Hindi na maputik ang daan sa amin, part 4

 

Kumusta, mga ka-blogs? Papalaot pa rin tayo sa ating kwento. Pasensya naman, kung pampadugo pa rin ng ilong… Interesting din sa isang banda ang mag-aral ng lipunan, oo. Ahaha, may salespitch talaga?πŸ˜‰

 

Image of an unpaved road in a barrio in the Philippines

Malalayo ang pagitan ng mga bahay sa mga liblib na lugar/ http://www.squidoo.com

Sa nakaraang post, natalakay ang basics of governance – peacekeeping or common security, public roads, health, pagdalo sa assembly and common cultural practices or social rituals – sa isang pamayanang nag-uumpisa pa lamang. Basics of society na rin, pag sociological ang pagtingin…Na-discuss ring closely-knit ang mga tao sa ganoong setting, maliit pa lang ang bilang ng mga kasapi at halos magkakakilala pa lahat. Sa gayon, ang natural tendency ng mga tao, gawin ang ginagawa rin ng mga kasama. Hindi wise sa gayong sitwasyon ang umiba o mag-iba ng kilos at pagpapasya. Halos pare-pareho ang ginagawa, ang buhay na hinahabi at ang pagpapahalaga ng mga miyembro sa nag-uumpisa o frontier society.

Sa ating paglalarawan, pelikula ang materyal na ginamit. Bakit? Sapagkat sa Pilipinas, kahit ang napakalalayo at liblib na lugar – sitio o barangay – Β di na bababa sa 100 taon ang edad o gulang. Kumbaga, matagal-tagal nang settled ang mga naninirahan at hindi na istriktong masasabing frontier pa… Pag sinabing frontier, naghahawan pa lamang ng kagubatang matitirhan, matatamnan, mapagpapastulan at mapamumuhayan. Babago pa ring naglalatag ng mga social infrastructures o batas, kalakaran at mga gawing ipatutupad at susundin ng mga nakatira sa komunidad. Sa ibang salita, babago pa lang itinatayo ng mamamayan ang sibilisasyon sa lugar… Hindi na ganito ang mga nayon sa Pilipinas – lalo pa at marami sa mga barangay ay nag-umpisa noong panahon ng mga Kastila – 200 hanggang 400 taon na ang nakakaraan.

 

Image of a traditional hut in rural Philippines

Simple ang pamumuhay sa nayon ngunit tila mabagal din ang pasok ng pag-unlad/ http://www.philippine-real-estate.net

 

Ang nayon sa Pilipinas, mas kilala sa tawag na barangay. Basic unit ng society natin. Village ang pangkaraniwang tawag Β sa Literature. Ang kahulugan nito ay munting pamayanan. Village din ang tawag sa Chinese, Japanese at Indian Literature, sa pagkakaalam ko… Sa Europa, ang tawag nila Β – country. O, kaya, outskirts. Pag minsan, countryside… Wari, gamit yaon para pag-ibahin ang bukid sa sentro o sa bayan at lalo pa, sa lungsod. Sa Europeans noon, karaniwan sa mga maykaya sa buhay, may bahay na malaki o villa sa countryside at may apartment naman sa city. Bale, pag winter, umaalis sila sa probinsya at tumutungo sa cities o nagbibyahe sa abroad. Ang mga tagalunsod naman kapag summer, nagbabakasyon sa bahay nila o bahay ng kaibigan nila – sa countryside… Sa period films, English or French, may ganito – sa Little Women, Pride and Prejudice, Age of Innocence at iba pang maborloloy na European films, ahaha.

 

Image of a traditional house in a barangay in rural Philippines

Ganito ang karaniwang bahay sa mga barangay sa rural area sa Pilipinas/ http://www.internetphilippines.com

Baryo ang isa pang tawag natin sa nayon. Mula ito sa salitang Espanyol na barrio. Barrio rin ang tawag sa village sa Latin American countries na nasakop ng mga Kastila noong araw – sa Mexico, sa Puerto Rico, Cuba at iba pa. Syanga pala, ang mga nabasa kong panitikan sa pag-a-adjust sa buhay-lungsod, karamihan ay sinulat ng Mexican authors na nag-migrate sa Amerika. Tila maraming pagkakahawig ang Mexican at Filipino cultures, dala marahil ng napakahabang taon ng impluwensyang Espanyol sa parehong grupo ng tao… Sa pagkaalam ko, panahon ng pamahalaang Marcos tinawag na baranggay ang baryo. Ginawa raw para kilalanin ang balangay, basic unit ng ating lipunan bago dumating ang mga Kastilang mananakop. In-adopt ito sa buong kapuluan. Marahil, may advantages – political monitoring, administrative ease (para mas madaling i-monitor ang health centers at mga baryong wala pang assigned na guro) at para sa pagpapabilis ng basic services tulad ng mails at population survey.

 

Isa sa highlights ng discussion natin sa nakaraan, ang rough roads palabas at papasok sa loob ng mga baryo. Tila baga staple na ng pamumuhay sa liblib na lugar, default menu, kumbaga, ang madalang at siksikang pagbibyahe papunta sa bayan at pabalik. Pag sa baryo nakatira, pangkaraniwan at tanggap na ng mga tagaroon ang ganito. Pero para naman sa mga nakatira na sa labas – sa bayan at sa lungsod – tila parusa ang ganitong bagal at hirap ng transport. Pag sa mga turista – lokal man o foreigner – thrilling experience ang makasakay sa ibabaw o gilid ng umaapaw na dyip o motorsiklo habang bumibyahe sa mala-bituka ng manok na daan. May kanya-kanya yatang pagtanaw… Pero ngayong nasa ika-21 na tayong siglo, sa munti kong pagtingin o, hula, haha, kahit ang mga taga-baryo mang di pa nakakatira sa ibang lugar, may ideya na ring mas gaganda ang buhay kapag may mas maayos na kalsada at regular na byahe ng mga sasakyan.πŸ™‚

 

Image of an unpaved road in rural Philippines, 2

May iisa bang approach sa sinasabing pag-unlad? Gaano katagal at ano ang mga kailangan bago ang isang nayon ay maging bayan?/ myphilippinelife.com

 

May karugtong pa rin ito, mga kapatid. Hala, ba’t ko nga naumpisahan ito?πŸ˜‰ Sa susunod, titingnan kung maari na tayong mag-discuss ng formations ng mga bayan-bayan sa Pilipinas. Titingnan natin kung pwedeng ikumpara sa formation ng bayan sa Western setting… Ayon lang, parang kailangan ng research, ahaha. Lagot na…πŸ™‚ Ang gusto ko sanang tingnan, kung may merit ba ang claim na mabagal ang pag-unlad sa ating lipunan o nasa tamang phasing lang. Basta, titingnan natin… Sana, patuloy kayong mag-antabay. Maraming salamat.πŸ™‚

 

3 responses to this post.

  1. Ang Nakatira sa nayon o sa isang payak na lugar, nagsisidayo na sa lungsod. Mas maganda o gaganda raw buhay kaysa nasa barrio na matagal ang pag-asenso at mabagal ang takbo ng buhay…
    Saan ba maganda ang buhay sa barrio o sa city?:)

    -dito may tinatawag silang kibbutz. Rural nga bang matatawag, kasi farm ang mga ito. Ang mga tao dito sabihin ng pantay pantay ang status ng buhay, kung anong meron ka meron din sila. Hati hati sa lahat. Para silang isang malaking pamilya. Pagkapanganak ng kababaihan dito, may tagapag-alaga sa sanggol, sa ibang bahay nakatira. Doon sama samang lalaki ang mga bata at tuturuan. maaaring bisitahin ng magulang ang anak o di kaya’y may ilang oras makakasama ang anak sa mismong bahay. May kanya-kanya silang hatian ng gawain. Tulong-tulong din…

    …wala namang ganito sa atin dyan di ba?

    Tugon

    • hello, froggy… medyo matagal nang nag-umpisa ang migration from the countryside to the metropolis dito sa atin – 70s ata ang dagsa… pag-aaral ang dahilan no’ng mga maypera at sobrang kahirapan ng buhay naman sa kabukiran ang nagtaboy paalis sa iba…

      hala, dear, ikaw – sa tingin mo? you’ve experienced both, saan maganda?πŸ™‚

      i’ve heard and read a bit about kibbutz… sa pagkaalam ko, may pagka-commune style of farming. tapos, yes, common nursery and rearing ng children ang meron sila… isa pang kaibahan, very high tech and mechanized ang agriculture sa Israel, known yaon worldwide… iba yata ang pinanggagalingan ng practices nilang iyan. more than 2000 years ago pang kalinangan at paniniwala, something that we did not have in our local culture. maganda ang kanila, kung tutuusin. but i doubt the applicability nyaan dito sa atin… ^^

      salamat sa pagdaan at sa links, ha. i’ll read them up and maybe we can discuss some more, hehe. good day po.πŸ™‚πŸ™‚

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: