Posts Tagged ‘dyip na umaapaw pabalik sa nayon’

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 2

 

Image of a jeepney coasting along un unpaved road

Tatak na yata ng buhay sa nayon sa Pilipinas ang kalsadang rough pa at ang dyipning laging puno/ andymjbrown.blogspot.com

Unpaved road, rough road o dirt road – kalsadang walang aspalto o semento ang karaniwang daanan ng publiko sa mga baryo, bukid o small villages. Ito yaong mga kalsadang putikan kapag tag-ulan at puro alikabok naman – pag tag-init. Sabi, pag dirt road pa raw ang daan sa isang lugar, nangangahulugan yaong nag-uumpisa pa lamang ang sibilisasyon doon at maraming mga taon at dekada pa ang daraan  – para maikonekta ang lugar at mga tao sa kabayanan, sa kalungsuran at sa mas malaking mundo, sa pangkalahatan.  Access o kawalan nito, ang pangunahing suliranin sa mga ganitong lugar. Pakiramdam ng isolation naman ang nadarama ng mga nakatira sa baryong wika nga, hindi pa konektado.

 

Sa Pilipinas, ang pinaka-common na representation ng phenomenon ay ang dyip na punung-puno mula itaaas hanggang ibaba – may nakasakay na pinamili sa ibabaw ng sasakyan, may tao rin, haha; may mga nakabitin sa gilid at sa estribo at; may mga produkto at hayop na nakatali sa mga gilid-gilid. Sasakyang umaapaw – heavy-duty dapat ang gulong at dapat ay maingat at sanay magmaneho ang driver. Medyo parusa sa mga tao ang lumabas pabayan at ang  pumasok paloob ng baryo pag ganito pa ang transport system. Medyo ganito sa amin noong 80s, naikwento ko sa naunang posts. Isang beses isang linggo lang noong mamalengke ang mga tao sa amin at pag namili, dapat ay kumpleto na. Sa mga cartoons at sa ilang tourism promotion, medyo madalas ipakita ang umaapaw na dyip bilang salespitch kung gaano kasaya, ka-thrilling at ka-flexible ang mga Pinoy. May pagka-romantic lagi ang rendition.

 

Image of a full jeepney in the Philippines

Para nga namang masaya ang makipagsiksikan sa dyipning puno lagi mula loob hanggang labas/ liveinthephilippines.com

 

Pero paano nga ba nagsisimula ang sibilisasyon sa isang lugar? Ito naman ay matanong lang… Sa mga pelikula na tayo madalas nakakakita ng ganito – kung paano sinisimulan ang pamumuhay ng mga tao sa isang munting pamayanan. Commonly known sila as frontier movies or frontier stories, kumbaga. Mga kwentong early settlement period – noong kakaunti pa ang tao, mas marami pa ang nagkalat na mga hayop at ang mga gubat, kailangan pang hawanin o i-clearing, para matirahan at mapagtamnan. Pag sa pelikula, parating ang bida o mga bida ay strong characters – isang Tatay na may pioneering vision, isang Nanay na very norturing pero pirmi ang loob o kaya ay isang batang very artistic and creative – maliit pa lang, pero enterprising na at may diskarte. Sa kanilang pang-araw-araw na buhay at pakikihamok iikot ang istorya. Madalas, ang ipinapakita, hirap ng struggle with forces of nature – lupit ng bagyo, bangis ng dagat o misteryo ng bundok. Ipinapakita lagi sa kwento ang halaga ng perseverance at strength of character.

 

Image of rural children playing outside their hut in the Philippines

Payak ang buhay sa mga pamayanang nag-uumpisa pa lamang, wala pang ideya ng mga nangyayari sa labas nito/ article.wn.com

 

Sa scriptwriting, coming of age ang tawag sa ganyang plot…  Alinman sa ang bida ang magma-mature sa dulo – may mari-realize siyang something bad o something noble sa human nature, ahaha o di kaya, ang pamayanan ang magma-mature. Bale, matatalos nila, halimbawa, na ang taong hinahangaan nila ng lubos (bida) ay may kahinaan o kasamaan din. O, kaya, na siya ay isang pangkaraniwang kasapi lamang… Ang kadalasang storyline, may isang bidang uuwi sa village na pinagmulan, galing sa lungsod o sa ibang bansa. Kung minsan naman, may isang travelling salesman na magagawi sa isang di-kilala at malayong baryo – doon siya magkakaroon ng love affair at guguluhin ng presence niya ang buhay at paniniwala ng local people, ahaha. O, kaya naman, mga magpe-perya – roving carnival people – na magdadala ng bagong impluwensya sa mga lokal na taong nanahimik at namumuhay ng payapa.

 

Anupaman ang plot at storyline, sa mga pelikula madalas magpakita ng life in the barrio – paano pumipintig ang buhay doon. Paanong may lokal na taong nagnais na makalabas at mamuhay sa ibang lugar o kaya naman, may tagaroong mapipilitang umalis at hanapin ang kapalaran niya sa labas, sa mas malaki at sabi, mas magulong mundo. Laging dalawang point of views ang ipinapakita sa palabas – ang punto de bista ng mga nasa loob ng pamayanan at ang punto de bista ng nasa labas. Ipinapakita sa istorya kung bakit sa huli, pinili halimbawa ng bidang huwag umalis ng lugar. O, kaya naman, pinili niyang umalis na lamang, kahit masakit sa loob.  Anuman ang naging desisyon niya, lagi tayong mga manonood nagkakaroon ng bagong pagtanaw sa kung paano titingnan ang buhay, pag-ibig at pakikibaka ng mga taong nakatira sa payak, tila makipot, makitid, mabagal at paulit-ulit na buhay sa bukid o sa baryo… 🙂

 

Image of a Filipino rural family by the window

Pag nakalabas na sa baryo, hati ang pakiramdam – kalahating romantiko at kalahating makabago/ http://www.dipity.com

 

Mayroon pa itong kasunod, ka-blogs. Kapag sinipag uli… Happy weekend! 🙂