Hindi na maputik ang daan sa amin, last part

 

Hello, ka-blogs! Busy ako kunwari sa kabuhayan at sa pag-aayos ng magulo kong buhay, hehe. Ayon tuloy, di halos nakakapagsulat para sa blogs, ahaha. Pasensya naman…😉

Sana ay nasa magi kayo. Kaunting panahon na lang ang ipagtitiis, pasasaan ba at darating rin ang mga araw na uulan na at mababawasan ang init, hala pa…🙂

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Image of ice blocks in an ice plant, ready to be sold

Mga bloke ng yelo sa loob ng isang ice plant, handa nang ipagbili/ portblair.olx.in

Usapang ice plant pa rin tayo, haha. Bakit importante ang may ice plant sa isang lugar? Well, bukod sa ubod ng init sa Pilipinas sa panahong ito, hehe, maraming ibig sabihin ang pagkakaroon ng ice plant. Tingnan nyo, classic indicator sya ng progress, hakhak.😉 Pwera biro… Pag may ice plant, nangangahulugan, malaki na ang populasyon ng tao sa lugar at may kabuhayan na ang mas marami roon. Kailangan ng malakihan at maramihang storage facility para sa pagkain – karne ng baboy, baka, manok at isda para sa kung ilang pamayanan o community sa malapit. Ibig sabihin, may malaking palengke na sa bayan o sa lungsod, may large-scale na kalakalang nagaganap, may malaking bilang ng mamamayang namimili at gayundin, nangangalakal ng iba’t ibang produktong kailangang iimbak ng pangmatagalan, at, may sapat na cash o perang umiikot sa lupon ng pamayanan.

Ang point ko, hehe, hindi lang para makapagtinda ng halo-halo pag summer ang ice plant, hakhak. Hindi rin para lang may mailagay na yelo pag nag-iinuman na sa hapon at gabi at pag may handaan sa lugar, haha. Kasali rin ang mga iyan. Demand din sila, kung tutuusin… Pero ang mas malaking demand para sa produktong yelo, galing sa iba pang nagtitinda ng isda, karne, gulay at prutas – nangangailangan ng marami sa karaniwang supply ng yelo – to meet the daily demands of stores and households… So, kumbaga, pag nagka-ice plant na sa isang bayan, economically, may industrial and institutional demand na para sa produkto, may mga permanente nang palengke sa perimeters (hindi na lang talipapa) at may significant na bilang na ng mamamayang may purchasing power.

 

Image of a relatively modern ice plant building's facade

Larawan ng facade ng isang makabago nang ice plant sa Pilipinas/ polytrade.com.ph

 

So, sa usual phase ng development, pag nagka-permanenteng palengke na, sa susunod na taon o sa ikalawa, may magtatayo na ng ice plant. Ayon lang, medyo mahal ang puhunan sa pagtatayo ng planta. Sa Economics, economy of scale ang tawag – pangmaramihan ang produksyon at venture ito para ito sa may malaking kapital. Producing or processing water into ice requires lots and continuous energy supply, heavy machineries and huge market demand for ice products. May mga bayan sa Pilipinas,  sampo o dalawampong taon nang may palengke – wala pang negosyante sa lugar na makapagtayo ng ice plant. At dahil sa kabilang bayan pa o sa lungsod kukuha ng yelo ang mga nagtitinda sa palengke, hirap silang gawing araw-araw na bukas ang pamilihan. O, minsan, pag ubos na ang yelo, sarado na ang palengke, di nga… Siyempre pa, sa mga bayang wala pang koryente, walang ice plant, hoho.

Image of a machinery for processing milk inside a factory

May kamahalan ang puhunan sa infrastructures para sa pag-iimbak at pag-proseso ng mga inumin at pagkain/ rokk-processing.com

Noong 1960s and 70s, panahon ng ating mga magulang and erderly, masasaya na sila pag nakatira sa bayang may planta ng yelo – malaking gaan na iyon sa buhay nila. Malaking bagay ang nakakabili at nakakakain ng sariwa o properly stored food – lalo pa sa kalagayang mahirap pa rin ang magbyahe at mamalengke. Doon sa amin noon, di uso ang bumibili  ng karne sa palengke. Sa baryo mismo, nagkakatay ng hayop, binabahagi iyon sa mga tagaroon sa parehong araw at sinisingil ang bayad – isang linggo pagkatapos, sa bahay-bahay. Ang mga bumili naman – wala pa noong refrigerator o maski cooler – niluluto agad ang kinuhang karne. Lahat ng matira, alinman sa ina-adobo o tinatapa… Ahaha, crude ba? Old-style? E, ganoon noon sa amin. Noong nasa elementary pa, nakakakita lang ako ng refrigerator pag may quiz bee, hakhak. Dumadaan muna kami noon sa bahay ng principal o isang teacher na taga-bayan, bago ang contest. Na-associate ko tuloy ang quiz bee sa pag-inom ng Milo at pagkakita ng ref, patatawarin…😉

 

Image of an old gas station in a far-flung place

Isang luma pang gasolinahan sa isang malayo at liblib na pook/ http://www.123rf.com

Anyway, isa pang indicator ng progress ang gasolinahan sa bayan, hakhak. Isa rin ang gasolinahan sa mga negosyong kailangan ng economy of scale – mahal din ang puhunan and needing huge and continuous demand for the product. Dito sa atin, ang isang bayan, lalo pa pag di naman malapit sa malaking lungsod, iilan-ilan ang may sasakyan – ang may malaking babuyan o poultry farm, ang nagluluwas ng gulay at prutas at ang may kamag-anak na matagal nang nasa abroad (yong malaki ang remittance na ipinapadala, haha). Pag sa mga bayang kakaunti pa ang paved road, mabibilang sa daliri ang mga pamilyang with wheels, ahaha. So, hindi local demand ang basehan ng pagtatayo ng gasolinahan. Kadalasan ang basis,  kung may national highway na tumatagos sa nasabing bayan at sa gayon ay may sapat na bilang ng bus, dyip at pribadong sasakyang daraan doon sa pagbabyahe… Madalas din, one pump or two-pumps na gasolinahan ang naitatayo. Pero noon – 60s, 70s, 80s at maging hanggang 90s – angat na sa iba ang bayang may gasolinahan…

Anyway, dito rin pumapasok ang kahalagahan ng infrastructures – kalsada, patubig at kuryente – sa isang bayan o lupon ng mga pamayanan o villages. Pag nagkaroon ng kalsadang sementado o aspaltado man lang, bibilis ang kalakalan at ang pag-labas-masok ng mga tao, produkto at serbisyo sa lugar. Pag may regular na patubig – mag-iimprove ang productivity ng mga magtatanim, tataas ang agricultural outputs at sa pangkalahatan – tataas din ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa lugar. Pag may koryente na, hindi lang sumasaya ang mga magulang dahil sumisipag mag-aral ang mga anak nila. Ipinapanganak din madalas ang iba’t ibang negosyo at neighborhood and village level. Sa pangkalahatan, nagiging vibrant, more commercial and linked –  ang buhay ng mga nakatira sa lugar. Lumalaki rin ang halaga ng pera o kapital na umiikot sa communities at pati ang demand para sa yelo at gasolina… Nagkakaroon ng higit na purchasing powers ang mga tao at nagbubukas yaon ng opportunities – to create more businesses based on new demands, brought about by changed income and lifestyles.

 

A rural bank in Southern Tagalog region that has recently been closed

Isang rural bank sa Timog Katagalugang ipinasara ng Bangko Sentral, kailan lang/ thefilipinoconnection.net

Si economy of scale, madalas kasali sa usapang pagbibigay ng impetus o tulak sa development sa isang lugar. Paano? Sa isang bayan, ang usual na may puhunan – alinman sa yaong may pinakamalalapad na lupa at maraming ari-arian o  yaong mga naunang nakapagpundar ng negosyo  – halimbawa, babuyan o poultry farm. Madalas, ang pinakamayayaman sa lugar ay sila ring nakakapagtayo ng gasolinahan at ice plant. Sila rin ang nag-uumpisa ng unang bangko sa lugar – rural bank. Hahaha, o, di ba? Pamilyar ang kwento? Oo, medyo ganyan dito sa atin. In a way, di lang naman sa Pilipinas ganyan… Sa maraming iba pang bansa, tila ganyan din – ang pioneering elites ang halos may monopolyo sa establishments, businesses – sa local communities. Sila ang nag-umpisa,  kontrolado nila lahat … At dahil halos walang kompetisyon, madalas din – sobrang baba ng pasweldo sa mga tauhan,  sobrang higpit o  malupit ang palakad at konserbatibo ang business decisions ng mga may-ari – sa loob ng maraming dekada…

Kadalasan, hindi efficient or optimized ang pamamalakad ng mga lokal na negosyo sa bayan-bayan – gasolinahan, ice plant at rural bank. Marami raw dahilan – managerial capacity ng may-ari sa larangan, paglobo ng pautang o credit lines sa mga kapwa negosyante, kamag-anak at mga kakilala o, kakulangan ng demand para sa mga produkto – petrolyo, yelo o pautang (loan products). O, maari rin, pagkakampante ng mga may-ari – pagiging kontento nila sa ownership. Pinapatakbo ang negosyong parang pagma-may-ari lang ng lupa – rent from the properties ang hinahabol – – sa halip na profit from the business. Sa Economics, magkaiba sila. Pag rent, may tiyak na upa o halagang tinatanggap ang may-ari sa loob ng maraming taon. Pag profit, ang kita ay depende sa volume and value ng produkto o commercial transaction  sa negosyo… Kaya, ang local business na pinatakbong ala-landlord, malamang – hindi aabot sa limang dekada. At pag tumakbo pa sa halalan o na-engganyo sa politika ang may-ari,  malamang na mas mapapabayaan pa niya ang mga ari-arian at negosyo…

 

Images depicting local development in an area in the Philippines

Sa isang lupon ng pamayanan, madalas na crucial ang pagkakaroon ng kongkreto at tuluy-tuloy na kalsada, patubig para sa mga halaman at hayop, sustained livelihood para sa mga nakatira at malapit na eskwelahan para sa mga bata/ http://www.seafdec.org.ph

 

In many ways, tila ganyan ang nangyari sa maraming bayan-bayan sa Pilipinas. Stalled o nalubak ang economic development sa mga lugar sa atin – kinapos na ng puhunan, skills and diskarte ang mga lokal na mamumuhunan at sumuling sa politika – para isalba ang dumadausdos na kabuhayan. Ang entrepreneurship din ng lugar, maaring sabihin… Nakompromiso ang economic potential ng bayan, kasama ng mga kumakapit sa mayayaman at dependent sa kanila – para sa kabuhayan at pag-asenso. Sa isang banda, nakontrol na ng pionering citizens ang mga haliging negosyo sa lugar at pati politika sa kanilang mga pamayanan, habang ang bulto ng mga kababayan –  lugmok pa rin sa hirap at atrasadong pamumuhay sa araw-araw.

 

Madalas, tanong natin – bakit tila mapanghi at malansa  ang ating national politics? 🙂 Ahaha, ang sagot, marahil – sa municipal, city and provincial levels – naka-kompormiso rin ang ating politika at tsansa for economic and social development… Ang ating politika at the national level ay reflection ng ano ang mayroon tayo sa ibaba, sa base… Ayon lang, medyo masakit itong aminin…🙂

 

Hala, ating ituloy ang kwento ni Lolo Andres Panganiban – ang Pinoy na successful banker sa Manhattan – umuwi sa Pilipinas taglay ang pagkilala ng mga dayuhan sa kakayahan niya sa stocks and foreign currency market. High tech siya – promdi sa Pinas na umasenso sa sentrong kalakalan ng finance capital sa mundo… Pagbalik nya rito sa atin, maganda nang um-English, haha, at naka-Americana…😉 Sabihin na natin, swabe at sophisticated na syang tao – malayo sa estudyanteng naglakad sa kaparangan ng Nueva Ecija noong araw…

Pagbalik nya, nasalubong nya sa daan ang mga nanay na kupas ang suot, may bitbit at akay na mga payating bata, against the background ng mga kalabaw sa pilapil. Close-up shot ng rural Philippines ang bumati sa kanya, ahaha…🙂 Nakita pa rin niya ang lumang gasolinahan – na gasolinahan na sa lugar noong siya ay umalis ng Pilipinas – at ang ice plant na iyon pa rin – mas luma na nga lang at mas marami na ang lumot sa paligid, ahaha. Pag-ikot niya sa mga kalapit na bayan at maging sa buong probinsya, halos iyon pa rin ang mga eksenang nasaksihan niya. Palagay ko, hindi lamang siya nalungkot noon – malamang, napamura sya. Nagalit at nagtanong, sa mga dinatnan and later on, sa sarili… Para saan?  :)

 

Image of a typical rural community in the Philippines

Karaniwang tanawin sa mga lugar sa Pilipinas, sampong kilometro mula sa isang national highway/ comdevnet.net

 

Marami pa sanang nais at maaring talakayin – naipangako ko sa inyo previously, iuugnay natin ang kakulangan ng development at village and town levels – sa land distribution, technology, tax system ng ating bansa at sa local governance sana… Pero kapos na ang ating oras at pasensya, haha, at wari ko, nakuha na naman ng mga nagbasa ang nais tunguhin ng ating pag-uusap. Nabanggit ko sa post sa SSA, sa Doon Po sa Amin, balik-tanaw – usapang pag-unlad – ang pag-asenso ng isang indibidwal sa makabagong panahon ay mas maiging sukatin, hindi lamang sa layo at saklaw ng kanyang inabot sa mundo at buhay – kundi sa extent ding naibalik niya ito sa ibaba, sa iba pa – at ground level siguro… Sapagkat, saanman makarating ang isang tao, anuman ang kanyang makamit at  mapagtagumpayan, kung hindi niya iyon kayang ipamahagi, paramihin at idamay ang mga kasamahan – mahirap sabihing  success in the real sense.

 

Image of children in the barrio

Pangarap ng mga magulang ang mas magandang buhay para sa mga anak. Pangarap ng mga mamamayan ang mas magandang bukas para sa susunod na henerasyon/ http://www.pfpi.org

Perhaps, success – material or social or both – is best enjoyed when shared. And personally, I believe that excellence, as a goal and as a virtue, is a public good. It is like the roads – everybody should be entitled to walk on them and traverse them. We maybe travelling at different speeds and means and we will likely get to our destinations in varying shapes and conditions. But we should be responsible for their upkeep and we should pay for their maintenance – we must give back. Or, else, we all go back to the prairie days of old.😉🙂

 

Mga ka-blogs, maari kayong mag-comment dito at sa mga nauna pang articles  sa serye. Pwedeng magtanong – maliit o malaki, mukhang may sense man o wala, o, maski yaong trivial observations lang – ukol sa pag-pursue ng kaunlaran sa ating bansa. Pipilitin kong sagutin o tugunan, sa abot ng kaya…🙂 Huwag kayong mag-alala, malamang, ang mga tanong nyo ay tanong ko rin, ahaha. Maraming maraming salamat sa lahat ng sumubaybay at nagbasa sa serye. Mabuhay kayo!🙂

 

8 responses to this post.

  1. I can’t help but reflect and resonate on what you have posted Ms. San specifically on the kwento ni Lolo. My experiences here in region 5 is heart rending. There are still young people here (I met a 16 year old incest rape victim) who do not know how to read or write, since they live so far in mountainous places where there are no schools. I was told that in some places in Luzon, they have not seen government yet, or the presence of what you call development.

    I could not but agree with you when you said, I believe that excellence, as a goal and as a virtue, is a public good. It is like the roads – everybody should be entitled to walk on them and traverse them. We maybe travelling at different speeds and means and we will likely get to our destinations in varying shapes and conditions. But we should be responsible for their upkeep and we should pay for their maintenance – we must give back.

    Yes, we must give back and only when we have reached these poor people and bring them education and taste of development that we can say, we have done our share of nation building.😛

    Tugon

    • hello, Ms.S… ramdam ko ho ang mood ninyo sa inyong comment and i appreciate it. kahit paano, na-move kayo nitong sulatin, salamat…🙂

      sa Bicol ho? seedbeed ang rehiyon ng insurgency sa bansa sa maraming dekada, senga? sa post hong dpsa, balik-tanaw – usapang pag-unlad – sa comment – pahapyaw kong ipinaliwanag kay ka-blog na RP, bakit ang mga liblib na lugar, prone to insurgency. uulitin ko po, if i may.^^

      sapagkat ang mga tao sa liblib, pakiramdam ay kinalimutan na sila ng mundo, na hindi sila kabahagi sa pag-ikot nito, na sila ay nalimutan na… bukod sa vulnerable sila sa propaganda ng mga nasa kilusang kaliwa sapagkat kulang o walang aral, madali silang maka-identify sa promise ng pagbabago at magandang bukas… sapagkat sa kinalalagyan nila, tila walang pagbabago at wala silang mabanaag na bukas. na ang pag-aarmas o pag-aaklas, ang pagiging bahagi ng isang kilusan ay nangangahulugan – posibleng may mabago… at may grupong nag-care enough i-recruit sila – para maging bahagi ng isang malaking mithiin — baguhin ang kalakaran ng kahirapan, pagdarahop at kawalang-katiyakan…. sa tingin ko ho, ahaha…🙂

      mga lugar sa Luzon na di ramdam ang presence ng government… share ko ho…sa isang bayan sa Tarlac, about 10kms from the national highway. kung tutuusin, Tarlac is part of Central Luzon, malapit pa sa MM, sa isang bayan roon, farming community ho and its main product is tobacco – isang mahabang sakay lang ng tricycle from the highway. ang bulk ng tagaroon, di pa nakakalabas ng bayan at iilan lang ang marunong ng Tagalog (yong mga tumira sa labas bilang katulong ng mayayaman)… liblib na liblib and that time (1993 ako naparoon), wala pa ho silang koryente, ang sasakyan nila within the community ay kalabaw at paragos at iilan lang ang nakatapos ng elementarya…isang linggo akong nakibakasyon, nagpa-itim do’n at wala po akong nakita o naramdamang presence ng gobyerno. may mga tanod lamang sa gabi, sa may labasan… true-blue prairie living pa sa lugar, ahaha.🙂

      mas lalo po sa far-flung areas sa Cagayan province, sa mga isla roong malapit na sa Taiwan. ang pamumuhay ho ng mga tagaroon, 30 or 40 years behind sa MM, sa impression ko… ^^ six to eight hrs boat ride ho, from Aparri. ang buhay ho nila, subject pa talaga sa forces of nature – bundok at karagatan (Pacific Ocean) at nagdarahop ang marami, lalo na sa three months na di pwedeng bumyahe dahil sa laki ng mga alon. pero sabi ho, may mas malala pa – in certain municipalities in Mindanao.

      education ho, yes… but una muna siguro, roads and patubig. pag nagkaroon ho nito, ipapanganak rin ang mga eskwelahan sa lugar. pag may lokal na kabuhayan ang mga tao, nakakapagtayo sila ng eskwelahan… kasi ho (tingin ko), pag may nakapag-aral sa labas ng nayon, di bumabalik para paunlarin ang nayong pinanggalingan. sa city na rin usually nagsi-settle ang may pinag-aralang miyembro ng community, ahehe …🙂

      tingin ko ho ang mga ito, ms. S…. you may disagree, of course… and you’re welcome po, pagdebatehan natin, sakali. regards ho.🙂

      Tugon

      • Ayun na nga roads and patubig kung sakahan, mahirap kasi pag bundok at tabing dagat, sila yung pinakamatagal maabot ng development. Malimit sila din napagiiwanan. Yung lokal na pinagkukunan ng kabuhayan malimit hindi namimintini pati packaging and marketing dapat kasama sa programa.

        sa atin na lang me insurgency at sa pagtigil ko ng 7 buwan sa Mindanao, hindi na yun ideologiya, kaya dapat lang criminal cases for each criminal acts ang iprosecute. naku eh mahabang kwentuhan yan.

        have a nice week ahead Ms. San! Patnubayan ka ng Panginoon sa lahat ng oras.😀

      • hello po. yes, i cuncur… ang mga taga-uplands or hinterlands nga ho ang pinakahirap ang buhay. sila ho ang too dependent on and yet, hinahampas ng husto ng forces of nature… access sa kalakalan at sa pamayanan mainly ang problema nila. saka ho, yes, packaging and marketing ng kanilang products… para naman makabahagi sila ng exchange and pag-ikot, ‘ika nga…

        problema rin ho yaan ng mga nakatira sa malalayong isla, napakahirap ng buhay nila roon, parang hunting and gathering pa halos ang paraan nila para mabuhay… btw, mid 90s ho, madalas ako sa bandang Rizal (malapit sa MM, kung tutuusin).

        sa coastal villages doon, that time, hirap pa silang iluwas ang mga isda and seafoods nila, locally lang nila ibinebenta (about half the price sa palengke sa MM). wala ho silang cooler para madala ang fishes in huge volume sa palengkeng mas malaki so their produce could fetch higher price. ayon… ewan ko lang ho if iba-iba na ngayon…

        ahaha, sa Mindanao? para ho bang brigands and pirates na ang dating ng ibang grupo? usapang kabuhayan na thru guns? parang ganoon ho yata ang bali-balita…likely nga ho, things could turn out that way. ang lalim na ho kasi ng gun culture sa region, among the locals. ahaha, mahabang kwentuhan nga yata…

        anyway, ang alam ko ho, considerable na ang pondong ibinuhos sa Mindanao, in the last 10 years or so – local and foreign donations, public and private… pero, pero, the bulk of the money raw, di nakarating. sumegwey sa kung saan-saan, sabi… ^^

        salamat po and kayo rin ho, have a pleasant week.🙂

  2. Hay salamat at natapos din ang teleseryeng ito lol😛

    Pero tama ang iyong pahayag, masusukat mo ang asenso ng bayan sa ice plant at gasoline station. Tandang tanda ko pa ate charo….

    Sa munting bayan namin nagkaroon ng isang gasolin station, at di na ako hirap mag pa gas ng aking Jeep, di ko na kinokorkula ang siyam (9) na kilometro gas allowance para makapag karga ulet.

    Sana sa susunod na post mo, love life mu naman ang kwento mo… lol

    Tugon

    • hahaha, hello, kiko… masaya ka ba at natapos na? ahihi, mami-miss mo siguro…😉

      yes, ice plant and gas station sa una… pero, sus, kung after 20 or 30 years, ice plant and gasolinahan pa rin lang, ‘indi na maganda ang mga pangyayari, hala pa… dapat may iba’t ibang businesses and kabuhayang ma-generate ang dalawa. otherwise, maraming mali at kulang, ahaha. ^^

      e, di ikaw na ang may Jeep na noon pa. hangyaman lang ng isa ryan. o, hano, fleet of cars na, pagbalik mo? hehe.😉

      ay, sus, basahin mo na lang muna ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili, kailan huling nagpasya ang iyong puso? and Tawagin ang Pulis…. love posts ang mga ‘yan, di ka updated? nakow, dyan sa mga yan naging notorious etong site, lol.😉

      warm regards to you and your family…

      Tugon

  3. siksik talaga sa makabuluhang impormasyon ang series post na ito, ate san. pwede na ito i-libro hehe

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: