Posts Tagged ‘town and country revisited’

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 7

Hello, mga ka-blogs! Nauumay na ba kayo sa paksa natin? Ahaha… Ako, medyo-medyo, hihi. Sa tuwing ita-type ko ang pamagat ng post sa itaas, napapasabi, “Putik na naman sa daan? Huhuhu…” O, sige na nga, umpisahan na natin at nang magkaroon na ng katapusan, sa tinamaan ng husay. Pasensya naman… 😉

Sa Ang Baku-bakong Kalsada sa Aming Nayontiningnan pabalik ang dirt road na matagal naming dinaanan noong malilit pa kami ng mga kapatid, pinsan at kalaro at gayundin ang makalumang pamumuhay na aming naranasan. Papaanong dati – pumapasok kami sa eskwelang lakad ng kung ilang kilometro at bitbit ang pares ng tsinelas na may butas. Nag-aabang kami ng mga dumaraang sasakyan pag walang pasok, ahaha. Parang spectacle sa amin noon pag nakakakita ng umaandar na mga gulong, patatawarin… Dalawampo’t anim na taon nga pala ang lumipas nang isinulat ang post o lathalain, labinlimang taon naman ang nakakaraan, mula nang masementuhan ang pangunahing kalsada – doon sa amin.

Image of two boys in rural Philippines

Napakarami pa ng agricultural communities sa Pilipinas at karamihan sa kanila ay mahihirap ang mamamayan/ http://www.poverty-in-the-philippines.com

Ang philosophical na tanong sa post, bakit rugged and eneven ang paths to development ng tao? Sementado na ang daan sa lugar namin at pag umuuwi naman kami sa bukid na aming nilakihan, naka-sasakyang pribado na. Pero, bakit ang pakiramdam namin, disconnected kami sa mga kasamahang nasa baryo? Sentimental na mga panimdim lang o praktikal na pagkilala sa sinasabing roads to development? Ano nga kaya? Sabi sa Economics, mahalaga sa paglago ng pamayanan at ng mga taong nakatira roon ang infrastructures – kalsada, tulay at patubig – mga pangunahing kailangan para sa markadong pag-unlad. Ang mga iyan daw ang magpaparamdam sa taong sila ay connected – kasali at kabahagi… Ang susunod raw – edukasyon. Na kapag nakapag-aral ang batang henerasyon, mas nabibigyan sila at ang kanilang pamilya ng pagkakataong umasenso.

May kuryente na sa lugar namin, naabutan ko pa nang magkaroon. Ayon lang,  hindi namin agad na-afford ang koneksyon noon – mahal. Eventually, nakayanan din… May tubig na rin doon sa amin. May faucets na sa mga laba-lababo… Naipasemento na nga ang kalsada, hindi na maputik o maalikabok at ang mga batang pumapasok, hindi na naglalakad ng malayo. Hindi na aanim o wawalo ang sasakyang dumaraan sa maghapon… Labas-pasok na ang mga kalakal at produkto sa aming lugar at pati ang mga tao – mabilis na ring nakakaalis – basta may pamasahe. Pero pag pumunta kayo roon ngayon, ngayong may internet na rin sa ilang kabahayan, ang makikita pa rin ay larawan ng kahirapan, pagka-atrasado at bumabagsak na kalusugan ng mga tao. Backward and poor pa rin, ‘ika nga… Ngunit may ilang wisik na ng modernities na nakapasok – pati mga gawi at bisyo ng modernong pamumuhay.

Sa Ang Baku-Bakong Kalsada sa Aming Nayon, kinukwestyon ang wisdom ng pag-unlad na para sa sarili lamang, theory na formulated and advanced by Vilfredo Pareto… Si Pareto ay isang Italian engineer na kinikilala rin sa larangan ng Sociology at Economics. Kanyang theoretical works ang nagpundar ng sangay ng Economics na tinawag na Microeconomics. Ipinakita ng works ni Pareto, ang 20% ng lipunan ang may kontrol sa 80% ng ari-arian, nagpapalitan lamang pana-panahon ang elite or aristocracy at endemic sa lipunan – throughout the history – ang income inequality at kawalan ng demokrasya. Sabi niya, hindi importante ang intrinsic value ng mga bagay sa tao, ang mahalaga ay ang ordering niya ng priorities – ang kagustuhan niyang manaig at isulong ang sariling interes na mas madalas, economic in nature.

Larawan ng inhenyero at ekonomistang si Vilfredo Pareto/ http://www.stormfront.org

May mga tumawag sa theories ni Pareto na “social Darwinism.” Ang core teaching ni Pareto ay tinatawag na Pareto optimality. Sabi rito, ang isang lipunan o economic system ay nag-i-enjoy ng maximum na benepisyo kapag sa bawat pag-unlad ng isang kasapi, niyayapakan niya o itinutulak pababa ang ibang kasapi. Sa madaling salita, ang pag-asenso ng isa ay at the expense ng iba. Makikita ang elaboration ng theory sa indifference curve, kung saan inilalarawang mas madaling kamtin at mas efficient ang pansariling pag-unlad kaysa sa pag-unlad na collective o pangmaramihan. Ang pinasubalian ng theory ni Pareto, ang malaon nang pininiwalaan – ang lipunan at mga namumuno nito ay parating nag-i-strive for the greater good of the majority. Sang-ayon sa kanya, maximum efficiency ang hinahabol, hindi greater good.

Ang theory ni Pareto ay madalas na ginagamit sa welfare societies. Sinasabi roong mas maging tulungan ang isang kapuspalad kaysa sa ambisyuning iangat ang mas malaking bilang (na maliit ang tsansang maiahon sa kalagayan). Mayroon ding microfinance groups and cooperatives na Pareto optimal ang tinutuntungang prinsipyo. Sang-ayon sa kanila, sa sampong kasaping pauutangin ng perang puhunan, sakaling may dalawang magtagumpay na gamitin yaon sa negosyo, ang kanilang efficiency and success ay sasapat o hihigit pa sa failure or non-success ng walong di nakabayad sa hiniram. Subalit, ang theory ni Pareto ay pinakatatangkilik sa mga laro o games kung saan malinaw na naipapakitang ang pagkatalo ng isa ay nagre-resulta sa panalo ng kalaban and vice-versa. Mas kilala ang theory sa katawagang zero-sum game.

Ang zero-sum game ay best illustrated sa scientific works (game thory) ng 1994 Nobel Memorial Prize in Economic Sciences awardee na si John Forbes Nash, Jr, isang professor sa Princeton University. Itinuturing siya ng marami bilang Math genius at ang kanyang buhay ay ginawaan ng pelikula –  A Beautiful Mind. Ang zero-sum game ang tila prinsipyo ng marami sa mga nagne-negosyo sa kasalukuyan – ang paniniwalang ang ganansya ng isa ay kawalan ng iba at ang kawalan ng iba, ganansya ng isa. Anupa at sinasabi ritong walang pag-unlad na magkakasama, walang pag-angat na hindi mangangahulugan ng paglubog ng iba at ang push and pull relationship ng dalawang panig ang nagtutulak para makamit ang optimal result na essentially ay private at di pangmaramihan. Ang economic theory na ito ang kinukwestyon sa post na Ang Baku-Bakong Kalsada sa Aming Nayon.

Sa ika-limang bahagi ng ating pagtatalakay, sinabing ang kabalintunaan ng mga lumagong bayan noon sa Europa ay ang pagiging dependent ng malayang bayan sa villages na hindi malaya (nakatali sa feudal relation sa pagitan ng landlord at ng tenants). Na habang umaasenso ang kalakalan at kabuhayan ng middle-class sa kabayanan, ang mga tao sa kabukiran ay mas nalulubog sa kahirapan. Sinasabi ng works ni Vilfredo Pareto, ang income inequality ay characteristic sa bawat yugto ng pag-unlad ng lipunan at mayroon daw broad base ng mahihirap na siyang sumusustina sa tuktok kung saan naka-pwesto ang pinakamayayaman. Ang nasa gitna ay middle class na parating abalang huwag mahulog sa ibaba, kung hindi man nila kayaning makaakyat…

Larawan ng mag-iina sa isang kabukiran sa Pilipinas

Ilang henerasyon ang kailangan ng pamilyang Pilipino bago matakasan ang kahirapan?/ weccnewsandevents.blogspot.com

Katanggap-tanggap nga bang ang kanayunan ay patuloy na dumausdos sa kahirapan habang ang ilang lungsod ay patuloy sa pag-asenso? Napakabagal nga ba ng pag-unlad o stagnant ang karamihan sa kulang-kulang na 1,500 municipalities o bayan sa Pilipinas? Paano nga ba tatahakin ang sinasabing landas ng pag-unlad?  🙂

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 4

 

Kumusta, mga ka-blogs? Papalaot pa rin tayo sa ating kwento. Pasensya naman, kung pampadugo pa rin ng ilong… Interesting din sa isang banda ang mag-aral ng lipunan, oo. Ahaha, may salespitch talaga? 😉

 

Image of an unpaved road in a barrio in the Philippines

Malalayo ang pagitan ng mga bahay sa mga liblib na lugar/ http://www.squidoo.com

Sa nakaraang post, natalakay ang basics of governance – peacekeeping or common security, public roads, health, pagdalo sa assembly and common cultural practices or social rituals – sa isang pamayanang nag-uumpisa pa lamang. Basics of society na rin, pag sociological ang pagtingin…Na-discuss ring closely-knit ang mga tao sa ganoong setting, maliit pa lang ang bilang ng mga kasapi at halos magkakakilala pa lahat. Sa gayon, ang natural tendency ng mga tao, gawin ang ginagawa rin ng mga kasama. Hindi wise sa gayong sitwasyon ang umiba o mag-iba ng kilos at pagpapasya. Halos pare-pareho ang ginagawa, ang buhay na hinahabi at ang pagpapahalaga ng mga miyembro sa nag-uumpisa o frontier society.

Sa ating paglalarawan, pelikula ang materyal na ginamit. Bakit? Sapagkat sa Pilipinas, kahit ang napakalalayo at liblib na lugar – sitio o barangay –  di na bababa sa 100 taon ang edad o gulang. Kumbaga, matagal-tagal nang settled ang mga naninirahan at hindi na istriktong masasabing frontier pa… Pag sinabing frontier, naghahawan pa lamang ng kagubatang matitirhan, matatamnan, mapagpapastulan at mapamumuhayan. Babago pa ring naglalatag ng mga social infrastructures o batas, kalakaran at mga gawing ipatutupad at susundin ng mga nakatira sa komunidad. Sa ibang salita, babago pa lang itinatayo ng mamamayan ang sibilisasyon sa lugar… Hindi na ganito ang mga nayon sa Pilipinas – lalo pa at marami sa mga barangay ay nag-umpisa noong panahon ng mga Kastila – 200 hanggang 400 taon na ang nakakaraan.

 

Image of a traditional hut in rural Philippines

Simple ang pamumuhay sa nayon ngunit tila mabagal din ang pasok ng pag-unlad/ http://www.philippine-real-estate.net

 

Ang nayon sa Pilipinas, mas kilala sa tawag na barangay. Basic unit ng society natin. Village ang pangkaraniwang tawag  sa Literature. Ang kahulugan nito ay munting pamayanan. Village din ang tawag sa Chinese, Japanese at Indian Literature, sa pagkakaalam ko… Sa Europa, ang tawag nila  – country. O, kaya, outskirts. Pag minsan, countryside… Wari, gamit yaon para pag-ibahin ang bukid sa sentro o sa bayan at lalo pa, sa lungsod. Sa Europeans noon, karaniwan sa mga maykaya sa buhay, may bahay na malaki o villa sa countryside at may apartment naman sa city. Bale, pag winter, umaalis sila sa probinsya at tumutungo sa cities o nagbibyahe sa abroad. Ang mga tagalunsod naman kapag summer, nagbabakasyon sa bahay nila o bahay ng kaibigan nila – sa countryside… Sa period films, English or French, may ganito – sa Little Women, Pride and Prejudice, Age of Innocence at iba pang maborloloy na European films, ahaha.

 

Image of a traditional house in a barangay in rural Philippines

Ganito ang karaniwang bahay sa mga barangay sa rural area sa Pilipinas/ http://www.internetphilippines.com

Baryo ang isa pang tawag natin sa nayon. Mula ito sa salitang Espanyol na barrio. Barrio rin ang tawag sa village sa Latin American countries na nasakop ng mga Kastila noong araw – sa Mexico, sa Puerto Rico, Cuba at iba pa. Syanga pala, ang mga nabasa kong panitikan sa pag-a-adjust sa buhay-lungsod, karamihan ay sinulat ng Mexican authors na nag-migrate sa Amerika. Tila maraming pagkakahawig ang Mexican at Filipino cultures, dala marahil ng napakahabang taon ng impluwensyang Espanyol sa parehong grupo ng tao… Sa pagkaalam ko, panahon ng pamahalaang Marcos tinawag na baranggay ang baryo. Ginawa raw para kilalanin ang balangay, basic unit ng ating lipunan bago dumating ang mga Kastilang mananakop. In-adopt ito sa buong kapuluan. Marahil, may advantages – political monitoring, administrative ease (para mas madaling i-monitor ang health centers at mga baryong wala pang assigned na guro) at para sa pagpapabilis ng basic services tulad ng mails at population survey.

 

Isa sa highlights ng discussion natin sa nakaraan, ang rough roads palabas at papasok sa loob ng mga baryo. Tila baga staple na ng pamumuhay sa liblib na lugar, default menu, kumbaga, ang madalang at siksikang pagbibyahe papunta sa bayan at pabalik. Pag sa baryo nakatira, pangkaraniwan at tanggap na ng mga tagaroon ang ganito. Pero para naman sa mga nakatira na sa labas – sa bayan at sa lungsod – tila parusa ang ganitong bagal at hirap ng transport. Pag sa mga turista – lokal man o foreigner – thrilling experience ang makasakay sa ibabaw o gilid ng umaapaw na dyip o motorsiklo habang bumibyahe sa mala-bituka ng manok na daan. May kanya-kanya yatang pagtanaw… Pero ngayong nasa ika-21 na tayong siglo, sa munti kong pagtingin o, hula, haha, kahit ang mga taga-baryo mang di pa nakakatira sa ibang lugar, may ideya na ring mas gaganda ang buhay kapag may mas maayos na kalsada at regular na byahe ng mga sasakyan. 🙂

 

Image of an unpaved road in rural Philippines, 2

May iisa bang approach sa sinasabing pag-unlad? Gaano katagal at ano ang mga kailangan bago ang isang nayon ay maging bayan?/ myphilippinelife.com

 

May karugtong pa rin ito, mga kapatid. Hala, ba’t ko nga naumpisahan ito? 😉 Sa susunod, titingnan kung maari na tayong mag-discuss ng formations ng mga bayan-bayan sa Pilipinas. Titingnan natin kung pwedeng ikumpara sa formation ng bayan sa Western setting… Ayon lang, parang kailangan ng research, ahaha. Lagot na… 🙂 Ang gusto ko sanang tingnan, kung may merit ba ang claim na mabagal ang pag-unlad sa ating lipunan o nasa tamang phasing lang. Basta, titingnan natin… Sana, patuloy kayong mag-antabay. Maraming salamat. 🙂

 

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 3

 

Naikwento ko sa naunang post, ang isang bayan sa Pilipinas ay karaniwang mayroong munisipyo, gasolinahan at ice plant. Sa huling post naman, inilarawan natin ang maputik, maalikabok at baku-bakong kalsadang kadalasan ay nag-uugnay sa mga taga-baryo sa mas malaking pamayanan – ang bayan o town or municipality. Nais sanang ipakita sa mga sulatin, paano ang ugnayan ng dalawa – ang pinakamaliit na yunit at ang kasunod nito – ang mas malaki.

 

image of folks working together to dry rice in a community

Paano nga ba ang pag-unlad na naka-ugnay?/ http://www.iirr.org

 

Ang pinag-uusapan natin ay access o kawalan nito – sa mga liblib na lugar sa bansa. Sa isang banda, nais din sana nating itsurahan, kahit paano, ang sinasabing trajectory of development. Paano nga ba papasok ang pag-unlad sa isang malayo at di pa ganap na konektadong komunidad? Ang mga tao bang tagaroon mismo at lumalabas ang magdadala nito paloob o ang mga dayo, mga tagalabas na napasyal doon at naantig sa kabagalan at “pagkaatrasado” ng buhay sa nayon?

 

 

Mabalik tayo sa frontier movies na kako, siya nating clue sa mga maliliit at nag-uumpisa pa lamang na pamayanan. Maraming pelikulang ganito – ang setting ay sa lumang Amerika, sa Australia, sa Europa, sa Asya at maging dito mismo sa atin – sa Pilipinas. Kasama sila sa broad category na period films. Pag frontier ang pelikula, babago at maliit pa ang komunidad. Close-knit ang ugnayan ng mga tao sa loob, halos lahat ay magkakamag-anak.

Ang karaniwang tema sa ganitong palabas ay prejudice or deeply-held belief na liko o sobra pero, itinutulak ng nakasanayang cultural practices na siya pa ring manaig sa mga nasasakupan. Kadalasan, ang prejudice themed movies,  nagtatapos sa panununog (burning), paglipol sa mga tao, pagpatay sa isang karakter na masid ng taumbayan o kaya naman, sa paglikas ng isang pamilyang itinaboy o tinugis papalayo ng mga kasamahan.

Madalas ay malungkot, nakakapagpa-isip at nakakabuntung-hininga sa mga manonood ang nasabing pelikula. Pag minsan, may bonus na happy ending – holding hands ng mga bida habang tinatanaw ang bukas, eksena sa ilog ng dalawang batang wiser than before (noong nag-umpisa ang pelikula) o kaya, pagbitbit muli ng bag o gamit ng bidang napadaan lang – sa community (at doon ay nakasaksi ng kakaibang pangyayari) – para tumuloy sa susunod niyang pupuntahan. Ahaha, pamilyar, mga kapatid? Hala, nakanood na tayo ng ganito, wari ko… 🙂

 

So, ayon. Usually, ang ipinapakita sa mga ganitong palabas, gaano kabukas o kasarado sa pagbabago ang isang grupo ng mga tao… Gaano sila kahanda sa tuwing may  papasok na bagong impluwensya – halimbawa, paggawa ng bagong tulay sa lugar, pagkupkop ng isang takas o dayo, bagong paraan ng pagluluto ng tradisyunal na pagkain, bagong paraan ng pagtatanim at iba pa. Parating may ini-introduce na bagong element na siya ring mitsa ng conflict sa istorya. Maapektuhan nito ang kilos, pananalita at mga paniniwala ng mga tao.

Ang paborito ko sa mga ganitong pelikula, ‘yong set sa fishing community. Ewan ko lang, napanood nyo ba ang Mulanay? Pelikula ito ni Jacklyn Jose, isa syang doctor to the barrios na nakisalamuha sa mga mangingisda at pamilya nila. Anyway, pag coastal o tabing-dagat ang setting, malinaw na may border, ahaha. Parang hindi man sabihin, alam agad na confined ang pamumuhay ng mga nakatira roon. Ang kailangan nilang gawin para makaalis, tumawid ng dagat at sumuong sa panganib, ahaha. At saka, parang may exit – ang laot… Pag landlocked ang setting ng pelikula, parang nakikini-kinita ko na, umpisa pa lang –  may burning at stake sa dulo o susunugin ang hut o kubo ng bida, ahaha. Pag sa Pinoy movies, may sulo ang taumbayan, pramis. 😉

 

image of boats by the seashore

Ang dagat ay border at exit rin sa isang pamayanan/ thecoraltriangle.com

 

Sabi sa pag-aaral ng pamahalaan at lipunan, peacekeeping force daw ang unang itinatayo ng isang pamayanan. Bale, pagbabantay sa gabi para di makapasok ang magnanakaw ng mga hayop at ani, di mapahamak ang mga kababaihan at bata at, para ma-secure ang borders ng community. Tapos, inaasikaso rin at pinag-uusapan ng mga pampublikong daanan o common pathways para malinaw ang pagmamay-ari ng mga nakatira roon. Kasunod, ang pagkakaroon ng hilot o medicine man na siyang tatawagin sa tuwing mayroong maysakit at manganganak. Tapos, pag-uusapan ang schedule ng pulong-bayan o assembly. Ang kasunod ay rituals and practices ng mga tao – pagsamba, kasalan, handaan at iba pang mga activity na karaniwan, kasali ang lahat ng kasapi o miyembro. 🙂

 

image of sustainable development

Uumpisahan muna at paandarin ang pamayanan, saka iuugnay sa mas malaki at mas marami/ therightplanet.com

May kasunod pa ito, mga kapatid. Ahaha, parang napasubo yata ang lola nyo, parang mahaba pa ang tatakbuhin ng kwento? Pambihira.. 🙂  Have a good weekend!