Hindi na maputik ang daan sa amin, part 6

 

Hello, mga ka-blogs! Nag-umpisa ang kwentuhan natin sa typical features ng isang bayan sa Pilipinas – may munisipyo, gasolinahan at ice plant. Idagdag pa ang simbahan. Lagi nga namang may simbahan sa bayan… At mahalagang landmark ito  ng lugar, oo. Ang biruan nga, magkatapat daw parati ang simbahan at ang munisipyo sa bayan dito sa atin – nagtatanungan daw ang dalawang institusyon – magkano na ang koleksyon ng bawat isa, haha. Sa biruan ‘yaan…🙂

 

Image of a chart depicting balanced approach to development

May adhikaing balance and harmony daw ang pag-unlad/ http://www.publicadministration.net

Ang sinisilip natin sa talakayan, kung mabagal nga ba ang pag-unlad sa Pilipinas… Kung nasa lugar ba ang assertion o reklamong “atrasado” ang mga barrio o villages na baku-bako ang mga daan? Maari ring silipin – malaki ba masyado ang pagkakaiba o distansya ng mga bayan sa mga nayon o baryo – dito sa atin? May magagawa ba para mas paglapitin ang dalawang entities? Paano nga ba pabibilisin ang ugnayan ng dalawa at paano papapasukin ang pag-unlad sa mga kanayunan sa bansa? Sa mas malayu-layo na, ngunit lapat na perspective – paano nga ba ang pagpapaunlad ng kaparaanan ng pamumuhay o way of life ng mga taong nasa ibabang antas o nasa grassroots? Doable kaya ang mga nabanggit?🙂

 

 

Sa pag-aaral ng lipunan, maraming approaches ang ginagamit para tingnan o suriin ang pag-unlad o development. O, kaya, ang kawalan o kakulangan nito sa isang bansa…  Mayroong ang gamit na panukat ay modernization – ang kakayahan ng pamayanang magkaroon at sumabay sa mga makabagong kaalaman, teknolohiya at kaparaanan ng buhay. Sa approach na ito, pinagko-contrast ang makabago at makaluma.  Inililista, tinitingnan at sinusukat dito ang pagkakaiba o discrepancy or gap ng dalawa. Mayroon namang ang approach ay urban-rural dichotomy. Ang urb ay salitang ang kahulugan ay city. Sa approach na ito, citified ways versus rural ways… Ang mga indicators na ginagamit ay ang pagkakaroon ng palengke, eskwelahan, ospital, public transport at density ng population per square kilometer, mga ganyan…

 

Mayroon din namang nag-aaral ng pamayanang ang ginagamit na approach ay North-South dichotomy – ang pagkukumpara sa features ng Hilaga at ng Timog na bahagi ng lugar. Itong approach ay ginagamit sa pag-aaral ng ugnayan sa loob ng isang bansa at pati rin sa ugnayan sa pagitan ng mga bansa. Ang North-South approach ay isang model o prototype of development. Maari ring sabihin, isang stereotype na pagtingin… Sinasabi rito, ang Hilaga ay karaniwan daw na mas maunlad kaysa sa Katimugang bahagi. Ang Hilaga raw ay temperate ang klima samantalang ang ibaba – karaniwang tropical kundiman, disyerto.

 

Image of a street post contrasting directions of wealth and poverty

Karaniwan daw na mas mayaman ang mga nasa gawing Hilaga habang nagdarahop naman ang mga nasa bandang Timog/ wagner.nyu.edu

 

Sabi rin, ang nasa ibaba ay supplier ng raw materials habang ang nasa itaas daw na bahagi ay siyang processor ng materials at sa gayon ay kumikita ng mas malaki. Bale, sa Hilaga, karaniwang commerce and industry-based ang kabuhayan ng mga tao, samantalang ang Timog daw ay agricultural at kung minsan pa, pastoral and downright rural. Ang North daw ay progresibo at tuluy-tuloy ang gulong ng pag-unlad, samantalang ang South ay static o stagnant – pagdating sa progreso… Sa internasyunal na antas, ang sabi, ang mga tao raw sa Hilaga ay colonizers,  habang ang mga taga-Timog ay colonized people. Ang Northerners ay First World countries o kaya ay Second World, habang ang Southerns ay Third World people.

 

Mayroon ding approach sa Social Science na kung tawagin ay core-periphery. Sa analysis na ito, ang mga metropolis daw ng isang bansa ang core, habang ang outskirts ang periphery. Bale, ang isang lugar daw ay may mga regions na importante – centers –  at may mga rehiyon namang auxillary or supplemental lamang. Sabi rito, ang development daw ay karaniwang nag-uumpisa sa trading centers at mag-i-spread away from it – across the sub-regions or outskirts… Ang approach na ito ay di tinatangkilik ng karamihan. Sabi sa mga pag-aaral na nailathala –  hindi nangyayari o  napakabagal ng pagkalat ng development and modernization mula sa sentro patungong outskirts. Iniimbak at sinosolo raw ng mauunlad na cities ang pag-asenso, sa napakahabang panahon at halos walang pag-unlad na dumadaloy sa mga kalapit na bayan at bukid.

 

Image of people climbing up the stairs

Mas accurately raw nasusukat ang pag-unlad ng tao gamit ang HDI approach kumpara sa pagsukat gamit ay simpleng GDP per capita / http://www.distinctiveleadership.com.au

Ang internasyunal na institusyon ng United Nations (UN),  ang gamit ay ang approach na human development index (HDI). Dito, may basket of indicators na siyang panukat sa pagkakaroon ng pag-unlad ng isang bansa o grupo ng mga tao. Ang nilalaman ng HDI ay life expectancy o tagal ng buhay, edukasyon at income indices (gross national income at purchasing power parity per capita). Layon ng HDI approach to development na i-pokus ang pag-unlad sa tao o ang pagtataguyod ng people-centered policies, kaiba sa dating mas technical and economics-centered na approach. Ang luma o dating approach, mas hawig sa gamit ng mga technocrats –  GDP per capita ang laman at nakadiin  sa pagkakaroon o kawalan ng infrastructures sa bansang sinusukat.

 

 

Matatagal na nga ba ang mga bayan-bayan sa Pilipinas? Gaano na sila kagugulang? Makatarungan bang ikumpara ang mga kabayanan dito sa atin sa mga bayan-bayan sa Europa, halimbawa, mga pamayanang anim na raan hanggang isang libong taong gulang na? Ang bayan ng Unisan, Quezon kilala dati bilang Kalilayan – ang pinakamatandang bayan daw sa Pilipinas – itinayo bago pa dumating ang mga Kastila. Ang susunod sa listahan ay ilang piling lugar sa probinsya ng Cebu, kung saan unang nag-settle ang mga Kastilang mananakop – higit 400 taon ang nakakaraan.

 

Image of a street post denoting past, present and future

Mas mabuti kung makikita ang ugnayan ng nakalipas, kasalukuyan at hinaharap ng lipunan/ http://www.hr.unimelb.edu.au

 

Ang kasunod ay ang mga trading centers, walled towns and cities na itinayo pa rin ng mga kaparian – mula huling kwarto ng 1500s hanggang sa sunod na siglo. Maaring silipin ang kasaysayan ng ilang piling bayan sa bansa – mga naging seats ng Spanish government, hometowns o home cities ng mga obispo at mga naging sentro ng kalakalan  – sa Maynila (Intramuros area), sa Cebu,  sa ilang bahagi ng Kabisayaan, tulad ng Bacolod, sa ilang bayan sa Bicol region, sa Lipa, Batangas, sa ilang bayan sa Cavite at Laguna, sa ilang bahagi ng Bulacan, Pampanga at Tarlac,  sa Ilocos Norte at  sa Lalo, Cagayan…

 

Siyanga pala, may mga nagsasabing ang Jolo, Sulu ay isa rin sa mga naunang bayan dito sa atin – pre-Spanish times  settlement and early cradle of civilization sa bansa raw ang nasabing bayan. Panahon pa raw ito ng Bornean, Chinese and Dutch trades…

 

Mga ka-blogs, ini-encourage kayong magbahagi sana ukol sa nalalaman ninyong oldest towns sa bansa – kung saan naipundar ang mga unang habi ng sibilisasyon dito sa atin at unang na-establish ang mga gawi ng indigenous life.  Alin-alin ang oldest towns dito sa atin, sa pagkakaalam ninyo? Mauunlad ba sila sa kasalukuyan?🙂

 

4 responses to this post.

  1. napaka-informative ng post na ito…ganitong ganito nga yata ang sitwasyon sa pilipinas kung saan umaasenso at namo-monopolya ng hilaga ang yaman at mabagal na naibabahagi sa katimugan ang pagpapala.

    pero sa ibang bansa naman ay hindi yata laging sa hilaga ang nagiging maunlad. gaya na lang ng japan at korea, okay wag na lang korea, australia na lang🙂

    yung bayan ng nanay ko sa eastern samar, isa pa rin sa mga pinakamahirap na probinsya sa pilipinas hanggang ngayon pero isa ito sa mga pinakamatandang naitatag na bayan sa kasaysayan natin.

    Tugon

    • hello, RP… salamat for reading, ha… btw, prototype ang North-South dichotomy. kumbaga, as a rule, ganoon… pero may exceptions din… paano ba? dito sa Pilipinas, 16 out of 25 na pinakamahirap na municipalities, nasa Mindanao, sa ARMM yata. South ‘yon, di ba? Bicol is in the South, matagal naging seedbed ng insurgency dahil marami raw pook doong sobrang hirap ng buhay. but I went to Bicol last year at ang mga sentrong nakita ko, nagandahan me, ahaha. anyway, sentro ang mga iyon and di naman ako nakagala ng malayu-layo. so, hwag muna ‘yon…

      punta tayo sa Isabela. matagal ring malakas ang insurgency sa said province, marami rin daw mahihirap doon. ganoon din sa katabing Cagayan. both of them, nasa North – northernmost nga halos. btw, I used to frequent Cagayan Valley region 10 years ago or so… pag nagbyahe ka ng 3hours or more from Tuguegarao City, ibang-iba na ang antas ng pamumuhay na makikita – some barangays, parang pang 1970s pa ang buhay (pati fashion, ang sama…) pero year 2000 and above na noon, ha… so, doon sila sa exception, nasa North pero 450 kms away from the center – Metro Manila.

      medyo nakaikot na rin ang lola mo sa Central Luzon and bandang Abra-Nueva Viscaya, Baler and parts of Quirino. ang cities nila, citified ang appearances, as in. pero pag nagbyahe ka ng two hours away – very rural na ang scenes na makikita mo – parang antas ng 1980s na pamumuhay, lalo na sa kabukiran. kasabayan ng sasakyan nyo sa highway ang mga kuliglig at paragos na papuntang bukid. pero, ang gaganda ng mga munisipyo at city halls, hihi. nakaka-impress. ang mga mayayaman sa localities, mukhang well-off, disente, kasabay halos ng standard of life ng mayayaman sa maynila or even better.

      so, what am driving at, medyo malaking problema talaga sa bansa natin ang gap ng have and have not – ang usapin ng appropriation ng resources… ang mga maykaya, hindi nagsi-share, ahaha. kino-concentrate ang wealth, resources and power sa mga dati nang mayroon. sa probinsya, kitang-kitang ang maypera, sila ang may-ari ng halos lahat-lahat sa locality. as a rule, medyo ganyan sa atin. ayon ang malungkot…

      sa Political Science, medyo special case ang Samar, particularly Eastern Samar, sa pagkaalam ko… ito ang province na historically, hindi nawawalan ng conflicts. dyan ang 100 years war nina Dagohoy, tama? joke sa analysts na industriya na raw ang gera sa Samar, sadly… ang hirap pag pirming may gera, hindi makapag-build, hindi rin makapag-regularize ang buhay, ayon… several parts ng Mindanao, ganyan din – seat ng insurgency, terrorism and clan wars or rido (ubusan ng lahi). poorest municipalities ang marami sa mga iyon. pero magtataka ka, kasama sa top 100 richest parati ang congressmen from those places, sabi sa balita… ayon. ahaha, cheers pa rin!🙂

      Tugon

  2. Hindi ko alam kung ano pa ang mga maunlad na bayan sa pinas since lumaki ako sa maynila… Pero marami akong natutunan sa post na ito.. Ang husay mo san!! Hello sa iyo! Ingat ka palagi! *kaway-kaway#

    Tugon

    • hello, Pot… ahaha, manilenyo ka nga pala… salamat for appreciating the write -up. at malaking hello sa iyo, sana ay nasa maigi ka…ingat ka rin, kaway, kapatid. have a relaxing weekend…🙂 maulan dito ngayon…

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: