Hindi na maputik ang daan sa amin, part 9

 

Hello, mga ka-blogs! Ahaha, binalinguyngoy ba kayo sa previous post?😉 Pasensya naman, naparami yata ang nilalaman at malalalim… Pero, naman, kaya nyo ‘yan –  Gini coefficient, sus. Tandaan, repeater lang sa College Algebra ang nagkukwento, hala. Pumasa naman agad sa Statistics, hehe… Pero yun nga, gusto kong i-share sa inyo, nasusukat ang kahirapan at ang inequality sa lipunan. Isa pa, nakikita rin natin sila at nasasalubong… Pero siyempre, ang mas malaking tanong – na-overcome ba ang kahirapan? Paano? Sabi, nai-engineer daw ang progress ng lipunan. Paano pala pag mabagal o kapos o walang progress ang lipunan – may nag-i-engineer rin ba no’n? Ahaha, pasaway ang tanong, kainaman na…😉🙂

 

Image of an urban poor community against the backdrop of the country's central business district

Gaano kalaki at kalawak ang dapat na cost ng development? Gaano katagal? / youronevoicecanmakeadifference.wordpress.com

 

Lahat naman yata tayo, nakakita na ng rows of shack houses o ‘yong sa karaniwang tawag – squatters. Di ba, pag minsan nga at nadadaan tayo sa mga ganoong lugar, parang ayaw na nating tumingin? O, kaya naman, tingin tayong mai- maigi? Sinisipat natin – paano kaya sila nagkakasya lahat doon sa apat na metro kwadradong espasyong di na halos makita sa rami ng mga damit, anik-anik at sinampay? Oo, haha. Tapos, di natin halos maubos maisip – paano nila natitiis ang ganoon kadugyot na kalagayan? Amoy-ihi, magkahalong dumi ng tao at aso ang amoy at amoy-pawis din – shaks – ng mga taong dikit-dikit sa kakapirasong strip ng lugar na pinilit gawing habitable… Paano nga kaya sila nabubuhay? Sabi natin…

 

Informal settlers ang tawag sa kanila sa mga meetings na karaniwang napupuntahan ng lola nyo. Mas maganda nga namang pakinggan kesa sa salitang squatters. Sa mayayamang bansa, ghetto ang karaniwang tawag – lugar na tirahan ng ethnic migrant population o mga dayo sa bansa at mga lower middle class na dumausdos pa ang katayuan. Tapos, meron din silang tinatawag na homeless – mga taong natutulog sa mga subway, sa gilid ng mga gusali at parke at sa mga istasyon ng tren at bus – habang ang mga gamit ay nakalagay sa lumang grocery cart…

 

Image of a homeless child in Malate, Manila

Larawan ng isang batang Pilipina na ang tirahan ay ang mga kalye sa Malate area/ http://www.trekearth.com

Dito sa atin, mga taong grasa ang tawag sa walang matirahan  – mga natutulog sa ila-ilalim ng tulay, o kaya, sa mga lumang kariton o kaya sa benches sa mga pampublikong lugar – ang sapin sa likod ay kartong papel lamang… Noong babago sa Kamaynilaan, sila ang unang naka-shock sa akin. Namangha ako sa rami nila at sa itsura ng kanilang kalagayan… Sa Quaipo ako unang nakakita ng ganoon, gabi – mag-a- alas diyes na yata at patulog na sila. Tatlong mahahabang hilera sila ro’n. Nagmarka ang nasaksihan sa akin.. May mga pulis na dumating noon, itinaboy ang mga tumutulog sa bangketa paalis. Medyo nalaglag ang panga ko … Kako, pwede palang  ma-displace ang mga tao ng ganoon kalala?

 

Bleeding heart liberal ba kanyo? Ahaha, hindi pa… Simpleng curious lang, palagay ko. Noo’y hirap na hirap pa rin kami sa buhay. Kaaahon lang galing sa nayon, kinakapa pa ang mga kaparaanan sa malaking lungsod, umuupa sa lumang boarding house sa Sta. Mesa at pag nagluluto, blue flame na binobomba pa ang lutuang gamit namin… Saka, hirap kami noon sa buhay sa bukid na pinanggalingan – walang-wala, ‘ika nga…  So, kumbaga, it was a surprise for me to learn – pwede palang may mas mahirap pa sa amin? Wala rin kaming pera, hindi sapat ang budget namin noon sa pagkain at pamasahe… Pero yaong mga walang matulugang nasalubong, hindi lang mukhang walang pera – tila wala rin silang dangal…

 

So, part ng kwento natin – displacement in society – kawalan ng lugar ng ibang kasapi. Sa mga makabago at mauunlad na bansa – developed nations – kako nga, may mga mahihirap din… Karamihan sa kanila, mga bagong dayo – mga nabubuhay sa labas at gilid ng mga sentro… Nagtatrabaho sila sa manual, dirty, delikado  o degrading na larangan. Sa industrial nations, may palugit para sa mga kasaping nasa ibaba. Kumbaga, allowance for displacement or wastage… Dahil industrial ang produksyon at buhay ng mga tao, economically, tinitingnan ang pamumuhay bilang isang higanteng produksyon. At sabi, hindi maaaring 100% na efficient ang paggiling ng lipunan. Sa mga lipunang makabago, traditionally, may allowance na 4% unemployment – mga kasaping unstable ang kabuhayan, nasa ibabang bahagi ng lipunan at malamang, needing aid…

 

Image of a mother and two children in a pavement in America

Larawan ng mag-iina sa Amerikang napaalis sa dating tahanan/ harvesttime.org

 

Ang Pilipinas, nabibilang sa kategoryang developing nations. Poor nations, ginawa na lang daw developing ang paglalarawan – para politically correct. At gaya ng napagkwentuhan na natin, hindi porke at mahirap na bansa, wala nang mayayaman. Katunayan, ang iba sa mayayaman dito sa atin, mas mayayaman pa sa counterpart nila sa rich nations o, kapantay… Kari-release lang ng Forbes’ list of world’s billionaires, nitong kabilang linggo. Kung ilan rin ang Pilipinong kasama roon. May mga pag-aaral din tungkol sa world’s millionaires, di ko lang alam kung taunan din silang gumagawa ng listahan… Anyway, sa findings ng studies, sabi, di kagandahan ang ugali ng mga mayayaman sa iba’t ibang bansa, hahaha – hindi nagbibigay (mararamot), masusungit kundiman malulupit at, mahihilig sa libre at exemptions. Underdeclared daw ang buwis nila, kundi man nandadaya sa mga bayarin. ^^

 

Kung ako ang tatanungin, mas maigi sana, marami ang Pilipinong mayayaman. Ba’t ang hindi?🙂 Anyway, sa Social Science, ang sabing goal ng development – pagpaparami ng middle class population sa bansa. Ang gitnang uri  ang itinuturing na settled, naghahabi at nagtutuloy ng kalinangan at sibilisasyon at relatively stable na grupo ng mamamayan. Bakit hindi ang mga ubod ng yaman? Kasi raw, ang mga nasa tuktok, at, iilan lang naman sila – karaniwang nabubuhay ng mas maluho sa nakararami, detached sa mass, at konserbatibo ang pananaw, ayaw sa pagbabago (sapagkat sila ay nakaririwasa na). Samantala, ang mga mahihirap, very unstable ang kabuhayan, nagdarahop sa pang-araw-araw at sa kalakhan ay kapos sa edukasyon – kundiman mangmang. Ang mga nasa ibabang-ibaba – busabos ang kinagisnan at mas madalas, desperado ang pamumuhay na tinatahak at hinahabi.

 

Image of a poster asking people to live their dreams

Ang payo ay abutin ang mga pangarap. Magkaiba raw ang mga mithi at paraan ng pag-abot sa mga ito ng mga taong magkakaiba rin ang puhunan at nilakihan/ http://www.achievenowabetterlife.com

At the individual level, layunin ng nakararami ang iangat ang pansariling kabuhayan at katayuan sa lipunan – umasenso sa buhay…  Sabi, libre naman daw ang mangarap and sky is the limit – kung hanggang saan ang kayang marating ng isang taong nagsisipag at nagsusumikap. Ang ating paligid ay puno ng mga kwento ng against all odds na pakikihamok ng natatanging individuals – mga hindi nagpatali sa limitasyon ng kinagisnang kahirapan. Abutin ang langit at lampasan ang mga balakid, sabi… Salungat at pasaway ang sabi ng mga pag-aaral nitong huling dalawang dekada. Sabi, ang probability ng success ng individual na lumayo at umangat sa uring pinagmulan ay napakababa – kung sa pangmaramihan titingnan. May pag-angat daw namang naaabot, sa mga nagsipag-aral at nagtayo ng negosyo, ngunit slightly above lamang sa dati. Ang radikal na pag-asenso – sa napakaliit na bahagdan lamang ng populasyon.

 

Myth-debunking ang resulta ng mga nasabing pag-aaral – kapwa sa industriyalisadong bansa at sa mga bansang developing o mahihirap. Ang madalas sisihin sa hindi pagtutuluy-tuloy ng pag-angat ng tao, ang complacency o pagiging kampante. Ngunit sinasabi sa mga pag-aaral, realistic considerations at paninimbang socially ang dahilan, bakit di sobrang layo ng trajectory ng ambisyon ng mga nag-umpisa sa ibaba. Ang karaniwang halimbawa, mga estudyanteng lower middle class na excellent ang performance scholastically. Karamihan sa kanila, pinipiling maging “guro lamang,” sa halip na – umakyat sa corporate ladder, mamuno ng malalaking organisasyon o mag-assume ng high profile na public position. Para sa kanila raw, pag-angat na rin ang maging guro – sa esteem ng pamilya at kamag-anak at mga dating kasamahan – at sa bago nilang status, mas manageable.

 

Ang mga middle-class daw, urban ang kinasanayang buhay at dati nang may  kabuhayan, likely at mas madalas na sumusuong at nakikipaghamok sa sinasabing corporate ladder. Sila rin ang sanay at exposed na sa mabilisan at pampublikong setting, kung kaya mas malaki ang tendency nilang pumalaot sa careers sa malalaking organisasyon o humawak ng responsibilidad sa public office. Tila sinasabi, ang mga pagpapasya at career moves ng exceptional and spectacular individuals, depende rin sa kanilang background, kinasanayan at sa puhunan at confidence na in-afford sa kanila ng kapaligiran. Ang professional daw na professionals din ang mga magulang, mas likely mag-venture sa isang competitive na professional field – higit sa professional na siya pa lang nakapag-kolehiyo sa pamilya o angkan. Hindi raw masasabing conservatism sa ambisyon ang ganoon kundi, rational consideration din. Sa isang banda, lalabas na relative din ang definition ng success ng mga tao.

 

Image of a man in California asking for job in exchange for food

Larawan ng isang lalaking na-displace ng recession sa California, nag-aalok ng serbisyo para sa pagkain/ http://www.calbuzz.com

Sa tradisyunal na pagtingin, ang drive o tulak ng tao ang mag-aangat sa kanya mula sa kalagayan. Na usapan lamang ng kung ang isang tao ay tamad o masipag, kung lax o driven at kung ningas-kugon o determined, sabi… Tila may kinakalimutan ang ganitong argumento o paniniwala – ang katotohanang hindi pantay-pantay ang oportunidad ng bawat isa, may mga taong umiiral sa kalagayang wala o sikil ang kanilang karapatan, may mga nasasadlak sa liblib at malalayong lugar at may mga walang- walang makain, maipuhunan at maipag-aral – walang mapag-uumpisahan sa buhay… May exceptional individuals na nakakalampas sa mga limitasyon, ngunit tila higit na marami ang di-nakakatawid o sakali man, slightly above lamang. Nakalulungkot isipin, sa scale ng panlipunang pag-unlad, unang nakakalos, nadi-displace at nadi-dislocate ng mga pagbabago ang mga nasa ibaba at dating naghihikahos. Ang mga nasa gilid, natutulak pa lalo sa looban at ang mga dating mayroon na, siyang nabibiyaan sa hugos ng pag-unlad.

 

Sa tuwina, bahagi ng goals ng pamahalaan ng mga bansa, paramihin ang populasyon ng gitnang uri – mga mamamayang may purchasing power o pambili, may ari-arian, may edukasyon at may relative standard of living o nabubuhay ng komportable at maayos.  Sa klasikong pagtanaw, ang middle class ang may potential at kakayahan for citizenship at core component sa nation-building. Sa mas praktikal na konsiderasyon ng pamamahala, sila rin ang pinagmumulan ng pinakamalawak at captive na tax base. Ngunit ang ikalalago at ikararami raw ng middle class ay kung gaano kalaki ang pagitan ng dalawang extreme ends, the polar opposites – ang pinakamahihirap at ang pinakamayayaman – at kung paano tinitimpla ang magkalayo at kadalasan, conflicting nilang interests. Bawat lipunan ay may tatsulok, nasa itaas ang iilang ubod ng yaman, sinusuportahan sa ilalim ng malawak na base ng nagpapawis, ngunit hikahos na milyun-milyong mahihirap.

 

Ang karamihan sa mahihirap sa atin, doon sa tinatawag na living on the margins. Hindi sila totally displaced, tulad ng mga homeless sa mayayamang bansa. Sa mga squatter enclaves, may lugar na napupuntahan ang mga mahihirap sa lungsod at kahit paano, nakakapaghabi na rin ng buhay. Sub-standard, sa maraming sense, lalo pa sa health and hygiene. Pero may natutuluyan… Ang rural poor, hinahayaang magtirik ng munting kubo sa lupa ng kamag-anak na maylupa sa probinsya. Madalas ay kapos na kapos ang kanilang nutrisyon, kahit pa batak sa trabaho. Ngunit muli, may nasisilungan sila at napaglalagyan…

 

Sa mayayamang bansa raw, mas mataas ang level of alienation o pakiramdam ng pagkawalay sa lipunan, ng mahihirap sapagkat pangita at ramdam ang kawalan nila ng lugar sa napakabilis, sagana at state-of-the-art na lipunan. Ang kaibahan, mayroon silang subsidy, sapat upang di-tuluyang magutom sa pang-araw-araw. Ang karaniwang mukha ng alienation sa mahihirap na bansa ay ang insurgency o paglabang armado sa pamahalaan. Sa mayayamang bansa, manifest ang phenomenon sa riots, gang formations at sa independent communes na itinatayo ng iba’t ibang alienated subcultures.

 

Nang magsaliksik ang inyong lingkod sa subject matter ng poverty para sa previous post, ang pinaka-interesting na material na nasalubong ay isang mahabang academic paper, in PDF format, na nagsasabi, “Poverty is the destitution of the soul. ”🙂

 

Image of a squatter's colony in urban Philippines

Sinong titira sa dugyot, mapanghi at dikit-dikit na tirahan kung may malilipatang iba?/ http://www.eastasiaforum.org

 

Hala, mas matagal ko pa itong nabuo kaysa sa previous post, pasensya naman sa limang mambabasa, hihihi. Sangkaterba ang drafts at revisions, pramis…🙂 Siyanga pala, ano ang kaugnayan nito sa daang maputik sa nayon?  May connect, pangako…😉 Ang talakayan sa itaas, tungkol sa mga uri sa lipunan at sa partikular, sa grupong tinatawag na marginalized in society… Ang mga taong living in the margins – kapatid ng mga taong tinatawag na left behind and forgotten – mga mahihirap sa malalayo at liblib na lugar, ayon. Tungkol roon marahil ang susunod na bahagi ng ating pag-uusap. Usapang baryo na muli – our local version of hillbillies. Sana sipagin ang lola nyo, hindi ako kasipagan these days, ahaha. Pero sana, may kasunod pa… Regards!🙂

 

10 responses to this post.

  1. Displacement in society… Malaking problema dito noon ang biglang dagsa ng mga “itim” galing sudan. Hindi na-control ang dami nila.. Wala silang mapuntahan kaya nagkalat sila kung saan saan. Karamihan nasa park.. Dumating sa punto na nkakatakot nang lumabas, naging delikado ang lugar… Ano nga bang maitutulong sa kanila. Kung ang sarili nilang mamamayan ay may sariling hinaing na dapat tugunan….

    …hallo San. Napadaan saglit ^_^
    Gandang gabi.. Ingat lagi🙂

    Tugon

    • hello, froggy… aye, may episode that the Sudanese, nag-spread sa different countries due to a war/conflict started in 1983 yata, and lasted more than 20 years? naandyan ka na no’n (mid 2000), kapatid?🙂 parang nag-seek sila ng refuge sa countries na may old relations sila. Israel yata is one of them… btw, one of the old civilizations ang Sudan, prehistoric people… i think, their relation with the Israelites dates back to really, really olden times. s-in-ave ng Sudanese ang Israelites dati?🙂

      Sudanese have really black complexion, Islamic in their belief and yet, Arab ang culture – rare combination…🙂 but theirs is quite an old and long history and may glorious past sila, ahaha. ayon… ano pala ang ginawa sa kanila ng government dyaan, tinulungan sila? ba’t kayo natakot – ‘indi pamilyar sa presence nila o hirap ang govt dyan sa crowd control? ahehe.🙂

      salamat sa pagdaan… ingat ka rin at magandang umaga…😉

      Tugon

      • Lately, parang last two years dumami sila ng dumami. Sa park sila nkatira (as in ang dami nila). Sa ministry of interior binibigyan sila ng trmporary visa(hindi ko alam anong visa gamit nila, halos mapuno nila araw araw ang interior). Ang problema di sila makakuha ng trabaho, di sila ngsasalita ng hebrew at saka paano sila makakuha ng work dito… Tapos dahil itim nga, ayon racial discrimination na din at masaklap pa tumaas ang crime rate ng Tel aviv, blaming ang mga pakalat kalat na itim, with matching dukutan, nakawan, rape, patayan… Unfair man sabihin pero pagnakakita ka ng itim nasa isip mo gagawan k ng di maganda, nadamay n ‘yong mabubuti.

        Dahil nagrereklamo at nagwewelga na ang mga tao dito dahil sa takot na baka mapahamak ang pamilya nila, unti unting pinabalik sila sa bansa nila (kahit pa ibig sabihin noon, kamatayan ang pagbabalik nila ). Isinara na din ang border. Dahil nga biglang dagsa ng tao at walang paglagyan. Dahil na rin siguro sa liit ng bansa nila kahit gusto nilang maging makatao, mga mamamayan nila nalalagay sa di magandang sitwasyon.😦

        Noong bagong dating ako dito, kumakain pa kami sa park o inaabot ng hatinggabi sa labasan. Pero ngayon, nag-iingat na mga tao. Mahirap na kasi.

        Crowd control problema, walang paglagyang tirahan,di lahat pwedeng makapagtrabaho, sabihin na rin natin na survival ang nangyari sakanila (may ilan na may atittude at di maayos n behavior). Paano sila mabubuhay dito…..😦

        Ewan pero sabi sa border ng egypt di na sila pwede dumaan, binabaril daw ang maliligaw doon (”yun ang sabi sabi ^^)

        ….nabanggit lang hihi
        Shalom uli…

      • a, gano’n pala. so, in-accomodate ang Sudanese ng Israel’s Interior noong unang mga taon… nagkaroon na ang Sudan ng parang peace agreement noong 2005, pero may nag-precipitate uling bagong conflict. so, kagulo uli…

        around 1950s kasi, colony sila jointly ng Britain and Egypt, parang dalawa ang governors, ahaha. after mabigyan ng Independence, doon nag-umpisa ang gulo – ang mga nag-aagawan sa pwesto, mga heads ng tribes na may military backgrounds din. basta, ang Pres nila sa present, by coup d’etat unang umupo. tapos, nag-election na lang later to legitimize his rule. kaso, may ibang aspiring to the leadership so, ayon…

        na-charge dati sa International Criminal Court ng genocide ang president, di lang na-execute ang court decision dahil sa Arab league and other bodies na may impluwensya. kawawa ang mga tao sa Sudan, in-embargo sila dati ng US and other trade partners. tapos, parang di matapos ang conflicts – daming factors – religion, ethnic cleansing, tribal wars, military adventurism, etc. pero, may oils sila ro’n, kaya friends sila ng Arab League, Russia and China, hahaha. the thing is, mas raw pa than the Phils’ ang experiment ng Sudanese people with democracy and parliamentary procedures… ^^

        anyway, problema nga if extended stay sila ryan. tapos, nati-trigger ang xenophobia ng local citizens. lalo pa, people of color itong mga dayo… dati, parang may protection pa ang Sudanese sa Egypt as a people formerly colonized… pero, nag-loosen na rin yata ang role ng Egypt kasi nga, intensified ang conflicts and ang hirap nang makita ng papanigan. nag-intervene na rin sa Sudan once ang UN for humanitarian reasons… pero ang hirap ding i-handle at international level, sabi. yun nga – may mix ng tribal, military and religious conflicts. masyadong malapot ang stew, kumbaga… ^^

        hello, froggy… good evening!🙂

  2. dapat ba talagang mahaba post mo.. parang sinasadya mo na yata at para hindi ako magbasa ng post mo… pwesss… hindi ka nagkamali lol

    miss ko lang kulitan mo

    Tugon

    • hello, kiko… pasensya na, na-skip ko ito… oo, hinahabaan at sineseryosohan ko ang posts para ma-discourage ka sa pagbabasa, hakhak…😉

      btw, may maiiksing posts dito – Madali Na, Sa May Pagliko at Kapansin-pansin. akala mo, ikaw lang maalam ng maiksing posts, hah!😉 sa ssa, may maiksing post do’n – buwan ang saksi saka yong current post – Mahalin.

      hahaha, naman…😉 kumusta?

      Tugon

  3. At dahil mag-eeleksyon na..

    “Hindi na maputik ang daan sa amin. Masukal na!”

    Tugon

    • hahaha, hello, diwangtanglaw… naaliw ako at napadaan ka. salamat.🙂

      hala pa, sa amin ay medyo nag-step up na ang politicians, may semento na ang mga daan at sa papasok, ginawan na rin ng sementadong footpaths, hihi. umangas na rin yata ang constituents kasi, ayaw na sa abot-abot lang ng pera. parang kung tama ang dinig ko, pera plus kalsada, ahaha.😉 ba’t masukal, maulan sa may inyo? ahihi🙂

      Tugon

      • Actually uso din dito sa amin ang mga bagong kalsada. Yun tipong maayos pa naman e bubungkalin para pagtaniman ng talong at okra ay este para sementuhin ulit. Kailangan na yata kasi sa audit yung liquidation ng mga pondo na ibinigay sa mga pulitiko kaya sangkatutak ang rush na project gaya ng road widening at mga farm to market road.

        Meron na rin yung mga abot-abot ng pera at grocery items. Isama mo pa yung mga kakatok sa bahay at magkakabit ng maliit na tarpaulin sabay bigay ng mug, t-shirt at wall clock na may mukha ng mga trapo. Kaya ayun, masukal na.

        Pahabol:
        Nga pala, hindi na sardinas ngayon, corned beef na. ^_^

      • hello, diwangtanglaw… pasensya na, ha, di ko pala nasagot ito dati…🙂 a, oo, sadly, totoo yaang binabanggit mo. ganyan din doon sa amin at palagay ko, sa maraming iba pang lugar sa Pilipinas. maraming rush na infrastural projects pag panahong kailangan nang mag-liquidate. dangan kasi, baka mapabalik lang sa National Treasury ang allocated funds, ahaha.

        abot-abot ng pera, grocery, wall clock, mugs at iba pa. e, di binibili ng kandidato ang loyalties at boto ng mga maghahalal. bilihan pag election time tapos, tatlong taong magtitiis ang constituents sa mal-performance or non-performance ng opisyal. patronage system ata ang tawag sa sistema… ^^

        palagay ko, palagay lang, habang backward ang pamumuhay at ignorant ang mas marami sa ibaba, patuloy na magta-thrive ang ganyang kalakaran. kakapit sila sa dole-outs, kahit minsan man lang, may mapakinabang, sabi… thing is, detached masyado ang pamamalakad ng officials na hinahalal kaya the citizens would take advantage sa pana-panahong (election time) pagbaba at pakikisalamuha nila. kumbaga, iyon man lang, noon man lang. sa ganoon man lang na paraan. nakakalungkot, oo.

        our peoples’ lives have to improve siguro – kabuhayan, education and social interactions. para, they can afford din to have rational (or sabi natin, decent) na political moves and decisions. parang ganoon ang tingin ko, hehe.

        pag lugmok at api ang kalagayan, mahirap asahang ang politika ng mahihirap ay decent and noble, wari ko… ^^

        happy summer, kapatid. happy Labor Day! regards…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: