Ikatlo

 

Hello, ka-blogs! Ikatlong anibersaryo ng DPSA noong ika-27 ng Agosto, 2013. Ika-4 na taon na sa blogging, yehey!ย Masaya, kahit pa maulan, madilim at magulo…๐Ÿ™‚

 

 

Image of a gift and balloons in celebration of third anniversary

Ikinalulugod ang ikatlong taon ng pagsusulat sa blog at masayang tumitingin sa ika-apat na taon sa blogging/ http://www.womensbiblecafe.com

 

Masayang magsulat ng mga iniisip at pakiramdam. May kakaibang tuwa pag pine-press na ang ilathala.๐Ÿ™‚

 

Masayang malamang kaya palang isatitik ang mga isipin at saloobin sa paraang tila sila ay kwento…

 

Masayang makabasa ng feedbacks and comments ng kapwa bloggers. Nakakatuwang nagbigay sila, kayo, ng oras para magbasa… Salamat.๐Ÿ™‚

 

Masaya ringย makabasa at mabatid ang mga pakiramdam at iniisip ng ibang bloggers.

 

Masayang makanood, makarinig at maging bahagi ng malilikhaing gawa ng iba. May saya ring hatid pag nakakapag-comment sa posts ng kapwa bloggers.

 

Masayang makasalubong at mapaglimian from time to time, ang points of views ng iba.

 

Masayang may makilalang mga tao sa malayo at malapit, kahit sa virtual setting lamang...

 

 

 

 

Masayang may nakakahuntahang nasa malayo, pero parang malapit.

 

Masayang may nakakakwentuhang nasa malapit lang, pero para minsang ang layo, ahaha.

 

Masayang mabatid na pinagkukwentuhan ka online and offline ng mga taong di mo pa naman nakikilala at di ka pa rin kilala. Akalain nyo ‘yon?๐Ÿ™‚

 

Masayang malamang hinuhulaan at dinurugtungan nila ang mga kwento mo, hoho. Kahit pa madalas, ang layo ng plots nila sa totoo, hihihi. Peace!

 

Masayang malamang may bloggers na nagpapakita lang via the Statistics, pero di nagpaparamdam through likes and comments. Creepy, pero masaya, hohoho.

 

Masayang may bloggers, gusto kang makahuntahan sa chat at makakwentuhan sa email, pero di magpaparamdam sa About Pages, di magla-like sa posts. Tsika lang… Come and go ang peg? Aysows, pwede rin. Masaya rin naman…๐Ÿ˜‰

 

Masaya ring makitang may bloggers na nagti-tinker sa iyong IP address, sinusundan ang iyong online activities and affiliations, tina-track ang iyong comments at pinadadalhan ka ng spams and fake followers. Ang saya, hala pa…๐Ÿ˜‰

 

Masayang malungkot naย may mga taong nagtatampo, nagagalit at kinukutya ka sa di malaman o ayaw ipaalam na dahilan. Basta…๐Ÿ˜‰

 

Masayang inaabangan, ini-interprete at binabalikan ng ka-blogs ang posts na may attached music, hihi. Iniu-ugnay kaagad sila sa personal na buhay at state of mind ng blogger dito. Ang cute at ang saya, hoho…

 

Masayang pinagkukwentuhan at hinuhulaan parati ang lovelife or lack of ng blogger dito sa tuwing may pag-ibig at love-related post sa sites, ang kulit… Hala pa, comment na lang, kung di nyo makuhang i-like, hoho. Salamat sa concern na ย magka-lovelife dito, hihi, pero ‘yaan nyo na lang na ako ang mamroblema no’n…๐Ÿ˜‰

 

Masayang malaman, ang pinaka-consistent na viewers ng sites ay yaong mga sumisilip para okrayin ang blogger dito. Love ko na kayo, alam nyo yon? Nakow, chances are, love nyo na rin ang blogger dito, hala, lagot.. Peace. Basta, sa akin, di love and hate ang magkasalungat. Ang opposite daw ng love, apathy.๐Ÿ™‚

 

Masaya and enlightening naย malaman, radical and drastic daw para sa ibang ka-blogs ang mga ideyang hayag sa postsย – centuries behind ang pananakahan sa ating bansa, late ang philosophical ideas na nasagap nina Rizal at future-oriented activity ang blogging. Sa akin, ang sayang malaman ang inyong palagay… ย Ay, sabi sa About page ng DPSA, ang blogger dito ay maligalig. Pasensya na, di kayo ipaghehele ng ideas sa sites, whoho. Pero pag minsan, may mababanaag din somewhere na tenderness, ahihi, yaong mga interesado, hala pa… ^^

 

Masayangย malaman, may ilang bloggers na consistent na naka-follow lang, di nagpaparamdam, pero pana-panahong nagbabasaย at sumusubaybay. Alam kong andyan kayo… Salamat for your patronage, mga kapatid.๐Ÿ™‚

 

Masayang mapagtanto, sa daang bloggers na dumating at umalis –ย dumating na bumati at umalis ng walang paalam, masiglang dumating at umalis na may lungkot, patagong dumating at tahimik na umalis –ย may dosena pa ring darating at sisilip, huhunta at kukwento. Kahit sumandali…

 

Masayang mabatid, first-hand, isa sa mahahalagang aral sa blogging, don’t take yourself seriously. Pag minsan, makakatsambang makapaglathala ng posts na parang may sense, tila maganda at nakakapukaw sa ka-blogs… Good job, maybe, pero huwag umasa ng malalim at pangmatagalan. Just cool it, ‘ika nga…๐Ÿ™‚

 

Masayang mapagtanto, andito tayo at nagba-blog, may hinahanap – sa loob at sa labas. Andito raw tayo, in search of humanity: other peoples’ and our own…

 

Masayang malaman, sa tatlong taon sa blogging, may tatlo rin yatang naiwan at nanatili – kakwentuhan, kabahagi at kahit paano, kapanalig – sa paghahayag at pagsusulat ukol sa buhay na puno ng sakit, pagkainip at kulit…๐Ÿ˜‰

 

Image of a poster about holding hands

Hawak-kamay sa pagtahak sa magulo at masayang buhay/ favim.com

 

Ikinagagalak kong andito pa rin kayo sa ikaapat na taon sa pagsusulat, paglikha at pagsasatinig ng mga naisantabing pangarap, nawaglit na pakiramdam at lalandasin pa lamang na bukas…. Salamat!๐Ÿ™‚๐Ÿ˜‰๐Ÿ™‚

 

37 responses to this post.

  1. wow, happy 3rd ate. . . more power. .

    Tugon

    • hellow, babetski… salamat po. ikaw rin, sana tuluy-tuloy ang iyong kengkay na blog. na-miss ko gravatar mo, hehe.๐Ÿ˜‰

      Tugon

      • hahaha. . na miss din kita. . di ako makatambay at makabasa ng inam eh. . sa email muna ako. . di pa bumabalik sa normal ang connection ko gawa ni habagat na nainlove kay maring. . hahaha. .

      • hihihi, kita na ang may technical problem, hala pa… ay, kaganda ng iyong wentong habagat na may ugnayan kay maring. kwentista ka sadya, kapatid…๐Ÿ™‚

        pahinga ka muna, ligpit-ligpit ng files at hanap ng ibang mapapagka-abalahan, hoho. cheers…๐Ÿ˜‰

  2. Masayang malamang may bloggers na nagpapakita lang via the Statistics, pero di nagpaparamdam through likes and comments. Creepy, pero masaya, hohoho.

    – bato bato sa langit ako naman ay hindi tatamaan nyan…wuhahaha….happy 3rd Ate San tahahahaha

    Tugon

    • hellow, aysabaw… ahaha, hindi ka tatamaan. from time to time, nagpaparamdam ka kaya? whehe… salamat, dear.๐Ÿ™‚ nagustuhan ko recent post, mow. very reflective, hihi.

      Tugon

      • hihihi padalaw dalaw at pasilip silip….

        paminsan minsan nababagot ang ulo kaya may lumalabas na matino…..salamats…happy Monday๐Ÿ™‚

      • ahihi, ayos lang ‘yon, anukaba…๐Ÿ˜‰

        weh? maganda kang gumawa ng mga akda, kapatid. you’re too modest. btw, mas masipag ka atang mag-post noong early months mo, haha. dami pati noong pics, hehe. happy Monday, happy week!๐Ÿ™‚

      • hihihi, andami kong mga pics kaso ewan ko ba, minsan andyan na lang tinatamad pang i upload at gawan ng kwento. ahehehe…noon masipag nga, sana bumalik yung kasipagan haha

  3. maligayang ikatlong taon sa mundo ng blogging, ate san๐Ÿ™‚

    Tugon

  4. Maligayang bati San!

    Tugon

  5. Naks naman! Akalain mong andami ng karanasan nitong dpsa mula sa pagaabsent ng ilang taon o buwan? Hakhak. Blog on, kapatid!!! Hehe. Happy 3rd anniversary! Ang saya! Hakhak. Pero natawa ako parang totoo yung binabalik-balikan yung mga post na may tugtog hakhak! Ako pang-fourth mong loyalista! Hakhak!๐Ÿ™‚

    Tugon

    • hellow, batopik… uu, absent ng more than a year ang dpsa, hoho. salamat…๐Ÿ™‚ ay, nakow, masaya talaga mag-blog, ginagawa kang artistang nilalait at ino-okray – ang layo naman ng itsura at tindig ko sa artista kaya? taga-bitbit ng props, mas pwede, hehe. oo, talagang ginagawan ng iba ng kwento ang posts na may tugtog, shaks…

      weh? salamat…๐Ÿ™‚

      Tugon

      • Yes artista, parang ekstra ni ate v! Hakhak. Oo, totoong fan mo ako, late lang talaga ako magbasa kasi you know nemen artista din ako offline busy busyhan kunyari. Hakhakhak!๐Ÿ™‚

      • ayon nga, artistang extra. sana, saka na gawan ng wento pag minsan nang naging bida, pambihira… ahaha, marami kang taping, kapatid?๐Ÿ˜‰ break ka pag may pagkakataon, hoho…

  6. huli man daw ang matsin, ay huli pa rin…lol

    o sige na.. happy kaarawan na sa DPSA and many more to come.

    Tugon

  7. Maligalig na ikatlong kaarawan, DPSA!๐Ÿ˜€

    Tugon

  8. Napangiti ako dun sa 3 K’s on your 3rd anniversary.

    lakas maka bonifacio (KKK) hahhaha..

    Happy ikatlo ate san,

    more to come!๐Ÿ™‚

    Tugon

  9. happy birthday! maiba naman hahaha

    happy birthday sa blog mo, natamaan ako dun haha pero d ko papaalam kung saan dun hahaha. keep on blogging:)

    Tugon

  10. belated happy blogiversary po!

    Tugon

  11. Oist, Happy Three, Ate San. Aba’y akalain mo ganun na pala katagal ito? Still alive and kicking parin. Astig! Sabay nating punuin at pagsaluhan ang pang-apat na taon! Ansayasaya noh?!๐Ÿ˜€

    Tugon

    • yes, po. three na, hohoho. Aug 2010 nag-umpisa ang DPSA. ta’s pinabakasyon ni WP ng mahigit isang taon, haha. gumagalaw-galaw pa pag may time…๐Ÿ˜‰ ahaha, salamat. ang saya-saya, tara let’s!

      Tugon

  12. Posted by Haring Ibon on Oktubre 1, 2013 at 9:13 hapon

    WOW! naibalik na pala ulit ang lunan na ito. galing sis! tagumpay ang pakikibaka๐Ÿ™‚
    pakape ka naman hihihihi… may kapeng barako ba yan saka puto?๐Ÿ˜‰

    cheers to wonderful world of blog !!

    Tugon

    • hello, haribon… yes, nov 2012 pa naibalik ang dpsa, teynks. ikaw rin, welcome back to blogging, kapatid.

      ahaha, oo, may pakapae. kape ka muna – may kape rito at suman, hoho. kind regards sa iyo…๐Ÿ™‚

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: