Posts Tagged ‘bawasan ang pait’

Teka…

image of bitter gourd

Ampalaya na naman??? Ampalaya pa rin? / adobongblog.com

 

Kumusta, mga kapatid? Kumusta naman dyan (tonong Ruffa Mae Quinto)?!? 😉

 

Break lang sandali. May ikukwento lang ako sa inyo…

 

Nitong linggong ito, may nasagap akong dalawang payo –  galing sa dalawang ka-blog na kumakaway sa ‘kin sa YM, pag minsan. Oo, minsan may nagkakamali ring kumaway sa ‘kin, ahaha.  Ang unang payo, parang ganito: sisimple ang buhay pag nag-umpisa tayong tanggapin ang mga pinagdaanan natin. Hindi eksaktong ganyan ang pagkakasabi, pero parang ganyan.

 

Ang ikalawa naman, iwasan ang panghuhusga at ang pag-focus sa negative. Dapat daw ay masaya.

 

 

Napaisip tuloy ako. Parang may sense ang mga sinabi nila. Katunayan, parang maraming sense ang sinabi nila… Napagtanto ko tuloy na oo, nga, isang malaking oo, nga, ako nga pala ay bitter-bitteran. As in, paano? Parang may talent lang naman akong magpakomplika ng mga bagay-bagay. Magpahirap, kumbaga. Actually, hindi ako sigurado kung talent nga bang matatawag ang gano’n – pero kung anuman ‘yon, meron ako no’n. Well-developed, pramis.

 

Parang totoo rin ngang may mga negatibong kwerdas akong nakakabit sa katawan. Nakakahawa… Hindi na importanteng ang nagsabi nitong pangalawang payo ay may post dating tungkol sa kakulangan nya ng negative ions, ahaha (Peace!). Ang mahalaga, noong sinabi nya ‘yon sa akin, parang angkop sa sitwasyon, kumbaga.

 

 

Ako na ang ampalaya. Ako na. Ang concern ko lang, hindi ampalaya ang paborito kong gulay. Which brings me to the point na di pa tapos ang kahabaan nating talakayan tungkol sa mga gulay. Gulay at gulay pa rin ang kasunod na posts, ipapaalam ko lang sa limang ka-blog kong mambabasa at sa isang dosenang site subscribers. Di bale, ito ring darating na linggo, maglalathala ako ng isang back-to-back na tula tungkol sa kwan, ano… pag-ibig. Pangako ko ‘yan sa inyo. 😉

 

At pagkatapos no’n, pipilitin kong 3/4 lang ng usual na pagka-seryoso ang lalamanin nitong site dahil, dahil… magpi-first birthday na ang blog ko ngayong AugustAnd in keeping with the spirit of the occasion, ‘ika nga at sang-ayon sa payo sa akin ng ka-blogs, dapat ay simplehan at gawing happy.

 

S___ na malagkit! Kinakabahan na ako… Kaya ko kaya ‘yon? 🙂

 

image of a red balloon

Parang kailan lang… / musictap.net