Sugpong ng Ilog

 

 

Ang mga alaala ay tulad ng mga ilog, umaagos

Ang mga tanawin sa ating isip, dumadaloy

Mga isiping naghihintay sa tamang sandali upang

Pumatak sa mumunting sapa at lumandas pabalik

Sa paningin. Isa-isa, atin silang sinasalok

Sa batis ng gunitang namumuo sa gilid ng ilog.

 

 

Image of river in Romblon, Philippines

Mga alaala ay tila batis ng gunita sa gilid ng ilog/ intactnature.com

 

 

Sa bawat sugpong, may salaysay na nabubuhay at nagbubunyag

Sa nawalang alaala, nananariwa at kung minsan

Nagbabago habang ang ibang nalimutan ay bumabalik.

Ang kulay ay maaring tumingkad at ang

Kasiyahan o kalungkutan, higit-kumulang, sumidhi.

 

Mga kwento ng kahapon, dumaraan sa ‘ting mga isip

Mga puso at kaluluwang bumubuhay sa ating nakalipas

Sumasariwa muli sa ating pag-asa, nagpapaalala sa ating

Mga nalimutang pangarap. Sumasariwa sa ating diwa 

Bilang bahagi ng isang bagay na dakila at wagas.

 

 

Image of the Cagayan river in the Philippines, one fine day

Ilog na tahimik, hinahayaang pilasin ang mga dahon ng araw/ en.wikipedia.org

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

At naroroon din ang katahimikan, ang nag-uunahang tubig ng

Mga alaala ay titimo, ang araw ay sisikat at lulubog

Habang napipilas ang mga dahon ng panahon, ang iba’y higit na mabilis

Lumiko tayo sa isang daan; tumingala sa langit,

Minasdang magbago ang tanawin, hanggang

Mamukhaan, lumukso ang ating mga puso, ang mga kaluluwa natin

May ngiti at minsan pa dumausdos pababa sa

Ilog ng ating alaala patungo sa kariktan

Ng isip nating parating may malay.😉

 

(Salin ng Tulang Juncture of the River by Ann Johnson Murphree)

 

 

Juncture of the River

 

Memories are like rivers flowing through

The landscapes of our minds, liquid

Thoughts waiting for the right moment to

Trickle into tiny brooks and flow back in our

Sight.  One by one, we pluck them from the

Pools of recollection that form at rivers edge.

 

Each juncture, a story finds life and reveals

The lost memory to us, fresh and sometimes

Changing as some things forgotten returns.

The colors may become more vivid and the

Happiness or sadness, more or less intense.

 

Tales of yesteryear pass through our minds,

Hearts and souls keeping our past alive,

Renewing our hopes, reminding us of our

Forgotten dreams. Renewing our sense of

Being a part of something great and lasting.

   

Then there is silence, the rushing waters of

Memories are stilled, the sun rises and sets

As days go by, some more quickly than others.

We turn down a road; look up at the sky,

Watch the landscape change, become

Recognizable, our hearts leap, our souls have

A smile and we are once again gliding down

The river of our memories into the wonders

Of our always conscience minds.

 

©2013.annjohnsonmurphree

 

Mga kapatid, si Ann Johnson Murphree ay painter, kilala for her images and renditions of the countryside, sa Alabama. Mahuhusay rin ang kanyang mga tula about rickety old farms… Kailan ko rin lang sya natuklasan – may isang English poem, nailathala sa English site ng blogger dito, nabasa nya yata… Nag-subscibe sya, ahihi… Ang works nya, portraits ng rural life, true to form, ‘ika nga…🙂

 

Paunang pagbati sa ating  Buwan ng Wika, ka-blogs.🙂 Maari nyo ring isalin ang tula, sa sariling blogs at maging sa comment section dito. Salamat, sana ay nasa maigi kayo.🙂

 

2 responses to this post.

  1. Akala ko nung una, tungkol ito sa malalaking hipon. sugpo pala yun. acheche!🙂
    Ang gandang tula. Ang galing din ng pagkakasalin mo Ate San. Saktong sakto. Equally beautiful with a local homey atmosphere.😉

    Tugon

    • hihi, masarap ang sugpo, true.😉 nainggit lang ako sa author, actually – nakagawa sya ng tula about ilog? salamat sa pag-appreciate. ha at, natuwa me much dahil nagka-comment ang post, hihihi. teynks uli, kapatid.🙂

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: