Unang Patak ng Ulan sa Mayo

 

Ang sabi ng ibang tao, acid rain daw na maituturing ang unang patak ng ulan sa buwan ng Mayo. Matapos ang mahaba-habang stretch ng mga hapong kainitang-kainitan, biglang didilim ang langit at isa-isang babagsak mula sa itaas ang unang hugos ng ulan.

 

Image of a plant with raindrops

Mabigat ang bagsak ng mga butil ng ulan sa buwan ng Mayo/ changedesktop.com

 

Mapupukaw ka ng mga naglalangit-ngitang bagay na bumabagsak sa bubungan ng bahay. Maingay. Tila may mga solidong butil na tumatama sa yerong bubong. Nag-uunahan. May kasama silang bahagyang hangin. Lalamig ng bahagya ang paligid, mababawasan ang lagkit ng balat na ramdam na ramdam ng sinumang wala sa air-conditioned na silid.

Maya-maya pa’y bubuhos na ng tuluyan ang tubig na tila nagmamadali sa pagpatak. Aabot na sa lupa ang pagbulusok.Β  Paglapat doon ng mga nag-uunahang butil, uusok ang lupang tuyung-tuyo. Mangangamoy ang kapaligiran – amoy ng lupang ang uhaw ay dagling tinighaw ng ulang biglaang dumating. Walang pauna o pasabi. Anupa’t bigla ay nariyan na lamang, isang hapon… Mayo na nga.

 

Marami nang manunulat ang nagtalakay at nagpapuri sa Mayo. Ang buwan ng taong mainit, subalit maulan. Ang Mayong panahon ng pag-aalay ng mga bulaklak sa Inang Maria ng mga kadalagahan sa nayon. Ang Mayong mapaniil at puno ng masidhi’t di-mapanghawakang damdamin. Sa gayo’y dalawang akda ang kagyat na sumasagi sa aking alaala – ang Summer’s Solstice ni Nick Joaquin at ang The Flowers of May ni Francisco Arcellana.

 

image of sampaguita-like flowers in bloom

Pinipitas sila at iniaalay kay Birheng Maria pag Mayo/ wn.com

 

12 responses to this post.

  1. Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
    Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay
    Laklak ng laklak ng beer magdamagan
    May kahirapan at di maiwasan
    Mabuti pa kaya, matulog ka nalang at baka sumakit ang tiyan
    Ang araw ko’y nabubusisi ako ang nasisisi
    Bakit ba sila ganyan
    Ang pera ko ay di magkasya
    Hindi makapagsine at ayaw namang dagdagan
    Ubos na rin ang beer, kaya kape na lang
    Lahat sinusubukan kahit walang pulutan
    Ang buhay ng tamad, walang hinaharap
    Ni konting sarap man lang
    Radyo, TV at mga lumang komiks
    Wala nang ibang, mapaglibangan
    At kung mayroon kang tatawagan
    Trenta sentimos ika’y makakaltasan, ahaaaa
    Umiindak ang paa sa kumpas ng tugtuging bago
    Hanggang kumpas ka nalang at di mo na alam ang tono
    Sa paghinto ng ulan, ano ang gagawin
    Huwag ng isipin at walang babaguhin
    Mabuti pa kaya, matulog ka nalang, matulog na ng mahimbing

    Tugon

    • hala, panay ang kanta ni kiko! marunong kang mag-gitara?πŸ™‚

      btw, tatlong bente singko na ang inihuhulog sa pulang public phone ang naabutan ko, haha!

      Tugon

      • ahh fan ka pala ni ding dong avanzado :)…

        Tatlong bente singko ang aking kailangan upang… (nakalimutan ko lyrics)

      • hello, kiko!

        di naman. anlagay, pagsalta ko sa maynila, tatlong bente singko na ang inihuhulog sa pulang payphone, haha! mas fan ako ng apo hiking society, without doubt.

        haha, andami mong nari-recall na kanta at manganganta. ako, mostly chorus lang ang natatandaan ko, hi, hi. kumusta?πŸ™‚

  2. hmm, di ko yata naranasang mag-abang ng unang ulan sa mayo.. kase normal lang sa probinsya namin na umuulan kahit summer.. πŸ™‚

    Tugon

    • hello, ani!

      naku, sa init sa maynila, talagang mag-aabang at aasa ka sa pagdating ng ulan kahit paano para maibsan ang init, haha…
      oo, nga, mapuno pa sa inyo kaya di pa ganoon kabagsik ang init – answerte nyo talaga…πŸ™‚

      pero today, naka-get away na ako. am out of town para magpalamig, ahaha.πŸ™‚

      Tugon

  3. dahil umulan ng dalawang magkasunod na araw sa amin bago pumasok ang may, naging hopeful ako na hindi kasing bagsik ng mga naunang el nino
    ang tag-araw ngayon.

    maghihintay din ako ng ulan.:)

    Tugon

    • hello, hello, duking! salamat sa pagdalaw.

      hmm… nasa probinsya ka ba these days? oo nga, sa mga bukirin sa probinsya, nakakapanlumo pag umaatake ang el nino – nagbitak-bitak ang lupa at scorching hot ang grounds. kawawa ang mga nagtatanim… :s

      pero, maganda ‘yang projection mo – sama akong sampo dyan, parekoy, ahaha! btw, ganda ng ‘yong last sentence, pwedeng title/ concept ng post, hihi…. i hope you are well.πŸ™‚

      Tugon

      • i’m fine, thank you…

        hoping for the best. nasa awa lang tayo ng panahon at kalikasan lagi. taga kabite ako at magsasaka / mekaniko ang tatay kaya naman nais ko rin na dumating ang ulan sa panahon na dapat siyang asahan.

      • duking, duking! wari ko ay dumating na ang ulang inaasahan mo at ng iyong tatay…πŸ™‚

        ikaw baga ay nakakauwi pa sa inyong probinsya pag anihan na?πŸ™‚

  4. Posted by chengboiser on Mayo 16, 2013 at 3:13 hapon

    Love the postπŸ™‚

    Ang pagbuhos ng ulan ay isang bagay na hinihintay ko tuwing dapithapon. Tila isang biyaya sa uhaw na lupa at hapong katawan. Anyway I’ved always love the rain.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: