subalit may mga pagkakataong nalilimutan na rin namin ang kagawian at ang naipapasalubong namin ay mga pagkaing di-kinasanayang kainin ng mga tao roon sa amin. Pag tinatanong kami,  ‘asan ang tinapay na pasalubong,  oras na sabihin naming wala, napapakamot sa ulo ang kapamilyang nagtanong.

 

Ang solusyon sa ganoong aberya, magsama kayo ng isang miyembro pag paalis na kayo pabalik ng Maynila. Sa gawing pabayan kayo dumaan sa byahe at pilitin ninyong dumaan sa highway – sa hilera ng mga panaderya sa bayan. Bumili na kayo ng marami-raming tinapay na ipapadala sa mga kamag-anakan sa baryo. Bumili na rin kayo ng mga tinapay na maiuuwi ninyo sa Maynila. Kaysa naman parati ninyo na lang sinasabi sa isa’t isa – mas masarap ang tindang tinapay doon sa atin, sa probinsya…

 

Image of a bakery sales clerk putting breads on display

Marami na rin ngayong innovations pagdating sa tinapay/ dude4food.blogspot.com

 

Kung tutuusin, bahagi na ng buhay ng mga tao sa aming probinsya ang gumawa, magbenta, bumili, magpasalubong, maghanda at kumain ng iba’t ibang tinapay.

 

Sa inyo, mahihilig rin sa tinapay ang mga tao?  ;)  :)

 

29 responses to this post.

  1. kami mismo mahilig sa tinapay at madaming panaderya sa amin. usong-uso ang mulawin pandesal sa umaga.🙂

    Tugon

  2. hello, dhang.

    ano iyong mulawin pandesal? iba pa ba ‘yon sa karaniwang pandesal?😀

    Tugon

  3. mabuhay!tagal ko pa lang hindi nakadalaw dito sa amin… hehehe! at pasalubong ko ay kwentong tinapay ko.

    siguro saktong mahilig lang kami sa tinapay. pero marami pagkakataon lalo na nung bata ako na dumadayo kami sa malalayong street para lang makabili ng mainit na pandesal. nung bata ako at may dahilan ang bawat hingi ng pera. humingi ako ng pera sa nanay ko. sabi ko bibili ako ng panis bread (spanish bread). sa tuwa nya na hindi chichiryan ang binili ko, dinadagdagan niya ang ibinigay niyang pera. na ibinili ko naman ng brownies.

    sa ngayon, sarado na yung binibilhan namang panderya at 4 dun sa mga nalaman kong bilihin. hindi ko alam kung talagang matumal ang negosyong ito.

    Tugon

    • haha, natawa naman ako sa panis bread. bata ka pa lang pala ay makulit ka na, hi, hi…

      medyo habit na rin nga ata nating mga pinoy ang kumain ng tinapay. maski pa mahihilig tayo sa kanin. o, sadyang sanay tayong mag-carbo loading? haha…😀

      btw, medyo mahirap daw i-maintain ang bakery as a business, sabi ng mga sumubok na. seasonal kasi ang sales nito. pag rainy season daw, mas maraming mag-tinapay ang mga tao. isa pa, since perishable good ang tinapay, may limited shelf life ito at prone na malugi. :s

      iyan po. may kasamang lecture sa iyong pagdalaw. teynks, hoshi.😀

      Tugon

  4. doon po sa amin, ang hindi pagdalaw sa tahanan ng isang kaibigan ay itinuturing na kalapastanganan…

    kaya andito ko,hehehe!

    salamat sa mga punang iniwanan mo pati dun sa mga previous post ko. ipagpaumanhin mo na hindi agad ako nakadalaw. dami ko tuloy eksena sa nayon na nalampasan.

    anyway,habol na lang ako sa panaderya. timpla kang kape dahil may dala akong tinapay. paborito kong enseymada syempre.

    buti na lang ako, lumaki ako sa tapat ng panaderyang mismong tiyuhin ko ang panadero. pamilyar sa akin ang amoy ng nilulutong tinapay sa hurno. masarap ang pandesal na galing sa pugon lalo na kung pinupuslit lang ito sa gawing likuran ng panaderya.

    oo,masarap ang libreng tinapay. naalala ko bigla ang mga madaling araw na kasapakat ko ang tiyuhin ko para mag midnight snack ng pandesal.

    Tugon

    • hello, hello, duking. antagal nawala ng kumpare, ah.

      hala, ano’ng kalapastanganan? ganire, may kawikaan sa english, “Argue for your limitations and sure enough, they are yours.” In-ingles kita dahil alam kong ika’y adwang-adwa sa ingles, haha…

      sakaling totoong gusto mong makahabol sa mga kwentong nayon, buksan mo lang ang page na nag-uumpisa sa May Binubukbok at Inaamag – table of contents iyon, bok.

      ipinagtimpla na kita ng isang ga-tabong kape, mainit-init pa. upo ka na ryan at nang makapag-umpisa na ang huntahan. labasi ang dalang tinapay na luto sa hurno. ambango no’n…😀

      Tugon

  5. naalala ko tuloy yung panederya sa amin lalung lalu na yung nagtitinda, hay sarap ng monay nya…:)

    Tugon

  6. Trivia: Alam nyo ba na walang salita sa bisaya ang panederya. tanungin nyo kilala nyo bisaya kung ano ang tawag sa panederya sa kanila.

    Tugon

  7. hi po, (pacute?!? ehehe) salamat po sa pagbisita sa aking bahay kuta.
    ano po bang nararapat kong itawag sa inyo? ginoo o binibini?
    gusto ko po ung spanish bread. lumaki po ako sa probinsya sa lola ko at ang tawag sa pandesal ay pandisito (ito ung maliliit na matigas na malabot na tinapay na nakalagay sa garapon) nilalako ito tuwing umaga, nakabike na may potpot ang pandesal/pandisito ay nakalulan sa isang malaking pilunanan (dating lalagyanan ng margarine ung parang malaking drum) wala na yata akong makitang ganuon ngayon. Mas masarap un kasi malalasahan mo ung gatas, ang sarap isawsaw sa kapeng mainit o chokolateng batirol😀

    Tugon

  8. hello, gnehpalle. salamat sa pagdalaw😀 call me ate. but hey, are you that young, huh? biro lang, neng. :]

    talaga naman, ang ganda ng tinapay experience mo, down to the smallest details ang recall, hihi…😀 ba’t lagi nating di nakakalimutan ang maglalako ng tinapay na ‘yan? dahil ba sa potpot? di nga… meron din kasi akong isang lumang post na special mention iyang potpot, haha…

    pahingi ng tsokolateng batirol, dali. last pa akong nakapagtitikim nyan ay sa cafe havana at sa via mare. eh, wala akong pera these days, walang pambili ng mamahaling tsokolate, haha…

    salamat sa pagdaan at sa pagbabasa.😀

    Tugon

    • Posted by gnehpalle02 on Marso 9, 2011 at 7:07 umaga

      kung sa edad ang pag-uusapan i pm nalang ninyo ako sa ym. ehehe.
      ewan po classic na kasi si manong potpot na magpapandesal. Dahil malayo din samin ang panaderya. naku sabihin ko kay apu ko gawan ka ng tsokolateng batirol na original. ung ginigiling na peanuts😀 super yumyum… tara ate ipagtitimpla na lang kita ng instant coffee wala ding akong pers eh

      Tugon

      • ha, ha… parang bata ka pa naman talaga kasi, ala dora dora pa ang gravatar mo, hi, hi…😀

        ay, sarap ng original na tsokolateng batirol w/ peanuts, takam-takam. bandang southern tagalog kami. saang region kayo nina apo? :s

        oks lang instant coffee, amin na. and, i take my coffee anywhere, pwedeng sa kanto lang bilihin, haha…

        salamat sa pagbabasa. “]

  9. Posted by gnehpalle02 on Marso 9, 2011 at 9:11 umaga

    bumalik upang mangulit. ahaha dora talaga ate.
    bandang norte po kami ate.
    *iniabot ang mainit na kape.
    ate ilabas mo na ang tinapay… balik po ako, ung sa tungkol sa blogging prinint ko nalang kasi paalis na ko😀

    Tugon

  10. nabalik ulit ako sa panahong bata pa rin ako…gustong gusto ko ang pianono, pan de coco, paborita, at ang kabayan o kababayan sa iba. sa mga hindi mo nabanggit, gustong gusto ko din ang spanish bread. kaya lang hindi na kasinsarap ng mga tindang tinapay noon ang mga tinapay ngayon kahit san ka pa bumili. marahil ito ay dahil sa pagmahal ng mga materyales na gagamitin para makagawa ng mga tinapay. dahil mahal, mahina na rin ang kalidad ng mga tinapay ngayon.

    katatapos ko lang magmeryenda ng egg salad sandwich. hay. sana spanish bread o kaya pianono ang nakain ko. haha!

    salamat muli sa iyong mga ibinahagi.🙂

    Tugon

  11. hala, ate kaye, mahilig ka rin nga pala sa tinapay – alam mo pa lahat.

    korek ka, do’n. kaya di napasama sa listahan ang spanish bread ay dahil wala nang masarap na spanish bread sa local bakeries. kailangang doon na bumili sa mga sosyal na bakeshop, mga de-kahong spanish bread na first-class ang butter na ginamit, haha…😀

    mahilig ako sa paborita at mamong gawa sa amin. iba ang lasa nila sa sandwiches na ginagawa natin sa kusina at mini-meryenda sa labas. haha, nagigi ba tayong nationalistic dahil sa tinapay?😀

    thank you sa pagbabasa at pag-appreciate. :]

    Tugon

    • alala ko noong late 90s, may binibilhan ng spanish bread ang tita ko na taga cavite at yun lang ang gusto kong spanish bread kasi ang butter sa loob, mamasa-masa, hindi tuyot na tuyot tulad ng mga spanish bread na mabibili mo ngayon sa kahit saang tindahan, kahit pa nga sa mga sosyaling tindahan. at super tamis. haha! yun ang namimiss ko. waaaaahhh! gusto ko ng ganung spanish bread!!!

      uy, ang paborita super like ko rin yan. dinudurog ko pag konti na lang saka ko itatapat ang plastic sa bibig ko at ihuhulog doon ang dinurog na paborita. solb! yung mga mamon din sa mga local bakery gustong gusto ko. at pati na rin pala yung mga lokal donut na tinatawag na puro asukal lang. haha!

      merong isang local na bakery dito sa laguna na nagtitinda ng pinakapaborito kong cheese cupcake, ang Alvarez Bakeshop. pamatay para saken yun kasi pag nakakakain ako nun para akong binabalik sa pagkabata ko. huli akong nakabili ng cheesecake dun, two years ago yata. nasa muntinlupa na ang kanilang bakery (dati kasi sa biñan) at kung bakit naman malapit lapit lang naman e di ko pa rin mapuntahan. mayaya nga si bong isang araw. haha!

      hindi ko alam kung nagiging nationalistic tayo dahil sa tinapay. Ang alam ko, nagugutom ako sa usaping ito!!! haha!

      Tugon

      • ha, ha… nakakatuwa ang mga kwento mo. dapat pala ikinuha ka ni mommy mo ng isang ninang na may bakery, hi, hi…

        btw, kaya ko naisulat ito kasi noong last friday, iyong isang kapatid ko, lumuwas para sumimba ata tapos, dumaan sya sa haus ng isa pa naming kapatid dito. nag-iwan sya ng mga tinapay doon para sa akin – mamon, putok at monay – na galing doon sa aming bayan. pasalubong daw iyon sa akin dahil nagkasakit nga ako recently. hayon, as of kahapon, ubos na.

        pero hindi ako matakaw, ha? anlagay, alangang hindi ko kainin?
        haha…😀

        daan na kayo sa muntinlupa para sa to-die-for na cheesecake. btw, sa binan, masasarap ang mga puto doon, pramis. :]

      • Haha! don’t I know about the Puto Biñan. I guess we just take it for granted since we live quite near the place.

        wow, mamon, putok at monay. kung sa usaping monay, ang gustong gusto ko yung totoong monay bae. nakatikim ka na nun? yung pagkalalaki, mataba at matamis, at napakasarap lalo’t bagong luto. Pag umuuwi kami sa Calauan (laguna, hometown ng mommy ko) nung mga bata pa kami, talagang dinadayo namin yun at hinihintay yung bagong labas na monay. as in super init. at sa sobrang sarap, hindi mo na kelangan pang magpalaman. ngayon kasi nakakakita ako ng mga monay bae kahit sa mga lokal na panaderya sa amin pero hindi sila kasinsarap nung mga nabibili mo sa Bae talaga.

        sinong kapatid yan? yung kumare ko? hihi!

  12. hi, kaye. binan is known for it’s puto since decades ago. subukan nyo minsan, hindi kayo mabibigo.😀

    hindi pa ako nakakain ng monay sa calauan and bae pero dati, medyo madalas ako dyan. ang dinadayo namin dyan ay pinyang sobrang tamis at mga prutas by the wayside. pero, parang sa description mo, ansarap nga.

    senga pala, masarap din ang monay doon sa amin. iyon din ang madalas naming sadyain pag umuuwi sa probinsya. kung minsan, isang malaking lata ng biskwit [yong pwedeng upuan] ang binibili namin noon, hehe… hindi kami adik, ha? mahilig lang sa masarap na tinapay.

    hindi si kumare mo, yong panganay. hamo at ikukumusta kita uli sa kumare mo.😀 salamat sa pagbalik.

    Tugon

  13. hey, you got me wrong. there’s no other puto for me than puto binan. yun na ang ultimate paborito ko talaga.🙂

    subukan mo ang monay bae. sige na.🙂

    Tugon

    • hello, bong.

      sige, pagpunta ko uli ng laguna, lagot sa ‘ken ang monay ng bae, haha.

      pahingi ng puto binan – sarap no’n. uwian mo si mommy kaye na mabagsik ang recall pagdating sa food, hi, hi…

      happy weekend sa inyo at sa mga bata.😀

      Tugon

  14. sorry saken yung sagot, not bong’s. haha! nakikigamit kasi ako ng laptop nya e. hihi!

    Tugon

  15. Minsan tawag namin sa paborita eh “tabletas”.

    Maraming salamat sa pagbisita sa blog ko.🙂

    Tugon

  16. Noong bata pa ako ay may panaderya sa kapitbahay namin. Kapag bakasyon sa mababang paaralan ay dun ako working student. “Napoyyyyy” sa umaga….”Bitso-bitsooo” sa hapon at sa pagminsan ay nagsusupot ng mga biskuwit.

    Tama ka mahalaga ang panaderya sa isang bayan. Instant miryendahan dyan at instant takbuhan kapag may bisita sa bahay.

    At iyang bonete dahil paborito yan nung mga kapatid ko dito sa US ay nagdadala kami mula dyan sa atin. Inilalagay siya sa freezer bago ilagay sa balikbayan box at pagdating dito ay balik sa freezer upang dahan-dahan kakainin at nanamnamin.

    Wala na rin namang problema dito sa aming lugar ang tinapay na lasang Pinoy. Dahil dun sa maraming Pinoy na lugar ay talagang may bakery ang mga Pinoy kaya available naman ang pandesal, monay, spanish bread, bonete…dollar nga lang ang bayad…hehe.

    Tugon

    • hello, lolo! ang sipag nyo talaga at ang dami nyong alam sa usapang kabuhayan, ahaha…

      oho, parte na ho ng buhay ng isang bayan ang paggawa at pagbili ng mga tinapay, ika nga. and yes, they always save the day pag may bisita, haha…

      lolo, mas kakaunti na ngayon ang gumagawa at nagbebenta ng bonete. bakit ho kaya? at saka ho, paano gawain ang masa ng bonete? ano ho ang kakaibang sahog nito at paraan ng paggawa?

      mga magkano ho pala ang pandesal, monay at spanish bread dyaan sa lugar ninyo? lahat ho yata ay mas mahal dyaan…

      regards sa inyo at sa family… 🙂

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: