Hindi na maputik ang daan sa amin, part 7

Hello, mga ka-blogs! Nauumay na ba kayo sa paksa natin? Ahaha… Ako, medyo-medyo, hihi. Sa tuwing ita-type ko ang pamagat ng post sa itaas, napapasabi, “Putik na naman sa daan? Huhuhu…” O, sige na nga, umpisahan na natin at nang magkaroon na ng katapusan, sa tinamaan ng husay. Pasensya naman…πŸ˜‰

SaΒ Ang Baku-bakong Kalsada sa Aming Nayon,Β tiningnan pabalik ang dirt road na matagal naming dinaanan noong malilit pa kami ng mga kapatid, pinsan at kalaro at gayundin ang makalumang pamumuhay na aming naranasan. Papaanong dati – pumapasok kami sa eskwelang lakad ng kung ilang kilometro at bitbit ang pares ng tsinelas na may butas. Nag-aabang kami ng mga dumaraang sasakyan pag walang pasok, ahaha. Parang spectacle sa amin noon pag nakakakita ng umaandar na mga gulong, patatawarin… Dalawampo’t anim na taon nga pala ang lumipas nang isinulat ang post o lathalain, labinlimang taon naman ang nakakaraan, mula nang masementuhan ang pangunahing kalsada – doon sa amin.

Image of two boys in rural Philippines

Napakarami pa ng agricultural communities sa Pilipinas at karamihan sa kanila ay mahihirap ang mamamayan/ http://www.poverty-in-the-philippines.com

Ang philosophical na tanong sa post, bakit rugged and eneven ang paths to development ng tao? Sementado na ang daan sa lugar namin at pag umuuwi naman kami sa bukid na aming nilakihan, naka-sasakyang pribado na. Pero, bakit ang pakiramdam namin, disconnected kami sa mga kasamahang nasa baryo? Sentimental na mga panimdim lang o praktikal na pagkilala sa sinasabing roads to development? Ano nga kaya? Sabi sa Economics, mahalaga sa paglago ng pamayanan at ng mga taong nakatira roon ang infrastructures – kalsada, tulay at patubig – mga pangunahing kailangan para sa markadong pag-unlad. Ang mga iyan daw ang magpaparamdam sa taong sila ay connected – kasali at kabahagi… Ang susunod raw – edukasyon. Na kapag nakapag-aral ang batang henerasyon, mas nabibigyan sila at ang kanilang pamilya ng pagkakataong umasenso.

May kuryente na sa lugar namin, naabutan ko pa nang magkaroon. Ayon lang, Β hindi namin agad na-afford ang koneksyon noon – mahal. Eventually, nakayanan din… May tubig na rin doon sa amin. May faucets na sa mga laba-lababo… Naipasemento na nga ang kalsada, hindi na maputik o maalikabok at ang mga batang pumapasok, hindi na naglalakad ng malayo. Hindi na aanim o wawalo ang sasakyang dumaraan sa maghapon… Labas-pasok na ang mga kalakal at produkto sa aming lugar at pati ang mga tao – mabilis na ring nakakaalis – basta may pamasahe. Pero pag pumunta kayo roon ngayon, ngayong may internet na rin sa ilang kabahayan, ang makikita pa rin ay larawan ng kahirapan, pagka-atrasado at bumabagsak na kalusugan ng mga tao. Backward and poor pa rin, ‘ika nga… Ngunit may ilang wisik na ng modernities na nakapasok – pati mga gawi at bisyo ng modernong pamumuhay.

Sa Ang Baku-Bakong Kalsada sa Aming Nayon, kinukwestyon ang wisdom ng pag-unlad na para sa sarili lamang, theory na formulated and advanced by Vilfredo Pareto… Si Pareto ay isang Italian engineer na kinikilala rin sa larangan ng Sociology at Economics. Kanyang theoretical works ang nagpundar ng sangay ng Economics na tinawag na Microeconomics. Ipinakita ng works ni Pareto, ang 20% ng lipunan ang may kontrol sa 80% ng ari-arian, nagpapalitan lamang pana-panahon ang elite or aristocracy at endemic sa lipunan – throughout the history – ang income inequality at kawalan ng demokrasya. Sabi niya, hindi importante ang intrinsic value ng mga bagay sa tao, ang mahalaga ay ang ordering niya ng priorities – ang kagustuhan niyang manaig at isulong ang sariling interes na mas madalas, economic in nature.

Larawan ng inhenyero at ekonomistang si Vilfredo Pareto/ http://www.stormfront.org

May mga tumawag sa theories ni Pareto na “social Darwinism.” Ang core teaching ni Pareto ay tinatawag na Pareto optimality. Sabi rito, ang isang lipunan o economic system ay nag-i-enjoy ng maximum na benepisyo kapag sa bawat pag-unlad ng isang kasapi, niyayapakan niya o itinutulak pababa ang ibang kasapi. Sa madaling salita, ang pag-asenso ng isa ay at the expense ng iba. Makikita ang elaboration ng theory sa indifference curve, kung saan inilalarawang mas madaling kamtin at mas efficient ang pansariling pag-unlad kaysa sa pag-unlad na collective o pangmaramihan. Ang pinasubalian ng theory ni Pareto, ang malaon nang pininiwalaan – ang lipunan at mga namumuno nito ay parating nag-i-strive for the greater good of the majority. Sang-ayon sa kanya, maximum efficiency ang hinahabol, hindi greater good.

Ang theory ni Pareto ay madalas na ginagamit sa welfare societies. Sinasabi roong mas maging tulungan ang isang kapuspalad kaysa sa ambisyuning iangat ang mas malaking bilang (na maliit ang tsansang maiahon sa kalagayan). Mayroon ding microfinance groups and cooperatives na Pareto optimal ang tinutuntungang prinsipyo. Sang-ayon sa kanila, sa sampong kasaping pauutangin ng perang puhunan, sakaling may dalawang magtagumpay na gamitin yaon sa negosyo, ang kanilang efficiency and success ay sasapat o hihigit pa sa failure or non-success ng walong di nakabayad sa hiniram. Subalit, ang theory ni Pareto ay pinakatatangkilik sa mga laro o games kung saan malinaw na naipapakitang ang pagkatalo ng isa ay nagre-resulta sa panalo ng kalaban and vice-versa. Mas kilala ang theory sa katawagang zero-sum game.

Ang zero-sum game ay best illustrated sa scientific works (game thory) ng 1994 Nobel Memorial Prize in Economic Sciences awardee na si John Forbes Nash, Jr, isang professor sa Princeton University. Itinuturing siya ng marami bilang Math genius at ang kanyang buhay ay ginawaan ng pelikula – Β A Beautiful Mind. Ang zero-sum game ang tila prinsipyo ng marami sa mga nagne-negosyo sa kasalukuyan – ang paniniwalang ang ganansya ng isa ay kawalan ng iba at ang kawalan ng iba, ganansya ng isa. Anupa at sinasabi ritong walang pag-unlad na magkakasama, walang pag-angat na hindi mangangahulugan ng paglubog ng iba at ang push and pull relationship ng dalawang panig ang nagtutulak para makamit ang optimal result na essentially ay private at di pangmaramihan. Ang economic theory na ito ang kinukwestyon sa post na Ang Baku-Bakong Kalsada sa Aming Nayon.

Sa ika-limang bahagi ng ating pagtatalakay, sinabing ang kabalintunaan ng mga lumagong bayan noon sa Europa ay ang pagiging dependent ng malayang bayan sa villages na hindi malaya (nakatali sa feudal relation sa pagitan ng landlord at ng tenants). Na habang umaasenso ang kalakalan at kabuhayan ng middle-class sa kabayanan, ang mga tao sa kabukiran ay mas nalulubog sa kahirapan. Sinasabi ng works ni Vilfredo Pareto, ang income inequality ay characteristic sa bawat yugto ng pag-unlad ng lipunan at mayroon daw broad base ng mahihirap na siyang sumusustina sa tuktok kung saan naka-pwesto ang pinakamayayaman. Ang nasa gitna ay middle class na parating abalang huwag mahulog sa ibaba, kung hindi man nila kayaning makaakyat…

Larawan ng mag-iina sa isang kabukiran sa Pilipinas

Ilang henerasyon ang kailangan ng pamilyang Pilipino bago matakasan ang kahirapan?/ weccnewsandevents.blogspot.com

Katanggap-tanggap nga bang ang kanayunan ay patuloy na dumausdos sa kahirapan habang ang ilang lungsod ay patuloy sa pag-asenso? Napakabagal nga ba ng pag-unlad o stagnant ang karamihan sa kulang-kulang na 1,500 municipalities o bayan sa Pilipinas? Paano nga ba tatahakin ang sinasabing landas ng pag-unlad?Β πŸ™‚

26 responses to this post.

  1. Paano gagawing madali ang pamumuhay dyan sa atin? Paano uuwi ang mga naghahanap-buhay na simpleng tao sa ibang bansa, kung pag uuwi di alam paano itutuloy ang buhay na maayos… ^_^

    gandang araw San….

    Tugon

    • hello, froggy… at sinagot ng mga tanong ang tanong sa post – tama ba naman ‘yon, kapatid? ahihi.πŸ˜‰ isa pa, may kurot ang mga tanong mo, miss. ang saya…πŸ™‚

      try kong sagutin in broad terms, ha… ang overseas workers phenomenon ng Pilipinas, nag-umpisa no’ng ’70s and nag-peak pagtuntong ng 2000, comprising 11 to 12million OFWs with remittances computed at $21 billion as of late (conservative, official estimate), contributing to about 14% of the country’s annual income. substantial and significant na, lifeblood na halos ng ating ekonomiya at lipunan and over the decades, naging bahagi na ng social policies natin. kumbaga, the government encourages out migration to sustain and continuously pump the economy. naging part na rin ng Filipino culture – para makatawid sa buhay or para umasenso – kailangang mag-abroad…

      the Phils is fourth in the ranking of countries exporting labor (next to China, India and Mexico). instead of exporting products, we are exporting people – o, di ba, ang ganda? the problem with our economy’s dependence on OFW contribution, hindi na nahihikayat ang gobyerno at mamamayan na palaguin ang local, domestic economy kundi magtrabaho na lang sa mga bansang may greener pastures or opportunities.

      while pwedeng sabihing ito ay exercise of comparative advantage (sabi sa Economics) that is, exporting something where we have an edge over the others – skilled labor – it results to skill and brain drain (dati pa itong na-observe). bale, the best of our crop of people, sa abroad nagagamit ang talent and intelligence at ang mga naiiwan ay di-kahusayan (ang sama, hihi) or frustrated people (nag-iisip kelan din sila makakaalis at aasenso).

      and of course, marami nang pag-aaral ang nagsabing napakataas ng social cost ng working overseas – breakdown of family ties, separation from loved ones and friends, adjusting to a new life and homesickness, etc. so, there has to be a balance somewhere between the economic benefits of having a family member or several leave and work abroad and securing and continuing the peoples’ way of life.

      madalas sabihing kaya nag-a-abroad, para mabuhay – to secure the standard of life ng pamilya. pero kapag nag-manifest na ang problems like may nabuntis sa kapatid or anak na iniwan, may nag-drugs sa pamilya, may naging kabit sa bayan si Tatay, etc., napu-put into question ang very logic kung bakit may umalis – nase-secure nga ba ang way of life or napapadali lang ang breaking down ng mga may lamat?πŸ™‚

      sabi rin, global na raw ang mundo at pamumuhay kaya ang pag-a-abroad ay para na lang pagpunta sa Cebu or Davao. while this maybe true on one hand, on the other, hindi pa rin yata… may rooting and growth na kailangan ang tao to live well. kung maliit pa lang ang bata ay parati nang naiiwan, he’ll likely grow up problematic. ayon…

      anyway, ang haba na ng lecture ng lola, hehe. btw, may programs na ang DOLE, TESDA and other agencies to develop the skills ng families ng OFW, para di habambuhay na nakasandal sa remittances. although, sa pagkaalam ko, di pa sapat to cover the needs – sa ngayon. may programs din ang small businesses to teach entrepreneurship and to retool the returning OFWs as far as I know. pero yun nga, di pa sapat to really answer the scope ng needs ng mas malaking OFW population.

      btw, i think, the OFW people who have plans to go back and settle in the country again must have their own initiatives na mag-develop ng local livelihoods and retraining programs – huwag lang iasa sa gobyerno. that is, kung balak pa rin nilang dito maglagi at manirahan. medyo mahirap talagang tapatan ang sweldo abroad dito – about 10 times or more, di ba?

      ahaha, pasensya na. kehaba ng tugon… hello, froggy! teynks, teynks…πŸ˜‰

      Tugon

  2. social darwinism: naalala ko ang isang dokumentaryo sa telebisyon kung saan ang barangay captain (sa parteng aparri) mismo ang kumuha ng mga benepisyo para sa barangay, halimbawa na lamang, mga gamot at nagtayo ng botika gamit ang mga ito. Isa rin ang generator na sana ang taumbayan ang gagamit.

    Tugon

    • hello, cheese… ahaha, ay nakow, maraming kapareho ang documentary na napanood mo, kapatid. medyo ganyan nga ang mga pangyayari, sadly… iyan ang sabi ni Pareto – ang elite daw ng lipunan, hindi nagiging concerned sa welfare ng iba, sus…nagpo-project lang daw ang mga nasa kapangyarihan that they’re doing something for the people at large. at ang ibang mamamayan naman, nag-aantay at nag-i-struggle na ma-unseat ang mga nakaupo at mayayaman para sila naman, ahaha. hayyy…πŸ˜‰

      salamat sa pagdaan at pagbabasa. have a good week…πŸ™‚

      Tugon

      • it’s an endless cycle. hindi matuto-tuto ang mga pinoy. parang kailangan pa ulit ng isa pang himagsikan. hindi yung mga false people power.

      • hello, cheese… alin kamo ang endless cycle, kapatid… isa pang himagsikan talaga? ahehe. at kailan ba false at kelan totoo ang himagsikan, di nga…πŸ™‚ kumusta…

      • yung nangyari kasi yung edsa revolution, yung original, lahat ng mga Pilipino e nagkakaisa ng diwa. yung mga sumunod na mga ‘himagsikan’ iilan lang ang mga boses na nagsusumigaw sa may edsa.

        cycle: illiterate pinoy votes corrupt politician. corrupt politician takes away right to education. lack of education makes illiterate people.

      • a, sabi ng iba, uprising or mutiny rin daw ang EDSA I, not a revolution really… it was more like the culmination of the years of anti-dictatorship struggle daw. middle class, upper class and reformist daw ang EDSA I that is why, mas reforms ang in-usher nitong changes, sabi… and, centered daw sa MM and not a nationwide event talaga, ayon… sabi nila, ha…

        ahaha, i agree with you sa corrupt politicians want and do keep the people ignorant para sila pa rin at silang mga datihan ang ilagay sa pwesto ng electorate. but who will break that cycle? not the old politicians, i guess…πŸ™‚ hello, cheese… at everyday ka palang nagpo-post recently, nakakatuwa.πŸ™‚

      • next week busy na ulit kasi may project na. lately wala e. as in wala. haha.

      • ahaha, basta, sunud-sunod ang naging post mo lately, naaliw ako. maganda pala pag nagkaka-time ka, ang sipag magsulat… hello, cheese!πŸ˜‰

      • marami ka atang luxury of time para basahin ang mga buladas namin hehe. o talaga lang mahilig ka magbasaπŸ˜€

      • ay, wala nga masyado. not as much as i’d like to. recently, ang nababasa ko na lang halos, posts ng ka-blogs na nag-iwan ng recent comments. ahaha, ang sama ko… btw, mabilis ang lola mong magbasa, medyo sanay. medyo speed reader ang lola, ahihi. ayon…πŸ˜‰πŸ™‚

      • bumili ka ba nung speed reading video tutorial na itinitinda sa home tv shopping? hehe.

      • ahaha, meron bang gano’n? di ko alam, may gano’n na pala… ^^ a, ganto, naikwento ko sa isang post sa ssa, one third of my life, ginugol sa pagbabasa. hayon, ang weird lang… may munting wento yan dito sa dpsa, sa page na Mga Paglalahad. good afternoon po, kaway-kaway, cheese…πŸ˜‰

      • hindi ko lang alam kung totoo at epektibo ito. kasi base sa advertisement, parang dinaanan lang ng tingin nung reader yung page (about 1.5 secs each), e naintindihan na daw yung content nung binasa. weird.

      • a, kung hindi seasoned reader ang magwa-1.5 sec glance, malabo ngang may comprehension sa pagbabasa nya, hihi. btw, mai-share ko lang – ang alam kong world’s fastest reader dati ay Pinay – UP grad sya pero sa Arellano University nagturo. VP na yata sya ro’n ngayon. for several years, sya ang may hawak ng record, ewan ko lang kung till now. ahaha, may trivia me sa ‘yow…πŸ˜‰ bye for now, cheese…

      • how fast is the fastest? hehe. sige mukhang uwian nyo na. babu.

      • basta, super fast sya. nowhere near half ang speed ko, hihi… ay, me susulatin lang me, kapatid. mag-uumpisa pa lang.πŸ™‚

  3. Hindi po ako magaling sa social science at lalo na sa Economics, pero habang binabasa ko to, naalala ko ung Conflict theory ni Karl Marx kung saan ayon sa kanya may ruling class at subject class. Ang mga ruling class ay nasa advantage dahil nasa control ng production samakatuwid marami rin silang pera (tama po ba? LOL). At ang ruling class daw ay gagawin ang lahat para maproteksyonan at mapanatili ang advantage na meron sila…

    Maiba naman. Ang teorya ni Pareto ay hindi naman applicable sa lahat ng pagkakataon.

    Tugon

    • hello, eirene… ahaha, naaliw ako at napakoment ka – galing.. yes, tama ang recall mo ng conflict theory ni Marx. nauna ang formulation ng theory ni Marx, a bit later pa ang kay Pareto… ang kay Marx yata, mas philosophical: ang kay Pareto, mas illustrative – parang case studies ang ginawa nya ng several countries – inaral ang patterns ng circulation of the elite and their properties/assets.

      ahaha, actually, wala pang nakaka-disprove ng theory ni Pareto in a solid, scientific and comprehensive manner, sadly… ang lungkot at ang cruel ng implication. sabi nya, mas instinctive raw talaga ang motivations ng mga tao, may times lang daw na nagpo-project na rational. ayon… salamat uli and happy weekend sa iyo!πŸ™‚

      Tugon

      • pakipalawak daw po ito:
        “sabi nya, mas instinctive raw talaga ang motivations ng mga tao, may times lang daw na nagpo-project na rational. ”
        hahaha! parang ang dating kasi sa akin ay “instinct ng tao” na paunlarin ang sarili at the expense of the other.

      • hello, eirene… hala, sino ang may request? pwede kamo silang magtanong at mag-comment din…πŸ™‚

        paano ba? actually, mali yata ang sabi kong “rational.” mas ang sabi nya, men follow their self-interests but it pleases them to imagine that they follow reason. here’s the link for the quotes – http://en.nkfu.com/vilfredo-pareto-quotes/

        actually, you could say that, more or less. instinctive daw sa tao na i-meet ang self-interest and to seek gains. thus, he comes across others who have the same motive. this is why others dubbed Pareto’s theory as social Darwinism – survival of the fittest.

        if we would compare it to Marx’s theory for example, the latter also believed na based on violence, corrupt and fraud ang rule of the elite, just like Pareto did. but Marx also held that man is capable of transforming his consciousness, of “transcendence” or of man going above and beyond his instinctive, immediate and selfish needs. thus, change is possible with man’s embrace of the so-called socialist ideals.

        Gandhi’s passive resistance also believed in transcendence as well as Abraham Maslow’s hierarchy of needs for human self-actualization. that man will be able to rise above the mundane and instinctive. for Pareto, walang ganoon. parang base and vile talaga ang human nature and headed for the rut kumbaga… parang sinasabi nya, outward lang ang iniunlad ng civilization, underneath ay barbaric pa rin ang mga tao. ayon… teynks and happy Sunday!πŸ™‚

  4. Ibig bang sabihin nito ay mas lalong lulubog ang mahihirap at lalago naman ang mga mayayaman? Pasensya na at mahina ako sa economics… Pasensya na san.. *kaway-kaway*

    Tugon

    • hello, Potski…hmn, paano ba? ganto yata… worldwide, may pagka-ganoon na nga ang trend – usually, ang growth ng cities nagtutulak para lalong maghirap ang countrysides sa isang bansa – sa context yaan na may iisang flag, iisang interconnected trade, iisang tax system at iisang currency ang tinatawag na geo-political entity or bansa…

      parang ang sad ng trajectory, hano? para ma-arrest ang trend, ang ginagawa usually ng national leadership or government, may interventionist policies na tinatawag. maaring in the form ng land reform – namimili ng lupa para ipamigay, para i-tilt ang balance in favor ng mga mamamayang dependent sa lupang halos walang-wala sa buhay…

      o. kaya, parang ‘yong ginagawa sa agriculture sa U.S. – subsidized ang prices ng harvests or produce nila roon at ang daming loan windows para sa farmers (to encourage people to go into agri) and usually, may moves din ang gov’t to ensure na may siguradong market ang crops ng rural areas. that way, farmers are encouraged to plant and to breed (animals). kumbaga, the gov’t shares the risks ng farming… kasi, farming is one of the highest risk and disater-prone na larangan o hanapbuhay.

      dito sa atin, ilan na lang ang rich farmers… mostly ay kapos na magsasaka who are atubili to take the risks dahil sa kawalan ng insurance at sa dami ng bagyo, peste at risk ng tagtuyot. pwedeng ma-wipe out ang kabuhayan ng isang pamilyang magsasaka sa isang season lang na mag-fail ang expected harvest… so, kumbaga, must na dagdagan ang kanilang pisi, para di patuloy dumami ang nag-e-exit sa farming.

      of course, one can say that US and Japan (may mga kapareho sa Japan at Korea ang ginagawa ng US sa agri nila) are rich countries and can very well afford to protect and baby their agri sector. which, poor countries like the Philippines cannot afford, yes… but then, kailangang may gawing intervention. otherwise, pupunta nga roon sa sinasabi mong palalang pagdarahop sa nayon habang papaunlad nang papaunlad at pa-high tech ang cities… pero may pagka-ganoon na yata rito sa atin sa ngayon? ahaha…

      salamat for your intelligent question. pasensya naman sa mahabang sagot, kapatid. and thanks for going through the post, ha… ingat ka, Pot. have a good week.πŸ™‚

      Tugon

  5. kung titingnan, ang layo na nag narating natin pagdating sa teknolohiya. pero ang napakabasic na problema natin sa kahirapan…”classic na classic”. di nagbabago. sira parin ang mga daan, wala paring makain. wala pang txt noon, wala pang internet noon, wala pang ipod noon ngayon meron na lahat yan..pero pareho parin.wala paring makain.

    Tugon

    • hello, blessedpixel… salamat sa pagdaan, sa pagbabasa at sa comment, ha…πŸ™‚ hmn, paano ba… yes, malayu-layo na nga ang sinasabing technological advancements. pero problema pa rin yong sabi mo – food security, nutrition ng nakararami… sabi kasi, allocation of resources daw ang problema ng mga tao. na mag-high tech man, inequitable pa rin ang distribution. kahit may ipod na, di naman ipinamimigay o ibinabahagi ng mga mayroon ang resources nila sa starving people. ayon yata …πŸ™‚

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: