Si Yolanda at ang mga puno ng niyog

 

Hello, ka-blogs… Kumusta kayo matapos itong bagyuhan? Ay, hanging pampasko na, napansin nyo rin? Kahapon pala, paggising ko, napansing may snow sa site, nanlalaglag sa screen ng WordPress, hihi. Natuwa ako, countryside na countryside ang dpsa, sa tropikong bansa, tapos may snow? Aliw… Anupaman, masayang pagbati sa panahon ng kapaskuhan…πŸ™‚

 

Tungkol sa ating paksa, napansin nyo rin marahil ang mga puno ng niyog sa mga lugar na hinagupit nitong napakabangis na bagyong itatago natin sa pangalang Yolanda, ahihi. Oo, yon, tanging sila ang naiwan matapos ang pagwawala ng kalikasan, ahaha. Last one standing lang ang peg ng mga nasabing puno – tall, stately and proud – sila na…πŸ˜‰ So, bakit nga at paanong sila ang tanging naiwan?

 

Image of a part of the Visayas that has been hit badly by supertyphoon Yolanda

Tila kalansay na lamang ng lugar ang natira sa mga pook na tinamaan ng mahigpit ng bagyong si Yolanda o Haiyan… / globalnation.inquirer.net

 

Ay, kakaibang bagyo itong lola natin… Kinaya niyang buhatin ang mga sasakyan at ihagis ng kung ilang metro, hoho. Itinumba niya ang mga poste ng koryente at telepono, inihampas at iwinasiwas ang mga iyon sa mga gusali, kainaman na. Habang pinapanood, parang hindi totoo? Parang palabas sa cartoons, ay… Hindi lang niya binali ang mga sanga at katawan ng kalalaking puno, binunot pa niya ang marami – kasama ang mga ugat – bago ihinandusay sa tabi-tabi. E, tayo, dito sa Pinas, nakagisnan na natin, dalawa o tatlong puno lang sa isang village ang karaniwang naitutumba ng isang malakas-lakas na bagyo. Balita na sa atin pag may punong naitumba, oo. At mas madalas, kaya ang mga iyong i-clear out ng authorities, sa loob ng dalawang araw…

Sanay na tayo sa mga bagyo, ahaha. Tayo na… Pero yon, mas sanay tayo sa bagyuhang pagkakadilim ng paligid, umaalulong ang hangin at may nagliliparang mga yero ng bubong. Pag minsan, may kasamang mga bintana, ahaha. Ay, hindi si Lola Yolanda. Sabihin na natin, ini-level up, up nya ang bagyo experience ng mga Pinoy…πŸ˜‰

 

Iyon ang isa, may kasama si Yolandang “storm surges of the sea,” term na nito-nito na lang natin narinig. Sa madaling salita, nagkaroon ng sariling buhay, galit at galaw ang mga alon ng dagat. Umahon sila at nanalasa sa mga pampang, hinabol ang mga tao, kainaman na…

Kung inyong mapapansin, sa mga lugar na matatagal nang tirahan ng mga tao, sentro madalas ang tabi ng tubig. Naroroon ang maraming istruktura, may pamilihan at siyempre, may pantalan o port… Wala naman, iyon lang mga iyon ang binayo ng storm surges. Alala nyo yong sa Bibliya, ang wall of Jericho? Ayon, parang ganoon ang ginawa ni Yolanda sa Tacloban at sa coastal villages sa Kabisayaan – ni-ram through ng mga higanteng alon ang breakwaters at structures doon, ang una sa line of defense ng mga lugar sa tabing -dagat …

 

Anyway, mabalik tayo sa mga puno… Ang dramatic ng shots na ravaged ang buo-buong lugar tapos, tanging mga puno ng niyog na panot sa isang side ang natira, o, di ba? Post-apocalypse scenario, hoho… Tapos, ang camera man ni Anderson Cooper, panay ang pakita ng mga patay na taong nakahandusay sa daanan at sa tabi, pambihira… Anyway, ang kwento, habang dumarami ang mga nakahandusay – formerly animate and inanimate objects – tumataas at bumibilis ang fund-raising for the victims sa West, lalo pa sa Europe. Ewan ko, hindi ko rin alam ang eksakto, pero fever-pitch daw – dinaig pa ang sabungan pag may special derby, ang auction houses sa kasiglahan ng bidding at ang stock exchange, pag araw na masiglang-masigla ang trading, kainaman na… Hindi raw nababakante ang mga telepono sa telethons – para sa mga nasalanta ng pasaway na si Yolanda. Ayon…

 

Bakit pala na-shock ang mundo sa mga patay na ilang araw na ay di pa naililibing? Di nga, seryosong tanong… Bukod sa health consideration at sa amoy, amoy na naaamoy ng typhoon survivors at delikado sa kalusugan ng mga bata, ano pa ang meron doong ikinagimbal ng mga manonood? Sapagkat, saanmang lugar at sa Β anumang kultura, parating may paggalang sa patay. Yown… Kung maalala natin, kahit sa panahon ng gera, basta may pagkakataon, ang mga sundalo ay humihinto at kung di man nila maitabi ang bangkay, isinasara nila ang mga mata at inilalagay sa gitnang bahagi ng katawan ang mga kamay nito – tanda ng paggalang at pagbibigay-pugay sa buhay. Ayon…

So, unang pagkakataong nangyari, wari ko, na may na-witness ang mundong ang itsura at pagkakaayos ng mga patay ay pareho pa rin, matapos ang ilang araw… Sobra-sobra marahil ang shock ng mga naiwang buhay sa naranasang bagyo – na-traumatized at na-paralyzed ang marami sa kanila. Iyon din marahil ang paliwanag — bakit marami sa mga nanghihingi at naghahanap ng makakain – children survivors — walang lakas at huwisyo ang matatanda para sila ang maghanap at dumiskarte. E, siyempre, mas mabilis mag-bounce back ang mga bata, sila ngayon ang lumalabas sa evacuation areas at sa temporary shelters – para maghanap ng tubig at makakain. Parang pag may pista sa mga baryo? May mga batang naghilera sa kalye – hinaharang nila ang bawat makitang sundalo, rescuer, foreigner at journalist – hininihingian ng tubig, pagkain at tulong. Ang lungkot, sa totoo lang… ^^

 

Image of mature coconut plants

Habang tumatagal, papatangkad rin ang puno ng niyog/ http://www.colourbox.com

Balik na tayo sa kwentuhang puno ng niyog… Itinuro yaan sa atin noong elementary – versatile na puno ang niyog. Bawat bahagi raw nito ay may gamit – nagagawang mantika, bunot, walis-tinting, construction materials at iba pa… Doon sa amin, mas appreciated ang puno ng niyog bilang panghati ng hangganan ng lupang pagmamay-ari. Oo, ahaha, parang pambakod ng property sa amin ang puno ng niyog? Pag pumaroon kayo, mapapansin nyo, basta hangganan ng ari-arian – may marker na puno ng niyog – dalawa hanggang limang puno sa dulong bahagi ng property. Maliliit lang ang cut ng lupa sa amin – kalahating ektarya hanggang dalawang ektarya sa isang magtatanim o magsasaka. Tapos, ang isa pang purpose ng pagtatanim ng niyog, para patibayin ang border o hangganan, para hindi dumausdos ang lupa. Pinipigilan ng mga ugat ng niyog ang soil erosion, para hindi bawas ang lupang ari-arian matapos ang sampong taon, ahaha.

 

Pero sa lugar namin, hindi main product o pangunahing kalakal ang bunga ng niyog. Iyon lang may malalapad na lupang hindi tinataniman ng ibang crops ang naglalaan ng lupa para gawin sadyang taniman ng niyog. Ilan lang ang alam kong nag-kokopra ng niyog, doon sa amin. Bakit? Sapagkat ang puno ng niyog ay nangangailangan ng malaking espasyo, ahaha. Jealous plant ang niyog, mga kapatid, ayaw nya masyadong mag-share… Ang alam ko, doon sa amin, 30 hanggang 50 hakbang ang layo ng itinatanim na puno ng niyog – para lumaki ng maayos at mamunga, ahaha. Tapos, sa lupa sa mga pagitan nila, ilan lamang klase ng halaman ang pwedeng itanim, iyong mga hindi mang-aagaw ng nutrients ng lupa gaya ng monggo, sitaw at tapilan, ahaha. Isa pa, ilang taon muna ang hihintayin – bago ang isang punong itinanim ay mamunga, mapitas para magamit pansarili Β o maipagbili… Kaya kung ang isang magtatanim, may iisang ektarya lang na lupa ay sa mga niyog aasa, malamang magugutom muna siya at ang kanyang pamilya.

 

Larawang karton ng mga puno ng niyog

Matitibay raw at maasahan ang mga puno ng niyog, maging sa oras ng sakuna/ rahulmax.deviantart.com

Noong maliit pa ang blogger dito, bago mag-grade one yata, nakakita ako ng lupang kini-clear para taniman ng hindi niyog, ahaha. Bale, ang ginawa ng mga magtatanim, pinutol ang mga puno ng niyog, saka hinukay ang mga ugat. Alam nyo gaano kalalaki ang mga ugat ng matatandang niyog? Sinlalaki o mas malalaki pa sa bahay, ahaha. Marami, malalim at sapin-sapin ang ugat ng puno ng niyog – parang isang community, ahihi. Iyon siguro ang patunay – bakit jealous plant ito at bakit matibay ang kapit ng punong niyog sa lupa, kayang manatili at indahin ang mga hambalos ng napakalakas na bagyo… Si bagyong Yolanda, may mga puno rin ng niyog na nabunot, nabali at naitumba. Pero ang hula ko, hula lang naman, ang mga iyon ay mga punong mas bata… Marahil, sila ay 20 taon pababa ang gulang. Ang mga naiwang nakatayo, mga puno ng niyog na 30 to 50 taon na ang edad, ahaha. Ang tatangkad nila, parang hinahamon ang super bagyo, ipinapakita – may nilalang na kayang mabuhay at tumayo, matapos ang malupit na pananalasa…πŸ™‚

 

Comment kayo, ka-blogsMay naaalala kayong kwento sa mga itinuro sa atin ukol sa puno ng niyog noong elementary?πŸ™‚

 

44 responses to this post.

  1. andaya Ate San, baket ikaw lang may snow. aba ilang minuto kong tinitigan ang screen nung saken ay wala naman kahit ambon ahaha

    Ay, hindi si Lola Yolanda. Sabihin na natin, ini-level up up nya ang bagyo experience ng mga Pinoy… – natawa naman ako dito haha parang Ragnarok lang, may level up

    yay nakakatuwa basahin ang tungkol sa niyog. dahil aratiles at bayabas lang ang na experience ko haha. Tree of Life nga talaga

    Tugon

    • ahaha, may tinitingan si ginoong wordpress?πŸ™‚ kasi, wala rin sa ssa at sa english site, kainaman na, haha

      oo, may level up talaga – ala dota at ragnarok lang, hihi…

      ahihi, batang subdivision ang isa ryan, tiis sa aratiles and bayabas, wawa… ang daming puno ng niyog sa pilipinas, aysa. minsan, pag nasa beach, seriously kang makipagpag-commune sa puno ng nyog, haha. usisain mo ang Tree of Life…πŸ™‚ salamat sa pagdaan at sa first base na comment.πŸ˜‰

      Tugon

      • yahahaha, may kinikilingan ang Ginoo.

        di naman subdivision sa amen haha, barangay lang kaso maliit talaga ang bakuran at mas maraming grabahan kahit noon pa man, maraming space pero puro graba galing sa ilog ang nakatambak ahaha…ay sya pag nakakita ako ng Tree of Life kahit saan pa man, magseselfie ako bwahahaha

        nais ko sanang mag comment na “First” kaso baka isumbong mo ako kay Donya Ina at masabihan pa ako na “e push natin yan” hahahaha

      • ahihi, sabi ko rin nga…πŸ˜‰

        ah, quarrying na talaga folks sa may inyo, dati pa? e, baka yaon sadya ang kabuhayan sa community nyo? pwede naman, just as long as ipina-study na ang threshold ng lupa at ang rate ng soil erosion. oo, ahaha, may gano’n…πŸ™‚

        true, mag-selfie shot with the famous puno ng niyog, ahaha. celebrity status na sila, world-class disaster kaya si Haiyan? ang sama… ^^

        yon lang, ibang palm trees daw marami ryan…πŸ™‚ ay, two years ago, uso ang humirit ng first base sa comment, haha ^_^ kaway-kaway…

      • naku, rinig pa nga sa amin ang mga makinaryang ginagamit nila kasi sa gabi sila nagtatrabaho ewan ko ba kung baket. tawid ilog kame kaya rinig namen yung mga makina nila lalo na pagtahimik na sa gabi, mahina lang naman. dati sa ilog sila nagququarry, sabi, maganda daw yun para lumalim yung ilog at di babaha, kaya maraming grabang nakatambak. pero ipinagbawal daw ang pagquarry sa ilog kaya sa bundok na lang.

        naku asa naman pinag aralan nila yun ahahaha.

        yahaha, oo nga dito kahit sa beach parang hindi puno ng niyog ang nakikita ko eh, di ko alam kung palm ba yun, parang niyog din pero mababa lang haha….

      • ahaha, ay ang ganda, lapit sa ilog, inggit ako… nauna baleng hukayin ang ilog? ta’s saka pa ang bundok. enterprising din nga ang business people and politicians dyaan sa inyo, ahaha. teka, ano pang other products or crops ng lugar ninyo, kapatid? usually, pag walang ibang produkto, that’s when certain citizens think of digging the rivers and mountains, ahaha. in a way, tubong lugaw kasi – hanap lang ng financier for the trucks and pampasweldo, but the profit is considerable. very extractive na business ang quarrying, parang mining, hoho. nature lang ang nata-tax at pagkatapos, bahala na si batman, hoho… ^^

        ay, malakas makasira ng kalsada ang industrial trucks, yong panghakot? i guess, may nag-protest or petition kaya na-stop paghukay ng ilog…

        but the local residents may and can commission one such study, ambag-ambag. tapos, they may petition the authorities if studies show na detrimental ang effect sa kapaligiran and balance ng community. marami nang kahawig na situations ang sitwasyon sa inyo, kapatid …

        ahaha, picture-an mo at nang makita natin – coconut nut or not? whehe….πŸ˜‰

      • hihihi, parang wala akong alam na produkto ng lugar namen…ang alam ko lang maraming uling ahahaha noon kasing bata ako yung mga kapitbahay namen nagpapack ng uling saka gumagawa ng maraming barbecue sticks.

        maraming puno sa bundok pero random, haha di tulad sa inyo na niyugan talaga at mukang mga hacienda dyan. samen sari sari hehe o baka hindi ko lang alam.

        yung quarry sa ilog ewan kung bakit pinatigil, sabe yung ex mayor ang may pakana ng quarry sa bundok at sa dami ng truck na ten wheeler ay di man lang nagpagawa ng ibang kalsadang mas matibay hehe.

        wala naman atang nagkukusang mag-aral hehe, kahit naman magpetisyon eh wlang nangyayari, may petisyon nga ang munti nameng barangay tungkol sa kanal na barado, maliit lang iyon isang street lang, ang babaw ga-tuhod kaya pag maulan ay umaapaw – ayaw iabot ng Baranggay Hall sa munisipyo at mas marami daw priorities si mayor ahihihi paano na lang iyan?

        makapagselfie nga sa beach haha, background ung mga coconut-not

      • a, talaga? hmn, pag-uuling is usually livelihood ng mga babago pa lang na villages or yaong di pa gaanong developed ang trading. sa remote areas, bale. ay, hwag kang mao-offend, ha… sa amin, naabutan ko pa rin noon na kabuhayan ng mga tao, mag-ipon ng piles of wood na pambenta sa mga taga-bayan and other places. saka yong kamo ay paggawa ng barbecue sticks na maramihan, mula sa kawayan. saka, mag-gather ng light wood – dinadaanan ng kontratista, bibilhin para ibenta sa match factories. raw materials for posporo, bale… those were hard times, for folks in our place. ang hirap makahanap ng kalakal at napakamura ng bili sa mga iyon, kung magka-meron man. ang hirap ding maglakad, sunungin o buhatin ang mga kalakal para madala sa main road, aabang sa truck ng byahero…

        i discussed this problem in several posts here, silipin mo minsan if you’re so interested or inclined, ahaha. In Banda Rito, Banda Roon (ways of folks in the barrio), Bentahe ng Nabebenta (cash crop production) and in Ang Baku-Bakong Kalsada sa Aming Nayon (the dirt road in the barrio). And, in the Hindi na Maputik ang Daan sa Amin series (yon lang, series yown, hihi). Medyo sociological ang approach na ginamit ng lola mo sa posts…. Well, i tried to make silip ba’t parang walang access sa lahat ang lugar namin – commerce, education, opportunities, ganyan…

        ay, hindi hacienda at walang plantation doon sa amin, dear. it was a palayan and maisan community or communities, for hundreds of years. haven of small farmers or small leasehold farmers na tinatawag. people who till the soil also own the lands (walang agrarian reform issue, hehe, sa hatian ng lupa), maliliit nga lang ang parcel. ang problema ro’n, nawala ang mga palayan at maisan. and then, ang baba ng productivity ng cash crop productiong pumalit, hindi year-round ang ani ng crops at ang baba pa ng presyo ng mga produkto sa market, hoho… so, parang ang itsura, hindi talaga mag-abot – barely making both ends meet ang mga tao roon… so, sustainable livelihood ang main problem, i guess…

        ay, sa amin, medyo ganyan pa rin ang politics. the brgy officials, parang laiason staff ng taga-barrio pa-bayan, pa-munisipyo… and since laiason ang work nila, they do not feel obligated na pagsilbihan ang constituents. feel nila kasi, suguin nyo na nga lang kami, magde-demand pa kayo? so, usually, taga-kuha sila ng marriage certificate sa bayan, taga-rehistro ng bata pag ipinapanganak at tagadala sa ospital ng maysakit, hoho. parang basic na basic pa lahat at parang crude pa ang maraming bagay. ahaha, i do not know if related sa mga binanggit mo ang mga pinagsasabi ko.πŸ™‚ yis, picture-picture, aysabaw…

      • hihihih, nako nga maliit lang ang kita sa uling at bbq sticks. pero noong maliit ako, gusto ko din at naiinggit ako sa mga kapitbahay na sa kinahapunan pag tulog na ang mga anak, yung mga nanays nagtipon na at nagpapack ng uling at nag hahasa ng sticks. gusto ko din yun noon kasi gusto ko makisawsaw pero di ako pinapayagan ahaha.

        wala nga kaming specialty at naalala ko nung college kame, nagdiscuss ng specialty ng kanya kanyang bayan, buti pa ang Marikina may Sapatos at yung seatmate kong taga Antipolo sabi nya specialty daw nila ang Suman. haha ako wala, alangan naman specialty namen mga patok na jeep na bumabanking? haha

        sisilipin ko yung mga posts mo sa mga susunod hehe.

        nako haha, ewan ko na lang sa barangay at munisipyo na iyan. sa totoo lang di ko naman kkilala mga taga barangay kahit kapitbahay pa namin sila, yung mayor lang haha. pero naman samen yung mga rehistro at marriage certificate sa munisipyo na lahat. masyadong maliit ang mga barangay hall para dyan. isa pa, maliit lang naman ang Montalban at kaya na yan ng munisipyo haha. multitasking

      • ahaha, ano’ng kabuhayan ng the parents mow… ba’t ang prinsesa di pinapayagang makisali sa paggawa ng uling at barbeque sticks? asus. malamang-lamang maiinggit nga ang isa ryan and forever etched sa memory nya ang kananayang nagsisikap pag hapon, hihi.πŸ™‚

        ay, wawa naman, alang specialty ang bayan nila. so, yon, it is in your hands, kapatid, to introduce a product na pwedeng i-mass produce sa inyo, ahaha. anyway, seriously, a town must have one, at least. iyon ang magiging source ng kabuhayan and pride of those who hail from the place. importante yaon. maski sa mga bayan sa germany, sa france, sa japan, sa india, may ganoon sadya. pag wala, hirap parati ang mga tao and the local officials, walang maipagmalaki pag uma-attend ng meeting ng mayor’s league, ahaha. hala, may patok din sa cogeo, marikina at iba pa, paano ba yan?πŸ˜‰

        oks lang. visit them when you’ve more time, dear… hala, sa munisipyo din sa amin ang lahat ng papeles na iyon, kapatid. pero yon, ang brgy officials ang tagakuha in behalf ng mga taga-baryo. parang messenger sila? ahaha. the net effect, di nila inaasikaso ang ibang tasks – tama na ang laiason work, tingin nila, service to the constituents na iyon. ahaha. have a happy week, aysabaw…πŸ™‚

      • harharhar, noong mga bata pa kami ay sa bahay lang ang aking mader. si fader naman ay namamasada hihihi. si mader ay medyo suplada type at hindi nakikihalubilo masyado sa mga kapitbahay. bukod pa doon lagi syang busy sa loob ng maliit naming bahay at di ko sya nakikitang lumalabas kung walang bibilhin haha. ayaw nya nakikipagchikahan at ayaw nya din kaming makisama sa chikahan/ pagpack ng uling/pagbubundle ng bbq sticks hahaha.

        yung mga patok sa cogeo at marikina kapag ang tatak ay Morales (yun yung magagandang patok haha at fibertek ang loob ng bubong) sa San mateo galing yan. doon yung pagawaan non haha, hindi pa rin Montalban eh no, wala talaga kami eh paano ba yan?

        “ay, wawa naman, alang specialty ang bayan nila. so, yon, it is in your hands, kapatid, to introduce a product na pwedeng i-mass produce sa inyo, ahaha. anyway, seriously, a town must have one, ” – sa akin talaga nakasalalay? hahahaha kung ako lang Ate San ang masusunod (pwe haha) dahil marami pang lupa ang montalban at meron na syang Avilon Zoo na dinadalaw ng mga batang nagfifield trip, at dahil wala naman syang specialty, mas gugustuhin kong idevelop sya as a nature reserve/tourist spot/bakasyunan/ gusto kong magtayo ng hotels and restaurants na high end pero in the middle of the nature ang concept/ gusto kong manawagan kay Mayor na gawin akong Tourism Ambassador hahaha… kaso ang vision and mission kong iyan para sa aking bayan eh medyo magastos, at matagal tagal na planning and implementation bwahahaha. kasi kelangan planuhin yung mga kalsada na maging maganda kung gusto nameng dayuhin kame diba? so…haha, baka wala pa man ay i turn down na ang proposal ko wehehehe….isa pa, gusto kong magkaroon ng malaki at magandang library sa bayan at museum haha. bwahahaha. ambisyosa lang? anyways, libre lang naman

        ay sa inyo messenger ang mga taga barangay? hindi ganyan sa amen haha. may mga iba naman silang ginagawa =, hindi ko lang alam kung ano pero hindi nila ginagawa yan para sa amin haha. alam ko lang umaawat sila ng nag aaway, nagpapa-liga at nagrerelease ng barangay clearance at active sila pag araw ng bakuna haha

      • ahihi, suplada pala si madir, ayaw maki-socialize masyado sa neighbors. hindi siguro sya native doon? hula lang…

        ahaha, alam ko ang patok na dyip, yong makukulay tapos malalakas ang sounds. ta’s yong tsuper, parang nag-multivitamins parati kung magpakbo, hihi. hey aysa, may post sa SSA, Bourne Legacy, special mention doon ang patok na dyipni.πŸ™‚ na kamo ay gawa sa San Mateo, whihi.

        alam mo, maganda ang iniisip mo. it will coincide with the govt’s plan to develop certain spots in the phils as agri-tourism spots. o, may Avilon Zoo na kamo, pwede na yong start. tsaka, hey, yong Wawa River kamo sa may inyo, nakikita ko yata sa old movies. o, di ba, sikat?πŸ™‚ saka, ganito, sa Binangonan, may ganyan, kamukha ng iniisip mo – Lake Island Resort – parang get-away, enclave of the rich. puntahan mo minsan para makita mo paano, hihi. medyo mahal sya, yon lang.

        pwede yan. pati yong kalsada and other infrastructures. gawa ka ng blueprint o proposal. tapos, i-salestalk mo sa lahat ng makikita mong may pera – financier, haha. lahat yan nag-uumpisa sa impossible dreams, kapatid.

        haha, natuwa ako sa kwentong baranggay. hello, aysa. di pa ako uli nakakapagdadalaw sa may inyo… hope things are well.πŸ™‚

      • bwahaha Ate San, bicolana si mader eh at medyo suplada talaga kahit ngayon.

        Napanood ko yung Bourne Legacy haha kaaliw lang ang karera, mapanood nga uli at parang nakalimutan ko na. hahanapin ko din ang post mo.

        Yun nga sanang Wawa ay idevelop nila, last time na pumunta ako don maraming mountain bikers hehe…sana nga gumawa sila ng mas marami pang biker activities para sumikat yung lugar. sana idevelop nila yung daraanan at linisin nila kasi medyo madumi na.haha saka din sana idevelop nila yung mga caves doon kasi alam ko medyo historical din yon, dinaanan kuno ng mga hapon nung patakas na sila ahehe.

        nako Ate San, proposal? i need an urban planner? tama ba? o landscape engineer bwahaha. syempre kelangan atang yung local government ang kausapin tungkol jan dahil matagal ata bago matapos ang ganito kalaking project. problema pa, pag nagpalit ng mayor malaki ang posibilidad na mapatigil ang mga infrastructures ahehe.

        anyways, ayun lang. Gawin na kasi nila akong tourism ambassador tahahaha

  2. Naalala ko nung elementary, yung puno ng niyog mula ulo hanggang paa, may pakinabang.πŸ™‚

    Tugon

  3. wow, may snow nga dito ate San… hihi

    at speaking of puno ng niyog, so sad to share na pinuputol na halos ang mga puno ng niyog dito sa amin, wala na ang aking hidden forest kung saan nakagisnan ko na ang nagtataasan puno ng niyog, kung bakit.. dahil sa isang peste na halos sumira sa lahat ng niyugan dito sa aming bayan. na hanggang ngayon ay di pa rin alam akung bakit at anong uri ng sakit ang ang dumapo sa mga puno. nakakalungkot dahil di na kami makakain ng ginataan, di na makapag suman, mahal ang niyog sa palengke, wala ng buko salad, ang saklap diba, wala na ring golden coconut kaya wala ng mabisang panggamot sa UTI ng mga batang di mapainom ng sabaw ng niyog…

    kasabay pa ng hagupit ni yolanda, wala na tuloy supply ng niyog sa palengke, kaya expected na walang handang buko salad, suman, coco jam, nata de coco sa hapag ngayon Pasko…

    pero magkaganon pa man, tuloy pa rin ang Pasko…

    Tugon

    • hello, babetski. oo, feeling ko nga, nasa canada me? hahaha…

      ay, sad to hear that… ‘lam mo, in many parts of the phils., inalis na ang niyugan, kalungkot… dahilan daw, bumaba ang presyuhan ng cooking oil from coconut, yown… ang dami na kasing cooking oils, 16 kinds yata ng vegetable oil sa market. hindi raw competitive ang presyo ng coconut oil, maraming veg. oil na mas mura… ^^

      pababa talaga ang coconut oil production natin, two decades na yata, sabi… but i guess, nagpi-pick up na rin, mas dala ng local demand for cooking oil sa domestic, nating mga Noypi – mahihilig kumain ng may mantika, hahaha.

      lam mo, yong kamo, nagkasakit ang mga puno ng niyog sa may inyo, nangyari rin yaan sa may amin – sa citrus plants naman… bale, ang mga sinturis doon, may parte ng bunga na tumitigas, di tuloy maibenta… ayon, noong 5 years old pa me, karami pa sa ‘ming sinturisan, ang saya. nagkaroon ng sakit so, pinutol na mga tanim…

      blight ang usual na tawag sa ganyang sakit o peste ng tanim. kahawig daw ng potato blight sa Ireland, yong nangingitim ang isang parte ng patatas? kailangan dalhin sa laboratories, sa UP Diliman, sa Bio or sa IRRI sa Los Banos. naaaral nila ‘yaan, kapatid. they will give you initial findings in 3mos. maybe… but the longer and thorough findings, matagal – 10 to 20 years, hoho. inaaral nila DNA and immunities ng halaman? yown ata…

      ahaha, kainaman ka. ang sasarap niyang mga food na binanggit mo, pambihira. na-miss ko coco jam, hihi. ay, P35 kaya isang magulang na niyog sa MM? parang luho na tuloy ang magggata? lalo pa ang mag-salad, ahaha. dapat mas maraming tanim na niyog, tama ka. paano na tayong lumaki sa pakumbo at bukayo, sa monggong may asukal at kinudkod na niyog?πŸ˜‰

      Tugon

      • haha… i love bukayo and pakumbo.. nyahaha, wala ng bata ang nakakakilala sa kanila… so sad..

        ay na experience ko din yung sa sinturis/ calamansi, pinutol din lahat ng citrus plant namin dito, from calamansi-sinturis-guabano-lukban/suha.. kaya yung may malalawak na taniman dito bumili ng lupa sa mindoro at doon nag move ang plantasyon ng sinturis at calamansi… so far Mangga, saging, rambutan na lang ang di pa nawawala dito, pero kapag tropical fruits na, yung kaimito, kamachili, tyesa, sampaloc at duhat, ginto na kapag nakakita, kalimitan doon na lang sa lugar na malayo sa kabihasnan… halos kasi ng taniman ng gulay dito convert na rin sa industrial tapos ang nangyari pa sa niyugan…..

      • ay, meron pa naman sigurong ilan na nakaabot pa. eniwey, babetski, debut post dito sa dpsa – bukayo at pakumbo, haha.πŸ™‚

        ang ganda ng mga sinabi mo – parang national situationer na sa lagay ng agriculture natin, particular sa fruit-bearing trees and cash crop production, ahaha. ang dami mong alam, kapatid. katuwa, ikaw na…πŸ™‚

        at maraming salamat uli for sharing. gandang gabi…

      • haha.. ate san dito sa amin kilalang kilala pa ang bukayo, kasi yung mayamang binata dito ay iyon dati ang pinagkakakitaan, dahil sa lawak ng kanilang niyugan, nakatandaan ko na na ang tawag sa kanya ay bukayo.. kaya kapag bumibili kami sa tindahan nila at siya ang nagtitinda, bumibili kami ng bukayo… tapos hahagarin kami kasi alam naming wala naman siyang tinda… ang bad diba…. pero dahil senior na ngayon, di ko na magawang biruin… kasi baka di kami bigyan ng libreng prutas fresh from the bakod… hahaha…

      • ahaha, at may anecdote pa sya sa bukayo. gawa ka ng post about it, sige na…πŸ™‚ malawak siguro talaga ang lupain nya at niyugan, tamo at ang laki ng space nya sa childhood nyo, haha… ikaw na ang nahahagad noon. at may prutas pa pala kayong nahihingi tapos alaga nyong buskahin? bad nga kayo, peace, babet…πŸ™‚

  4. kmusta na san? tree of life nga kung tawagin ang puno ng niyog, lahat magagamit walang tapon, sana ganyan din ang mga pulitiko walang tapon..
    kaso puro tapon sila, puru paningit.. gaya ni Chavit….

    Tugon

    • hello, kiko… mabuti naman, salamat po. ahaha, maraming gamit ang puno ng niyog, true. ang politiko, magaling mag-repackage and mag-recycle ng sarili, hoho. o, ano’ng bago kay gov. chavit bukod sa asa tabi lagi ni pacman?πŸ˜‰

      Tugon

  5. Akala ko seseryoso ang post gawa ng titulong kasama si Yolanda pero masarap pa rin basahin kung papaanong nakonekta si Yolanda, sa puno ng niyog at ang doon po sa amin, hehe.
    Kakalungkot ang ginawa ni Yollie pero life must go on pa rin tulad ng puno ng niyog uugain nang kaunti pero mananatiling matayog pagkatapos ng unos. Sa amin sa bulacan halos wala na kong makitang malalaking puno, lalo’t puno ng niyog nakoconvert na ang bukid, palayan at palaisdaan nagiging malawak na subdivision tsk tsk, ngayon ngang december magbubukas daw ang Robinsons Place Malolos, naisip ko lang ilang tonelada kayang lupain ng gulay, palay at prutas ang nawala sa atin? Di bale sign of progressive naman daw ang pagkakaroon ng mall sa isang lugar, gusto ko itanong: weh ‘di nga?πŸ™‚
    Gandang araw, Ate San.

    Tugon

    • hello, limarx… ahihi, seryoso naman me, astig ang mga puno ng niyog… puro sila ang bida sa pics post-yolanda, hoho. basta, seryoso ako… yon lang, minadali post, walang gaanong edit. mas may structure maybe, if di minadali, ayon… ^^

      ah, oo, para nga, masyadong nau-urbanize ang bulacan. masyado kasing malapit sa metro, dyan sa may inyo nag-i-spill over ang mga tao, hoho. e, nasasa mga tao kung ano’ng level ng citification ang gugustuhin nila. medyo ganoon sa umpisa, focus on infrastructures and material things. of course, later, people would realize na it’s about progress (not just material trappings), kasama ang well-being ng tao and balance and sustainability ng environment, hoho. ^^

      ayos lang ang may mall. in a way, it helps people develop desires, hoho. importante rin yon, e. malaman ng mga taong may masasarap, magaganda at convenient na mga bagay and they’re entitled to them, kung may pambili, haha. ang mahirap, pag na-develop ang tastes and proclivities ng mga tao sa masasarap at madadali, without adding to and enriching their kabuhayans and means of attaining the new goods. whehe, later, problema ‘yon…

      nasa planners and leaders din ng municipalities, what vision do they have for the place. may value ang mga punong inaalis, di lang sa hanging hinihinga, sa lupa at sa over-all environment and aesthetics of the place, kapatid. am talking monetary value -may equivalent sum ang bawat punong magulang. tamo sa real estate sa city, mas mahal value ng property basta may kapunuan ang lugar, hoho. mga ganoon…

      musta ka… nakaraan na ako sa may inyo, babalik me for the comments. may kahabaan ang posts ng isa ryan, whihi. (nagsalita ang maiiksi ang posts, haha).πŸ˜‰

      Tugon

  6. san!! *kaway-kaway* na miss kita ng bonggang-bongga!!

    dahil laki ako sa lungsod, bibihira ako makakita ng maraming puno ng niyog, kung makakita man ako sa lugar namin, yung hindi gaanong kalakihan… pero tama ka, ang tibay nga ng niyog, at kung kasing laki ng bahay ang ugat nito, goodluck naman sa mga bagyong darating para mahugot ito.. ehehehe

    Tugon

    • potpot, hello… asus, bongga talaga… na-miss ko rin mug shot mo, hihi…πŸ™‚

      matibay nga niyog. pero laki sa lunsod talaga ang isa ryan, haha… at ang bagyong parating ang lagot sa mga puno ng niyog, hakhak. wala kang kupas, potski. makulet ka pa rin.πŸ˜‰ kumusta sa bagong ago-go dance place mo, kapatid? eheheπŸ™‚

      Tugon

      • ay naku san! super masaya ako ngayon dito!! nakakagiling ako ngwalang humpay at ang tip ng mga customer, bonggang-bongga!! makakabili na ako ng pustiso sa sweldo!! ahahay!! na miss ko kulitan natin sa comment box!! hayaan mo, active na uli ako.. hihihi.. *kaway-kaway*

      • ahihi, glad for you, Pot. ay, bongga nga ang bago mong fun hole. creative na at makakabili ka pa ng bagong pustiso, haha. ang kulit mo, salbahe ka,.. inabutan mo pa rin siguro yong panahon, uso ang golden pustiso, hakhak. panahon yong status symbol ang encyclopedia sa bahay, hihi. ay, antay ko bago mong post, riot malamang yown… kaway-kawayπŸ˜‰

  7. Mga bansot na niyog ang nakalakihan ko sa siudad pero sa countryside, nakakamangha ang taas nila at mas nakakamangha ang mga umaakyat dito ng walang ka-effort-effort.
    Sobra palang nakakakapit ang niyog sa ilalim noh? Parang isang bahay ang scope ng ugat? Super! No wonder kinibit-balikat nila si Yolanda. Maganda talagang ipamaris ang tao sa niyog. The human spirit is as resilient as a coconut tree. It gives life as much as it struggles to live no matter what.πŸ™‚

    Tugon

    • hello, June… mas pampaganda ng paligid ang mga puno ng niyog sa lungsod. hayon, maiiksing puno lang nito mini-maintain pag sa city… parang ang hirap tingnan pag matatangkad mga niyog sa boulevard? hehehe, kinukulit rin kita, hoho.πŸ˜‰

      e, sanay na taga-bukid sa pag-akyat sa niyog. ta’s ganto, may cuts or cavity sa body ng niyog para syang kapitan ng kamay at lalagyan ng paa ng coconut climbers, yon. pero actually, mahirap pa ring akyatin, para sa di sanay… true, andami at very dense ang kaugatan nila, sila na… gusto ko sabi mo sa huli, parating ang ganda mong um-english, haha. salamat sa pagbabasa, happy week sa iyo…πŸ™‚

      Tugon

  8. aHaha palmera yata yung mga nasa boulevard Ate San!πŸ˜€
    Nung bata pa ako merong niyog noon sa kapit-bahay na harap lang ng aming bahay. Six or seven feet lang siya, pa-slant yung tubo pero mataba at may mga bunga. Midget talaga sya. Ginagamit naming tore ng kastilyo pag naglalaro.πŸ™‚
    ay oo may cuts sa side at alternate sila pero ipinagtataka ko rin ang taas ng interval, parang kelangan paring tumalon kaunti papunta sa next cut.
    Yung lola ko pala gumagawa noon ng “lana” (langis), niluluto niya pag holy week at pinapabendisyonan. Ang bangoooo, nakakatakam parang yung pang halo sa sapin-sapin, yun daw talaga yun, pero di daw namin yun pwede kainin yung gawa niya dahil gamit niya bilang gamot.πŸ™‚
    Pinapaapply niya rin sa mga buhok namin panlaban raw sa kuto at pampaganda ng buhok. Naging shiny black ang hair pero amoy kakanin naman kami LOL! Si lola talaga… sumalangit nawa.πŸ™‚
    Ineenglish ko na Ate San kasi parang nagtutunog echos pag di ko in-english.πŸ™‚
    Quota na ako sa smiley today. Happy week din sayo!

    Tugon

    • haha, palmera? maliit yaon, indoor plant yon, June. palm tree family rin ang nasa boulevard – but hindi palmera, sabunutan kita ryan.πŸ˜‰

      ahaha, parang nai-imagine ko midget na punong yan. at tanda pa ang tore ng childhood days, kainaman na… ^^

      ahaha, malalayo nga interval ng cuts na kapitan ng kamay at lagayan ng paa sa puno ng niyog. ay, me lumang post dito (di ko maalala pamagat, though). about rural life pa rin… sa comment do’n, nagkwentuhan kami ng husay ni haribon about dyaan – pag-akyat-akyat sa puno ng nyog. sila raw kasi, sumasakay sa tuyong palapa, pabagsak! as in, ang masokista lang, hihi… sa kahoy na panggatong post yata, di ko sure…

      ay, alam ko ata lana. latik naman tawag sa amin doon… mabango sadya, ahaha. parang johnson’s baby oil yon noon sa ‘min. leave-on siya sa buhok at panghaplos sa tiyan pag masakit, hihi. iyon palang sapal or meat of the kinudkod na niyog from that mabangong langis, ginagawang pangsabog sa malagkit (biko) sa amin, sinasamahan ng asukal. ansarap…πŸ™‚ o, di ba, ang dami talagang use ng niyog, hihi.

      at naalala nya si lola. ay me post dito about our lola, tumatawa ang mga mata ang title. usapang lola na, haha.

      sus, inglesero sadya ang mga taga-davao. buti nga at mahusay ka rin sa Tagalog, haha. peace, June.πŸ˜‰ happy week din, have fun…

      Tugon

  9. Posted by sphereq on Disyembre 15, 2013 at 6:40 hapon

    ako din na Yolanda ako wasak lahat kainaman na yan!

    Tugon

  10. Posted by Haring Ibon on Disyembre 26, 2013 at 1:45 umaga

    ang buko.. bow!

    Tugon

  11. Posted by Haring Ibon on Disyembre 26, 2013 at 1:52 umaga

    nuong bata pa kami..

    palagi naming naririnig sa matatanda na wag pupunta sa tabing dagat kapag may bagyo at baka kainin kami ng daluyong…. akala ko nuon halimaw sa dagat na lumalabas kapag may bagyo ang daluyong…. yun pala, malalaking alon yun.

    so nuon pa man alam na ng matatanda ang epekto ng daluyong… lately nagging teknikal term na ang tawag sa kanya…. “storm surge” na hehehe

    musta sis?

    Tugon

  12. Ako, ang hula ko, ang mga punong iyon na nabali ay mga punong hindi yumukod nung lumakas ang hanginπŸ™‚

    Nagbabalik at nakikigulo lang po hihihiπŸ™‚

    Tugon

    • ahihi, kinulang sila sa flexibility? pero, malala raw humataw si Yolanda, blasting trees and structures from all sides. hala, me punong nataranta, hihi.πŸ˜‰

      salamat sa pagdaan at pakikigulo.πŸ™‚ para namang di pa magulo rito, haha. hellowie, Ms. N…

      Tugon

  13. nakaka-nostalgia ang post mong ito ate! Hello dyan! kumusta!? ngayon lang nakapasok ulit sa blogworld.

    kawawa talaga yung may-ari ng niyugan pagkatapos ng bagyo, hanggang sampung taon pa yata mula pagkatanim bago mamunga ulit. tiis muna sa ibang pagkukunan ng pera.

    da best talaga ang puno ng niyog, nung elementary naalala ko kung paanong pinagawang lantern na native ang mga bahagi ng niyog bilang project. siyempre, panalo yung project! …………..

    ng kaklase ko! hahaha wala akong kaart art eh. parang ang sarap sindihan nung gawa ko. anyway, ang lakas kaya umapoy ng niyog.

    Tugon

  14. Posted by Celine Villanta on Enero 3, 2015 at 12:47 hapon

    napakabless ko na matagpuan ang site na ito dahil nakatulong ito sa aking proyekto!

    Tugon

  15. Wala po bang buod?! Haha sorry ✌ haba eh

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: