Ang mga alaala ay tulad ng mga ilog, umaagos
Ang mga tanawin sa ating isip, dumadaloy
Mga isiping naghihintay sa tamang sandali upang
Pumatak sa mumunting sapa at lumandas pabalik
Sa paningin. Isa-isa, atin silang sinasalok
Sa batis ng gunitang namumuo sa gilid ng ilog.
Sa bawat sugpong, may salaysay na nabubuhay at nagbubunyag
Sa nawalang alaala, nananariwa at kung minsan
Nagbabago habang ang ibang nalimutan ay bumabalik.
Ang kulay ay maaring tumingkad at ang
Kasiyahan o kalungkutan, higit-kumulang, sumidhi.
Mga kwento ng kahapon, dumaraan sa ‘ting mga isip
Mga puso at kaluluwang bumubuhay sa ating nakalipas
Sumasariwa muli sa ating pag-asa, nagpapaalala sa ating
Mga nalimutang pangarap. Sumasariwa sa ating diwa
Bilang bahagi ng isang bagay na dakila at wagas.
At naroroon din ang katahimikan, ang nag-uunahang tubig ng
Mga alaala ay titimo, ang araw ay sisikat at lulubog
Habang napipilas ang mga dahon ng panahon, ang iba’y higit na mabilis
Lumiko tayo sa isang daan; tumingala sa langit,
Minasdang magbago ang tanawin, hanggang
Mamukhaan, lumukso ang ating mga puso, ang mga kaluluwa natin
May ngiti at minsan pa dumausdos pababa sa
Ilog ng ating alaala patungo sa kariktan
Ng isip nating parating may malay. 😉
(Salin ng Tulang Juncture of the River by Ann Johnson Murphree)
Juncture of the River
Memories are like rivers flowing through
The landscapes of our minds, liquid
Thoughts waiting for the right moment to
Trickle into tiny brooks and flow back in our
Sight. One by one, we pluck them from the
Pools of recollection that form at rivers edge.
Each juncture, a story finds life and reveals
The lost memory to us, fresh and sometimes
Changing as some things forgotten returns.
The colors may become more vivid and the
Happiness or sadness, more or less intense.
Tales of yesteryear pass through our minds,
Hearts and souls keeping our past alive,
Renewing our hopes, reminding us of our
Forgotten dreams. Renewing our sense of
Being a part of something great and lasting.
Then there is silence, the rushing waters of
Memories are stilled, the sun rises and sets
As days go by, some more quickly than others.
We turn down a road; look up at the sky,
Watch the landscape change, become
Recognizable, our hearts leap, our souls have
A smile and we are once again gliding down
The river of our memories into the wonders
Of our always conscience minds.
©2013.annjohnsonmurphree
Mga kapatid, si Ann Johnson Murphree ay painter, kilala for her images and renditions of the countryside, sa Alabama. Mahuhusay rin ang kanyang mga tula about rickety old farms… Kailan ko rin lang sya natuklasan – may isang English poem, nailathala sa English site ng blogger dito, nabasa nya yata… Nag-subscibe sya, ahihi… Ang works nya, portraits ng rural life, true to form, ‘ika nga… 🙂
Paunang pagbati sa ating Buwan ng Wika, ka-blogs. 🙂 Maari nyo ring isalin ang tula, sa sariling blogs at maging sa comment section dito. Salamat, sana ay nasa maigi kayo. 🙂
Posted by June on Setyembre 24, 2013 at 6:59 hapon
Akala ko nung una, tungkol ito sa malalaking hipon. sugpo pala yun. acheche! 🙂
Ang gandang tula. Ang galing din ng pagkakasalin mo Ate San. Saktong sakto. Equally beautiful with a local homey atmosphere. 😉
Posted by doon po sa amin on Setyembre 26, 2013 at 11:57 hapon
hihi, masarap ang sugpo, true. 😉 nainggit lang ako sa author, actually – nakagawa sya ng tula about ilog? salamat sa pag-appreciate. ha at, natuwa me much dahil nagka-comment ang post, hihihi. teynks uli, kapatid. 🙂