Pagbabalik sa panulat – paglikha ng atmosphere

Image of the earth's atmosphere

May atmospera sa panulat, lalo pa kung ang sulatin ay ukol sa nakalipas/ earthobservatory.nasa.gov

Hello, ka-blogs! Sa isang dating post dito, Papalayo, Papalapit, nabanggit ang pangangailangang likhain muli ng manunulat ang atmosphere, kung ang sulatin ay ukol sa pagbabalik sa nakaraan. Bakit? Para ma-itsurahan ng babasa ang panahon at pangyayaring ikinukwento. Kung walang atmosphere, tuyo ang kalalabasan ng istorya, hindi nakakaganang pakinggan. Malamang din, hindi mabubuo ang karanasan ng bumabasa – sa pagbabalik sa pangyayaring lipas na.

 

Pero paano? Iyon ang tanong. Sa pinakasimple, lalagyan ng nagsusulat ng sights and sounds ang panulat. Mga pangitain at tunog na angkop at natatangi, hanggang maari, sa panahong binabanggit sa istorya. Kung tungkol sa huling dekada ang panulat – dapat naroroon sa kwento ang distinguishing features ng decade. Kung tungkol sa kamakalawang dekada, ilalagay sa panulat ang characteristic features ng mas nauna pang dekada. Kung sa dekadang mas maaga pa, kailangan ay kapado at mas malinaw pa – ang sights and sounds na i-incorporate sa panulat. Paglayo, tila dapat, paglinaw pa…🙂

Mas malayo, mas malaki pa ang pangangailangang gawing halos andyan at kahapon lang naganap ang lahat. Sa ganoon, mailalapit ang audience sa mga nangyaring gustong paitsurahan sa kanila… Ito ay usapang proximity, kumbaga. Isu-zoom papalapit, para palinawin at gawing mas maganda ang reception. Ito ay upang hindi distorted ang kwento, kundi, buo ang pagdanas o pagsasabuhay muli ng nagbabasa sa mga nangyari. May technique rin, kumbaga… Ito ay para hindi hazy. Kung hazy o blurred ang rendition sa past events, hindi ma-e-engganyo sa pagbabalik ang babasa.

 

Image of the earth's atmosphere with sun rays over it

Ang sights and sounds sa sulatin ang maghahatid ng malinaw na pakiramdam sa mambabasa/ http://www.trottierenergyfutures.ca

Karamihan sa isinulat sa DPSA ay lipas na – mga pangyayari at eksenang naganap bago pa isinilang ang karamihan sa bloggers na Pinoy -pasensya naman… Malaki-laki ang responsibilidad na nakaatang kung gayon, sa balikat ng nagsusulat – to render the events in as vivid a manner as possible. Sapagkat kung hindi, malabong maka-connect ang readers, hindi pa ipinapanganak  o kapapanganak pa lamang, sa panahong ikinukwento … In a way, baka pwedeng sabihin, para itong paggawa ng isang period film. Indie film, siyempre… Kailangang  i-recreate halos lahat. May production set, ahaha. Ipapakita ng mga iyon kung ano ang mayroon sa dati. Once upon a time, in a not-so-distant past…

 

 

Isa sa mga panulat ditong puno ng atmosphere ay ang Pangako ng Tag-ulan. Dalawa ang settings nito – sa city sa kasaluluyang panahon (2011) at sa baryo, 30 taon ang nakakaraan (1981). Nakapaloob sila sa iisang istorya, ang istorya ng tag-ulanan… Sabi roon, may magkakakaibang pakahulugan sa tag-ulanan ang mga tao. Magkakaiba ang ibig sabihin sa bawat tao ng iisang rainy season… Pero saanman, the rainy season always catches one unprepared. Kumbaga, dalawang viewpoints at dalawang pakiramdam ang tinangkang ipakita at ipadama sa mambabasa. Pareho silang balisa, kung tutuusin. Parehong reluctant tanggaping andyan na naman — ang tag-basaan.

 

Napansin nyo marahil, mas enthusiastic ang reception sa tag-ulan ng narrator na taga-bukid (first person speaker) kaysa sa taga-lunsod (second person). Na kung susuriin, may timbang – mas life-generating ang tag-ulan para sa mga tao sa kabukiran kaysa sa tagalunsod. Bakit? Sapagkat sa city, ang tag-ulan ay inconvenience – ibig sabihin ay baha at indoor existence… Sa taga-bukid, kahit pa ang tag-ulan ay may dalang bagyo, ito ay nangangahulugan ng pagtubo ng mga pananim at pagsigla ng kapaligiran. Ang ulan sa panulat ay tumutukoy sa buhay – sa cycle of life, ‘ika nga… Para sa mga naka-depende sa kalikasan para mabuhay – panibagong sigla ang hatid ng tag-ulan. A new lease in life, so to speak.

 

Image of a chart illustrating the water cycle on earth and the atmosphere

Mula sa lupa, aakyat paitaas sa atmospera ang tubig, upang kapagdaka ay bumaba muli/ whyfiles.org

 

Pero strictly speaking, ang Pangako bilang write-up ay kwento (hindi isa lamang sanaysay o essay). Sa gayon, hindi maaring sabihin ng diretsahan ang kahulugan – ang point, ahaha. Kaya, mga paglalarawan ang ginamit sa panulat. Anu-ano ang pakahulugan sa tag-ulan ng isang nilalang? Malamig na panahon, basang paligid at masarap di pumasok at matulog na lang. O, humigop ng mainit na sabaw, ahaha… Sa taga-city, ang tag-ulan ang ibig sabihin – traffic, pagka-late, sapin-saping deadlines at mga lakad na napo-postpone or reset, ahihi. Ayon… Anyway, hopefully, naipakita sa sulatin ang range ng mga pwedeng mangyari – pag tag-ulanan na… Kumbaga, isang byahe ang panulat para tanungin at sagutin na rin – Ano ba ang tag-ulan  para sa iyo?

 

Sa sinasabing nililikha natin muli sa panulat ang paligid at pati ang pakiramdam ng lugar at panahon, importante ang umugnay mismo sa sarili ang manunulat. Tanungin mismo ang sarili – ano ang pakuhulugan ng tag-ulan sa kanya. At dito, wari ay magkakaiba tayo… Maaring ang pakahulugan ng tag-ulan sa isa ay marami noong basahan sa loob ng bahay. O, di kaya, maraming payong sa may labas ng opisina… Sa isa naman, ang tag-ulan, ibig sabihin ay nasa kanya-kanyang kwarto ang kapamilya at pag siya ay lumabas sa kusina – walang taong mabubungaran. O, maari ring kabaligtaran… Pag tag-ulan – laging puno ng mga tao ang kusina – nagluluto si Nanay ng sabaw, hinihintay ng lahat na maluto…🙂

 

Image of water suspended in the atmosphere

Ipinaghehele muna sa atmospera ang tubig, bago bababa muli sa lupa/ ga.water.usgs.gov

 

Sa gayon, iba marahil ang pakahulugan sa manunulat ng tag-ulan – warmth and togetherness… At pag natukoy na, doon iikot ang istorya ni manunulat. Ipapakita niya sa mambabasa sa kasalukuyan – ang atmosphere ng tag-ulang nangangahulugan ng init –  ng samahan ng pamilya.😉

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

* Mga ka-blogs, noong sinulat ang Pangako ng Tag-ulan, halos dalawang taon ang nakakaraan, sinulat iyon ng walang gaanong ideya ang may-akda ng whys and wherefores nito, ahaha. Basta, matagal nang pangarap na makapagsulat ng tungkol sa tag-init na mata-transform into tag-ulanan… Two years matapos ilathala ang sulatin, napagtanto  ng inyong lingkod – bakit at paano niya iyon nagawa, ahihi.

Kumbaga, binabasag dito sa post ang sariling trip, whehe. Akala ko rin dati, ang brilliant at ang clever ko lang, hakhak. Di pala, ahihi … ;) May technique pala, di lang sinabi ng utak sa ‘kin until much later. I hope, sa pagbabahagi rito ngayon, may maitutulong ito sa inyong pagsusulat kahit bahagya at di sana masyadong pasaway. Regards sa inyo and cheers!🙂😉

 

2 responses to this post.

  1. hehehe tanaw tanaw lang muna Ate San

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: