Daloy

Hello, ka-blogs! Huling hirit na po for the season itong re-blog ngayon, hihi. Isi-share ko sa inyo itong post ukol sa traffic, ang traffic sa paningin ng isang dakilang commuter, ahaha. Btw, nagkaroon na rin po ang blogger dito ng pambili ng awto noong araw, pero di nya itinuloy. Ang lakas lang ng loob, ahihi… Wala naman po akong masyadong na-derive na aral sa karuwagan kong iyon, hehe. Ang masasabi ko lang, kung natuloy ang pagbili ng kotse noon, malamang, di naisulat ang post na ito, hahaha.

Sana ay nasa maigi kayo. Happy weekend!🙂😉

doon po sa amin

Saan papunta ang daang libong sasakyan kapag Biyernes ng alas singko y medya ng hapon? Sa mga panulukan para maghatid ng mga inang nanabik makauwi sa mga anak? Sa mga daang palayo sa mga kompanya at empresa, para iuwi ang ponglibong mga pagal na katawang humihingi ng pahinga? Sa mga kulumpon ng kainan at kapihan, para doon idulog ang mga propesyunal na naghahanap ng paglalagakan ng salaping kinita, habang nilalabanan ang matinding pagkainip sa malamig na kwadradong opisina?

 

Saan pupunta ang mga sasakyang naggigitgitan, nag-uunahang makatalilis, makalayo? Pasilangan? Pakanluran? Pa-ilaya? Pa-ibaba? Mabagal ang andar ng trapiko. Magastos sa gasolina. Mahal ang gasolina – pamahal ng pamahal. Habang dumidilim, lalong bumabagal ang daloy…

 

Naiinip ang tsuper ng dyip, panay ang sulyap nya sa unahan. Malimit ang pag-konsulta sa kanyang relo ng ale sa loob ng taxi. Nagta-tap sa manibela ang kamay ng mamang makisig  na…

View original post 148 more words

8 responses to this post.

  1. wow, okay ‘to ah🙂

    Tugon

  2. Ang ganda ng pagkakalarawan, para bang anumang oras ay may sisipol kasabay ng disco ng jip tapos bababa ang isang tsuper ng taxi at tatambulin ang sasakyan. Sa sobrang trapik sasayaw at kakanta na lang ang madlang pipol.

    Naisip ko nga ang galing para talaga tayong mga langgam. Halos sabay-sabay lumalabas, halos lahat pare-parehas ng direksyon ng patutunguhan🙂

    Tugon

  3. ahaha, nakagawa ka na ng isang commercial sa comment. advert ng coke, hihi. ^^

    at may realization pang nalalaman, hihi.. hala, punta ka sa laguna, sa highway sa industrial zone… observe ka, dear. pag palitan na ng shift ng work force – totoo ang sabi mo – parang langgam ang mga tao, hihihi.😉

    ang dami mong nasi-see through, kapatid. di ko gaanong naisip ang ganyan when i wrote the piece. basta sina jasper and lala lang ang naisip kong bida, hakhak.

    hello, akda… musta you?😉

    Tugon

    • Ok naman po, eto nangangapa pa rin sa life. Hirap ng walang manual. Saka ibang-iba sa adult life, iniisip ng lahat dapat alam mo na, pero hindi pa naman. Nakaka-pressure na dapat alam mo na yung mga stuff sa buhay, e wala pa nga akong alam. Wala namang orientation na ganito nunng nagba-bye sa college. Pagalingan lang mag-adapt, saka pagalingan magkunwari na maraming alam.

      Oo nga uso palang advertisement yung mga ganun lalo na kapag summer.

      Tugon

      • hellow, akda. dear, yun nga, walang manual. kung meron, ipinahiram ko na sa ‘yo, di nga…everyday is a struggle, a run, an experiment, parang gano’n. mahirap makisama at kumapa sa mga tao, iba’t iba ang backgrounds and quirks. on the other hand, likely, sila rin, di pa alam paano ka pakikisamahan at sasabayan – yun. ay, tama ka, kapatid. di sa ingkul ang turuan ng life’s lessons… mas academic, mas normative ang turo sa eskwela. pag sa labas na, one has got to learn reading between the lines and playing things by the ear, ‘ika nga. you have to put up a with a lot, most of the time. ^^

        ahaha, and yes, medyo gano’n sa work, ‘Neng. maski di mo alam, sasabihin mo, aalamin mo at idi-deliver, soonest. kesehoda, ahaha. peace!

        maulan na ‘no? pero, before and after nito, hang hinit lang. cheer up, kapatid.🙂 kaway-kaway…

      • Magandang perspective yung ‘sila rin di pa alam paano ka pakisamahan at sasabayan’. Kailangan talaga ng allowance. Ang hirap mag-coexist, ang galing nating mga human beings hahahaha!

        AWKWARD and WEIRD ang madedescribe ko sa grown-up world. Kelangan pa talaga ng maraming practice. Unpredictable din pala, tulad ng weather, mainit, malamig. Confused lang. Hehehe.

        Masaya naman dito sa grown-up world feeling ng mga tao importante yung ginagawa ng bawat isa kahit hindi naman masyado. Hahaha! Parang trial lang sa parlor games🙂

      • ahihi, di na ako magdadagdag, akda. ‘lam mo na… good evening and good night. warm regards…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: