Tumatawa ang mga Mata – ikalawang bahagi

 

image of a bottle of vinegar made from banana

Para sa Nanay, madali lang/ pinoy-entrepreneur.com

Ang paggawa ng Nanay ng suka noon, isang beses isang buwan. Suka iyong galing sa mga bunga ng saging na tanim ng Mamay. Pinapakuluan ng Nanay ang mga saging sa tubig. Tapos, sinasala at nilalagyan ng yeastFermentation process ang ginagamit, kumbaga. Huwag nyo akong tanungin, hindi ko rin natatandaan ng husay kung paano talaga. Ang alam ko, mas masarap ang sukang gawa ng Nanay kaysa sa sukang nabibili. Iyon lang – mas irerekomenda ko pa ring bumili na lang ng suka kaysa sa gumawa ng sarili.

 

Ang Nanay nga pala namin ay galing pa sa lumang hulma – doon sa mga taong naniniwalang ang babae ay sekundaryo ang papel sa lalaki. Tahimik lang ang Nanay kapag andyan ang Mamay. Pag may kailangang pagpasyahan, nasa Mamay ang huling salita lagi. Susuportahan lang ng Nanay anuman ang nais ng asawa. Ang tanging kalayaang nai-enjoy ng Nanay noon kapareho ng sa Mamay ay ang manigarilyo at mag-nganga. Tanggap iyon doon sa amin – ang manigarilyo ang babae, pagtuntong ng trenta anyos at ang mag-nganga pag edad- singkwenta na.

 

Kaya kaming mga apo ng Nanay, alam na alam namin ang brands ng yosi nya – Kaibigan at Malaya. Ang Kaibigan ay mahaba at matamis ang lasa; ang Malaya ay mas maiksi at mas bland ang timpla. Siyempre, pinagtitikman namin ng mga pinsan ko. Hindi namin nagustuhan dahil mainit at gumuguhit sa lalamunan ang usok dahil pareho iyong walang filter. Pag wala noong pambili ng branded, kailangang gumawa ng sariling sigarilyo,  gamit ang biniling giniling na tabako at rolling paper. Volunteers din kami noon sa gawaing iyon –taga-gawa ng yosi ng Nanay.

 

Ang pag-nganganga ng Nanay ang di namin gaanong masakyan. Una, asiwa talagang tingnan ang kulay- orange na bibig. Pangalawa, ang ewan ng lasa ng liquified na apog o lime na siyang kahalo ng nganga. Ikatlo, ang alam namin, mga sinaunang tao pa ang nagnganganga, mga early settlers sa Pilipinas baga? Ikaapat, sikat noong panahong iyon ang chewing gum at kung minsan, binibiro naming ang Nanay na mag-Juicy Fruit gum na lang siya o Chicklet.

image of betel nut chew preparation

Mga sangkap -dahon ng mam-in, apog at bunga ng nganga/ blog.baliwww.com

image of peeled and sliced betel nut

Bunga ng puno ng bunga/ biztrademarket.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pero, isa iyon sa mga paborito naming errands noon – ang kuhanin ang lata ng cookies ng Nanay na ang laman ay mga binalatang bunga ng nganga o betel nut, apog at mga dahon ng mam-in na siyang pambalot. Pag inutusan ka kasi noong taga-abot ng latang ‘yon, ibig sabihin, ayos ka sa paningin ng Nanay.  In good standing kang apo, kumbaga. Siyempre, dahil  curious kaming mga bata – mga babae’t lalaki – pare-pareho rin kaming sumubok magnganga noon. Hindi lalo namin nagustuhan. ‘Ika nami’y messy siyang bisyo.

 

image of an old woman with smiling eyes

Tumatawa ang mga mata ng Nanay/ eatingasia.typepad.com

Kung ang Mamay ay mabalasik tingnan ang mukha at aloof makitungo sa kapwa, kabaligtaran ang Nanay. Native Tagalog ang itsura niya pero feline nose ang mayroon sya. Sa pangkalahatan, friendly siyang tao. Tumatawa ang kanyang mga mata pag nagsasalita. Ang katangiang ito ng Nanay,  naipasa nya sa marami sa kanyang mga apo. Sa kasamaang palad, malakas ring magpasa ng features nya ang Mamay. Halos  lahat ng mga apo nya ay nakakuha sa kanyang malalagong kilay. Bale, ang siste, malalago ang mga kilay ng kaapuhan tapos, naglalaho naman ang mga mata. Maganda waring tingnan ang ganoon sa mga lalaki; mataray tingnan pag sa mga babae.

 

Ang Tatay naming may pagka-Mama’s boy, isa sa mga paboritong anak ng Nanay. Pero ang paborito nyang set ng apo, hindi kaming magkakapatid. Mas kiling siya roon sa mga pinsan naming mga mestiso’t mestisa. Pero nang magsilakihan na kami, nalampasan na rin naman ang ganoong inggitan. Isa pa’y kaya hindi sya ganoon kalapit sa amin, tingin nya’y may pagka-independent kaming magkakapatid na karamihan ay babae.  At sabi  ko nga, naniniwala pa ang Nanay na ang mga babae ay pambahay lang at dapat ay submissive sa mga lalaki.

 

Noong nasa Maynila na ang karamihan sa mga apo ng Nanay, tumigil na siya sa pananahi.  Malabo na raw ang kanyang mga mata. Kaya pag umuuwi kami noon,  ang madalas naming naaabutan, nagbi-Bingo na lang ang Nanay, kalaro ang aming mga kapitbahay. Patay na noon ang Mamay kaya wala nang magbabawal o sisita sa Nanay. Lumabas na ang parte ng Nanay na dating tago. Makwento pala sya, kikay at malakas mambuska. Alaskado- malasado noon ang bawat apo nyang mapagtuunan ng kanyang pansin sa usap-usapan. Mid ‘70s na noon ang Nanay o late ’70s na yata, pero medyo nag-iba pa sya ng bihis at porma – umarte, kumbaga. Cute naman, bagay sa mata nyang tumatawa.

 

Katagalan, humina na rin ang katawan ng Nanay.  Madalas na syang nagkakasakit at hindi na rin maganang kumain. Nakakapambuska pa rin. Iyon nga lang, napapagpalit-palit na nya ang mga pangalan ng mga apo nya.  Noong ikalawa nyang major na pagka-ospital, bumigay na rin ang kanyang kalusugan. Ayaw nang tanggapin ng katawan nya ang mga gamot at supplements. Nagpahinga na ang Nanay. Iyakan kaming lahat nyang apo. Maski adults na kami noon, siyempre, ang laking kawalan ng mawalan ng Lola – ang aming Nanay.

 

image of a sick old talkative woman

Tameme kami noon sa mga hirit ng Nanay / cartoonstock.com

 

Kaya tulad ng nasabi ko na, ilang taon na siyang wala sa buhay namin, kung kumilos at magsalita pa rin kami, parang andyan pa rin ang Nanay. Halimbawa,  pagkakarating namin noon sa bahay namin sa probinsya,  mag-aayaan pa rin kami papunta sa mga Nanay. Wika nami’y, ‘Tayo sa mga Nanay at doon makapagkape.”  At pupunta nga kami, hihinto sa may tapat ng bahay ng Nanay at Mamay saka tatawag, “Nanay! Nanay! Makiki-kape kami riyan! ” Pag nasa loob na kami ng bahay at naabutan na ng kape, saka lamang namin maiisip na ang nag-abot pala sa amin ng mga tasa ay ang panganay naming tiyahin. Hindi ang Nanay.

 

 

Please see:

 

 

 

http://pinoynegosyo.blogspot.com/2006/07/banana-peel-vinegar.html

http://www.ash.org.uk/files/documents/ASH_126.pdf

http://www.stuartxchange.org/Bunga.html

 

16 responses to this post.

  1. “…mas irerekomenda ko pa ring bumili na lang ng suka kaysa sa gumawa ng sarili.” LOL 😀

    We have that pag-nganganga culture in India and Pakistan as well. Eww. Yuck. It’s the source of mouth cancer and I hope it’s eradicated from the face of the earth, forever.

    My late grandmother used to chew these betel nuts laced with lime, etc. and always look like she’s applied lipstick.

    Sagutin

    • yes, it’s a culture among old folks, a tradition of sort. old people in our place would even gather together for a chewing session, back in the days…

      it’s dark orange lipstick with plenty of saliva, lols… 🙂

      salamat sa pagdaan at sa comment, nadia. 🙂

      Sagutin

  2. Dito na lamang ako magkokomento. Nabasa ko na ‘yong una.

    Mam-in- ikmo naman ang tawag sa amin. Sabi nila, pampatibay daw ng ngipin ang pagnganganga. Marahil noong una, walang kendi talaga, kaya sa halip na mapanis ang laway dapat may mangata.

    Wala akong masyadong alaala ng aking mga lolo at lola. Mga saling kuwento na lamang ang aking natatandaan tungkol sa kanila. Maaga silang pumanaw hindi pa man ako isinisilang.

    Ang sabi, ang mga lolo at lola ay higit na mapagmahal sa kaniyang mga apo, marahil nga.

    Sagutin

    • hello, kulisap! salamat sa pagbabasa, bok.

      tama, tinatawag rin nga yong dahon na ikmo. parang dahon iyon ng paminta na medyo may tang ang lasa at may scent din, parang mint… tapos, ang betel naman, marami dating tanim sa aming gayon, e. isang uri din ata ‘yon ng palm tree, mas maliit at mas manipis ang puno – kulay berdeng kumpul-kumpol ang bunga, parang sa niyog at pag nag-mature na ay nagiging kulay orange – pwede nang manganga, hehe…

      ang pagnganga yata ay uso sa bandang asia. kasi sa mga katabi nating bansa such as malaysia, indonesia and thailand, libong taon na rin daw ang history ng pagnganganga.

      hala, masarap ang may lola at lolo, sayang at di mo sila naabutan. mas malambing at mas kunsintidor sila kesa sa sariling mga magulang, haha! basta, halos lahat ng ibinabawal ng parents, paminsan-minsan (patago nga lang) ay ibinibigay sa ‘yo ng lola at lolo, hihi… sayang, sino ang nag-spoil sa ‘yo, kung gayon? 🙂

      Sagutin

  3. kahinaan ko ang mga matang tumatawa parang mga mata lang ni Sid Lucero at nagvivibrate ang puso ko pag sinasabi nya kay Amaya na “Ikaw ang aking tala at ang aking buwan” pakiramdam ko sakin nya sinasabi yon habang nakatitig sa aking mga mata xD

    o sya mabalik tayo sa kwento mo nong bata pa ako nag nga nga si nanay ko (lola ko) nanay kc tawag namin sa lola bago matulog hihilutin nya tyan ko gamit ang nganga nya diba mapula yan tatalian nya yon sa tyan ko para wag kumulay sa damit pangpahimbing ng tulog yon, tapos pagnagksugat naman ako halimbawa nadapa nganga lng din katapat non para wag magpeklat…tapos ako ang utusan nya na mamitas nong dahon tapos ilalagay ko sa katawan ng mga puno ng saging na malapit sa bahay isusoksok ko sya sa hibla non para wag malanta yong dahon nginunguya nya lng yon pero nong huling uwi ko may dikdikan na sya, dinidikdik nya na lahat ng sangkap saka nya isusubo may ngipin pa naman sya kaya iniingatan nya daw 🙂

    tapos ang kape naman hindi nawawalan sa palayok oo nakapalayok sya nakasala sa tela na manipis ang bango lng tlga pero bawal kaming mga bata uminom non meron din para samin yong dinikdik na na buto ng kakaw yon ung ginagawang chocolate drink ganun din nakasalang din sya sa kabilang kalan na may manipis na tela mabango din sya pero nong teenager na kaming mga apo nya fresh na tuba na pinapainom nya samin yong bagong pitas yong kakakuha palang sa umaga pangpalinis daw ng katawan yon pero pag lampas isang oras na yong tuba bawal na naman inumin yon dapat pagkababa pa lng nong namimitas non nakaabang na kami sa puno ng niyog hehehehe

    hmmm napahaba na yata sorry naman nakerid away ako ahahahha

    Sagutin

    • hello, anne! paano kayo magkikita ni sid lucerong tumatawa ang mga mata kung di ka uuwi rito, ha? at kumusta naman ‘yong pinsan ni sid lucero dyan – parang wala nang update? haha… 🙂

      hindi nga pala halatang lola’s girl ka, lol…. oo, may medicinal value raw ang nganga, sabi. taga-pitas ka ng dahon ng mam-in/ikmo? at tanda mo pang isinisingit mo sila sa saha ng saging to keep them fresh? aba, e, di talaga kayo close ni Nanay mo, hihi…

      tama, ‘neng. lagi nga noong may nakasalang na kape sa kalan. pero sa ‘min, hindi na sa palayok. mas masarap ang anumang sa palayok niluto, alam mo ba ‘yon? at sosyal ka, chocolate at di kape ang ipinapainom sa ‘yo ni lola. wala akong masabi, ispo-ild kang bata ka. at si lola rin ang nag-introduce sa ‘yo sa pag-inom, ahaha! yes, masarap nga ang bagong hangong tuba! teka, did you know back then that that was your training ground for your drinking days ahead? ahaha…

      parang masarap doon sa bandang inyo… parang mayaman di lang kayo kundi pati lugar at way of life nyo. 🙂 tayo sa inyo…

      Sagutin

  4. buti nalang di type ni mama (lola ko) mag nganga, pero ang bisyo nya naman ay turotot (tabako yon na nilalagay sa dahon ng saging at mukhang turotot kaya turotot tawag namin). at buti nalang di namana ng mga anak nya kase si tatay ayaw sa sigarilyo.. pero napansin ko lang, iba ang amoy ng sigarilyo duon sa turotot ng lola ko, parang may aroma kasi, dahil sigoro dahon ng saging ang ginagamit nya..hehehe

    si mama (lola ko) ang isa sa mga matatapang na babaeng kilala ko, ayaw nyang umiyak, kahit nung pagkamatay ni lolo, sabi nya kase hindi daw dapat ikalungkot ang pagkamatay ng tao, mas mabuti na daw ang kalagayan ng mga namayapa kaya di daw dapat iyakan yon.

    yon nga lang matigas ang ulo nya, promise! sabi kase namin wag na syang mag garden if di na nya kaya pero sige parin sya, kaya minsan na-aaksidente, one time sabi ni tatay wag daw syang umakyat sa cacao kase may mga batang kukuha nito, pero mas gusto nyang sya ayon, nahulog, tumama ang ulo sa isang edge na di ko alam basta dumugo talaga, taranta na kami lahat pero sya nakuha pang ngumiti at magbihis kase nakakahiya daw sa doktor na titingin sa kanya if nakapambahay lang sya. O ha! ang tigas ng ulo ni mama..hahaha

    nasubukan ko ang betel nut nung nasa kolehiyo ako, parte yon ng pag-aaral namin sa history 3 (muslim and lumads) kaso di ko like talaga ng lasa..eww! sya..hahaha

    Sagutin

    • hello, anini. 🙂

      yes, mas masarap nga at mas mabango ang tradisyonal na tabako kesa sa nganga at yosi (he, he, sinubukan din namin dati… ang strong ng lasa ng tabako, pang-hard smoker, kumbaga). pero ngayon lang ako nakarinig ng dahon ng saging ang pambalot, hihi… ang torotot, bansag nyo lang mga bata sa tabako ni Mama, di talaga ‘yon ang tawag? 🙂

      oo nga, ba’t nga ang tatapang at ang tatatag ‘ata ng gawa ng mga tao noon? hihi… parang they’re made from sterner stuff, kumbaga. yon lang ang downside no’n – medyo stubborn din sila, gaya ni Mama nyo. parang ang sabi nila ay hwag pakialaman ang ways nila at mas alam nila ang gagawin, ahaha…

      natawa ako sa magbibihis sya dahil kakahiya sa doktor, ahihi. siyanga naman, siyempre ay aalis sya kaya kailangang nakapang-alis ng bihis, ikaw naman… 🙂

      eww nga ang lasa ng nganga. parang mapait na ewan tapos nakakapaglaway, ahaha….

      Sagutin

  5. naalala ko pa noong bata pa ako, at si lola ang nagpapahanda sa akin ng nganga o ma-ma sa amin, ayos ang post mo naalala ko tuloy ang lola ko, sana sa langit may nga-nga din.

    Sagutin

    • hala, parehong nagnganganga ang mga lola natin! at pareho tayong taga-prepare no’n, ahaha… contemporaries nga tayo, kiko. 🙂

      oo nga, sana may nganga sa langit para happy ang lolas natin, hihi…

      Sagutin

  6. Ang saya naman ng experience nyo with your lola, ako kase di namin masyado nakasama si lola since sa province sya nakastay ayaw nya sa Manila nakakhilo daw sa bus bumyahe. Pero agree ako super kukulit at kunsintidor ang mga lola, mother ko kase lola na rin with her 6 grandchildren ayun pag pinagbawalan namin ang apo nya takbo sila sa lola nila.

    Sagutin

    • hello, ana! salamat sa pagkaligaw uli dine sa amin… 🙂

      ah, oo, makulit rin nga ang Nanay namin. ang saya nga at nakasama namin sya. pero, siyempre, noong nagsipag-Maynila na kami, dumalang ang mga panahong kasama namin sya…

      yes, kunsintidor ‘yang mga lolang ‘yan, hehe. ang mga pamangkin ko, spoiled din sa Inay namin (lola nila). minsan nga, mas sa lola pa sila nag-o-open kesa sa magulang… 🙂

      Sagutin

  7. Ate san, hala, may problema ang blogroll ko. hindi siya nagaupdate. kaya pala akala ko e di ka na ulit nagsulat mula pa nung huling update mo. hindi nagaupdate ang links ko 😦 😦 😦

    ang dami ko na palang nami-miss 😦

    wait, basa mode on ako.

    Sagutin

  8. awww…di ko alam na pwede palang gawing suka ang saging? ang galing talaga ni Nanay. ang daming alam.

    hindi ako naging sobrang close kahit sa aming Nanay (nanay din ang tawag namin sa lola ko, ina ng aking papa) nakatira kasi sila sa maynila habang kami naman ay nasa laguna, pero nung pumanaw siya ilang taon ang nakakalipas, lungkot na lungkot ako at iyak nang iyak. natutuwa na lang ako sa alaalang bago siya mawala sa amin ay nahawakan, nakalong at nahalik halikan niya pa ang bunsong si Cassie kaya lahat ng mga apo nya ay talagang nakasama pa rin niya kahit papano.

    Sagutin

    • hello, kaye!

      oo, nagagawang suka ang saging. ang ginagawa ng Nanay na suka noon ay bunga mismo ng saging. sa ngayon kasi, ang mas usong gawing suka ay balat na ng saging. andyan sa link sa itaas ang procedure…

      ahaha, baligtad? ang lola ang nasa Maynila at ang apo ang nasa probinsya? iba-iba rin nga…o, yon, nakilala naman pala sya nina cassie. btw, apo nya na sila sa tuhod, ano? tapos, close sina mama mo at ang kids mo sa ngayon, ahaha. basta, ang sarap lumambing sa lola at lolo… 🙂

      Sagutin

Mag-iwan ng tugon sa doon po sa amin Pindutin ito para bawiin ang tugon.