Hindi na maputik ang daan sa amin, part 10

 

Hello, mga ka-blogs! Part 10 na ang series natin. O, part 10 pa lang, ahaha. Maski ako, naiinip na, pramis. Kasubuan ito, hahaha. ;) Gusto ko na rin ng ibang menung isusulat. Pero since andito na, tyagain na natin, ahihi…🙂

Am hoping, hanggang part 12 lang. Sa parteng iyan, harinawa, covered na ang mga usaping kasangkot, ang MGFs, ng usapang pag-unlad sa kanayunan o kakulangan nito… Sana, by that time, may natitira pa sa limang readers ng DPSA, hihi.🙂

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Usapang Third World tayo, mga kapatid… Ikatlong Mundo, narinig nyo na dati? Oo, sa mga balita, madalas kakabit ang praise pag usapang foreign aid ang paksa. O kaya, loans or assistance ng regional or international bodies sa mahihirap na bansang gaya ng Pilipinas… Ang mga taga-Third World daw ay dapat ayudahan o pautangin – lagi – para makahabol sa takbo ng mundong pinangungunahan ng mga nasa First World at sinusundan ng mga nasa Second World. Oo, ahaha – nasa ikatlong tier tayo as a people – sa rango ng mga bansa. Patunay na may discrimination at hindi fair ang buhay sa daigdig, ahaha.😉

 

Anyway, ang mga katagang Third World, naumpisahang gamitin, panahon ng Cold War (approximately, 1947 to 1991) sa pagitan ng U.S. at U.S.S.R., dalawang bansang nangunguna bilang military powers sa mundo – matapos ang World War II…  Sa pinakasimple, noon ang First World ay mga bansang allies ng U.S. at ang Second World, allies ng USSR… Lahat ng iba pang non-aligned sa dalawa, Third World… Sila ang mga bansang walang pinapanigan – alinman sa wala silang maipantaya sa gera o dahil sa takot na maipit sa higanteng pwersang nag-uumpugan… Over time, na-develop ang connotation na pag Third World, ibig sabihin ang bansa ay mahirap, sinamantala o sinasamantala (exploited) at dating kolonya… Ang French demographer and historian na si Alfred Sauvy ang nag-coin ng term noong 1952. Sabi nya, ang grupo raw ng mga bansang ito – mula sa pagiging nothing, also wants to be something…

 

Sixty one years later, hirap ang development experts and povery analysts sa mundong sabihing naging “something” na ang mga dating “nothing.” Ang iniluwal ng studies ni Sauvy at ng mga sumunod pa sa kanya – mga patakaran sa antas pandaigdig na may layong bigyan ng assistance and aids ang Third World economies. Karaniwan, loan packages ang mga ito sa mga bansa, idinadaan sa at ipinamamahagi ng institutions – International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB), Asian Development Banks (ADB) at mga international foundations – para tulungan daw ang mahihirap na bansang makahabol at umangat naman – – ang quality ng buhay, humaba ang life expectancy at maabot ang basic health goals ng mamamayan… Hindi raw ganoon kabilis hanapan ng lapat na solusyon ang suliranin ng kahirapan, sadly… ^^

 

Image of people trying to secure usables from garbage files

Karaniwang eksena sa isang bansang Third World – may mga taong nabubuhay sa pagkakalaykay ng basura/ http://www.amigosforchrist.org

 

Bakit? Ano ang palaman ng poverty na hirap tayong bawasan, papanghinain, kundiman, tuluyang alisin? Wala naman, masyado… Exploitation lang o pagsasamantala, mga kapatid, ayon… Pananamantala ng malakas sa mahina, ng mayaman sa walang-wala, ng may-aral sa kulang o walang-aral, ng malaki sa maliit, ng nangunguna sa nahuhuli, ng may kapangyarihan doon sa wala, ng may resources sa wala (hindi kasama ang pananamantala ng maganda o gwapo sa pangit, hihihi), ng may baril sa walang armas… Pagti-take advantage ng nasa mas mataas ang kalagayan sa nasa ibaba, ng may power sa kakaunti o walang power – ng paulit-ulit – sa considerable period of time. May abuso… May ganito nga ba? Mahirap yatang itanggi. Madalas ay mayroon… May inequality, since time immemorial, oo. Pag ang di-pagkapantay-pantay ay ginamit para siilin o gipitin at tuntungan ang mas mahihina, yaon ang exploitation.

 

Ang rape o panggagahasa, pananamantala ng malakas sa mahina (at mas madalas, sa mas mababa rin) at walang kakayahang lumaban. Domestic violence o paulit-ulit na pananakit sa asawang dependent sa kabuhayan at walang ibang matatakbuhan. Pangingikil, on a regular basis. Pagpapasweldo ng sobrang baba, sa tauhan o empleyadong walang ibang mapapasukan. Pagbili ng boto – ng mga taong desperado, isang halimbawa rin… Pananakop o colonization – ng mas malalaking bansa – sa mas maliliit at mas mahihina pang sibilisasyon. Pagpapautang sa napakataas na interes – sa tao, institusyon o bansa – gipit at walang ibang makukuhanan para makatawid. Ang advantage ng isang panig — lakas, edad o seniority, economic power, arms, position and capital — ginamit para lalo pang manaig  at panatilihin ang di-pantay na ugnayan. Lagi, may cruelty and violence sa process, hayag man o hindi

 

Bakit crucial ang exploitation sa existence and maintenance of poverty? Sa gap daw sa pagitan ng dalawang panig, naroon ang room for growth ng tao. Andoon din ang space para mang-abuso, manggipit at manupil. Andoon din ang espasyo para panatilihing walang lakas, walang katarungan at mangmang ang kapwa… Sa pang-aabuso, panggigipit at panunupil, hindi lamang ang physical resource ng tao ang sapilitang kinukuha, inaagaw o ipinagkakait, maging ang kanyang phychological resource – kanyang dangal at pride – bilang isang nilalang… Sabi, sa kanyang natural condition, ang tao raw ay malaya. Ngunit matapos ang encounter sa exploitative situation or condition, naiiba na ang psyche. Parang nagiging artificial – bawas, kundiman damaged o nakatali – constrained… At sa gayon, siya ay mas vulnerable – para sa susunod at iba pang pananamantala, ng kaparehong panig  o, ng iba pa…

 

Pagkatapos gahasain ang isang babae, halimbawa, ang taas na ng level of fear niya, hindi na kapareho ng dati ang kanyang sense of security at tiwala sa sarili at sa mundo.  Gayundin daw ang nangyayari sa isang taong nagbenta ng boto. Sabi niya sa sarili, kailangan – usapang survival… Pero, alam niya, kahit paano, sa pagbebenta ng karapatan, may nawawala sa kanyang pagkatao, somehow… Ganoon din daw sa taong napipilitan laging mangutang dahil sa kagipitan – parang nagsasangla siya ng kaluluwa, paulit-ulit na pagkapit sa patalim… Pag sinasakop naman ang isang bansa, nangangahulugan ng maramihang patayan, panggahasa ng kababaihan at pagka-traumatize ng mga bata. Maaring sabihin – ang gera ay package ng kaimbihan, kalupitan at panunupil – ng isang grupo ng tao, sa isa pa… Bibihira ang nakaranas ng gerang hindi damaged or impaired ang psyche, sa pagkahabang panahon o, sa habambuhay.

 

Pagmamalabis at paggamit sa kapwa – parang ang sakit isipin… Pero, nangyayari – nakikita, naririnig o nararanasan natin – sa mga pagkakataon. Ang exploitation ay maaring maganap sa iba’t ibang social setting – sa loob ng bahay, sa community, sa eskwelahan, sa workplace, sa loob ng bansa at maging sa pagitan ng mga bansa. Ito ay maaring within a unit (halimbawa, society) or brought in, by outside forces…. Sa kalikasan ng tao, parehong naririyan ang kabutihan at kasamaan, oo. Hindi naman siya laging masama, kadalasan, mas pinipilit pa rin niyang maging mabuti… Pero, pag dumating sa point na-breach nya ang threshold, halimbawa, nakatikim siyang magmalupit o gumamit ng dahas at hindi siya nahuli – mas malaki raw ang tsansang ulitin niya ito…

 

Sabi ng mga dalubhasa, ang rapist hanggang hindi nahuhuli at napaparusahan, chances are, uulitin niya ang krimen – sa kaparehong biktima o sa iba naman… Ganoon din daw ang employer na hindi pa nabibisita ng Labor – hanggang pwede pang kakapiranggot ang pa-sweldo o walang ventillation ang workplace – hindi muna niya i-improve ang work conditions. Titiisin niya… Hindi naman lahat, pero mas marami ang gayon – lalo sa yugtong nag-uumpisa pa lang ang manufacturing sector ng isang bansa… Anupa at tila may kung anong kasiyahan at excitement na hatid ang pagmamalabis – sa kaisipan at pakiramdam ng gumagawa – a sense of power… Bukod pa sa mga materyal na benepisyo, galing rito. Sa kabilang banda, ang biktima raw ng exploitation – matapos ma-expose ng paulit-ulit sa marahas at degrading na karanasan – may tendency — i-justify ang ugnayan bilang tama — mentality ng isang abused.

 

Ang mga Espanyol ang kinilalang imperial power sa mundo matapos ang Portugese

Painting image ng Spanish colonization ng mga natives/ http://www.shmoop.com

Punta na tayo sa paksa natin – colonization – rape ng bansa, ahaha…🙂 Medyo masagwang pakinggan, pasensya naman. Pero, essentially, iyon yaon. Kumbaga, ang pananakop – height and concentration ng exploitation sa kasaysayan ng tao. Ito ay panggagahis ng tao at a mass scale: maramihan… Kung ang slavery o pang-aalipin ng kapwa ang pinakamalalim na uri ng pagsasamantalang lumatay sa kasaysayan ng tao, ang pananakop naman ay pinakamalapad at pinakamalawak ang naging sakop… Sa armed conquest, armas at war techniques ang puhunan at mga sundalong handang pumatay at mapatay. Ang mga kapalit – mas malaking teritoryong masasakupan, mas maraming resources para sa sariling mamamayan at dagdag na taong palalaganapan ng relihiyon, paniniwala at kultura – the essence and end of wars of aggression.

 

Ang isang bane ng colonization, ang bansang minsang nasakop ay vulnerable – para sakupin muli… Kung matatandaan sa World History natin from high school, may ilang bansang umabot sa hanggang lima ang naging colonizers – sa iba’t ibang yugto ng kanilang kasaysayan. Pagkatapos ng gera, ang loyalties ng kanilang mga mamamayan ay hating-hati, bukod sa labis ang kanilang pagkapagod. Hindi halos makagulapay ang bansa. Lasug-lasog… Mayroon namang iba, pinaghatian ng tatlo hanggang limang bansang mananakop ang iisang teritoryo. Pagkatapos ng dekada o daantaon ng digma – bagsak ang kabuhayan ng sinakop, magkakaiba ang languages sa iba’t ibang bahagi ng bansa, iba-iba na rin ang cultural influences at, maraming kababaihan ang naanakan ng iba’t-ibang lahi. May significant na bilang ng mga batang hybrid, ipinanganak sa panahon ng gera subalit, walang kikilalaning ama. Gulanit at gutaytay ang fabric ng lipunan…

 

Napag-usapan natin sa umpisa, tungkol sa aids and assistance para sa Third World countries – para makahabol sila sa pag-unlad, sabi… Kasama rito ang Pilipinas, na maswerte pa, kung tutuusin – dadalawa ang bansang nakasakop sa atin. Matapos ang pandaigdigang gera, reconstruction and rehabilitation ang agenda. Ito, in recognition of the fact, pag nagdidigma – napakarami ng nasisira at kailangang itayo, kumpunihin at palitan – physically and otherwise… Matapos sirain at lurayin ng paulit-ulit ang bansa-  patayin ang mga kinikilalang pinuno ng lipunan, gawing tagasunod ang mga di-pinatay at ibahin ang kaayusan sa nakasanayan  ng mga tao – kinuha ang resources nila, kinontrol ang major industries at naglalatag ang colonizers ng mga bagong patakarang susundin ng mga sinakop. Tila ang manggagahasa ay nakipamahay sa kanyang biktima at mula noon, siya pang masusunod…

 

Image of logging in North Borneo in late 19th century

Logs and timber ng bansang nasakop ang agad tinutumbok ng mga dayong nananakop/ en.wikipedia.org

Mura at tubong lugaw raw ang colonization bilang venture. It is an extractive and one-way relationship – isa-siphon ng nananakop ang natural resources ng sinasakop. Unang sisilipin ng mga dayong mananakop ang mga lupa at tubig ng natives – para sa langis at minerals na posibleng minahin. Kasunod, titingnan nila ang mga posibleng sources ng timber, logs, rubber at iba pang resources na maaring ibenta sa malakihang scale, sa pandaigdigang pamilihan… Kahit pa madalas, sabi ay Christianization/Islamization and education of the natives ang goal ng pananakop, sa jungle and caves kaagad ang punta ng mga dayo pagkapasuko sa natives… Bago pa idating sa isla ang pari at mga guro, nauna na ang prospector at geodetic engineer, kasama ng mission head – sina-size up ang posibleng value at potensyal ng war loot…  Sa malao’t madali, idudugtong nila ang backward economy ng bansang sinakop sa ekonomiya nilang mas abante – bilang supplier ng raw materials.

 

19 responses to this post.

  1. Wow parang teleserye na ito, makagawa nga ng spoof... "Hindi na mapuki ang daan sa amin" lol

    Tugon

  2. Posted by Rhence on Marso 28, 2013 at 4:33 hapon

    Grabe! Sobrang historical. Hehe. Alam mo po lahat yan? Grabe amazing.😀

    Tugon

    • hi, Rhence… ang saya at dumaan ka. kelan ang march nyo, bandang May? ahaha.🙂 hala, grad me ng A.B. so must na marami ang tanda sa history, etc. btw, ang last pic, larawan ng British North Borneo syndicate noong early days nila sa Sabah, ahaha.😉 salamat for appreciating. ba’t wala ang site mo?… :c

      Tugon

  3. Ang dami nang sumakop sa atin pero napag iwanan pa rin at maituturing pa ring third world country. Minsan naiisip ko sana nagpasakop na lang tayo sa kahit ano mang bansa. Hapon, U.S. at Spain tingnan mo sila pare parehas mauunlad at hindi tulad natin na patuloy na naghihikahos at hindi man lang maalis sa mga hanay ng third world country..hello dpsa…at sna😉

    Tugon

    • ahaha, nagpasakop nang walang resistance? hala, mahirap yata. hmnn, medyo ganyan ang ginawa natin noong time na pumunta rito ang Japan – silent na pagsuko, kumbaga… anyway, sana nga, pero parang hindi, hehe.😉

      btw, ang Spain, 200 years yata as imperial or world power. during those times, ang laki ng iniunlad ng economy nito…US – more or less, 100 years as an imperial power and sobrang laki lalo ng iniunlad nito. but the devts, hindi na-carry over sa colonies nila, naah…^^

      ang Japan, was a solid and stable nation already (economically and politically), before ito nag-dare sa Sino-Japanese war noong WWI and before WWII, and, against the Allied Powers noong WWII din.. hardly comparable, I guess, sa Phils – na malayo pang maging nasyon by the time it was colonized… ^^ parang ganoon, kapatid.

      also, US assisted Japan sa reconstruction after WWII, for several decades, bilang compensation sa pagbomba nito sa Hiroshima and Nagasaki districts. yown… ^^

      hmn, wala yatang country na once colonized, tapos nahila ng colonizer sa growth process. merong mga lumago after napalaya, like Singapore and Hongkong, mas nag-grow sila after bitawan ng British. parang gano’n ang bali-balita, hehehe.

      life interrupted ang usual na hatid ng pananakop, sadly…🙂 minsan, may bonus pang retardation, shaks lang… :c hello, Myr, have a happy Semana Santa weekend.😉

      Tugon

  4. Posted by john tugano on Abril 3, 2013 at 9:15 umaga

    Ang hirap isipin noh? an daming problema sa society natin..bat pa kasi tayo naging 3rd world country..ehehe.

    Tugon

    • hello, John…hoho nga, daming challenges, kumbaga… paano maging citizen ng isang developing nation na di madive-develop. i’d say, circumstances natin, i-strive nating paunlarin – naks… yong ibang bansang developed na, dumaan din sa dugyot and corrupt…😉 good day

      Tugon

  5. madami akong natutunan.. pero tama ka.. may discrimination talaga kahit saan…

    Tugon

    • hello, Potski… kakatuwa at dumaan ka. meron naman lagi, within and lalo pa pag lumabas na. ang mahirap, pag umabot sa puntong hatred na at destructive na…🙂 hey, summer na summer na rito. dyaan, musta?😉

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: