Pag-iigib ng Tubig

Noong ’80s, wala pang tubig na dumadaloy patungo sa mga lababo at banyo ng mga bahay doon sa amin. Ang mayroon lamang ay mga artesian wells na mas kilala bilang igiban o tunggaan. Sa amin, pag sinabing tutungga, ang ibig sabihin ay magbobomba ng tubig.

Image of children fetching water from a common artesian well in the Philippines

Mahaba lagi ang pila ng mga timba at balde sa igiban sa amin/ d2sacalumpang.wordpress.com

 

Noon, kami ng aking mga kapatid at mga kasabayan ay lumaking laging nag-iigib. Kahit pa sabihing sa mga gawain noon sa bahay at sa bukid, isa sa pinaka-ayaw ko ang pag-iigib. Marami akong dahilan.

cartoon image of a girl fetching water, borrowed from dsguy411.deviantart.com

Hindi madali ang umigib / dsguy411.deviantart. com

Una, mahaba-haba ang lakaran. Mga 500 metro ang layo ng igiban sa bahay namin at ang daraanan pag-iigib ay open fields ng mga palayan at maisan. Gangga-monggo na ang pawis ng iigib, bago pa makarating sa pag-iigiban.

 

Ikalawa, sa igiban ay mahaba rin mismo ang pila. Hindi ito nakapagtataka: may isang artesian well lamang para sa bawat isandaang kabahayan sa aming lugar. Madalas, pagdating mo roon, ikaw ay pang-sampo o pang-labindalawa pa sa pila. Wala ring waiting shed sa igiban. Pare-parehong nakabilad sa init ng araw ang mga umiigib.

 

Ikatlo, ang pagbomba ng tubig mula sa poso ay kainamang ehersisyo kung mga anim na gallon lamang ang iigibin. Pero kung dalawang drum na ang kailangang punuin, tiyak na matapos ang pag-iigib, laglag ang mga balikat ng taga-igib.

 

Ikaapat, kung effort ang mag-bomba o tumungga ng tubig, higit pa sa roon ang hirap pagbibitbit pauwi ng inigib na tubig. Pag dala mo na ang mga punong containers, para bang humahaba ng higit sa normal ang iyong mga kamay at leeg at nararamdaman mo ring parang mas lumalayo ang pagitan ng igiban at ng inyong bahay.

 

image of a rice field in the philippines, borrowed from wn.com

Mainit maglakad sa gitna ng palayan /wn.com/janice

 

Habang dumaraan ka uli sa open fields, habang umaagos ang iyong pawis mula sa ulo, mukha, leeg hanggang sa likuran, doon mo naiintindihan ng husay ang leksyon tungkol sa gravity. Kung noong papunta ay nakukuha mo pang magpasipul-sipol, noong pabalik ay pangiwi-ngiwi na lang ang kaya mong gawin.

 

 

image of a small child fetching water, borrowed from amdcinternational.com

Mahirap magbomba ng tubig / amdcinternational.com

Gaano man kahirap, ang halos lahat doon sa amin ay kailangang umigib – lalaki, babae, matanda man o bata. Kailangan ang tubig para sa pagluluto, paglalaba, paglilinis, panliligo, pagdidilig ng mga halaman at para inumin ng mga alagang hayop. Kung marami kayo sa bahay gaya namin, mas marami ring tubig at byahe ng igib ang kailangan.

 

 

Sa aming pamilya, ang saving grace namin noon ay ang aming kuya. Pinakamarami siyang iniigib. Malakas ang kanyang katawan at wala siyang reklamo sa mga gawain. Nag-iigib siya tuwing gabi at sa umaga bago pa man sumikat ang araw. Kayang-kaya niya ang maraming biyahe.

 

Madilim pa, bitbit na ni kuya  ang dalawang baldeng bilog at ang pingga. Ang mga baldeng gawa sa steel, siyang karaniwang gamit sa pag-iigib ng mga kalalakihan doon sa amin. Ang pingga naman ay lapad na stick, yari sa kinayas na kawayan at may bukong sa magkabilang dulo, kung saan ikinakawit ang hooks ng mga balde.

 

Pag nakikita ko noong dala na ni kuya ang pingga, bilib na bilib ako sa kanya. Sa tingin ko, parang ang lakas-lakas niyang tao.

 

Noong ako ay mag-high school na, sa lunsod na ako tumira. At masasabing maaga kong natakasan ang pag-iigib. Doon ko sa lunsod nalaman – pwede palang magka-tubig sa pamamagitan ng pagpihit lang sa gripo!

 

image of  water flowing from a faucet

Pagpihit sa gripo, may tubig na agad / chronicle.pitt.edu

 

Doon sa amin, maraming nagsasabing kaya raw hindi na sila lumaki ang pangangatawan ay dahil sa pag-iigib. Hindi ko sigurado kung totoo nga ang ganitong claim. Ganoon pa man, ang mga ganoong sabi ay tila patunay na matindi ang sentimiyento ng marami sa hirap ng gawaing pag-iigib.

 

’90s na yata nang magkaroon ng running water doon sa aming lugar. Matapos ang napakaraming taon ng pag-iigib, nagkaroon ng tap water sa mga kabahayan doon sa amin.

 

image of a child drinking from a faucet, borrowed from globalgiving.org

Sa wakas, may water pump na sa lugar / globalgiving.org

 

20 responses to this post.

  1. * Huling binago ni Doon Po sa Amin noong ika-19 ng Nobyembre 2010 para idagdag ang mga larawan.

    Tugon

  2. aba…kagara narehng blog na areh…..:-) ako’y suminsay at nakita kong ika’y nagawa. si batanggenyo.net, batangas resort site eh ko…aka batanggenyong online….

    Tugon

    • salamat ho sa pagsinsay at sa pagbasa ng email ko…

      natutuwa po ako sa blog nyo, andaming info..

      btw, sa inyo ho ang resort na may pangalang doonposaamin dito sa wordpress? :s kasi ho noong nagre-register ako ng doon po sa amin na domain e, ang sabi ay taken na raw… nasilip ko na ho ang site na ‘yon. yong beach resort sa batangas…

      Tugon

  3. […] Pag-iigib ng Tubig – panahong wala pang tap water […]

    Tugon

  4. naranasan ko rin ang pag-iigib pero pinakamalayo na yung mga kapitbahay namin. masuerte na rin pala at mayroon kaming poso mismo sa bakuran namin. tindi ng paghihirap ng mga taga probinsya. ngayon lokohan sa amin dito na kaya mas maraming matangkad na bata ngayon ay dahil sa hindi kasi nila naranasan ang mag-igib. hehehe

    Tugon

    • oo, hoshi. ang hirap magbuhat ‘no? at maglakad habang may buhat na mabigat, haha. na pwedeng matapon…🙂

      hirap talaga ang mga tao sa mga lugar sa pinas na until now ay wala pang tap water. sabi sa studies, pag gusto mo raw i-improve ang quality ng buhay ng mga tao sa isang lugar, ang unang dapat gawin ay lagyan sila ng patubig. dramatic raw kaagad ang improvements na makikita.

      isa pa, if we want to improve our agriculture sa bansa, kailangan lagyan ng irrigation ang farming communities. ang laki kasi ng porsyento ng crops na nasisira ng tagtuyot at kawalan ng regular source of water for plants and animals. yon…

      iyan din ang paliwanag ng ate ko ba’t kulang sya sa height, haha…🙂 nakakaliit nga siguro ng katawan ang hard labor at a young age. parang…

      Tugon

  5. naranasan ko rin ang hirap ng mag-igib nung ako’y nag-aaral pa…kahit sa syudad, may mga lugar pa ring walang tap water😦

    Tugon

    • hello, rp… a, talaga, nag-igib ka ring kai-kainaman? masakit sa balikat, hano?😉 meron nga raw urban communities na wala pa rin. pero nitong last several years, nag-speed up ang MWC sa paglalagay ng tubig sa areas, at least sa NCR. sa malalayong lugar, talagang kulang na kulang pa ang water source, as in…😉

      Tugon

  6. […] ang kuluong, kuhanan namin noon ng tubig-inumin, nasa ibaba iyon ng bangin at ang isa pa – ang tunggaan, posong pampublikong igiban namin noon ng tubig panlaba, pampainom sa mga hayop, panghugas ng […]

    Tugon

  7. Marahil ang mga ganitong bagay ang siyang nagturo sa atin sa pagiging masinop sa buhay. Maswerte pa pala kami magkakapatid, pagkat ang naalala ko dati bago nagkaroon ng “water lines” sa amin sa probinsya, nagrerenta si Papa ng taga-igib, di ko na matandaan kung magkano ang bayad. Basta ang naalala kung paano dapat na di-mag-aksaya ng tubig noon. At isa pa may alulod ang likod bahay sa amin na nagsisilbing “source of water” din sa tuwing tag-ulan. Ang mga naipon doon na tubig ay siyang pedeng pandilig sa halaman, pangligo sa alagang aso, panlinis ng auto ni Papa, atbp.

    Tugon

    • hello, Cup… hala, maswerte ka at di kayo pinag-igib. maski paano, maykaya kayo sa buhay – may awto si papa mo at may pambayad ng taga-igib, kayo na… hmn, feeling ko, wala kang kalyo sa paa, hehehe. ako, kami ay meron – kaka-igib at kakabitbit noon. hala, oo, may alulod rin kami noon, pansahod sa tubig-ulan – gayon nga…🙂

      btw, matagal na rin kaming sanay sa tap water. pero kumbaga, nakatatak na sa amin ang hirap ng pag-iigib noong araw… salamat sa pagdaan, good day!🙂

      Tugon

  8. “…doon mo naiintindihan ng husay ang leksyon tungkol sa gravity.” Learning the hard way😀

    Having clean water straight from the tap is indeed such a huge blessing!

    PS: We’re supposed to see the super moon tonight, but it’s nowhere to be seen. I waited 15 minutes outside but ran back in because of too much humidity. It’s so hot here that even the moon refuses to come out.

    Tugon

    • hello, Nadia… learning the hard way, indeed…🙂 yes, walang modern living kung walang tap water, hehe.

      nagpakita pa ang super moon dyaan? o, nainitan at tuluyang nagtago?😉 naiintindihan kita somehow sa kainitan. mainit pa rin dito generally. although, not as bad as one month ago, ahaha. tiisin mo muna, paminsan-minsan ka lang lumalabas, eh… kaway-kaway…🙂

      Tugon

  9. […] Pag-iigib ng Tubig […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: