Ang ugat ay siya ring bunga

 

Hello, ka-blogs! Kwentong ube tayo, ahihi… Alam nyo ang ube, sure me much.๐Ÿ˜‰ Purple yam ito sa English. Isa itong uri ng tuber or rootcrop. Iba pala ito sa taro, mga kapatid. Tuber din ang taro at malapit na kamag-anak ng ube, pero magkaiba sila… Nakakain ang ube at masarap, walang tututol, hihihi…. Halayang ube, anyone? Oo, siyempre, nakalagay sa halo-halo, sarap! Purple yam jam nga pala ang halayang ube sa English, mabanggit lang…๐Ÿ™‚

 

Image of purple yam jam

Halayang ube, isa sa masarap at kinasanayang minatamis ng mga Pilipino/ wanderingchopsticks.blogspot.com

 

Ang ube, isa sa mga halamang-ugat na paboritong itanim ng mga taga-amin, bukod sa luya, hehe. Bagay ang ube sa lupa roon… Tapos, hindi ito high maintenance na pananim. Basta maganda ang lupang taniman, medyo malamig at may kaunting espasyo – malayu-layo sa iba pang pananim – nabubuhay at lumalago na itong halaman.

 

Image of a puple yam tuber with sapling

Tanim na ubeng may suloy na/ en.wikipedia.org

Ang pagtatanim pala ng ube, para ring pagtatanim sa kamote at patatas. Pipiraso ng ubeng magulang, malulusog at may mga mata – siyang itatanim. Maliit lang, aboutย two inches na cubical, ilalagay sa hinukay na lupa. Tatabunan yaon at regular na didiligin. Ang kapirasong tanim, pag nakailang-linggo, magkakasuloy na, ahaha. Pagnakailan, iyon ay lalago… Habang lumulusog ang mga dahon sa itaas ng halaman, nagkakalaman rin at lumalaki ang mga ugat nito sa ibaba, sa ilalim ng lupa. Nakakamangha, nakakagiliw…

 

Para rin nga palang kamote oย sweet potato angย halamang ube. Bukod sa kulay ng kanilang laman, ang kaibahan ng dalawa, ang puno ng ube ay mas matingkad angย vine-like property. O, ha, may vine-like na nalalaman, shaks… Oo, mas gumagapang ang puno, mga sanga at dahon ng ube kaysa sa kamote. Ewan ko lang, bakit…

 

Image of purple yam plant with green, healthy leaves

Hugis-puso ang mga dahon at uri ng halamang gumagapang para mabuhay at lumago/ en.wikipedia.org

 

Pareho sila ng kamote – gumagapang at pumupulupot sa balag o katabi nitongย shrubย o kaya, poste… Pero, kung tama ang na-observeย ko, ang kamote, pwedeng walang gagapangan sa loob ng isaang ย yarda o isang metro, pero makaka-surviveย pa rin at lalago. Pataas… Samantalang ang ube, isangย foot ruleย pa lang ang suloy, kailangan nang lagyan ng kawayan o posteng makakapitan. Kung hindi, babagsak itong halaman sa lupa, mamamatay. Para itong baging, baging na malambot ang mga tangkay at dahon…

 

Image of a robust purple yam plant in a backyard

Kulay lila ang gilid ng tangkay at outlines ng mga dahon ng halamang ube/ davesgarden.com

 

Sa amin, ang mga tanim na ube, may sariling balagan oย trellis. May gapangang ginagawa para sa kanila ang magtatanim. Mayย alloted spaceย rin para sa kanila. Pag ginawa silang paningit lang sa ibang mga tanim, hindi sila lumalaki ng ayos. Pag minsan,ย alternate cropย din ang ube. Halimbawa, inaantay pa angย planting seasonย ngย major crop, magtatanim muna ng mga ube. O, kaya, nasira ng bagyo ang sadyang tanim, lalagyan muna ang espasyo ng mga ube, para di masayang ang lupa at panahon…

 

Image of clean purple yam harvest

Lumalaki at bumibigat ng husto ang tanim na ugat ng ube/ http://www.imagesphilippines.com

Pag inaani na ang mga tanim na ugat ng ube, sinlalaki ng sanggol na bata o mas malalaki pa, ahaha. May hawig din ang tuber na ube sa luya, parang ganoon din. Mas malaki lang ang size na inaabot ng mga ugat ng ube, kaysa sa ugat ng luya. Bale, ang tanim na luya, maaring lumaki ng kalahating kilo hanggang dalawang kilo ang mga galamay. Ang ube, mga dalawang kilo hanggang limang kilo ang inaabot na laki ng isang tanim. Nakakatuwa…๐Ÿ˜‰

ย 

Sa amin pala, pambenta sadya ang ube, kaya itinatanim. Cash crop, ibebenta sa mga mangangalakal ng gulay para dalhin sa malaking pamilihan. Ang gamit nito sa bahay o personal consumption, pang-special occasions lang, pag magha-halaya ng ube – pag pasko, Bagong Taon, pista at iba pang mahahalagang petsa. Kung hindi rin lang, ipagbibili ang inaning ube.

 

Paano na ang mga batang gaya namin noon, parating foraging for food sa loob ng mga balagan? Ahaha. Ay, di problema, sa totoo lang… Dito nag-a-apply ang sabi, Nature provides. Ahihi, paano? Ang ube ay namumunga, ganoon ka-simple at ganoon kadali… Bale, ang ugat o tuber na lumalaki sa ilalim ng lupa, iyon ang ipagbibili at ang bungang ube, pangkain ng mga batang makukulit at parating gutom, hihi.๐Ÿ˜‰

 

Image of ube fruit

Ang bunga ng ube, sinlalaki marahil ng mga manggang Indian na may buto na, nakabitin itong mga bunga sa halaman/ marketmanila.com

Oo, mga kapatid, bumubunga ang ube ng ube rin. Totoo, walang halong biro… Kasinlalaki ng mga manggang bubot pa – ang bunga nito. Kita nyo ang Indian mango na ilang linggo pa lang namumunga? Parang ganoon kalalaki ang bunga ng halamang ube. Para silang pansabit sa palosebo, mga palamuti sa halaman. Pinipitas namin ang mga iyon noon at inilalaga, parang kamote… Ang galing ng kalikasan, hano? Pag naka-ipon kami ng mga kalahating kilo o isang kilo ng bungang ube, may pang-meryenda na kami, ahaha.๐Ÿ™‚

 

Ano’ng lasa ng bunga? Lasang ube, as in… Di nga, parang ugat rin ng ube. Ayon lang, mas maputla ang kulay nito kaysa sa ugat at mas mild ang lasa. Pag wala na kaming mahukay na ugat ng kamote noon, bunga ng mga ube naman ang kinukuha namin, pampakalma sa mga tiyang pirming gutom, hihi… Sa totoo lang, pag ang ugat ng ube ang inilaga, hindi gaanong masarap… Masyado itong kulay ube at concentrated ang lasa (parang squid). So, happy kami noon pag ang mga tanim na ube, namumunga na.

 

Personally, isa ang ube sa nakaka-amaze sa akin sa mga tanim sa amin. Kung ano ang ugat, siya ring bunga… Ang ugat ay for industrial consumption; ang bunga, for personal and immediate consumption ng nagtatanim. Bakit for industrial consumption? Napaparami kasi ang ube, kayang i-mass produce, kumbaga. Pag nahukay na sila at napagsama-sama, ibebenta sila ng maramihan. Kadalasan, industrial consumers ang bumibili ng mga ito.

 

Pag sinabing industrial consumers, mga mamimili silang hindi kaaagad iko-konsumo ang produktong nabili, kundi ipo-proseso pa nila iyon o gagawing ibang produkto, para maibenta. Ang halimbawa ng industrial consumer – ang mga may gilingan ng bigas sa palengke, ang may malalaking tindahan ng halo-halo at ang mga naglalagay ng ube sa garapon – sweets manufacturers. Pati rin ang mga confectionery and bakeries. Ayon…

 

Image of boiled purple yam fruit boiled and skin removed

Ganito pala ang itsura ng nilagang bunga ng ubeng binalatan/ marketmanila.com

Siyanga pala, medyo matagal ko nang gustong isulat ang tungkol sa ube, para sa mga pamangkin… Hindi na nila ito naabutan. Nakakakita na lang sila ng ube, pag may galing sa Baguio, nakalagay sa garapon, ahaha. Pag minsan, may ubeng ugat sa kusina ng mga bahay nila, bigay ng mga tiyahin namin sa bukid. Naka-stand by sa bilao sa sulok, kung ilang linggo, nag-aantay na may magsipag gumawa ng halaya, hihi… Pero hindi alam ng mga pamangkin – ang ube ay bumubunga. At, sa maraming taon, isa ito sa mga meryenda namin.๐Ÿ˜‰

 

32 responses to this post.

  1. We always have ube jam in our fridge, like right now. We buy it already ground, so we just cook, add milk, butter sugar… I’m the expert ube jam cook in the house.

    Tugon

    • hello, Ren… aha, mahilig ka rin sa ube, huli ka…๐Ÿ™‚ ang daya nyo, ground na? oo nga, time saver pag nagiling na ang ube at imi-mix na lang… teka, pahingi?๐Ÿ˜‰

      Tugon

  2. Right after commenting, I got up and went to the kitchen to eat some ube. Eeeek ! There is mold already ! I threw it away and told Mom. Kasi naman, nobody is eating anymore. Ha ha

    Tugon

  3. ang ganda naman ng kwento mo, hindi ko naiisip pero kinukuha namin both laman sa lupa at yung nasa baging na bunga ng ube, noon yun. wala ng nagtatanim sa amin ngayon, sayang ang lupa saka hindi nakita ng mga anak ko yan๐Ÿ˜ฆ

    Tugon

    • salamat ho.๐Ÿ™‚ hala, hindi po masyadong masarap ang laman ng ube sa lupa unless gagawing halaya (sa akin lang). talaga, wala nang nagtatanim sa inyo ng ube, sayang naman. sayang din at di na nakita ng mga anak nyo, ms. S…๐Ÿ™‚

      Tugon

  4. pag iba gumagawa/nagluluto ng ube samin, masarap sa panlasa ko. pero pag yung sariling luto namin sa bahay, nakakaumay kainin. mas masarap talaga pag bigay ng iba hehe.

    Tugon

  5. Wow, you have access to fresh ube, that too organic! Speaking of which, we do get halayang ube in the leading supermarkets here – imported all the way from the Philippines or Thailand. Makabili nga later after work…

    Tugon

    • ay, it’s cultivated in our place, dear. ahaha, talaga? ang galing naman. at sya na ang nag-crave.๐Ÿ˜‰ btw, mahal na rin ang halayang ube rito, lalo pag sa supermarket… how much there, yong nakalagay sa tin ng leche flan? at ang husay lang mag-Tagalog ng isa ryan, hihi. ๐Ÿ˜‰

      Tugon

  6. yan ba e halaya?

    Tugon

  7. Dahil dito, parang gusto ko tuloy kumain ng ube today. Yum!

    Tugon

  8. halukay ube..halukayin mo ng todo!…masarap yan pag new year at xmas๐Ÿ˜‰ happy weekend te san..

    Tugon

    • ahihi, now ko lang ule narinig ang halukay ube, aliw… ay, myr, if you’ve experienced maghalo ng ube sa halaya, malalaman mo – mahirap ang gawain at sobrang matagal. di ko alam if kakayanin mong maghalukay nito ng bongga. sticky kaya masyado?

      mai-move mo lang ng onti ang sandok sa kawa, mahusay ka na, hihi. masarap, lalagyan ng margarine, try mo…๐Ÿ™‚ happy Friday, kapatid. salamat sa visit.๐Ÿ™‚

      Tugon

      • na try ko na po maghalo. sobrang mag eexert ka talaga ng effort. it will take time talaga bago siya maluto. i remember one time na gumawa kame ng ube, instead na asukal un ilalagay ko eh iodized salt ang nalagay ko,,ang alat tuloy ng ube at nasayang lang ung ilang oras na pag halo..hehehe..happy friday din sa iyo…

      • hihi. yun nga, effort kung sa effort ang paggawa ng halaya. the kind of food na one works hard for, sabihin pa…๐Ÿ˜‰ ay, sus, iodized salt, sindami ng asukal – tama ba naman yon, kapatid? try mong magtagal tagal sa kusina these days at nang mapamilyar sa pagluluto, hihi. kainaman na…๐Ÿ™‚ happy weekend sa ‘yow, Myr.

  9. May bunga pala ube?!?!!! Hindi ko alam! Gusto ko matikman pareho ^_^ curious ako ei!

    Sa holy land noon, ang ube namin eh powder na malagkit saka lalayan ng kulay…. Lasang ube na rin hihi

    Hallo San! San kaya ako mkakahanap ng ube sa weekend?

    Tugon

    • yes, meron… about half ng size ng indian mango – pabilog, oval or hugis-puso ang mga bunga. basta, tip ko sa ‘yo – namumunga ang ube. ng ube rin, hihi…

      malagkit powder na kinulayan, ang kulit… isipin mo na lang, ube nga!๐Ÿ˜‰ lagyan mo ng star margarine, dali… ^^

      hanap ka sa market, this weekend, froggy.๐Ÿ™‚

      Tugon

  10. masarap ang ube, gusto ko ang ube, isulong ang maka-ubeng pilipinas๐Ÿ™‚

    Tugon

  11. Ang ganda pala ng ube pag raw no? Ang weird, namumunga ang ube? Daming trivia nito Ate San! Salamat sa mga pamangkin mo at pati kami nabahagian ng iyong kwentong ube.๐Ÿ™‚

    Tugon

    • aye, kapatid. ube and other rootcrops, parang wonders of nature din…oo, namumunga ito, ang size, about half siguro ng mouse ng PC, haha. nakabitin sila sa baging – para sa mga bata. ang saya, di ba? sana, makakita ka nito, isang araw…๐Ÿ™‚

      Tugon

  12. Last week nagube kami kaso lang nakakapagod haluin. Pero masarap ilagay sa halo-halo! Kung anong ugat siya ring bunga hahahaha! Natatawa ako dito sa article mo na to ate san! Hahaha! Kaway-kaway! Haha kuya pot.

    Tugon

    • haha, naghalo sya ng ube, nakakabit pa braso mo? hakhak. basta, bumubunga ang ube. dapat makakita ka ng bunga nito, sarap pag inilalaga… salamat sa pagbabasa. parang marathon reading gawa mo, a. kaway-kaway, Potpot mode.๐Ÿ™‚

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: