Pagbabalik at Pag-ibig

 

Kung babalikan, ang ideya ng napipintong kamatayan marahil ang nagtulak sa aking magsulat sa blog. May isang gabing dumating ang notion (weird and crazy, yes) na posibleng pumanaw sa susunod na taon… Hindi ko alam, pero sakitin ako nang mga panahong iyon at naisip ko, may maiwan man lang sa mga pamangkin at kapatid, ahaha… Dati, noong bago dumating ang sangkatutak na family problems (o, hindi pa ganoon ang patas), pera lang ang iniisip kong iwan, hihi. Medyo meron pa noon at pakiramdam rin, kaya pang gumawa at mag-ipon ng marami, hihihi. Basta, nagbabasa ako no’n ng manipis na libro, tungkol sa wills and testaments, ang adik lang.😉

 

Image of a book by the seashore

Sa fairy tales, laging masaya ang ending./ http://www.facebook.com

May mga naisulat na before, essays and poems, tungkol sa kabukiran. Naikwento ko rati, influenced yaon by Jim Heynen… Pero, sulat-kamay. Ako itong si maraming notebooks, hihi. Samutsari ang laman, sinusulatan ng kung anu-ano sa gabi – bago matulog. Hindi ako exactly nag-journal sa buhay. Feeling ko, ragtag at relatively mabilis ang aking tinahak… Samantala, ang journal kako, para sa mga taong secure and leisurely ang buhay. Kaya hindi… Walang journal o diary at wala ring maayos na files ng mga naisulat sa trabaho. May ilan sigurong naitatago, alinman sa groupmates, kabarkada, kaibigan o officemates ang nagtabi. Di ko gawi to keep files of what I have written, for some reason…

 

Ang in-adopt kong system of recording, dalawa. May small notebook para sa daily expenses (halos dalawang dekadang habit na noon) at notebooks (ang iba ay makakapal, ang iba ay fancy), lagayan ng musings, doodles and observations. Pag minsan, may assessments and plans na nagagawa, ahaha. Pero, sporadic attempts – may buwang maraming entries, may buwang kakaunti… May panahong too eager to systematize things, sa paraang nakasulat at may panahon, wala nang time or energy para magsulat o magtala ng mga nangyari o binabalak. May planner ako lagi, like most people… Pero, deadlines, meetings and appointments ang ando’n. Parang mas listahan din lang? Walang gaanong reckoning, sabihin pa…

Noong naisip, posible nang magkasakit ng malubha at mamatay, hahaha, isusulat na kako, ang personal takes sa bagay-bagay, naks…  I mean, seriously. So, nagsulat na nga… Natatandaan ko, tungkol sa umaga unang articlethe sounds of the morning in a typical urban neighborhood. May tilaok ng manok, mga naglalako at mga batang sumisigaw sa paglalaro. Ang ikalawa, tungkol sa pagbabago – city sights, squatter, mga tanawin pag nakasakay sa taxi at kung relevant pa ang ma-involve sa mga isyung pampamayanan. Parang ganyan… Ang take off  – small town girl pa rin. Nakaalis nga sa bukid at sa antuking bayan, pero nag-end up sa city sa Kamaynilaang para rin namang maliit na bayan lang, ahihi.

 

 

 

 

Tapos, nag-blog na, tungkol sa bukayo at banana que, haha. Iyon ‘yong kako, precipitated ng napanood sa AFC. Di ko inilagay o inilathala ang about  morning sounds and pagbabago… Tungkol muna sa pagkain ang unang entries. Sa isang banda, the year before, kinukulit na ‘ko ng isang college friend mag-blog… Simple – karami ko raw opinyon at pagtingin-tingin, haha, at maalam daw na magsulat (sabi nya). Nagpo-photography pala si friend – analog camera pa gamit, black and white film, yong ipinapa-develop… Hilig niya, picture-picture-an ako pag magkasama kami, haha. Sya lang nakakagawa no’n, ako’y  taong iwas sa camera, hehe … Risk consulting line of work niya, married sya with one kidupdated  sa technologies and social media, what’s in & what’s not… Sya ‘tong unang nagbalita sa ‘kin, may Twitter na, hihi.😉

 

Anyway, marami siguro akong kalituhan at agam-agam noong mga panahong iyon and I must have wanted to clarify certain things for myself. Maaring yuppie dilemmas, ennui sa buhay-buhay and restlessness, siguro… Simple akong tao, in person. Simple ang desires, hindi nangarap yumaman and hindi pumalaot sa ideya ng marriage, for some reason… I mean, theoretically and from observations, alam ko… It is settling down and making a life with a person of your choosing. It is making a claim in this world, for whatever joys, tears, fears and horrors  life holds. Pero, all along, mahirap ang naging buhay namin, sa bukid at maging sa lunsod… Nag-iba naman na, to certain extents and kahit paano, pwede na ring pumili – anong klaseng buhay ang ili-live and ili-lead, and with whom.

 

 

 

 

Most of my friends are married and most of my siblings are, too. Sa mga kaibigan, late marriages sila, halos lahat, ahaha. Iyong iba, humabol lang, hakhak. May dalawa o tatlo pa ring unmarried...  May isang sense,  It’s a big and complicated world. We’re just lucky,  may space ako, kami, kahit paano, rito. Just glad we survived and got this far… At ayos na rin, kumbaga, given na walang-wala sa umpisa… Nakatira sa malaking bahay, nakakain sa labas every so often, nakakabili na rin ng magagandang bagay and generally, professionals  ang nakakahalubilo. May telepono, cable TV, internet, nakakanood ng plays pag may time, at may subscriptions ng dyaryo… Naglilinis pag walang pasok, o, nagga-garden, at nagsa-shopping, ahaha. Madalas, nakakotse pag paalis o, taxi…

Hindi malinaw, saang point nag-burst ang bubbles – kailan nag-umpisang maanod isa-isa ang certitudes and routines na so far, naipundar… Andoon ang Ondoy – disaster na nag-introduce sa amin ano ang gera, first-hand and direct – paano iyong may pera, pero walang mabiling pagkain, paano pumila at makipag-agawan at paanong maghalungkat ng susuotin, from among the ruins and remnants ng sarili nyong gamit, haha… Pero, bago pa, may mga nauna na. Andoon ang pagkakasakit ng Inay at pag-iwas ng mga kapatid, ang pag-adopt nila ng escape mode at sabi pagkatapos, “Move on na tayo.” Sinundan ‘yon ng pagkakasakit ng brother namin, hysteria ng asawa nya at escape mode din, at paano mas in-up ng mga kapatid ang ante ng escape mode. Ang pagpanaw ni kapatid, ng biglaan.

 

Sa point na iyon yata, nag-statement ang buhay, “Hindi ka pa pwedeng masyadong masaya. Wala pang karapatan. ” Siguro nga, ini-earn ang happiness sa buhay at kulang pa ang natrabaho… I mean, gaya ng naikwento, for most of my life, nagbasa lang at nag-observe. Ginagawa ang duties, sa abot ng kaya, tulong sa mga magulang at kapatid, at nag-o-occupy ng maliit na space lang sa mundo at buhay. Trained and oriented na ganoon… Dito lang yata sa blog nangahas mag-boses ng iba, ‘yong parang sure sa mga sinasabi… Napapaligiran ako ng magigiit na tao, sabi ay may higit silang claim – sila itong nagmahal, may kapangyarihan at nasa tama. Sila ang nasa lugar at nakakaalam – aling kasinungalingan ang pagmumukhaing totoo at paninindigan. After all, susi raw sa buhay ang paggawa ng constructed realities. Sabi…

Kung ngayon tatanungin, tanggap ko na ang pagkakasakit at pagpanaw ng Inay, pati ng kapatid naming lalaking panganay. Am now on my fourth decade of existence, nakuha ko na – kasali at parte ang mga iyon. At ang mga naiiwan, mandate sa kanila, sa amin, ang magpatuloy harapin ang buhay – gaano man kalungkot and unsure... Ang mahirap wari, coming to terms with –  kawalan ng pakialam, justification ng karuwagan at pagmamatigas ng loob – ng sariling pamilya at mga kasamahan. Naitatanong, “Asan ang pagmamahal na kanyo, alam nyo? Anong klase at nasaan?” Kahit paano, alam ko na rin,  It is the thread of love, affection and respect that keeps the world going. It is important to secure and protect it, for those times when life rushes in on you, as in a battle.

 

Image of a damsel just rescued by a knight in shining armor

Sa chivalric love, parating may damsel in distress, kailangang iligtas/ http://www.paganspace.net

 

Sa mga sumunod na henerasyon, tila mas madaling makita para saan boboto at kailan mangangahas at magpapasya… One casts away his fears and makes a vote for love. For in so doing, he is making a stake on life – for whatever it may hold... Hindi ganoon kadaling makita iyon sa generation namin, for some reason. Or, at least, sa akin, ahaha.. Sa kasalukuyan, malakas ang trumpet para sa individuality at pagsunod sa pansariling desires. Tila mas may confidence din ang mga bata, may sense of entitlement. Iba pa yata noon… Tingnan daw ang mas malaking larawan, maraming nagugutom at matutong magparaya, sabi. Matuto raw mag-sakripisyo at i-align ang paghahangad sa kalagayan at layon ng iba. Nag-stick iyon sa akin – galing ako sa malaking pamilya, marami kaming magkakapatid… Panahon din iyong trampled upon ang rights, lives and desires ng nakararami…

Kung sa ngayon titingnan, hero complex lang ‘yon, reverse egotism at misplaced na pagnanais iligtas ang mundo… Thing is, hindi naililigtas ang mundo, na-i-in love lang ang tao – alam ko na rin yata, from experience. Hindi naililigtas ang mundo, although it remains to be a pitiful, sad place, perpetually threatened by the untrammelled desires ng mga nakatira rito. It seems, ang tao ay pwedeng malito at di makita ang kaibahan ng love sa desire. Na ang pangalawa ay bahagi lamang ng una, na ang paghahangad o pagnanasa, umpisa pa lang at ang real reckoning – kung kayang panindigan ang una. Mahalaga ang pagnanasa sa buhay at pagkatao ng tao. Pero maari itong mawala, masira, magmalabis at napi-perverse – kung hindi pamamahalaan at gagabayan ng pag-ibig… May tendency and capability itong maging marahas, malupit at mapangwasak. Romantic love is but the beginning.

 

Marami-rami akong nailathalang posts about romantic love sa blogs. Gusto sanang i-explore kung alam ko pa – paano magkaroon ng paghahangad at pagnanasa sa buhay… Kung tama ang kuha ko, marami ang ka-blogs na nahiya para sa akin, may mga umiwas at lumayo. May mga nanlait rin ng labis labis…🙂 Hindi ko sinasabi sa mga sulating mas alam ko ang usapin. The proof of the pudding is in the eating. Iyong sabi, “E, lab layp, meron ba?” Ang sagot, isang tamemeng, “Wala po.” Hihihi.  Pero, marami akong kwento at hiling sana sa ka-blogs at mambabasa, pwedehin na muna sana, ahaha… Well, nasasa inyo iyon. I guess, hindi yata lahat nakakatagpo at natatagpuan… Hindi sa nagmamaganda ako o, nagmamataas ng standardscheap din, ahaha. Am the type, sumasaya na pag inalok ng 3-in-1 na kape. Sus, marami rin ang naipasulat sa akin, libre lang.

 

 

 

 

Dito sa site, may isinulat, Pag Nagkakasakit ang pamagat. Kwento iyon tungkol sa pagiging sakitin no’ng bata pa, medyo comedy ang format at, first person ang boses na ginamit. Sa isang banda, kwento ko ‘yon. Sa kabilang banda, hindi rin… May isang word, dapat andoon sa article, pero kung susuriin – wala. Ang salitang iyon, o ang kawalan noon ang dahilan bakit namatay ang bunso naming kapatid na lalaki, nasa grade 5 ako noon… Naikwento ko ang pangyayari, sa isang post sa English site. Naipahiwatig din sa page sa SSA site. Curiously, walang ka-blog na nakapansin, wala ang nasabing salita. From my end, ang post ay kwento sadya tungkol kay bunsong kapatid.

As things would turn out, baseless ang notion na mamamatay na by 2011, ahaha. Katunayan, sa susunod na buwan, magta-tatlong taon na po sa blogging, naks…🙂 Pero, tama pala ang kutob, may dapat ngang balikan sa mga pangyayari noong araw. At natuklasan ko na ang consequences ng pagkamatay ni bunso, ang una sa series ng  tragic na pagkamatay sa aming pamilya. Hindi ko ikukwento sa blog, ha, sa amin na lang… Pero, I am grateful, nalaman ko, interrelated ang death and love sa pamilya – love or lack of.  Sabi, alinman sa takot o pag-ibig ang nagi-generate ng isang ugnayan. Pag una, karuwagan at karahasan ang resulta. Pag ang pangalawa – may mararating, may pupuntahang maganda.

 

Innate raw ang magmahal sa tao and love always finds a way. Ayon lang, requirement ng pag-ibig na maging matapang, ahaha. At this point, hindi ko pa masasabing matapang na ako. Ang kaya pa lang sabihin, alam ko na bakit may mga pagkakataong naduwag. Gaya ng nasabi dati, masakit ang naging kapalit ng pagbabalik doon sa amin, ng pagkabatid sa puno at dulo ng mga pinuntahan, napagpasyahan at tinahak sa buhay… Pero kung iyon ang susi para mabuo muli at maging handa sa mga kinakaharap at kakaharapin, bakit hindi? Sa umpisa lang bulag ang pag-ibig, sa mga kasunod na yugto, mulat na. Pag nanatili itong bulag, abuse and bondage ang kasunod. Tila dapat rin, ito ay buo – para kayang ihatid ang tao sa landas na nais niyang puntahan.😉

 

 

 

 

Pagbati sa inyo, ka-blogs. Here’s wishing for love-filled days…🙂

 

10 responses to this post.

  1. kasarap magbasa lalo kung may background music. mas nakapukaw lalo sa akin ang pinaka-huling himig, kaka-kilig. salamat sa mga handog himig sa paskil na ’to.

    Tugon

  2. alam ko na kung anong hiwaga meron ang iyong pagsusulat Ms. S, hindi ka lang mapagmasid, isinusulat mo talaga (journal) sa iyong kwaderno.

    Parang feel ko music, if I ever fall in love again. love knows no age di ba?

    wishing you a great love! happy weekend.

    Tugon

    • ahaha, inisip nyo talagang may hiwaga? kainaman na… notes lang ho ng notes, usually. ni hindi sentences, phrases lang, hihi…

      ayiii, love knows no age, hala pa.🙂 ganda ho ng boses ng singers, sila na…

      wishing you the same. thanks po, have a pleasant weekend🙂

      Tugon

  3. apir tayo dyan San!

    Tugon

  4. Ang sarap magbasa ng mga post mo naikukwento mo ng swabe ‘yung mga nangyari dati sa buhay mo, ang dami mong experiences at hindi ka nawawalan ng topic. Masakit ang istorya na may namatay sa pamilya tragic ‘yun, nung namatay ang erpat ko it take months bago ako nakagawa ng blog entry tungkol sa kanya balak ko irepost yun this month kasi death anniversary niya this month. Sa tuwing nababasa ko yun emotional pa rin ako siguro dahil based on true story kaya ganun.

    Ang sarap magblog, ang dami nating advantage and privilege compared sa mga taong sinasarili lang ang mga thoughts and grievances sa mga bagay-bagay, naiimortalize yung mga gusto nating sabihin, mababasa ang akda sa mahabang panahon, nakakatulong sa mga taong nakakarelate sa mga pinagsasabi. Haha, ang morbid lang ng naging dahilan mo bakit naisipan mo magblog! At least ngayon iba na ang thinking mo.

    Nakakalibang yung mga blog entry mo bukas balik ako dito.🙂

    Tugon

    • salamat, Limarx…. at napa-comment sya rine, kumusta naman yon? hihihi… hala, dalawang brothers na namatay plus the parents, kapatid. tragic deaths lahat, nasa vicinity me, kumbaga, when they happened. i was there during the times and to a large extent, involved… kaya, masakit and maraming iniwang mga tanong…

      and, my remaining siblings and I do not see eye to eye on many things in life, as we’ve different sense (and ideas) of how to make sense of those deaths in the family… August pumanaw father mo? ay, it’s not that easy to come to grips with passing away.

      ahaha, morbid? oo nga, pinag-isipan ko rin, bago i-publish ang post. some, might find it too intense, drastic and shocking, ahaha. and it did draw away several ka-blogs, kapatid… several sensibilities have been confused, turned off and revolted by this post. hindi sila tulad mong naaliw lang – paano naisulat ang gano’ng kasasakit na experiences, haha.

      nalungkot siguro sila, more than anything. that life could deal one so badly. ang iba naman, tingin lang e, duma-drama or nagpapansin, ahaha. kung alam lang nila, i don’t need to write one, there’s just too many going on, too many encountered, hala pa…

      salamat. natutuwa ako at naaaliw ka. mas seasoned reader kapatid mo rito than a seasoned writer, just so you know, ahaha… happy long weekend home.🙂

      Tugon

  5. Sa pagsusulat, mas lalo nating nakikita ang mga dating hindi natin nakikita sa ating sarili. Ano daw? Hakhak. Pero gusto ko to ang daming quotable quotes, lalo na yung “di naililigtas ang mundo”. Poetic at sobrang malaman. Naks! Nakakaaliw talaga dito, lalo na yung simula na akala mo mamamatay ka na kaya nagbasa ka pa ng libro tungkol sa wills and testaments. Hahaha! Basta nakakatuwa. Ang galing at ang ganda! Sabi ko sayo gumawa ka na ng libro e. Novel o compilation ng mga entries mo. Hehe. Have a good week ahead, ate!🙂

    Tugon

    • haha, true. self-awareness ang isang malaking naibibigay sa atin ng pagsusulat…🙂 hala pa, quotables talaga? hmn, ang medyo may dramatic intent (intent talaga) or emphasis, yong dalawang um-ingles, ahaha… ahihi, nagbasa talaga me ng book about wills and testaments nown, kapatid. naapektuhan kasi me talaga sa death ng brother namin. saka, that time, di pa kami over sa pagpanaw ng Inay. maraming deaths sa family namin ta’s tragic pa… so, yon, naisip na di malayong mamatay na rin moi, hohoho.

      thanks. balak ko naman, pero in two or three years pa, maybe. blog blog muna. have a good weekend ahead, batopik.🙂 salamat uli…

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: