Hindi na maputik ang daan sa amin, part 11

 

Hello, ka-blogs, continuation ito ng previous discussion about Third World and colonization. Salamat sa mga nagbabasa at umaantabay… :) 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Para sa mga sinasakop, marami ang disadvantages – pagkawasak ng paligid, kabuhayan, buhay at patterns ng pamumuhay ng mga tao, pagkawala ng mga kalinangan at paniniwala at, regression ng naipundar nang civilization… Kung bane ang gera para sa mga nasakop, boost at boon ito para sa colonizers. Kung nasi-set back ang sibilisasyon ng mga dinigma, napo-propel naman paunahan – several decades ahead – ang sibilisasyon ng mga nandirigma. Halimbawa, mabilis nalilikom ng mga nangolonya ang pondo para sa malakihang R & D (research and development) projects. Ayon  sa mga pag-aaral nitong 21st century, lumalaki ng daan o libong beses ang metal industry ng colonizing power, pati agricultural production, ang manufacturing (nagsu-supply ng logistics sa mga nasa digma) at maging ang production ng non-essentials, gaya ng cosmetics (para sa pamilyang nasa homefront). Sa pangkalahatan, lumalaki ang GDP (gross domestic product) o income ng colonizers – daan hanggang libong bahagdan – kumpara sa dati…

 

Image of the Philippines' Legislative Building destroyed after WWII

Larawan ng gusali ng lehislatura ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig/ http://www.gov.ph

 

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, karamihan sa mga dating kolonya, protectorates at satellites ng imperial powers, “pinalaya” na. Tongue-in-cheek ang bitaw ng mga gobyerno ng colonizing countries noon, “Mag-move on na tayo pare-pareho. Magmartsa na tayo sa landas ng pag-unlad.” Ahaha, parang ganyan, hindi eksakto ang quote…😉 Rebuilding, post-World War II: magkaibang-magkaiba ang sitwasyon ng mga bansang nanakop – kumpara sa mga bansang sinakop… Earlier on, naglunsad ng “nationalist liberation movements” ang colonies para itulak ang colonizers – bitiwan na ang colonies… Ibigay sa kanila ang karapatang magpasya sa  sarili –  bilang mga nasyon at republika – gaano man kawasak, kaliit at ka-behind sa antas pandaigdigan ang kanilang pag-uumpisahan, sa sinasabing nation-building at landas ng pag-unlad…

 

 

Ang gera ay systematic violence at pangmatagalan ang epekto sa buhay ng mga tao – sa magkabilang panig, kung tutuusin… Una, nagambala at nauudlot ng digmaan ang natural growth ng isang society. Sa klasikong pagtingin, ang isang lipunan daw ay daraan ng libo hanggang ponglibong taon – bago maging isang nasyon o bansa… Sa mga bansang dumaan sa “full natural growth,” karaniwang 500 taon o higit pa ang feudal or medieval period – ang yugto ng paglinang sa kalakhan ng agricultural lands, paglago ng mga industriya at kabayanan, paglaki ng surplus sa produksyon, pagbubuo ng hiwa-hiwalay ngunit sinanay na mga sandatahang lakas, pag-develop ng cities at mga kalinangan doon, pag-develop ng mga pinuno at burucracies sa lokal na antas at ang pagkakaroon ng marami at madudugong gera sa pagitan ng clans, tribes, mga  grupo at kahariang iba’t iba ang laki, sakop at lakas…

 

Image of a campaign or a war on the way to the battlefield

Ang medieval period ay panahon ng mga kastilyo, pangagalakal sa iba’t ibang panig at digmaan sa pagitan ng mga kaharian. Sa Asya, ang Tsina, Hapon at India ang dumaan sa daantaon ng medieval period/ http://www.medievaltimes.info

Ang internal wars daw ang magpapanday at magsasanay sa mga tao – lumikha ng mga batas at panuntunang pangkapayapaan para sa lahat – habang umaabante sa paghahangad na i-maximize ang potensyal ng kalikasan at ng tao mismo – para magamit sa sama-sama at magkakaugnay na pamumuhay… Daraanan daw ang medieval period, bago dumating sa industrial o kapitalistang yugto ang lipunan. Sa kapitalista o full industrial age, doon daw magaganap ang centralization — di lamang ng pamilihan o market — bagkus pati ng pamamahala, sa hiwa-hiwalay na mga pamayanan ng nakaraang daantaon. Eventually, sisibol din, ang centralization ng diwa o sentimyento ng mga tao. Ipapanganak sa kamalayan ng mga mamamayan: ang konsepto ng unity o nation.

 

Ang paulit-ulit at tila di matapos na mga hidwaan, patayan at lusuban ng local lords and clan chiefs ang magtutulak sa mga taong maghangad at humiling  – iisang batas na sasakop sa buong teritoryo (Constitution), isang mamumuno na susundin ng lahat at isa lamang sandatahang-lakas o armed force – sinanay, disiplinado at may iisang command – – components ng isang makabagong nasyon o bansa.

 

 

Ang pagkamakabansa o nationalism ay isang kamalayang di kagyat na naaabot ng isang tao, kundi nadi-develop sa kanyang mga karanasan at pamumuhay… Ang unang loyalty ng tao ay sa kanyang pamilya, sunod ay sa mga kaibigan at immediate community – simbahan, village o organisasyong kinabibilangan. Pwede ring sa mga kamag-anak, clan  o tribong pinanggalingan. Sa atin, karaniwan nating tawag  ay regionalism – ibang word para sa ating ethnic loyalty. Sa eskwela, tinuruan tayo ng nationalism, parang naintindihan naman natin at sa mga sarili, gusto nating masabing loyal tayo sa ating bansa… But more often, mas regionalistic yata tayo, than nationalistic. Loyal din tayo sa ating alma mater, sa paborito nating banda at tv show, ahihi…  Sa pakiwari, malaki, marami at malayu-layo pa ang kailangan nating daanan ng sama-sama – para mabigkis tayo ng iisang diwa. As a people, ‘ika nga – nakapaloob, gumagalaw at nagsusumikap – sa iisang territorial baseline.😉

 

Gaya ng naikwento na datiang nationalism ay parang pag-ibig – abstract, subjective at kaya ng taong maydala na i-imagine… Pag hindi pa raw kayang imagine-in ang nation, hindi pa mahal ng tao ang kanyang bansa. Hindi pa siya citizen, in a sense…🙂 Sa isang banda, ang isang nagagawa raw ng pananakop – napapabilis nito ang formation ng patriotic o nationalist spirit ng tao. Sa pagdanas ng paniniil ng dayuhan – foreign yoke – mas lumilinaw sa isip at kalooban ng natives ang sariling kasaysayan, kultura at legacies bilang isang distinct na grupo ng tao. Kumbaga, mas maagang naitatanim sa puso ng ilan ang ideyang labanan ang mananakop at itulak ang isang kilusang para sa sariling pagpapasya ng bansang sinakop. Ayon lang, mas madalas, ang mga pinuno ng nationalist movements ay napapatay, nai-exile o nakukulong… Subalit, ang kanilang paglaban ay nanganganak at nagpapalaganap sa simulain, sa loob ng maraming taon…

 

 

Image of actor Sam Milby wearing a Third World Happy shirt

Sa pelikulang ito, struggling artist from a Third World country si Sam. Umuwi ng Pinas from New York/ http://www.showbiznest.com

Mabalik tayo sa usapang colonization bilang one of a kind na pagsasamantala… Ang isang grupo ng taong sa kalakhan, tribal  o  early medieval pa lang, pag sinakop ng isang industrial at makabago nang bansa at pilit na ipina-adopt sa kanila ang kaayusan, gawi at sibilisasyon ng colonizers – nagkakaroon ng discontinuity, disconnect o maari ring damage – sa kanilang kabuhayan, politika, kultura at pagpapahalaga… Dadagdag ang karanasan ng pagkasakop – sa patas ng mga dalahin ng individual na mamamayan. Hindi siguro sinlaki ang impact, gaya ng ibang anyo ng exploitation na danas niya ng malapit at sa araw-araw. Pero, may epekto rin… At wari, naipapasa rin ito sa kamalayan ng mga anak, immediate family and friends…

 

Sa isang banda, flexible ang tao, sabi… Marami raw at sapin-saping suffering ang kaya niyang dalahin at kahit paano, napapangibabawan niya. Pwedeng ang isa ay biktima ng rape, ng usurero sa kanilang lugar, ng tambay na laging nangingikil at ng isang employer na pagkababa ng pasweldo – bukod pa sa mamamayan siya ng Third World. Ayon lang, pag itinapat siya sa counterpart niya sa First World, ang laki ng pagkakaiba – sa confidence, attitude at pananaw. Kumbaga, mahirap asahang mataas ang maaabot niya sa kanyang potential bilang tao at lalo pa, na asahang siya ang perfect candidate bilang citizen – ang magbi-build ng nation… ^^

 

 

Hayo na tayo sa nayon, sa paksa nating hillbillies – mga taong nakatira sa mga bundok at gulod, mararami ang mga anak at makaluma pa ang kilos, pananalita at pamamaraan ng pamumuhay. Magagaspang ang kanilang galaw at sanay pa silang kumain ng wild plants and animals. Pag lumuluwas sa bayan, halata agad sila ng mga dinatnang sila ay taga-bukid  o taga-liblib. Malayo pa sa masasabing “settled” ang kanilang pamumuhay. Sa rural areas, meron talagang mga ganyan… Kahit ang mga kasamahan nila sa komunidad, tanggap nang may gayong kasapi at ganoon sila… Ang isang characteristic ng hillbillies – nasa bukid sila, pero hindi masipag magsaka, magtanim at magsinop ng kanilang kabuhayan. Parang hindi sila kasali sa “mainstream” ng pamumuhay… Pero sa karaniwan, ilang pamilya lang ang maituturing na hillbillies sa pamayanan.

 

Pag nako-colonize daw ang isang agricultural na bansa, ang usual na ginagawa ng colonizing power – iniiba ang priorities ng agriculture ng bansang sinakop – inilalagay ang focus ng pagtatanim at produksyong agricultural sa mga produktong kailangan ng bansa nila. Ang madalas na naapektuhan ng pagpapalit ng patakaran ay ang local farming na sa kalakhan ay subsistence economy. Pag sinabing subsistence, mas nakatono sa paglilinang ng mga pagkain at produktong para sa pansariling konsumo at gamit… Pero dahil magkakaroon ng demand sa pamilihan para sa cash crop na kailangan sa dayuhang industrial na bansa, unti-unti, nawawala ang subsistent nature ng pananakahan. Ang medium and long-term effect – nawawalan ng food security ang mismong pamilya ng mga nagtatanim sa bukid.

 

Image of a hut in rural Philippines

Pag sa libro, parang magandang basahin ang tungkol sa prairie living. Sa actual, ang mahihirap sa liblib ay nangangarap ding maiba ang buhay/ philippinemedicalmission.com

 

Isa o dalawang dekada makalipas na humilig sa cash-crop farming ang isang rural na pamayanan, kapansin-pansin, dumarami ang hillbillies – mga pamilyang tila walang motibasyong magsaka, naka-depende na muli sa “wilds” at tila, hiwalay ang pamumuhay sa mainstream. Sila iyon – mga taong parang ang hirap nang hikayatin at hilahing makisabay sa daloy ng buhay – hikahos na hikahos at napag-iiwanan. Sa Social Science, ang tawag sa grupo nila, left behind and forgotten. Karaniwang ang mga asawa ng hillbillies at mga anak nilang babae ang gumagawa ng paraan para ang pamilya ay may makain at makaraos sa buhay kahit papaano… Sila iyong naikwento ko sa inyo – mga rural na kababaihang itinuturing na pinakahirap at pinakamahihirap sa ating bansa – ang prototype ng poorest of the poor. ***🙂

 

Ka-blogs, karugtong sana ito ng previous post, pero hinati natin, para di masyadong nosebleed pag binasa… Am afraid, baka baker’s dozen – instead na until Part 12 lang, opo…🙂 Marami pa sana ang dapat ma-discuss: local government, property and tax system sa bansa and technology and know-how, mahahalagang salik – pag usapang pag-unlad. Baka i-skip natin ang property and tax system. Instead, about land reform na lang, as crucial element in the industrialization process… Maraming salamat sa pagtityaga.🙂 Cheers!

 

12 responses to this post.

  1. Gaya ng naikwento na dati, ang nationalism ay parang pag-ibig – abstract, subjective at kaya ng taong maydala na i-imagine…

    paano kaya yun Ms. SSA, hindi ko maimagine🙂

    kumusta ka na and your holy week, sana me mabasa ako sa iyong akda na tungkol sa pagselebra mo ng mahal na araw.

    Tugon

    • hello, ms. S… saan ang inyong handaan para sa nagtapos? ilang baka, baboy at manok ang inyong ipinakatay? baka po kailangan nyo ng manunulungan? volunteer me sa hugasan ng pinggan, ahihi.🙂

      hala pa, hindi ma-imagine? naman… after you kami, paano na ‘yan?😉

      nakow, inaya ho ako ng ate kong bumalik sa Ilocos. may sasakyan daw naman, 4×4 na puti, maganda at malakas ang aircon – o, di, sige…. ay, sows, ang Holy Friday pala ay kainitang-kainitan, ahaha.

      sabi ko sa kanya, a few days before, “am not exactly sure if that’s a good idea…” hihihi, ayon, dinaig pa namin ang nagpipinetensya. everytime bababa ng sasakyan, two minutes later, isang timba na ang pawis… ako pa naman ang tourist guide, kainaman na. alas nueve ng umaga, feeling touristy kami sa Calle Crisologo – ang tirik ng araw, pang-alas dose, patatawarin.😉

      kokonti lang ho ang aming nalibot. ang last stop namin, sa fort ilocandia. kako, tingnan nila ang shops sa loob at ang resort sa likod. ay, ayaw nang magsibaba – conquered na sila ng init, haha. pinaikot na lang ang sasakyan, sus. ang mileage namin, more than kung nagbyahe kami pa-Bicol, ang weird ng road trip na yon, kainaman talaga… Saturday, tulog lang me, hihi… hindi na natuloy sa kabalakang swimming.🙂

      btw, may luma hong post dito re: holy week – Bait-baitan…

      Tugon

      • yung picture namin sa post ko graduation day, yun na yun. naalala ko tuloy si Inay, kung buhay pa sya ay malamang na magkatay ng baboy at maghanda sa probinsya, wala na kasi magasikaso ng ganon pero nami miss ko yung 3 days before me nagsusuman at marami ng volunteers parang ang kainan two days before the big event marami ng mini celebration sa nanunulungan pa lang.

        nakakatuwa naman byahe mo, sobrang init talaga yang ilocandia, eh tinapat mo pa sa mahal na araw. kami naman as usual visita iglesia ko 7 churches in daraga and legazpi city then way of the cross sa tombol hill in rosario, batangas. Ay, kung ka facebook kita updated ka na sana, ang bilis ko magupload.

        kainaman talaga. dito sa Legazpi baka gusto mo dalawin, one month celebration ng Daragang magayon festival at kagabi nga first night back ko napuyat sa banda sa penaranda plaza, SMB stage whole month rocklakan parang octoberfest.

        ay sya! work muna ako, God bless!

      • ay, yon na ho? ay kakamiss nga ho ang handaan sa probinsya, kainitang-kainitan, may mga naghahalo ng laman ng kawa sa bakuran, ahaha. miss ko ho ang paggawa ng suman – isang importanteng communal affair sa probinsya. kakaunti na ho ngayon ang nagpapasuman – mahal na raw ang malagkit at pati asukal, ahaha. higit sa lahat, napakamahal ng niyog na ginagata, as in…

        ay, interesting ho ang visita iglesias nyo sa bicol. magaganda ho churches dyaan at karaming lumot sa paligid, ahaha. ay, di ko pa ho yata nararating tombol hill, makapunta nga sometime this year…

        a, talaga ho, daragang mayon festival? matao at maraming activities & sponsors, i heard… ay, busy pala nightlife nyo, hihi.😉

        happy summer, have great days ahead…🙂

  2. Wow, this is a long one ! ! !

    Tugon

  3. Ay hala ang dami kong namiss umabot na sa part 11. absent kasi ng absent. teka lang sisimulan ko nga sa una. Saglit lang ah. hakhak!

    Tugon

  4. Katatapos ko lang basahin…🙂
    Hallo San! Musta sis….

    Kinaya mo ang init ng ilocos?(nabasa ko lang sa reply mo)

    …mga simpleng magsasaka halos walang tubuin sa mga inani na pinaghihirapan nilang itanim. Naaalala ko lang minsan nakasalamuha din namin sila. Ang baba ng angkat sa kanila ng produkto. Pero ang umangkat mas malaki ang tubo at walang hirap sa pagaasikaso at pag-aalaga ng kung ano man produkto ‘yon…

    …teka ano ba ang sinasabi ko hihi
    Makikiraan po. ^_^

    Tugon

    • hello, froggy… ei, ba’t walang bagong post sa may inyo? ahaha, nagtanong ang wala ring post, hehe. i’ve been away for a while, sobrang init dito, matutusta ka, as in…

      ah, ang trip to ilocos? nakow, parang hindi. hindi ko ata napulot ang ibang parte ng utak na natunaw habang ando’n kami, hakhak.😉

      ay, oo, season ng tabako noon… parang mature na ang tobacco leaves sa pagkaraming farms na nadaanan namin. natuwa ang niece ko, no’n lang ata sya nakakita ng tabakong nakatanim pa, haha.

      gano’n ba, unfair ang partihan sa tanim na tabako? malamang…🙂

      hey, many years ago, nakasali rin lola mo sa pag-aani ng mga dahon ng tabako, sa isang liblib na bayan sa tarlac – ang hirap! nakakangawit at nakakaitim, hehehe. nakibakasyon ako no’n sa isang kaibigan, dinala nya me sa in-laws nyang magtatanim – choskow, hard labor, ineng… i was younger then, so, medyo na-enjoy naman… pero, sobrang isolated ang lugar, walang sasakyan and there were endless fields of tobacco plants for harvesting by my inexperienced hands, hakhak… kumusta you?😉

      Tugon

      • Taga-Ilocos si ama. Pero di kaya powers ko ang init ng ‘pag summer. Lagi akong tiniturukan sa clinic dahil sa nakakapanghinang kulo ng tyan hihihi

        …wala pang post sa tambayan ko.
        Medyo di pa malaman ang buhay buhay dito. Busy-busy-han pa hihi

        Ingat.. At enjoy ang summer. Lapit na nman magtag-ulan. ^_^

      • ah, taga-Ilocos pala ang Tatay mo kaya masipag at masinop, ahaha. ay, mainit nga ro’n, kapatid. mas lalo pa sa tuguegarao city – pag summer parang kumukulo ang mga kalsada at halos tuyo ang mga ilog, kainaman… parang nakakasama nga ng lasa pag gano’n kainit ^^

        hala, nami-miss ko ang posts mo. medyo magulo rin dito pero am trying na mag-ayos somehow. ayon, wala ring time magsulat ng blogs. isa pa, di nakakaaliw magsulat pag sobrang init. maski mag-edit lang, di ko nakakagiliwan, hehe.

        ingat ka ryan, froggy. warm regards, dear🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: