Posts Tagged ‘may kapwa blogger na nasa malayo at nasa malapit’

Ikatlo

 

Hello, ka-blogs! Ikatlong anibersaryo ng DPSA noong ika-27 ng Agosto, 2013. Ika-4 na taon na sa blogging, yehey!ย Masaya, kahit pa maulan, madilim at magulo… ๐Ÿ™‚

 

 

Image of a gift and balloons in celebration of third anniversary

Ikinalulugod ang ikatlong taon ng pagsusulat sa blog at masayang tumitingin sa ika-apat na taon sa blogging/ http://www.womensbiblecafe.com

 

Masayang magsulat ng mga iniisip at pakiramdam. May kakaibang tuwa pag pine-press na ang ilathala. ๐Ÿ™‚

 

Masayang malamang kaya palang isatitik ang mga isipin at saloobin sa paraang tila sila ay kwento…

 

Masayang makabasa ng feedbacks and comments ng kapwa bloggers. Nakakatuwang nagbigay sila, kayo, ng oras para magbasa… Salamat. ๐Ÿ™‚

 

Masaya ringย makabasa at mabatid ang mga pakiramdam at iniisip ng ibang bloggers.

 

Masayang makanood, makarinig at maging bahagi ng malilikhaing gawa ng iba. May saya ring hatid pag nakakapag-comment sa posts ng kapwa bloggers.

 

Masayang makasalubong at mapaglimian from time to time, ang points of views ng iba.

 

Masayang may makilalang mga tao sa malayo at malapit, kahit sa virtual setting lamang...

 

 

 

 

Masayang may nakakahuntahang nasa malayo, pero parang malapit.

 

Masayang may nakakakwentuhang nasa malapit lang, pero para minsang ang layo, ahaha.

 

Masayang mabatid na pinagkukwentuhan ka online and offline ng mga taong di mo pa naman nakikilala at di ka pa rin kilala. Akalain nyo ‘yon? ๐Ÿ™‚

 

Masayang malamang hinuhulaan at dinurugtungan nila ang mga kwento mo, hoho. Kahit pa madalas, ang layo ng plots nila sa totoo, hihihi. Peace!

 

Masayang malamang may bloggers na nagpapakita lang via the Statistics, pero di nagpaparamdam through likes and comments. Creepy, pero masaya, hohoho.

 

Masayang may bloggers, gusto kang makahuntahan sa chat at makakwentuhan sa email, pero di magpaparamdam sa About Pages, di magla-like sa posts. Tsika lang… Come and go ang peg? Aysows, pwede rin. Masaya rin naman… ๐Ÿ˜‰

 

Masaya ring makitang may bloggers na nagti-tinker sa iyong IP address, sinusundan ang iyong online activities and affiliations, tina-track ang iyong comments at pinadadalhan ka ng spams and fake followers. Ang saya, hala pa… ๐Ÿ˜‰

 

Masayang malungkot naย may mga taong nagtatampo, nagagalit at kinukutya ka sa di malaman o ayaw ipaalam na dahilan. Basta… ๐Ÿ˜‰

 

Masayang inaabangan, ini-interprete at binabalikan ng ka-blogs ang posts na may attached music, hihi. Iniu-ugnay kaagad sila sa personal na buhay at state of mind ng blogger dito. Ang cute at ang saya, hoho…

 

Masayang pinagkukwentuhan at hinuhulaan parati ang lovelife or lack of ng blogger dito sa tuwing may pag-ibig at love-related post sa sites, ang kulit… Hala pa, comment na lang, kung di nyo makuhang i-like, hoho. Salamat sa concern na ย magka-lovelife dito, hihi, pero ‘yaan nyo na lang na ako ang mamroblema no’n… ๐Ÿ˜‰

 

Masayang malaman, ang pinaka-consistent na viewers ng sites ay yaong mga sumisilip para okrayin ang blogger dito. Love ko na kayo, alam nyo yon? Nakow, chances are, love nyo na rin ang blogger dito, hala, lagot.. Peace. Basta, sa akin, di love and hate ang magkasalungat. Ang opposite daw ng love, apathy. ๐Ÿ™‚

 

Masaya and enlightening naย malaman, radical and drastic daw para sa ibang ka-blogs ang mga ideyang hayag sa postsย – centuries behind ang pananakahan sa ating bansa, late ang philosophical ideas na nasagap nina Rizal at future-oriented activity ang blogging. Sa akin, ang sayang malaman ang inyong palagay… ย Ay, sabi sa About page ng DPSA, ang blogger dito ay maligalig. Pasensya na, di kayo ipaghehele ng ideas sa sites, whoho. Pero pag minsan, may mababanaag din somewhere na tenderness, ahihi, yaong mga interesado, hala pa… ^^

 

Masayangย malaman, may ilang bloggers na consistent na naka-follow lang, di nagpaparamdam, pero pana-panahong nagbabasaย at sumusubaybay. Alam kong andyan kayo… Salamat for your patronage, mga kapatid. ๐Ÿ™‚

 

Masayang mapagtanto, sa daang bloggers na dumating at umalis –ย dumating na bumati at umalis ng walang paalam, masiglang dumating at umalis na may lungkot, patagong dumating at tahimik na umalis –ย may dosena pa ring darating at sisilip, huhunta at kukwento. Kahit sumandali…

 

Masayang mabatid, first-hand, isa sa mahahalagang aral sa blogging, don’t take yourself seriously. Pag minsan, makakatsambang makapaglathala ng posts na parang may sense, tila maganda at nakakapukaw sa ka-blogs… Good job, maybe, pero huwag umasa ng malalim at pangmatagalan. Just cool it, ‘ika nga… ๐Ÿ™‚

 

Masayang mapagtanto, andito tayo at nagba-blog, may hinahanap – sa loob at sa labas. Andito raw tayo, in search of humanity: other peoples’ and our own…

 

Masayang malaman, sa tatlong taon sa blogging, may tatlo rin yatang naiwan at nanatili – kakwentuhan, kabahagi at kahit paano, kapanalig – sa paghahayag at pagsusulat ukol sa buhay na puno ng sakit, pagkainip at kulit… ๐Ÿ˜‰

 

Image of a poster about holding hands

Hawak-kamay sa pagtahak sa magulo at masayang buhay/ favim.com

 

Ikinagagalak kong andito pa rin kayo sa ikaapat na taon sa pagsusulat, paglikha at pagsasatinig ng mga naisantabing pangarap, nawaglit na pakiramdam at lalandasin pa lamang na bukas…. Salamat! ๐Ÿ™‚ ๐Ÿ˜‰ ๐Ÿ™‚