Sinsay Muna At Makapagkape!

image of neighbors talking, borrowed from cedoburlington.org

Kumustahan tungkol sa buhay-buhay/ cedoburlington.org

Doon sa amin, pag may napadaang kakilala sa tapat ng bahay, agad siyang binabati ng maybahay ng mga katagang ‘Sinsay muna at makapagkape.’ Ang kakilalang iyon ay maaaring kamag-anak, kaibigan o sadyang kakilala lamang.

 

Ang sinsay ay salitang ang ibig sabihin ay lumiko o dumaan. Sa ingles, ang pakahulugan ng sinsay ay to make a turn. Ang pag-aayang dumaan ay isang kaswal na imbitasyong maaring pagbigyan o tanggihan ng inaalok.

 

Ang pag-aayang magkape ay totoo. Talagang laging may nakasalang na kumukulong barakong kape sa mga kalan ng mga bahay-bahay sa amin. Totoo ring magaan sa loob itong ibinabahagi ng may-ari ng bahay sa mga may nais. Kapag sinuswerte ang dumaang inalok, baka ang kape ay may kasama pang tinapay.

 

Kapag tinanggap ng dumadaan ang alok na suminsay, ang pagkakape ay umpisa na ng kwentuhan sa pagitan ng maybahay at kanyang bisita. Marami silang maaring maging paksa – mula sa mga pang-araw-araw na buhay hanggang sa malalaking hamong kinakaharap ng kani-kanilang pamilya. Ang huntahan nila ay maaring tumagal mula sa labinlimang minuto hanggang sa kalahating araw.

 

image of neighbors having coffee, borrowed from joyerickson.wordpress.com

Kape at kwentuhan/ joyerickson.wordpress.com

 

Sa mga pagkakataong tinatanggihan ang alok na magkape, ang inaalok ay nangangakong babalik sa isang araw, kapag hindi siya nagmamadali.  Sa kabilang banda, ang maybahay na nag-aalok ay hindi offended. Bagkus, gracious niyang ise-send off ang dumaan sa kanyang pupuntahan, batid ang pagkaalam na isang araw nga, ang inalok ay babalik.  Pagdating ng pagkakataong iyon,  ang dumadayong magkape ay karaniwang may bitbit na kakanin.

 

Hindi ko nakikita rito sa malaking lungsod ang tipo ng open hospitality na mayroon sa lugar namin. Dito, karaniwang by appointment ang pagbisita ng kamag-anak, kaibigan o kakilala. Hindi maaaring basta-basta mag-drop by ang  isang kakilala sa bahay ng isa pa para makipag-kape at makipag-kwentuhan. Unti-unti, nabatid ko ang kaibahan ng personal na relasyon at galaw ng buhay sa baryo kumpara sa malaking lungsod.

 

Hanggang sa ngayon, uso pa rin sa aming lugar ang mag-alok sa dumaraang suminsay at magkape. Pero napansin ko ring nitong mga huling taon, instant coffee na ang inaalok na inumin sa bisita. Bibihira na ang bahay na may pirming nakasalang na barakong kape.

 

image of a cup of hot coffee

Magkape ka muna/ newyorkette. com

 

 

* Huling binago ni Doon Po sa Amin noong ika-20 ng Nobyembre para idagdag ang mga larawan.

 

8 responses to this post.

  1. Posted by Rem Inish on Oktubre 19, 2010 at 2:03 hapon

    Ay Lilia, bigyi ng kape si Itang. (Ang regular na nasinsay para makapagkape}. Sabi ng Nanay P___.

    Tugon

  2. Ay, sadya namang masarap maki-kape sa bahay ng iba … :]

    Tugon

  3. […] nakatira. Pag may naligaw na hindi taga-roon, alam agad ng lahat. Pag may nakasalubong na kakilala, huhuntahin. Sa kaso ni Nine, una, meron agad silang nakasalubong. Pangalawa, ang nakasalubong na ‘yon ay […]

    Tugon

  4. […] mag-aayaan pa rin kami papunta sa mga Nanay. Wika nami’y, ‘Tayo sa mga Nanay at doon makapagkape.”  At pupunta nga kami, hihinto sa may tapat ng bahay ng Nanay at Mamay saka tatawag, “Nanay! […]

    Tugon

  5. ang galing naman kung ginagawa pa nga ito sa inyo magpa-hanggang ngayon…hey weytaminit! ang ikli nitong post na ‘to ah😀 pwede po ba magtanong?

    itatanong ko na rin…may balak ka ba i-compile itong mga sulatin mo? at i-publish as free e-book o nilimbag na aklat para sa bookstore? kung wala, ako na lang ang magko-compile…para sa sarili ko, hindi ko ipapahiram kahit kanino wahahaha

    Tugon

    • hello, rp… maiiksi lang naman ang unang post, hehe.😉

      hmnn, dati, more than a year ago, nagbalak akong i-compile into an ebook of sort pero may bayad ang naiisip ko, hihihi. pero, nag-loosen up na ang plan kasi, naipasara ang dpsa. tapos, medyo may effort din. the posts would need review and editing pa. no such plan yet uli, as of now…😉 salamat sa pagsilip rito, ha…😉

      Tugon

  6. It shows how the women or men (doon sa inyo) are not much into Facebook yet because they actually put time and effort to socialize face-to-face😀

    Plus, in bigger cities, if you randomly invite someone in your home for tea or coffee, they’ll look at you suspiciously as if you have some hidden agenda.

    Tugon

    • hello, Nadia, dear. it’s you, hellowwie! a, in 2010 (when the article was written), not yet. but these days (2013), some young people doon sa amin are also into Facebook na. but generally, as in for most folks, not yet. not digital living yet, dpsa, hehe…

      yes, people you invite home would think you want to secure a business deal or something, ahaha. city living nga naman, magastos. sa labas ang pagkakape, hihi.🙂 glad yor dropped by, kape ka muna…😉

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: