Hindi na maputik ang daan sa amin, part 3

 

Naikwento ko sa naunang post, ang isang bayan sa Pilipinas ay karaniwang mayroong munisipyo, gasolinahan at ice plant. Sa huling post naman, inilarawan natin ang maputik, maalikabok at baku-bakong kalsadang kadalasan ay nag-uugnay sa mga taga-baryo sa mas malaking pamayanan – ang bayan o town or municipality. Nais sanang ipakita sa mga sulatin, paano ang ugnayan ng dalawa – ang pinakamaliit na yunit at ang kasunod nito – ang mas malaki.

 

image of folks working together to dry rice in a community

Paano nga ba ang pag-unlad na naka-ugnay?/ http://www.iirr.org

 

Ang pinag-uusapan natin ay access o kawalan nito – sa mga liblib na lugar sa bansa. Sa isang banda, nais din sana nating itsurahan, kahit paano, ang sinasabing trajectory of development. Paano nga ba papasok ang pag-unlad sa isang malayo at di pa ganap na konektadong komunidad? Ang mga tao bang tagaroon mismo at lumalabas ang magdadala nito paloob o ang mga dayo, mga tagalabas na napasyal doon at naantig sa kabagalan at “pagkaatrasado” ng buhay sa nayon?

 

 

Mabalik tayo sa frontier movies na kako, siya nating clue sa mga maliliit at nag-uumpisa pa lamang na pamayanan. Maraming pelikulang ganito – ang setting ay sa lumang Amerika, sa Australia, sa Europa, sa Asya at maging dito mismo sa atin – sa Pilipinas. Kasama sila sa broad category na period films. Pag frontier ang pelikula, babago at maliit pa ang komunidad. Close-knit ang ugnayan ng mga tao sa loob, halos lahat ay magkakamag-anak.

Ang karaniwang tema sa ganitong palabas ay prejudice or deeply-held belief na liko o sobra pero, itinutulak ng nakasanayang cultural practices na siya pa ring manaig sa mga nasasakupan. Kadalasan, ang prejudice themed movies,  nagtatapos sa panununog (burning), paglipol sa mga tao, pagpatay sa isang karakter na masid ng taumbayan o kaya naman, sa paglikas ng isang pamilyang itinaboy o tinugis papalayo ng mga kasamahan.

Madalas ay malungkot, nakakapagpa-isip at nakakabuntung-hininga sa mga manonood ang nasabing pelikula. Pag minsan, may bonus na happy ending – holding hands ng mga bida habang tinatanaw ang bukas, eksena sa ilog ng dalawang batang wiser than before (noong nag-umpisa ang pelikula) o kaya, pagbitbit muli ng bag o gamit ng bidang napadaan lang – sa community (at doon ay nakasaksi ng kakaibang pangyayari) – para tumuloy sa susunod niyang pupuntahan. Ahaha, pamilyar, mga kapatid? Hala, nakanood na tayo ng ganito, wari ko…🙂

 

So, ayon. Usually, ang ipinapakita sa mga ganitong palabas, gaano kabukas o kasarado sa pagbabago ang isang grupo ng mga tao… Gaano sila kahanda sa tuwing may  papasok na bagong impluwensya – halimbawa, paggawa ng bagong tulay sa lugar, pagkupkop ng isang takas o dayo, bagong paraan ng pagluluto ng tradisyunal na pagkain, bagong paraan ng pagtatanim at iba pa. Parating may ini-introduce na bagong element na siya ring mitsa ng conflict sa istorya. Maapektuhan nito ang kilos, pananalita at mga paniniwala ng mga tao.

Ang paborito ko sa mga ganitong pelikula, ‘yong set sa fishing community. Ewan ko lang, napanood nyo ba ang Mulanay? Pelikula ito ni Jacklyn Jose, isa syang doctor to the barrios na nakisalamuha sa mga mangingisda at pamilya nila. Anyway, pag coastal o tabing-dagat ang setting, malinaw na may border, ahaha. Parang hindi man sabihin, alam agad na confined ang pamumuhay ng mga nakatira roon. Ang kailangan nilang gawin para makaalis, tumawid ng dagat at sumuong sa panganib, ahaha. At saka, parang may exit – ang laot… Pag landlocked ang setting ng pelikula, parang nakikini-kinita ko na, umpisa pa lang –  may burning at stake sa dulo o susunugin ang hut o kubo ng bida, ahaha. Pag sa Pinoy movies, may sulo ang taumbayan, pramis.😉

 

image of boats by the seashore

Ang dagat ay border at exit rin sa isang pamayanan/ thecoraltriangle.com

 

Sabi sa pag-aaral ng pamahalaan at lipunan, peacekeeping force daw ang unang itinatayo ng isang pamayanan. Bale, pagbabantay sa gabi para di makapasok ang magnanakaw ng mga hayop at ani, di mapahamak ang mga kababaihan at bata at, para ma-secure ang borders ng community. Tapos, inaasikaso rin at pinag-uusapan ng mga pampublikong daanan o common pathways para malinaw ang pagmamay-ari ng mga nakatira roon. Kasunod, ang pagkakaroon ng hilot o medicine man na siyang tatawagin sa tuwing mayroong maysakit at manganganak. Tapos, pag-uusapan ang schedule ng pulong-bayan o assembly. Ang kasunod ay rituals and practices ng mga tao – pagsamba, kasalan, handaan at iba pang mga activity na karaniwan, kasali ang lahat ng kasapi o miyembro.🙂

 

image of sustainable development

Uumpisahan muna at paandarin ang pamayanan, saka iuugnay sa mas malaki at mas marami/ therightplanet.com

May kasunod pa ito, mga kapatid. Ahaha, parang napasubo yata ang lola nyo, parang mahaba pa ang tatakbuhin ng kwento? Pambihira..🙂  Have a good weekend!  

 

7 responses to this post.

  1. oo nga ano… kadalasang napapanood kong pelikula na ganyan ang setting eh swak na swak sa description mo.. ehehehehe… hi san!! *kaway-kaway*

    Tugon

    • ahaha, nanonood ka rin ng mga ganoon, Pot? o, tanda mo – ang bahay ng bida sa small village, papalibutan ng taumbayang may dalang torch? tapos, may palitan ng dialogues. tapos, ihahagis na ang mga sulo sa kubo, haha… kumusta po?🙂

      Tugon

      • oo napapanood ko yan dati.. naabutan ko yung mga classic na palabas sa RPN-9.. kadalasan after ng eat bulaga… at sandali, masyado ng matagal ang pinag-uusapan natin, basta, na gets ko yung sinasabi mo.. ehehehehhe..

        ok naman ako.. busy lang sa work, at dumadaan ako ngayon sa matinding crisis… hindi identity crisis ah… kung ano yun ay saka ko na kukwento, relax relax lang dapat ako.. ehehehehe *kaway-kaway*

      • hihihi, nakanood rin sya ng mga gano’n. channel 9 nga saka channel 13, hakhak. meron din sa PTV4 – alam na alam, kainaman na…hehehe.

        buti na lang at busy ka kamo. you’ll have little time para seryosohin ang problema, ahihi. oo nga, ba’t ba ‘yang mga problema, parang di nauubos? pambihira…

        i wish you well, Pot. sana, malampasan mo ‘yan with grace, ahihi. kaway-kaway!🙂

  2. Naimagine ko si Huck Finn at ang kanyang bespren na si tom dun sa eksena sa ilog ng dalawang batang wiser than before. Pero hindi ko rin alam kung paano pumapasok ang pag-unlad, parang lahat ng sinabi mo malaking factor. Hakhak,

    Tugon

    • hello, batopik… ang ganda no’ng scene nina Huck Finn sa ilog, uu nga. btw, pag galing sa labas ang change, i-e-embrace ng mga tao pag handa na sila, i guess… pag hindi, doon lalabas ang resistance, even bigotry ng mga tao.

      pag taga-loob naman ng community ang nag-desire ng change, ahead sa kahandaan ng kasamahan nya, he will be repelled or ostracized, looked upon as weird. pag handa na ang mga tao sa change na ipino-propose nitong bida, he would be hailed as a local hero and revered pa nga. guess ko lang, parang gano’n, ahihi.😉 musta ka?

      Tugon

  3. […] rin sa akin ang Hindi na maputik ang daan sa amin series. Sabi, it came out too strong for some? Ay, di para manakot o para magyabang ang nasabing […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: