Payak na pamumuhay sa isang luma pang panahon

 

Lampas sa nostalgia for rural past ang iniaalok Β dito, pasensya na. Sakaling hanggang doon lamang ang inakala ng mambabasa, ikinalulungkot ko. Hayaan ninyong magpaliwanag ako ng bahagya kung bakit…Nakatira kami noon sa bahay-kubo, ang karanasan ay di singromantic at singsaya noong sabi sa kanta… Pero, appreciated ko ang parteng iyon ng aming buhay at pamumuhay. Hmn, iniisip ko pa bang ulitin? Parang di needed, di na rin practical. Hindi ko rin sure, kung kaya ko pa…πŸ˜‰

 

Image of a couple reaping palay harvest in rural Philippines

Maraming mga palayan ang nangawala sa bansa na nagdala ng kagutuman sa kanayunan ng mga huling taon/ rbapmabs.org

 

May isa kaming kapatid, parating dreaming na ibalik ang luma pang panahon. Β Sabi nya, simple lang daw noon. Totoo naman… Pero, duda ako kung kaya nya, sakaling mangyari ang return of the comeback, hihi… Sa aming lahat, siya ang pinakakumpleto ang gamit sa pagluluto, moderno at convenient ang mga kasangkapan at mababa ang tolerance nya sa alikabok, putik at mga dumi, hahaha. Dahil nagkukunwari akong fair na tao, bibigyan ko sya ng, hmnn, three days… Try lang.πŸ˜‰

 

Image of women washing clothes in a river in rural Philippines

Masarap maglaba sa ilog, huwag lang papaabot sa init/ http://www.backpackingphilippines.com

Payak din ang modernong buhay, sa tingin ko… Pag magluluto, pipihitin lang ang gas stove, pag maghuhugas ng pinggan, pipihitin lang ang faucet at pag madilim, ipi-press lang ang ON ng switch – ano pang mas sisimple? Ang medyo komplikado, pag walang pambili ng LPG refill, pag nalimutang bayaran ang bill sa tubig at pag walang pambayad ng koryente, hoho…. Ayon, medyo komplikado ang manghiram ng pambayad ng bills, medyo mahirap i-explain.πŸ˜‰

 

 

Image of a man on the way to the forest in rural Philippines

Pirming may gulok sa kaluban ang mga Tatay sa kanayunan/ http://www.terraproject.net

Nakakatuwang magluto sa kalang de-kahoy. Masarap din ang mga pagkaing luto sa kahoy, mabango at natural na natural, ‘ika nga… Ang di nakakatuwa, ang magpaputi ng mga kalderong puno ng uling. Sabagay, okey pa rin pag may mauusap o mauupahang maglinis para sa iyo, hihihi… Hindi na rin madaling maghanap ng taga-sibak ng kahoy ngayon, maski sa liblib na lugar.πŸ˜‰

 

Pinakamahirap ang magkasakit sa remote na barrio. Kung pangkaraniwang sakit lang, pwede nang lunas ang mga tradisyunal na halamang gamot. Pag malala at kumplikado na, kailangan na ng makabagong gamot at ospitalan… Sabihin mang may natural healing powers ang medicinal plants – kailangang dumaan sila sa process – para tumalab sa katawan ng maysakit at makapagpagaling. Di Β pwedeng paracetamol lang ang iinumin at nakaantabay sa taong seryoso ang medikal na kalagayan…

 

Ang food production ng makabago man o makalumang bansa, dependent pa rin sa mga kanayunan. Sa gayon, kailangang magkaroon o panatilihin ang kabuhayan ng mga taga-bukid… Sa bawat kalamidad na dumarating, unang naaanod ang self-esteem ng mga kalalakihan sa nayon, daan para mapalapit sila lalo sa alak, sugal, kapabayaan sa mga tungkulin at pananakit sa mga miyembro ng pamilya. Hindi biro ang dinaranas ng asawa at mga anak nila – sa kahirapan ng buhay at kalupitan.

 

Sa Pilipinas, pinakamababa ang productivity ng agricultural sector, may malaking gap, sa napakalaking bilang ng mga taong naka-depende rito… Matagal nang nakaungos ang manufacturing sector Β at nitong mga huling taon, nangunguna na ang service sector sa productivity or output sa pangkalahatan… 15 taon ang nakakaraan, 93% ng negosyo sa bansa, di man lang papasok sa kategoryang small scale business. Categorically, sila ay tiny or micro. Nag-improve na, pero sa kasalukuyan, at least 85% pa rin ay micro – pagawaan sa silong, talyer, stalls, mobile peddling at mumunting tindahan sa harap ng bahay…

 

Image of a farmer's dwelling in rural Philippines

Ganito ang karaniwang tirahan ng magtatanim sa bukid sa ating bansa/ tourism-philippines.com

Ang pagsasaka gamit ang hayop at ararong bakal, na-devise pa ng tao, libong taon na ang nakakaraan. Biblical times, kung tutuusin, matapos matuklasan ang bakal at metallurgy. Ito pa rin ang gamit ng maraming farming communities sa Pilipinas… Pero may mga mas luma pang preoccupations. Ang pagpapastol ng hayop, isa sa oldest professions ng sangkatauhan, lumaganap sa unang yugto ng settled communities. Isa rin ito sa least remunerative na hanapbuhay sa ngayon. Subalit, may mga kababayan pa tayo, tanging sa ganitong paraan nabubuhay. Ganoon din ang pangingisda – gamit ay kawil, buslo at simple hooks lamang.

 

Kung papansining maigi – yaong mga nakapagtayo na ng matitibay na negosyo, nakapagpatapos ng maraming anak at nakapagtrabaho sa abroad sa mahabang panahon – siyang nakaka-afford mamuhay sa rural setting, pero may kabuhayan at access sa pasilidad at mga serbisyo. Sila ang may kakayanang mabuhay ng “payak at sapat” sa natural setting, pero di nahuhuli ang antas ng pamumuhay.

Sa mga taong wala sa buhay na nakatira sa rural na lugar, nanatili pa ring luntiang kabukiran, sikat ng araw at simoy ng hangin ang afford nila. Kapos sila sa pagkain, kalusugan, salapi, aral, transportasyon, pakikipagtalastasan, tiwala sa sarili at maging sa mga pangarap at balakin sa buhay.Β 

 

Image of a verdant rural community in the Philippines

Malawak ang bukid, luntian ang paligid at malamig ang simoy ng hangin sa kanayunan. Subalit kakambal pa rin ng buhay doon sa ngayon ang kahirapan at atrasadong pamumuhay/ http://www.panoramio.com

 

Ka-blogs, comment kayo… Β Ang dami ko na yatang naikwento, kayo naman…πŸ˜‰

 

36 responses to this post.

  1. nice… pero kung ako tatanungin mas gusto ko ang simple at payak na buhay… hehehe

    Tugon

    • hello, engineer… salamat at napadaan ka. ay, oo, mas marami tayo, iyon ang gusto. iyon lang, may kamahalan na ngayon ang “payak na pamumuhay,” ahaha. di na madaling i-afford, kainaman na… warm regards sa ‘yow.πŸ˜‰

      Tugon

  2. ahaha, ganyang ganyan din kami, hahaha, kapag naghuhuntahan tungkol sa pamumuhay noon, totoo mahirap noon kasi lahat manu-manu,pero nakakaya… sabi nga ng kapatid ko bakit pa daw babalik, mas simple ang buhay ngayon lahat may access… pero ang masaya, ayaw nyang pagamitin ng mga anak nya ng floor polisher, magbunot daw at pampasexy haha. .

    Tugon

    • hello, babetski… kaya naman, pag sa ganoong buhay namulat ang isang tao o isang pamilya. pag nasanay na sa iba, sa mas modernong buhay tapos, napunta sa makaluma at medyo atrasado, yown ang mahirap, hihi… hala pa, nakaka-sexy nga magbunot, pero medyo mahirap syang gawain (ginagawa ko pa rin yan, about 5 times a year siguro), nakakapawis at nakakangawit, dear.πŸ˜‰ ahaha

      Tugon

      • ahaha, ganun nga siguro kasi ako kapag naka 4days sa isla nahihirapan na kapag walang kuryente sa gabi, good for 3days lang talaga,
        ahihi. . exercise ko na magbunot, kaya lang minsan pinagbabawalan ako, minsan na kasing nadulas si mamita. . nyahaha
        happy sunday. .
        kaway. .

      • ahihi, natuwa ako sa kumpisal ng isa ryan. ayaw mangapa sa dilim, nyehehe. happy Sunday evening, maulan ditow…πŸ˜‰

      • ahaha. . . nangangapa sa dilim. . brownout. . nyahaha
        maulang gabi. . . .
        sarap kumain ng nilagang talong kahit may astronaut. . plus pritong daing. . ahaha. . sakol na. . nyahahaπŸ™‚

      • hala pa. pahinging talong na steamed laang, i don’t mind the uod, pramis. dapat yong green na talong, di ube…πŸ˜‰ sarap din daing, hihi.

        galunggong ang meron dine, kapatid. sakol talaga? ahaha, marami me’ng kumain ng kanin, lalo na pag sinaing na tulingan, hohoho.πŸ˜‰ good evening…

      • wahaha. . yup yung green talong, yung bilugan, mas masarap yun lalo na kung enselada with ampalaya at mustasa. . galit galit muna. . tapos may sinaing na tulingan. . whaaa. . wala nyan sa five star hotel. . . tapos yung kanin sinaing na may pandan. . . forget ang alindog. . nyahaha

      • true, hahaha, natawa talaga me, kapatid. lalo na sa part na forget the alindog, whehe. kainaman na…πŸ˜‰

  3. Natuwa naman ako sa kalang de-kahoy. Ang totoo, ganyan pa rin ang gamit namin sa Batangas. Mayroon namang gas stove pero magastos daw sabi ng Tatay. Oo nga naman, at naku, napaka daming panggatong sa amin. Nakakainis nga lang maghugas ng kaldero dahil napakauling.
    Magandang araw po!!

    Tugon

    • hello, lipadlaya… naaaliw ako, may bagong post na sa inyo… kapatid, sakaling maligaw ka uli, may lumang post dito – Kahoy na Panggatong. doon maiging ikwento iyong pagsisibak days, whehe… gandang linggo sa iyo.πŸ™‚

      Tugon

  4. Hindi madali ang buhay sa nakaraan samantala komplikado naman ang buhay sa kasalukuyan; ang gulo yata. Haha.
    Dito sa amin sa bulacan malaking porsyento ng kabukiran ay nako-convert into subdivision, mall and other establishments, oo sign of progress pero kung iisiping mabuti parang mas maraming affected kaysa nagbenepisyo. Ilang tonelada kaya ng mga gulay o bigas ang nawala dahil sa pagtatayo ng malls sa iba’t ibang province? Kaya ang ending, mag-iimport tayo ng bigas sa ating neighborhood countries samantalang agricultural country kuno tayo. Ayus di ba?

    Sa susunod na henerasyon, saan kaya tayo patungo?
    Magandang araw Ate SanπŸ™‚

    Tugon

    • hello, Limarx… hindi madali ang noon dahil kokonti ang material advantages, walang gaanong modern tools and conveniences, ganoon po ba? pero kumplikado naman ang ngayon dahil ang pamumuhay, based on cash economy. maraming advantages, tools and conveniences maybe pero, masyadong muliti-layered ang personal relations and interactions, gano’n po ba?πŸ™‚ so, gumaganit ang mga bagay-bagay, ‘ika nga…

      sa consumers, may immediate and felt advantages ang malls, subdivisions and big establishments, pero ‘yun nga, kailangang balansehin in the medium and long run sa pangkabuuan (regional and national) in terms of food sufficiency, harmony and sustainability sa environment and natural resources and sa uri ng development that we aspire for collectively. that is, kung may sense of collective as a bigger group, hehe.

      ababa, ano at saan patungo, sa tingin mo, kapatid? magandang araw din sa iyo.πŸ™‚

      Tugon

  5. Lively post.I love farming.Thank you for liking my post ( My petite love.) best regards.jalal

    Tugon

  6. hi doon po sa amin… naalala ko naman na nawala itong blog mo kasi ngayon hoshilandia.com naman ang nasa hiatus section huhuhu… anyway,

    kung usapang mabubuhay sa bukiran, iniisip ko pa lang hindi ako makakatagal. hindi naman ako yung tipong tech savvy and may lavish na pamumuhay sa city pero kasi sadyang batang kyusi na ako since birth. although, nakalakhan ko rin yung sunod sa simple life na bomba sa poso, salang sa uling at kahoy, di pihit na transistor at walang makain sa maghapon kundi toyo at kanin na may flavor- tutong or bahaw. dami ko rin kasing traditional elders.

    nakakalungkot nga isipin na ganun ang kalagayan ng ating agriculture sector. i think napasa na yung nega mentality na hanggang doon na nga lang at asa sa bukas. pero kung mapaglalabanan ng ilang magsasaka ang nega attitude at maniwalang may halaga ang edukasyon para sa kanilang mga anak- mas dadami ang mababago ang buhay at point view.

    I’m thankful sa mga magsasaka, anu man ang kanilang pinagdadaanan na hirap- mayroon pa rin tayong napapapamalengke sa talipapa, merkado at supermarket.

    Tugon

    • hello, hoshi… musta na? hope you are well, kapatid. nabaha kami uli and i had lots of things to attend to. pasensya na, ngayon lang ang reply…πŸ™‚

      oo, mahirap ang pamumuhay sa bukid – para sa doon nasanay at sa babagong titira, hihi. e, swerte ka nga? naranasan mo pa ang ibang ways ng kabukiran sa kalunsuran ng QC, ahaha. sanayan din, sa palagay ko… masarap sa liblib dahil malapit sa nature pero sa kabilang banda, mahirap din. mahirap since backward ang ways of doing things, ika nga… ^^

      ahaha, medyo fatalistic ba ang attitude ng mga taga-kabukiran? e, kasi, kokonti naman opportunities para sa kanila. hindi gaya ng mga urban folks na sanay sa balyahan, hustles and bustles ng buhay sa magulo at maingay na lungsod. mas kimi and mas hesitant ang mga laki sa liblib, dear… pero, true, pag may edukasyon, mas may tsansa para pabutihin ang buhay ng mga kababayang nasa malalayo at liblib. ^^

      ay, alam mo, agriculture in the modern times, mas mapapaganda sadya pag pursued na pangmaramihan and in a big scale. pag small plots of lands lang, cultivated ng hiwa-hiwalay and using old, old technologies, napakababa ng output at di na makabuhay ng pamilya. kailangan ng modern technologies and capital and yes, change of attitude – di na sustainable ang small, subsistent farming, sadly. kokonti na ang rich farmers sa bansa…

      pero gaya ng sabi mo, tuluy-tuloy pa rin ang marami sa kanila sa pagtatanim, pag-aalaga at pag-aani para may maibenta sa pamilihan, siya namang nabibili natin… pero, hirap na silang i-sustain ang pamilya – pagkain at pangangailangan nila. kumbaga, nagpa-farm pa rin sila kahit na lugi, iyon… better siguro if they could be helped and assisted to farm more scientifically and with higher, life-sustaining output, ‘ika nga…πŸ™‚

      salamat sa pagdaan at sa ramdam mong comment, hoshi. sana, mabalik na ang isa mo pang site… happy midweek.πŸ™‚

      Tugon

  7. Gusto ko ito. Dati din naiisip ko na parang mas okay pa noon, pero kung iisipin kong mabuti…mahirap mag-igib ng tubig mula sa bahay papuntang sentro at dadaan ka pa sa umang putik-putik. Siguro masaya lang ako noon kasi bata batuta at parang laro pa lahat, pero sa totoo lang.. Mahirap talaga. Hakhak. Ang galing mo ate!!!

    Tugon

    • ahaha, salamat, batopik… mahirap at parating may ginagawa ang buhay noon, wala halos time for leisure. tapos, pag natyempong hirap ang status ng family, lagot, hoho. true, isa sa natatandaan kong mahirap na task ang mag-igib, as in… ahihi, now ko lang uli nasalubong ang word na uma (di na ata ginagamit?) ahihi, mas ano lang yata, realistic na pagtanaw sa rural situation – may masaya gaya ng pagiging close to nature pero, over-all, mahirap nga…πŸ˜‰ mustasa?

      Tugon

  8. Ang mga taong nasanay sa simple at payak na pamumuhay, hindi na maghahangad nang lampas pa sa kinakailangan. Pero hindi kayang tumbasan ng pera ang simple joys na binanggit mo dito; ang paliligo sa unpolluted na ilog; libre at unli! Ang pagkain ng bagong-pitas na gulay at bigas na kababayo pa lang; priceless!
    Pero sa totoo lang, may kailangan talagang aralin kung paano itataas ang antas ng pamumuhay ng ating mga farmers. Very ironic kasi na silang nagtatanim ang madalas na sumasala o kinakapos sa pagkain. Chararat kasi ang mga umiiral nating agricultural programs.

    Tugon

    • hello, rhomsky… true, priceless ang experiences living close to nature. oo, kapatid, hirap talaga ang buhay ng farmers and their families. may studies na yata… sabi, lack of capital, kawalan ng insurance ng crops in case of disasters and pricing ng farm products. dito sa huli, ang nangyayari, masyadong mababa ang tinatawag na farmgate price, malayo masyado sa price ng produkto sa endusers’ end, mga gano’n… hey, salamat sa pagdalaw dito, ha… at sa makabuluhang comment. happy weekπŸ™‚

      Tugon

      • salamat din sa pag-follow.
        Sa totoo lang, mas gusto kong mabuhay close to nature o sa piling ng mga magsasaka kasi carry ko lang iyung ganoon kasimpleng buhay. Kaso lang ang nakakatrauma lang ay pag may mga tinatamaan ng sakit at kailangang iluwas sa mga bayan para magamot, e may anak pa naman akong maliit. At ang hirap ng schooling sa mga liblib na baryo, anlayo ng nilalakad ng mga bata para sa multi-grade na mga klase na may underpaid at unacknowledged na mga titser.
        Tingin ko talaga iyung mga pondong nilulustay ng mga magagaling na pulitiko ay i-channel na lang lahat sa pagpapaunlad ng ating kanayunan, baka makumbinsi ang mga sandamakmak na informal settlers na bumalik na lang sa kanilang mga probinsya kung tingin nila ay mas may oportunidad na guminhawa ang buhay nila doon.
        Hehe, haba ng comment ko. Di bale, sa susunod gagawin ko nang article ang mga rantings ko tungkol sa ating napabayaang kanayunan. Salamat sa makabuluhang artikulo.

      • hihi… agree po ako sa karamihan ng inyong sinabi, mommy rhomsky. parang rural situationer na rin ang inyong ginawa, hahaha. about politician sa provinces na sa locale mismo gagamitin ang mga pondo, may ilan nang nakagawa nyan. notable ho banda ryan si Jesse Robredo , bago siya naging DILG secretary…

        kakatuwa at salamat po sa pagdaan uli. at sa malamang comment. happy Sunday to you and to your family…πŸ™‚

  9. hihihi…nakaranas din akong mag-igib sa poso dahil nagka gripo lang kame nung nakatapos na ko ng kolehiyo kaya naman naglalakihan ang maskels ko sa braso de mercedes ko ha ha. pero, napakatamis ng tubig galing sa poso. ewan ko kung feeling ko lang, kasi ngayon syempre hindi kami makainom ng tubig galing sa gripo kaya bumibili na lang kami ng distilled water ( na lasang gamot) hakhak. pero noong bata pa ako, ung tubig lang sa poso ang iniinom namin pero pinapakuluan naman he he. pramis matamis yung tubig.

    hindi naman porket modern na eh hindi na tayo pwedeng mamuhay ng simple. gaya ng sabi mo, pag patay ang ilaw, napakasimple na pindutin lang ang switch. simple lang yan. ang komplikado eh yung nakaregister lang na thumb prints ang makakapagbukas ng ilaw hakhak…yan ang uber sa teknolohiya.

    kung meron man akong gustong balikan or maranasan ay yung mamimitas ng gulay at prutas sa hardin para lutuin…ang bahay kasi namin ay square. haha, ano yung square? square and hugis nya at sinakop nya yung lote. so wala kaming hardin, ang kaisa isang puno ng aratiles namen ay pinutol na ilang dekada na ang nakakaraan, at tanging bayabas lang ang puno sa bakuran namin. ang sarap kaya ng feeling na namimitas ng puno, kahit pa bayabas nga lang na inaakyat natutuwa na ako…ahehehe

    Ate San, ang haba ng comment ko ha ha ha

    Tugon

    • ayon, igib girl din sya, ahaha. mahirap umigib, no? ay, sa men, di matamis ang tubig sa poso, hoho…

      hmn, pwedeng simple ang pamumuhay sa modern times pag sa gaya nating nakaabot pa ng ways na sinauna, hihi. medyo mahirap siguro para sa ibang mas sanay na sa makabago at kailangan maya’t maya upgraded ang gamit, hoho…

      at talagang special mention sa kanya ang aratiles, wa me masabi. akyat-akyat lang sa punong bayabas pag may time… hoho nga, simple nga noon.πŸ˜‰

      Tugon

      • masaya mag-igib haha, mabigat lang ung mga baldeng sinauna haha…pero instant gym yan haha…

        ay nakow pano ako aakyat sa puno ng bayabas namen gantong mas malaki pa hita ko kesa sa mga sanga harhar, either mabali ung sanga at mahulog ako or di ako makababa dahil takot sa heights (nyak kahit hindi pa lagpas ng 7ft ung puno)

      • ay, masaya mag-igib pag galon lang container na bibitbitin, hihi… pag steel na balde, you na lang, kapatid.πŸ˜‰ hahaha

        actually, pwedeng sungkitin lang ang mga bunga ng bayabas. methinks its more out of kakulitan kaya nag-aakyatan ang mga bata sa puno ng bayabas, hoho. exagg description mo ng mga hita, hakhak. pero, teka, di ba bayabas na nga ang isa sa easiest to climb na puno, di nga…πŸ™‚

      • hihihi…ung balde namen ung mga lumang lagayan ng boysen paints pero ung malalaki at matatangakad (syempre maliit pa ako noon) haha

        naku, pag sinungkit lang yung bunga ng bayabas namen,. magoober da bakod ung mga bunga haha sa kabilang bahay nalalaglag tapos yung tipong andaming alagang aso ng kapitbahay na di mo na makukuha yung bayabas sa takot hahaha…kaya mabuti pang akyatin na lang para siguradong makukuha namen yung mga bunga

      • ay, wala akong masabi, kapatid. talagang tanda pa nya ang balde at mga bayabas na sa kabilang bakod nalalaglag, hahaha. ikaw na… hullow!πŸ˜‰

  10. Minsan nagkaroon ako ng kagustuhang mamuhay sa isang farm pero hindi ko yata kakayanin ang masyadong payak at rural na pamumuhay. Gusto pa rin namang mamuhay sa farm pero mas gusto ko yung nature farm kung saan may maraming kakahuyan at di masyadong naiinitan. Gusto ko yung farm na malayo sa kabihasnan at walang halos kapitbahay pero may internet lol.πŸ˜€

    Tugon

    • hello, June… ahaha, medyo mahirap mamuhay sa rural lalo pa pag sa mga urban kids, hoho… actually, mahirap sya talaga pero kinakaya noong mga sanay na, mga roon ipinanganak at pinalaki. ahaha,.. ay, estate or ranch ang hanap mo, kapatid, parang…πŸ˜‰ complete with all the plumbings. electronics and all connection. meron nyaan sa certain states sa US, sa Canada at Australia, hihihi. kaway-kaway…πŸ˜‰

      Tugon

  11. Meron akong pinupuntahang mga kumunidad na kung saan ako’y nakikipamuhay paminsan-minsan. Sabi ng nakakarami sa pamilya at kaibigan ko, weirdo daw ako.. bakit daw gustong-gusto ko makitira sa isang baro-barong bahay na walang kuryente at puro kamote ang pagkain sa probinsya e di naman daw hamak na mas kumportable ang urban life. Ang sagot ko palagi, dahil simple ang buhay, malayo sa polusyon at mapang-matang mga tao. Masarap naman ang kamote eh. haha!

    Tugon

    • hello, Jade… salamat sa pagpunta rito. true, sa humble folks in the barrio makikita ang kapayakan ng pamumuhay. yon lang, marami ring kulang, kapos palagi… ahaha, masarap ang kamote, pero dapat yata, may alternate from time to time, hoho. ^^

      yeah, you’re still young – explore the countryside, the alleys and how other people live – marami kang matutunan. ahaha, mapangmata talaga ang city folks? ahaha. teynks.πŸ™‚

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: