Nagsusulsi, Nagtatagpi

 

Sinauna akong tao, mga kapatid… Ikinakabit ko uli ang lumuwag o nalaglag nang butones ng damit, nagsusulsi at nagtatagpi (patch) pa. Nitong huling bagyuhan, mga ganyan ang ginawa ng inyong lingkod, haha, habang balot sa dilim ang paligid at tila walang katapusan ang mga patak ng ulan.

Ako rin iyong madalas pang magdala sa repair shop ng mga nasirang payong at sapatos, ahaha. Ang pananahi, namana ko sa nasira naming lola. Nanay, kung siya ay aming tawagin… Ang pagpapakumpuni ng sapatos at payong, sa pinakamatanda naming kapatid ko naman nakita at ginaya, hihi… A, e, si Ate, mga 15 years na yatang di nagagawi sa pagawaan ng payong? Parang… Ako na lang ang affected sa kagawian, harhar…

 

Image of scissors and sewing tools

Ahaha, doon me sa liga ng mga taong may sewing box, pasensya naman/ http://www.sewnews.com

Ewan, may kung anong kasiyahang hatid sa akin, pag nagagawa ko ang mga gawaing ‘yan… Nakakatulong din, para makatipid maski paano. Nagagamit pa ang bagay na nagkadepekto, pero pwede pa naman, hoho. Magagamit pa, maski di na bago, ako na… Gaya rin ng iba, ipinapaputol ko ang luma o kupas nang jeans, ipinapagawang shorts.

Sa T-shirt, ginugupit ko madalas ang kwelyo at binabawasan ang manggas. Tapos, dinadala sa mananahi, para padaanan sa edging machine. Mas comfort na ang habol, kesa sa pagtitipid… Ginagawa ko rin, binibilhan ko na ng kapalit ang bagay na nasira, pero ipinapakumpuni ko pa ang dati. Alinman sa  gagamitin pa, ipapasa na sa kasamahan o ipapamigay sa mga dumadaang nasunugan daw. Pero, mas madalas, inaayos o ipinapa-repair ko muna, ahaha. E, suplada at suplado kasi ang mga pagbibigyan – sinisinop ko muna ng onti. Baka may masabi pa, harhar…

 

Sa kabilang banda, hindi ako gaanong attached sa mga materyal na gamit, wari ko lang. Medyo madali akong hingian, arboran  at hiraman –  ng wala nang solian… Madalas mangyari ‘yong  hiniram sa akin ang gamit, sa pangatlong beses, ibinibigay ko na, ahaha. Lalo pa pag bagay ang gamit o damit sa nanghiram at di ko naman paborito. Ewan…

I want things to be put to good use, yown ang kapaliwanagan… Pero, sabi naman ng iba, maarimunhan daw ang ganoon. Mahinayangin?. Marks of poverty raw o hang-up, sus.  Baka nga, malamang… Anlagay, di pa naman ako yumayaman at baka hindi na, haha. Dumaan na rin sa panahon, financially maluwag ng konti. Pero kurips pa rin, hihi… Kung ilan ang mga kapatid namin, walang-wala. Ayon, am easily affected, harhar. Haybuhay…

 

Image of colorful threads

Masaya pa ang lola nyo pag may bago syang sinulid, haha/ http://www.craftsbee.com

Anupaman, ako na lang yata sa amin ang matiyaga pang magsulsi at nagpapa-repair pa, patatawarin… Ang mga kapatid, sanay na rin sa mabilisang pagdi-dispatsa at pagpapalit. ‘Yong usual na katwiran – wala na silang time para sa mga ganoon, sows. Pero, hwag kayo, may time sila para sa primetime telenobela, whehe.

Ang blogger naman dine, di matyaga pag sa TV papanoorin gabi-gabi ang kadramahan. Nanonood din, from time to time, pero sa dyapeyks na DVD, haha. Pag Byernes at Sabado – marathon mode, pampa-eyebag… Actually, di ko alam, nagkaka-eyebag din naman, pag weekdays. Hindi nga lang dahil sa telenobela. Mas dahil sa kapupuyat, ahaha…

 

Anyway, pag primetime na mga palabas, yon naman oras ng lola nyo para dalaw sa repair shops, hihi. O, makikita nyo ako sa sala – nakikipakinig ng TV –  habang nagsusulsi. O, kaya, nananahi sa kamay – habang nakikinig ng music sa Youtube. O, yan, medyo modern na ng onti -YouTube, ahihi. Basta, sa akin, nakaka-relax ang gano’ng routine. Ang boring ko lang na nilalang, true. Nai-enjoy ko pa rin sa buhay parati – ang magtasa ng lapis, hihi. Ganyan me kawagi. At, sabi sa inyo – sinauna…😉

 

Image of a girl happily sewing away

Relaxing para sa akin ang pagsusulsi ng damit, parang pagga-garden/ http://www.creative-stitchers.co.uk

 

Pagbati sa inyo, kaway-kaway…🙂

 

37 responses to this post.

  1. Posted by chengboiser on Oktubre 23, 2013 at 6:04 hapon

    hehe maraming nanay ko lang ah.. sa sobrang hilig nyang magtahi at magsulsi sya na gumagawa ng project ko nun sa HELE🙂

    Tugon

  2. Ms. San, ganyan din ako, maarimuhunan din ako kaya nagsusulsi at nagtatagpi din ng flowers or beautiful design sa nakulayan sa paglalaba ng kasambahay o nabutas sa kagat ng langam (matamis ba damit ko? minsan dami langgam sa kabinet) or sumabit sa kung saan, sayang kasi… Of course, nagpapalit ako ng nawawalang butones, nagsusulsi ng napunit or natastas na damit, lalo na at uniform ng mga bata.

    Pati fave ko dresses, ayaw ko pakawalan at bago pa lang, dinodoblehan ko na tahi ng mga butones. kasi din, isa lang kasama na extra button. Eh kung 6 butones non? Practical tawag don, pati palit ng takong ng sapatos ginagawa ko pa rin yan.

    Hindi sa poor or kuripot, dapat lang sinupin mga gamit, ang dami na kasing kalat sa mundo.

    Enjoy ako ma restore gamit at mga damit. Yung eldest ko, gaya mo nagpuputol pants while ako nanghihinayang. Hindi kasi sira, pinuputol🙂

    Tugon

    • ahaha, mas maganda po pag nasisinop ang mga damit. although, i must admit that i find it hard na rin to find time to do such, haha. gusto ko po talaga ang nagpapalit or nag-a-attach ng butones sa damit, hihi.

      generally ho, nasasayangan rin ako sa tela pag pinuputol ang jeans or slacks. pero, from time to time, ginagawa ko rin ho maski walang sira, haha. say, pag maganda pa bagsak ng pantalon sa pwet, pero di na okey ang bagsak sa laylayan – putol na, whehe.

      masarap po ang pakiramdam pag nakakapag-restore ng damit, apir!😉 magandang midweek po, thanks for chatting by…

      Tugon

  3. okay yan, eco friendly hehe🙂

    Tugon

  4. boring ba yang ganyang gawain Ate San? ahahaha, parang kelan lang at ginupit ko ang luma kong maong at tinahi para maging body bag….ahahahahah

    (halatang makaluma din ako)

    Tugon

    • hello, aysa… ahaha, boring siguro for the younger ones. for me, glad ako parati pag nakakakuha ng time to sit and sew, hihi. ay, bodybag from an old pair of jeans? ikaw na – maunlad at matyaga, ahaha.😉 luma or bago, it doesn’t matter, dear. heyho…

      Tugon

      • ha, ha, ha….naisip ko lang, imbes itapon ang mga lumang damit baka pwede pa i recycle. at ahem, tahing kamay dahil wala akong makina hahahaah.

        hmmmm, abot na abot ko talaga yung turnover ng generation…tama ba? makaluma at makabago…in between ako…

        bwahahahaha…..inabutan ko pa noon ang mga hapon ng paggagantsilyo at pananahi at ganun din ang pag cross stich ahaha…at medyo nadala pa din hanggang ngayon….

      • haha… oo, nakakahinayang, binili rin yon ng pera. mahilig akong mag-reuse, kapatid. hala pa, masarap nga manahi sa kamay, di lang singganda ng pasada sa machine, hihi…

        oo, naabutan mo pa nga wari ang luma at bagong kaparaanan. in many ways, parang mas leaning ka na sa modern? hoho…

        ay, di me kiling sa gantsilyo and cross-stich, hihi. feeling ko, pang-Lucy Torres na ‘yon, hahaha. parang mahusay sya talaga sa mga gano’n…

        pero dati, nauso to the max ang cross stitching, tanda mo pa? ang daming shops no’n at ang daming nahilig, kakabano. ang gagaling ng iba…

        so, yon, marunong ka ng cross stitch? hahaha. picture-an mo mga gawa mo’t i-post, hala…para sa akin, matatyaga ang nagko-cross stitch. art form din yon, kung tutuusin. hahaha, may art form na nalalaman, kainaman na.😉 kaway-kaway…

      • harhar Ate San, aba eh project pa namin nung high school ang cross stitch, sino ang hindi matututo..(napilitan haha, hindi talent yown), pero ngayon wala na akong panahong mag cross stitch.

        yung gantsilyo naman, nakita ko lang ang aking mader na naggagantsilyo at nakikigulo lang ako nuon haha….

        may mga panahon na bigla kong naalala yung kabataan ko na naggagantsilyo si mader sa kinahapunan, minsan naalala ko yung feeling na maalinsangan yung hapon tapos ako nanonood lang sa kanya hanggang mag kulay orange na yung langit at papalubog na ang araw, tapos iingay na sa labas kasi naglalabasan na yung mga bata at maglalaro na….haaaaayyyyy….

        harhar, nag reminisce bigla dahil sa pagsusulsi at pagtatagpi ni Ate San haha

      • haha, gano’n ba? nag cross stitch din kami no’ng HS pero nahirapan ako do’n, sa pagkatanda ko, hihi…

        naabutan ko rin ang Lola namin at mga tiyahin saka tatlong ate yata na naggagantsilyo pa, haha. nakigulo rin me no’n. but i wasn’t good at it, kapatid. mas mahuhusay sila saka yong cousins ko, kainis.😉

        hihi, ang cute. parang na-picture ko ang scenery, ang galing. parang sa porch nangyari, may sun setting sa background.pan-drowing… ^_^

        natuwa ako that the post reminded you of your mother and some old, dear moments…🙂 regards sa iyong Inay…

      • hahaha, Ate San, andami nating memories kasi exciting ang childhood naten, pano na lang yung mga bata ngayon. Pagtanda nila, maalala nila yung walang hanggang pag upo nila sa harap ng computer everyday…wuhahaahhaah

  5. Sus, Winner yan Ate San! Sabi nga nila, the key to constant happiness is mindfulness in everything you do. Eh kung na checherish mo yung pagtatasa ng lapis at pagsusulsi, malamang, naeenjoy mo yung every moment mo na iginugol sa mundo.🙂

    Minsan nahilig din ako sa pagsusulsi at pagtatagpi nung mga sira kong damit nung nag general check up ako ng closet. May sewing box din kasi kami. Konektado din kaya yan sa edad Ate San? LOL.

    Tugon

    • ahaha, what thoughtful and kind words, June. salamat.🙂 i drink coffee three times a day so, medyo di nakakataka, heightened senses ng lola mo, usually, haha.but getting to sit to do something as creative as panunulsi, medyo gift yon, di ba? i think it is. ^^

      talaga? nakakahanga naman… ay, assignment ko pa yan sa sarili – isang araw, mag-imbentaryo ng closet (sana matuloy…) hihi, function of age? malamang…😉

      Tugon

      • Whoa, 3 times a day nakaka-hyper nga ng senses yon.Coffee is really good but its dosage varies per person so kung yun ang mainam sayo, ayos lang.🙂

        Gift? Naman! Yung iba nga pinagkakakitaan yan.🙂

        Nagiimbentaryo din ng closet para maibigay tuwing pasko hehe. Nakakatawa, may kamag-anak ako, suot suot ko pa nga kinokontrata nang arborin sa pasko lol.Lakas maka awkward.

      • haha, over nga dosage ko, sabihin pa. tamo nga, iwas ibang bloggers sa certain posts – intense daw. sabi ko rin…😉 dapat bawasan kape…

        ah, gift to be able to sit and concentrate and sew, kapatid. mapakalma sarili, mag-relax… hala, parang di kabayad-bayad ang mga tahi ko, hihihi…

        oo, ganyan din me. pero, dumarami pa rin ang damit parati… binibigyan pa rin – uso sa amin ang bigayan at palitan ng damit. ako rin ang di mataba so, paborito nila akong bilihan, pasahan ng di pa naisusuot at slightly used na pinaglakihan, haha… mabibilis lumaki members ng family namin, hakhak.

        yong isang brother namin, ang hilig mang-arbor ng magagandang shirt at ginagawa nya sa una mong suot, shaks. ipanapahubad na, bago kayo maghiwalay, haha. awkward nga… ang resolution, di na ako bumibili ng mamahal na shirt – nahihingi lang din, hakhak.😉

  6. Hindi ako kasing hilig mo magsulsi. Napapagalitan pa nga, at kung kelan suot na saka tatahiin ang baro. Hihi (masama daw ‘yong ganun, pamahiin daw hihi)

    Hallo San!
    Kumusta na kapatid?!?!?! ^_^

    Tugon

    • ahaha, natawa ako sa tinatahi habang suot na, kainaman na… ako yata sa amin ang gano’n, hinahabol ko kapatid or pamangkin na may extrang sinulid na nakalaylay or may sira damit – pinapahubad ko, ta’s tinatahi ng mabilis, haha.

      hihi, pamahiin nga… but then, pangit rin kasi ang labas ng tahi pag ginawa habang ang damit ay suot – yown.🙂 mabuti po, teynks. and you?…🙂 hope you’re in tip-top shape, froggy…

      Tugon

  7. Naalala ko syo si bitch sister hihihihi. Ang hilig manahi. Namana niya kay mamita. She can even make her own dress using her bare hands. Ang tyaga lang. Ako sa amin ang walang kahilig-hilig manahi (nakakahiya). Mi ultimong maliit na butas pinatatahi ko pa kay mamita, pinadadala doon sa kanila (kahiya talaga).

    Tugon

    • ahaha, si bitch sister pala ang mananahi, katuwa… tomo, she’s matyaga and creative in other ways… at ikaw naman, nakikipatahi lang, hohoho.

      o, e, malamang, natutuwa si mamita pag may ipinapadala kang damit na pasusulsihan, haha, gusto ng moms ‘yown – may ginagawa sila for their kids na grown-up na, hihi. feeling nila, bebeh pa rin anak nila, hahaha. hwag ka nang mahiya.or, minsan lang…😉

      natuwa ako sa kwento mo, whihi. kaway-kaway…🙂

      Tugon

  8. Usapang sulsi at tahian pala ito.
    Oo sa panahon ngayon ‘yung mga ‘modernong’ kabataan parang wala na yatang interes na matutunan ang mga ganyang bagay pero kung simple lang naman tulad ng natanggal na butones o kauntiing punit na pwede pang remedyuhan dapat kahit paano maalam sa pagtahi/pagsulsi etc, sayang ‘yung twenty pesos (up) na ibabayad sa tailoring shop. Meron pa rin naman nagsusulsi sa panahon ngayon, meron pa ring nagko-cross stitch, ewan ko lang ‘yung gantsilyo parang wala na yata.

    Si tatay dati, maasahan sa mga ganyan kesa kay nanay hindi lang sa karayom kundi sa sewing machine pa, ngayon diretso na sa tailoring ‘pag sira ang zipper ng uniform ng mga anak wala ng ibang gagawa eh, hayaan ko na sa kanila at least nadagdagan ang kita nila, hehe. Hindi naman porke nagsusulsi pa eh makaluma na siguro nanghihinayang lang.🙂

    Gandang araw Ate San, napapabilis ang mga post ah mukhang bumalik ‘yung gana sa pagsulat.

    Tugon

    • hellowie… uu, sulsihan nga, kapatid. rural ang peg ko, dibaga? hahaha.😉

      true, handy ang sulsi-sulsi, hihi… ay, may ate kami, mas masinop pa syang di hamak, pagdating sa damit. hindi na sya nananahi these days, sa sastre or sa shops na rin lang ipinapadala mga nasisira. pero, mahusay syang mag-alaga ng damit. pag sa kanya, di pa papasa ang mga pag-aayos ko, haha. OC sya…

      i guess, kapanahunan din, kapatid. saka, exposure sa culture ng pananahi. hindi siguro nakita at nakasanayan ng maraming kabataan. or, di na nila na-absorb maski may nakikita pa silang gayon sa oldies. iba na rin nga… mas consumption-oriented na rin kasi ang culture natin, parating nagmamadali. ancient creatures na mga gaya namin, hakhak…

      aii, sweet talaga father mo, syang nananahi…🙂 pero, true, ang pinagpapa-repair-an ko ng jeans, mga lalaking sastre… marami noong araw – mananahing lalaki. mas maganda silang tumabas ng jeans, mas sure daw ang pulso ng lalaki? ahaha, parang surgeon lang… pag repair ng blouses, sa sastreng babae. ay, parang alam ko ang mga damit-damit, whehe…. basta, sinauna pa rearing sa’kin – uncool. ^_^

      a, lumang sulatin na ire. naisulat ko yata, mid-August pa? ulanang-ulanan noon, at nagsusulsi talaga me, haha, after mabaha ang lugar namin. madilim palagi, those times, di nakakatuwang maglinis.tahi-tahi lang. ahaha, kumwento na…

      salamat sa pagdaan at sa kwento, Limarx. warm regards…🙂

      Tugon

  9. Posted by Vida on Oktubre 26, 2013 at 3:30 hapon

    Bat di po kayo mag cross stitch masaya din po yun!🙂

    Tugon

    • ahaha, true. dami kong kakilala, obssessed dyaan dati, hihi. nag-try na rin me, di kahusayan. haha. hello, Rhence. you’re back, am glad…musta po🙂

      Tugon

      • Mas masaya mag cross stitch? Hahahha. Etoo. Medyo nagtago tago lang Ate San.🙂 Busy din. Try ko lang mag keep up, magbasa basa. Medyo busy na din kasi.🙂

      • ahaha, siguro nga. kasi naman, para rin artwork ang cross stitch, e, no? parang masaya pag may natapos.🙂

        i see, Rhence, parang. medyo malayo kasi ang buhay na aral aral lang kesa sa work na, e. hirap din, parang medyo serious mode na, ahaha. regards sa yow…🙂

        teka pala, di ko na mapuntahan site mo, kapatid. may ginawa kang changes?…

  10. ate san..naalala ko tuloy yun lola ko na mahilig magsulsi at manahi ng damit.. Minsan na rin ako nagcross stich imagine kalalake kong tao😉 enjoy po..parang mashado kang busy lately ha😉

    Tugon

    • hello, Myr… ahaha, talaga? andyan pa si Lola? e, si Mama mo, di nanahi?🙂 ay, marami kayang lalaking nagko-cross stitch dati? nauso ‘yon, about the same time yatang nauso ang andok’s manok sa bawat kanto, ahaha. ^^

      busy nga. busy sa pagbi-busy busihan. ikaw, sana maganda ang iyong pinagkakaabalahan and you’re doing well. regards, ha…🙂

      Tugon

      • oo naenjoy ko rin ang pagcrosstitch kahit bawas macho points ito sa kin..pero nakakalibang siya at magandang pamatay ng oras…kaso tinigil ko na kase medyo magastos ang materyales yet i have learned and enjoyed naman….enjoy lang po..see yah.

      • ahaha, medyo gano’n ata, nagiging magastos ang seryosong hobby. what to do? happy holidays, kapatid.🙂

      • e, sus, ang dami kayang lalaking mananahi? saka, sa probinsya dati, pati lalaki, naggagantsilyo, kakatuwa… hello, hope you enjoyed the holidays. kaway-kaway…😉

  11. ako nmn ang nanay ko ang nagtatahi,pero ako alam ko n rin hheheeh,,,madali lang ang pagtatahi mehhh…:) :)…

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: