Kung sa iyong pag-iisa

 
 
image of a woman alone by the seashore

Makukulit ang mga alaalang dumadalaw/ gunjaymaan.blogspot.com

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Kung sa iyong pag-iisa
ako ay sumagi sa alaala
ipagpapasalamat ko sa mga bituin
at hihilinging taos, ika’y pagpalain.
 
 
Kung sa iyong pag-iisa
matanaw mo ang buwan
mapagmuni-muni, dating pagmamahalan
makikisuyo ako sa langit, ilawan ‘yong daan.
 
 
Kung sa iyong pag-iisa
dalawin ka ng araw
ipakita sa iyo, mga hamon ng buhay
makikiusap ako, gabayan ka sa paglalakbay.
 
 
Kung sa iyong pag-iisa
dagling bumuhos ang ulan
tangayin iyong tiwala, anurin kakayahan
mag-aalay ako, para ika’y dagling mabihisan.
 
 
Kung sa iyong pag-iisa
silipin ka ng bahaghari
iparamdam sa ‘yo, pag-asang di-mawari
dasal ko ‘y ibulong din – pagsuko’y di gano’n kadali.
 
 
Kung sa iyong pag-iisa
naitanong mo kung totoong inibig ka
kung inaninag mo lamang yaring mga mata
no’n pa’y nabatid, iyo lamang ang pagsinta.
 
 
Kung sa iyong pag-iisa, kinukulit ka ng mga alaala
Isipin mo lang lagi, tunay na minahal kita.🙂
 
 

12 responses to this post.

  1. Hindi pa man ako natatapos sa ikatlong saknong, nasabi ko na sa sarili kong hindi maikubli ang pagmamahal ng sumulat naring tula.
    Dahil kahit malayo na’y sinunsundan pa rin ng pag-ibig.

    Kainaman.

    Tugon

  2. waahh, sobrang nagustuhan ko po ung tulang ito! salamat po sa pagsshare!🙂

    Tugon

  3. wow.. ang ganda po ng tula parang gusto kong ibigay sa aking sinisinta ayiiiieee.. lab it po! mwah

    Tugon

  4. pwede pong pahiram????

    Tugon

  5. hmmmm, iniisip ko kung sino ang nasa isip mo habang sinusulat ang tulang to.

    may pangungulila pero andun ang pag-asa, at walang lasa ng pait ang pagbibitaw sa mga salita.

    kung personal man ito, maganda ang pagkahabi kase napanatili mong parang tula ng mismong nagbabasa.
    🙂

    Tugon

    • ahaha, wala po akong nasa isip noong ginawa ko ‘yan, miss ani. at salamat sa papuri…🙂

      alaala mo ang previous post, ba’t mo nga ako iniwan? been thinking of a reply of sort to that one – ‘yong perspective ng nang-iwan. pero hindi ko pa mabuo… kulang pa ako sa material. mag-survey kaya ako sa mga nang-iiwan? haha…

      anyway, this is a preliminary attempt in that direction, done about four days after ma-publish ang ba’t mo nga?…. . male voice and male point of view itong kung sa iyong pag-iisa. habang ang ba’t mo nga ako iniwan? was female voice and female p.o.v.

      statement pa lang ‘to. na maski iniwan si ex, tunay naman syang mahal. ayon, hehehe….🙂

      Tugon

  6. sa ibayong bahagi ng aking agam-agam, naghatid ng liwanag at pag-asa ang iyong tula.

    tunay ngang sa kabila ng kagulumihanan at sa sukdulang kadiliman hatid ng bawat gabing dumatal, pamulit muli ay sisilay ang liwanag sa pagbubukang liwayway ng ating buhay.

    kasing tamis ng daloy ng bukal ng tubig at sing dalisay ng samyo ng hangin sa kaparangan ang pagkakalahad ng mga katagang umusbong sa kaganapan ng diwa.

    …. patuloy kong tutunghayan ang iyong mga akda😉

    Tugon

    • hello, haribon!

      salamat sa tila makata mong katugunan dito sa post. natutuwa ako na may mga kagaya mong namo-move ng mga likha kong sulatin…

      siguro nga, sana nga ay pag-asa ang hatid nitong sinulat. sa isang banda, noong sinusulat ko ito ay wala naman akong masalimuot na nararamdaman maliban sa kaunting katiyakang mahal naman ako noong mga taong wala na ngayon sa buhay at piling ko.

      iyon lamang. salamat sa suporta at pagtangkilik!🙂

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: